unang kwarter-modyul 2bnvhsmodules.com/.../2020/10/fil-8-modyul-2-final.pdf · mga epiko at...
TRANSCRIPT
Unang Kwarter-Modyul 2
Mga Talinghaga at Eupemistikong Pagpapahayag
8
Filipino
Filipino- Grade 8 Alternative Delivery Mode Unang Kwarter – Modyul 1: FB PB – 1a – C – 22 Naiuugnay ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang – bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Department of Education – Region VII – Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: [email protected]
Pangkat na Bumubuo sa Modyul
Manunulat : Gina A. Semblante, Lea R. Flores
Tagasuri : Dr. Eugenia M. Solon
Tagaguhit : Gina A. Semblante, Lea R. Flores
Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales
Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province
Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province
Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province
Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province
Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID
Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS
Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino
Unang Kwarter-Modyul 2 Mga Talinghaga at Eupemistikong
Pagpapahayag
Filipino 8
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling panitikan na tumatalakay sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
ii
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
panitikang Ang Munting Ibon na isang kuwentong- bayan. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon
sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman
mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
iii
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
iv
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Panimula
May mga makatat manunulat na lalong nakahahabi ng malikhaing mga akda kapag nakaharap
sa mga pagsubok, kasawian sa pag-ibig, kamatayan ng isang mahal sa buhay at iba pa.
Ayon kay Jose A. Bragado, madaling mahirap ang gumawa ng tula at katunayan nito, hindi lahat
ng manunulat ay nakakasulat ng tula. Marami ring makata ang hindi makasulat ng kwento o nobe (vise-
versa). Kapwa sila ay gumagamit ng mga matatamis at matalinghagang pananalita at mga
eupemistikong pahayag para ang kanilang akda mapatula man, balagtasan o maikling kwento ay
magiging kabigha-bighani o kaakit-akit bigkasin o basahin. Tinagurian din sila ng ilang manunuri na
mga malaDiyos dahil sa paglikha ng mga tila buhay na buhay na mga tauhan sa kwento lalo na sa
mga epiko at kwentong bayan.
Sa modyul na ito pag-aralan natin ang mga katangian at mga salik na ginagamit ng mga
manunulat at makata na nagpapaganda ng kanilang likha. Mapapayaman din ang inyong mga
bokabularyo dito.
Sana matutuhan mong mahalin ang mga panitikan ng mga sinaunang Pilipino lalo na sa
panahon ngayong nasa pandemya ang bansa. O, ano pa ang hinihintay mo, ituloy na natin…
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto
at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
v
Kumusta ka! Alam mo na ba kung ano ang kahulugan ng kwentong bayan at mga halimbawa nito? Nalilibang ka ba sa mga bugtong at palaisipan na napag-aralan ninyo sa unang modyul? Nilalaro nyo ba ito kasama ang inyong buong pamilya? Mabuti naman kung ganoon.
Sa araling ito, malalaman ninyo ang mga bagay na nagpapaganda sa mga
salawikain, sawikain, tula, balagtasan, alamat, epiko at maikling kwento.
Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag
na ginagamit sa tula, balagtasan, epiko, alamat at maikling kwento ayon sa
kasingkahulugan nito at kasalungat nito.
Mga Inaasahang bunga:
• Nakabubuo ng isang diyalogo gamit ang eupemistikong pagpapahayag o idyoma
• Nasasabi ang kahulugan ng mga matatalinghagang salita at mga idyoma na
ginagamit sa tula, balagtasan at maikling kwento; alamat, epiko
• Natutukoy ang mga kahulugan ng mga pahayag eupemistikong ginagamit sa
usapan.
Paunang Pagtataya
Subukin ko ang Kaalaman Mo!
Panuto: Itiman ang bilog ng tamang sagot sa mga sumusunod katanungan.
1. Mga pahayag na hindi nakakasakit ng damdamin
Eupimistiko Kasabihan
Salawikain alamat
ALAMIN
SUBUKIN
1
2. Ito ay kaisipang naglalarawan ng kagandahan ng kariktan at kadakilaan.
tula epic
balagtasan alamat
3. Ang isang tula tulad ng balagtasan ay naglalarawan ng
Kagandahan/kariktan diwa
kadakilaan talinghaga
4. Ang tula at balagtasan ay binubuo ng mga
Saknong talata
Sukat taludtod
5. Ang mga saknong ay binubuo ng
Taludtod tugma
Sukat talinghaga
6. Ito ay ang pagkakasintunog ng mga tuno sa dulo ng bawat taludtod ng saknong.
Tugma ritmo
Sukat talinghaga
7. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod ng tula
Tugma sukat
Talinghaga ritmo
8. Ito ay salik/sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula
Talinghaga ritmo
Sining sukat
9. Isang uri ng patulang pagtatalo sa pamamagitan ng pangangatwiran.
Balagtasan duplo
Juego de prenda tula
10. Ano ang tawag sa taong tagapamagitan o tagahatol sa dalawang taong nagtatalo?
Lakandiwa/lakambini medyetor
Mambabalagtas huwes
11. Sila ang taong bumibigkas sa isang balagtasan
Lakandiwa ispeker
Mambabalagtas madla
2
12. Kwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.
Epiko alamat
Kwentong bayan tula
13. Kwentong puno ng kababalaghan at may supernatural na kapangyarihan ang pangunahing
tauhan tulad ng mga super hero.
Epiko alamat
Kwentong bayan pabula
14. Ang eupemistikong pagpapahayag ay gumagamit ng mga
Idyoma Kasabihan
Salawikain Kariktan
Gawain 1.1 Panuto: Suriing mabuti ang larawan at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang mga kasagutan sa sagutang papel.
1. Kilala mo ba ang nasa larawan? Ano ang masasabi mo tungkol sa mga taong ito?
3
BALIKAN
2. Ano kaagad ang iyong nadarama o ginagawa kapag makasalubong ka ng isang pulubi? Ibigay
ang iyong saloobin.
3. Naranasan mo na bang magbigay ng limos o tulungan ang isang pulubi? Ipaliwanag.
Gawain 1.2 Pagpapayaman sa Bokabolaryo: Saliksikin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalista at ibigay ang kasalungat na kahulugan nito. Salita Kasingkahulugan Kasalungat
1. pangungulila 2. tumataghoy-taghoy 3. bantayog 4. habag 5. pagdurusa
Gawain 1.3 Basahing at unawaing mabuti ang tula, pagkatapos sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Gumamit ng sagutang papel.
Sa Isang Pulubi Salvador R. Barros
Sa labing lansangan, nang kita’y makita
habag ng puso ko’y nagbangong pagdaka,
ikaw’y nakaluhod, wala kang kasama,
tumataghoy-taghoy sa pangungulila:
larawan ng isang kawalang pag-asa’t
bantayog ng libong mga pagdurusa!
sa lagay mong yao’y ninais ko sana
na ikaw’y limusan ng abot ng kaya,
ngunit ang nangyari’y kaawa-awa ka!
Ako ma’y wala rin kahit isang pera…
1. Sa iyong palagay sino ang nagsasalita sa tula?
2. Paano inilalarawan ang pulubi sa tula?
3. Bakit nasabi ng may-akda na “kaawa-awa ka?”
4. Anong salita sa ikaapat na linya o taludtod ang naglalarawan sa salitang pangungulila?
4
Halaw sa balagtasang “Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan” Nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
5
5. Saan kadalasan matatagpuan ang mga pulubi?
6. Ayon sa tula ano ang inilalarawan ng isang pulubi?
7. Ipaliwanag ang linyang “bantayog ng libong mga pagdurusa
Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig sa paraang patula ukol sa
isang paksa
Panuto: Mababasa sa ibaba ang ilang bahagi ng balagtasan. Suriing mabuti ang akda at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gumamit ng sagutang papel. LAKANDIWA: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; Yamang di-malaman ang may-ari nito, Kampupot na iya’y paghatian ninyo. BUBUYOG: Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay Paruparo’y ibigay ng lahat; Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas. PARUPARO: kung hahatiin po’y ayoko rin naman Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; Kab’yak na kampupot, aanhin ko iyan buo o wala nguni’t akin lamang. Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang Kampupot sabihin kung sino Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo. KAMPUPOT: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit, Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog po’t Paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. PARUPARU: Dito napatunayan yaong kawikaan Na ang paglililoy nasa kagandahan.
TUKLASIN
BUBUYOG: Ang isang sanglang naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing
Gawain 1.1 Pagpapayaman sa Bokabolaryo: Saliksikin ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakalista at ibigay ang kasalungat na kahulugan nito. Ilagay ang inyong sagot sa inyong
sagutang papel.
Salita Kasingkahulugan Kasalungat
1. Nagtatalo
2. Talulot
3. Malagas
4. Paglilo
5. Kabiyak
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino-sino ang nagtatalo sa balagtasan?
2. Ano at sino ang kanilang pinagtatalunan?
3. Sino ang namamagitan sa dalawang nagtatalo?
4. Ano ang katangian ni Paruparo? Ni Bubuyog?
5. Ano ang hatol ni Lakandiwa sa dalawang nagtatalo?
6. Ano ang sagot ni Bubuyog sa hatol ni lakandiwa tungkol kay Kampupot
7. Ayon kay Kampupot sino ang kanyang kasintahan?
8. Ipaliwanag ang linyang “ang paglililoy nasa kagandahan”.
Ang alamat ay mga kwento na pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo
Kung Bakit Nasa Ilalim Ng Lupa Ang Ginto
(Buod)
Sa iyang nayon sa Baguio na kung tawagin ay suyuk, naninirahan ang mga igorot na
pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa
kanilang lugar kaya siya ang nagiging puno ng matatandang pantas.
6
Taon-taon ay nagdaraos sila ng Kanyaw bilang parangal sa kanilang mga anito. Pumapatay sila ng
baboy na inialay sa kanilang bathala, nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso nakakita siya ng isang uwak na
nakatayo lang at mapupula ang mata at hindi natatakot sa kanya. Karaniwan ang mga ibon sa gubat
ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kakaiba.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Hindi niya mawari
kung ano ibig sabihin ng kanyang nakita.
Siya’y bumalik sa nayon at sinabi niya ang mga pangyayari sa gubat. Ang sabi ng mga
pantas mag daos sila ng Kanyaw. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang
altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae ay naghanda ng masasarap na pagkain at ang mga
lalaki naman ay humuli ng isang baboy para iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit ng mga
bathala, kung ito man ay nagagalit sa kanila.Inilagay ang baboy sa altar sa itaas ng bundok-bundukan
at nagulat sila sa nangyari! Ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki, ang mukha
ay kulay-lupa na sa katandaan natakot sila.
Huwag kayong matakot dahil sa mababait kayo gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan.
Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo sa aking tabi. Pagkatapos sukluban niyo ako ng
malaking palayok. Pagkatapos ng tatlong araw bumalik sila sa bundok-bundukan at itinaas nila ang
palayok gaya ng sinabi ng matanda. Nakita nila ang isang punong kahoy na maliit, kumikislap ito sa
liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. Si Kunto ang kauna-
unahang lumapit sa kahoy at pumitas ng dahon.
Nagkaroon kaagad ng kapalit ito at bawat isa ay pumitas ng dahon. Yumaman ang mga
taga-Suyuk. Ang dati nilang tahimik na pamumuhay ay napalitan ng inggitan at kasakiman. Patuloy na
tumaas ang punong-kahoy hanggang hindi na maabot ng tingin ng mga tao, kaya napagkasunduan ng
mga mamamayan na pagputol-putolin nila ang mga sanga at paghati-hatian ang puno. Tinaga at
binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat. Nang malapit ng bumuwal ang punong kahoy,
kumidlap ng ubod-talim at kumulog ng ubod-lakas. Parang pinagsaklob ang lupa at langit.
7
Nayanig ang lupa at bumuka ang lugar na kinabagsakan ng puno. Pinagalitan sila ng
Bathala, “Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan ngunit sa halip na kayo’y higit na mag-
ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong puso. Hindi niyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag
saktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”
Pagkasabi ng katagang ito, sa harap ng mga taga-Suyok ang puno ay nilulun na ng lupa. Mula noon
nakukuha lamang ang ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.
Panuto: Basahin ang buod ng alamat at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang
papel ang inyong mga sagot.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?
2. Anong kahiwagaan mayroon ang uwak na kanyang nasalubong?
3. Ano ang idinaraos ng mga igorot kung nagagalit o natutuwa ang kanilang bathala?
4. Ano ang nangyari sa baboy na kanilang iniaalay?
5. Ano ibig sabihin ng salitang pariralang ang mukha ay kulay lupa? Ano kasalungat na kahulugan
nito?
6. Anong ibig sabihin na lantay na ginto?
7. Ipaliwanag: Parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang Epiko ay mahabang tulang pasalaysay ng pakipagsapalaran na punong-puno ng
kababalaghan ang pangyayaring nagaganap, kung saan ang pangunahing tauhan ay may
supernatural na kapangyarihan. Pinapaniwalaan na ang bawat bayan at pangkat-etniko sa Pilipinas
ay may natatanging Epiko.
8
Ang Labanan ni Aliguyon at Pumbakhayon (epiko ng mga Ifugao)
At sinabi ni Pumbakhayon kay Aliguyon,
“Aliguyon doon tayo maglaban sa dalampasigan,
Dahil ang palay naming ay halos ginto na at hinog;
Masisira ang aming palay kapag ditto tayo nagdigma.”
At sumagot si Aliguyon, “Anong masama roon?
Hindi ako aalis sa iyong palayan,
Lalabanan kita rito hanggang ang mga kawayan at mga punong alimit
Ay tumubo sa iyong palayan.”
At sinukat ni Aliguyon si Pumbakhayon,
Tiningnan niya ang mga paa nito at sinabing,
“Tila matipuno si Pumbakhayon?
Sinusubok niyang ideretso ang kulot niyang mga daliri sa paa.
Hindi kaya walang silbi ang pakikidigma
Kung pantay lang kami ng husay at lakas?”
Hinawi ni Aliguyon ang mga palay
Upang makausad sa kapatagan.
Ganoon din si Pumbakhayon.
Inihagis ni Aliguyon ang kaniyang sibat,
Deretso kay Pumbakhayon;
Matalas ang pag-iisip, nasalo
Ni Pumbakhayon ang sibat ni Aliguyon.
Sinundan ng mga mata ni aliguyon ang sibat.
Nakita niyang nasalo ito ni Pumbakhayon
Kung kaya’t pumalatak siya sa inis.
Inihagis ni Pumbakhayon ang sibat kay Aliguyon
Matalas, ang pag-iisip, nasalo
Ni aliguyon ang sibat ni Pumbakhayon.
Nakita ni Pumbakhayon ang husay ni Aliguyon
Kung kaya’t pumalatak siya sa inis
At sinabing, “Napakahusay ni Aliguyon,
9
Anak ni Amtalao!”
At inihagis nila ang sibat sa isa’t isa,
At nasalo nila ang sibat ng isa’t isa,
At naglaban sila nang matindi sa palayan;
Mula bukangliwayway hanggang tanghali,
Nasisinagan ng kanilang mga sibat ang palayan,
At sinasabayan ito ng kanilang mga sigaw pandigma,
Ang mga dalagang nanonood kay Pumbakhayon
Ay nagsisisigaw,
“Laban, laban, Pumbakhayon!
Patayin si Aliguyon! Ibigay sa amin ang kaniyang ulo,
Nang maging sariwa na ang hangin sa aming mga kabahayan!”
Tiningnan ni Pumbakhayon ang mga dalaga at sinabing,
“Magsitahimik kayo, mga magagandang dilag,
Dahil karapat-dapat na kalaban si Aliguyon;
Magkasinghusay kami.”
Nang margining ni Dangunay at Pangaiwan ang tungkol sa kanilang anak,
Umalis ang ina, puno ng kaba,
Kasama ang kaniyang sanggol na si Bugan.
Ibinalot niya ng kumot ang sanggol at itinali sa likod
At lumabas siya ng bahay
At tumawid siya sa bakuran, ng bayan,
At lumakad siya hanggang sa marating ang pader ng bayan.
Tinanaw niya ang palayan
At nakita ni Aliguyon at Pumbakhayon;
Nakita niya ang dalawa at pinaghambing ang mga ito,
Si Pumbakhayon at Aliguyon
At sinabi, “Walang mas mahusay, pantay sila sa lahat ng bagay.”
Sumimangot siya sapagkat pareho silang magaling.
Sumimangot sa nakitang palayang nauulapan ng alikabok ng digma.
Itninaas ni Dangunay ang isang bolo,
10
At nakuha nito ang pansin nina Pumbakhayon at Aliguyon.
Sumigaw si Dangunay mula sa pader
“Kayong dalawa, ano ang nakukuha niyo sa paglalaban sa palayan?
Pantay lang ang inyong lakas!
Ano pa ang silbi ng pakikidigma?”
Panuto: Basahin ang buod ng Epiko at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. A.
1. Ilarawan si Aliguyon, ilarawan si Pumbakhayon bilang mandirigma.
2. Paano mo ilalarawan ang labanang ito? Paano ito natapos?
3. Anong ibig sabihin ng salitang pumalatak?
B. Ipaliwanag:
4. Mula bukang liwayway hanggang tanghali
5. Nauulapan ng alikabok ng digma ang palayan
6. Ang palay naming ay halos ginto na at hinog
MGA TALINGHAGANG SALITA O EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG
Ang pakikipag usap sa kapwa ay tulay sa pagkaunawaan. Ngunit minsan naghahatid ito ng
hindwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakakasakit ng damdamin.
Gumagamit ito ng mga pahayag idyomatiko.
SURIIN
11
Ang Eupemistikong Pahayag ay salita na badyang pampalubagloob o pampalumay upang ito
ay hindi masama pakinggan o basahin. Kadalasan ito ay pumapalit sa mga matatalim o masyadong
bulgar o malaswang mga salita.
Mga halimbawa: Idyoma Kahulugan
Hikahos sa Buhay - Mahirap Magulang - Maraya
Lumulusog - Tumataba Balingkinitan Payat Tinatawag ng Kalikasan - Nadudumi Sumakabilang Bahay - Kabit Kasambahay - Katulong Mapili - Maarte o Pihikan May amoy - Mabuhay Ibaon sa Hukay - Kalimutan na
Panuto: Piliin ang tamang kahulugan sa idyomang sa loob ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal. a. Walang pera b. hindi natahi c. walang trabaho
2. Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto. a. Lola b. tiya c. ina
3. Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat. a. Malakas b. matanda na c. bata pa
4. Alimuom niyo naman po. a. Mabango b. mabaho c. malangsi
5. Bakit ba bahag ang buntot ka? a. Duwag b. matapang c. mabagal
PAGYAMANIN
12
6. Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo. a. Kalimutan b. alalahanin c. tandaan
7. Napakabukas ng palad mo. a. Matulungin b. mapagbigay c. mapagmahal
8. Ang aking ina ay may kapilas ng buhay. a. Kapatid b. bana c. anak
9. Bakit siya nagbibilang ng poste? a. Luko-luko b. nakatayo c. walang trabaho
10. Napaka basag ng pula mo. a. Barkadista b. luko-luko c. basagurelo
11. Huwag mo akong ibaon sa hukay. a. Isipin b. dalhin c. kalimutan
12. Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita. a. Mahirap b. mayaman c. masipag
Panuto: Bigyan mo ng pansin ang mga eupemistikong pahayag na ginamit sa usapan.
Pagkatapos isulat ang sagot sa sagutang papel at ibigay ang kahulugan nito.
Lef: Hoy! Joan kumusta ka na? Ibang – iba ka na ngayon. Halos di kita makilala para kang
hinipang lobo.
Joan: Mabuti naman naku. Oo nga eh. Napabayaan na kasi ako sa kusina, Aba iba na rin naman
ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Ang lakas ng dating mo.
Lef: Naku ha, pomoporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong
Medisina? Ikaw ang may utak klase natin noong high school tayo di ba? Malamang kayang-
kaya mo ang kursong pinangarap mo.
Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pa’y
hinangad ko na.
ISAISIP
13
Lef: Masaya akong malaman ‘yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong
pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na
iyong mararanasan.
Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.
Ano ang masasabi mo sa usapan? Nakakasakit ba sa damdamin ng isang tao ang mga salitang
ginagamit sa usapan? Maganda ba sa pandinig ang usapan?
Ang nabasa ninyong usapan ay gumagamit ng mga salitang hindi nakakasakit ng damdamin. Ang
mga ito ay tinatawag na eupemistikong pagpapahayag at ito ay gumagamit ng mga idyoma para
maganda pakinggan ang usapan.
Panuto: Sa inyong sagutang papel, bumuo ng pangungusap gamit ang mga idyomang
sumusunod:
Alilang kanin – pabahay at pakain ngunit walang sweldo
1.
Balitang kutsero – balitang hindi totoo
2.
Ahas – Taksil, traydor
3.
Haligi ng tahanan - ama
4.
ISAGAWA
14
Nag alsa ng sariling bangko - mayabang
5.
Panuto: Gumawa ng usapan gamit ang mga pahayag eupemistiko/idyoma batay sa sitwasyong
ibinigay isulat ang diyalogo sa loob ng mga lobo at lagyan ng simula at wakas ang
usapan. Kopyahin ang pormat sa isang buong papel at doon ilagay ang inyong mga
sagot.
Sitwasyon: Dalawang magkaibigan nagkita at nag kumustahan. Si kaibigan A ay mataba at
mayaman samantalang si kaibigan B ay payat at mahirap.
Kaibigan A Kaibigan B
TAYAHIN
15
Panuto: Gumawa ng sampong flashcard na may nakasulat na idyoma at may
kahulugan. Lagyan ng disenyo at kulay.
Halimbawa ng Flashcard
KARAGDAGANG GAWAIN
16
Subukin:
1. Eupemistiko 2. Tula 3. Kagandahan/kariktan 4. Saknong 5. Taludtod 6. Tugma 7. Sukat
8. Talinghaga 9. Balagtasan 10. Lakandiwa 11. Mambabalagtas 12. Alamat 13. Epiko
14. idyoma
Balikan:
1.ibat-ibang kasagutan 2.ibat-ibang kasagutan 3.ibat-ibang kasagutan
Gawain 1.2
Kahulugan Kasalungat
1.pananabik 2.dumadaing 3.monument 4.awa 5.pagtitiis
1. hindi iniisip
2. walang naramdaman 3. 4. suklam 5. matiwasay
Tuklasin: (Bulaklak ng:::)
Kahulugan Kasalungat
1.nagdebate/nag-aaway
2.petals 3.matanggal/maalis 4.pagtaksil 5.kaparis/kahati
1. nagkaintindihan 2. 3. nakadikit 4. tapat 5. buo
Balikan: Gawain 1.3 Mga katanungan (Sa isang pulubi) 1. may akda 2. nakaluhod at walang kasama 3. dahil wala siyang perang maibigay sa pulubi 4. tumataghoy-taghoy 5. iba-ibang kasagutan 6. larawan ng kawalan ng pag-asa 7. iba-ibang kasagutan
SUSI SA PAGWAWASTO
Mga katanungan (Bulaklak ng lahing
kalislinisan)
1. Paruparu at Bubuyog
2. Tungkol sa pag-ibig kay Kampupot
3. Lakandiwa
4. Iba-ibang kasagutan
5. Paghatiin si Kampupot
6. Kung hahatiin man si Kampupot
kay Paruparo na ibigay
7. Luha ng Langit, buwan at araw
8. Iba-ibang kasagutan
17
Pagyamanin: 1. Walang pera 7. Matulungin 2. Ina 8. Bana 3. Matanda na 9. Walang trabaho 4. Mabaho 10. Luko-luko 5. Duwag 11. Kalimutan 6. Tandaan 12. Mahirap
Isaisip: Hinipang lobo Tumaba Pinabayaan sa kusina May Gintong kutsara sa bibig -------- Ipinanganak na mayaman Lakas ng dating ----------------------- Sikat May utak-------------------------------- Matalino Nagsusunog ng kilay -------------------- Magdamag na nag-aaral Butas ng karayom ------------------------ Dumaan sa hirap Matamis ang Bunga------------------------Matagumpay
18
Alamat
1. Kunto 2. Pula ang mata at hindi natatakot sa tao 3. Kanyaw 4. Naging isang matandang-matandang lalaking halos kulay lupa na 5. Parang naaagnas na bangkay – bagong silang na bata 6. Walang halo, kuro 7. Iba-ibang kasagutan
Epiko
1. Malakas, maliksi, matapang 2. Walang hanggan – hininto nila ang labanan dahil pareho silang malakas 3. Saltik ng dila 4. Naabutan sa pagsikat ng araw 5. Natabunan ng alikabok 6. Handa ng anihin
Sanggunian
Aklat
Bola, Asuncion, et al. Panitikang Filipino 8 modyul para sa mag-aaral
Juban, Ailen G. et al. Pluma II. Phonix House Incorporated.
Reynaldo S. Reyes Reynaldo S,Filipino 4. Strategic Intervention Materials, EFERZA Academic
Publications.
CNU Handbook – Panulaang Pilipino, “Sa isang pulubi” pahina 149,
Internet
Google Internet Information about the lessons
Google Internet Pictures/Icons
Google.com/search? q=euprmistikong-pahayag
https://philnews.ph/2018/12/14/sawikain-30-halimbawa-sawikain-kahulugan/
https://philnews.ph/2020/02/26/eupemistikong-pahayag-ano-ito-at-mga-halimbawa/
https://restiechavez.com/ang-story-ng-pulubi-na-gustong-yumaman/
https://shuffledink.com/custom-flash-cards/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Idyoma
https://townsoftheworld.com/
19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]