unang markahan · 2020. 11. 9. · tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga...

29
1 | Page UNANG MARKAHAN Republic of the Philippines Department of Education Region III – Central Luzon Schools Division of Tarlac Province Tarlac, Tarlac ukasyon sa agpapakatao OMPENDIUM OF OTES 9 WEEK 3 TO WEEK 8 UNANG MARKAHAN

Upload: others

Post on 13-Nov-2020

6 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

1 | P a g e

UNANG MARKAHAN

Republic of the Philippines

Department of Education Region III – Central Luzon

Schools Division of Tarlac Province

Tarlac, Tarlac

ukasyon sa agpapakatao

OMPENDIUM OF OTES 9

WEEK 3 TO WEEK 8

UNANG MARKAHAN

Page 2: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

2 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 3 DATE: MELC: 3.1 Naipaliliwanag ang:

a. Dahilan kung bakit may lipunang politikal b. Prinsipyo ng Subsidiarity c. Prinsipyo ng Pagkakaisa

NILALAMAN: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity, at Prinsipyo ng Pagkakaisa

MAHALAGANG TANDAAN! Politika - ito ay mula sa salitang Griyego na politikos na ang ibig sabihin ay “ng para sa, o nag-

uugnay sa mga mamamayan.” Prinsipyo - ay ang antas ng kahalagaan ng isang bagay o gawain, kasama ang layunin ng

pagtukoy kung anong mga gawain ang pinakamabuting gawin o kung ano ang pinakamainam na paraan para mabuhay.

Subsidiarity - nagmula ito sa salitang Latin na subsidium na ang kahulugan ay “tulong”. Ito ay ipinakikita na likas sa isang panlipunang gawain ang pagbibigay-tulong o suporta sa lahat ng kasapi ng lipunan.

Pagkakaisa - ito ay pagsasamahan tungo sa pag-abot ng mga naisin.

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 1 Pampolitika

Ito ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat.

A. Dahilan Kung Bakit May Lipunang Politikal

1. Nabubuo ang Lipunang Politikal bunsod ng dami ng interes na kailangang pansinin at pakinggan, ang mga nagkakaiba-ibang pananaw, pagkakaroon ng laki ng lugar na nasasakop, at ang mga masalimoot na ang sitwasyon.

2. Ang pagsisikap na abutin at tuparin ang kabutihan para sa nakararami ang isang pang natatanging dahilan ng pagpapatakbo ng lipunan.

3. Ang pamahalaan ang nangunguna sa pagbuo at mga

gawain ng lipunang politikal.

Page 3: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

3 | P a g e

B. Prinsipyo ng Subsidiarity

Isa ito sa pangunahing kondisyon upang maging maayos ang lipunan.

Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila.

Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging hadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-ambag sa estado ng mga mamamayan ng kanilang buwis, lakas at talino.

C. Prinsipyo ng Pagkakaisa

Isa rin ito sa pangunahing kondisyon upang maging maayos ang lipunan.

Tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan samantalang ang pamahalaan naman ang magtatayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.

Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng Pagkakaisa: “May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may kailangang gawin ng mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo.”

Konseptong Dapat Malaman Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi lamang gawa ng pinuno. Ito ay mula sa ambag mula sa galing, talino at lakas ng mga kasapi ng lipunan. Dahil dito masasabing ang kaularan at pagtataguyod ng kabutihang panlahat ay kabuuang pagsisikap ng lahat ng umiiral at nakikisangkot sa lipunan.

MAHALAGANG MALIMI!

Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan. Ang pag-abot sa kaunlaran ay laging nagsisimula sa sama-samang pagkilos ng lahat at pagbuo ng sa iisang adhikain o layunin.

MAHALAGANG TUPDIN!

Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, _____________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang anak, _________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, ___________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 4: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

4 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 3 DATE: MELC: 3.2 Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, barangay, pamayanan, o

lipunan/bansa ng: a. Prinsipyo ng Subsidiarity b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

NILALAMAN: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity, at Prinsipyo ng Pagkakaisa

MAHALAGANG TANDAAN! Prinsipyo - ay ang antas ng kahalagaan ng isang bagay o gawain, kasama ang layunin ng

pagtukoy kung anong mga gawain ang pinakamabuting gawin o kung ano ang pinakamainam na paraan para mabuhay.

Pag-iral - ito ay estado ng pagiging buhay o “eksistensiya”. Kawalan - hindi pagbibigay ng tama o naaayon.

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 2 A. Pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa

1. Pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity a. Pamilya

Tumatanggap ng buwanang tulong mula sa gobyerno o ang tinatawag na 4 Ps recipient.

Programa ng pamahalaan hanggang sa lebel ng munisipalidad patungkol sa pangkabuhayan. (e.g Negosyo Kart, Job Fair, libreng training ng TESDA)

b. Paaralan

Pagtanggap ng mga mag-aaral ng libreng edukasyon.

Pagbibigay ng libreng gamit pang paaralan sa mga

batang lubos na nangangailangan.

Pagbibigay ng mga programa na tutulong sa mga bata sa wastong pagpili ng kanilang kukuhaning kurso sa senior high at kolehiyo.

c. Barangay

Pagbibigay programa para sa pangkabuhayan sa mga nasasakupan.

Pagbibigay suporta ng barangay sa mga programa ng ibat-ibang sektor na nasasakupan nito.

Page 5: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

5 | P a g e

d. Pamayanan o Lipunan/Bansa

Pagtatala o pagbibigay ng proyektong 4Ps para sa mga mahihirap.

Pagbuo ng iba pang proyekto na tutulong sa mga tao at sa pag-unlad ng ekonomiya (e.g paghikayat sa mga investors na dito mamuhunan sa Pilipinas)

2. Pag-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa

a. Pamilya Pagtutulungan sa mga gawaing bahay. Pagtulong ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak (new normal)

b. Paaralan

Pakikibahagi sa mga programa ng paaralan na may kinalaman ang mga magulang at komunidad (e.g Parenting Seminar, Brigada Eskwela, Paglilinis, Markahang pagpupulong ng mga Magulang)

c. Barangay

Pakikiisa sa paglilinis ng Barangay

d. Pamayanan o Lipunan/Bansa Ang pagtutulungan ng bawat sangay ng gobyerno sa pag-angat ng bansa. B. Kawalan ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa

1. Kawalan sa Prinsipyo ng Subsidiarity a. Pamilya

Pili lamang ang nabibigyan ng mga programa ng pamahalaan sa pangkabuhayan b. Paaralan

Kulang o limitadong ayuda sa mga mag-aaral na kabilang sa mga pamilyang nasa laylayan ng lipunan.

c. Barangay Napipili lamang ang gustong bigyan bilang miyembro ng 4Ps

d. Pamayanan o Lipunan/Bansa Ang masidhing kalakalan ng kurapsiyon sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.

2. Kawalan sa Prinsipyo ng Pagkakaisa a. Pamilya

Pagkakawatak-watak ng pamilya b. Paaralan

Kawalan ng interest ng mga magulang sa mga programa ng paaralan c. Barangay

Kawalan ng kooperasyon ng iilang miyembro ng barangay sa adhikain at mga programa ng pamunuan.

d. Pamayanan o Lipunan/Bansa Pagsusulong ng mga pansariling interest ng mga namumuno sa gobyerno.

Page 6: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

6 | P a g e

Konseptong Dapat Malaman Kailangang tupdin ang dalawang prinsipyong ito upang magkaroon ng maayos at maunlad na bansa. Dapat ang lahat ay maisabuhay sa tuwina ang mga prinsiyo ito at maging bahagi ng kanilang mga pagpapahalaga sa buhay.

MAHALAGANG MALIMI! Mahalaga ang pagtutulungan sa pag-unlad ng isang lipunan/bansa. Ang pagkakaisa ay nagmumula sa pamilya patungo sa paaralan, barangay at lipunan.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, _____________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Bilang anak, _________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, __________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 7: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

7 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 4 DATE: MELC: 4.1 Napatutunayan na:

a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.

c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).

NILALAMAN: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity, at Prinsipyo ng Pagkakaisa

MAHALAGANG TANDAAN! Prinsipyo - ay ang antas ng kahalagaan ng isang bagay o gawain, kasama ang layunin ng

pagtukoy kung anong mga gawain ang pinakamabuting gawin o kung ano ang pinakamainam na paraan para mabuhay

Pangangailangan - mga nararapat na mayroon sa tao upang siya ay mabuhay. Dignidad - ang karapatan o pagiging karapat-dapat ng isang tao na respetuhin at

pahalagahan ng kanyang mga kapwa tao.

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 1

May mga pangangailangan ang tao na minsan ay hindi niya kayang makamit kung siya ay nag-iisa lamang. May mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan natin ang pamahalaan at mga organisadong pangkat sa pag-abot ng ating mga pangarap o hinahagad sa buhay. Mga Halimbawa: 1. Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS) 2. Pabahay

3. Tulong sa mga Magsasaka at Mangingisda

R.A 11321 – Sagip Saka Act na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa

SURE Aid Program sa Nueva Ecija

4. Tulong Pinansiyal ng Department of Agriculture sa mga naapektuhan ng ASF (African Swine Fever)

Page 8: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

8 | P a g e

5. Social Amelioration Program ng Pamahalaan. Pananagutan ng Pinuno at Mamamayan

Ang lipunang politikal ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan – ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Kasama nito ang pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na maging mabuting kasapi ng lipunan.

Ang Lipunang Politikal ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layunin nito.

Samakatuwid kailangan nating gawin ang ating makakaya upang mapaunlad ang ating sarili sa tulong ng iba at ng pamahalaan. Konseptong Dapat Malaman

Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat - ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.

MAHALAGANG MALIMI!

Hindi mabubuo ang walis-tingting kung wala isang tangkay. Kailangan nating gawin ang ating makakaya upang mapaunlad ang ating sarili sa tulong ng iba at ng pamahalaan.

MAHALAGANG TUPDIN!

Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, _____________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang anak, _________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, ___________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 9: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

9 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 4 DATE: MELC: 4.2 Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at

Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (barangay), at lipunan/bansa

NILALAMAN: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity, at Prinsipyo ng Pagkakaisa

MAHALAGANG TANDAAN! Prinsipyo - ay ang antas ng kahalagaan ng isang bagay o gawain, kasama ang layunin ng

pagtukoy kung anong mga gawain ang pinakamabuting gawin o kung ano ang pinakamainam na paraan para mabuhay

Umiiral – pagkanariyan, pagkanaririto, pag-sipot, pagkadating Nilalabag – pagsalangsang, hindi pagsunod.

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 2 Pagpapanood sa mga mag-aaral ng isang GMA News TV Special na “Bayan Ko”. Maaari itong mapanood sa Youtube sa sumusunod na urf: Kabanata 1: http://www.youtube.com/watch?v=u-a3qSXv4hg Kabanata 2: http://www.youtube.com/watch?v=DCAiZClTPlg

Si Joseph Santiago ay nanumpa bilang bagong mayor ng bayan ng Lagros. Nakita niya ang kurapsyon na nagyayari sa kanilang lalawigan at ang sistemang hindi naayon sa batas. Sinimulan niya itong ayusin mula sa mga empleyado ng janilang bayan. Si Nena Santiago ay nagsimulang mag-imbestiga sa illegal na pagputol ng kahoy sa kanilang kabundukan at nakita niya na ang kanilang gobernador na si Antonio Rubio ay may pakana nito. Sinabi ni Gov. Rubio kay Mayor Santiago na ibig nyang magpatayo ng ospital sa bayan ng Lagros. Ang kontraktor ay ang kanyang bayaw, mahigpit na tinutulan ito ng mayor dahil ibig niyang dumaan sa maayos na bidding ang kontrata.

Sa panayam kay Mayor Santiago ni Ed Lingao, deretsahang inakusahan ni Santiago si Gov. Rubio sa pagkakaroon ng political dynasty. Ipinahayag din ni mayor na namatay ang kanyang ama pagkatapos nitong matuklasan ang nangyayaring kurapsyon sa pagpapagawa ng daan. Ginamit sa Gov. Rubio ang pondo sa hindi maayos na paraan. Samantala, sinubukas ni Eliza, dating kasintahan ni mayor na suhulan ito sa pagpapatayo ng ospital.

Page 10: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

10 | P a g e

Kabanata 3: http://www.youtube.com/watch?v=5UUY1RFVunA

Kabanata 4: http://www.youtube.com/watch?v=p1e7mna_2j8

Kabanata 5: http://www.youtube.com/watch?v=aw0lrE6lJdg

Kabanata 6: http://www.youtube.com/watch?v=cBDG3V-Laxl

Sa pagbisita ni mayor Santiago sa paaralang elementarya, napag-alaman niya na ito ay pinondohan ni Gov. Rubio subalit ang pera ay hindi nagamit sa tamang paraan. Sa isang forum, kasama si Gov. Rubio, Cong. Rubio at Mayor Santiago, Inilahad ni mayor ang mga katiwaliang ito sa gobernadora. Sa kabilang banda, Nagkaroon ng lihim na pagnanasa si Cong. Rubio kay Atty. Karen Canlas.

Mababa ang koleksiyon ng Jueteng sa bayan ng Lagros. Samantala, nagkaroon ng duengue outbreak sa bayan. Isa sa mga naapektuhan ay ang anak ni Liway. Nakipagkopromiso si mayor kay gobernor para sa medical assistance mula Kay Gob. Rubio, subalit pinahirapan ito ng gobernadora. Nadiskubre naman ni Nena Santiago ang mga dokumento sa illegal napagtotroso at Nakita niya na may kaugnayan ditto ang dating asawa ni Eliza Bauer. Binantaan naman ni Sylvia Rubio ang kanyang asawa sa pakikipagrelasyon nito kay Eliza.

Patuloy ang ginawang pangangalap ng mga ebedensya ng samahan para sa kalikasan ni Nena Santiago na mag-uugnay kay Gov. Antonio Rubio at sa mga kaalyado nito. Nagkaroon ng isang malagim na accidente kay Nena pagkatapos na malaman ng gobernadora ang mga ginagawa nito. Naghain ng demanda si Nena kay Gov. Rubio. Samantala, nangangambang magkakaroon ng isang matinding bagyo sa Lagros.

Nagkaroon ng isang matinding bagyo sa Lagros at ito ay nananalasa sa bayan. Dahil; sa mga anolmalyang napatunayan sa pamilya Rubio, nagkawatak watak ang mga ito. Lumabas din ang tunay na may sala sa pagkamatay ng ama ni Joseph Snatiago.

Page 11: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

11 | P a g e

Konseptong Dapat Malaman Kailangan panatilihin ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa upang maabot ang isang maunlad na lipunan.

MAHALAGANG MALIMI! Ang pag-iral at paglabag sa Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa ay dapat na nagmumula sa sarili, patungo sa kapwa at nakaakibat sa pagtulong ang pamahalaan

MAHALAGANG TUPDIN!

Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, ____________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Bilang anak, _________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, __________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 12: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

12 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 5 DATE: MELC: 5.1 Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya NILALAMAN: Lipunang Pang-Ekonomiya

MAHALAGANG TANDAAN! Katangian – naglalarawan sa isang tao, bagay, lugar, at pangyayari. Mabuti – tamang gawain na naaayon sa kabutihan ng lahat ng tao para sa kapwa tao – ang

nararapat. Ekonomiya – galing sa salitang Griyego na “oiko” (bahay) at “nomos” (pamamahala).

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 1 Ang Mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng Tao

1. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino sa kaniyang prinsipyo ng proportion,

ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. 2. Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may

angkop para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa kakayahan at ayon sa pangangailangan.

3. Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa paggawa. Hindi ang yaman at hindi

rin ang mga kagamitan na mayroon siya o wala ang humuhubog sa tao. 4. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala

ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan.

5. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.

Hindi Pantay Pero Patas: Prinsipyo ng Lipunang Pang-Ekonomiya

Ito ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa pangangailangan ng tao.

Pinangungunahan ng estado ang pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Lumilikha ito ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga may capital upang mabigyan ang mga mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa paghahanapbuhay.

Sinisikap gawin ng estado na maging patas ang mga pagkakataon para sa nagkakaiba-ibang mga tao upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan.

Kung maunlad ang bansa, higit nang mamumuhunan ang mga may kapital na siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao.

Page 13: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

13 | P a g e

Konseptong Dapat Malaman! Ang mabuting ekonomiya ay nagtataglay ng pantay at patas na pagbabahagi ng yaman ng ating bansa. Nararapat lamang na angkop ang layunin ng tao sa paggamit ng mga bagay na ito at naaayon sa kanyang pangangailangan.

MAHALAGANG MALIMI!

Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa. Nakadepende sa paggawa o sa paghahanapbuhay ng tao ang pag-unlad ng kaniyang sarili.

MAHALAGANG TUPDIN!

Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, _____________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang anak, _________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, __________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

Page 14: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

14 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 5 DATE: MELC: 5.2 Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya) NILALAMAN: Lipunang Pang-Ekonomiya

MAHALAGANG TANDAAN! Mabuti - tamang gawain na naaayon sa kabutihan ng lahat ng tao para sa kapuwa tao – ang

nararapat. Ekonomiya - galing sa salitang Griyego na “oiko” (bahay) at “nomos” (pamamahala)

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 2 Ang isang magandang ekonomiya sa bansa ay may magandang maidudulot sa buhay ng mga tao. Narito ang ilan sa mga kadahilanan:

1. Sa paglago ng ekonomiya ay mas maraming investors ang gustong mamuhunan sa ating bansa. Bilang resulta ay mas maraming trabaho ang naghihintay para sa mga tao. Halimbawa:

Pagdami ng Call Centers a. Pagdami ng mga kumpanya na may kinalaman sa teknikal, pagkain, sasakyan atbp.

2. Sa bawat karagdagang trabaho ay

nadaragdagan din ang buwis na nakokolekta ng gobyerno.

3. Nakakalikha ng magandang programa ang pamahalaan tulad ng Build, Build, Build Project. Kung saan ay nakakapagtayo tayo ng mga infrastraktura na nagagamit ng mga mamamayan. Halimbawa:

a. Paggawa ng mga daan b. New Clark City

4. Marami ang perang dumarating mula sa ibang

bansa sa tulong ng mg Overseas Filipino Workers.

Page 15: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

15 | P a g e

Konseptong Dapat Malaman Ang mabuting ekonomiya ay nakakatulong sa mga mamamayan ng bansa. Maraming mga oportunidad sa pagtatrabaho o pagnenegosyo mas mabilis ang pag-unlad ng ating bansa. Marami ang mga mamamayan ang matutulungan, mas makakabuti ito para sa lahat.

MAHALAGANG MALIMI! Malaki ang epekto ng ekonomiya sa buhay ng mga tao at sa ating bansa. Kung naibabahagi ng maayos ang mga yaman ng bansa ay nakakabuti ito para sa lahat. Hindi lamang maaabot ng iisa ang paglago ng ekonomiya ito ay makakamit sa paggawa ng maayos ng lahat para sa lahat.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunanay ang mga sumusunod: Bilang mag-aaral, _____________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang anak, _________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, __________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

Page 16: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

16 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 6 DATE: MELC: 6.1 Napatutunayan na:

a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat – walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap.

b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.

NILALAMAN: Lipunang Pang-ekonomiya

MAHALAGANG TANDAAN! Ekonomiya - ay ang mga aktibidad ng produksiyon at pagkunsumo na nagpapasiya kung gaano kakulang ang mga mapagkukunan sa isang lugar. Pag-unlad - o pagsulong, pagbabago mula sa hamak na kalagayan patungo sa pinakamataas na estado ng buhay.

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 1 Mga Katangian ng isang lipunan na may mabuting ekonomiya

1. Ganap na industriyalisasyon 2. Magaling at maayos na produksiyon ng ating agrikultural na sektor 3. Mataas na kita ng bawat indibidwal 4. Mataas na lebel ng teknolohiya 5. Mabuting kalusugan ng mga mamamayan 6. Mataas na lebel ng kaalaman 7. Malaking bahagdan ng mga mamamayan ang may trabaho 8. Kontrolado ang paglaki ng populasyon 9. Magaling at maayos ang pangangasiwa ng pamahalaan 10. May positibong pananaw ang mga tao

Konseptong Dapat Tandaan!

Ang Estado ang nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan upang masiguro na makamit ang mabuting ekonomiya sa bansa. Mapapatunayan na mabuti ang ekonomiya kung walang sobrang mayaman at maraming mahirap.

Page 17: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

17 | P a g e

MAHALAGANG MALIMI!

Sinisiguro ng pamahalaan na maging isang malaking tahanan ang bansa – isang tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan, huminto, manahimik, pumanatag ang bawat isa sa pagsisikap na mahanap ang kanilang mga buhay. Ang pag-unlad ay dapat para sa lahat.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, _____________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang anak, _________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, ___________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

Page 18: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

18 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter)

WEEK: Week 6 DATE: MELC: 6.2 Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/pamayanan, at

lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop) NILALAMAN: Lipunang Pang-ekonomiya

MAHALAGANG TANDAAN! Dokumentaryo - isang uri ng video clip na kung saan ang mga kwento ay tungkol sa mga totoong tao o pangyayari na nangyari sa tunay na buhay. Kapanatagan - katahimikan, katiwasayan, o kapalagayan ng loob.

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 2

1. Panoorin ang dokumentaryo tungkol sa ekonomiya ng bansa. https://www.youtube.com/watch?v=-oyG3HO2g3s&t=29s Basahin: 15 taon ng naglilinis ng daan (Street sweeper) si Lolo Romeo, 74 na taong gulang at nung nakaraang taon ay pumasok na rin sa ganitong trabaho ang kaniyang asawa na si Lola Yolanda, 70 taong gulang. Sa isang buong buwan ay kumikita lamang sila ng 1,200 o katumbas na 40 pesos kada araw. Upang makadagdag sa kanilang pangaraw-araw ay nangangalakal na sila ng basura. Mayroon silang tatlong anak na may sari-sarili ng pamilya at kung minsan ay inaabutan sila ng kaunting pera ng mga ito. Sakto lamang nanakakaraos sila sa kanilangpagkain kaya iniisip nila kung saan sila kukuha ng pambili ng gamot kapag sila ay nagkasakit. “Okay lang sa akin kahit mahirapan ako, basta ba kumita lang ako kahit na kaunti lang,” sabi ni Lolo Romeo. Sa inilabas na 10-point economic agenda ni Pangulong Duterte, kabilang sa nakikita nilang solusyon para maisakatuparan ang inclusive growth sa bansa ay ang pagpapalakas ng agrikultura at pagpapaunlad ng mga rural areas, pag-iinvest at pagpapaunlad sa ating health and education system at ang pagpapabuti ng ating social protection program kabilang na ang conditional cash transfer program ng pamahalaan.

2. Panoorin ang dokumentaryo tungkol sa barangay Recodo sa Mindanao at ang kanyang ekonomiya.

https://www.youtube.com/watch?v=6aMpkFk2GtU Basahin: “Ang Ekonomiya ng Barangay Recodo” Nakapanayam ng mga mag-aaral ang unang kagawad sa barangay Recodo na si Kagawad Nestor Yusup at binigay ang mga impormasyon na dapat nilang malaman. Ang Recodo ay naging barangay by virtue of commonwealth act no. 39 since 1937 at kilala din bilang isang ship building and repair barangay. Dito umaano ang pinakacentro ng pagawaan ng barko noon at pinakasikat sa kabuuan Zamboanga. Kaya naman ditto nakilala ang Barangay

Page 19: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

19 | P a g e

Recodo. Maraming proyekto ang isinusulong at ginagampanan ng barangay tulad na lamang ng pagsesementado sa mga daan, programa sa mga mag-aaral at kabataan at maging sa “war on drugs” na programa ng pamahalaang Duterte. Kasama rin ditto ang 4P’s na programa para sa mahihirap na ayon kay Kagawad Nestor ay ibinahagi na muli sa mahihirap lalo na sa mga Indigenous people na kabilang sa kanilang barangay. Nagpatunay sa pag-angat ng ekonomiya sa Barangay Recodo ang patayo ng mga kumpanya na siyang nagbibigay trabaho sa mga mamamayan nito. Katulad na lamang ng pagtayo ng mga factory ng sardinas na nauna sa recodo at sinundan lamang sa ibang lugar. Dahil ditto ay pakaunti ng pakaunti ang mga magsasaka at mangingisda dahil ang Recodo ay kasale sa industrial zone ng west coast. Dahil sa pag-unlad ng ekonomiya ng Barangay Recodo ay sinabi ni Kagawad Nestor na lahat ay matulungan para sa kanilang ikauunlad lalo na sa mga kabataan na makiisa sa mga aktibidad sa barangay at magbahagi ng kanilang mga opinyon. Dapat ang lahat ng sector (kabataan, senior, pwd at matanda) ay magtulungan. Ngunit sa kabila ng paglago ng kanilang ekonomiya ay may mga mamamayan parin na nananatiling mahirap at hindi naaabutan ng tulong. May mga mamamayan na hindi nararamdaman ang sinasabi na gumaganda ang kanilang ekonomiya. Konseptong Dapat Tandaan! Ang lipunang ekonomiya ng bawat barangay ay hindi magkakatulad, may mahirap na lipunan at may mayamang lipunan. Nagpapatunay ito na ang pag-unlad ng lipunan ay hindi pantay-pantay na nararamdaman ng mga mamamayan.

MAHALAGANG MALIMI! Mahalagang magkaroon ng maunlad at magandang lipunang pang-ekonomiya upang magkaroon ng kapanatagan ang mga tao sa kanilang pamumuhay at sa tinutuluyan nilang lipunan.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, ____________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ Bilang anak, ________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, __________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

Page 20: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

20 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 7 DATE: MELC: 7.1 Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na

ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihan panlahat NILALAMAN: Lipunang Sibil, Media, at Simbahan

MAHALAGANG TANDAAN! Lipunang Sibil - ang kusang loob na pag organisa ng mga indibdwal na kasangkot sa lipunan at

sama-samang pagtugon at pagtataguyod sa likas-kayang pagunlad. Gampanin- tumutukoy sa tungkulin, papel o hanapbuhay na kung saan kaakibat nito ang

responsibilidad na kailangang gampanan ng bawat isa sa atin. Makamit- makuha ang inaasam Kabutihang Panlahat- ito ay ang tunay na tunguhin ng lipunan, tumutukoy ito sa kabutihang

naaayon sa moralidad ng tao sa Likas na Batas Moral

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 1

A. Ang LIPUNANG SIBIL: 1.1. Ang lipunang sibil ay kusang inorganisa ng mga

taong naghahangad na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na pakikinabangan ng lahat na hindi naibibigay ng pamahalaan.

1.2. Hindi ito isinusulong ng mga politiko na maaaring may pansariling interes.

1.3. Hindi rin ito isinusulong ng mga negosyante na ang interes lamang ay ang mapanatili ang kita.

1.4. Ito ay ang pagtanggap sa katotohanang hindi natin magagawa o makakaya ang lahat dahil tayo bilang umiiral na indibidwal sa lipunan ay may taglay na limitasyon o kahinaan kaya sa tuwina ay kinakailangan natin ang tulong ng iba.

B. Ang mga halimbawa ng Lipunang Sibil at mga papel na ginagampanan nito.

1. Media 1.1. Ang pangunahing layunin ng media bilang isang

anyo ng lipunang sibil ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.

1.2. Tungkulin ng media ang pagsasabi ng katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng kilos.

1.3. Mga halimbawa ng Media a. Diyaryo b. Radyo c. Telebisyon d. Pelikula

Page 21: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

21 | P a g e

e. Internet (Facebook, Twitter, Instagram, Google, YouTube, at iba pa) 2. Simbahan

2.1. Ang pakiramdam ng kakulangan sa kabila ng kariwasaan, ng kalungkutan sa kabila ng tagumpay o ng pagiging mag-isa sa kabila ng pagkakaroon ng kaibigan ang nag-uudyok sa tao upang mag-organisa ng samahang pumupuno sa

kanyang kalooban ng kaligayahan at kapanatagan. 2.2. Ang paghahanap ng isang makabuluhang pag-iral sa piling

ng Banal at Makapangyarihan ay nabubuo ang pangrelihiyong institusyon.

Konseptong Dapat Malaman Dapat malaman ng tao bilang kasapi ng kanyang lipunang ginagalawan na siya ay umiiral ng may pananagutan sa kanyang sarili at kapwa. Katulad ng binanggit sa awiting likha ni Fr. Eduardo Hontoveros na pinamagatang” Pananagutan”; “walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Ang lipunan ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatid sa isang hibla ay sapat na para masira ang kabuuan nito.

MAHALAGANG MALIMI! Mahalaga na ang pakikisangkot ay nagtataguyod ng kabutihang panlahat. Sapagkat ang ikabubuti ng lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa sa atin, hindi maiaalis ang patuloy nating pagmamalay sa paanyaya ng bawat nakatatagpo nating nakikiusap na, “Paki lang”.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, _____________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang anak, ________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, ___________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

Page 22: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

22 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter)

WEEK: Week 7 DATE: MELC: 7.2 Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos

tungo sa kabutihang panlahat. NILALAMAN: Lipunang Sibil, Media, at Simbahan

MAHALAGANG TANDAAN! Adhikain- hangarin o layunin Lipunang Sibil - ang kusang-loob na pag-organisa ng mga indibdwal na kasangkot sa lipunan at sama-samang pagtugon at pagtataguyod sa likas-kayang pag-unlad. Kabutihang Panlahat- ito ay ang tunay na tunguhin ng lipunan, tumutukoy ito sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao sa Likas na Batas Moral

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 2 1. MEDIA

1.1. Ang media ay pinaglalagakan ng katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng lahat.

1.2. Hindi ikabubuti nino man ang kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan.

1.3. Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na

nananalasa, kundi isang pag-ibig na lumilikha (Papa Juan Pablo II, 1999).

2. SIMBAHAN

2.1. Sa pagiging mananampalataya ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa katunayan naisasabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan o pagtugon sa tawag ng paglilingkod o panawang ng marami ang “paki lang”.

2.2. Sa pamamagitan ng mga lider-simbahan at iba pang kasapi ng Simbahan, nailalagay natin sa mas mataas na kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating tinatamasa. Hindi ka nag-iisa sa iyong pananampalataya.

3. Katangian ng iba’t ibang anyo ng Lipunang Sibil.

3.1. Pagkukusang-loob - walang pumilit o nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot.

3.2. Bukas na Pagtatalastasan - walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin.

3.3. Walang Pang-uuri - hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga

Page 23: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

23 | P a g e

kasapi. 3.4. Pagiging Organisado – bagama’t hindi kasing-organisado tulad ng estado at

negosyo, patungo ito sa pagiging institusyon. Konseptong Dapat Malaman Dapat malaman ng bawat isa na ang lipunang ating ginagalawan ay binubuo ng bawat indibidwal na naglalayong maging bahagi ng pag-unlad nito at pag-abot sa isang makabuluhang buhay na binalot ng katotohanan at pagmamahal.

MAHALAGANG MALIMI! Kalikasan ng tao na siya ay humanap ng kanyang makakasama o makakalakbay kaya sa tuwina siya ay naglalayong makapag-organisa ng samahang lumilinang sa kanyang pagkatao. Ang pakikisangkot ng tao sa anumang anyo ng lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan sa lipunan. Sa kabilang banda ang pagwawalang-bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili, kung hindi man ay nakapagpapalala ng mga suliraning panlipunan at hindi nagsusulong ng kabutihang panlahat.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod:

Bilang mag-aaral, ____________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang anak, _________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, ___________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

Page 24: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

24 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 8 DATE: MELC: 8.1 Nahihinuha na:

a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad.

b. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya.

c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling pagkukusa.

NILALAMAN: Lipunang Sibil, Media, at Simbahan

MAHALAGANG TANDAAN! Lipunang Sibil- ang kusang loob na pag0oorganisa ng mga indibidwal na kasangkot sa lipunan

at sama-samang pagtugon at pagtataguyod sa likas-kayang pag-unlad. Ulira- walang kasama o naiwan Lipunan- mula sa salitang “lipon” na nangangahulugang pangkat, kinabibilangan ng mga

indibidwal na patungo sa isang layunin o tunguhin Ekonomiya- mga aktibidad ng produkssyon at pagkonsumo na nagpapasiya kung gaano

kakulang ang mga mapagkukunan sa isang luagr Media- mga pinagsamang mga pagpapalabas o kagamitan a ginagamit sa pagtala at

paghahatid ng impormasyon o datos

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 1

Mga ilang halimbawa ng mga organisasyon at mga adbokasiya na nagpapakita ng kahalagahan ng Lipunang Sibil, Media at Simbahan sa ating lipunan.

A. Lipunang Sibil

1. Gabriela Movement – samahang nagtatanggol sa Karapatan ng mga Kababaihan

2. Mga Non-Government Organizations (NGO) – mga organisasyon na naaayon sa batas na binuo ng mga pribadong tao na hindi sumasali o kumakatawan sa pamahalaan.

3. Mga Charitable Institutions – mga organisasyon na

tumutulong sa mga nangangailangan.

4. Alliance of Concerned Teachers ACT – isang organisasyon na naglalayon na tulungan ang mga kaguruan at nagsisilbing boses na nagsusulong ng kagalingan at kapakanan ng mga guro.

Page 25: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

25 | P a g e

5. Gina Lopez – isang Pilipinong environmentalist na naglalayon

na malinis at maprotektahan ang kapaligiran laban sa mga paninira sa ating kalikasan.

B. Media

1. Ito Rapadas at Peachy Bretaña – ginamit ng Facebook upang mabuo ang planong “Million People March” upang maibasura ang Sistema ng pork barrel.

2. “Bayan Mo, Ipatrol Mo” – Inulunsad ng ABS-CBN, upang maging kabahagi ang mga simpleng mamamayan sa pagbabalita at pagkalap ng mga impormasyon.

3. Malala Yousafzai – isang batang Pakistani at blogger na ginamit ang internet upang maipahatid ang kahirapan na makapag-aral ang mga kababaihan sa Pakistan at Afghanistan.

4. Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) – tinanggihan ang mga patalastas ng mga kumpanya ng sigarilyo.

C. Simbahan

1. Catholic Bishops Conference of the Philippines – nag-endorso sa Facebook account nito sa plano ng Million People march upang wakasan ang sistemang pork barrel.

2. Peace Advocates Zamboanga – Inorganisa ng Simbahang Katoliko upang palakasin ang mabuting ugnayan ng mga Katoliko, Muslim at iba pang katutubo.

3. Iglesia Ni Cristo – Taunang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief at mga serbisyong medical at dental.

4. Couples for Christ – binuo ang proyekto na “Gawad

Kalinga Project” na nagpatayo ng mga pabahay para sa mga mahihirap na mamamayan.

5. Seventh Day Adventist Church – tumututol sa paninigarilyo

KONSEPTONG DAPAT TANDAAN! Ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay nakakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan. Sa kabilang banda, ang pagwawalang-bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili, kung hindi man nakapagpapalala, ng mga suliraning panlipunan.

MAHALAGANG MALIMI! “Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang”, sab inga ni Fr. Eduardo Hontiveros sa isang awit. Ang lipunan ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatid sa isang hibla ay sapat na para masira ang kabuuan nito. Ang pagdudugtong ng isang hibla sa kapwa hibla ay may ganoon ding epelto sa kabuuan.

Page 26: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

26 | P a g e

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod: Bilang mag-aaral, _____________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang anak, _________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, __________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 27: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

27 | P a g e

COMPENDIUM OF NOTES IN EsP GRADE9 (1st Quarter) WEEK: Week 8 DATE: MELC: 8.2

a. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable)

b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan. NILALAMAN: Lipunang Sibil, Media, at Simbahan

MAHALAGANG TANDAAN! Lipunang Sibil- ang kusang loob na pag0oorganisa ng mga indibidwal na kasangkot sa lipunan

at sama-samang pagtugon at pagtataguyod sa likas-kayang pag-unlad. Ekonomiya- mga aktibidad ng produkssyon at pagkonsumo na nagpapasiya kung gaano

kakulang ang mga mapagkukunan sa isang luagr Adbokasiya- pampublikong pag-suporta

MAHALAGANG MALAMAN! MEETING 2 Layunin ng Lipunang Sibil

1. Mapag-isa ang mga Panlipunang Pagpapahalaga a. Katarungan Panlipunan

a.1 Pagpapatupad ng mga batas na walang kinikilingan o pinapaboran sa hanay ng mga tao. a.2 Pagpapalaganap ng kaalaman sa mga batas na dapat malaman ng mga tao upang hind imaging hadlang ang kamangmangan sa mga batas ng bansa.

b. Pang-ekonomiyang pag-unlad b.1 Paninuguro na ang kaunlaran ay para sa lahat at hindi para sa iilan lamang. b.2 Pagbibigay ng impormasyon na makatotohanan hinggil sa kalagayan ng pang-ekonomiya ng lipunan

c. Pakikilahok ng mamamayan c.1 Ang suporta ng mga tao para sa ikagaganda ng lipunan. c.2 Pagkamit ng mga mamamayan sa kanilang mga Karapatan kaakibat ng paggawa sa kanilang tungkulin bilang bahagi ng lipunan.

d. Pangangalaga ng kapaligiran d.1 Maituro sa mga tao ang wastong pangangalaga sa kapaligiran. d.2 Pagsuporta sa mga adhikaing maganda at makakatulong upang maging maayos ang ating kapaligiran.

Page 28: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

28 | P a g e

e. Kapayapaan

e.1 Paggalang sa indibidwal sa kanilang mga Karapatan at bilang tao. e.2 pagbibigay ng respeto sa mga taong nagnanais na makatulong upang mapanatili ang kapayapaan sa lipunan. e.3 Pagsunod ng lahat sa mga alituntunin at batas upang maiwasan ang kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.

f. Pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan

f.1 Paggalang at pagrespeto sa kasarian ng mga indibidwal na tao

g. Ispiritwalidad g.1 Mahalagang malaman at maunawaan na may pagkakaiba-iba ang paniniwala sa aspektong ispiritwal ang bawat tao kaya’t marapat na igalang ito.

Layunin ng Media 1. Pagsulong sa ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.

a. Pagsasabi ng buong katotohanan b. Kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na

maling impormasyon. c. Serbisyong totoo lamang, walang kinikilingan kahit sino pa man. d. Naglilingkod sa lipunan ng buong puso at katotohanan.

Layunin ng Simbahan

1. Pagtataguyod sa mga tao sa pagkakaroon nila ng maayos na ugnayan sa Diyos.

2. Turuan ang mga tao na maging mabuti sa kapwa bilang pagsunod sa Panginoon.

3. Paghubog at pag-ukit sa moralidad ng mga tao. 4. Paglingap sa mga taong nalilihis ng landas.

Halimbawa ng mga Lipunan Sibil sa ating Pamayanan

1. Alliance of Concerned Teachers 2. Radio Maria 3. PAGCOR – Philippine Gaming Corporation 4. PPP - Public Private Partnership 5. NGOs like Project Bahaghari (2014) at Project Pearls (2010)

KONSEPTONG DAPAT MALAMAN! Mayroong iba’t ibang adbokasiya ang lipunang sibil kung saan ay isinusulong ang kabutihang panlahat, pang- ekonomiya; pakikilahok at pangangalaga sa kapaligiran na syang tumutulong sa pamayanan.

Page 29: UNANG MARKAHAN · 2020. 11. 9. · Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na makagawa ng mga gawain na makakapagpaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na hindi magiging

29 | P a g e

MAHALAGANG MALIMI! Ang ikabubuti ng lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa sa atin. Kaya’t marapat lamang na makibagi at makialam tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan. Ang pagsulongat pakikibahagi sa mga lipunang sibil na nakatutulong sa atin ay marapat na tangkilikin. Ang Media na nasa pagitan natin ay dapat gamitin sa wasto at tamang impormasyon. Ang simbahan na humuhubog sa ating pananampalataya ay bigyang halaga.

MAHALAGANG TUPDIN! Ang aking tugon mula sa konseptong natutunan ay ang mga sumusunod: Bilang mag-aaral, _____________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang anak, _________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Bilang mamamayan, ___________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________