unang markahan

41
UNANG MARKAHAN: ANG PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO

Upload: smart-kidz-enhancement-center

Post on 13-Aug-2015

776 views

Category:

Education


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: Unang markahan

UNANG MARKAHAN:

ANG PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO

Page 2: Unang markahan

Ang Kinalalagyan

ng Aking Bansa

Page 3: Unang markahan

Ang Mapa ng Mundo

Page 4: Unang markahan

Ang MundoAng mundo ay isa sa

walong planeta sa sistemang solar. Natatanging planeta ito sapagkat ito lamang ang planetang may buhay. Dito nainirahan ang mga tao at ang lahat ng mga nilalang na may buhay. Binubuo ito ng maraming bansa. Isa na rito ang bansang Pilipinas.

Page 5: Unang markahan

Hugis ng MundoMay paniniwala noon na nag hugis ng

mundo ay bilog. Ngunit sa paglipas ng panahon, napatunayan ng mga dalubhasa na ang tunay na hugis ng mundo ay oblate spheroid. Matambok at pabilog sa gilid at bahagyang patag o palapad sa magkabilang dulo.

Page 6: Unang markahan

Mga Bahagi ng Mundo

Bahaging Tubig

Malaki ang bahaging tubig ng mundo kaysa lupa. Iba’t ibang anyong tubig angmatatagpuan dito tulad ng karagatan, dagat, ilog, lawa, kipot, look at iba pa.Pinakamalaking anyong tubig ang karagatan. Matatagpuan sa mundo ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Katimugan at Karagatang Arktiko. Ang Karagatang Pasipiko ang pinakamalaki; pinakamaliit ang Karagatang Artkiko.

Binubuo ng lupa at tubig ang mundo. Tatlong-kapat (¾) ng mundo ang tubig at sangkapat (¼ ) naman ang lupa

Page 7: Unang markahan
Page 8: Unang markahan

Ang kontinente o lupalop ang pinakamalaking bahaging lupa.

May pitong kontinete ang mundo. Ito ang Asya, Timog Amerika, Hilagang Amerika, Africa, Europe, Antarctica, at Australia.

Ang Asya ang pinakamalaki at ang Australia ang pinakamaliit.

Bahaging LupaAng bahaging lupa ng mundo ay binubuo ng

kontinente, malalaki at maliliit na pulo na kung saan makikita ang mga kabundukan, kapatagan, bulkan, lambak, talampas, at iba pang anyong lupa.

Page 9: Unang markahan

Ang globo ang replika o kawangis ng daigdig o mundo.

Naipakikita nito nang wasto ang mga distansya, lokasyon,

direksyon, hugis at sukat ng mga lugar sa mundo.

Naipakikita rin sa globo ang tunay na proporsyon ng mga kontinente at mga karagatan kaya’t ang pag-aaral sa pag-uugnayan ng mga kontinnete, rehiyon at bansa ay lalong magiging madali at makabuluhan

Page 10: Unang markahan

Mga Guhit sa Globo

Page 11: Unang markahan

MGA POLO Nasa magkabilang-dulo ng mundo ang mga polo. Polong Hilaga ang tawag sa polong nasa hilaga. Ito ang pinakamalayong lugar sa hilaga ng ekwador.

Polong Timog ang tawag sa polong nasa timog. Ito naman ang pinakamalayong pook sa timog ng ekwador.

Page 12: Unang markahan

Ang pahalang na guhit sa gitna ng globo ay ang tinatawag nating ekwador. Ito ay nasa zero degree latitud. Likhang-isip lamang ito na humahati sa ma globo. Hating-globo ang tawag sa bawat hati.

Ang bahaging mula sa ekwador patungong polong hilaga ay tinatawag nating hilagang hating-globo.

Ang bahaging mula sa ekwador patungong polong timog ay tinatwag nating timog hating-globo.

Page 13: Unang markahan

Ang prime meridian ang pinakagitnang guhit na patayo na humahati sa globo sa silangan at kanlurang hating-globo. Ito ay bumabagtas sa Greenwich, England at nasa 00 (zero degree) longhitud.

Mula sa prime meridian, ang layo ng isang lugar ay 00 hanggang 1800 pasilangan o pakanluran.

Page 14: Unang markahan
Page 15: Unang markahan

Katapat ng prime meridian sa globo ang International Date Line. Ito ay 1800 meridian. Ang IDL ay dumaraan sa Karagatang Pasipiko at hindi tuwid na linya. Lumilihis ito pasilangan at pakanluran sa pagdaan sa mga tiyak na pook upang ang mga lugar at iba pang mga pangkat ng pulo ay magkaroon ng parehong araw.

Ang IDL ang nagiging batayan ng pagtukoy ng oras sa iba’t ibang lugar sa mundo. Ang isang manlalaakbay na dumaraan sa IDL mula silangan patungong kanluran ay nagdaragdag ng isang araw.

Halimbawa, kung darating siya sa IDL nang Biyernes, dapat ay araw ng Sabado paglampas niya rito. Ngunit ang araw ay nagiging Linggo sa halip na Sabado kaya siya ay nawawalan ng isang araw.

Page 16: Unang markahan
Page 17: Unang markahan
Page 18: Unang markahan

Mga Time ZonePAGTATAYA NG ORASPakanluran 00 Pasilangan

-1 oras 150 +1 oras

-2 oras 300 +2 oras

-3 oras 450 +3 oras

-4 oras 600 +4 oras

-5 oras 750 +5 oras

-6 oras 900 +6 oras

-7 oras 1050 +7 oras

-8 oras 1200 +8 oras

-9 oras 1350 +9 oras

-10 oras 1500 +10 oras

-11 oras 1650 +11 oras

-12 oras 1800 +12 oras

Note: -nahuhuli +nauuna

Ang ating mundo ay nahahati sa dalawampu’t apat na time zone, katumbas ng dalawampu’t apat na pag-ikot ng mundo. Ito ay may pagitan na 150 longhitud sa bawat sona. Ang bawat sona ay umiikot ng 3600 sa loob ng isang araw. Sa bawat pag-ikot ng mundo sa 150 ay isang oras ang lumilipas.

Page 19: Unang markahan

Napgkasunduan noong ika-19 na siglo na ang prime meridian ay nagsisimula sa greenwich, London. Mula rito, ang bawat meridian ay bumibilang ng 150 bawat pagitan hanggang sa ito ay umabot 900 papuntang silangan. Mapapansing 1800 meridian ang eksaktong kalahati ng mundo.

Ang mundo ay umiikot mula sa kanluran patungong silangan o counter-clockwise. Laging nauuna ng kalahating ang mga bansang Silanganin.

Dapat tandaan na ang pagbibilang ay palagiing nagsisimula sa prime meridian at lumalampas sa Greenwich.

Page 20: Unang markahan

Pag-aralan ang talaan. Makikita rito ang pagbabago ng oras sa mga bansang nasa kanluran at silangan ng prime meridian.

Patungong Kanluran

Patungong Silangan

00 Ika-6 ng umaga

Ika-5 ng umaga 150 Ika-7 ng umaga

Ika-4 ng umaga 300 Ika-8 ng umaga

Ika-3 ng umaga 450 Ika- 9 ng umaga

Ika-2 ng umaga 600 Ika-10 ng umaga

Ika-1 ng umaga 750 Ika-11 ng umaga

Ika-12 ng hating-gabi 900 Ika-12 ng tanghali

Ika-11 ng gabi 1050 Ika-1 ng hapon

Ika-10 ng gabi 1200 Ika-2 ng hapon

Ika-9 ng gabi 1350 Ika-3 ng hapon

Ika-8 ng gabi 1500 Ika-4 ng hapon

Ika-7 ng gabi 1650 Ika-5 ng hapon

Ika-6 ng hapon 1800 Ika-6 ng hapon

Tinatawag ang oras na ante-meridian time (a.m.) bago tumirik ang araw sa prime meridian. Kapag lumampas naman ang pagtirik ng araw sa prime meridian, ito ay tinatawag na post-meridian time (p.m.) .

Page 21: Unang markahan

Mga Katangian ng mga Guhit Latitud

Parallel

Kung pagmamasdan mong mabuti ang globo, mapapansin mo ang mga pahalang na guhit na nakapaikot sa silangan-kanlurang direksyon. Ang mga guhit na ito ay tinatawag na parallel. Pareho ang mgga distansya nito.

Page 22: Unang markahan

Latitud

Latitud ang tawag sa distansya sa pagitan ng dalawang parallel. Sinusukat nito ang layo ng isang lugar pahilaga o patimog mula sa ekwador. Nasa 900 hilaga ang polong hilaga at nasa 900 timog ang polong timog.

Page 23: Unang markahan

Mga Espesyal na Parallel

Page 24: Unang markahan

EkwadorNasa 00 latitud ito na matatgpuan sa sentro

ng mundo. Hinahati nito ang mundo sa hilagang hating-globo at timog-globo. Ito rin ang representasyon sa pagsukat ng mga distansya sa hilaga at timog patungo sa polo.

Arctic CircleMatagpuan 66 ½ 0 hilaga ng ekwador. Ito

ang pinakahilagang hangganang naaabot ng pahilis na sinag ng araw.

Tropic of CancerIto ang parallel na nasa 23 ½ 0 hilaga ng

ekwador. Pinakahilagang hangganan ito na naaabot ng bertikal na sinag ng aaraw sa hilagang hating-globo.

Page 25: Unang markahan

Tropic of CapricornIto ang parallel na nasa 23 ½ 0 timog ng

ekwador. Pinakatimog na lugar na naaabot ng bertikal na sinag ng araw sa timog hating-globo.

Antarctic CircleMatagpuan 66 ½ 0 timog ng ekwador. Ito ang

pinatimog hangganang naaabot ng pahilis na sinag ng araw.

NOTE: Ang mga espesyal na parallel na ito ay

may kaugnayan sa posisyon ng mundo sa pagtalunton ng kanyang orbit habang ito ay lumiligid sa araw.

Page 26: Unang markahan

Mga Katangian ng Meridian at Longhitud

LonghitudAng distansya sa pagitan ng

dalawang meridian ay ang longhitud. Ginagamit ito sa pagtukoy ng layo ng isang lugar pasilangan o pakanluran mula sa prime meridian.

Ang distansya ng mga longhitud ay nagsisimula sa 00

hanggang 1800 pasilangan o pakaluran.

Ang mga espesyal na longhitud ay ang prime meridian at ang International Date Line.

MeridianAng mga meridian ay mga patayong guhit

sa globo na nagmumula sa hilaga patungong tinog at nagtatagpo sa mga polo.

Page 27: Unang markahan

Ang DigriAng digri ay ginagamit na panukat ng layo ng isang

lugar mula sa ekwador. Nasa 00 ang ekwador.

Page 28: Unang markahan

Ang Grid

Kapag pinagsama-sama ang mg arallel at meridians sa globo o mapa ng mundo, ang kabuuan nito ay ang grid.

Ginagamit ang grid sa pagsasabi ng tiyak na kinalalagyan ng isang lugar sa mundo.

Page 29: Unang markahan

LOKASYONNG PILIPINAS SA GLOBO, MAPA,

KARATIG-BANSA AT KATUBIGANG

NAKAPALIBOT DITO

Page 30: Unang markahan

Ang pinakatiyak na lokasyon ng Pilipinas ay nasa 116° 40', and 126° 34' silangang longhitud at 4° 40' and 21° 10' hilagang latitud sa globo o mundo.

ABSOLUTE NA LOKASYON

Page 31: Unang markahan

Ang relatibong lokasyon ay ginagamit sa pagsasabi ng lokasyon o kinalalagyan ng isang lugar batay sa lokasyon ng ibang lugar. Maaari ring sabihin sa pamamagitan ng distansya o oras ng paglalakbay.

Relatibong/Bisinal Lokasyon

Page 32: Unang markahan

Relatibo/Bisinal na Lokasyon

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog- Silanangang Asya. Ito ay napapalibutan ng mga bansang:

Hilaga Kanluran Silangan TimogTaiwan Vietnam Marianas BorneoChina Laos Guam BruneiJapan Cambodia Micronesia Indonesia

Thailand PalauMalaysia

Page 33: Unang markahan

Ang Pilipinas ay napapaligiran ng katubigan:

Hilaga - Bashi ChannelKanluran - West Philippine

Sea/South China SeaSilangan - Pacific OceanTimog - Sulu Sea/Celebes

Sea/Mindanao Sea

Insular/Maritime na Lokasyon

Page 34: Unang markahan

KLIMA AT PANAHON

Page 35: Unang markahan

Klima- ito ay pangmatagalang kalagayan ng panahon sa isang bansa.

Ang kinaroroonan ng bansa ay may malaking kinalaman sa uri ng klima nito. Dahil sa ito ay nasa sonang tropikal o mainit, nagtataglay ito ng klimang tropikal.May kainitan ang klima sa ating bansa.

Pinakamainit na buwan sa ting bansa ay Abril at Mayo.

Pinakamalamig na mga buwan naman ang Disyembre at Enero.

Page 36: Unang markahan

Panahon- ito ay ang kalagayan ng hangin sa alinmang lugar sa loob ng maikling panahon.

Karaniwang 27°C ang nararamdamang temperaturs sa ating bansa. Sa matataas na lugar, mababa ang temperatura, kaya malamig dito kahit mainit ang araw.

Page 37: Unang markahan

Ano-anong matataas na

lugar sa pilipinas ang

alam mo?

Page 38: Unang markahan

Ang Klima

ng Pilipin

as

Page 39: Unang markahan

MGA URI NG KLIMA NG PILIPINAS

May apat na tipo ng panahon ang nararanasan ng Pilipinas. Ang batayan nito ay ang dami ng ulan na natatanggap sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas

Page 40: Unang markahan

Tipo 1May dalawang uri ng panahon- ang tag-araw at tag-init. Tuyo ang panahon sa tag-araw at nararanasan mula Disyembre hanggang Mayo. Basa namn o tag-ulan mula Hunyo hanggang Nobyembre.

Tipo 2Sagana sa ulan. Halos walang tuyong panahon sa mga lugar na may ganitong klima.

Tipo 3May maikling tag-araw mula Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan na sa buong taon.

Tipo 4Maulang panahon na laganap sa buong taon.

Page 41: Unang markahan

Gawin Mo

Isa-isahin ang mga sumusunod:

1.Pitong kontinente sa mundo

2.Limang malalaking karagatan sa mundo.

3.Mga espesyal na parallel.