unesco, naglunsad ng programa laban ebola · pdf filepalad pahina 3 isinulong ni senador sonny...

4
Palad pahina 3 Isinulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas para sa edukasyong pinansiyal ng mga kabataan sa kanyang ibinigay na talumpati sa 16th Congress Senate of the Philippines noong May 20, 2014. Layunin ng panukalang batas na pangalagaan ang pananalapi ng mga kabataan at pamilya. Kaakibat ang Youth Entrepreneurship, isinasalin sa sistemang edukasyon ng bansa ang Financial Literacy. Ayon kay Angara, ang kasalukuyang sistema ay tinuturuan ang mga mag- aaral na maging mabuting empleyado kaysa sa magigiting na negosyante na marunong magpalago at magpalaki ng kanilang pera. Naglunsad ng bagong programa ang United Nations Educational Scientific Cultural Organization (UNESCO) bilang paglaban sa Ebola gamit ang social media, na isinailalim sa buong Sierra Leone at Liberia. Naglalayon ang proyekto mapigil ang pagkalat ng sakit sa Sierra Leone at Liberia sa pamamagitang ng pagbibigay impormasyon kung paano ito maiiwasan at paraanng pag-gamot. Nagmula ang konsepto nito sa United Nations at sinundan base sa General Assembly resolution 69/1 noong septyembre 19 at Security Council resolution 2177 (2014), upang mapatigil ang pagdami ng kaso ng Ebola. “We must strengthen prevention to stop the spread of the disease – this starts with clear, accessible and reliable information, provided to people in all districts and countries,” pahayag ni Irina Bokova, Direktor-General ng UNESCO. Ieere ang proyekto sa mga istasyon ng radio sa Sierra Leone at Liberia, upang ipaalam ang sakit ng Ebola na nasa lenggwaheng ingles at ibang pang lokal na dayalekto. Ipinapamahagi ang mga materyales gaya ng mga damit at posters sa mga paaralan at komunidad na nagnanais mahimok ang mga mamamayan na makilahok sa mga diskusyon patungkol sa Ebola. # Nakipagsundo ang kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa mga pribadong sektor na Thrive Solar Energy Philippines (TSEP) at Global Peace Foundation (GPE), patungkol sa solar- powered na mga paaralan noong Disyembre 21, 2014. Layunin ng kasunduan na makasigurdo na ang mga mag-aaral ay magkaroon ng suplay ng kuryente sa paaralan. Nabigyan ng 117 solar lanterns ang bawat baitang sa San Isidro Elementary School, Antipolo City mula sa mga sektor. Nakatanggap din ang Flora Elementary School sa Sanchez Mira, Cagayan na nagmula sa isang community based program. # Nakiisa ang iba’t-ibang mamamahayag sa buong Rehiyon II sa ginanap na Regional Schools Press Conference UNESCO, naglunsad ng programa laban Ebola Bai Gwyneth Hannah B. Mamenting Solar lanterns, ipinamahagi sa mga mag-aaral Patricia Melisse F. Natividad Edukasyong pinansiyal, pinangunahan ni Angara

Upload: phambao

Post on 01-Feb-2018

230 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Palad pahina 3

Isinulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas para sa edukasyong pinansiyal ng mga kabataan sa kanyang ibinigay na talumpati sa 16th Congress Senate of the Philippines noong May 20, 2014.

Layunin ng panukalang batas na pangalagaan ang pananalapi ng mga kabataan at pamilya.

Kaakibat ang Youth Entrepreneurship, isinasalin sa sistemang edukasyon ng bansa ang Financial Literacy.

Ayon kay Angara, ang kasalukuyang sistema ay tinuturuan ang mga mag-aaral na maging mabuting empleyado kaysa sa magigiting na negosyante na marunong magpalago at magpalaki ng kanilang pera.

Naglunsad ng bagong programa ang United Nations Educational Scientific Cultural Organization (UNESCO) bilang paglaban sa Ebola gamit ang social media, na isinailalim sa buong Sierra Leone at Liberia.

Naglalayon ang proyekto mapigil ang pagkalat ng sakit sa Sierra Leone at Liberia

sa pamamagitang ng pagbibigay impormasyon kung paano ito maiiwasan at paraanng pag-gamot.

Nagmula ang konsepto nito sa United Nations at sinundan base sa General Assembly resolution 69/1 noong septyembre 19 at Security Council resolution 2177 (2014), upang mapatigil ang pagdami ng

kaso ng Ebola.“We must strengthen

prevention to stop the spread of the disease – this starts with clear, accessible and reliable information, provided to people in all districts and countries,” pahayag ni Irina Bokova, Direktor-General ng UNESCO.

Ieere ang proyekto sa mga istasyon ng radio sa Sierra Leone at Liberia,

upang ipaalam ang sakit ng Ebola na nasa lenggwaheng ingles at ibang pang lokal na dayalekto.

Ipinapamahagi ang mga materyales gaya ng mga damit at posters sa mga paaralan at komunidad na nagnanais mahimok ang mga mamamayan na makilahok sa mga diskusyon patungkol sa Ebola. #

Nakipagsundo ang kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa mga pribadong sektor na Thrive Solar Energy Philippines (TSEP) at Global Peace Foundation (GPE), patungkol sa solar-powered na mga paaralan noong Disyembre 21, 2014.

Layunin ng kasunduan na makasigurdo na ang mga mag-aaral ay magkaroon ng suplay ng

kuryente sa paaralan.Nabigyan ng 117

solar lanterns ang bawat baitang sa San Isidro Elementary School, Antipolo City mula sa mga sektor.

Nakatanggap din ang Flora Elementary School sa Sanchez Mira, Cagayan na nagmula sa isang community based program. #

Nakiisa ang iba’t-ibang mamamahayag sa buong Rehiyon II sa ginanap na Regional Schools Press Conference

UNESCO, naglunsad ng programa laban EbolaBai Gwyneth Hannah B. Mamenting

Solar lanterns, ipinamahagi sa mga mag-aaralPatricia Melisse F. Natividad

Edukasyong pinansiyal, pinangunahan ni Angara

2 Enero 2015 EDITORIAL

E

D

I

T

O

R

Y

A

L

KanlunganEzra Earl P. Villanueva

Ayon sa aking guro noong ako’y nasa

elementarya, si Emilio Aguinaldo umano ang nag-utos na ipapatay si Andres Bonifacio.

Kapwa bayaning may nagawa para sa bansa. Kung nabuhay kaya si Bonifacio, si Aguinaldo pa kaya ang magiging unang pangulo ng bansa?

Si Bonifacio ang nagtatag ng Kataas-taasan, Kagalang-galangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), organisasyong panghimagsikan o sa paraang gamit ng dahas. Lumaki sa hirap at hindi nakapag-aral kaya’t kumilos at gumamit nang paraang kayang gawin. Bagama’t napaalab nito anag damdamin ng mga Pilipino, ilang pinamunuan na laban naman ang bigo niyang pinanalo.

Sa tulong ni Aguinaldo, mas nasuportahan ang KKK. Mas may alam at may kakayahang mamuno na hindi puro makibaka lang. Malaki ang nagawa

niya upang maipanalo ang himagsikang inilunsad ni Bonifacio.

Mayroon na talagang tunggalian sa pagitan ni Aguinaldo at Bonifacio sa kung sino talaga ang mas karapat-dapat at lumabas nga na mas maraming pumanig kay Aguinaldo. Nasagot na noon pa.

Kung sa larangan ng pamumuno ay mas lamang talaga si Aguinaldo. Subalit kung sa mga nagawa lamang ang batayan, sa tingin ko mas nakahihigit ang naidulot ni Bonifacio sa pagpapaalab ng damdamin ng mga Pilipino. Wagi niyang napatuloy ang sinimulan ni Jose Rizal.

Hindi kung sino ang karapat-dapat na unang pangulo o ang sinabi ng guro ko ang isyu dito. Hindi ko sinasabing baguhin mo ang paniniwala mo alinsunod sa pananaw ko. Ang akin lang, bukas sana ang isipan mo sa pagtanggap sa mga bagay-bagay at mga pananawng iba. Dahil naniniwala akong malaki ang magagawa ng

bukas na isipan sa pagbuo ng payapa at matatag na bansa.

Bukas na isipan

Iminumulat ng campus journalism ang mga kabataan sa mundo ng katotohanan at malayang pagpapahayag. Sa bawat tinta ng ballpen, titik ng pahayagan at boses ng brodkaster ay malaki ang magagawa sa pagpapabago ng isip at pananaw ng tao. Ito na nga ba ang magbibigkis sa mga mamayan sa matatag na samahan tungo sa iisang layunin?

Ang aktibidad tulad ng campus journalism ay ang nagmumulat sa mga journalist na may kakayahan sa pagsulat ng editorial, balita, lathalain, isports, pagguhit, pagkuha ng larawan, pagbabalita, at copy reading na naglalayong hikayatin ang mga mambabasa na makilahok at makialam sa mga isyu sa loob at labas ng paaralan.

Sa tulong ng media, mabuting bukas na sa publiko ang isip ng mga journalist upang magamit

ng tama ang karapatan sa malayang pagpapahayag.Ayon kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III,

kabataan ang malakas na kakampi sa malawakang pagbabago tungo sa ikauunlad ng bansa. Sa campus journalism nasusuportahan ang pagbabagong ito.

Sa patuloy na pagbabagong inaasam ng bansa, katotohanan ang magmumulat sa mga mamamayan upang makiisa at bumuo ng isang matatag na bayan.

Campus journalism: Tagahubog ng mamamayan sa hinaharap

" Hindi ko sinasabing baguhin mo ang paniniwala mo alinsunod sa pananaw ko. Ang akin lang, bukas sana

ang isipan mo sa pagtanggap sa mga bagay-bagay at mga pananawng iba"

3Enero 2015LATHALAIN

Ang saya ni Diony Reyes, taga Las Pinas siya. Makikita ang kinang sa kaniyang mga mata

at ang malaking ngiti sa kaniyang labi na nagpapatunay ng isang malaking tagumpay, ang saya-saya niya. Mula sa pagtatanim niya ng maliit na halaga, 70 pesos, sa Philippine Lotto ay lumago at nagbunga ito ng higit at sobra sa kaniyang inaasahan na tumataginting na 40 million pesos.

Kumulay ang bawat paligid, nagkaroon ng kasiyahan, nagkaroon ng pista. Sa pag ngiti niya dahil sa malaking halaga na hawak niya ay natatago sa likod ng kanyang mga ngiti ang katauhan ng pagkalito at pagkawalang desisyon kung ano nga ba ang dapat gawin para mapalago ito at hindi mawala sa kabuluhan ang pinanalunan niya. Pero pagkatapos ng higit apat na buwan ay nagulat nalang siya parang bula ang pagkawala ng kaniyang pera.

Tulad ni Joey, laging nawawalan ng pera si Juan, nagagastos at nawawala. Isang araw may dumating at tumulong upang sa kamay niya ay maalagaan, mapahalagahan at mapalago ang pananalaping hawak-hawak niya para sa kinabukasan ng sarili at pamilya niya.Kamakailan lamang sa araw ng Mayo 20, 2014 ay masugid na isinulong ni Senator Sonny Angara ang panukalang batas na “An act to actively promote entrepreneurship and financial education among Filipino youth” kung saan isinasalin ang financial literacy para kay Juan, na kaakibat ng

youth entreprenuership sa sistemang edukasyon ng bansa.

Sa Sistema ngayon, si titser ay tinuturuan si Juan na laging sumunod sa mga uso at kung ano ang nakikita, si Juan ay naturuang dumipende sa mga bagay-bagay at si Juan ay naguguluminahan, ang alam nila ay ganyan siya, pero hindi nila alam na gustong-gusto na ni Juan ang maging magiting sa pamamaraang siya ang nakakaalam upang makilala siya.

Si Juan na hindi na niya kailangang gastusin ang pera sa walang kabuluhang bagay sapagkat dumating na ang sosolusyon sa kanyang problema-ang panukalang batas para sa mga kabataang Pilipino at mamamayan nito.

Sa palad ni JuanJemelyn Diane S. Uy

4 Enero 2015 ISPORTS

Region 02 RSPC 2015

ISPORTSNalalapit na ang Palarong Pambansa 2015 na inaasahang gaganapin sa Tagum City, Davao Del Norte, sa buwang ito, matapos iproklama ng Philippine Sports Commision, na pagdarausan ng iba’t ibang uri ng pampalakasan.

Magmumula ang mga delegado sa 17 rehiyon dito sa ating bansa, at sasabak sa mga pampalakasan tulad ng baseball, basketball, arnis, volleyball at marami pang iba.

Pinakalayunin ng palarong pambansa apara sa taong ito ang paghasa sa mga kabataang Pilipinong manlalaro sa abilidad sa isports kapwa elementary at sekondarya, at ganyan din ang paglinang ng isportsmanship.

Matapos ang botohan para sa paggaganapan ng palarong pambansa ’15 , nagwagi ang Tagum City

sa resulta na 16 na boto, at idineklara ito nakaraan taon, Diyembre 16.

Madalas na pinagdarausan ang Tagum City dahilan sa kumpletong pinaglalaruan, mas modern at malawak ang track and field kumpara sa ibang lugar at dito rin ginanap ang Annual Batang Pino, kaya ito nagging kuwalipikado para sa Kagawaran ng Edukasyon.

Ginanap nakaraang taon ang palarong pambansa sa Sta. Rosa, Laguna.

Isa sa mga nakilala na manlalaro na nagkampeon nakaraang taon si Lydia De Vega na nasa larangan ng track and field.

Naghahanda ang iba’t ibang rehiyon upang makuha ang titulo at maiuwi ito.

Tinatayang maraming muli ang delegado at madla ang magsisipunta upang ibandera ang kanilang koponan. #