uong pagmamahal na tinatawag na people’s...

14

Upload: others

Post on 09-Sep-2019

7 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng
Page 2: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 2

B uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,

ang San Francisco City Hall ang sentro ng pamahalaan para sa Lungsod at

County ng San Francisco at isa rin itong dinarayong makasaysayang landmark.

Ang gusaling Beaux-Arts na ito, na dinisenyo ni Arthur Brown Jr, ay orihinal na

nagbukas noong 1915 bilang monumento para sa City Beautiful movement.

Sa kasalukuyan, dahil sa mga eleganteng palamuti at marangal na hitsura

nito, ito ang nangungunang venue para sa mga event sa San Francisco. Mula

sa marangyang Rotunda at ang Grand Staircase nito na puno ng dekorasyon,

hanggang sa napakakinang na North at South Light Court, ang San Francisco City

Hall ay perpektong maringal na lugar para sa mga gala, kasal, hapunan,

at pagdiriwang.

JOE

L P

ULI

AT

TI:

AR

CH

ITE

CT

UR

AL

PHO

TOG

RA

PHE

R

Page 3: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 3

M4 MGA EVENT SA GABI AT WEEKEND

6 MGA RATE O PRESYO SA PAGRERENTA

7 MGA PACKAGE SA KASAL

10 MGA BAYARIN AT GASTUSIN

12 MGA PAGBU-BOOK AT VENDOR

13 KAPASIDAD AT MGA FLOOR PLAN

14 MGA DIREKSYON AT PARADAHAN

MAKIPAG-UGNAYAN SA:

City Hall Events Office City Hall, Room 495 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place San Francisco, CA 94102

Tel: 415.554.6079 Fax: 415.554.7446 EMAIL: [email protected] sfcityhallevents.org NAOMI KELLY City Administrator JOHN CALDON City Hall Events Director

JOEL

PU

LIA

TTI

: AR

CH

ITEC

TUR

AL

PHO

TOG

RA

PHER

agdiwang sa ilalim ilalim ng Golden Dome

Page 4: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 4

Mga Event sa Gabi at Tuwing Sabado at Linggo

BLU

EPR

INT

ST

UD

IOS

& G

OT

LIG

HT

Page 5: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 5

MGA EVENT SA GABI AT TUWING SABADO AT LINGGOMagdiwang sa ilalim ng golden dome. Magpakasal sa Grand Staircase, mag-enjoy ng cocktail reception sa aming nakapanghihikayat na North Light Court, o bigyan ng hindi makakalimutang gabi ang iyong mga bisita ng hapunan at sayawan sa engrandeng Rotunda.

Maaaring rentahan ang City Hall nang buong gabi sa mga weekday at weekend. Bukas sa publiko ang gusali mula Lunes hanggang Biyernes simula 8:00 a.m. hanggang 8:00 p.m., ngunit maaaring isapribado ang ilang bahagi para sa espesyal na event sa mga oras na iyon.

SOUTH LIGHT COURT

BLU

EPR

INT

ST

UD

IOS

& G

OT

LIG

HT

(LE

FT

AN

D C

EN

TE

R)

BLU

EPR

INT

ST

UD

IOS

& G

OT

LIG

HT

(TO

P LE

FT

AN

D R

IGH

T)

JOE

L P

ULI

AT

TI:

AR

CH

ITE

CT

UR

AL

PHO

TOG

RA

PHE

R

Page 6: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 6

MGA GABI AT TUWING SABADO AT LINGGOKasama sa mga rate ang mga karaniwang serbisyo ng gusali, ngunit hindi kasama rito ang labor, insurance, kagamitan, seguridad, at iba pang singil. Tingnan ang Mga Bayarin at Gastusin para sa iba ang impormasyon.

Maaari nang magpasok ng gamit sa North Light Court sa ganap na 2:00 p.m. Nagsisimula naman ang pagpasok sa iba pang lugar nang 4:00 p.m. Dapat matapos ang guest event sa ganap na 12:00 ng madaling araw. Ang paglalabas naman ng gamit ay kailangang matapos nang 2:00 a.m.

Rotunda at One Light Court 1 - 499 na bisita $10,000

Rotunda at Parehong Light Court 1 - 999 na bisita $12,500 1,000 - 1,499 na bisita $15,000 1,500 - 1,999 na bisita $20,000 2,000 - 2,499 na bisita $25,000 2,500 - 3,000 na bisita $30,000

North Light Court 1 - 870 bisita $5,000

South Light Court 1 - 600 bisita $5,000

Maagang Paggamit – Ang Rotunda mula Nangangailangan ng $1,000/oras Lunes Hanggang Biyernes pag-apruba

Maagang Paggamit – Ang mga Light Court Nangangailangan ng $500/oras Mula Lunes Hanggang Biyernes (kada silid) pag-apruba

Maagang Paggamit – Lahat ng Bahagi sa Tuwing Nangangailangan ng $500/oras Sabado at Linggo (kada silid) pag-apruba

Huling Paggamit – Guest Event Nangangailangan ng $5,000/oras pag-apruba

Huling Paggamit – Paglalabas ng Gamit Nangangailangan ng $500/oras pag-apruba

Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng Renta pag-apruba

North Light Court $500/oras 1 - 870 bisita

South Light Court $500/oras 1 - 600 bisita

ANG MGA LIGHT COURT MULA LUNES HANGGANG BIYERNESMaaaring rentahan ang North Light Court na binabayaran kada oras mula 8:00 a.m. hanggang 2:00 p.m. at ang South Light Court mula 8:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Sa pagrenta sa North Light Court, kailangan ng karagdagang $800 na café buy-out (pag-arkila sa buong cafe). Hindi kasama sa mga rate ang labor, insurance, kagamitan, seguridad, at iba pang singil. Tingnan ang Mga Bayarin at Gastusin para sa iba pang impormasyon.

Mga Rate o Presyo para sa Pagrerenta

Nananatiling bukas sa publiko ang gusali mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 a.m. hanggang 8:00 p.m., ngunit maaaring isapribado ang ilang bahagi para sa espesyal na event sa mga oras na iyon.

Hindi marerentahan ang Rotunda sa araw mula Lunes hanggang Biyernes, maliban na lang kung may paunang pag-apruba para sa maagang paggamit na kaugnay ng mga pagrenta sa gabi.

SOUTH LIGHT COURT

JOE

L P

ULI

AT

TI:

AR

CH

ITE

CT

UR

AL

PHO

TOG

RA

PHE

R

(kung 2,000 ang bisita, kailangan espesyal na pag-apruba)

Page 7: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 7

Mga Package sa Kasal

DU

BN

OFF

WE

DD

ING

PH

OTO

GR

APH

Y

Page 8: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 8

PACKAGE NA ISANG ORAS NA KASALUpang makapagbigay ng serbisyo sa mga simpleng pagdiriwang at sapat lang na badyet, mayroong package na Isang oras na Kasal ang City Hall, kung saan kasama na ang ng pribadong paggamit sa Mayor’s Balcony o sa isang Gallery sa Ikaapat na Palapag nang hanggang isang oras mula Lunes hanggang Biyernes. Kung saan nagsisimula sa ganap na 9:00 a.m. ang pinakamaagang pagdiriwang at nagsisimula naman sa ganap na 3:00 p.m. ang pinakahuli.

Ang halaga ng renta para sa package na ito ay $1,000, na kung saan kasama na ang isang oras na paggamit para sa hanggang sa 100 bisita. Ang mga upuan ay karagdagang pagrenta ng kagamitan. Hanggang 40 ang kapasidad sa upuan ng Mayor’s Balcony, at hanggang 60 naman ang kapasidad sa upuan ng Gallery sa Ikaapat na Palapag (ang mga natitirang bisita ay tatayo para sa pagdiriwang).

Dahil sa mga limitasyon sa oras, hindi na puwede ang kainan at inuman. Maaaring magpatugtog ng acoustic na musika nang may paunang pag-apruba.

Kinakailangan ng maagang pag-apruba ang paggamit ng chuppah at ito ay dapat suportado gamit ang kamay. Dahil sa patnubay ng fire safety (pag-iingat sa sunog), hindi pinapayagan ang paggamit ng freestanding chuppah sa mga isang oras na kasal.

Kasama sa package na Isang Oras na Kasal ang insurance at mga pangkaraniwang serbisyo sa gusali.

TANDAAN: Hindi kami nagbibigay ng officiant o namamahala ng mga lisensya at sertipiko sa kasal.

MAYOR’S BALCONY SA IKA-2 PALAGPAG

NORTH GALLERY SA IKA-4 NA PALAPAG

MAYOR’S BALCONY SA IKA-2 PALAGPAG

DU

BN

OFF

WE

DD

ING

PH

OTO

GR

APH

Y

JOE

L P

ULI

AT

TI:

AR

CH

ITE

CT

UR

AL

PHO

TOG

RA

PHE

R (R

IGH

T TO

P &

BO

TTO

M)

Page 9: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 9

PACKAGE NA DALAWANG ORAS NA KASALSa aming package na Dalawang Oras na Kasal, inaalok na isagawa ang kasal sa Grand Staircase ng Rotunda na napapaligiran ng mga kapamilya at kaibigan. Magagawa lang ang $5,000 na package na ito tuwing Sabado, kung saan nagsisimula ang pinakamaagang seremonya sa ganap na 9:00 a.m. at ang pinakahuli ay sa ganap na 12:00 ng tanghali.

Sa package na ito, maaaring mag-imbita ng hanggang 200 bisita, kasama ang mga upuan, insurance, at pangkaraniwang serbisyo sa gusali. Ang mga bisitang lalampas sa 200 ay maaaring pagmulan ng karagdagang singil para sa labor at kagamitan, at kasama na rito karagdagang renta na $4/bisita at bayarin sa insurance na $3/bisita na may $100 na minimum. Kasama sa dalawang oras na tagal na ito ang pagpapasok at paglalabas ng gamit.

Nang dahil sa mga limitasyon sa oras, ang paggamit ng mga vendor sa labas, kasama ang mga serbisyo para sa pagkain at inumin, nangangailangan ng paunang pag-apruba.

TANDAAN: Hindi kami nagbibigay ng officiant o namamahala ng mga lisensya at sertipiko sa kasal.

DU

BN

OFF

WE

DD

ING

PH

OTO

GR

APH

Y (T

OP,

BO

TTO

M C

EN

TE

R A

ND

RIG

HT

)

JOE

L P

ULI

AT

TI:

AR

CH

ITE

CT

UR

AL

PHO

TOG

RA

PHE

R

Page 10: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 10

RENTAAng lahat ng bayarin at gastusin ay idaragdag sa renta. Tingnan ang Mga Rate ng Renta para sa iba pang impormasyon.PAGPOPROSESOKailangan ng bayad sa pagpoproseso na $500 upang masaklaw ang mga pang-administratibong gastusin para sa lahat ng event.KURYENTEKailangan ng bayad na $500 para sa paggamit ng kuryente ng gusali para sa lahat ng event.MGA KARAGDAGANG BISITAMay sisingiling bayad $4/bisita para sa mga bisitang lalampas sa 200 sa mga package na Dalawang Oras na Kasal.CAFÉ BUY-OUTKapag ginamit ang North Light Court nang weekday bago sumapit ang 2 p.m., kailangang magbayad ng buy-out na $800.EMTDapat kumuha ng Emergency Medical Technician sa site para sa mga event na may $800 o higit pang bisita. Pakibisita ang aming website para sa listahan ng mga kuwalipikadong vendor.KAGAMITANLimitado ang imbentaryo ng kagamitang pinaparentahan ng City Hall. Kailangang makipagkontrata ng karamihan sa tagalabas na vendor upang magrenta ng kagamitang kinakailangan sa pagsasagawa ng kanilang event. Bukod sa 200 upuang kasama sa aming package na Dalawang Oras na Kasal, hindi kasama sa bayad sa pagrenta ang kagamitan.

ILAW SA LABASKung gustong pailawan ang labas ng City Hall gamit ang LED system nito, kumuha ng paunang pag-apruba mula sa Opisina ng Alkalde at

Mga Bayarin at Gastusinmagbayad ng $5,000 para dito. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming kawani upang magtanong tungkol sa pagkuha ng pag-apruba. MGA PERMIT MULA SA FIRE DEPARTMENT AT FIRE MARSHALLIpinagbabawal ang paggamit ng apoy o open flame sa City Hall at sa paligid nito. Posibleng gumamit ng mga kandila sa mga naaprubahan nang lagayan sa mga tsimenea at sa paghahanda ng pagkain kapag paunang naaprubahan, at kapag nakakuha na ng mga kinakailangang permit. Dapat munang maaprubahan ang mga floor plan para sa mga pagtitipon ng Events Office ng city Hall, at pagkatapos nito, ng Fire Department ng San Francisco. Kailangan ay may Fire Marshall sa kabuuan ng event para sa anumang event na maghahanda o mag-iimbak ng mainit na pagkain sa lugar at sa lahat ng seated dinner (hapunan kung saan nakaupo at sinisilbihan ng mga server ang mga bisita). Mangyaring makipag-ugnayan sa Fire Department ng San Francisco para sa iba pang impormasyon kaugnay ng mga bayarin sa permit at iba pang gastusin.INSURANCEKinakailangan ng Certificate of Insurance (Sertipiko ng Seguro) na may kasamang Additional Insured Endorsement para sa lahat ng aktibidad sa pagrerenta. Dapat kasama sa insurance ang pagkakasaklaw sa Pasweldo sa Mga Manggagawa, saklaw sa Pampublikong Pananagutan na $1 milyon, at Saklaw sa Pinsala sa Ari-arian na $1 milyon. Makakukuha ng insurance sa pamamagitan ng City Hall Events Office para lang sa mga kliyente ng kasal na nagkakahalagang $3/bisita na may $100 na minimum. Ang package na Isang Oras na Kasal ay may kasamang insurance, at ang package na Dalawang Oras na Kasal ay may kasamang

insurance para sa hanggang sa 200 bisita, at magkakaroon ng singil na $3/bisita na may $100 na minimum kung lalampas dito.MGA MAGTATRABAHODepende sa laki at lawak ng iyong event, maaaring mangailangan ng karagdagang tauhan, kasama na ang mga event manager, laborer, engineer at electrician. Ang gastusin para sa labor na ito ay isasama sa kalkulasyon ng iyong bayarin.MGA NAHULING PAGSUSUMITE NG PLANOKapag isinumite ang mga event diagram nang kulang sa dalawang lingg bago ang event, o kapag nagumite ng mga planong elektrikal nang kulang sa limang araw ng trabaho bago ganapin ang isang event, maniningil ng ng bayarin sa huling pagsusumite na $250.LIFE SYSTEM ALARMPapatawan ng $5,000 na multa ang mga vendor at kliyente na nagdulot ng pagtunog ng Life System Alarm ng City Hall.PAGRE-RECYCLEPapatawan ng $1,000 ang mga vendor at kliyente na hindi magre-recycle ng basurang naipon ng kanilang event.SEGURIDADAng Sheriff’s Department ng San Francisco ang eksklusibong tagapaghatid ng mga serbisyong panseguridad sa City Hall. Ang mga bayarin para sa mga serbisyo ay batay sa mga eksaktong pangangailangan ng bawat event, at isasama sa kalkulasyon ng iyong bayarin ang gagastusin para dito. Kasama sa rate ng renta para sa package na Isang Oras na Kasal ang mga gastusin sa seguridad. Kasama sa rate ng renta para sa package na Dalawang Oras na Kasal ang mga gastusin sa seguridad para sa hanggang sa 200 bisita.

Page 11: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 11

SOUTH LIGHT COURT

DU

BN

OFF

WE

DD

ING

PH

OTO

GR

APH

Y

BLU

EPR

INT

ST

UD

IOS

& G

OT

LIG

HT

BLU

EPR

INT

ST

UD

IOS

& G

OT

LIG

HT

JOE

L P

ULI

AT

TI:

AR

CH

ITE

CT

UR

AL

PHO

TOG

RA

PHE

R

Page 12: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 12

PAGBU-BOOK1. UNANG PAGTATANONGMakipag-ugnayan sa aming opisina upang tingnan kung libre ang (mga) petsang gusto mo. Limitado ang mga makukuhang petsa, kaya maghanda ng mga alternatibong petsa at ng malinaw na impormasyon tungkol sa iyong event at sa timeline nito. Kung mukhang libre ang (mga) petsang gusto mo, maaari kang magtakda ng pansamantalang pagkuha.

2. PAMAMARAAN SA PAGHAMONKung may ibang partidong kumuha sa petsang gusto mo, maaari mong hamunin ang partidong ito sa pamamagitan ng pagsusumite ng kumpletong kontrata kasama ng tseke o money order mula sa cashier para sa deposito sa renta (75% ng kabuuang bayarin sa renta).

Pagkatapos nito, may dalawang araw ang hinahamong partido upang bayaran ang renta o pakawalan ang pinagtatalunang petsa. Iisang pansamantalang pagkuha lang ang maaaring hamunin sa bawat pagkakataon.

Kapag nagtagumpay ang iyong paghamon, hindi mare-refund o maililipat ang iyong deposito sa ibang petsa.

Kapag hindi nagtagumpay ang iyong paghamon, maaaring i-refund ang iyong deposito o gamitin para sa ibang petsa.

3. KONTRATAUpang kumpirmahin ang iyong petsa, magsumite ng kumpletong kontrata kasama ang deposito sa renta (75% ng kabuuang bayarin sa renta).

4. PAGPAPLANO NG EVENTBago ang iyong event:• Magsumite ng timeline, floor plan, listahan

ng mga vendor, at katibayan ng insurance ng iyong event.

• Bayaran ang paunang kalkulasyon ng mga gastusin na sasaklaw sa labor, kagamitan, at mga karagdagang bayarin. Tingnan ang Mga Bayarin at Gastusin para sa iba pang impormasyon.

• Tiyakin na makakapagbigay ng mga kinakailangang permit, kasama na ang permit mula sa Fire Department ng San Francisco.

5. PAGBISITA SA SITEHumigit-kumulang tatlong linggo bago ang petsa ng event, itinatakda sa iyong caterer at iba pang vendor na bumisita sa site kasama ng kawani ng City Hall Events office. Makabibisita lang sa site sa pamamagitan ng appointment, Lunes hanggang Biyernes, mula 9 a.m. hanggang 4:30 p.m.

6. BAYARAN ANG PINAL NA KALKULASYONHumigit-kumulang tatlong linggo bago ang iyong event, gagawa kami ng pinal na kalkulasyon ng mga gastusing sasaklaw sa iyong renta, labor, at iba pang bayarin. Dapat ibigay ang huling bayad nang hindi kukulangin sa limang araw bago ang iyong event.

Mga Pagbu-book at Vendor

MGA VENDORUpang padaliin ang iyong mga pagsisikap sa pagpaplano at mas luminaw ang pagkakaroon ng perpektong event, gumawa ang City Hall ng eksklusibong listahan ng mga kuwalipikadong vendor na nagtatrabaho.

Pamilyar ang mga kuwalipikadong vendor na ito sa aming Mga Patakaran at Regulasyon at natutugunan nila ang lahat ng mahahalagang kinakailangan upang makapagtrabaho sa gusali.

Pakibisita ang aming website para sa kumpletong listahan ng mga vendor at direktang makipag-ugnayan sa kanila upang malaman ang tungkol sa kanilang mga serbisyo at presyo.

DU

BN

OF

F W

ED

DIN

G P

HO

TOG

RA

PH

Y

Page 13: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 13

ROTUNDANakatayo: 600 Teatro: 200 Nakaupo: 320 Mga Dimensyon: 68’ x 80’

NORTH LIGHT COURTNakatayo: 600 Teatro: 300 Nakaupo: 435 Mga Dimensyon: 53’ x 123’

SOUTH LIGHT COURTNakatayo: 400

Teatro: 150 Nakaupo: 300

Mga Dimensyon: 56’ x 121’

MAYOR’S BALCONY SA IKA-2 PALAPAGNakatayo: 100Bilang ng upuan para sa kasal: 40 Mga Dimensyon: 15’ x 53’

Kapasidad at Mga Floor planMaaaring tumanggap ang City Hall ng mga event mula sa mga pribadong pagdiriwang ng kasal na may sampung tao hanggang sa magagarbong pagdiriwang na may 3,000 tao.

Kapag nakakontrata na ang event, makakukuha ng mga detalyadong floor plan ang mga taong binigyan ng lisensya at ang kanilang mga vendor. Makikita sa mga floor plan na ito ang marami pang detalye at feature ng pasilidad kasama ang espasyong pansuporta at mga lokasyon ng mapagkukunan ng koryente.

MGA GALLERY SA IKA-4 NA PALAPAGNakatayo: 100Bilang ng upuan para sa kasal: 60 Mga Dimensyon: 52’ x 18’

Page 14: uong pagmamahal na tinatawag na People’s Palace,sfcityhallevents.org/sites/default/files/2019-02/CH Events Brochure - Filipino.pdf · Araw ng Pag-set up Nangangailangan ng 50% ng

SAN FRANCISCO CITY HALL EVENTS | 14

Mga Direksyon at Paradahan

San Francisco City Hall1 Dr. Carlton B. Goodlett Place (Polk Street sa pagitan ng McAllister at Grove)

MGA DIREKSYON SA PAGMAMANEHOMula South Bay o Penninsula1. Mula sa 101 North lumabas sa 9th Street2. Kumaliwa sa 9th Street3. Sa Market Street, kumanan sa Larkin Street4. Kumaliwa sa McAllister Street5. Kumaliwa sa Dr. Carlton B. Goodlett Place (Polk Street)

Mula sa East Bay1. Mula sa I-80 West, bagtasin ang Bay Bridge2. Lumabas sa 9th Street/Civic Center at manatili sa kanan3. Kumaliwa sa Harrison Street4. Kumanan sa 9th Street5. Sa Market Street, kumanan sa Larkin Street6. Kumaliwa sa McAllister Street7. Kumaliwa sa Dr. Carlton B. Goodlett Place (Polk Street)

Mula sa North Bay1. Magmaneho papuntang timog sa Highway 101 at bagtasin ang Golden Gate Bridge2. Sundin ang mga karatula papuntang Downtown sa pamamagitan ng Lombard Street3. Kumaliwa sa Van Ness Avenue4. Tumuloy sa McAllister Street

PARADAHANCivic Center Plaza Garage355 McAllister Street (sa Polk) | 415.863.1537

Performing Arts Garage360 Grove Street (sa Gough) | 415.252.8238

Karagdagang paradahan

PAGSAKAY SA BUS AT TREN511.ORG 511.org | Telepono: 511 | TDD: 711

AC TRANSIT actransit.org510.891.4700 | TDD: 800.448.9790

P1

P2

P

BART bart.gov 415.989.2278 | TDD: 510.839.2220

CALTRAIN caltrain.com 510.817.1717 | TTY: 650.508.6448

GOLDEN GATE TRANSIT goldengatetransit.org

415.455.2000 | TDD: 711

MUNI sfmta.com 415.701.2311 | TDD: 415.701.2323

SAMTRANS samtrans.com 510.817.1717 | TDD: 605.508.6448