urbana at feliza

20

Upload: cynthia-buque

Post on 22-Nov-2014

2.247 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Urbana at Feliza
Page 2: Urbana at Feliza

Ang sumulat ng Urbana at Feliza ay si P. Modesto de Castro na ipinanganak sa Biñan, Laguna, noong unang hati ng ika-19 na dantaon. Nag-aral siya sa Colegio Real de San Jose, naging Kura sa Catedral ng Maynila at pagkatapos ay sa Naik, Kabite. Bukod sa “Urbana at Feliza” ay sinulat din niya ang “Pláticas Doctrinales” (1864), “Exposicion de las Siete Palabras en Tagalo”, at “Novena a San Isidre en Tagalo”, atb. Sa pamamagitan ng “Urbana at Feliza” ay natagurian siyang “Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog”.

Ang may akda

Page 3: Urbana at Feliza

Tagpuan

Dalawang pook ang nabanggit sa nobelang ito. Dahil ito ay ang pagpapadala ng liham ng dalawang magkapatid, malayo ang pook kung saan sila naninirahan. Si Urbana ay nasa Manila upang mag-aral, at si Feliza naman ay nasa Paombong, Bulacan.

Page 4: Urbana at Feliza

NilalamanAng “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay “Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at si Feliza” ay binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid. Ang lalong bata, si Feliza, ay nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, samantalang ang nakatatanda, si Urbana, ay puno ng pangaral sa kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at sinasabi kung paano maiilagan ang mga ito

Page 5: Urbana at Feliza

“Sa pangalang ‘Urbana’ mababasa ang magaling na pakikipag-kapwa tao. Sa kanyang mga sulat sa kapatid na Feliza, ay maka pupulot ang dalaga, maka pag aaral ang bata, maka aaninao ang may asawa, maka tataho ang binata nang aral na bagay sa kalagayan nang isa,t, isa.“Kay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pag ilag sa panganib na ikasisira nang kalinisan; at ang kaniyang magandang asal ay magagauang uliran nang ibig mag ingat nang cabaitan at loob na mataimtiman.

Page 6: Urbana at Feliza

“Sa manga sulat ni Urbana, na ucol sa pag tangap nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, maka pag aaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol na dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na.“Sa manga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay: ay ang magandang asal nang capatid na bunso na si Honesto, maca pag aaral ang bata, at maca tatanto nang caniyang catungkulan sa Dios, pagka tanao nang kaliuanagan nang canilang bait…”

Page 7: Urbana at Feliza

Sagisag ng pangalan ng PanauhanAng pangalang “Urbana” ay sagisag ng Urbanidad

o kabutihang asal (good manners).

Ang pangalang “Feliza” ay galling sa Kastilang “feliz” (maligaya) at ang sinasagisag ay ang kaligayahang natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagka-masunurin.

Ang pangalang “Honesto” ay sagisag ng kalinisang-budi at karangalan. Sinabi ni P. Modesto de Castro sa aklat na kung ang mga aral ng kaniyang “Urbana at Feliza” ay pakinabangan ng mga tao:

Page 8: Urbana at Feliza

Ang mga importanteng asal ayon sa sulat ni Urbana:

Ang kamahalan at karangalan ang dapat humanap ng ulong puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap ng koronang ipuputong.

Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap ng mabigat na katungkulan.

Ang magnasang magkamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay hindi magandang nasa.

Page 9: Urbana at Feliza

Ang karangalan sa mundo ay para rin ng mundo na may katapusan.

Huwag magpakita ng kalupitan sa pagnanasang igagalang ng tao.

Huwag kalilimutan ang katungkulang lumingap sa lahat, mahal man at hindi.

Katapatan ng loob sa kaibigan, mapag-ampon sa mababa, maawain sa mahirap at tumutupas sa katungkulan ay pupurihin ng bayan

Page 10: Urbana at Feliza

Sa Piging

Ang sulat na ito ni Urbana kay Feliza ay mga bilin niya sa kanyang dalawang nakababatang kapatid tungkol sa karapatdapat na asal nila kapag sila'y naanyaya sa isang piging sapagkat maaari makasira sa imahe and maling gawain.

Page 11: Urbana at Feliza

Pagdating sa bahay:

Bumati ng magandang gabi o magandang araw sa may bahay, saka isusunod ang mga kaharap.

Huwag magpapatuloy sa kabahayan hanggang di inaanyayahan.

Bago lumuklok ay hintin muna na pagsabihan at huwag pipili ng mahal na luklukan.

Iwasan ang mamintas, itago na lamang sa sarili.

Page 12: Urbana at Feliza

Sa Lamesa:

Huwag makikiluklok sa matatanda.Sa pagkain ay iwasan ang pag-ubo, pagsinga

o pagbahin.Huwag magpapauna sa matanda sa pagsubo.Iwasan kumaing namumuno ang bibig, dalas-

dalas at malalaki ang subo.Masama ang mahalatang maibigan sa alak.Huwag magpahuli sa lahat sa pagkain at

huwag namang mapgpapa-una ng pagtindig.

Page 13: Urbana at Feliza

Sa pag-alis:Bago umalis sa dulang ay magpasalamat sa

Diyos, ang dapat mamuno ay ang may-

bahay.Magpasalamat sa may-

bahay.

Page 14: Urbana at Feliza

Kahalagahan ng Nobela

Ang nobelang ito ay tumatalakay sa mga kagandahang asal na dapat gawin sa mga okasyon, pang araw-araw at sa lipunan lalo na sa mga kabataan. Dahil kung ano ang kilos mo ay siyang tingin sayo ng iba at dito ka maigagalang. Tinalakay din sa nobelang ito ang pagpapahalaga sa pananampalataya sa Diyos, kung saan makikita natin ang mga payo ni Urbana kay Feliza sa kanyang liham.

Page 15: Urbana at Feliza

Ilan Pang Mahahalagang

Paalala Mula sa

Nobelang Urbana at Feliza

Page 16: Urbana at Feliza
Page 17: Urbana at Feliza
Page 18: Urbana at Feliza
Page 19: Urbana at Feliza
Page 20: Urbana at Feliza

Inihanda ni:

Cynthia S. BuqueBSED IV- ( Filipino)