utos ng hari

4
SURING-KWENTO: Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes Buhay-estudyante ang tuon ng kwento ni Jun Cruz Reyes. Sa mga karansan, kaisipan at saloobin ng pangunahing tauhan na si Jojo umikot ang kwento.Naipakilala ni Reyes ang pangunahing tauhan bilang isang estudyante na pasaway sa mata ng mga guro. Malinaw na sinasabi sa kwento na siya ay may pagkamatigas: .Only he is stubborn.Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom,para pang nang-iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy sa iyo ang hininga.”Bukod dun, si Jojo ay mahilig din mang-inis at manubok sa kakayahan ng guro:“Hindi lang ‘yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klasena akala mo’y mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ngresearch work, di atras siya.”At kadalasan, lumiliban siya sa klase:“And he is always absent.Sometimes I don’t want to give him an excuse slip anymore.” Sinasalamin ni Jojo ang mga estudyanteng nakakulong sa konsepto ng mapaniil na patakaran ng isang institusyon. Isa siya sa mga estudyante na maraming gustong sabihin pero walang karapatan para isatinig ito kaya napipilitin na lang na itago sa sarili. Maraming oras na gusto niyang isambulat ang kanyang nararamdaman pero hindi maaari kasi alam naman niya na hindi siya pakikinggan. Kung pakikinggan man siya, alam pa rin niya na mababalewala lang din ito. “Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sanay kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Ano ba’ng masama sa ginawa ko sa chapel ? Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba yon?” Nang araw na yun, sinabihan siya ni Mrs. Moral Character na pumunta sa kanyang cubicle pagkatapos mananghalian. Kinausap siya nito tungkol sa kanyang attitude. Kahit na naiinis na siya, pinilit pa rin niya na ngumiti dahil alam niyang hindi siya mananalo sa guro. Malinaw na isinalaysay sa kwento na bagamat pasaway na estudyante si Jojo, nakukuha pa rin niya ang makinig at ibigay ang respeto nito sa kanyang guro kahit papano.Bukas ang isip ni Jojo. Marahil, dala na rin ng kanyanag pagiging teenager.

Upload: chel101

Post on 02-Jan-2016

1.480 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Utos Ng Hari

SURING-KWENTO: Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes

Buhay-estudyante ang tuon ng kwento ni Jun Cruz Reyes. Sa mga karansan, kaisipan at saloobin ng pangunahing tauhan na si Jojo umikot ang kwento.Naipakilala ni Reyes ang pangunahing tauhan bilang isang estudyante na pasaway sa mata ng mga guro. Malinaw na sinasabi sa kwento na siya ay may pagkamatigas:.“Only he is stubborn.Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom,para pang nang-iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy sa iyo ang hininga.”Bukod dun, si Jojo ay mahilig din mang-inis at manubok sa kakayahan ng guro:“Hindi lang ‘yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klasena akala mo’y mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko.Tambakan ko nga ngresearch work, di atras siya.”At kadalasan, lumiliban siya sa klase:“And he is always absent.Sometimes I don’t want to give him an excuse slip anymore.” Sinasalamin ni Jojo ang mga estudyanteng nakakulong sa konsepto ng mapaniil na patakaran ng isang institusyon. Isa siya sa mga estudyante na maraming gustong sabihin pero walang karapatan para isatinig ito kaya napipilitin na lang na itago sa sarili. Maraming oras na gusto niyang isambulat ang kanyang nararamdaman pero hindi maaari kasi alam naman niya na hindi siya pakikinggan. Kung pakikinggan man siya, alam pa rin niya na mababalewala lang din ito. “Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sanay kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Ano ba’ng masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba yon?”

Nang araw na yun, sinabihan siya ni Mrs. Moral Character na pumunta sa kanyang cubicle pagkatapos mananghalian. Kinausap siya nito tungkol sa kanyang attitude. Kahit na naiinis na siya, pinilit pa rin niya na ngumiti dahil alam niyang hindi siya mananalo sa guro. Malinaw na isinalaysay sa kwento na bagamat pasaway na estudyante si Jojo, nakukuha pa rin niya ang makinig at ibigay ang respeto nito sa kanyang guro kahit papano.Bukas ang isip ni Jojo. Marahil, dala na rin ng kanyanag pagiging teenager. Nasa antas siya ng pagtatanong-tanong at pagtuklas sa mundo. Masasabi kong matalino siyang estudyante dahil nagagawa niyang tuligsain ang kanyang mga guro.Bukod dito, masasabi ko na malawak ang kanyang pag-iisip dahil nagagawa niyang bumuo ng mga diskuro sa isip niya na may kinalaman sa pagtuklas:

Bakit ba ayaw nilang makakita ng katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nulang lahat ang tao sa mundo. 

Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama, kaya wala nang natira para sa amin para diskubrihin? 

Pero hindi ba yung tinatawag nilang expertise yung dalawampung taon sa serbisyo, 

ang ibig lang sabihin isang taong karanansang pinatagal ng dalawampung taon?

Page 2: Utos Ng Hari

Mahirap nga namang mag-aral. Marami kang kailangang ipasang proyekto, papel at kung ano-ano pa para makumpleto ang mga kahingian sa eskwelahan. Hindi pa kasama doon ang paggugol mo ng panahon para pagtiyagaan ang mga guro mong terror at nagteterror-terroran lang. Ang nakaiiritang mga kamag-aral na nagtatali-talinuhan at nagdudunung-dunungan. Sa madaling salita, pakikisama. Mahirap makisama sa isang mundo na taliwas sa mundong gusto mong kalagyan. Marahil ito ang naging problema ni Jojo. Marami siyang gustong gawin sa buhay niya. Marami siyang gustong patunayan sa sarili niya maging sa mga taong nasa paligid niya. Subalit hindi niya alam kung saan magsisimula. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Dahil alam niya na hindi tatanggapin ng mundong kinalalagyan niya ang mga galaw na gusto niyang gawin.Bukod kay Jojo, binigyang-buhay rin sa kwento ang isang Mrs. Moral Character. Guro siya ni Jojo. Siya naman ang naging kinatawan ng lahat ng guro sa kwento. Siya ang nagsilbing Mr. Discipline, Mrs. Gles-Ing at Mr. Mathematecian sa kwento.Makikita sa kwento, sa pagsasalaysay ni Reyes, ang iba’t ibang mukha ng guro: Ang pagiging perfectionist sa bawat detalye, ang pagiging moralist, at ang pagiging intruder nito sa personal na buhay ni Jojo.

Perfectionist. Bilang isa Mrs. Moral Character na nagtuturo ng social science, gusto niya na laging tama at may batayan ang sinasagot ng kanyang mga estudyante sa oras ng kanilang diskusyon:“Good. Now, alam mo sigurong wala kang pinanghahawakang data, which I happen to have. Panay speculation lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Our lesson is more complicated than you thought. What you mean probably is the role of economic determinism in contemporary Philosophy, which is all together wrong. Bakit hindi mo gamitin ang power of elite approach? Behavioralism ang trend ngayon sa west. Bakit hindi ka makigaya?Moralist. Walang duda. Kaya siya tinawag na Mrs. Moral Character dahil lagi siyang nangangaral kaya nasasabihang maraming alam:

Tulad ni Mrs. Moral Charcter, bago mag-umpisa ang leksiyon, magsesermon muna ngvirtue of honesty, kesyo masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa

kaeskwelang nakalimutan ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo atkung ano-ano pa. Lahat na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam.At higit sa lahat, isang intruder. Pakialemera sa buhay ng may buhay, lalo na sa mga personal bagay, itong si Mrs. Moral Character nang bigla nitong sabihin kay Jojo na:They saw

you in the chapel…

Sabi nga ni Jojo sa kanyang sarili: Ano bang masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba yun? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel ng ganoong oras ng gabi.Bagamat ganoon ang pagbibigay-suri sa guro na nasa kwento, hindi ko naman sinasabi na  ang mga guro ay isang malaking “antagonist” sa kwento. Oo. Maraming pagkakataon na perfectionist ang mga guro. Dahil gusto nilang matuto ang kanilang mga estudyante. Mula sa pananaliksik hanggang sa kung paano mo ilalatag ito sa klase. Gusto nila na tinatahak mo ang sinasabi ni PNoy na tuwid na landas kaya lagi silang nagpapaalala sa mga tama at kagandahang asal. Pero ang tanong, pati nga ba ang personal na buhay ay kailangan nilang panghimasukan?

Page 3: Utos Ng Hari

Ang Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes ay nagpapakita ng realidad sa buhay-eskwela. Ang buhay ng isang pasaway na estudyante na may pasaway ring tropa. Ang pasaway na estudyante na kahit bata pa ay may kasintahan na. Ang pasaway na estudyante na may pasaway ring mga guro, tunay na makikita ang kasalukuyang kalakaran sa eskwelahan. Bagamat limitado ang galaw ng bawat tauhan sa kwento, nabigyang hustisya ni Reyes ang pagpapakita ng realismo sa kanyang akda. Ako, bilang estudyante, ramdam ko ang nararamdaman ni Jojo. Isang estudyante na gustong kumawala sa pagkakagapos sa tradisyunal na sistema ng edukasyon. Gustong maging malaya. Masabi ang lahat ng hinaing na hindi lang basta-basta pinakikinggan kundi malugod na natatanggap at nabibigyang-tugon.Ako, bilang isang guro, nauunawaan ko rin ang gustong ipahiwatig ng mga gurong tauhan sa kwento. Na tayong mga guro, ang nais lang sa mga estudyante ay ang matuto sila at maisabuhay lahat ng kaalamang naibibigay natin sa kanila. Magkagayon man, wala na tayong magagawa kundi ang sumunod sa kung ano ang iutos ng hari.