volume 78, issue 1 official newsletter of the california ... developm… · ang tatlong dekada ng...

12
Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng mga estudyante ang matataas na grado, may mas magaling na pagdalo, at mas nakagagawa ng kumpletong takdang-aralin kapag ang mga magulang at tagapag-alaga ay kasali. Ang mga pagbabago sa edukasyon katulad ng bagong Local Control Funding (LCFF), Local Control and Accountability Plans (LCAPS), bagong pamantayan ng estado at mag pagsusulit ay naghahatid sa bagong panahon na kung saan ang pakikilahok ng pamilya ay mas importante kumpara sa noon. Kayo ay may oportunidad na marinig ang inyong tinig! Alamin kung paano ninyo matutulungan ang inyong anak magtagumpay ngayong taon sa paaralan. ® everychild. onevoice. Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California State PTA 2015 Inside Ang tatlong kalakaran ng edukasyon na dapat ninyong malaman ngayong taong pampaaralan, page 3 Ang mga bagong pagsusulit ay nagpapatibay ng tagumpay ng estudyante, page 6 Mas Malalim na Pagtuklas: Ang mga bagong pamantayan ng California sa wikang Ingles, sining at Matematika, page 10 INSIDE Edisyong Pang-edukasyon ALAMIN NG HIGIT PA Bagong pagsasanay at puntos sa pag-uulat para sa ikatatagumpay ng estudyante. Pages 6-9 Iniuugnay ng PTA ang mga pamilya, paaralan, at mga komunidad. Ang PTA ay tumutulong ding matiyak sa mga magulang na may puwesto sila sa mesa kapag may mga importanteng desisyong gagawin na maaring maapektuhan ang paaralan.

Upload: dophuc

Post on 05-Feb-2018

246 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ngmga estudyante ang matataas na grado, may mas magaling na pagdalo, at mas nakagagawa ng kumpletong takdang-aralin kapag ang mgamagulang at tagapag-alaga ay kasali. Ang mga pagbabago sa edukasyonkatulad ng bagong Local Control Funding (LCFF), Local Control andAccountability Plans (LCAPS), bagong pamantayan ng estado at magpagsusulit ay naghahatid sa bagong panahon na kung saan angpakikilahok ng pamilya ay mas importante kumpara sa noon.

Kayo ay may oportunidad na marinig ang inyong tinig! Alamin kungpaano ninyo matutulungan ang inyong anak magtagumpay ngayong taonsa paaralan.

®

everychild. onevoice.Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California State PTA 2015

InsideAng tatlong kalakaran ngedukasyon na dapatninyong malaman ngayongtaong pampaaralan, page 3

Ang mga bagong pagsusulitay nagpapatibay ngtagumpay ng estudyante,page 6

Mas Malalim na Pagtuklas:Ang mga bagongpamantayan ng Californiasa wikang Ingles, sining atMatematika,page 10

INSIDE

Edisyong Pang-edukasyon

ALAMIN NG HIGIT PABagong pagsasanay at puntos sa pag-uulat para sa ikatatagumpayng estudyante. Pages 6-9

Iniuugnay ng PTA ang mga pamilya,paaralan, at mgakomunidad. Ang PTAay tumutulong dingmatiyak sa mgamagulang na maypuwesto sila sa mesakapag may mgaimportantengdesisyong gagawinna maaringmaapektuhan angpaaralan.

Page 2: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

Ang bawat pamilya ay parte ng pamilyang PTA!

2 PTA in California • 2015

Ang PTA ay naniniwala na angpamilya ay mahalagang bahaging lipunan na responsible sapag-suporta at pag-aalaga nglahat ng mga bata, at kinikilalanaming ang “ang pamilya” aymaaring bigyan ng maramingkahulugan. Kaya kahit sino paman ang kasapi ng inyongpamilya o paano ninyo itoituring, ang inyong pamilya aybahagi ng milyung-milyongmiyembro ng matatag napamilya – ang PTA!

Sa pagsali sa PTA, ipinapakita ninyo sa inyong mga anak na importanteand edukasyon, at kayo ay namumuhunan sa kanilang tagumpay. Naritoang ilan sa mga benepisyo ng pagiging kasapi ng PTA:

■ Maging Konektado. Walang ibang mas magandang paraan para malaman ninyoang mga kaganapan sa paaralan o mapalago ang relasyon ninyo sa guro oPunung-guro ng inyong anak.

■ Matuklasan ang Maraming Suporta. Ang PTA ay nag-aalok ng maramingkakaibang programa at kagamitan para sa mga estudyante, mga magulang,pamilya, paaralan, at komunidad.

■ Makapagsalita ang Maraming Suporta. Ang PTA ay nag-aalok ng maramingkakaibang programa at kagamitan para sa mga estudyante, mga magulang,pamilya, paaralan, at komunidad.school.

■ Maging Mabuting Modelo. Ang pagiging miyembro ng PTA ay nagpapakita sainyong anak na binibigyan ninyo ng kahalagahan ang edukasyon.

■ Magtamasa ng Mga Dagdag na Benepisyos. Ang mga miyembro ng PTA aynakikinabang sa mga ekslusibong benepisyo katulad ng diskwento sa mgagamit sa paaralan, paupahang sasakyan, mga park na panlibangan, at maramipa.

■ Gumawa ng Kakaiba! Dahil sa inyong pakikipagtulungan, ang mga miyembro aynakatulong sa lokal, batas na pang-estado at pambansa at pamantayan paramapabuti ang edukasyon, kalusugan, at kaligtasan ng lahat ng mga bata.safetyof all children.

Ang pagsapi sa PTA ay bukas para sa lahatyone: Kayo man ay magulang,estudyante, guro, may Tungkulin sa negosyo o miyembro ng komunidad.

Ang inyong pagiging kasapi ng PTA ay MAGBIBIGAYng pagkakaiba

Kung mahalaga sa inyo ang mga bata, sumali sa PTA PTA!

Page 3: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

1 ANG UGNAYANG PAMPAMILYA AY SUSI SA TAGUMPAYNG ESTUDYANTE

Ang dekada ng pagsusuri ay nagpapatunay na ang pakikipagugnayan ng pamilyaay susi sa ikatatagumpay ng inyong anak sa paaralan – at sa buhay! Ang inyongpakikipag-ugnayan sa buhay ng inyong anak – sabay na nagbabasa, pagsisiyasatng takdang-aralin, tinitiyak ang pagpasok sa paaralan, pakikipagtulungan sa mgaguro, nagtatanong tungkol sa araw ng bata sa paaralan at pagsali sa PTA – aynagbibigay ng tagumpay sa estudyante na mas mataas pa sa kinikitang sweldo,mas magaling na pagganap sa paaralan, nakakakuha ng matataas na marka,pinapasa ang kanilang mga klase, nakakapag-buo ng mas mabuting pakikipag-kapwa tao at makapag-aral sa kolehiyo at iba pang oportunidad napang-edukasyon.

2 ANG MAS MALULUSOG NA MGA BATA AY MASMAGALING NA MAG-AARAL

May kritikal na ugnayan sa pagitan ng kalusugan at pagsulong ng estudyante.Alam ng mga pamilya, mga guro, at mga nagsusuri na ang mga bata ay hindilalaki, matututo at magtatagumpay kung sila ay hindi malusog. Kayo aymakatutulong masiguro ang kalusugan ng mga bata – at matagumpay na mag-aaral – sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain at tamangalaga, manatiling bumubuo ng kalusugan, at madalas makipag-ugnayan sainyong lokal na PTA para sa pinakahuling impormasyon tungkol sa mga isyu ngkalusugan at mga programa sa paaralan ng inyong anak.

3 ANG MGA PAGBABAGO SA EDUKASYON AYTUMUTULONG SA MGA ESTUDYANTE

Mula sa binagong pormula hanggang sa bagong pamantasan ng pag-aaral at mgapagsusulit, ang mga paaralan sa California ay gumagawa ng mga pagbabagongmagiging parte ng kasaysayan na ginawa para tulungan ang mga estudyantengmagtagumpay. At maunawaan kung paano kumikilos ang sistema ng paaralan –katulad ng sa pamamagitan ng School Smarts Parenting Engagement Programng PTA ng Estado ng California – tumataas ang posibilidad na sumali angmagulang at komunidad, at ito ay nagiging mas epektibo at tumutugon angedukasyon para sa lahat ng mga bata.

3PTA in California • June 2015

Ang tatlong kalakaran ng edukasyon na dapatninyong malaman ngayong taong pampaaralan

3PTA in California • 2015

— ALAMIN PA —Para sa impormasyon tungkol sa tatlong kalakaran ng

edukasyon at iba pa, bisitahin angcapta.org.

“Para lang siyangABC, kapagpinagsama-sama

ang pakikipagtulunganng pamilya, kalusugan ngestudyante at ang mgapagbabago sa tanawin ngedukasyon ito ay nagbabaybayng tagumpay para sa mga batang California – ganun langkasimple!”

– California State PTA PresidentJustine Fischer

Page 4: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

4 PTA in California • 2015

1 Pagpapakita ng pagiging magulang sapositibong pamamaraan at suporta sa pag-aaral sa loob ng tahanan.Makagawa ng epektibong kasanayan bilang magulang athanapin ang mas mabuting paraan para maintindihan angpag-unlad ng bata at kabataan. Magtayo ng tahanangsusuporta sa pag-aaral katulad ng paglalagay ng tahimik nalugar upang makagawa ng takdang-aralin, isang regular naoras para mag-aral. Alamin ang patakaran ng guropagdating sa takdang-aralin at paano matitignan atmapaguusapan ang mga gawaing pampaaralan sa tahanan.Makipag-usap sa inyong anak tungkol sa kanilangpagpasok sa kolehiyo at pagtratrabaho.

2 Alamin pa ang tungkol sa paaralan nginyong anak at makipag-usap sa mgatagapagturo.Dumalo sa parent-teacher conferences at mga kaganapansa paaralan ng inyong anak. Alamin kung paanomakakakuha ng mga serbisyong magsasalin sa inyongwika. Magbigay ng oras para magbasa ng mga newsletters,mga abiso, at memo na galing sa paaralan. Magtanong sainyong paaralan kung inaalok ang PTA ng California StateSchool Smart Parenting Engagement Program at, kunghindi, magtanong kung paano ito maaring dalhin sapaaralan ng inyong komunidad.

Anim na susing pamamaraan para magawa ninyoang naiiba para sa inyong anak at paaralanAng mga pagbabago sa edukasyon katulad ng Local Control Funding Formula (LCFF) pati na rin ang bagongpatakaraan ng estado at mga pagsusuri ay nagbibigay ng bagong siglo kung saan ang magulang at pamilyangkasali ay mas mahalaga kaysa noon. Kayo ay may pwesto sa mesa kapag may mga desisyon na dapat gawinpara sa paaralan ng inyong anal at ang distrito ng paaralan. Narito ang anim na pamamaraan* para kayo aymakasali at makagawa ng magandang pagbabago para sa inyong anak at paaralan:

Page 5: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

5PTA in California • 2015

3 Tumulong sa paaralan o sumali sa PTA.Humanap ng mga paraan para mag-boluntaryo sa klase oiba pang mga pamamaraan para kayo ay makatulongmaghanda o magsaayos ng mga kagamitan sa paaralan atsa tahanan. Alamin ang mag tungkol sa mga samahan sapaaralan, mga pagkukusa, at mga komite ng paaralankatulad ng PTA, School Site Council o English LearnerAdvisory Committees (ELAC). Tumulong sa malawakangkaganapan sa paaralan o samahan ang inyong anak sa mgaaraling paglalakbay. At tandaan: Ang pagsali sa PTA aynagpapakita ng suporta sa inyong anak at paaralan.

4 Makisali sa pagbuo ng desisyon,pamumuno at pakikipagtulungan sa inyong paaralan.Alamin ang iba’t-ibang paaralan, distrito o komunidad nagumagawa ng desisyon. Ang inyong mungkahi aymahalaga. Alamin pa ang tungkol sa Local Control andAccountability Plan o LCAP ng distrito ng inyongpaaralan at ang walong nangungunang lugar na tutulong salahat ng mga bata na magtagumpay. Pag-isipang kumuhang tungkulin sa pamumuno upang makapagsalita para samga bata – sa inyong PTA, sa inyong paaralan at labasnito.

5 Maging pamilyar kung ano ang inyonginaasahang matutunan ng inyong anak atpaano siya masusubukan bilang bahagi ngbagong pamantayan ng estado.Dumalo sa mga pagpupulong at/o basahin pa ang tungkol abagong pamantayan ng estado ng California at paano itomakatutulong ihanda ang mga estudyante sa hinaharap.Alamin pa ang tungkol sa bagong programa para sapangkalahatang pamantayan ng estado, paanomakatutulong ang mataas na marka sa iaktatagumpay nginyong anak. Kausapin ang guro ng inyong anak upangmaunawan kung paano magigign kakaiba ang pag-aaral saloob ng klase at ano ang pinakamagaling na suporta parasa inyong anak.

6 Pakinabangan ang mga tulong ngkomunidad. Sumangguni sa inyong paaralan tungkol sa libre omababang singil na programa tungkol sa komunidad napangkalusugan, kultura at lipunan. Alamin ang mgaprograma pagkatapos ng klase sa paaralan, pagtuturo atlibreng programa sa silid-aklatan na bukas para sa inyo atsa inyong pamilya.

*Galing mula sa modelo ni Joyce Epstein para sa pakikipagtulungan ngpamilya at komunidad bilang bahagi ng programa ng California StatePTA Smarts Parent Engagement.

Pataasin ang pakikilahok,tagumpay sa inyongpaaralan kasama angprograma ng School Smarts Parent Engagement!Ang School Smarts ay isang programang puno ng gantimpala, pananaliksik na tumutulongsa mga magulang gabayan ang kanilang mga anak at paaralan. Tampok ang pitong sesyonna akademya ng magulang kasama ang edukasyon, pakikipagtalakayan at pamumuno, angprograma ay nagbibigay-diin sa mga gawaing pang-sining at usapang magtatayo ngpakikipaglahok ng mga magulang at namumuno ng paaralan.

“Ang pagaaral at nagsisimula satahanan, susunod ang paaralan, atpabalik ng tahanan – ito ay umiikot. AngSchool Smarts ay tinuruan ako kungpaano sumali, maintindihan angsistema ng paaralan, at alamin angpag-unlad ng aking mga anak at anoang kanilang mga natututunan.”

– Marivic Quiba, Magulang

Para dalhin ang School Smarts sa inyong paaralan, makipag-ugnayan sa inyong PTA o punong-guro o sumulat sa [email protected].

Page 6: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

Ang kalagayan ng edukasyonsa California at nagbabago,pati na rin ang paraan kungpaano nasusukat ang mganatututunan ng estudyante.

Tapos na ang mga panahon na may maraming pagpipiliang tamangsagot sa pagsusulit, pagsasagot sa pamamagitan ng bubble tests.Ang mga pagsusulit ngayon ay isa ng mga pagkakataon naginagamitan ng mataas na teknolohiya, pambihirang pag-iisip atpaglutas ng problema – tunay na kasanayan na kailangan para satunay na tagumpay sa totoong mundo.

Ang bagong pagsusuri ng programa ng California – tinawag naCalifornia Assessment of Student Performance and Progress(CAASPP) – ay kumakatawan sa susunod na hakbang sa mataas nahangarin ng estadong baguhin ang proyekto ng edukasyon. Sataong 2014-15, ang mga paaralan sa California ay pinalitan angmga lumang pagsusulit ng bagong pagsusuri para malaman ng mgamagulang at mga guro kung gaano natututo ng bagong kasanayanang mga estudyante at bagong kaalaman na kailangan nila upangsila ay magtagumpay sa mundo ngayon.

Ang unang saklaw ng pagsusulit ay gaganapin sa huling tagsibol(spring) para sa mga estudyanteng nasa antas 3, 4, 5, 6, 7, 8 at 11.Ang darating na taglagas (fall) ang pagdating ng mga unang iskor,magbibigay ng plano at layunin para sa mga magulang at guro natulungan ang mga estudyanteng magtagumpay ngayong taon na itong pampaaralan.

6 PTA in California • 2015

Ang mga bagongpagsusulit aynagpapatibay ng tagumpay ng estudyanteIpinapakita ng bagongtatag na pagsusulit angmga pangangailangan ng bata at mga layunin

Page 7: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

7PTA in California • 2015

■ Ang bagong iskor ay magiging bago ang anyo – OK lang iyon! Angmga iskor galing sa bagong pagsusulit ay hindi maaring ikumpara samga pagususulit na ginawa ng mga bata noon. Ang mga dating iskoray konektado sa ibang pamantayan, na isinuri sa ibang paraan.

■ Ito ang tamang panahon upang magtanong! Ang mga magulang aymaari ng magsimulang makipag-usap tungkol sa mga iskor ngpagsusulit sa mga guro ng kanilang anak habang idinaraos angback-to-school night at ipagpatuloy ang paguusap hanggang saparent-teacher conferences at iba pang pagpupulong.

■ Ang mga iskor ay makatutulong mapabuti ang pagaaral ng inyonganak. Ang mga iskor ay nagbibigay sa mga guro ng pagkakataongisaayos ang pagtuturo at bigyan ang mga estudyante at mgamagulang ng idea kung anong lugar dapat bigyan ng labis na pansinngayong taon. Ang mga iskor ay papayagang makita ng mgamagulang para malaman kung saang pamantayan na magaling angkanilang anak.

■ Ang mga bagong iskor ay isa lamang paraan na masukat kung ano angkalagayan ng inyong anak. Ang bagong pag-akyat ng mga pagsusulitay bahagi mg pangkalahatang sistema ng pagsusuri na kasama angmga takdang-aralin sa klase, mga pagsusulit, ulat na nakasaan angmga grado at iba pang mga paraan para matignan ang pag-usad nginyong anak.

■ Ang unang iskor ay nag-uulat ng panimula. Ang bagong pamantayanng California ay ginawa upang pataasin ang lalim ng kaalaman atpambihirang pag-iisip, at ang mga pagsusulit ay nagpapakita ng masmataas na pag-asa. Ang mga unang iskor ay ang panimula para satuloy-tuloy na paglaki sa kolehiyo – at paghahanda sa pagtratrabahoat mga kasanayan para sa inyong anak.

ULAT NG ISKOR: ANO ANG KAILANGANNINYONG MALAMAN EKSTRANG

IMPORMASYON PARA SA MGAESTUDYANTE NGHIGH SCHOOL!Ang kaalaman ninyo sa antas ngtagumpay ng inyong anak sapagtatapos ng ika-11 baitang aynagbibigay sa inyo ngpagkakataong gamitin angkanilang taon sa senior highschool para mapagaling angkanilang kasanayan paramakapasok sa kolehiyo o careertechnical education pagkataposng high school. Ngunit kahit anongplano ng inyong anak sa hinaharap,ang pagkuha ng mga hakbang paramaghanda bago magtapos aymahalaga sa hinaharap natagumpay. Ang mahalagangbenepisyo ng mga estudyantenggumanap ng “mataas pa sapamantayan” sa mga pagsusulit aymaaring malibre sa hindi pagkuhang pagsusuri sa California StateUniversity (CSU) o sa mga kalahokna California Community College(CCC). Ito ay magbibigay ngpagkakataon sa inyong anak namakapili agad sa maramingnakalistang kurso sa antas ngkolehiyo sa araw ng enrollment.Ang mga estudyanteng gumanap sa“nakamit ng tama ang pamantayan”ay hinihimok na kumuha ngtamang kurso sa kanilang senioryear para sila ay makapasok sa mgakursong pang-kolehiyo ang antas ocareer training.

Alamin pa sawww.csusuccess.org.

Page 8: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

8 PTA in California • 2015

MGA DAPAT TANUNGINAng ulat ng iskor mula sa bagong pagsusulit ng estudyante ay nag-aalay ng malaking pagkakataongmag-usisa ng mga tanong:

Ang iskor na ulat ng inyonganak ay binubuo ngdalawang pahina, parehongsadyang ginawa para sainyong anak. Ang mgadetalyadong iskor at mgakagamitan ay masmakabubuting maglarawanng pag-usad ng inyong anakat magbigay ng mgapagkakataong gumanakasama ang mga tagapagturopara masiguro angikatatagumpay ng inyonganak.

–––––––––––––––––

Para sa karagdagangimpormasyon sa ulat ngiskor, siguraduhing panoorinang video ng CaliforniaDepartment of Education –bukas sa Ingles at Espanyol– pati na rin ang bagonggabay para sa magulang sawww.cde.ca.gov.

Kasama sa unang pahina:

■ Isang sadyang ulat mula sa tagapangasiwa ng estado tungkol sa pagsusulit ng inyong anakat ang bagong ulat tungkol sa iskor.

■ Pangkalahatang iskor na naglalarawan ng pagganap ng inyong anak sa wikang Ingles atsinging, matematika. Nakasaad ang bilang na iskor pati na rin ang bar na nagpapakita ngmga inaasahang iskor kung ang pagsusulit ay kinuha ng maraming beses, ang ulat aymagsasabi kung ang inyong anak ay nakakuha ng “standard not met”, “standard nearly met”,o “standard exceeded” sa dalawang pangunahing paksa.

Kasama sa pangalawang pahina:

■ Bahagi ng apat na paksa sa wikang Ingles sa sining, nag paglatag ng pagganap ng inyonganak sa pagbabasa, pagsusulat, pakikinig at pagsusuri/pagtatanong na parte ng pagsusulit.

■ Bahagi ng tatlong paksa ng matematika, nagbibigay ng detalye tungkol sa pagganap nginyong anak sa pagsagot sa mga suliranin (problem solving)/pagpapakita/pag-analisa, mgakonsepto at pamamaraan, at pakikipagusap ng may katwiran bilang bahagi ng pagsusulit.

■ Paglalarawan ng pagganap ng inyong anal sa pitong paksa bilang “below standard”, “at ornear standard”, o “above standard.”

UNAWAIN ANG ISKOR NA ULAT NG INYONG ANAK

■ Tanungin ang inyong Anak:Ano ang mga paksana sa tingin ninyo ay dapat na partikular na mag-pokus sa taong ito, base sa resulta ng inyongpagsusulit? Ano ang nakikita ninyong lakas namaaring itatag?

■ Tanungin ang inyong Guro: Paano magagamitbilang pagtuturo ang mga resulta ng pagsusulit sataong ito? Ano ang maari naming gawin sa tahananupang matulungan ang aming anak matuto at magingmatagumpay? Paano ba sinusuri ang iba pangmahalagang paksa?

■ Tanungin ang inyong Punung-guro:Ang mgaindibidwal na resulta ng pagsusulit ba na ginamit sapaaralan ay nasa klase o para sa partikular nadesisyon? Ano ang inyong natutunan sa antas ngpangkalahatang resulta ng pagsusulit?

■ Tanungin ang inyong Tagapangasiwa:Ang mgaresulta ba ng pagsusulit ng distrito ay makatutulong sakahot anong pagpapaunlad na propesyonal ngayongtaon? Ano ang mga susunod na hakbag ng distrito paramatuloy ng buo, matagumpay na implementasyon ngbagong pamantayan?

Page 9: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

9PTA in California • 2015

■ Sukatin ang kasanayan sa tunay na mundo. Para maging handa sakolehiyo at lugar ng pagtratrabaho, ang inyong anak aykailangang gamitin ang kaalaman at kasanayan sa pamamagitanng magaling na pag-iisip, makatwirang pagsusulat at paglulutasng problema. Ang bagong pagsusulit sa matematika, wikangIngles sa sining ay sinusukat ang kasanayan ng mga estudyantena kailangan nila sa kanilang pagtatapos.

■ Tapusin ang pagtuturo sa pagsusulit. Kasama sa bagongpagsusulit ang mga gawain na mas maglalarawan kung ano angnatututunan ng inyong anak sa klase. Ito ay nagbibigay ngeksaktong pag-unawa sa kaalaman ng estudyante kumpara samga dating pagsusulit sapagkat tinatanong nito ang mgaestudyante na ipakita at gawin ang natutunan nila, imbes napumili sa tamang sagot sa isang pagsusulit na kilala sa tawag namultiple- choice.

■ Alamin kung ang mga estudyante ay nasa tamang landas ngtagumpay. Dapat malaman ninyo kung ang inyong anak ay maykaalaman at kasanayang kailangan para sumulong sa susunod nabaitang sa paksang iyon. Ang bagong pagsusulit ay matitignanang akademya at matulungan ang mga guro at mga magulangmalaman kung ang mga estudyante ay nasa tamang landas paramakapag-kolehiyo at handang makapagtrabaho sa bawat antas nggrado.

■ Paggamit ng teknolohiya para makapagbigay ng mas tamangimpormasyon sa mga guro at mga magulang. Ang mga pagsusulitonline ay kinapapalooban ng maraming iba’t-ibang tanong atmas sigurado kumpare sa pagsusulit gamit ang papel. Ang mgapagsusulit ay akma sa bawat sagot ng estudyante, pagdadaanmula sa madali hanggang sa mas mahirap na mga tanong upangmaunawaan nila ang tamang sukat ng pangunawa ng estudyante.

■ Magbigay ng mga pagkakataon para sa maagang pamamagitan.Ang mga guro ay may daan para sa mga pagsusulit na maaringibigay sa loob ng taon para matignan ang pagunlad ngestudyante. Kapag may impormasyon ang mga guro tungkol salakas at pangangailangan ng inyong anak, sila ay masmakapagbibigay ng suporta na turuang matuto ang inyong anak.

■ Pinalitan ang mga pagsusulit ng estado sa Ingles at Matematika.Ginawa ng mga eksperto at tagapagturo, ang bagong pagsusulitay pinalitan ang dating STAR tests sa Ingles at Matematika.

■ Suportahan ang mga estudyante may espesyal napangangailangan. Isinama sa bagong pagsusulit para tulunganang mga nag-aaral ng Ingles at mga estudyante na may espesyalna pangangailangan ipakita kung ano ang kanilang nalalaman atang kaya nilang gawin.

Kung kayo ay may katanungan tungkol sa mga bagong pagsusulit,malayang makipag-ugnayan sa guro ng inyong anak, paaralan oPTA. Kami ay nandito para tumulong sa tagumpay ng inyong anak!

ANG MGA BAGONG PAGSUSULIT NA TUTULONGMAGTAGUMPAY ANG INYONG ANAK

BUMISITA SACAPTA.ORG/RESOURCES

Para sa libreng gabay ngpagsusulit mula sa California

Department of Education and California State PTA!

Page 10: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

10 PTA in California • 2015

Ang mga bagong pamantayan ng estado ng California sa wikangIngles, sining, at matematika ay bahagi ng pangkalahatangpagbabago para lahat ng paaralan ay makasiguro na lahat ng mgaestudyante ay magtatagumpay. Ito ay nagbibigay ng mas malalim,puno at mas tamang pamamaraan na may malinaw na nakatakdanglayuninpara sa bawat antas para tulungan ang inyong anak maghanda– at ang bawat bata – na matagumpay makisalamuha sa mgapagbabago ng mundo.

Narito ang ilan sa mga malalaking tulong na dapat malamantungkol sa bagong pamantayan at paano ito makatutulongsa inyong anak ngayong taon ng pampaaralan:

■ California Department of EducationBasahin ang pamantayan at manaliksik ng listahan ng mga tulong paramakakuha ng suporta. www.cde.ca.gov/re/cc/

• Mayroon ding bahagi ng mga pagkukunan at gabay para sakomunidad ng espesyal na edukasyon. www.cde.ca.gov/sp/se/cc/

■ Gabay para sa ikatatagumpay ng estudyante sa PTA ng CaliforniaState Isang apat na pahinang gabay sa bawat antas, kasama dito ang mgainilalarawang pamantayan, mga idea na susuporta sa pag-aaral sa tahanan atmga tanong na maaring itanong sa guro ng inyong anak. Ito ay nasa anim nawika. www.capta.org/commoncore

■ Konseho ng Great City School Parent Roadmap Makita ang tatlong taon na larawan na pinapakita kung paano napili angmga pag-unlad ng pamantayan sa bawat taong nagdaan upang ang inyongmga anak ay makapasok sa kolehiyo-at-handang makapagtrabaho sa arawng pagtatapos ng high school. www.cgcs.org/Domain/36

■ Ed100.orgSiyasatin ang sistema ng edukasyon ng California sa madaling-nauunawaang wika. www.ed100.org

■ Ang Homework Help Desk May katanungan ba tungkol sa takdang-aralin ng inyong anak? Hanapinayon sa antas o paksa, magbasa sa pamamagitan ng mga videos omagtanong. www.thehomeworkhelpdesk.org

■ Maging Bayani ng Pagtuturo Ang tinaguriang site na suportado ng PTA ay nagbibigay ng mga payo,mabilis na karunungan at mga gabay para matulungan ang inyong anak namagtayo ng kasanayan na ginawa para mas mapaunlad ang karunungan nginyong anak sa mga paksang kailangan niya ng suporta.www.bealearninghero.org/skill-builder

Mas Malalim na Pagtuklas: Ang mga bagong pamantayanng California sa wikang Ingles,sining at Matematika

Page 11: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

11PTA in California • 2015

Magsimula ng isipin ang Kolehiyo (At Paano itoMababayaran)

Magsimula sa Maliit at MaagaAng tungkulin ng pag-iipon para sakolehiyo ay nakagugulat, ngunitkung ito masisimulan ng masmaaga, mas malaki angpagkakataong ang inyong anak aymakapag-kolehiyo at magkaroonng panggastos para ito aymabayaran. Maraming pag-aaralang nagpapakitang ang batang mayipon para sa kaniang kolehiyo ay 6hanggang 7 beses malaki angpagkakataong pumasok sakolehiyo. Ang susi ay magsimulaagad.

Pag-aralan ang inyong PondoAng pag-iipon para sa kolehiyo aynakapanghihina ng loob. Kayaimportante na tignang mabuti anginyong pondo at alamin kung saanninyo kukunin ng regular angkontribusyon para sa kolehiyo.Walang kontribusyon na maliit.Lahat ng munting bagay aynakatutulong.

Itakda ang inyong LayuninAng pagbabayad ng 100porsyentong gastusin para sakolehiyo ng anak ay hindimakatotohanang layunin para saibang magulang. Sa kabutihangpalad, ang bahagi ng inyong iponay isa lamang parte ng masmalaking plano para makabayad sakolehiyo. Alamin ang layunin naposible para sa inyong pamilya atplanuhin ito ng mabuti.

Unawain ang inyong 529 Plan Ang 529 Plan ay itinatag ng estado,may pakinabang sa tax nadinisenyo para tumulong sa mgapamilyang mag-ipon para sakolehiyo. Ang Estado ngCalifornia ay nag-aalay ngScholarShare College Savings Plan.Dagdag pa sa maraming benepisyonito, kayo ay makapag-bubukas ngaccount ng may $25 lang. Bumisitasa scholarshare.com para sakaragdagang impormasyon.

Karagdagang TulongMaraming libreng tulong ang bukaspara tumulong sa mga paghahanapng trabaho at paggawa ng planopara sa kolehiyo. Ang mgatagapagpayo ng paaralan ay anguna ninyong tulong para makakuhang impormasyon tungkol sapaghahanap ng trabaho at kolehiyo.Ang pagbibigay ng kaunting oraspara makipag-usap sa tagapagpayong paaralan ay nakatutulong samaraming ideya sa pagtratrabaho,pagsusulit para malaman ang hiligna trabaho ng inyong anak,teknikal/bokasyon at marami pangiba. Ang inyong paaralan o lokal nasilid-aklatan ay ilan sa mgamakatutulong sa pag-pla-plano nginyong hinaharap.

Hindi masyadong maaga – o huli na ang lahat – para mag-plano ng kolehiyo para sa inyong anak sa hinaharapat magawa ang mapa ng pag-iipon para sa kolehiyo.

Ang California State PTA at ScholarShare California’s 529 College Savings Plan, ay nakikilahok sa pag-angatng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pag-iipon para sa kolehiyo. Narito ang ilang hakbang na maarininyong gawin para makagawa ng mapa ng pag-iipon para sa kolehiyo ng inyong anak:

Page 12: Volume 78, Issue 1 Official Newsletter of the California ... Developm… · Ang tatlong dekada ng pananaliksik ay nagpapatunay na nakakamit ng ... may Tungkulin sa negosyo o miyembro

Pumunta sa kapulungan

Manatili para sa bakasyon

Ipinakikilala ang mga tinaguriangtagapagsalita, mga masigasig na workshop,at mga kaaya-ayang aktibidad, ang 2016California State PTA Annual Convention ayisang lugar para iugnay ang tagumpay ngestudyante!

Mayo 4-7, 2016 sa San Diego capta.org/convention

Nag-iisa lang ang PTA!Bahagi ng paaralan, pamilya at kapitbahayang higit pa sa 115 taon, ang PTA ay isangorganisasyong pampamilya. Kung anginyong paaralan ay hindi pa bahagi ng PTA,kayo ay maaring magsimula ng PTA atipagpatuloy ang isang siglo ngtagapagtaguyod para sa mga kabataan,pamilya at komunidad.

capta.org

California State

2327 L StreetSacramento, California 95816-5014

Articles appearing in this newsletter may be reprinted in PTA unit,council and district newsletters only. Please credit California State PTA.

PTA IN CALIFORNIA2327 L Street, Sacramento, California 95816-5014

PH (916) 440-1985 • FAX (916) 440-1986capta.org

FALL 2015, Official newsletter of the California State PTA, Volume 78,No. 1. Four issues published annually. Circulation 80,000. ©2015California Congress of Parents, Teachers, and Students, Inc. All rightsreserved. PTA® is a registered service mark of the National Congressof Parents and Teachers.

President: Justine FischerVice President for Communications: Carol Green

Vice President for Education: Celia JaffeExecutive Director: Sherry Skelly Griffith

Editorial and Design Team: Michelle Eklund, Brady Oppenheim, Ralph Ruiz, Pat Ruiz

The mission of the California State PTA isto positively impact the lives of all children and families.

Adopted August 2013

®NON-PROfIT ORG.

U.S. POSTAGEPAID

CPS