guroako.com · web viewanu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. paglalahad:...

30
CHARACTER EDUCATION VI Date: _________________ I. LAYUNIN: Naipakikita ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pinagkukunang yaman, sa pamamagitan ng pagpapasiya kung anu-ano ang mga pangunahing nararapat paggamitan ng mga pinagkukunang-yaman. II. PAKSANG-ARALIN: Pagpaplano sa Pangangasiwa ng Pinagkukunang Yaman B.P. : Pangkabuhayan K.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang Yaman E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 26 Kagamitan : Larawan III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Anu-ano ang mga produktong pang-industriyang pantahanan na ating napag-aralan? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak: Paano ang wastong pagtitipid natin sa paggamit ng tubig? 2. Paglalahad: Madalas na mahina ang daloy na tubig kina Arlene. Minsan ay nawawala pa ang tubig sa matagal na panahon. May isang gripo silang sira at kahit puno na ang kanilang lalagyan ay hinahayaang tumulo ito ng tumulo. 3. Pagtatalakay: 1. Bakit kaya madalas mawalan ng tubig sa lugar nila Arlene? 2. Ano ang dapat gawin kung mayroong gripong sira? 3. Dapat bang magtipid sa tubig? Bakit? C. Paglalahat: Ang tubig ay isa sa ating pinagkukunang-yaman, paano natin ito pangangalagaan? D. Paglalapat: Ano ang dapat mong gawin sa mga sumusunod na kalagayan? Maghuhugas ka ng isang baso, gaanong tubig ang iyong gagamitin. Maliligo ka. Alin ang mas makatitipid? Ang paggamit ng shower o

Upload: others

Post on 27-Feb-2021

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipakikita ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pinagkukunang yaman, sa

pamamagitan ng pagpapasiya kung anu-ano ang mga pangunahing nararapat paggamitan ng mga pinagkukunang-yaman.

II. PAKSANG-ARALIN:Pagpaplano sa Pangangasiwa ng Pinagkukunang Yaman

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 26Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-ano ang mga produktong pang-industriyang pantahanan na ating napag-aralan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Paano ang wastong pagtitipid natin sa paggamit ng tubig?

2. Paglalahad: Madalas na mahina ang daloy na tubig kina Arlene. Minsan ay nawawala pa ang tubig

sa matagal na panahon. May isang gripo silang sira at kahit puno na ang kanilang lalagyan ay hinahayaang tumulo ito ng tumulo.

3. Pagtatalakay:1. Bakit kaya madalas mawalan ng tubig sa lugar nila Arlene? 2. Ano ang dapat gawin kung mayroong gripong sira? 3. Dapat bang magtipid sa tubig? Bakit?

C. Paglalahat: Ang tubig ay isa sa ating pinagkukunang-yaman, paano natin ito pangangalagaan?

D. Paglalapat:Ano ang dapat mong gawin sa mga sumusunod na kalagayan? Maghuhugas ka ng isang baso,

gaanong tubig ang iyong gagamitin. Maliligo ka. Alin ang mas makatitipid? Ang paggamit ng shower o ang paggamit ng timba at tabo.

IV. PAGTATAYA: TUBIG AY TIPIRIN

Tubig ay tipirin, maayos itong gamitin Ito'y ating ingatan huwag aksayahin Krisis sa enerhiya dapat nating isipin Upang pagdating ng araw ay mayroon pang gamitin.

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ay kailangan tayo ay magtipid sa tubig. Gamitin itoa sa wastong paraan upang hindi tayo mahirapan pagdating ng tagtuyot.

Page 2: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pinagkukunang yaman.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan sa Pagpapaplano at Pangangasiwa ng Pinagkukunang-Yaman

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 26Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:a. Paano mo naisaalang-alang angkaligtasan at kapakanan ng nakararami sa paggamit ng

teknolohiya? b. Nakabubuti ba ang patuloy na paggamit ng teknolohiya?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Pagmamasid sa mga larawang nagpapakita sa iba’t ibang pinagkukunang-yaman.

2. Paglalahad: Pagbasa ng sitwasyon.

Si G. Felix ang nagmamay-ari ng pagawaan ng furniture. Para matiyak na nagagamit niya ang makabuluhan ang kanyang oras, siya ay gumawa ng schedule of activities. Ito ang sinusunod niya araw-araw upang tiyak niyang walang nasasayang na oras at nagagawa niya ang lahat niyang dapat gawin.

C. Pagsusuri: 1. Tama ba ang ginawa ni Felix? 2. Anu-ano ang ating mga pinagkukunang-yaman3. Anu-ano ang dapat nating gawin sa pagpaplano at pangangasiwa ng mga pinagkukunang-

yaman.

D. Paglalapat:Mayroon kang P3,00.00 para sa buwanan mong gastusin. Kung ang P1 ,000.00 ay para sa upa

sa tinitirhan mo, paano mo paplanuhin ang paggastos mo sa natitirang pera?

IV. PAGTATAYA:Paano mo maipakita ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng mga sumusunod na

pinagkukunang-yaman? 1. panahon 4. enerhiya 2. pera 5. kasangkapan 3. pagkain

V. KASUNDUAN:Talakayin sa isang sanaysay ang paksang "PAGPAPLANO AT PANG,ANGASIWA NG

PINAGKUKUNANG-YAMAN."

Page 3: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng materyales at kasangkapan.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan sa Pagpapalano at Pangangasiwa ng Materyales at Kasangkapan

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang-YamanE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 26Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Paano mo mapangangalagaan ang mga pinagkukunang yaman ng ating bansa?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Tumututong ka ba sa mga gawaing-bahay tutad ng pagliligpit ng mga kasangkapan?

2. Paglalahad: Pagbasa ng sitwasyon.

Si Mang Juan ay isang magsasaka. Upang magamit nang matagal ang mga gamit na kanyang pinagsumikapang ipundar ay tinitiyak niya na malinis at maayos niyang itinatabi ang mga ito sa tuwing matapos iyang gamitin sa bukid.

C. Pagsusuri: a. Tama ba ang ginawa ni Mang Juan? b. Anu-ano pa ang ibang paraan upang mapangalagaan ang mga kasangkapan?

D. Paglalapat:Paano mo maitatago nang maayos ang mga kasangkapan sa inyong tahanan?

IV. PAGTATAYA:Magdula-dulaan tungkol sa wastong pangangasiwa sa materyales at kasangkapan.

V. KASUNDUAN:1amin ang wastong pangangasiwa sa pagkain at enerhiya.

Page 4: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pagkain at enerhiya.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan sa Pagpaplano at Pangangasiwa ng Pagkain at Enerhiya

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 26Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Mahilig ka bang magluto sa bahay?

B. Panlinang na Gawain1. Pagbasa ng Sitwasyon:

Sa tuwing magluluto si Aling Aning ay tinitiyak niyang walang masasayang na sahog, kung kaya't bago siya pumunta sa palengke ay inililista niya ang mga kailangan gamit. Bago naman siya magluto ay tinitiyak niyang hiwa na ang lahat ng sahog bago niya buksan ang kalan, kung kaya't maayos siyang nakapagluluto.

C. Pagsusuri: 1. Tama ba ang ginagawa ni Aling Aning? 2. Bakit kailangang magplano ng mabuti bago magsagawa ng isang bagay? 3. Paano pa maipaplano nang maayos ang wastong paggamit ng pinagkukunang-yaman tulad ng

pagkain?

D. Paglalapat:Ikaw ay isang kusinera. Paano mo paplanuhin ang pagluluto sa mga natirang sahog?

IV. Ebalwasyon:Pagsulat ng mga wastong paraan ng pagpaplano at pangangasiwa sa pagkain at enerhiya.

V. KASUNDUAN:Magsulat ng dayalog o usapan tungkol sa pagpapakita ng wastong paraan ng pagpaplano at

pangangasiwa sa pagkain at enerhiya. (3-5 tahanan).

Page 5: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nagtatakda ng layunin sa paggamit at pangangasiwa ng pinagkukunang-yaman.

II. PAKSANG-ARALIN:Pagpaplano sa Pangangasiwa ng Pinagkukunang Yaman

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 27

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Paano ka kinawiwiliilan ng iyang mga kaibigan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga produktong nakukuha natin sa punong niyog?

2. Paglalahad: Ang niyog ay tinatawag nating puno ng buhay. Natutunan ni Celso sa paaralan na

rnagmula sa puna hanggang sa dahan ng niyag ay napapakinabangan. Malaking salapi ang iniaakyat ng niyog mula sa kopra at langis na nakukuha dito. Nararapat lamang na ito'y ating pangalagaan. Huwag puputulin at gagawing ubod .ang mga batang puno o kaya ay palitan agad ng panibagong puno ang bawat maputol na matandang puno.

3. Pagtatalakay:1. Anu-ano ang nakukuha natin sa punang niyog? 2. Ano ang dapat nating gawin upang hindi maubos ang mga punong ito?3. May alam pa ba kayong paraan ng pangangalaga sa punong ito?

C. Paglalahat: 1. Ano ang dapat gawin kung nagbuwal ng matatandang punoa? 3. Bakit dapat na pangalagaan ang ating kapaligiran?

D. Paglalapat: Bukod sa puno ng niyog, anu-ano pa ang mga pinagkukunang-yaman natin? Ano ang dapat

nating gawin sa mga pinagkukunang-yamang ito.

IV. Ebalwasyon:Punan ang tsart ng tamang sagot:

Pinagkukunang Yaman Pangangalagang Gagawin1.2.3.4.5.

1.2.3.4.5.

V. KASUNDUAN:Mula ngayon uugaliin ko na ang pagtatanim para may anihin sa panahong darating.

Page 6: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nasasabi ng dapat gawin batay sa layuning itinakda

II. PAKSANG-ARALIN:Pagsasabi ng Dapat Gawin Batay sa Layuning Itinakda

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.2.1 : EKAWP 6, pp. 27Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Bakit kailangang gamitin ng matalino o maayos ang pinagkukunangyaman ng bansa tulad

ng pagkain at enerhiya?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Pagmamasid sa mga larawang nagpapakita sa iba't ibang pinagkukunang-yarnan. Pag-usapan ito.

2. Paglalahad: Pagbasa ng sitwasyon: Si Marita ay isang mag-aaral sa ika-anim na baitang. Masipag at matalino ang batang ito,

kung kaya't madalas siyang bigyan ng takda o gawain ng kanyang guro. Nagagawa naman ito ng maayos ni Marita sapagkat maayos niyang pinaplano ang mga bagay na dapat gawin sa mga itinakdang layunin ng kanyang guro.

C. Pagsusuri: 1. Tama ba ang ginawa ni Marita? 2. Bakit kailangang pagplanuhang mabuti ang mga dapat gawin batay sa layuning itinakda?

D. Paglalapat:May takdang ibinigay ang iyong guro. Paano mo magagawa nang mabuti at maayos ang

layuning itinakda sa iyo?

IV. Ebalwasyon:Ano ang iyong gagawin batay sa mga sumusunod na sitwasyon?

1. Sinabi ng guro ninyo na maghanda ng isang dayalog o usapan batay sa pagtitipid. 2. Inaatasan ka ng iyong guro upang masaliksik tungkol sa isang pamilya sa inyong lugar. 3. Naatasan ka bilang lider na maghanda ng isang ulat tungkol sa mga batang may kapansanan. 4. Nagbigay ng proyekto ang inyong guro tungkol sa wastong paggamit ng enerhiya. 5. Pinagagawa ka ng iyong guro ng isang ulat tungkol sa mga batang hindi nakapag-aaral.

V. KASUNDUAN:Itala sa kuwaderno ang mga dapat gawin batay sa layuning itinakda.

Page 7: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipakikita ang mga katangiang nakatutulong sa pagtatagumpay.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan ng mga Taong Matagumpay

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Saloobin sa PaggawaE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 28Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Sinu-sino ang mga taong kilala ninyo na nagtagumpay na?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Kayo ba ay maraming kaibigan? Paano kayo nagk-akaroon ng maraming kaibigan?

2. Paglalahad: Si Gng. Amelita Ming Ramos ay ulirang Unang Ginang ng ating ban sa. Marami siyang

proyektong pangkababaihan na itinuturo niya sa pamamagitan ng telebisyon. Sa kaniyang programa ang mga babae ay maaaring kumita ng pera kahit na sila ay nasa bahay lamang. Pinalalaganap naman niya ngayon ang pagtatanim ng mga puno at gulay upang mapagkunan ng libreng pagkaing pangkalusugan.

3. Pagtatalakay:a. Anu-ano ang mga gawaing inilunsad ng dating Unang Ginang para sa mga kababaihan? b. Ano ang pangunahing iayunin ng mga proyektong ito ng dating Unang Ginang? c. Sa papaanong paraan nal<atulong ang mga proyektong ita sa mga kababaihan?

C. Paglalahat: Anu-anong katangian ang maaaring makatulong upang magtagumpay.

D. Paglalapat:Paano mo maibabahagi sa iba ang iyong katangian o kaalaman para makatulong sa

ikapagtatagumpay ng isang proyekto?

IV. PAGTATAYA:1. Ano ang iyong dapat gawin kung may nalalaman kang kapaki-pakinabang na proyekto na batid

mong makaaangat hindi lamang sa iyong sarili kundi pati na sa iyong mga kapuwa? 2. Anu-anong katangian arlg dapat mong taglayin upang magtagumpay sa iyong proyekto?

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ay sisil<apin ko na magkaroon ng malawak na pang-unawa at alamin ang mga

kapaki-pakinabang na gawain tungo sa pag-unlad hindi lamang sa aking sarili kundi pati na sa mga kapuwa ko.

Page 8: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Natutularan ang mga katangian ng matagumpay na nangangasiwa sa industriya.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan ng mga Taong Matagumpay

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Saloobin sa PaggawaE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 28Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-ano ang mga katangiang nakatutulong sa pagtatagumpay?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga katangiang nakatutulong sa pagtatagumpay?

2. Paglalahad: Ang mag-anak na Rosales ay may maliit na negosyo. Ito ay ang paggawa ng sapatos.

Ang mga trabahador dito ay pawang mga kapitbahay nila. Sa kanilang pagtitiyaga, pagiging masipag, maagap at pagtutulungan ay napalago ang maliit na negosyong ito at ngayon ay isa nang malaki at maunlad na pagawaan ng sapatos. Sila ay nagpapadala na ng yaring produkto sa iba't-ibang bansa. Kinikilala na ang kanilang produktong matibay, maganda at pulido ang pagkakagawa. Masasabi natin na sila ay asenso na sa kanilang negosyo.

3. Pagtatalakay:1. Ano ang produkto ng mag-anak na Rosales? 2. Anu-ano ang mga katangian ang ipinakita ng mga manggagawa kung kaya't ito ay naging

isang maunlad na negosyo?

C. Paglalahat: Anu-anong katangian ang dapat taglayin ng mga tagapangasiwa at manggagawa sa isang

industriya upang maging matagumpay?

D. Paglalapat:Bilang isang manggagawa sa industriya ng bag, anu-anong katangian ang dapat taglayin

upang ikaw at ang may··ari ay parehong magtagumpay?

IV. PAGTATAYA:Isulat sa hanay A ang mga kanais-nais na katagiang dapat taglayin ng isang may-ari/manggagawa

sa industriya at sa hanay Bang di-dapat taglayin. 1. Pagkakaroon ng malasakit sa produkto ng industriya. 2. Pagmalupitan ang mga manggagawa kung tatamad-tamad. 3. Ibigay ang nararapat na benepisyo ng manggagawa.

V. KASUNDUAN:Ilahad ang mga katangian ng may-ari na matagumpay ang industriya sa inyong lugar.

Page 9: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Ipinamamalita ang mga katangiang naging puhunan ng matagumpay na mga tao.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan ng mga Taong Matagumpay

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Saloobin sa PaggawaE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 28Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-ano ang mga katangian na dapat nating taglayin upang ang ating mga nagsimulang

proyekto ay umunlad?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Ikaw ba ay mahilig umawit? Anu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit?

2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino pa sa ating mga kabataan ang nakakatulad ni Lea Salongga?

3. Pagtatalakay:1. Pag-iisa-isa ng mga sikat na Pilipino sa iba't ibang larangan at ang mga katangiang

kanilang taglay sa pagiging matagumpay o pagiging sikat. 2. Bakit natin dapat ipagmamalaki ang mga nagawa nila?

C. Paglalahat: Anu-ano ang mga katangian na naging puhunan ng mga taong umunlad naging matagumpay?

D. Paglalapat:1. Sino sa mga tanyag na Pilipino ang gusto mong maging? Bakit? 2. Paano mo siya matutularan?

IV. PAGTATAYA:Lagyan ng tsek () ang tamang gawain at ekis (x) ang maling gawain.

___ 1. Matuwa sa tagumpay ng kapwa. ___ 2. Ipagmalaki ang mga karangalang natamo ng kapwa Pil!pino sa buong mundo. ___ 3. Pamarisan ang katangian ng mga Pilipinong umunlad. ___ 4. Ibahagi sa iba ang kaalamang natutuhan upang maging daan ng kanila ring tagumpay. ___ 5. Hayaang mainggit ang kapwa sa tagumpay na nakamit.

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ay pag-aaralan ko at pagsisikapan na matularan ang kanilang mga katangian

upang ako ay maging matagurnpay rin na katulad nila.

Page 10: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naisasagawa ang pagpapalaganap ng konsepto na ang mag-anak ay makapagsisimula ng kapaki-

pakinabang na proyekto ng pantahanan at pangkabuhayan.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagpakitang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 30

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Magbigay ng mga kilalang tao na naging matagumpay.

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga produkto.na maaari nating pagkakitaan?

2. Paglalahad: Si Mrs. Ramona Singson ay isang ulirang maybahay. Minsan ay naisipan niyang manahi

ng mga pot holder na may iba't-ibang disenyo. Nakita itoa ng kaniyang kapitbahay at nasabi sa kaniya na ito ay magandang pagkakitaan at pupuwedeng pang-export. Makaraan ang ilang buwan ay nagkaroon nga ng maraming order buhat sa ibang bansa at ng lumaon ay naging malaki ang kaniyang patahian ng pot holder. Umasenso ang kanilang negosyo at ngayon ay isang maunlad na exporter ang pamilya ni Mrs. Singson.

3. Pagtatalakay:1. Ano ang masasabi mo kay Mrs. Singson? 2. Kayo ba ay maaari ring makatulad kina Mrs. Singson? 3. Bakit dapat nating tularan ang pamilyang ito?

C. Paglalahat: Sa papaanong paraan nagtagumpay ang mag-anak ni Mrs. Singson.

IV. PAGTATAYA:Sumulat ng mga proyektong maaaring itaguyod sa inyong lugar upang mapaunlad ang

kabuhayan ng mag-anak sa inyong lugar.

V. KASUNDUAN:Ugaliin natin na maitaguyod ang mga produktong yari dito sa ating bansa upang lalo tayong

umasenso at urnunlad.

Page 11: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipahahayag ang kaalaman na maaaring lumaki ang puhunan kung makikipagsapalaran sa mga

mapagkakakitaang proyekto.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 30

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-anong mga kapaki-pakinabang na proyekto ang maaaring simulan ng mag-anak

para sa buhay at sa tahanan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga gawaing pinagkakakitaan sa inyong pamayanan? Gaano ito kaunlad? Paano sila nagsimula?

2. Paglalahad: “Ipinagmamalaki Kita, Anak"

Hindi lingia sa ating kaalaman na marami sa ating mga Pilipino ang naghihikahos sa buhay. Sa kabila ng lahat ng ito likas din sa ating mga Pilipino ang ambisyong makatapos ng pag-aaral upang umangat sa buhay. Kabilang sa mga ita ang mag-anak na Dayao. Si Aling Rona ay simpleng maybahay lamang, siya ang nag-aasikaso sa kanilang tahanan. Si Mang Jose naman ay paekstra-ekstra lamang ng trabaho. Tatlo ang kanilang anak si Eva, si Minda at si Jun, lahat sila ay nagaaral sa pampublikong paaralan…..pah.189

C. Pagsusuri: 1. Ano ang masasabi mo sa mag-anak na Dayao? 2. Paano sila nagsimula sa kanilang negosyo? 3. Anu-ano ang dahi!an at nagtagumpay ang kanilang negosyoo?

D. Paglalapat:Paano mo masasabi na ang kahirapan ay hindi sagabal sa pag-unlad ng isang taa? Naipakita

ba ito sa ating kwento? Patunayan.

IV. PAGTATAYA:1. Anu-ano ang kailangan upang makapagsimu!a ng isang proyektong kapaki-pakinabang ang mag-

anak? 2. Anu-anong magagandang halimbawa ng pagiging produktibo ang ipinahayag ng kuwento? 3. Paano nakatulong sa mag-anak ang naisip nilang rnapagkakakitaang proyekto/negosyo?

V. KASUNDUAN:Ipaliwanag: "Kung nais, nakakagawa ng paraan, Kapag ayaw, makakaisip ng dahilan." Ano ang

kaugnayan nito sa pagiging produktibo? Ipaliwanag?

Page 12: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Napalalaganap ang konsepto na ang mag-anak ay maaaring magtayo ng maliit na negosyo.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 30

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang ginawa ng ilang mga taong nagtagumpay sa kanilang sarili?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

1. Ang iyo bang magulang ay namamasukan, o empleyado sa isang opisina? 2. Ang inyo bang pamilya ay may sariling negosyo?

2. Paglalahad: Nakaipon ng halagang P500.00 si Aling Flor mula sa kanyang paglalabada. Sinubukan

niyang magtinda ng lutong pansit mula sa perang ita. Matiyaga niyang inilalagay sa sisidlang plastic ang pansit at inihuhulog niya ita sa kalapit na paaralan. Madali itong nauubos at kinakapos pang lagi. Gustong-gusto ng mga mag-aaral ang kaniyang luto. Wala pa isang taon ay nakaipon siya ng malaki-Iaking halaga at ita ay ipinagpatayo niya ng isang maliit na tindahan. Dito'y nagtitinda pa rin siya ng mga lutong pagkain gaya ng lugaw, puto, at iba pa. Ngayon ay may mga katulong na siya sa pagluluto at pagtitinda ng mga kakaning pagkain.

3. Pagtatalakay:a. Ano ang ginawa ni Aling Flor sa perang naipon? b. Bakit naisipan ni Aling Flor na magtinda ng kakanin o lutong pagkain? c. Ano naman ang inyong magagawa kung kayo ang nasa katayuan niya?

C. Paglalahat: Ang bawat mag-anak ay maaaring makapagtayo ng sariling negosyo upang mapaunlad ang

kabuhayan.

D. Paglalapat:Paano mo mapagkakakitaan ang mga sumusunod: - mga hinog na saba sa inyong likod bahay. - mga lumang diyaryo, bakal at basyong lote sa inyong bahay - may pinagkalakihang laruan at mga damit

IV. PAGTATAYA:Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ibig ni Aling Senya na magkaroon ng isang maliit na negosyo 0 tindahan nguhit kapos siya ng puhunan. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang magkaroon ng puhunan? a. mangutang sa kapitbahay

Page 13: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

b. magtinda ng lugaw at pansit dahil marami ang tao sa lugar ninyo at mag-ipon ng tutubuin upang magkaroon ng malaki-Iaking puhunan

c. maghintay sa kung sino ang mag-bigay ng puhunan o kapital 2. Kung may puhunan lamang ang ina ni Mario ay malaki sana ang tutubuin nito sa paglalako ng

isda na inaangkat lamang nila. Paano matutulungan ni Mario ang ina sa pag-iipon ng puhunan. a. tutulungan ang ina sa pangungutang sa kapitbahay b. maghihintay lamang sila sa awa ng kapwa c. magtitinda siya ng diyaryo upang makaipon ng pandagdag na pera sa puhunan

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ay sisikapin ko na makatulong sa pamilya upang makapagsimula ng kapaki-

pakinabang na proyekto para sa aming pamilya.

Page 14: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipakikita ang maaaring pagkunan ng puhunan tulad ng pagbili ng mga yaring produkto upang

may magamit sa pagpapalakad ng mapagkakakitaang proyekto.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 31Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang ginawa ni Aling Flor sa kaniyang naipong pera, sa paglalabada?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Gusto ba ninyong magkaroon ng magandang pagkakakitaan?

2. Paglalahad: Namamasyal sa isang mala king mall ang mag-anak na Alejandro. Napatigil ita sa isang

eskaparate. Nag-iisip ang kaniyang may-bahay. Tinanong niya ito. May naisip na magandang ideya at sinabi niya ito sa kaniyang asawa na gusto niyang bilhin ang bag na nakadisplay sa iskaparate. Sinabi rin niya na bibilhin niya ita at kaniyang pag-aaralan kung paano ito ginawa o niyari. Balak niya kasing magkaroon ng maliit na negosyo at iyon ay ang paggawa ng mga bag. Ipinaliwanag niya iyon sa kaniyang asawa na kaniyang tatastasin nang isa-isa ang mga bahagi ng bag at titingnan niya ang pagkakagawa….pah. 194

3. Pagtatalakay:a. Ano ang ginawa ng mag-anak na Alejandro? b. Bakit kava binili ni Gng. Alejandro ang bag na nakadisplay? c. Paano niya natularan ang paggawa ng bag?

C. Paglalahat: Sa inyong palagay mapagaganda kaya ni Gng. Alejandro ang kanyang paggawa ng bag kung

basta na lamang siya gumawa at hindi kumuha ng modelo? Bakit?

D. Paglalapat:Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng proyektong mapagkakitaan para sa inyong

pamilya at pamayanan.

IV. PAGTATAYA:Magbigay ng halimbawa ng maaaring pagkunan ng puhunan upang magamit sa pagpapalakad ng

mapagkakakitaang proyekto.

V. KASUNDUAN:Umisip ng mga paraan na magagamit sa pagpapalakad ng mapagkakakitaang proyekto.

Page 15: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nagsasaliksik muna bago magsimula ng proyekto upang malaman kung ita ay

mapakikinabangan.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 31Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang ginawa ng mag-anak na Alejandro ng minsan sila ay mamasyal sa isang

malaking mall?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Ikaw ba ay may magandang pangarap sa iyong sarili?

2. Paglalahad: Si Ernesto ay isang estudyante na nahinto sa kaniyang pag-aral dala ng kakapusan ng

kanilang pamilya. Ngunit siya ay may pangarap na nais mara ing paglaki niya. Bagamat hindi siya matapos ng pag-aaral ay nag-iisip siya kung paano niya mapagaganda ang takbo ng kaniyang buhay. Nagtanong-tanong siya sa kaniyang mga kakilalang malapit sa kaniya. Napag-alaman niya na meyroon palang paaralan na n~gtuturo ng mga kaalaman sa pangkabuhayan. Ito ay libre at paaral ng kanilang pamahalaan para sa mga kapus-palad. Nagpunta siya rito at siya ay nakapag-aral ng maayos sa paaralang ito. Kumuha siya ng tungkol sa e!ektrisidad. Masigasig siyang nag-aaral at pinagsikapan niya na matutuhang lahat ang mga dapat rnatutuhan tungkol sa bagay na ito…….

3. Pagtatalakay:1. Sino ang bata sa ating kwento? 2. Bakit siya nahinto sa pag-aaral? 3. Ano ang ginawa niya upang gumanda ang buhay?

C. Paglalahat: Ano ang iyong dapat gawin kung may binabalak kang gawin at hindi mo pa alam ang mga

bagay na dapat gawin?

D. Paglalapat:Kailangan mo bang mag-isip at magsaliksik muna bago gawin ang isang gawain na hindi mo

pa alam?

IV. PAGTATAYA:Gusto mong magtayo ng bakery sa inyong lugar. Anu-ano ang dapat mong gawin upang

mapagtagumpayan ang proyektong ito? Isulat ang iyong gagawin ayon sa pagkakasunod-sunod?

Page 16: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

V. KASUNDUAN:Itala ang mga negosyong maaaring itayo sa inyong pamayanan at magsaliksik ukol sa

pagpapaunlad nito.

Page 17: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipagmamalaki ang naitayong negosyo

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain:

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.5 : EKAWP 6, pp. 31Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang ginawa ni Aling Flor sa kanyang naipong pera sa paglalabada?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Nais ba ninyong umangat ang inyong pamumuhay? Sa paanong paraan kaya natin maisasagawa ito?

2. Paglalahad: Mula sa kita ng maliit na tindahan ay nakaipong muli ng malaking halaga si Aling Flor.

Nagpatayo siya ng malaking barberya at modernong parlor shop sa tabi ng kanyang tindahan. Kumuha siya ng magagaling na beautician at barbero. Naging suki siya ng mga nagpapagupit at nagpapakulot hindi lamang sa kanilang lugar. Dinarayo ito ng mga karatig na baryo at bayan. Lumakas din ang kanilang tindahan sapagkat nagmemeryenda muna ang mga tao bago o matapos magpakulot o magpagupit kaya't naging doble ang kita nito.

3. Pagtalakay 1. Ano ang unang pinagkakakitaan ni Aling Flor? 2. Ano naman ang sumunod niyang pinagkakitaan? 3. Ano sa palagay ninyo ang magiging katayuan ng pamilya ni Aling Flor?

C. Paglalahat:Anu-anong katangian ang taglay ni Aling Flor kung kaya't siya ay nagtagumpay?

D. Paglalapat:Magbigay kayo ng halimbawa ng kakilala ninyong pamilya na umangat ang buhay o pamumuhay

dahil sa pagsisikap sa kanilang negosyo?

IV. PAGTATAYA:Ipaliwanag: Negosyo'y pagsikapan upang kaunlaran ay makamtan.

V. KASUNDUAN:Gumawa ng dula-dulaan na may temang "Negosyo natin Dapat Paunlarin.

Page 18: guroako.com · Web viewAnu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit? 2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino