wm. wrigley jr. company alituntunin ng kilos...

24
1 Wm. WRIGLEY Jr. Company ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO PAMBUNGAD Simula ng pagtatag nito, ang Kompanyang Wrigley ay nagsasagawa ng kaugaliang etikong pangnegosyo, katapatan, makatarungang pakikitungo at buong pagsunod sa lahat ng mga batas na nag-aapekto sa pangnegosyo ng Kompanya. A batong panulok ng ating panunungkulan ay ang pandaigdigang mga kawani ng Wrigley na nagpapatibay at nagpapatuloy sa pangakong ito sa salinlahi. Ang mga pamantayan at kabuluhan ng Kompanya ay hindi nagbago sa paglipas ng mga taon. Itong ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO ay isang pinaikling bersyon ng mga pandaigdigang prinsipyo at kinaugalian ng Kompanya na kaugnay sa kilos etiko ng pangnenegosyo ng Kompanya at, kabilang sa iba pang lugar, ay nilalaman sa Patnubay ng Pagsunod sa Korporasyon [Corporate Compliance Guide]. LAYUNIN Ang layunin nitong ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO ay makatatlo – una makabigay ng maliwanag na mga kahulugan sa mga mahahalagang katangian para sa ating pagkakaugnay na pangnegosyo, pangalawa makabigay sa inyo ng mga patnubay para sa inyong kilos na pang-araw-araw na mga gawain, at pangatlo , makabigay sa inyo ng paraan upang makabigay-alam, na walang nakakaalam kung ito ang inyong nais, sa anumang mga paglabag o nagmumukhang mga paglabag sa ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO, o iba pang mga patakaran ng kompanya. Ang ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO ay binubuo ng apat na bahagi: 1. ANG ATING PAKIKISAMANG MGA KAUGALIAN na nagtatakda ng MGA KAUGALIAN na nagsusuporta sa ating pang-mahabaang tagumpay; 2. MGA PRINSIPYO NG KILOS PANGNEGOSYO na nagtatakda ng patnubay na MGA PRINSIPSYO na mahalaga sa pamumuhay ng ating kaugalian sa araw-araw; 3. MGA KAUGALIANG PANGNEGOSYO na naglalarawan sa ilang mga KAUGALIANG pangnegosyo na pinapatnubay ng MGA PRINSIPYO; at 4. PANGANGASIWA na naglalarawan ng mga pamamaraan na nagpapailalim kung saan itong ALITUNTUNIN tumutukoy at isinasagawa sa palibot ng mundo. Ang pangkalahatang katangian ng ALITUNTUNIN ay hindi maaari, at hindi dahilan para, matugunan ang lahat ng posibleng sitwasyon na maaaring mangyari. Ngunit, ito ay para gamitin na isang kayamanan at isang batayan sa inyong pang-araw-araw na trabaho.

Upload: tranmien

Post on 11-Mar-2018

221 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

1

Wm. WRIGLEY Jr. Company ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO PAMBUNGAD Simula ng pagtatag nito, ang Kompanyang Wrigley ay nagsasagawa ng kaugaliang etikong pangnegosyo, katapatan, makatarungang pakikitungo at buong pagsunod sa lahat ng mga batas na nag-aapekto sa pangnegosyo ng Kompanya. A batong panulok ng ating panunungkulan ay ang pandaigdigang mga kawani ng Wrigley na nagpapatibay at nagpapatuloy sa pangakong ito sa salinlahi.

Ang mga pamantayan at kabuluhan ng Kompanya ay hindi nagbago sa paglipas ng mga taon. Itong ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO ay isang pinaikling bersyon ng mga pandaigdigang prinsipyo at kinaugalian ng Kompanya na kaugnay sa kilos etiko ng pangnenegosyo ng Kompanya at, kabilang sa iba pang lugar, ay nilalaman sa Patnubay ng Pagsunod sa Korporasyon [Corporate Compliance Guide]. LAYUNIN Ang layunin nitong ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO ay makatatlo – una makabigay ng maliwanag na mga kahulugan sa mga mahahalagang katangian para sa ating pagkakaugnay na pangnegosyo, pangalawa makabigay sa inyo ng mga patnubay para sa inyong kilos na pang-araw-araw na mga gawain, at pangatlo, makabigay sa inyo ng paraan upang makabigay-alam, na walang nakakaalam kung ito ang inyong nais, sa anumang mga paglabag o nagmumukhang mga paglabag sa ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO, o iba pang mga patakaran ng kompanya. Ang ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO ay binubuo ng apat na bahagi:

1. ANG ATING PAKIKISAMANG MGA KAUGALIAN na nagtatakda ng MGA KAUGALIAN na nagsusuporta sa ating pang-mahabaang tagumpay;

2. MGA PRINSIPYO NG KILOS PANGNEGOSYO na nagtatakda ng patnubay na MGA PRINSIPSYO na mahalaga sa pamumuhay ng ating kaugalian sa araw-araw;

3. MGA KAUGALIANG PANGNEGOSYO na naglalarawan sa ilang mga KAUGALIANG pangnegosyo na pinapatnubay ng MGA PRINSIPYO; at

4. PANGANGASIWA na naglalarawan ng mga pamamaraan na nagpapailalim kung saan itong ALITUNTUNIN tumutukoy at isinasagawa sa palibot ng mundo.

Ang pangkalahatang katangian ng ALITUNTUNIN ay hindi maaari, at hindi dahilan para, matugunan ang lahat ng posibleng sitwasyon na maaaring mangyari. Ngunit, ito ay para gamitin na isang kayamanan at isang batayan sa inyong pang-araw-araw na trabaho.

2

3

ANG PARAANG WRIGLEY Simula ng ating pagkabuo noong 1891, ang Kompanyang Wm. Wrigley Jr. ay pinapatnubay ng isang malakas na pagpapahalaga sa mga etiko at kaugalian sa lahat ng ating kaugaliang pangnegosyo. Maging ito ay pakikipag-ayos sa isang magtitinda, pakikisosyo sa tinging kalakal, o pagdadala ng mahuhusay na produkto sa isang makatarungang halaga sa ating mga mamimili, pinapatuloy nating mangasiwa sa ilalim ng pinakasimpleng prinsipyong iginiit ng ating tagapagtatag ng maraming taong nakaraan – "Kung hindi natin kayang mangalakal sa makatarungan at tuwirang pamamaraan, nais nating hindi na lang mangalakal." Ang tawag natin dito ay ang “Ang Paraang Wrigley.”

Mga salinlahing mga kawani ng Wrigley ay nagpatibay nitong pagtitiwala. Bilang isang Kompanya, dagdag nating pinalakas ang ating paninindigan sa alituntunin ng kilos sa nakaraang tatlong dekada sa pamamahagi, pagsasalin, at paglalagay ng mga kopya ng inyong Kompanyang Alituntunin ng Kilos Pangnegosyo palibot sa buong daigidig ng Wrigley.

Ito ay nagbibigay sa atin ng isang karaniwang wika at mga kahulugan sa paggawa ng tamang bagay habang pinapanatilihan ang ating mga kaugalian at etiko na tatag at nasa pagsasanay araw-araw, maski nasaan tayo nagtratrabaho. Nagawa namin ito para sa bawat isa sa inyo.

William Wrigley, Jr., Tagapangasiwang Pangulo at Tagapangulo ng Lupon Ang Kompanyang Wrigley ay tunay na organisasyong pandaigdigan – hindi lamang sa ating mga produkto, pero sa ating mga tauhan din. Pinaniniwalaan ko na isa sa mga bagay na nagdudulot sa kompanya na tunay na maging pambihira ay ang pagkakaiba-ibang mga pinanggalingan, kultura, kakayahan at karanasan na dinadala ng bawat isa sa atin sa organisasyon.

Sa pagdala natin ng ating malawakang mga pagkakaiba ng pinanggalingan, ang nagtatali sa atin sa bawat isa’t-isa bilang isang samahan ay ang ating pangako sa Paraang Wrigley – ang diwa ng ating kompanya.

Kapag nakakarinig ang mga tao ng mga kaugalian, prinsipyo, etiko, at pagsunod, maaari nilang isipin ito bilang karagdagang gawain na pandagdag sa isang matrabahong talatakdaan. Ngunit itong mga konsepto ay hindi dapat na karagdagang trabaho.

Sa katotohanan, kapag naintindihan ninyo ang mga kaugalian at etiko ng ating Kompanya, ito ay makakadali sa maraming sali-salimuot na desisyong inyong ginagawa sa araw-araw – tumutulong sa inyo makita kung ano ang inaasahan sa inyo at pumapatnubay sa inyo patungo sa “paggawa ng tamang bagay.”

Araw-araw, ating mga mamimili, suki, at aksiyonista ay umaasa sa atin na gawin ang tamang bagay. At araw-araw, ikaw at ako ay umaasa sa bawat isa na gawin ang tamang bagay. Upang matulungan tayo makamit ang layuning ito at managot sa isa’t-isa, repasuhin ang mga kaugalian, prinsipyo, at kagawain ng ating Alituntunin ng Kilos Pangnegosyo, habang tinatandaan ang karaniwang tali na bumubuo sa atin – Ang Paraang Wrigley.

4

Bill Perez, Pangulo at CEO

5

Ang Ating Pakikisamang Mga Kaugalian Tayo ay kinasisiyahan na maging bahagi sa Kompanyang WRIGLEY, at itinatalaga natin ang pangmatagalang tagumpay nito. Ipinapagkatiwala natin ang ating pinagkasamahang kaugalian at umaasa sa mga ito bilang patnubay sa ating pag-uugali.

Itinuturing natin ang bawat isa na may katapatan, dignidad at paggalang.

Gumagawa tayo ng lugar kung saan ang mga tao sa mga iba’t-ibang kultura and pinanggalingan ay magkasamang makapag-trabaho ng mabuti.

Sinusuportahan natin ang ating katapangan sa pagkuha ng tinasang pagsasapalaran.

Kumikilos tayo na may pagpapahalaga sa madaliang kilos na walang pagsasakripisyo sa kahusayan.

Pinapayaman natin ang buhay ng pagbabago sa lahat ng lugar ng ating negosyo.

Sumisikap tayo sa mahusay na komunikasyon na nagbubunga ng kabayanihan, pakikibahagi ng karunungan at mga ideya.

Gumagawa tayo ng pambihirang pagsisikap para umakit, kumilala, mangalap at magpanatili sa pinakamahusay na tao sa bawat trabaho.

Sumisikap tayo sa habang-buhay na karunungan at personal na pag-uunlad.

Hinihimok natin ang pansariling pamumuno, responsibilidad at pananagutan.

Hinihingi natin sa ating sarili ang mataas na pamantayan ng etikong pag-uugali.

Pinapabuti natin ang mga pangmatagalang kaugnayan sa damayang pag-unlad at pakikinabang.

6

Wm. WRIGLEY Jr. Company Mga Prinsipyo ng Kilos Pangnegosyo Ang mga sumusunod na mga Prinsipyo ay tumutukoy sa Kompanyang Wm. Wrigley Jr. at sa lahat ng mga lokal at pandaigdigang kompanya at pamamahalang kaugnay nito at sa lahat ng mga Patnugot, Opisyales, at kawani (full o part time) nito.

1. Bawat kasamahan sa Wrigley ay may obligasyon kumilos ayon sa pinakamataas na etikong batayang pangnegosyo, makatarungang makipag-ugnay sa ating mga sangay, at para sumunod sa MGA PRINSIPSYO NG KILOS PANGNEGOSYONG ito at lahat ng patakaran ng Kompanya.

2. Lahat ng kinakatawan ng kasamahan ng Wrigley para sa kompanya ay dapat totoo, kumpleto at wastong-wasto.

3. Lahat ng impormasyong kumpidensiyal ng Kompanya ay dapat manatili sa loob ng Kompanya maliban kung kinakailangan ito upang wastong kumilos sa pangnegosyo ng Kompanya.

4. Ang mga kasamahan ng Wrigley ay hindi bibili o magbebenta ng mga panagot o interes sa Kompanya o ibang organisasyon ayon sa impormasyong pag-aaring hindi pampubliko na nakamit mula sa kanilang pagtratrabaho.

5. Ang mga pag-aari ng kompanya ay gagamitin lamang sa mga layunin wasto sa ilalim ng batas ng U.S. at sa mga batas ng kanilang mga bansa kung saan tayo nangangasiwa ng negosyo.

6. Walang pag-aari o pondo ay itatatag at walang transaksiyon ipagkakasundo hanggang ito ay maayos na naitala at naisiwalat.

7. Lahat ng mga pinasok sa mga libro at talaan ng Kompanya ay dapat totoo, kumpleto at wastong-wasto, alinsunod sa pangkalahatang tinatanggap na prinsipyong pagtutuos at walang pagkakaligtaan.

8. Lahat ng mga hiling sa pagpapahintulot sa kabayaran, at lahat ng kabayaran, ay kinakailangan sa (mga) wastong layunin lamang at sa nakasaad sa dokumentasyon lamang na nagsusuporta ng pagpapahintulot o kabayaran nito.

9. Walang mahalaga (kasama ang salapi o seguridad) ay maaaring ibigay, tuwiran o hindi tuwiran, sa sinumang opisyales ng pamahalaan, ahensiya ng pamahalaaan o kompanyang hawak ng pamahalaan. Mga regalo lamang na walang halagang pangkomersiyal, tulad ng mga memento o alaala na may tatak ng Kompany o kaunting mga muwestrang produkto, na maaaring ipamigay sa lahat ng mga dumalo o tagatanggap, ay pinapahintulutan sa mga malalaking pagtitipon tulad ng malaking pistang pagbubukas o pangkalahatang koreo o distribusyon. Katamtamang pagkain (kahulugan ay kulang sa US$250 o ang hangganan ng lokal na bayan, kung ano ang mas mababa) o pangkataong aliwan (tulad sa kaugnay sa pagkain sa pagtitipong pangnegosyo o iba pang pagpupulong pangnegosyo ng Kompanya) ay maaaring ibigay sa mga opisyales ng pamahalaan. Ang pagbiyahe ay maaaring ibigay, ngunit ito lamang ay sa limitadong pagkakataon. Pinahintulutang gawain ng Kompanyang Pakikibagay sa Pamahalaan ay

7

pinapayagan sa ilalim nitong Prinsipyo. Paki-tingnan ang Bilang 7 ng MGA KAUGALIAN para sa karagdagang impormasyon.

10. Ang Kompanya ay maaari, kung pinahintulutan at itinala, magbigay ng mga regalo sa mga mamimili o maaaring mamimili basta ang mga regalo ay naaayon sa lokal na batas, panlipunang paggalang, karaniwang kaugalian sa pangnegosyo at sentido komun, at hindi pinagbabawalan ng anumang ibang Prinsipyo ng Kilos Pangnegosyo (tulad ng walang kaduda-dudang pagbabawal na nilalaman sa Bahagi 9). Sa layuning ito, ang salitang “regalo” ay kinabibilang ang mga serbisyo, paglalakbay at aliwan. Salaping regalo, mga katumbas ng salapi o saping puhunan ng Kompanya o karapatan sa pagbili ay buong ipinagbabawal.

11. Mga kawani at miyembro ng kanilang malapitang pamilya ay hindi tatanggap ng mahahalagang pagtuturing sa anumang anyo mula sa isang patnugot, maypatrabaho o miyembro ng pamilya ng anumang tao na ang organisasyon ay isang mamimili, kakompetensiya, tagatustos o nagnanais makipag-negosyo sa Kompanya. Hindi saklaw dito ang mga paminsan-minsang regalo (maliban sa salapi, mga katumbas ng salapi, o saping puhunan ng Kompanya o karapatan sa pagbili), o mga serbisyo na ang halaga ay mas mababa sa US$300, o makatwiran at hindi palagiang aliwan, anuman dito, kung ito ay regalo, serbisyo o aliwan (o anumang pinagsamang nabanggit), ay naaayon sa panlipunang paggalang, karaniwang kaugalian sa pangnegosyo at sentido komun.

12. Mga kawani na nabibilang sa pagbili ng mga ari-arian o serbisyo para sa Kompanya at mga miyembro na kanilang malapitang pamilya ay hindi mamumuhunan o magkakaroon ng pananalaping pakinabang sa anumang organisasyon kung saan ang Kompanya ay mayroong negosyo o ito ay may planong makipag-negosyo sa Kompanya malibang kung ang pananalaping pakinabang ay mas mababa sa 1% ng pinakamalaking saping puhunan ng kompanyang publikong nangangalakal. Walang kawani na nabibilang sa pagbili ng mga ari-arian o serbisyo para sa Kompanya at mga miyembro ng kanilang malapitang pamilya ay tatanggap ng personal na pananalaping tulong mula sa ibang organisasyon kung saan ang Kompanya ay mayroong negosyo o ito ay may planong makipag-negosyo sa Kompanya.

13. Walang pondo ng Kompanya o ari-arian ay maaaring ipamahagi o gamitin bilang suporta sa sinumang kandidatong pampulitika o partidong pampulitika. Dagdag dito, walang kawani ng Kompanya ay aatasang magbigay o tumulong sa sinumang kandidatong pampulitika o partidong pampulitika.

14. Lahat ng mga kawani ng Kompanya ay dapat sumunod sa tinatanggap at wastong batayan ng kilos pangnegosyo, mga batas at tuntunin kung saan man sila nakatira o bumibisita.

15. Walang kawani ang tuwiran o hindi tuwirang makikikompetensiya sa Kompanya.

16. Walang kawani ang personal na makalalamang sa anumang oportunidad sa Kompanya. Bawat tagapamahala ay may pananagutan sa pagsisiguro at pagsunod sa MGA PRINSIPYONG ito. Kung sino ay may katanungan o nabahala sa kahulugan o intensiyon ng MGA PRINSIPYONG ito o anumang duda tungkol sa kahulugan ng anumang kilos o inaasahang kilos ay may obligasyon tawagan ang sumusunod: sinumang panloob na tagasuri, ang Tagapamahalang Opisyales ng Pananalapi, ang Kalihim na Tagapamahala, ang Pangkalahatang Tagapayo ng Kompanya (na siya ang Opisyales ng Kilos Pangnegosyo ng Kompanya) o ang Tagapangulo ng Lupon ng mga Tagasuri sa Lupon ng mga Patnugot. Karagdagan, sinuman ang may alam o may hinalang paglabag sa MGA PRINSIPYO o pamamalakad ng Kompanya ay may tungkulin at obligasyon ibigay-alam itong impormasyon sa isa sa mga indibidwal na nakalista sa itaas. Bilang alternatibo, sinuman ay maaaring palihim na magbigay-alam sa pagtawag sa Hotline sa Pagsunod at Mga Etiko sa 1-800-210-1458. Para tawagan ang Hotline mula sa labas ng Estados

8

Unidos , gamitin ang AT&T Direct Access Number sa inyong bansa. Ang mga numerong ito ay makukuha sa website ng Kompanya.

9

Mga Kaugaliang Pangnegosyo ng Kompanyang Wrigley at mga Kawani nito

Itong MGA KAUGALIANG Pangnegosyo ay nagpapalawak at naglalarawan sa mga ibang tiyak na lugar kung saan ang MGA PRINSIPYO ay nararapat sa mga pangangasiwa ng Kompanya. Itong MGA KAUGALIAN ay hind maaari, at hindi inaasahang makatugon sa lahat ng mga posibleng sitwasyon. Ito ay para magbigay karagdagang tulong sa aplikasyon ng MGA PRINSIPYO sa pang-araw-araw na gawain at pandagdag sa mga nilalaman ng MGA PRINSIPYO. 1. ANTIBOYCOTT/PAGLULUWAS/PAG-ANGKAT Pinagbabawalan ng batas ng Estados Unidos ang mga kompanyang U.S., kanilang mga

sukursal at kaugnay na mga kompanya, maski dayuhan o lokal, na pumasok sa mga kasunduan para suportahan ang anumang dayuhang boykoteo na hindi pinahintulutan ng pamahalaan ng U.S. Dagdag dito, pinagbabawalan ng batas ang mga kompanyang U.S., kanilang mga sukursal at kaugnay na mga kompanya, maski dayuhan o lokal, sa pagpasok sa transaksiyon sa mga bansa at mga entity na pamamay-ari o kontrolado ng mga bansa kung saan may pag-eembargong kalakal ang U.S.

Ang U.S. paminsan-minsan ay nagpapataw ng mga pag-eembargong kalakal at iba pang mga kalakal na pagbabawal laban sa mga ibang bansa. Patakaran ng Kompanya na sumunod sa mga pagbabawal na ito. Ang Kagawaran ng Batas ay paminsan-minsan ay ipaaalam sa inyo sa mga pagbabawal na ito at ang mga pagbabago dito.

Lahat ng mga hiling mula sa pangatlong partido na kaugnay sa pagboboykoteo o pag-eembargo o kung mayroon kayong hinala ay dapat mabigay-alam sa Pangkalahatang Tagapayo ng Kompanya o sinumang miyembro ng Kagawaran ng Batas.

2. ANTITRUST Ang antitrust at batas sa pagkokompetensiya ay nasa lugar sa buong mundo. Karaniwan, ang

mga ito ay binuo upang masiguro ang ligtas na makatarungan at makakompetensiyang negosyo. Dahil dito, anumang pasulat o pasalitang kasunduan o pag-aayos, maski ipinahayag o ipinakahulugan, na maaari o walang dahilang makapigil sa pagkompetensiya ay paglabag sa batas. Ang pamamalakad ng Kompanyang Wrigley ay palagi at nagpapatuloy na lahat ng mga kawani ay dapat tuwirang sumunod sa titik at diwa ng nauukol ng batas ng antitrust at pagkompetensiya maski saan tayo magnegosyo.

Ang dalawang lugar na maaariong makasangkot ng mga isyung antitrust ay ang:

mga kasunduan at kontrata sa mga kakompetensiya, at mga relasyon sa mga mamimili at mga tagatustos.

Ilan sa mga malalang problema sa antitrust ay sa pagitan ng nagkokompetensiya. Kasama dito ang mga kasunduan na ayusin ang mga presyo; paghatian ang mga mamimili, mga teritoryo o lugar ng pangnegosyo; o lagyan ng hangganan ang produksiyon o distribusiyon. Palaging dapat makagawa ng desisyon ang Kompanyang Wrigley sa mga bagay na ito ng malaya (hal. hindi pagtalakay ng mga ito, at ligtas sa impluwensiya mula sa sinumang kakompetensiya, mamimili o tagatustos).

Samantala, ang paglapit lamang sa kakompetensiya ay maaaring tumungo sa paghihinala sa asal na ayaw ng kakompetensiya. Itong mga paglapit ay kailangang bawasan at kung kinakailangan o nararapat, ang mga ito ay dapat hawakan ng maayos.

10

Ang pagkakasapi sa mga samahang kalakalan ay pinapahintulutan pero ito ay ang pinakamaaaring oportunidad sa pagkita sa mga kakompetensiya. Ang mga samahang kalakalan ay nagbibigay ng mahahalagang pagpupulong ng pagpapalitan ng impormasyong pang-industriya. Ngunit, ito rin ay lugar na madaling pagpapalitan ng sensitibong impormasyong sa pagkompetensiya. Dahil dito, kung kayo ay nakilahok sa pagpupulong na samahang kalakalan, kailangan kayong mag-ingat. Isang paraan sa pagprotekta ng samahan ay pagkakaroon palagi ng tagapayo mula sa samahang kalakalan sa bawat pagpupulong. Bago dumalo sa anumang pagpupulong na ito, kailangan mong alamin kung ang tagapayo sa samahan ay dadalo. Kung ang samahang kalakalan ay wala o hindi magkakaroon ng tagapayo, kailangan ninyong tawagan ang Kagawaran ng Batas para sa patnubay.

Sa anumang nilalaman, pero mas lalo na sa mga pagpupulong na samahang kalakalan, ang kawani ay kailangang maingat na hindi maglantad ng impormasyon tungkol sa listahan ng mga mamimili, paghahalaga, mga plano sa produkto, mga pagsusuri sa kalakal at mga kahawig nito. Maski ang pagpapalit ng impormasyon ng benchmarking ay maaaring maging problema at kailangang pag-aralan at suriin ng miyembro ng Kagawaran ng Batas bago anumang impormasyon ay ibigay sa kakompetensiya ng tuwiran o sa samahang kalakalan.

Kung mabanggit ng kakompetensiya sa pag-uusap anumang isyu nakabanggit dito, dapat ipaalam sa kakompetensiya na hindi mo pag-uusapan ito at pagkatapos ay humiling na hindi maisama sa pag-uusap.

Sa paggalang sa mga mamimili, ang karaniwang paglabag sa antitrust ay pagsubok sa paghawak ng halaga ng muling pagbenta ng ating produkto (akma dito ang pagbenta mula sa Kompanya sa mamimili o sa mamimiling ito sa magtitingi). Maaaring imungkahi ng Kompanya ang halaga ng muling pagbenta sa mamimili pero dapat ligtas ang mamimili ilagay ang halaga sa kaniyang pagpapasiya.

Sa Estados Unidos, kinakailangang ibenta ng Kompanya ang mga produkto sa kaparehong kasunduan at kondisyon sa lahat ng mga mamimili. Bagamat maaaring iba ang mga batas sa labas ng U.S., ang prinsipyo ng katarungan at pag-aalinsunod sa batas lokal ay nararapat. Ngunit, maaaring ibahin ng Kompanya ang kasunduan at kondisyon kapag ito ay lehitmong kinakailangan upang matugon ang pagkakompetensiya at kapag ang inibang kasunduan at kondisyon ay may bona fide na ekonomikong pagpapaliwanag (tulad ng maramihang bawas).

Sali-salimuot ang mga antitrust na batas at ang mga kinakailangan ay paiba-iba ng husto sa mga bawat bansa. Tunay na mahalaga na kumuha ng payo sa Kagawaran ng Batas ng Kompanya bago isagawa o sumang-ayon sa anumang pag-aayos na maaaring kaduda-duda o kung mayroong alinlangan o pagkabahala.

3. PANUNUHOL Ang Alituntunin ng Kilos Pangnegosyo ng Kompanya ay nagbabawal sa sinumang kasapi na

mamigay ng anumang may halaga sa opisyales ng pamahalaan, ahensiya ng pamahalaan o kompanyang hawak ng pamahalaan. Hindi buong pinagbabawal ng Alituntunin ang pamimigay ng regalo o magbigay ng aliwan sa mga mamimili o maaaring mamimili na hindi opisyales ng pamahalaan, ahensiya ng pamahalaan o hawal ng pamahalaan. Ngunit, ang pagbigay ng regalo o aliwan ay maaaring ipinagbabawal sa batas panlokal, o maaaring

11

mapagkamalan na hindi maayos na kaugaliang pangnegosyo at dapat pag-ingatan. Kapag may duda kung ang natatanging transaksiyonI ay sakop nitong MGA KAUGALIAN, ibang patakaran ng Kompanya, o batas, una ninyong dapat makausap ang Pangkalahatang Tagapayo ng Kompanya o sinumang miyembro ng Kagawaran ng Batas para sa patnubay.

12

4. KOMPYUTER/E-MAIL/INTERNET Karaniwang responsibilidad ng lahat ng mga kawani ng Kompanya ang tiyakin na ang

teknolohiya na ipinagagamit ay para sa pamamaraang naaalinsunod sa mga kaugalian at pamamalakad ng Kompanya. Ang lisensiyado o nabiling computer software ay hindi dapat kopyahin na walang pahintulot sa naglilisensiya. Ang software na nagawa ng, para, o sa ngalan ng Kompanya ay ipinapangalan ito bilang may-ari ng kaisipang propyedad.

Ang mga kompyuter, sistema ng kompyuter at komunikasyon, telepono, mga fax machine, kagamitang para sa personal na komunikasyon, at mga kaugnay na serbisyo (katulad ng pagpasok sa Internet at voice mail) ay inilaan bilang mga kagamitan para bawat kawani sa trabaho ay makaganap ng mas mabuti sa kinakailangang mga gawain at makasuporta sa pangkalakal na hangarin at layunin ng Kompanya. Lahat ng mga sistema at kagamitan ay tanging pag-aari at mananatili sa Kompanya. Sa karaniwang oras ng trabaho, ito ay dapat gamitin para sa mga wastong gawaing pangnegosyo ng Kompanya. Pagkatapos ng karaniwang oras ng trabaho, maaaring gamitin ang mga sistema at kagamitan para sa personal na gamit kung walang dagdag na gastos lamang ito para sa Kompanya.

Ang mga kawani ay hindi pinapahintulutang gumamit ng teknolohiya ng Kompanya para sa kahit anong komunikasyon, papasok man o palabas, kung ang katangian nito ay isang paglabag, nanalakay, nang-aapi, nanliligalig, nagbabanta o malaswa. Ang pangingilak ng negosyong hindi pangkompanya o kahit anong paggamit ng sistema o kagamitan ng Kompanya (hal. ang Internet o e-mail) para sa sariling pakinabang ay ipinagbabawal.

Ang mga kawani ay wala, at hindi dapat umasang magkaroon ng karapatan nang sarilinan sa kung anumang nilalaman o dumadaan sa mga kompyuter o sistema ng Kompanya, kasama na ang e-mail, voice mail, telepono at koneksiyon sa Internet. Ang Kompanya ay maaaring pumasok sa software, mga file, dokumento o komunikasyon na nakatago sa pag-aari nito o sa kanyang mga sistema, kasama ang personal na kompyuter, para makatiyak ng wastong paggamit at maiwasan ang mga paglabag sa seguridad.

Dapat tandaan ng mga kawani na ang impormasyong ipinadala sa Internet o kahit pa sa sistemang e-mail ng Kompanya ay hindi nakatitiyak na ligtas sa panganib o pribilehiyo. Kung kayo ay inatasan na magpanatili ng file na lubusang kumpidensiyal, dapat isaalang-alang na ang pagpapadala ng file sa e-mail ay katumbas ng pamimigay nito sa hard copy.

5. PAGIGING KUMPIDENSIYAL Paminsan-minsan sa haba ng pagtratrabaho, ang mga kawani ay maaaring makabatid ng

impormasyong kumpidensiyal tungkol sa negosyo at kapakanan ng Kompanyang Wrigley o iba pang kompanya na kung saan may relasyon tayo. Itong impormasyong kumpidensiyal, maging pasulat o pasalita, ay isang mahalagang pag-aari ng naturing na kompanya at dapat kinakailangang mapangalagaan ng wasto.

Kinaugalian, impormasyong kumpidensiyal ay impormasyon sa kompanya na hindi pangkalahatang alam ng publiko at nagbibigay sa kompanya ng kalamangan sa negosyo. Itong impormasyon ay kalimitang kasama o kaugnay sa mga planong pagbebenta o pangnenegosyo; mga bagong produkto; hindi publikong impormasyong pananalapi; pagbabago sa

13

pamamalakad o pamamahala; pagtaas o pagbaba ng tubo; mahalagang pagsakdal o tunggalian sa mga kawani; mga listahan ng mamimili o tagatustos; hinihintay na patente o trademark; mga plano o programang pananaliksik at pagpapaunlad; mga merger, pagtatamo o pagtanggal ng negosyo; at mga pinagsamang pakikipagsapalaran.

14

Ang mga tuntunin sa impormasyong kumpidensiyal ay madali lamang. Kayo ay dapat na:

huwag ilahad itong impormasyon sa labas ng Kompanyang Wrigley;

huwag gamitin ang impormasyong ito sa inyong personal na pakinabang sa pananalapi o sa pakinabang sa pananalapi ng ibang kaugnay sa iyo;

huwag ilahad itong impormasyon sa iba para sa kanilang papakinabangan o pakinabang sa pananalapi;

ibahagi itong impormasyong ito sa mga ibang kawani ng Wrigley lamang na may lehitmong “kung kinakailangan malaman”; at

mag-ingat lamang kapag nag-uusap ng negosyo ng Kompanya sa mga lugar pampubliko.

Maaaring kailanganin, para sa mabisang pagpapatuloy ng negosyo ng Kompanya na ipasa ang ibang mga kumpidensiyal na impormasyon sa pangatlong partido. Sa ganitong kaso, dapat kayong makipag-alam sa kahit sinong kasapi sa Kagawaran ng Batas na makakapanghanda ng kasunduan para mapangalagaan kayo, ang Kompanya, at ang impormasyon.

Ang pakikitalakay sa mga abogado ng Kompanya ay karaniwang pribilehiyo at kumpidensiyal at hindi dapat talakayin sa iba. Ang pagbubunyag ay maaaring magbunga sa pag-uubaya ng pribilehiyo at posibleng pagkasira ng kapakanan ng Kompanya.

Ang inyong tungkuling itago ang impormasyong kumpidensiyal ay nananatili mula at pagkatapos ng pagka-empleyo sa Kompanya. Hindi ninyo maaaring kopyahin, kunin o personal na itago anumang impormasyong kumpidensiyal sa anumang oras. Kung kayo ay hindi nakatitiyak kung ang impormasyon ay kumpidensiyal o kung ano ang gagawin sa ganito, makipag-alam sa inyong tagapamahala o kahit sinong kasapi sa Kagawaran ng Batas.

6. MGA PAGSASALUNGUTAN NG KAPAKANAN Mahalaga na ang bawat kawani ay umiwas sa anong sitwasyon na o maaaring mabigyan

kahulugan na ito ay “pagsasalungutan ng kapakanan.” Kalimitan, ang “pagsasalungutan ng kapakanan” ay isang sitwasyon na napapalooban ng maaaring pakinabang ng negosyo ng Kompanya o lumitaw na hindi wastong pakinabang ng kawani, o pangatlong partido, sa karagdagan ng anumang pakinabang na matatanggap ng Kompanya.

Halimbawa, ang walang kahit sinumang kawani o miyembro ng pamilya ng kawani o kasambahay ang maaaring maging opisyales o patnugot ng mamimili o tagatustos ng Kompanya. Kung hindi kayo nakatitiyak kung ang sitwasyon ay isang pagsasalungatan ng kapakanan o hindi, dapat makipag-alam sa kahit sinong miyembro ng Kagawaran ng Batas.

7. PAKIKIPAGNEGOSYO SA PAMAHALAAN O (MGA) OPISYALES NG

PAMAHALAAN Ang mga batas at tuntunin sa sa pakikipagnegosyo sa pamahalaan o mga opisyales ng

pamahalaan ay iba-iba sa buong mundo at maaaring maging napakakomplikado. Kung hindi kayo nakatitiyak sa pagsasagawa ng MGA KAUGALIANG ito, o ang Alituntunin ng Kilos

15

Pangnegosyo, makipag-alam sa Kagawaran ng Batas para sa patnubay bago magbigay ng regalo.

16

Lahat ng mga kawani na abala sa pakikipag-negosyo sa: ∞ pederal, estado, panlalawigan o lokal na pamahalaan;

∞ anumang subdibisyon ng pamahalaan; o ∞ entity na hawak ng pamahalaan (kasama ang pribadong kompanya na tumatakbo sa

kontrata sa ngalan ng ahensiya ng pamahalaan), maski ito ay lokal o dayuhan, ay dapat sumunod sa lahat ng batas, tuntunin at pamamalakad na nababagay sa pag-uugnayang iyon, na kung saan ay maaaring kasama ang batas ng U.S. gayundin ang batas ng bayang lokal o maski ang lungsod kung saan ang gawain ay nagaganap.

Sa buong mundo, mayroong mga mahigpit na patakaran tungkol sa pagbibigay ng aliwan, regalo at mga pabuya sa, o ang pagtanggap ng mga ito mula sa kahit kaninong opisyales ng pamahalaan. Maaari kayong gumamit ng lehitmo at wastong paraan lamang para maging matibay ang pakikipagnegosyo sa pamahalaan o ahensiya ng pamahalaan. Ang mga gawaing may kaugnayan sa Kompanyang sinusuportahan ng mga ka-relasyon ng pamahalaan o programang outreach ay pinapayagan kung ang programa ay narepaso at napahintulutan ng parehong Grupong Pangkomunikasyong Namamahala at ang Kagawaran ng Batas. Gayunman, ang pagkamiyembro sa isang samahang kalakalan na nagpapalakad ng pamahalaang outreach ay pinapahintulutan.

Ang pangkalahatang tuntunin ay dapat walang mahalaga (kasama ang salapi, seguridad, regalo, paglalakbay, pagkain o aliwan) ay maaaring ibigay ng tuwiran o hindi tuwiran, sa sinumang opisyales ng pamahalaan, ahensiya ng pamahalaan o kompanyang hawak ng pamahalaan. Ngunit sa pagkilala ng mga iba-ibang kultura at pamamalakad sa buong mundo, may mga ilang hindi saklaw sa pangkalahatang tuntuning ito, kung ang Kompanya ay walang nakabiting kapakanan sa harap ng (mga) opisyales sa panahong iyon:

mga regalong walang halagang pang-komersiyo, tulad ng mga memento o alaala na may tatak ng Kompanya o kaunting mga muwestrang produkto ay maaaring ipamigay sa lahat ng mga dumalo o tagatanggap sa mga malalaking pagtitipon ng pampubliko o bilang bahagi ng pangkalahatang koreo, kung saan ay may katulad na mga regalong makukuha ang bawat dumalo (basta ang pagtitipon o pagpapadala sa koreo ay hindi limitado sa o para sa mga opisyales ng pamahalaan);

katamtamang pagkain (kahulugan ay kulang sa US$250 o ang hangganan ng lokal na bayan, kung ano ang mas mababa) ay maaaring ibigay kung ang Kompanya ay siyang punong-abala o nagpanukala sa gawaing o pangnegosyong pagpupulong, o isang opisyal ng pamahalaan ang bibisita sa pasilidad ng Kompanya,

pangkataong aliwan ay maaaring ibigay kung ito ay kaugnay sa pagtitipong pangnegosyo na katulad ng nabanggit sa itaas; at

makatwirang pagbiyahe ay maaari kung ang Kompanya ay kinakailangan sa ilalim ng lokal na pamamalakad para mapondohan ang pagbiyahe ng opisyal sa pasilidad ng Kompanya para mapatupad ang mga inspeksiyon o mga katibayan ng pamahalaan.

Halimbawa, ang mga hindi-nasasaklawan ay maaaring kasama ang:

∞ mga opisyales ng pamahalaan ay hindi kinakailangang hindi isali sa pangkalahatang taunang koreo o distribusyon ng mga kalendaryong pang-desktop na nagtataglay ng tatak ng Kompanya na isinagawa para sa mga mamimili at mga kawani sa negosyo;

17

kung saan, sa ibang mga kultura, isang maliit na alaala ay ibinigay kaugnay ng isang pagbisita o pagpupulong, isang regalo na walang halagang pangkomersiyo – tulad ng memento o alaala na may tatak ng Kompanya – o isang maliit na muwestra ng produkto ay maaaring ibigay sa isang opisyales na bumibisita kung ito ay halos katulad ng mga ibinigay sa lahat ng mga bisita o kalahok sa pagpupulong; o

∞ kung ang Kompanya ay may punong-abala sa isang pormal na pagdiriwang para sa mga kawani nito (taunang piging) o mga magtitinda (pistang pagdiriwang), ang pagdalo ng opisyales ng pamahalaan ay mapapahintulutan sa kondisyong ang opisyales ay hindi pakikitunguhan ng naiiba kaysa sa mga ibang bisita.

Sa nakasaad sa itaas at para maiwasan ang pagkalingat na paglabag sa batas o sa Alituntuning ito, kung mayroong pagdududa sa pagsasagawa ng KAUGALIANG ito, o ang Alituntunin ng Kilos Pangnegosyo, kinakailangan ninyong makipag-alam sa Kagawaran ng Batas para sa patnubay bago magbigay ng anumang regalo.

Isang paglabag din sa batas ang gumawa ng kahit anong mali o nakakalinlang na pahayag o pag-aangkin sa pamahalaan. Ang kasalukuyan at dating mga opisyales ng pamahalaan ay napapailalim sa napakahigpit na patakaran tungkol sa kanilang kakayanan na kumuha ng trabaho sa labas ng pamahalaan. Ang Kalihim ng Tagapamahala o Pangakalahatang Tagapayo ng Kompanya (na siya ang Opisyales ng Kilos Pangnegosyo ng Kompanya) ay dapat makonsultahan bago makipag-usap sa sinumang kasalukuyan o dating opisyales ng pamahalaan tungkol sa o sa ngalan ng Kompanya.

8. MGA RELASYON NG KAWANI Ang Kompanya ay nangangasiwa sa isang kapaligiran na nagkokompitensiyahan. Ang

pagganap sa tungkulin ay mademanda at ang pamantayan ay palaging tumataas. Datapwa’t, kailan ay hindi magkakaroon ng katwiran para sa hindi pagsunod sa mga patakaran ng Kompanya.

Ang Kompanyang Wrigley ay magbibigay ng pantay-pantay na mga pagkakataon sa pagtratrabaho na hindi isinaalang-alang ang lahi, kulay, pananampalataya, kasarian, pinagmulang bansa, edad, katayuang sibil, oryentasyong sekswal, pagkabaldado, beterano o kalagayan ng pagkamamamayan. Ibibigay ng Kompanya ang mga patakaran para sa mga kawani batay sa walang diskriminasyon sa lahat ng mga bagay-bagay kaugnay sa pagpasok, pagsasanay, pagsuweldo, mga pakinabang, pagtaas ng tungkulin, pagpapalipat, pagkatiwalag sa trabaho, pagbalik mula sa pagkatiwalag, mga programang edukasyonal na sinuportahan ng kompanya, at sa lahat ng pakikitungo sa trabaho.

Ang Kompanyang Wrigley ay nangangako ng isang kapaligirang pangtrabaho na malaya sa kahit anong uri ng panliligalig, kasama ang sekswal na panliligalig. Hindi pahihintulutan ng Kompanya ang kahit anong asal na bumubuo ng panliligalig maski ito ay gawa ng kawaning administratibo o kawaning hindi pang-administratibo.

Ang sekswal na panliligalig ay karaniwang binibigyang kahulugan bilang isang hindi pagtanggap sa mga paunang hakbang patungo sa sekswal na aksiyon, mga hiling sa pagsang-ayon sa sekswal na aksiyon, at iba pang pasalita o pisikal na uring sekswal na asal, lalo na kung ang panliligalig ay may hangarin o nagbunga sa anumang paraan na nakakasagabal sa kaugnayan ng pagka-empleyo ng kawani sa Kompanya o lumilikha ng nakakatakot, nakakapoot o nakakagalit na kapaligirang pangtrabaho.

Ang labag sa batas na pagtitinda, pagbibili, paggamit o pagkakapailalim sa bawal na gamot, kasama ang alkohol, habang sa oras ng Kompanya o nasa lugar ng Kompanya ay hindi naglalagay sa pinakamabuting kapakanan ng Kompanya.

18

9. KAPALIGIRAN, KALIGTASAN AT KALUSUGAN Ang Kompanyang Wrigley ay nangakong protektahan ang kapaligiran, magbigay ng ligtas na

lugar ng trabaho para sa mga kawani at mga ligtas na gawi sa pagtratrabaho mula sa kawani.

Kaugnay dito, ang Kompanya ay susunod sa lahat ng mga batas pederal, estado, panlalawigan at lokal tungkol sa kapaligiran at kapaligiran ng mga kawani sa mga bansang mayroong negosyo ang Kompanya.

May matatag at walang tigil na patakaran ang Kompanyang Wrigley na panatilihin ang agresibong pagtataguyod ng mga ligtas na gawi para maiwasan ang mga aksidente sa pagtratrabaho at mga kapinsalaan. Mga programang komprehensibo, tuloy-tuloy, pansawata, at pananggalang ay papabutihin, ipapanatili at ipababatid sa naaangkop ang lahat ng mga gawain at mga operasyon.

Ang Pamantayan ng Kapaligiran, Kaligtasan at Kalusugan ng Kompanya ay dapat sundin sa lahat ng mga pasilidad ng Wrigley. Datapwa’t, katungkulan at pananagutan ng bawat kawani na tumulong sa pagpapabuti ng kapaligiran at kaligtasan ng kanyang lugar na pinagtratrabahuhan.

10. KAHUSAYAN NG PRODUKTO Ang mga batas pederal, estado, panlalawigan at lokal ng mga bansang kung saan tayo mayroon

negosyo ay pinamamahalaan ang paggawa at pagbebenta ng mga produkto ng Kompanya para makatiyak ng kaligtasan at kahusayan. Itong pamamalakad ay maaari ring magpataw ng mahigpit na kinakailangan sa pagtatak at, sa ibang mga kaso, sa pag-aanunsiyo ng mga produkto ng Kompanya.

Sumusunod ang Kompanyang Wrigley, at tungkulin din ng bawat kawani na sumunod dito sa mga pamamalakad na mga ito.

Maski kinakailangan o hindi ng anumang batas o pamamalakad, ang mga sumusunod na mga prinsipyo ay nauukol sa bawat isa sa ating mga produkto:

Ang mga produkto ng Kompanya ay magiging walang panganib kung gamitin ito sa nilalayong paraan.

Mangangasiwa tayo ng naaangkop na pagsusuri para makilala ang maaaring panganib ng paggamit sa ating produkto.

Tayo ay magbibigay ng ligtas at mabisang pagbalot sa ating produkto.

Pagsisikapin nating pangalagaan ang mga karapatan ng ating mga mamimili sa paggamit ng ating produkto.

11. PAG-AARING HINDI PAMPUBLIKO O IMPORMASYONG MATERYALES NA

HINDI PAMPUBLIKO Para sa layon ng ating MGA KAUGALIANG PANGNEGOSYO, “pag-aaring hindi

pampubliko” o impormasyong “materyales na hindi pampubliko” ay ang impormasyong tungkol sa Kompanya o iba pang entity na, kung publiko, ay maaaring maka-apekto sa halaga

19

ng saping puhunan ng kompanya o ang desisyon ng indibidwal na bumili, ibenta o hawakan ang saping puhunan ng kompanya (kasama ang saping puhunan ng Kompanyang Wrigley).

Kasama ang mga uri ng impormasyon na karaniwang itinuturing “pag-aari” o “materyales” ang mga:

paghati ng saping puhunan o tubo ng saping puhunan;

mga pagbabago sa pamamalakad o kontrol;

mga resultang pananalapi;

pagtaas o pagbaba ng tubo;

mga alok pampubliko o pribadong pagbenta ng utang o mga panagot sa ekidad;

mga merger, mga acquisition o mga mungkahing divestiture o mga kasunduan;

mga mahahalagang bagong produkto o mga pagtutuklas;

mahalagang pagsasakdal o pagtatalo sa mga mamimili, tagatustos o mangongontrata;

mga imbestigasyon ng pamahalaan;

mga pinagsamang pakikipagsapalaran; at

kahit anong pangyayari na kinakailangan ng pagsasalansan ng ulat sa Securities and Exchange Commission.

Ang paggamit ng ari-ariang hindi pampubliko o impormasyong materyales na hindi pampubliko para sa sariling kapakanan ay pinagbabawal ng batas at ng Alituntunin ng Kilos Pangnegosyo. Ang pagbabawal ay nauukol sa parehong tuwirang gamit (sa pagkalakal ng mga saping puhunan o mga nahangong kagamitan o sa ibang pagpapakinabang mula sa impormasyon) at hindi tuwirang gamit (pamamagitan ng “tipping” sa sinuman tungkol sa impormasyon na sa ganoon ay nabibigyan sila ng pagkakataong makinabang sa impormasyon). Ang ganitong paggamit ay mapapailalim sa kriminal na itinadhana ng batas at kasali dito at malaking multa at pagkabilanggo. Itong mga itinadhana ay nauukol maski merong pakinabang na naganap o walang pakinabang ang nangyari.

12. SARILINAN Ang patakaran ng Kompanya sa sarilinan ay naglalayon na pangalagaan ang hindi ninanais at

hindi kinakailangang pagbubunyag ng “pansariling mapapagkilanlang impormasyon” na natipon ng Kompanya, maski ang impormasyon na nakolekta ay tungkol sa kawani, mamimili, taong bumisita sa website o tagatustos.

Ang “pansariling mapapagkilanlang impormasyon” ay anumang impormasyon na kaugnay sa isang kilala o mapagkilanlang natural na tao na naitala sa anumang anyo.

Kinikilala at sinusuportahan ng Kompanya ang pangangailangan ng tamang pangangalaga tungkol sa kalagayang nang sarilinan ng ganitong impormasyong. Sa ganitong dahilan, ang Kompanya ay bumuo at gumamit ng mga prinsipyo nang sarilinan kaugnay sa pangangalaga ng impormasyon.

20

Pangangasiwa 1. PAGPAPA-IRAL Itong ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO ay inuukol sa lahat ng mga patnugot,

opisyales at mga kawani ng Kompanyang Wrigley at lahat ng mga lokal at pandaigdigang kompanya at pamamahalang kaugnay nito.

2. MGA KATUNGKULAN Ang programa ng Kompanyang Wrigley para sa pangkalahatang pagtupad, kung saan itong

ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO ay ang susing elemento, ay nagpapakilala ng ipinagsamang katungkulan ng Kompanya at bawat isang kawani para sundan ang mga batas na namamahala sa mga gawain ng Kompanya sa buong mundo at para sundan ang mga patakaran at kinagawian ng Kompanya.

Bawat tagapamahala ay may katungkulang tiyakin na ang mga nilalaman sa ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO, at mas lalo na ang MGA PRINSIPYO NG KILOS PANGNEGOSYO, ay maliwanag na naintindihan ng bawat isa sa kanyang bahagi ng pananagutan at ang paniniyak na pagsunod nito.

Bawat kawani ng Wrigley ay may pananagutan at katungkulan na sundan pareho ang diwa at sulat ng mga nilalaman at manguna sa paghingi ng tulong o kaliwanagan para maiwasan ang mga paglabag sa ALITUNTUNING ito o ang batas. Walang naunang paubaya sa kahit anong nilalaman ng ALITUNTUNING ito ay maaaring pahintulutan, o anumang aksiyong pang-disiplina mula sa isang paglabag ay ipapaubaya, sa sinumang patnugot, tagapamahala o kawani ng kompanya na walang pahintulot mula sa Lupon ng mga Patnugot o katumbas ng lupong tagapamahala ng nasabing kompanya.

Dagdag dito, bawat kawani ay may pananagutan, na walang anumang takot ng paghihiganti o pagpaparusa, na ibigay-alam kaagad ang kahit anong kaalaman o paghihinala na paglabag sa ALITUNTUNING ito sa sumusunod na mga indibidwal: sinumang panloob na tagasuri, ang Tagapamahalang Opisyales ng Pananalapi, ang Kalihim na Tagapamahala, ang Pangkalahatang Tagapayo ng Kompanya (na siya ang Opisyales ng Kilos Pangnegosyo ng Kompanya) o ang Tagapangulo ng Lupon ng mga Tagasuri sa Lupon ng mga Patnugot. Kapag nabigay-alam, ang Kompanya ay may pananagutan na siyasatin ng lubos ang pangyayari at kumilos ng nararapat na aksiyon. Ang pagbibigay-alam sa sinumang indibidwal na mga ito ay maaaring nasa kahit anong anyo, kasama ang walang pangalan na gumawa ng ulat.

Lahat ng komunikasyon ay pangangalagaan sa loob ng hangganan ng batas. Maaaring magbigay-alam ng palihim sa paggamit ng serbisyong Hotline na inilalarawan sa susunod na pahina. Ang mga ulat na nagsasangkot ng mga kaso ng malubhang katiwalian sa pagtutuos, pandaraya o r legal na mga paglabag ay ipinadadala sa Hotline sa parehong Pangkalahatang Tagapayo ng Kompanya at sa Tagapangulo ng Lupon ng mga Tagasuri sa Lupon ng mga Patnugot.

Taun-taon, ang mga opisyales, tagapamahala at iba pang mga susing kawani ay papakiusapan na magpatunay na kanilang nauunawaan at susunod sa mga nilalaman nitong ALITUNTUNIN

21

NG KILOS PANGNEGOSYO, na kung saan ang itong MGA PRINSIPYO ay bahagi, at ang mga patakaran ng Kompanya.

3. MGA KATANUNGAN Upang makasunod ng lubos na may parehong diwa at sulat nitong ALITUNTUNIN,

mahalagang maunawaan ninyo ang mga ito. Kayo ay hinihimok na magtanong hindi lamang sa kahulugan ng mga nilalaman, pero kung may duda rin kayo sa pag-aari ng anumang iminungkahing transaksiyon, pangyayari o gawain. Mas lalong makabubuti ang kumuha ng impormasyon tungkol sa iminungkahing kilos bago matuklasan na ito pala ay paglabag kaysa kung matapos na ang aksiyon na paglabag sa ALITUNTUNING ito o sa batas.

4. HOTLINE NG PAGBIBIGAY-ALAM Kung mayroon kayong mga katanungan o kung nais niyong magbigay-alam ng anumang mga

paglabag o pinaghihinalaang mga paglabag at hindi niyo nais makipag-usap sa sinumang mga indibidwal na nakalista sa mga nakaraang mga pahina, maaring tawagan toll free ang Hotline sa Pagsunod at Mga Etiko sa 1-800-210-1458 anumang oras ng umaga o gabi, pitong araw sa linggo. Itong serbisyo ay sinasagot ng mga komunikasyong espesyalista na hindi mga empleyado ng Kompanya. May mga tagapagsalin kung nais ninyong magsalita sa wika maliban sa Ingles. Kung ikaw ay tumatawag sa labas ng U.S., maaaring gamitin ang AT&T Direct Access Number sa inyong bansa para sa tawag. Itong mga numero ay makikita sa website ng Kompanya (http://www.wrigley.com) sa bahaging Impormasyon ng Mamumuhunan. Kung nais ninyong mayroon sa Kompanya na babalik-tawag sa inyo, iwanan ang inyong pangalan at numero ng telepono ngunit kayo ay ligtas na gawin palihim ang tawag kung ito ang inyong nais.

5. MGA AKSIYONG PANG-DISCIPLINA Ang pagsunod sa ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO ito, at lahat ng patakaran

ng Kompanya ay kinakailangan. Anumang paglabag ay maaaring magdulot sa nararapat na aksiyong pang-disiplina, kasama ang pagtitiwalag. Kamangmangan o hindi pag-iintindi ng ALITUNTUNING ito ay hindi dahilan sa paglabag. Kasama, ngunit hindi limitado sa batayan na akisyong pang-disiplina ang mga :

sinasadyang paglabag;

pagkabigong hindi pakikipag-alam ng paglabag;

tuwiran o hindi tuwirang paghihiganti laban sa kawaning nakipag-alam sa isang paglabag; at

pagpapabaya ng isang tagapamahala na pagsisiguro sa pag-alinsunod sa ALITUNTUNING ito o pagtulong at pag-udyok sa paglabag nitong ALITUNTUNIN.

22

6. PANG-LOKAL O GAWAING ALITUNTUNIN NG KILOS PANGNEGOSYO Ang mga lokal o gawaing mga samahan ay maaaring magdagdag sa ALITUNTUNING ito sa

paglikha at paglaganap ng mga patakaran na nararapat sa tiyak na mga samahang mga kawani. Datapwa’t, anumang lokal o tiyak na karagdagan, upang maisagawa, ay dapat:

hindi mas mahina kaysa sa ALITUNTUNING ito; at

ibigay-alam sa Kagawaran ng Batas.

23

MGA TALA:

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Wm. WRIGLEY Jr. Company Wrigley Building

24

410 N. Michigan Avenue Chicago, Illinois 60611