word of life

26
Word of Life April 2012

Upload: simone-crosby

Post on 30-Dec-2015

33 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

Word of Life. April 2012. “Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo” (Juan 15:3). Nang narinig ng mga disipolo na sinabi ni Jesus ng walang pagaalinlangan ang mga mapagpasiglang salitang ito, maaaring ang kanilang mga puso ay lumukso sa tuwa. - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Page 1: Word of Life

Word of LifeWord of Life

April 2012April 2012

Page 2: Word of Life

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo”

(Juan 15:3).

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo”

(Juan 15:3).

Page 3: Word of Life

Nang narinig ng mga disipolo na sinabi ni Jesus ng walang pagaalinlangan ang mga

mapagpasiglang salitang ito, maaaring ang kanilang mga puso ay lumukso sa tuwa.

Page 4: Word of Life

O, anong inam kung ang mga salitang ito ay masasabi rin sa atin ni Jesus! Upang tayo ay maging marapat sa mga salitang ito, sa maliit na pamamaraan,

sikapin natin unawain ang kanyang kahulugan.

Page 5: Word of Life

Ginawa ni Jesus ang pagpapatibay nito noong tinukoy Niya ang Kanyang tanyág na halimbawá tungkol sa

punò ng ubas at mga sanga nito. Ipinaliwanag Niya na Siya ang totoong punò ng ubas at ang Ama ang

tagapag-alaga na Siyang pumuputol ng mga sangang hindi namumunga, at Kanyang pinuputulan at nililinisan ang bawat sangang namumunga upang lalong dumami

ang bunga.

Page 6: Word of Life

Nang nasabi Niya ito, Kanyang inihayag:

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

Page 7: Word of Life

“Malinis na kayo ...” Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa mga salitang ito, anong uri ng kalinisan ang Kanyang binanggít?

Page 8: Word of Life

Kanyang tinutukoy ang uri ng pagkilos

na dapat gawin upang manatili sa

harapán ng Diyos, sa kawalan ng mga sagabal (tulad ng

kasalanan) na siyang pumapagitna sa atin

at sa anumang pakikitungo sa

sagrado, sa anumang

pagtatagpô sa dibino.

Page 9: Word of Life

Upang maangkín ang kalinisang ito, kailangan natin ang tulong ng Diyos. .

Page 10: Word of Life

Sa LumangTipan, natuklasan ng mga tao na hindi sila makakalapít sa Diyos kung sila ay

aasa lamang sa kanilang sariling lakas. Kailangan gawin malinis ng Diyos ang

kanilang mga puso; kailangan Niyang bigyan sila ng bagong puso.

Page 11: Word of Life

May isang magandang Awit na nagsasabi, “Ilikha mo ako, O Diyos, ng isang malinis na puso”.

(Awit 51:12)

Page 12: Word of Life

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

Page 13: Word of Life

Ayon kay Jesus, may isang paraan upang maging malinis ang ating puso, at ito ay ang Kanyang

Salita. Narinig at tinaggap ng mga disipolo ang Kanyang Salita, at ito ang nakapagpadalisay sa

kanilang puso.

Page 14: Word of Life

Sa katunayan, ang mga salita ni Jesus ay hindi katulad ng mga salita ng tao. Si Jesus ay nároroón sa Kanyang mga salita katulad ng Siya ay nároroón sa Banal na Eukaristiya, bagama’t sa ibang paraan. Sa

pamamagitan ng Kanyang Salita, si Kristo ay sumasa-atin, at sa pagtanggap natin sa Kanyang mga salita at sa pagsasabuhay nito, ating hinahayaan na Siya ang

sumilang at umiral sa ating puso.

Page 15: Word of Life

Sabi ni Papa Paolo VI: “Paano matatamo

ang presensiya ni Jesus sa mga puso? Sa pamamagitan ng

pagpapahatid ng Salita ng Diyos sa iba, ang kaisipang

dibino ay maihahatíd, ang

Salita; ang Anak ng Diyos na

nagkatawang tao ay maihahatid. Ating

maihahayag na ang Panginoon ay

nagkakatawang tao sa atin kapag

hinahayaan natin ang Kanyang Salita na

dumatíng at manahan sa ating

kalooban.”

Page 16: Word of Life

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

Page 17: Word of Life

Ang Salita ni Jesus ay maihahalintulad din sa isang buto na itinanim sa puso ng isang naniniwala sa Diyos. Nang ito ay malugód na tinanggáp , ito ay

tumagós, at katulad ng isang buto, ito ay tumubo, lumaki at namunga; tayo ay nag-anyông Kristo,

tayo ay naging kawangis ni Kristo.

Page 18: Word of Life

Ang Salita, na pumasok sa buhay ng tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espititu, ay tunay na may kakayahán at lakás na ilayo ang Kristiyano sa masamâ: iyón ay, habang ating

hinahayaan ang Salita na kumilos sa atin, tayo ay magiging malaya mula sa kasalanan at, sa gayón,

malinis. Tayo ay magkakásála lamang kung tayo ay hihintô sa pagsunód sa Katotóhanan.

Page 19: Word of Life

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

Page 20: Word of Life

Paano tayo mamumuhay

upang tayo rin ay magíng marapat sa

papuri ni Jesus? Tayo ay dapat

magsumikap na isabuhay ang

bawat Salita ng Diyos, buhayin ang

ating sarili sa pamamagitan ng Salita sa bawat sandali, gawing

patuloy na pagpapahayag ng Ebanghelyo ang ating buhay...

Page 21: Word of Life

upang tayo ay magkaroon ng kaisipan at damdamin gaya ng kay Jesus; ngayon, maaari natin isabuhay

muli si Kristo at ipakita sa lipunang madalas na nakabulid sa kasamaan at kasalanan, ang kalinisang

dibino, ang kadalisayan ng espiritu na bigay ng Ebanghelyo.

Page 22: Word of Life

Sa buwang ito, kung may iba pa tayong kasama na ito ang hinahangad, subukan natin na isabuahy ang mga salita ni Jesus na naglalaman ng Kanyang Utos

na magmahalan.

Page 23: Word of Life

Sa katunayan, sa Ebanghelyo ni Juan,

kung saan matatagpuan ang

Kataga ng Buhay sa buwang ito, may

ugnayan ang Salita ni Jesus sa Bagong Utos.

Ayon kay Juan, ang Salita ng Diyos ay

isinasabuhay ayon sa tinutukoy ni Jesus

tungkol sa pagmamahalan: ang Salita ng Diyos ay

may bisá na pagpapadalisay,

kabanalan, pagpigil sa kasalanan, ang

pagiging mabunga, pagkamalapit sa

Diyos.

Page 24: Word of Life

Ang isang taong nagbubukód sa sarili ay hindi makakapagpigil sa pang-aakit ng mundo;

Page 25: Word of Life

habang kung saan may pagmamahalan, natatagpuan ng lahat ang kapaligirang malusog

na magaalaga sa kanilang tunay na buhay Kristiyano

Page 26: Word of Life

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo”

(Jn 15:3),

“Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo”

(Jn 15:3),

Text by Chiara LubichText by Chiara Lubich