y o f ala m e d a county ng alameda c sampol na balota at ... · 8/29/2017  · ay gagamitin para...

12
001 C A L I F O R N I A C O U N T Y O F A L A M E D A COUNTY NG ALAMEDA MARTES, AGOSTO 29, 2017 Sampol na Balota at Librito ng Impormasyon para sa Botante SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT Espesyal na Vote By Mail na Halalan WALANG GAGAMITING MGA LUGAR NG BOTOHAN SA HALALANG ITO

Upload: others

Post on 25-Jan-2020

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 001

    CA L I F O R N

    I A

    CO

    UNT

    Y OF ALAME

    DA COUNTY NG ALAMEDA

    MARTES, AGOSTO 29, 2017

    Sampol na Balota at Librito ngImpormasyon para sa Botante

    SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

    Espesyal na Vote By Mail na Halalan

    WALANG GAGAMITING MGA LUGAR NG BOTOHAN SA HALALANG ITO

  • !ANG INYONG BOTO AY GAWING MABILANG

    Tandaan na pirmahan ang likod ng inyong return envelope.

    ANG INYONG BOTO AY GAWING MABILANG

    • Ipadala ang inyong balota bago mag-Agosto 24 para masiguradong ito ay matatanggap sa tamang oras para maproseso.

    IBALIK ANG INYONG BALOTA NANG MAAGA

    AGOSTOS M T W T F S20 21 22 23 24 25 26

    27 28 29 30 31

    Ang mga balota ay maaaring ihulog saan man sa mga sumusunod na lokasyon: • Alameda County Registrar of Voters Office

    1225 Fallon Street, Room G-1, Oakland, CA 94612 Lunes–Biyernes 8:30 a.m.–5:00 p.m. Araw ng Halalan 7:00 a.m.–8:00 p.m.

    • 24-Hour Drop Boxes Alameda County Administration Building 1221 Oak Street, Oakland, CA 94612

    • San Leandro City Hall 835 E 14th Street, San Leandro, CA 94577

    OO

    HINDI

    MGA PANUKALANG ISINUMETESA MGA BOTANTE

    Ang aming 24-hour drop boxes ay nakabukas hanggang 8:00pm sa Araw ng Halalan.

    MGA HAKBANG PARA MASIGURADONG MABIBILANG ANG INYONG BOTO

    • Gumamit lamang ng itim o asul na ballpen

    • Para bumoto, ganap na ikonekta ang arrow na nakaturo sa inyong “OO” o “HINDI” na pinili

    • Siguraduhing namarkahan nang malinaw ang inyong balota

  • *MGA IMPORTANTENG PETSA

    • HULYO 31, 2017 - Unang araw ng maagang pagboto

    sa tanggapan ng Registrar of Voters

    • HULYO 31, 2017 - Unang araw nang pagpapadala ng

    Vote By Mail na balota sa mga Botante

    • AGOSTO 14, 2017 - Huling araw para magparehistro

    upang makaboto sa halalang ito

    • Ang mga balota ay dapat nasa tanggapan ng

    Registrar of Voters sa County ng Alameda o nasa

    opisyal na ballot drop box bago mag ika-8 ng gabi

    sa AGOSTO 29, 2017.

    • Ipadala ang inyong balota bago mag-AGOSTO 24

    para masiguradong ito ay matatanggap sa tamang

    oras para maproseso. Ang inyong balota ay dapat

    naka-posmarked bago o mismong Araw ng Halalan

    at dapat matanggap, hindi lalagpas ng SETYEMBRE 1

    sa tanggapan ng Registrar of Voters

    MGA BOTANTE SASAN LEANDRO UNIFIEDSCHOOL DISTRICT

    ATENSYO N

    Huwag kalimutang pirmahan ang likod ng inyong Vote By Mail return envelope

    *Kapag ang petsa ay natapat sa holiday, ang deadline ay ang susunod na business day.

    !

    SVBM

    • Ito ay espesyal na Vote By Mail na halalan; ang mga balota ay awtomatikong ipapadala sa lahat nang nakarehistrong mga botante na naninirahan sa San Leandro Unified School District.• WALANG gagamiting mga lugar ng botohan sa halalang ito.• WALANG kinakailangang selyo para ibalik ang balota.• Kung hindi kayo makapasok sa Courthouse dahil sa edad o pisikal na kapansanan, kayo ay maaaring bumoto sa inyong sasakyan o malapit sa Courthouse. Para sa appointment o arrangements, mangyaring tawagan ang aming tanggapan sa (510) 272-6933.• Ang Disability Rights California ay magkakaroon ng Election Day Hotline:1-888-569-7955

    7:00 a.m.– 8:00 p.m.

    AGOSTOS M T W T F S

    1 2 3 4 5

    6 7 8 9 10 11 12

    13 14 15 16 17 18 19

    20 21 22 23 24 25 26

    27 28 29 30 31

  • 1

    Trim Trim

    PERFPERF

    Trim

    PERFPERF

    Trim

    Score 1

    Score 2

    Score 3

    Score

    Score

    Score

    Alameda

    RunDate:06/16/2017 11:46:18 aLast Printed:6/20/17

    11:39

    cC

    opyr

    ight

    201

    2 D

    OM

    INIO

    N V

    OT

    ING

    Vers

    ion:

    80O

    ptec

    h 3P

    E4c

    CA01-1-0001-373010-1-T

    OFFICIAL BALLOT SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT SPECIAL VOTE BY MAIL ELECTION ALAMEDA COUNTY AUGUST 29, 2017

    OPISYAL NA BALOTA SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT ESPESYAL NA VOTE BY MAIL NA HALALAN COUNTY NG ALAMEDA AGOSTO 29, 2017

    VOTER DETACH AND KEEP THIS STUBBOTANTE TANGGALIN AT ITAGO ANG STUB NA ITO

    CA01-1-0001-373010-1-T

    373010 (0001)

    OFFICIAL BALLOT / OPISYAL NA BALOTA SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT, SPECIAL VOTE BY MAIL ELECTION

    SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT, ESPESYAL NA VOTE BY MAIL NA HALALAN ALAMEDA COUNTY / COUNTY NG ALAMEDA

    AUGUST 29, 2017 / AGOSTO 29, 2017

    INSTRUCTIONS TO VOTERS: USE BLACK OR BLUE BALLPOINT PEN ONLY. To vote on any measure, complete the arrow after the word “Yes” or “No.”

    MGA TAGUBILIN PARA SA MGA BOTANTE: GAMITIN LAMANG ANG ITIM O ASUL NA BALLPEN. Para bumoto sa anumang panukala, kumpletuhin ang arrow pagkatapos ng salitang “Oo” o “Hindi.”

    373010 BT:1

    B Maintaining Quality Schools for San Leandro. To attract and retain highly qualified teachers, and to continue programs to improve core education in our local schools, particularly in math, science, technology and the arts, support manageable class sizes, and school libraries, shall the San Leandro Unified School District renew its existing parcel tax for 14 years at a rate of $78 per year, with an exemption for seniors, independent fiscal oversight, no money for administration, and all money benefiting San Leandro students?

    Pagpapanatili sa Kalidad ng mga Paaralan para sa San Leandro. Upang maakit at mapanatili ang mga lubos na kwalipikadong guro, at ipagpatuloy ang mga programa upang mapabuti ang pangunahing edukasyon sa ating mga lokal na paaralan, partikular na sa matematika, agham, teknolohiya at mga sining, suportahan ang mapapangasiwaang laki ng mga klase, at mga aklatan ng paaralan, dapat bang baguhin ng San Leandro Unified School District ang umiiral nitong buwis sa parsela para sa 14 na taon sa halagang $78 kada taon, na may iksemsyon para sa mga nakatatanda, independiyenteng obersayt sa pananalapi, walang pera para sa administrasyon, at ang lahat ng pera ay pakikinabangan ng mga estudyante ng San Leandro?

    SCHOOLPAARALAN

    MEASURES SUBMITTED TO THE VOTERSMGA PANUKALANG ISINUMITE SA MGA BOTANTE

    YESOO

    NOHINDI

    Sampol na B

    alota

  • 1

    Trim Trim

    PERFPERF

    Trim

    PERFPERF

    Trim

    Score 1

    Score 2

    Score 3

    Score

    Score

    Score

    Alameda

    RunDate:06/16/2017 11:46:18 aLast Printed:6/20/17

    11:39

    cC

    opyr

    ight

    201

    2 D

    OM

    INIO

    N V

    OT

    ING

    Vers

    ion:

    80O

    ptec

    h 3P

    E4c

    CA01-1-0001-373010-1-T

    OFFICIAL BALLOT SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT SPECIAL VOTE BY MAIL ELECTION ALAMEDA COUNTY AUGUST 29, 2017

    OPISYAL NA BALOTA SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT ESPESYAL NA VOTE BY MAIL NA HALALAN COUNTY NG ALAMEDA AGOSTO 29, 2017

    VOTER DETACH AND KEEP THIS STUBBOTANTE TANGGALIN AT ITAGO ANG STUB NA ITO

    CA01-1-0001-373010-1-T

    373010 (0001)

    OFFICIAL BALLOT / OPISYAL NA BALOTA SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT, SPECIAL VOTE BY MAIL ELECTION

    SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT, ESPESYAL NA VOTE BY MAIL NA HALALAN ALAMEDA COUNTY / COUNTY NG ALAMEDA

    AUGUST 29, 2017 / AGOSTO 29, 2017

    INSTRUCTIONS TO VOTERS: USE BLACK OR BLUE BALLPOINT PEN ONLY. To vote on any measure, complete the arrow after the word “Yes” or “No.”

    MGA TAGUBILIN PARA SA MGA BOTANTE: GAMITIN LAMANG ANG ITIM O ASUL NA BALLPEN. Para bumoto sa anumang panukala, kumpletuhin ang arrow pagkatapos ng salitang “Oo” o “Hindi.”

    373010 BT:1

    B Maintaining Quality Schools for San Leandro. To attract and retain highly qualified teachers, and to continue programs to improve core education in our local schools, particularly in math, science, technology and the arts, support manageable class sizes, and school libraries, shall the San Leandro Unified School District renew its existing parcel tax for 14 years at a rate of $78 per year, with an exemption for seniors, independent fiscal oversight, no money for administration, and all money benefiting San Leandro students?

    Pagpapanatili sa Kalidad ng mga Paaralan para sa San Leandro. Upang maakit at mapanatili ang mga lubos na kwalipikadong guro, at ipagpatuloy ang mga programa upang mapabuti ang pangunahing edukasyon sa ating mga lokal na paaralan, partikular na sa matematika, agham, teknolohiya at mga sining, suportahan ang mapapangasiwaang laki ng mga klase, at mga aklatan ng paaralan, dapat bang baguhin ng San Leandro Unified School District ang umiiral nitong buwis sa parsela para sa 14 na taon sa halagang $78 kada taon, na may iksemsyon para sa mga nakatatanda, independiyenteng obersayt sa pananalapi, walang pera para sa administrasyon, at ang lahat ng pera ay pakikinabangan ng mga estudyante ng San Leandro?

    SCHOOLPAARALAN

    MEASURES SUBMITTED TO THE VOTERSMGA PANUKALANG ISINUMITE SA MGA BOTANTE

    YESOO

    NOHINDI

    Sampol na B

    alota

  • LIBRITO NG IMPORMASYONPARA SA BOTANTE

    Ang Tanggapan ng Registrar of Voters ay may

    inilaang impormasyon ng panukala sa audio

    file na nasa Soundcloud o CD Format

    (Ipapadala kung Hihilingin).

    Mangyaring tumawag sa (510) 272-6933

    para sa mga kahilingan ng CD.

    Para pakinggan online, bisitahin:soundcloud.com/acvote

    TTY: (510) 208-4967

    ANG MGA PAHINANG KASUNOD AY

    NAGLALAMAN NG:

    Impormasyon ng Panukala

    ANG MGA PANGANGATWIRANG SUMUSUPORTA SA, O SUMASALUNGAT SA IMINUMUNGKAHING MGA BATAS AY MGA OPINYON LAMANG NG

    MGA MAY AKDA.

    PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON,BISITAHIN ANG AMING WEBSITE: ACVOTE.ORG

    Kung kayo ay may mga katanungan tungkol sa pamamaraan sa

    pagboto, mangyaring tumawag sa (510) 267-8683

    ACCESSIBLE TOUCHSCREEN/AUDIO VOTING MACHINE

    Mayroong Nakalaang Accessible Touchscreen/Audio Voting Machine Para Makatulong Sa Mga Botanteng May Mga Kapansanan

    • Available sa Tanggapan ng Registrar of Voters Hulyo 31 - Agosto 29, Lunes - Biyernes · 8:30am - 5:00pm Araw ng Halalan · 7:00am - 8:00pm 1225 Fallon St., Room G-1 Oakland, CA 94612

    • Available sa Araw ng Halalan, Agosto 29 · 7:00am - 8:00pm San Leandro City Hall Lobby 835 E 14th Street San Leandro, CA 94577

    Paalala: para magamit ang accessible voting machine na nasa lokasyon ng San Leandro, ang inyong Vote by Mail na balota at white return envelope ay dapat i-surrender.

    VIP

    ACVOTE

  • SAN LEANDRO UNIFIED SCHOOL DISTRICT PANUKALA B

    Pagpapanatili sa Kalidad ng mga Paaralan para sa San Leandro. Upang maakit at mapanatili ang

    mga lubos na kwalipikadong guro, at ipagpatuloy ang mga programa upang mapabuti ang pangunahing edukasyon sa ating mga lokal na paaralan, partikular na sa matematika, agham, teknolohiya at mga sining, suportahan ang mapapangasiwaang laki ng mga klase, at mga aklatan ng paaralan, dapat bang baguhin ng San Leandro Unified School District ang umiiral nitong buwis sa parsela para sa 14 na taon sa halagang $78 kada taon, na may iksemsyon para sa mga nakatatanda, independiyenteng obersayt sa pananalapi, walang pera para sa administrasyon, at ang lahat ng pera ay pakikinabangan ng mga estudyante ng San Leandro?

    B OOHINDI

    SLMB-1

    Distrito para sa iksemsyong ito. Lahat ng ari-arian sa ibang paraang may iksemsyon mula sa anumang mga buwis sa ari-arian ay hindi rin kasali sa buwis na ito. Kung papasa ang panukala, ang kita ng pagpopondo ay gagamitin para sa mga tinukoy na layunin na itinakda sa kabuuang teksto ng panukalang nakasaad sa librito ng sampol na balotang ito, kabilang ang: mga pangunahing programang sumusuporta sa matematika, agham at pagbasa; maakit at mapanatili ang mga guro; pagpapanatili ng teknolohiyang pangturo sa silid-aralan; at iba pa. Karagdagan pang itinatakda ng panukala na ang mga perang makokolekta ay bibilangin nang magkahiwalay at gagastusin lamang para sa mga tinukoy na layunin. Ang mga pondo ay hindi ipambabayad sa pangangasiwa. Ang panukala ay naglalaan ng isang obersayt komite ng mga mamamayan at mga taunang ulat na nagbabalangkas ng halaga sa mga nakolekta at ginastos na pondo ng pang-edukasyong buwis sa parsela at ng kalagayan ng anumang iniatas o inawtorisang proyekto na popondohan mula sa mga kinita ng buwis sa parsela ayon sa kinilala sa panukala. Kung mas mababa sa 2/3 ng kwalipikadong manghahalal na bumoboto sa panukalang ito ang boboto para sa pag-apruba, ang panukala ay mabibigo, at ang Distrito ay hindi ma-aawtorisahan na magpataw ng espesyal na buwis na binalangkas sa itaas. Ang panukalang ito ay inilagay sa balota ng namamahalang lupon ng Distrito.

    s/ DONNA R. ZIEGLER Abogadong Tagapayo ng County

    Ang pahayag sa itaas ay isang walang pinapanigang pagsusuri sa Panukala B, na nakasaad nang buo sa librito ng sampol na balotang ito. Kung nais ninyong magkaroon ng karagdagang kopya ng panukala, mangyaring tumawag sa tanggapan ng Opisyal ng mga Halalan sa (510) 272-6933 at isang kopya ang ipapadala sa inyo nang walang bayad. Maari rin kayong magkaroon ng akses sa kabuuang teksto ng panukala sa website ng County ng Alameda: www.acgov.org/rov/.

    WALANG PINAPANIGANG PAGSUSURI NG ABOGADONG TAGAPAYO NG COUNTY SA

    PANUKALA BPAGSUSURI NG ABOGADONG TAGAPAYO NG

    COUNTY SA ISANG PANUKALANG ESPESYAL NA BUWIS SA PARSELA NG SAN LEANDRO UNIFIED

    SCHOOL DISTRICT Ang Panukala B, isang panukala para sa espesyal na buwis sa parsela ng San Leandro Unified School District (“Distrito”), ay humihingi ng pag-apruba ng botante upang pahintulutan ang Distrito na magpataw ng taunang espesyal na buwis ng parsela sa bawat parsela ng binubuwisang real property sa loob ng 14 na taon, simula sa taong piskal 2018-2019. Ang mga distrito ng paaralan ay may awtoridad na magpataw ng mga espesyal na buwis kapag naaprubahan ng 2/3 ng mga boto para sa mga panukalang espesyal na buwis alinsunod sa Artikulo XIIIA, Seksyon 4 at Artikulo XIIIC, Seksyon 2 ng Konstitusyon ng California at mga seksyon 50075-50077, 50079, at 53722 sa Kodigo ng Pamahalaan ng California. Kung ang 2/3 ng mga kwalipikadong manghahalal na bumoboto sa panukalang ito ay boboto para sa pag-apruba, ang Distrito ay magpapataw ng espesyal na buwis sa lahat ng mga parsela ng nabubuwisang real property taun-taon sa loob ng 14 na taon. Ang antas ng buwis ay magiging $78 kada parsela kada taon. Para sa mga layunin nitong espesyal na buwis sa parsela, ang “parsela” ay nangangahulugan ng anumang yunit ng lupa na tumanggap ng isang hiwalay na singil sa buwis para sa ad valorem na mga buwis sa ari-arian mula sa Tagakolekta ng Buwis sa County ng Alameda. Ang Tagakolekta ng Buwis sa County ng Alameda, ay mangongolekta ng buwis sa kaparehong panahon at sa kaparehong paraan tulad ng sa ad valorem na mga buwis sa ari-arian. Isang iksemsyon ang maipagkakaloob sa mga tao na: (1) edad 65 pataas; (2) nag-ookupa ng parsela bilang kanyang pangunahing tirahan; at (3) nagpatala sa

  • PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA BSa nakalipas na limang taon, sinuportahan ng komunidad ng San Leandro ang ating mga paaralan sa pamamagitan ng isang maliit na lokal na buwis sa parsela upang pondohan ang mga pangunahing programang pang-akademika sa matematika, agham, teknolohiya, at mga sining, at upang makapagpanatili ng mapapangasiwaang laki ng mga klase. Ang Panukala B ay magpapatuloy ng kritikal na pagpopondong ito na malapit nang mawalan ng bisa.Ang pagtatasang ito na isa sa pinakamaliit sa estado, ay halos $6 kada buwan. May iksemsyon ang mga nakatatanda, tulad ng dati.Ang Panukala B ay naglalaan ng pagpopondo para sa pagkuha at pagpapanatili ng lubos na kwalipikadong mga guro at kawani, mga aklatan ng paaralan, at mahahalagang mga programang pang-edukasyon. Sa isang bahagi dahil sa suporta ng komunidad, ang San Leandro Unified School District ay patuloy sa pagsasagawa ng malawakang mga hakbang upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon. Ang patuloy na pagpapabuti ng ating lokal na mga paaralan ang unang dahilan kung bakit pinipili ng bata pang mga pamilya ang manirahan sa San Leandro. Ang kalidad na mga paaralan sa kapitbahayan ay tumutulong sa pagpapanatili at pagpapabuti ng halaga ng mga lokal na ari-arian.Kahit wala kayong mga anak na nasa edad ng pagpasok sa paaralan, ang pagsuporta sa panukalang ito ay isang matalinong pamumuhunan. Ang mga pondo ng Panukala B ay maaaring gastusin lamang sa mga programang nakalista sa panukala at aprubado ng mga botante. WALANG mga pondo ang makukuha ng Estado o gagamitin upang ipambayad sa mga sweldo ng mga tagapangasiwa. Bawat sentimo ay gagamitin para sa mga estudyante sa ating lokal na mga paaralan.Ang ipapatupad na taunang independiyenteng awdit ay magtitiyak ng isang malinaw na sistema ng pananagutan sa pananalapi.Ang mga nakatatanda sa San Leandro, mga pinuno ng komunidad, mga magulang, mga guro at mga lider ng negosyo ay sumusuporta sa Panukala B.Kinakailangan ang Panukala B upang mapanatili at mapabuti ang kalidad ng ating lokal na pampublikong mga paaralan.Mangyaring bumoto ng Oo. Salamat po.

    s/ PAULINE RUSSO CUTTER Punongbayan, Lunsod ng San Leandro

    s/ DIANA PROLA Pangulo, San Leandro USD

    s/ MONIQUE M. TATE Pangalawang Pangulo, San Leandro USD

    s/ TANIESCHA LA ROSSA Magulang ng mga estudyante sa San Leandro USD

    s/ KATE MILLER Magulang ng mga estudyante sa San Leandro USD

    WALANG ISINUMITENG PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALA B

    SLMB-2

  • KABUUANG TEKSTO NG PANUKALA BPANIMULA

    "Upang maakit at mapanatili ang mga lubos na kwalipikadong guro, at ipagpatuloy ang mga programa upang mapabuti ang pangunahing edukasyon sa ating mga lokal na paaralan, partikular na sa matematika, agham, teknolohiya at mga sining, suportahan ang mapapangasiwaang laki ng mga klase, at mga aklatan ng paaralan, dapat bang baguhin ng San Leandro Unified School District ang umiiral nitong buwis sa parsela para sa 14 na taon sa halagang $78 kada taon, na may iksemsyon para sa mga nakatatanda, independiyenteng obersayt sa pananalapi, walang pera para sa administrasyon, at ang lahat ng pera ay pakikinabangan ng mga estudyante ng San Leandro?"

    MGA LAYUNIN Upang makapagbigay ng lokal na kinita sa buwis na hindi makukuha ng Estado at upang mapanatili ang pampublikong edukasyon na may mataas na kalidad sa mga paaralan ng San Leandro Unified School District (ang “Distrito”), iminumungkahi ng Distrito na magpataw at mangolekta ng pang-edukasyong buwis sa parsela taun-taon sa loob ng 14 na taon na mas lalo pang ganap na inilarawan sa ibaba sa ilalim ng “PANG-EDUKASYONG BUWIS SA PARSELA AT MGA PAMAMARAAN”, at upang maisakatuparan ang mga hakbang na may kaugnayan sa pananagutan kaugnay ng pang-edukasyong buwis sa parsela at upang makapaglaan ng magbabantay at ng pagkakaroon nang pananagutan upang matiyak na ang mga pondo ay ginamit lamang para sa sumusunod na mga tinutukoy na layunin:

    • Maakit at mapanatili ang kwalipikadong mga guro,

    • Pagsuporta sa pangunahing mga programa sa matematika, agham at pagbasa

    • Pagkakaloob para sa kaligtasan ng estudyante,• Pagpapanatili ng mga bukas na aklatan,• Pagpapanatili at pagkakaloob ng mga kompyuter

    sa silid aralan at ng teknolohiyang pangturo,• Pagpapanatili ng mga programa para sa P.E.,

    sining at musika, at• Pagpapanatili ng laki ng mga klase.

    Ang Lupon ng Edukasyon ay hindi magpopondo ng anumang programa maliban sa mga nakalista sa itaas mula sa mga nalikom na pang-edukasyong buwis sa parsela.PANG-EDUKASYONG BUWIS SA PARSELA AT MGA PAMAMARAAN Halaga ng Pang-edukasyong Buwis sa Parsela. Batay sa pag-apruba ng 2/3 ng mga botante, ang pang-edukasyong buwis sa parsela na $78 kada parsela (maliban sa mga hindi kasaling parsela, ayon sa inilarawan sa ibaba) ay magkakaroon ng bisa sa loob ng 14 na taon na magsisimula sa taong piskal 2018-19 at kokolektahin ng Tagakolekta ng Buwis sa County ng Alameda sa kaparehong panahon at kasama ang, at ibabatay sa mga katulad na parusa sa pangkalahatang mga ad valorem na

    buwis na nakolekta ng naturang tagakolekta ng buwis. Kahulugan ng Parsela. Ang parsela ay papakahuluganan na anumang yunit ng lupa sa Distrito na tumatanggap ng isang nakahiwalay na singil ng buwis mula sa Tagakolekta ng Buwis sa County ng Alameda. Mga Iksemsyon. Ang mga sumusunod na iksemsyon ay tumutukoy sa pagpapataw ng kwalipikadong espesyal na buwis.

    • Sa ibang paraang may Iksemsyong Ari-Arian. Lahat ng ari-ariang iyon sa ibang paraan na hindi kasali sa ari-ariang mga buwis ay hindi rin isasali sa pang-edukasyong buwis parsela.

    • Iksemsyon ng Nakatatandang Mamamayan. Mayroong iksemsyon para sa mga may edad na 65 o mas matanda pa at nagmamay-ari at nag-ookupa ng parsela bilang kanyang pangunahing tirahan (ayon sa pinakahuluganan sa itaas) at nagpatala sa Distrito para sa naturang iksemsyon sa ilalim ng mga pamamaraang itinatag ng Distrito o sa ibang paraan ayon sa iniatas ng batas o ng Tagakolekta ng Buwis sa County ng Alameda.

    Ang mga mamamayang nakatatanda na may-ari ng ari-arian na nais makakuha ng iksemsyon ay kailangang magpatala sa Distrito para sa naturang iksemsyon sa ilalim ng mga pamamaraang itinatag ng Distrito o sa ibang paraan ayon sa iniatas ng batas o ng Tagakolekta ng Buwis sa County ng Alameda. Ang mga pamamaraang itinatag ng Distrito ay magtatakda na ang mga nakatatanda na kwalipikado sa iksemsyon para sa nakatatanda kaugnay ng buwis sa parsela (Panukala L) na inaprubahan ng botante noong 2012 hanggang sa binubuwisang taong 2017-18 ay hindi na kailangang magsumite pang muli ng aplikasyon sa iksemsyon para maging kwalipikado sa iksemsyon ng mga nakatatanda na inilarawan sa panukalang ito. Mga Eksklusibong Pamamaraan. Ang mga pamamaraan na inilarawan dito nang may pagsasaalang-alang sa pagpapataw at koleksyon ng pang-edukasyong buwis sa parsela at mga iksemsyon, at anumang mga karagdagang pamamaraan na itinatag ng Lupon ng Edukasyon ng Distrito, ang magiging eksklusibong pamamaraan ng paghahabol para sa mga humahabol na makakuha ng iksemsyon, pagbalik ng ibinayad, kabawasan, o pagkukwentang-muli ng kwalipikadong espesyal na buwis. Kung mayroon mang partikular na paghahabol ang lulutasin ng Distrito o ng County ay pagpapasiyahan ng Distrito, sa pakikipag-ugnayan ng County kung kinakailangan. Maaaring pagtibayin ng Lupon ng Edukasyon ng Distrito ang naturang karagdagan o suplemental na mga pamamaraan kung sa tingin nila ay kinakailangan o magdudulot ng ginhawa para sa pangangasiwa ng pang-edukasyong buwis sa parsela.MGA HAKBANG UKOL SA PANANAGUTAN Pananagutan ayon sa Kodigo ng Pamahalaan. Alinsunod sa mga iniaatas sa mga seksyon 50075.1 at 50075.3 ng Kodigo ng Pamahalaan ng California, ang mga sumusunod na hakbang kaugnay sa pananagutan, kasama ang iba pa, ay angkop sa mga espesyal na buwis na ipinataw alinsunod sa Panukalang ito:

    SLMB-3

  • SLMB-4

    • ang mga tiyak na layunin ng pang-edukasyong buwis sa parsela ay iyong magiging mga layunin na kinilala sa itaas sa ilalim ng pamagat na “MGA LAYUNIN,”

    • ang mga nalikom mula sa pang-edukasyong buwis sa parsela ay angkop para lamang doon sa mga tiyak na layunin na kinilala sa itaas sa ilalim ng pamagat na “MGA LAYUNIN,”

    • lilikha nang nakahiwalay na espesyal na account kung saan ang mga nalikom mula sa pang-edukasyong buwis sa parsela ay idedeposito; at

    • ang punong opisyal sa pananalapi ng Distrito ay magsusumite ng isang taunang nakasulat na ulat sa Lupon ng Edukasyon ng Distrito na nagpapakita ng (1) halaga sa nakolektang pondo at ginastos mula sa mga nalikom sa pang-edukasyong buwis sa parsela at (2) ang kalagayan ng anumang mga proyekto, mga programa, o mga layuning kinilala sa itaas sa ilalim ng pamagat na “MGA LAYUNIN.”

    Obersayt Komite ng mga Mamamayan. Dagdag pa sa mga hakbang kaugnay ng pananagutan na iniaatas ng Kodigo ng Pamahalaan, isang independiyenteng Obersayt Komite ng mga Mamamayan ang itatalaga ng Lupon ng Edukasyon para payuhan ang Lupon ukol sa mga paggastos na pinondohan ng panukala upang matiyak na ang mga naturang pondo ay ginastos para sa mga layuning aprubado ng mga botante. Ang Obersayt Komite ng mga Mamamayan ay susubaybay sa mga paggastos sa mga pondong ito ng Distrito at mag-uulat sa taunang batayan sa Lupon at sa komunidad kung paano ang mga pondong ito ay ginastos. Ang Komite ay maaaring isama sa kasalukuyang obersayt komite sa bono ng Distrito.PROTEKSYON NG PAGPOPONDO Ipinagbabawal ng kasalukuyang batas ang anumang pagbabawas sa pagpopondong Pederal o pang Estado sa Distrito dahil sa pagpapatibay ng Distrito sa pang-edukasyong buwis sa parsela. Gayunpaman, kung ang anumang mga pondong Estado o Pederal ay mababawasan dahil sa pagpapatibay nitong pang-edukasyong buwis sa parsela, ang halaga ng pang-edukasyong buwis sa parsela ay babawasan taun-taon ayon sa pangangailangan upang mapanumbalik ang naturang pagpopondong Estado o Pederal.KAKAYAHANG MAIHIWALAY Sa pamamagitan nito, idinedeklara ng Lupon ng Edukasyon ng Distrito, at ang mga botante sa pamamagitan ng pag-apruba sa panukalang ito ay sumasang-ayon, na ang bawat seksyon, talata, pangungusap at parirala ng panukalang ito ay may independiyenteng kahalagahan, at ang Lupon ng Edukasyon at ang mga botante ay magpapatibay ng bawat probisyong naririto maging anupaman ang bawat iba pang probisyong naririto Pagkatapos na maaprubahan ng mga botante ang panukalang ito, kung sakaling ang anumang bahagi nito ay matuklasang hindi balido sa anumang dahilan ng hukumang may kapangyarihang kakayahan, ang lahat ng natitirang bahagi rito ay mananatiling may kapangyarihan at may bisa sa kaganapang pinahihintulutan ng batas.

  • PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON

    Bisitahin ang aming website sa: acvote.orgTUMAWAG SA: (510) 272-6973

    OPT

    GO GREEN AT MAKATIPID SA BUWIS NA DOLYAR

    Piliing huwag makatanggap sa pamamagitan ng pagpapadala ng inyong Sampol na Balota at Librito ng Impormasyon para sa Botante

    Simula Enero 1, 2011, pinapayagan na ng Batas ng Estado (AB 1717) ang mga botante na mag-“go green” sa pamamagitan ng pagpili na hindi makatanggap sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang sampol na balota at librito ng impormasyon para sa botante, at sa halip ay i-akses na lang ito online. Ang pagpili sa online option na ito ay makakatulong sa pagbawas ng mga gastusin ng County at makatitipid ng buwis na dolyar.

    Kung gugustuhin ninyong hindi makatanggap sa pamamagitan ng pagpapadala sa inyo ng inyong Sampol na Balota at Librito ng Impormasyon para sa Botante, mag-log on lamang sa “My Voter Profile” sa www.acgov.org/rov/profile.htm at baguhin ang inyong status.

    Ang Sampol na Balota at mga Librito ng Impormasyon ay maaaring ma-akses online 40 araw bago ang Halalan.

  • ALAMEDA COUNTYREGISTRAR OF VOTERSP.O. BOX 23340OAKLAND, CA 94623-2334

    NON-PROFIT ORG.US POSTAGE PAID

    PERMIT NO. 29OAKLAND, CA

    001

    TO:

    選民如需協助,請致電﹕中文 – (510) 208-9665

    유권자 지원이 필요하시면 아래의 전화번호로 연락하십시오.

    한국어 – (510) 272-5037

    FOR VOTER ASSISTANCE CALL:ENGLISH – (510) 272-6973

    PARA ASISTENCIA PARA EL VOTANTE EN ESPAÑOL LLAME AL (510) 272-6975

    投票に関するご質問は、以下までお問い合わせ下さい。

    日本語: (510) 272-5036PARA SA TULONG PANG-BOTANTE TUMAWAG SA

    TAGALOG: (510) 272-6952

    CÖÛ TRI CAÀN TRÔÏ GIUÙP XIN GOÏITIEÁNG VIEÄT: (510) 272-6956

    मतदाता सहायता के �लए फ़ोन करे �हदं�﹕(510) 272-5035

    សំរប់ជំនួយការអ�កេបាះេឆា� ត សូមទូរស័ព�មកេលខ ភាសាែខ�រ៖ (510) 272-5038

    WALANG GAGAMITING

    MGA LUGAR NG BOTOHAN SA

    HALALANG ITO

    MGA BALITA AT PAHAYAGPara tumanggap ng pinakabagong mga balita at pahayag, i-like kami, sundan kami, at makipag-konek sa amin sa pamamagitan ng inyong paboritong social media channels!

    Maging e-Subscriber at sumali sa mga listahan ng Alameda County Registrar of Voters e-mail subscription. Kayo ay makakatanggap ng mga pahayag sa e-mail tuwing may bagong

    available na impormasyon http://www.acgov.org/rov/esubscribe.htm

    @ACVOTE