yugto ng pagkatuto sa pagtuturo ng filipino sa …€¦ · yugto ng pagkatuto sa pagtuturo ng...

12
YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog- Silangang Asya Bilang ng Sesyon : 5 Araw Unang Linggo PAMANTAYANG PANGNILALAMAN : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba pang transitional devices upang makapagsalaysay ng sariling karanasan. PAMANTAYAN SA PAGGANAP : Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang banghay ng maikling kuwento gamit ang graphic organizer. YUGTO NG PAGKATUTO : A. TUKLASIN (UNANG ARAW) I. Kasanayang Pampagkatuto : II. Paksa: Panitikan: Ang Ama (Maikling Kwentong Makabanghay Singapore Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena Gramatika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o Transitional Devices Uri ng Teksto: Nagsasalaysay Kagamitan: Teksto- “Ang Ama” , Manila paper Inaasahang Produkto: Nakapagsasalaysay ng isang kwento gamit ang Graphic Organizer sa masining na paraan. Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenovela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

Upload: others

Post on 17-Nov-2020

208 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG

FILIPINO SA BAITANG 9

Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-

Silangang Asya

Bilang ng Sesyon : 5 Araw

Unang Linggo PAMANTAYANG PANGNILALAMAN : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba pang transitional devices upang makapagsalaysay ng sariling karanasan. PAMANTAYAN SA PAGGANAP : Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang banghay ng maikling kuwento gamit ang graphic organizer. YUGTO NG PAGKATUTO :

A. TUKLASIN (UNANG ARAW)

I. Kasanayang Pampagkatuto :

II. Paksa: Panitikan: Ang Ama (Maikling Kwentong Makabanghay – Singapore

Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

Gramatika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o Transitional Devices

Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Kagamitan: Teksto- “Ang Ama” , Manila paper

Inaasahang Produkto: Nakapagsasalaysay ng isang kwento gamit ang Graphic Organizer sa masining na paraan.

Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenovela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

Page 2: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

III. Pamamaran A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati ng Guro 3. Kalinisan ng Silid 4. Pagtsek ng Atendans

B. Paunang Pagsusulit

Panuto: Piliin ng letra ng tamang sagot.

1) Ito ang isang uri ng maikling kwento na nagsasalaysay ng pagkaksunod-sunod ng mga pangyayari. A. Katutubong-kulay C. Makabanghay B. Pangkapaligiran D. Pangkatauhan

2) Piliin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa mga elemento ng Kuwentong Makabanghay.

A. Panimula C. Kasukdulan B. Wakas D. Pamagat

3) Siya ang nagsalin ng maikling kwentong Ang Ama. A. Mauro Avena C. Amado Hernandez B. Mario R Avena D. Amado Fernandez

4) Ito ang tawag sa bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng 2 salita, parirala o sugnay. A.Pang-angkop C. Panuring B. Pangatnig D. Modal

5) Ang _________________ay ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginagamit na sa unahan ng pangungusap. A. subalit C. samantala B. saka D. dahil sa

C. Pagganyak– AKTIBITI

Pagpapakita ng mga larawan ng kilalang mag-ama

Gabay na Tanong:

1. Anu ang kaugnayan ng mga larawan sa isa’t isa? 2. Paano nakaiimpluwensya ang mga taong ito sa isa’t isa?

Page 3: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

D.Pagbibigay ng Mahalagang Tanong Panitikan: Paano naiiba ang kwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kwento? Wiak: Paano nakatutulong ang transitional devices sa pagsasalaysay ng sariling karanasan?

E. Pagbasa sa Akda Dugtungang pagbasa sa tekstongNang Minsang Naligaw si Adrian

F. Pag bibigay Rubrics

Pamantayan

Angkop sa Paksa 4 puntos Presentasyong Biswal 2 puntos Presentasyong Berbal 2 puntos Sapat na Oras 2 puntos

10 untos

G. Gawain–AKTIBITI

Panuto: Pagtukoy ng mga pangyayari sa akda gamit ang graphic organizer.

Pangkat 1 – Simula Pangkat 2 – Pataas na Aksyon

Pangkat 3 - Kasukdulan

Pangkat 4 –Wakas H.Feedback -ABSTRAKSYON

I. Sintesis – APLIKASYON

Panuto: Bubunot ang mga mag-aaral ng istrip ng papel na naglalaman ng mga elemento ng Maikling Kuwentong Makabanghay at ilalapat ito sa BUNDOK NG KARUNUNGAN

IV. Takdang Aralin Basahin ang akdang Ang Ama salin ni Mauro R. Avena.

Simula

Wakas

Kasukdulan

Pataas na Aksyon

Mga Pangyayari

Mga Pangyayari

Mga Pangyayari

Mga Pangyayari

NANG

MINSANG

NALIGAW

SI

ADRIAN

Page 4: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

LINANGIN (IKALAWA AT IKATLONG ARAW)

I. Kasanayang Pampagkatuto

II. Paksa

III. Yugto ng Pampagkatuto

A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati sa Guro 3. Pagpuna sa Kalinisan 4. Atendans

AKTIBITI B. Pagbabalik Aral

Iba‟t-ibang uri ng maikling kuwento. Pagbibigay importansiya sa kuwentong makabanghay.

ANALISIS

C. Pagbasa ng Akda

Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda.

Nakabubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nkapaloob sa akda batay sa mga pamantayang internal na taglay ng mambabasa/ manonood.

Nabibigyang-kahulugan ang mga pahiwatig na ginagamit sa biansang akda.

Naisalaysay nang may pagkakasunod ang mga pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay.

Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig o kataga na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Panitikan: Ang Ama Maikling Kuwentong Makabanghay – Singapore Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

Gramatika / Retorika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsunod-sunod ng mga Pangyayario Transitional Devices (subalit, ngunit, sa wakas, palibhasa, samantala, dahil sa, saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito)

Uri ng Teksto: Nagsasalaysay Kagamitan: Teksto – “Ang Ama”, Manila paper

Produkto / Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mga mag-aaral ang banghay ng maikling kuwento gamit ang Graphic Organizer.

“Ang Ama” isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena.

Page 5: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

1

7

6

5

4

3 2

D. Paglinang ng Talasalitaan

.

E. Rubriks

F. Gawain

Bigyan kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap.

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.

2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluluwang-palad nito.

3.Kung umuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata‟y magsisiksikan, takot na anumang ingay nila ay makakainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.

4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas.

5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak. 6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata

Rubriks sa pangkatang Gawain Angkop sa Paksa 3 Malikhain 3 Nakasusunod sa tamang oras 2 May batayan at patunay 2 10

Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari

Tagpuan at Tauhan

Kahalagahang Pangkatauhan

Kopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong papel at punan ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tukuyin ang tagpuan, tauhan, at kahalagahang pangkatauhan.

Page 6: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

ABSTRAKSYON

G. Fidback H. Pagsusuri ng Ibang Akda “Anim na Sabado ng Beyblade” (bahagi lamang) ni Ferdinand P. Jarin

Katangian ng ama

Bahagi/Pangyayaring nagpapatunay

TIMELINE

Sa Antas ng Iyong Pag-unawa SagutiDn ang mga gabay na tanong. 1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento? 2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? 3. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong bahagi o pangyayari sa kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian

4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama? Isalaysay. 5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa

kaniyang anak? 6. Paano nagwakas ang kuwento? 7. “Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang „di nila mararanasang muli.” Ano ang nais ipahiwatig ng panghuling pangungusap na ito? Bakit ganito ang saloobin ng mga bata? Patunayan. 8. Anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa

kuwentong ito? 9. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay na mahal sa buhay? Sa ibang bansa sa Asya? 10. Bakit may uring makabanghay ang kuwento?

SABADO

1

SABADO

2

SABADO

3

SABADO

6

SABADO

5

SABADO

4

Page 7: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

I. Pagsanib ng Gramatika at Retorika

APLIKASYON J. Sintesis

Panuto: Gumuwa ng web analyzer tungkol sa paggamit ng pangatnit at transitional devices na maiuugnay sa Maikling Kuwentong Makabanghay.

K. Pagsagot sa Mahalagang Tanong

L. Pagtataya / Pagsasanay

Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang beyblade ang bahagi ng kuwentong

iyong binasa? 2. Paano nagwakas ang kuwento? 3. Kung ikaw ang may-akda, ganito rin ba ang iyong gagawing wakas? Bakit? 4. Sumulat ng sariling wakas ng kuwento na may uring makabanghay. Ilahad mo ito sa pamamagitan ng isang grapikong presentasyon. 5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Paano ito naiiba sa iba pang uri?

Pagsasanib ng Gramatika / Retorika - Kuwento Mo, Isalaysay Mo

Batay sa bahagi ng kuwentong iyong binasa, bumuo ng ilang pahayag na may kinalaman dito ayon sa tamang pagkakasunod-sunod gamit ang sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatutulong ang paggamit ng transitional devices sa pagsasalaysay. Isulat ang iyong sagot sa papel. subalit datapwat ngunit samantala saka kaya dahil sa sa wakas sa lahat ng ito kung gayon

Pag-alam sa Natutuhan

Pagsasanay 1 Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin. 2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya‟y nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman. 3. Siya‟y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang

magpatuloy sa buhay. 4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya alintana ang mga darating pa. 5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.

Panitikan: Paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento? Gramatika: Paano nakakatutulong ang pangatnig at transitional devices sa pagsasalaysay?

Page 8: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

IV. TAKDANG ARALIN

1. Magsaliksik tungkol sa gawain ng isang layout artist at illustrator. 2. Alamin kung paano ginagawa ang isang graphical presentation.

Pagsasanay 2 Punan ng angkop na transitional device ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng kuwento. Isulat sa papel ang iyong sagot.

Krus

Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving para sa isang tryout bilang paghahanda sa SEA Games. _________ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya._________kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya________ matalik na kaibigan ng kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral________ pursigido siyang dapat mapanalunan ang kampeonato.

Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan. __________, habang siya‟y nakatayo sa springboard ng pool na may taas na tatlumpung talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay,_______ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon._______ biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan nanasa kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kaniya._______ na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siya‟y lumuhod sa kinatatayuang springboard at umusal.

“Panginoon, kung ito‟y isang pahiwatig na ako‟y dapat magbago sa aking kapalaluan, patawarin N‟yo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at nagsusumamo na patawarin N‟yo po sana ako.”

Patuloy na humagulgol si Brinth at „di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.

Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang tubig ang pool kung saan siya dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.

Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, “Salamat po, Panginoon.”

Mula noon ay hindi na siya bumalik sa springboard na „yun.

Page 9: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

PAGNILAYAN AT UNAWAIN (IKAAPAT NA ARAW) I. Kasanayang Pampagkatuto

II. Paksa III. Yugto ng Pampagkatuto A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati sa Guro 3. Pagpuna sa Kalinisan 4. Atendans B. Balik-aral

Iba‟t-ibang uri ng maikling kuwento. Pagbibigay importansiya sa kuwentong makabanghay.

AKTIBITI

C. Pagganyak Maglalabas ng sisidlan ang guro (maaaring bayong o iba pa) na naglalaman ng pamagat ng ilang maiikling kuwento na natalakay noong nakaraang grado (Grade 8) at tutukuyin ng mga mag-aaral kung anong uri ng maikling kuwento ito. Maaaring gamitin muli ang mga kahulugan ng maikling kuwento (Wall of Knowledge). Magbigay ng pokus sa maikling kuwentong makabanghay.

ANALISIS

D. Pagsasanay / Gawain

Naisusulat ang pagsusuri ng isang kuwentong makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nito tulad ng: isang mahalagang desisyon o isang mahalagang pagbabago sa sarili.

Panitikan: Ang Ama Maikling Kuwentong Makabanghay – Singapore Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena Gramatika / Retorika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari o Transitional Devices (subalit, ngunit, sa wakas, palibhasa, samantala, dahil sa, saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito) Uri ng Teksto: Nagsasalaysay Kagamitan: Teksto – “Ang Ama”, Manila paper

Produkto / Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mga mag-aaral ang banghay ng maikling kuwento gamit ang Graphic Organizer.

Ang bawat mag-aaral ay kukuha ng isang buong papel at sasagutan ang mga katunugan; 1. Paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento? Ihambing ito sa isa sa mga uri at palawigin ang sagot. 2. Paano nakatutulong ang transitional devices sa pagsasalaysay ng sariling karanasan? Magbigay ng halimbawa.

Page 10: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

ABSTRAKSYON E. Pagpapatibay sa Mahalagang Tanong (EQ) at Mahalagang Konsepto

APLIKASYON F. Pagtataya Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng maikling kuwento kung saan nakatuon sa pagkakasunod

sunod ng pangyayari. a. Kuwentong Makakalikasan b. Kuwentong Makatao c. Kuwentong Makabanghay d. Kuwentong Makapook

2. Piliin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa mga elemento ng Kuwentong Makabanghay. a. Panimula b. Kasukdulan c. Wakas d. Pamagat 3. Ito ay mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay. a. Pangatnig b. Pang-abay c. Pang-uri d. Transitional Devices 4. Ito ay mga kataga na nag-uugnay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. a. Pangatnig b. Pang-abay c. Pang-uri d. Transitional Devices 5. Ang __________ ay ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginagamit na sa unahan ng pangungusap. a. subalit b. Samantala c. saka d. dahil sa

*note- maaari pangdagdagan o palitan ang mga tanong.

IV. Takdang Aralin Magsaliksik tungkol sa gawain ng isang layout artist at illustrator. Alamin kung paano ginagawa ang isang graphical presentation.

Page 11: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

ILIPAT (IKALIMANG ARAW)

I. Kasanayang pampagkatuto II. Paksa III. Yugto ng Pampagkatuto A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati sa Guro 3. Pagpuna sa Kalinisan 4. Atendans B. Balik-aral Pagbibigay ng importansiya sa maikling kuwentong makabanghay at ang mga tamang paggamit ng Pangatnit at transitional devices. C. Pagganyak Magpapanood o magpapakita ng larawan ang guro ng mga piling eksena sa isang telenobela at ipapaliwanag ng mga mag-aral ang bawat eksena o larawan na ipinakita ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Bigyang importansya ang pagpapahalaga ang napanood at iahambing ito sa kasalukuyang mga pangyayari sa lipunang Asyano. Hal. The Legal Wife

Napaghahambing ang mga piling pangyayari sa napanood na dula / telenobela sa kasalukuyang lipunang Asyano.

Panitikan: Ang Ama Maikling Kuwentong Makabanghay – Singapore Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

Gramatika / Retorika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari o Transitional Devices (subalit, ngunit, sa wakas, palibhasa, samantala,

dahil sa, saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito) Uri ng Teksto: Nagsasalaysay Kagamitan: Teksto – “Ang Ama”, Manila paper

Produkto / Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mga mag-aaral ang banghay ng maikling kuwento gamit ang Graphic Organizer.

Page 12: YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA …€¦ · YUGTO NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA BAITANG 9 Modyul 1 : Mga Akdang Pampanitikan sa Timog-Silangang Asya Bilang

D. Gawain

G – Magsasalaysay ang mga mag-aaral ng isang kuwento gamit ang graphic organizer sa masining na paraan.

R – Illustrator / layout artist A – Manunulat (writer) ng maikling kuwento S – Kailangan ng manunulat ng isang illustrator / graphic artist na gagawa ng graphical

presentation para sa isang pahina ng kuwento. P – Graphical presentation ng kuwento S – Hikayat sa unang tingin ......................40 puntos Kumpleto ang mga element...............30 puntos (tagpuan, tauhan, banghay) Pagkamasining........................................30 puntos Kabuuan.............................100 puntos IV. Takdang Aralin Magsaliksik tungkol sa mga Alamat at mga uri nito.

Masubok Nga Magsasalaysay ang mga mag-aaral ng isang kuwento gamit ang graphic organizer sa masining na paraan. Tandaang ang pagganap ay batay sa GRASPS.