yunit 2 aralin 8 epp home eco pagpapanatiling maayos ang sariling tindig
DESCRIPTION
YUNIT 2 ARALIN 8 EPP HOME ECO Pagpapanatiling Maayos Ang Sariling TindigTRANSCRIPT
“Pagpapanatiling maayos ang sariling
tindig”
5 Palakpak kung Tama at 3 padyak
kung Mali ang isinasaad ng bawat
pangungusap.
1. Ang maayos na tindig ay nagiging sanhi ng pagiging kuba.
2. Kaaya-ayang tingnan ang magandang
posisyon sa pag-upo.
3. Ang pagtulog nang maaga ay mabuti sa ating
katawan.
4. Kailangang kumain ng kahit na
anong pagkain upang maging malusog.
5. Ang pag-eehersisyo ay
maganda sa ating kalusugan.
Bakit mahalaga ang
wastong tindig o pagtayo at
pag-upo?
PANGKATANG
GAWAIN
Magtala ng mga taong naging kilala sa bansa dahil sa kanilang magandang tindig at postura o tikas. Ibigay ang katangian na nagpabukod sa iba.
Hal. Shamcy Supsup – Nakilala sa kaniyang “tsunami walk”.
Ano-anong ehersisyo ang ginagawa ninyo sa asignaturang
Pagpapalakas ng Katawan? Alin dito ang
sa palagay ninyo ay nakapagpapaganda ng tindig at postura/tikas?
Paano makakamit ang maganda at kaaya-ayang tindig at postura/tikas?
1. Pagkain ng masustansiyang pagkain. Kailangan kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain na magbibigay ng protina,carbohydrates, fats, bitamina, mineral, at iba pang nutrients upang maging malusog.
2. Pagtulog nang maaga at walong oras sa isang araw. Ang isang bata na katulad mo ay kailangan matulog nang maaga at mahabang oras. Ito ay kailangan sa iyong paglaki.
3. Mag- ehersisyo ng regular. Isang pangkalusugang gawi na kailangan gawin ng isang batang katulad mo ang palagiang pag-eehersisyo. Nakabubuti ito sa postura o tikas at tindig ng isang tao.
4. Tamang pag-upo at pagtayo.
Dapat ang likod ay nakalapat sa sandalan ng upuan kapag nakaupo.
Kapag nakatayo naman ay dapat na deretso ang katawan upang hindi hukot tignan.
5. Upang masanay ang iyong katawan kailangang parating tuwid ang paglakad upang ang postura o tikas at tindig ay maging kaaya-aya.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang Grow, Go, at Glow Foods?
2. Ano ang ginagawa ng ganitong mga pagkain sa ating katawan?
3. Bakit kailangang matulog ng hindi bababa sa walong oras sa isang araw?
4. Ikaw ba ay palaging nag-eehersisyo? Ano ang naidudulot nito para sa iyong katawan?
5. Ang tamang pagtindig at pag-upo ay kailangang makasanayan. Bakit?
Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali.
1. Kumakain ng masustansiyang
pagkain sa araw-araw.
2. Matulog ng walong oras
sa isang araw.
3. Parating nakayuko kung
umupo.
4. Minsan sa isang buwan
mag-eherisyo.
5. Ilapat sa sandalan ng upuan ang
katawan kapag nakaupo.
Sagot:
1. T
2. T
3. M
4. M
5. T
Takdang – aralin
1. Mag-aral maglakad ng tuwid araw-araw. Kailangang diretso ang tingin at medyo nakaliyad ang dibdib.
2. Sa pag-upo naman, kailangan lapat ang likod sa sandalan o kung walang sandalan kailangan 90 degrees.