z p araling panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito...

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 6: Patakarang Piskal Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 04-Jun-2021

12 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 6:

Patakarang Piskal

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

2

BumuosaPagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glenda V. Pablan

Dorothy Y. Tamunan

Editor: Glenda V. Pablan

Tagasuri: Kimberly Cler G. Suarez

Maria Angelica C. Epanto

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Dorothy Y. Tamunan

Tagalapat: Ma. Angelica C. Epanto

Kimberly Cler G. Suarez

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

Page 3: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

3

Alamin

Ang modyul na ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa

patakarang piskal ng bansa at kung paano mo maaaring gamitin ang iyong

personal na karanasan bilang batayan sa pagsagot sa mga gawain.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong

inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.

Maraming gawain ang inihanda para sa iyo upang maging

makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang

lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa Aralin 6: Patakarang Piskal

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal (MELC 4)

Page 4: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

4

Balikan

Sa bahaging ito, iyong babalikan ang mga dating kaalaman at pag-

unawa tungkol sa mga katangian ng isyu. Simulan mo ito sa pamamagitan

ng pagtupad sa gawain na nasa ibaba

Gawain 1: LARAWAN-SURI

Suriin ang mga sumusunod na larawan. Sagutan ang pamprosesong

Tanong.

Pamprosesong Tanong:

1. Ilarawan ang nakikita mo sa mga larawan. 2. Anong mensahe ang mabubuo mo mula sa mga larawan? Ipaliwanag.

Aralin

1

Konsepto ng

Patakarang Piskal

Page 5: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

5

Tuklasin

Gawain 2: TALASALITAAN

Tukuyin ang angkop na konsepto ng mga kahulugang nasa ibaba ng kahon.

1. Pagbawas ng gastusin ng pamahalaan at pagtataas ng singil sa buwis upang

maiwasan ang implasyon

2. Pagaganap kung mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kompara sa kita

3. Pagdagdag ng gastusin ng pamahalaan at pagbaba ng singil sa buwis upang

tumaas ang kabuuang demand na magiging daan upang sumigla ang ekonomiya

4. Pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis at

paggastos upang matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya

5. Sapilitang kontribusyon sa pamahalaan upang maipatupad ang serbisyong

pambayan.

Pamprosesong Tanong:

1. Naging madali ba sa iyo na tukuyin ang kahulugan ng mga konsepto/ termino?

Bakit?

2. Saan maaaring mabasa o marinig ang mga salitang ito?

3. Sa iyong palagay, kailangan bang maunawaan ang kahulugan ng mga

konseptong nasa kahon? Ipaliwanag.

BUWIS SIN TAX

PATAKARANG PISKAL BUDGET DEFICIT

EXPANSIONARY FISCAL POLICY

CONTRACTIONARY FISCAL POLICY

Page 6: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

6

Suriin

Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman tungkol sa aralin, ngayon

naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto

na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na

layunin ng bahaging ito ay matututuhan mo ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga

kontemporaryong isyu.

Konsepto ng Patakarang Piskal

Mula sa aklat nina Case, Fair, at Oster (2012), ang patakarang piskal ay

tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng

pamahalaan. Sa madaling salita, ito ay tungkol sa polisiya sa pagbabadyet. Ito rin

ang isinasaad sa aklat nina Balitao et. al (2014), kung saan ang patakarang ito ay

“tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago

ang galaw ng ekonomiya”. Ayon kay John Maynard Keynes (1935), ang pamahalaan

ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng

ekonomiya. Simula pa noong Great Depression, nabuo ang paniniwalang ang

pamahalaan ay may kakayahan na mapanatiling ligtas ang ekonomiya tulad ng

banta ng kawalan ng trabaho. Kaya ang interbensiyon ng pamahalaan, sa isang

banda, ay may malaking kontribusyon upang masiguro ang pagsasaayos ng isang

ekonomiya. Ang paggasta ng pamahalaan ayon kay Keynes halimbawa, ay

makapagpapasigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources

ayon sa pinakamataas na matatamo mula sa mga ito na makapagdudulot ng full

employment. Sa kabilang banda, ang pakikialam ng pamahalaan sa pamamagitan

ng mga polisiya sa paggasta at pagbubuwis ay makapagpapababa o

makapagpapataas naman ng kabuuang output higit sa panahon ng recession o

depression.

May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang

piskal upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa

ekonomiya ng bansa.

Expansionary Fiscal Policy. Ang expansionary fiscal policy ay isinasagawa

ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa. Ipinapakita

sa kondisyong ito na ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan dahil

hindi nagagamit ang lahat ng resources. Karaniwan ding mababa ang

pangkalahatang demand ng sambahayan at walang insentibo sa mga

mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksiyon. Magdudulot ang

ganitong sitwasyon ng mataas na kawalan ng trabaho at mababang buwis para sa

pamahalaan. Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay

karaniwang nagpapatupad ng mga desisyon upang mapasigla ang matamlay na

ekonomiya. Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggasta sa mga

Page 7: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

7

proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis lalo sa panahong ang

pribadong sektor ay mahina o may bantang hihina ang paggasta.

Dahil dito, ang mamamayan ay nagkakaroon ng maraming trabaho at

mangangahulugan ng mas malaking kita. Sa bahagi ng bahay-kalakal, lumalaki rin

ang kanilang kita. Sa pagdagdag ng kita, nagkakaroon ng panggastos ang

mamamayan at ang bahay-kalakal na makapagpapasigla sa ekonomiya. Sa bawat

gastos ng pamahalaan, nagdudulot ito ng mas malaking paggasta sa buong

ekonomiya kung kaya’t maaasahan ang mas malaking kabuuang kita para sa bansa.

Ganito rin ang epektong pagbaba ng buwis. Higit na magiging malaki ang panggastos

ng mga sambahayan dahil sa nadagdag na kita mula sa bumabang buwis kaya

asahang tataas ang kabuuang demand sa pagkonsumo

Contractionary Fiscal Policy. Ang paraang ito naman ay ipinatutupad ng

pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya.

Karaniwang nagaganap ito kapag lubhang masigla ang ekonomiya na maaaring

magdulot ng overheated economy na mayroong mataas na pangkalahatang output at

employment. Ang ganitong kondisyon ay hihila pataas sa pangkalahatang demand

sa sambahayan at insentibo naman sa mamumuhunan na patuloy na magdagdag

ng produksiyon. Magdudulot ang sitwasyon na ito ng pagtaas sa presyo ng mga

bilihin o implasyon. Sa ganitong pagkakataon, ang pamahalaan ay maaaring

magbawas ng mga gastusin nito upang mahila pababa ang kabuuang demand.

Inaasahang sa pagbagsak ng demand, hihina ang produksiyon dahil mawawalan ng

insentibo ang bahay kalakal na gumawa ng maraming produkto. Magdudulot ito ng

pagbagal ng ekonomiya, liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo

ng mga bilihin at makokontrol ang implasyon. Ganito rin ang sitwasyon na maaaring

mangyari kapag nagtaas ang pamahalaan ng buwis. Mapipilitan ang mga

manggagawa na magbawas ng kanilang gastusin sa pagkonsumo dahil bahagi ng

kanilang kita ay mapupunta sa buwis na kukunin ng pamahalaan na makaaapekto

sa kabuuang demand sa pamilihan. Ito ang dalawang paraan sa ilalim ng patakarang

piskal ng pamahalaan upang maibalik sa normal na direksiyon ang ekonomiya.

Page 8: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

8

Pagyamanin Gawain 3: ALIN ANG MAGKASAMA?

Tukuyin kung expansionary o contractionary fiscal ang mga patakaran na

nasa loob ng kahon. Ihanay ang mga ito ayon sa dalawang polisiya sa ibaba ng

kahon. Talakayin ang naging gawain.

Pagbaba ng singil sa buwis

Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan Pagtaas ng kabuuang demand Pagbaba ng kabuuang demand Pagtaas ng singil ng buwis Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan

Pagdaragdag ng supply ng salapi

Page 9: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

9

Isaisip

Binabati kita. Narating mo na ang bahaging ito ng modyul. Ibig sabihin

malapit mo na itong matapos. Sa bahaging ito, kailangang mong patunayan na naunawaan mo na ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal.

Gawain 4: Ikonek Mo!

Tayahin

Lubhang nakgagalak na malaman na narrating moa ng bahaging ito ng

modyul. Inaasahan na marami ka nang natutuhan. Mapapatunayan mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain.

A. Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa

pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng ekonomiya?

A. Great Depression

B. Full Employment

C. Interbensyon ng pamahalaan

D. Patakarang Piskal

Natuklasan ko na ang patakarang piskal ay ____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

___________________________________________________________.

Page 10: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

10

2. Upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo bilang pangangalaga sa

ekonomiya ng bansa, Ilang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng

patakarang piskal?

A. 2 B. 3 C. 4 D. 5

3. Alin sa mga nabanggit ang makapagpapasigla sa matamlay na ekonomiya?

A. Maraming maiuuwing kita ng mga nagtatrabaho

B. Mataas na paggastos ng pamahalaan

C. Pagpapababa ng buwis na ipinapataw sa mga mamamayan

D. Pagtaas sa pangkalahatang demand sa pamilihan

4. Ito ay nangangahulugan na mas malaking halaga ng salapi ang pumapasok sa kaban ng bayan kaysa lumalabas.

A. Budget Call

B. Budget Deficit

C. Budget Surplus

D. Revenue

5. Ang buwis ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan. Kung

walang pagbubuwis, mahihirapan ang pamahalaan na ipatupad ang layunin.Alin sa

mga layuning nabanggit ang hindi kabilang nito?

A. distribusyon ng kita

B. pagpapatatag ng ekonomiya

C. pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya

D. makalikom ng malaking pondo

5. Ano ang tawag sa salaping pumapasok sa kaban ng bayan ay kaparehong halaga

ng ginastos ng pamahalaan?

A. Budget Call

B. Budget Deficit

C. Budget Surplus

D. Revenue

6. Ito ay tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang

matugunan ang mga pananagutan o obligasyon ng pamamahala sa loob ng isang

taon.

A. Capital Outlays

B. Current Orerating Expenditures

C. Expenditures Program

D. Net Lending

Page 11: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

11

7. Alin sa mga nabanggit ang hindi kabilang sa pinagkukunang pinansyal?

A. Capital Outlays

B. Current Orerating Expenditures

C.Expenditures Program

D. Net Lending

9. Ito ay uri ng buwis ipinapataw upang mabawasan ang kalabisan ng isang gawain.

A. Excise Tax

B. Sales Tax

C. Value-Added Tax

D. Witholding Tax

10. Si Rowena ay isang punong-guro sa pampublikong paaralan. Bilang isang

mabuting mamamayan anong buwis ang babayaran niya?

A. Sales Tax

B. Excise Tax

C. Witholding Tax

D. Value-Added Tax

Page 12: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

12

Karagdagang Gawain

Upang maipakita mo nang mas malalim ang pag-unawa mo sa Patakarang Piskal tuparin mo ang huling gawaing inihanda sa modyul na ito. Huling hirit na ito,

pangako!

Gawain 7: Ang Tula Ko!

Gumawa ng isang tula na may dalawang saknong batay sa layunin ng Patakarang Piskal.

Rubric sa Pagmamarka ng Tula

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang

Puntos

Kaangkupan ng nilalaman

Angkop at makabuluhan ang

mensahe

10

Kahusayan sa paggawa

Mapanghikayat at makapukaw-pansin

ang mga salitang

ginamit

10

Kabuuang Puntos

20

Gawain 8: Iguhit Mo!

Gumawa ng poster para sa tema ng BIR 2020 tax campaign “Pananaw 2020,

Mahusay na Serbisyo, Ramdam na Pagbabago,”

BIR campaign

The Bureau of Internal Revenue (BIR) has unveiled its 2020 tax campaign

theme with “Pananaw 2020, Mahusay na Serbisyo, Ramdam na Pagbabago.” The theme is an expression of the bureau’s vision for the year

2020, providing excellent service to taxpayers.

Pinagkunan: https://mb.com.ph/2020/03/03/bir-unveils-pananaw-2020-tax-campaign/

Page 13: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

13

Rubric sa Pagmamarka ng Poster Campaign

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos

Kaangkupan ng

nilalaman

Angkop at

makabuluhan ang mensahe

10

Kahusayan sa

paggawa

Mapanghikayat

at makapukaw-pansin ang

ginawa

10

Kabuuang

Puntos

20

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mensahe na nais mong maalala at maunawaan ng mga mamamayan na

nasa drawing mo?

2. Sa iyong palagay, paano magiging epektibo ang iyong ginawang drawing upang

makahikayat sa mamamayan na maging responsableng taxpayer? Patunayan.

Page 14: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

14

Susi sa Pagwawasto

Panghuling

Pagtataya

A.

1.C

2.A

3.B

4.A

5.D

B.

1.UP

2.DOWN

3.UP

4.DOWN

5.UP

Gawain 2: Talasalitaan

1.Contractionary Fiscal Policy

2.Budget Deficit

3.Expansionary Fiscal Policy

4.Patakarang Piskal

5.Buwis

Gawain 4: Alin ang Magkasama

Expansionary Fiscal Policy

Pagbaba ng kabuuang demand

Pagbaba ng singil ng buwis

Pagdaragdag ng gastusin ng

pamahalaan

Contactionary Fiscal Policy

Pagtaas ng kabuuang demand

Pagbaba ng gastusin ng

pamahalaan

Pagtaas ng singil ng buwis

Pagdaragdag ng suplay ng salapi

Page 15: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

15

Sanggunian:

Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa mag-aaral, pp.70--87

Ekonomiks, Araling Panlipunan Gabay sa Pagtuturo, pp. 75-8

Page 16: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 25. · naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang

16

Region IX: Zamboanga del Sur March

With fair shores, and mountain filled of

treasures.

A rich land where dreams unfold

It’s people marching on to progress

Hearts undaunted brave and true.

Hand in hand with brother Filipinos,

Zambo. Sur will make you great.

Well work, unceasing, without relenting

For country’s might you can count on us.

Come, to beautiful Zamboanga Sur

Welcome to God’s greet gift given to man

Share our joys and sorrows

Join in the making of a wondrous land.

Zamboanga del Sur the bountiful

Beloved by all hearts great and small

We will live for you

We will die for you

Peerless is our Zamboanga del Sur

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.