z p araling panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. ito ay naganap sa huling...

16
0 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 1: Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya Zest for Progress Zeal of Partnership 7 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 19-Apr-2021

11 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

0

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 1:

Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa

Timog at Kanlurang Asya

Zest for Progress

Zeal of Partnership

7

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cashmir B. Moñeza

Jonah Cris C. Basis

Editor: Ariadne M. Sabellano Zarah S. Hilot

Tagasuri: Zarah S. Hilot

Tagaguhit/ Tagakuha ng Larawan: Cashmir B. Moñeza

Tagalapat: Jonah Cris C. Basis

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assisstant Schools Division Superintendent

Ramon M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assisstant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS – LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

Page 3: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

3

Alamin

Sa modyul na ito ay inaasahan na matutuhan mo ang mga dahilan,

paraan, at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga bansang Europe sa

Asya partikular sa Timog at Kanlurang Asya. Maaaring nagtataka ka kung bakit maraming Europeong bansa ang nakasakop sa mga bansa sa Asya. Napakalayo

ng Europeo sa mga bansa sa Asya pero nakarating pa rin sila at nanakop pa ng mga teritoryo. Ang pananakop na ito ay nagdudulot ng maraming pagbabago sa

buhay ng mga Asyano – mabuti at hindi mabuting pagbabago.

Tara umpisahan na natin ang inyong gawain. Sa pagkakataong ito ay

simulan mong alamin ang tungkol sa kolonyalismo at imperyalismo sa Kanlurang Asya.

Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at

imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)

pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya

Balikan

Gawain 1: Dugtungan Mo! Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga linya. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Aralin 1

Panahon ng Kolonyalismo at

Imperyalismo sa Timog at

Kanlurang Asya

Page 4: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

4

Page 5: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

5

Tuklasin

Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa Unang

Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Ika- 16

hanggang Ika- 17 Siglo). Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang sumusunod na

gawain at mga pamprosesong tanong upang mahasa ang inyong kaisipan.

Ang Kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng

mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes. Kadalasan ang una nilang ginagawa para maisakatuparan ang kanilang

pagnanais ay pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na ang loob ng mga nasasakupan ay saka nila isasakatuparan ang kanilang hangarin na

gamitin, pagsamantalahan, at pakinabangan ng husto ang likas na yaman ng

kolonya. Ito ay sa pamamagitan ng pagtatatag ng pamahalaang kolonyal, pagpapataw at pagtatakda ng paniningil ng buwis, at pagsasagawa ng mga batas

na makabubuti sa mga mananakop.

Samantala, ang Imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na imperium na ang ibig sabihin ay command. Isang salitang Latin na nagpasimulang gamitin sa

panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ang Imperyalismo ay

nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pangpolitika, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at

maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Ang pagtatag ng maraming kolonya ang magbibigay daan sa pagpapalawak ng mga

nasasakupan upang makapagtatag ng imperyo.

Bago ang pagtuklas at pananakop ay may ugnayan nang nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano. Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng palitan

ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Ang pinakatagpuan nila

ay naganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakalan sa Asya. Una, ang Hilagang Ruta, na nagsisimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara.

Pangalawa, ang Gitnang Ruta, na papunta sa baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia, at ang huli ay ang Timog Ruta na maglalayag mula sa India

babagtasin ang Karagatang Indian hanggang makarating ng Egypt sa pamamagitan ng Red Sea.

Ngunit dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay sinakop ng naghaharing Turkong

Ottoman. Nang sinakop ito ng mga Turkong Ottoman, tanging ang mga Italyanong mangangalakal ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan sa mga

mangangalakal na Asyano.

Page 6: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

6

Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya

Ang Mga Krusada na naganap mula 1096 hanggang 1273. Ang mga

Krusada ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel. Hindi man lubusang

nagtagumpay ang krusadang ito, marami ding mabuting naidulot nito. Nagkaroon ng ugnayan ang mga Europeo sa Silangan at nakilala nila ang mga produkto ng

Silangan tulad ng pampalasa, mamahaling bato, pabango, sedand tela, porselana,

prutas, at iba pa na nakabighani sa mga Europeo.Ang krusada ang nagpasigla ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.Naging masigla ang palitan ng kalakalan

kaya maraming Europeo ang nagkainteres na makarating sa Asya.Maraming Europeo ang naghanap ng mga ruta para makarating lang sa Asya. At ito din ang

naging daan para magkainteres ang malalaking bansa sa Europa na sakupin ang ilang lugar o bansa sa Asya.

Ang Paglalakbay ni Marco Polo, isang Italyanong adbenturerong

mangangalakal na taga-Venice. Siya ay nanirahan sa China sa panahon ni Kublai

Khan ng Dinastiyang Yuan nang higit sa halos 11 taon. Sa panahong ito, siya ay nagsilbing tagapayo ni Emperador Kublai Khan.Kinalugdan siya ni Kublai Khan at

siya ay itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan ng Emperador. Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, pati na sa Siberia.

Noong 1295 bumalik siya sa Italy at doon inilimbag niya ang aklat na The Travels of Marco Polo (1477). Inilahad niya rito ang mga nakita niyang magagandang

kabihasnan sa mga bansang Asya lalo na sa China, na inilalarawan ang

karangyaan at kayamanan nito. Maraming adbenturerong Europeo ang namangha at nahikayat na makarating at makipagsapalaran sa Asya.

Ang Renaissance na nagpasimula sa Italya na naganap noong 1350. Isa

itong kilusang pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin ang pagbabalik-interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome. Napalitan ito ng

makaagham na pag-iisip mula sa mga pamahiin. Masasabing ang pangunahing interes ay labas sa saklaw ng relihiyon. Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin

ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at

pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong gitnang panahon ang Simbahang Kristiyano ang may malakas na impluwensiya sa tao. Nakasentro

ang buhay ng tao sa relihiyon. Ngunit nan gang simbahan lalo na ang pinuno nito, mula Papa, mga Obispo, at kaparian ay nasangkot sa immoral na gawain,

pagpapayaman, at pagmamalupit sa mga taong hindi karelihiyon, nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa pananaw at saloobin ang mga tao hinggil sa

katarungan, sariling kaunlaran, at politika. Indibidwalismo ang binigyang-pansin ng Renaissance kaya hindi nakapagtataka na maraming pagbabago ang naganap

sa buhay ng tao.

Sa panahon ng Renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo at

disenyo, sa pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong pag-uugali at sa paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal. Nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng

kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang-ekonomiya.

Ang Pagbagsak ng Constantinople. (bahagi ng Turkey sa kasalukuyan). Ang Constantinople ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa

Kontinente ng Europa. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa

Page 7: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

7

Suriin

Gawain 2: Venn Diagram Panuto: Sa bilang na 1 at 3 ibigay ang katangian ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Sa bilang na 2 ibigay ang pagkakatulad ng dalawa. Isulat ito sa sagutang

papel.

patungong India, China at ibang bahagi ng Silangan na napasa kamay ng mga Turkong Muslim noong 1453. Ito rin ang teritoryong madalas daanan noong

panahon ng Krusada. Ang ugnayan ng mga mangangalakal na Asyano at Europeo

ay naputol mula nang masakop ng mga Turkong Muslim ang ruta ng kalakalan.

Dahil dito, napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo. Pinangunahan ito ng Portugal at sinundan ng mga Spanish, Dutch,

Ingles, at Pranses.

Napakahirap at mapanganib ang paglalayag dahil wala pang maunlad na

gamit sa paglalakbay sa dagat. Noong ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad na kagamitang pandagat. Tulad ng Astrolabe na kung saan ginagamit ito upang

malaman ang oras at latitud samantalang ang Compass ay ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan.

Ang Merkantilismo. Sa Europa umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging mayaman at

makapangyarihan ang isang bansa. Kinailangan ng mga Europeo na makahanap ng mga lugar na mapagkukunan ng likas na yaman at hilaw na sangkap.

Ang panahon ng eksplorasyon ay nag-iwan ng malaking pagbabago sa

pamumuhay ng lipunan at kabihasnan ng mundo. Ang pang-katubigang kalakalan

at panankop ng mga bansang Europeo ay naging daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng Europa.

Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na makarating sa Asya

ang naging daan para sumigla ang palitan ng kalakal ng mga Europeo at mga Asyanong mangangalakal at makilala ng mga Kanluranin ang mga likas na yaman,

mga hilaw na materyal na panustos sa industriya.

Page 8: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

8

Pamprosesong mga Tanong

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa iyong

sagutang papel.

1. Ano ang kolonyalismo at imperyalismo? 2. Naranasan ba ito ng rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya?

3. Paano nakatulong sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang

pananakop ng mga kanluranin? 4. Paano ito nakatulong sa mismong kanluranin na mananakop?

Kolonyalismo Imperyalismo

1 2 3

Page 9: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

9

Gawain 3: Tree Diagram Panuto: Isulat ang mga dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa Asya.

Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong mga Tanong

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga dahilan sa pagpunta ng mga kanluranin sa Asya ang higit na nakaimpluwensiya sa kanilang desisyon sa

pananakop? 2. Paano tinanggap ng mga bansang Asyano ang mga naganap na

pananakop? 3. Sa iyong palagay, nakabuti ba sa mga bansa sa Asya ang mga

dahilang ito sa pananakop ng mga Kanluranin?

Page 10: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

10

Pagyamanin

Gawain 4: Eh, Plus at Minus Na Yan! Panuto: Lagyan ng plus sign (+) kung mabuting epekto at minus sign (-) kung hindi

mabuti ang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya. Isulat ito sa

inyong sagutang papel.

Timog at Kanlurang Asya

Mabuti Di-mabuti

Pamahalaan

Kabuhayan

Teknolohiya

Lipunan

Edukasyon

Paniniwala

Pagpapahalaga

Sining at Kultura

Isaisip

Gawain 5: Isip-isip! Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Paano nabago ang Timog at Kanlurang Asya sa iba’t ibang aspekto?

2. May malaking impluwensiya ba ang naganap na kolonyalismo at imperyalismo sa kalagayang pang-ekonomiya ngayon sa mga bansa sa rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya? Paano?

3. Paano nagsilbing hamon sa pamumuhay ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang nakalipas na karanasan sa pananakop?

Page 11: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

11

Tayahin

Gawain 6: Boom pa Quiz Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na

may kaugnayan sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya.Isulat ang

titik na tumutugon sa tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?

A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.

B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang

bansa. C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.

D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.

2. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?

A. pag-unlad ng kalakalan

B. pagkamulat sa Kanluraning panimula

C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang

likas

3. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi

epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?

A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang mabilis pagluwas ng kalakal sa

pandaigdigang pamilihan B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga

sarili sa panahon ng pananakop ng mga Kanluranin. C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na

kasalang katutubo at dayuhan D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap

ng mga produktong Kanluranin.

4. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?

A. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa.

B. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukadong mamamayan.

C. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na

napagkukunan ng buwis ng pamahalaan. D. Pinalalaki nito ang opurtunidad ng mga tao na mangibang bansa.

Page 12: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

12

5. Ang sumusunod na mga dahilan ang nagbunsod sa mga kanluranin na

magtungo sa Asya, MALIBAN SA

A. Ang Paglalakbay ni Marco Polo C. Ang Imperyalismo B. Ang Pagbagsak ng Constantinople D. Ang Merkantilismo

6. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong

upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili

para sa bayan, pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng sambahayan ang

konseptong tinutukoy ay

A. Patriotismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Neokolonyalismo

7.Maraming pagbabago ang naganap sa mga bansang napasailalim sa kapangyarihang kanluranin. Suriin ang tsart sa ibaba na nagpapakita ng

epekto ng kolonyalismo sa isang bansa. Sa iyong palagay, anong aspeto

ang nagbago na ipinapakita ng tsart?

A. edukasyon B. kabuhayan C. lipunan D. pulitika

8. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong

Kanluranin sa Asya. Isa dito ay ang pagbabago sa kultura na naging dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang

Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan sa mga

hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na

suliranin?

A. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano.

A. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya.

C. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan.

D. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa.

Page 13: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

13

9. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa

kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. May mga gumamit ng civil disobedience, rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya, pagtanggap sa mga

pagbabagong dala ng mga dayuhan at pagtatag ng mga makabayang samahan upang ipakita ang damdaming nasyonalismo. Bilang mag-aaral

paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?

A. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing

pangkomunidad.

B. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

C. Mag-aral ng mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunang kinabibilangan.

D. Magtayo ng samahan upang pagbayarin ang mga Kanluranin sa kanilang kasalanan.

10. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa

mga kasunduan ano ang dapat na isasaisip sa pagsusulong nito?

A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating karapatan.

B. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating ekonomiya.

C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang

kapayapaan. D. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang

ating kapaligiran.

Page 14: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

14

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Mapa ng Paghahambing at Pagkakaiba

Panuto: Paghahambingin ang mga pangyayari sa Timog at Kanlurang Asya sa panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Gawin mo ito sa iyong

sagutang papel.

Pamprosesong mga Tanong

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa iyong

sagutang papel.

1. Sa iyong sariling opinyon, kung walang Kolonyalismo at Imperyalismo may

pagbabago bang magaganap sa isang bansa? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa

isang bansa? Bakit?

Timog Asya Pagkakapareho Kanlurang Asya

Page 15: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

15

Sanggunian:

Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Rosemarie C. Blando et.al., pp. 193-

200.

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1.A

2.D

3.B

4.A

5.C

6.C

7.B

8.D

9.A

10.A

Pagyamanin

Guro ang magwawasto

/ Inaasahan ang

magkakaibang mga

sagot

Balikan

Guro ang magwawasto

/ Inaasahan ang

magkakaibang mga sagot

Page 16: Z P Araling Panlipunan · 2021. 4. 5. · ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin noong

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our …

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.