z p araling panlipunan · b. upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. c....

16
i Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 7: Patakarang Pananalapi Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 01-Sep-2021

20 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

i

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 7:

Patakarang Pananalapi

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Barbie C. Calderon

Vivian G. Tigoy

Editor: Marlene R. Merida

Tagasuri: Ma. Angelica C. Epanto

Kimberly Cler G. Suarez

Tagaguhit: Barbie C. Calderon

Tagalapat: Allan S. Caballero

Ma. Angelica Epanto

Kimberly Cler G. Suarez

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

Page 3: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

3

Alamin

Sa nakaraang aralin natutunan mo na mahalaga ang papel na ginagampanan

ng pamahalaan upang ang ekonomiya ay maging ganap na maayos at matatag.

Maaaring maimpluwensiyahan at makontrol ng pamahalaan ang buong ekonomiya

sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastang nababatay sa badyet. ang mga

ubukan mong ilarawan ang iyong lipunan.

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahan na ikaw ay nakapagpapaliwanag sa

layunin ng patakarang pananalapi, nakapagpapahayag sa kahalagahan ng

patakarang pananalapi sa pambansang ekonomiya, at natutukoy ang epekto ng

pagpapatupad ng patakarang pananalapi sa pang-araw-araw na pamumuhay ng

nakararaming Pilipino.

Inaasahan ang sumusunod pagkatapos ng aralin:

Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi

Balikan

Panuto: Ayusin ang mga jumbled letters sa kahon. Sa tulong ng mga salitang iyong

nabuo mula sa mga jumbled letters, ipaliwanag mo ang “Patakarang

Piskal”.

Patakarang Piskal

___________________________________________ ___________________________________________

___________________________________________

HALAPAMAAN

GGASPAGTA YETBADBAGAP

WISBUUBPAG

Page 4: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

4

Aralin

1

Ang Konsepto ng

Patakarang Pananalapi

Tuklasin Gawain 1: Suriin mo

Panuto: Surriin at bigyan ng interpretasyon. Pagkatapos, sagutin ang mga

pamprosesong tanong.

Pamprosesong mga Tanong:

Paano ginamit ang salapi o pera?

1. Ano ang nais ipahiwatig tungkol sa salapi o pera?

2. Bakit mahalaga ang salapi/pera sa ekonomiya ng isang bansa? 3. Sa iyong palagay, makabubuti ba sa ekonomiya ng isang bansa

kung ang lahat ng tao ay marunong gumawa ng pera?

Page 5: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

5

Suriin

KONSEPTO NG PERA

Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o

serbisyo. Kung nais mong kumain ng tinapay, halimbawa, mangangailangan ka ng

salapi upang mabili ito.

Sa gayon, ang pera ay instrumento na tanggap ng nagbibili at mamimili bilang

kapalit ng produkto o serbisyo (medium of exchange). Maliban sa gamit sa pagbili,

ito rin ay itinuturing bilang isang unit of account. Ang halaga ng tinapay ay

naitatakda dahil na rin sa salaping ginagamit bilang panukat sa presyo ng isang

produkto.

Ang isang piraso halimbawa ng pandesal ay masasabing piso (Php1) dahil sa

pagtatakda dito ng nagbibili na tinanggap naman ng mamimili. Kaya sa sampung

piso (Php10), mayroong 10 piraso ng pandesal na maaaring mabili. At ang panghuli,

ang salapi ay mayroong store of value na maaaring gamitin sa ibang panahon. Ang

ilang bahagi ng kinita mula sa pagtatrabaho ay maaaring itabi at gamitin sa ibang

pagkakataon dahil ang halaga nito ay hindi nagbabago maliban sa epekto ng

implasyon sa mga presyo ng bilihin (Case and Fair, 2012).

Ang salapi ay mahalagang bahagi sa buhay ng tao ngunit ang pangangasiwa

rito ay isang malaking hamon sa lahat ng bansa. Ang dami ng salapi sa sirkulasyon

ay maaaring magdulot ng kasaganahan o suliranin sa mga mamamayan. Dahil dito,

ang pag-iingat at matalinong pamamahala ay kinakailangan upang masiguro na ang

bilang ng salapi sa ekonomiya ay magiging kasangkapan upang mapanatili ang

kaayusan.

Ang Konsepto ng Patakarang Pananalapi

Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay

nagtatakda ng mga pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya, higit

ang pangkalahatang presyo. Ito ay bilang katiyakan na ang mamamayan ay patuloy

na magkaroon ng kakayahan na makabili at matugunan ang mga pangangailangan

gamit ang kanilang kinita mula sa pagtatrabaho. Ito ay isang pagkakataon na

maisulong ang kalagayang pang-ekonomiya at makapagbukas ng mas maraming

oportunidad sa mamamayan bunsod ng matatag na pamamahala sa pananalapi ng

bansa.

Page 6: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

6

Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang

makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. Kaugnay nito, ang BSP aymaaaring

magpatupad ng expansionary money policy at contractionary money policy.

Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na

palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary

money policy.

Ibababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas maraming

mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa kanilang

mga negosyo.

Makalilikha ito ng maraming trabaho kaya mas marami ang magkakaroon ng

kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo na magpapataas ng kabuuang

demand para sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kalagayang ito ay isang

indikasyon na masigla ang ekonomiya.

Upang maiwasan ang kondisyong ito, karaniwang nagpapatupad ng

contractionary money policy ang BSP upang mabawasan ang paggasta ng

sambahayan at ng mga mamumuhunan.

Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang produksiyon. Kasabay rin

nito ang pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa kaya naman ang paggasta o

demand ay bumababa. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging

dahilan sa pagbagal ng ekonomiya. Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan

upang mapababa ang implasyon.

Page 7: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

7

Pagyamanin Gawain 2: Kompletuhin ang Dayagram

Panuto: Gamit ang mga natutunan mo sa pagbasa sa teksto tungkol sa patakarang pananalapi kumpletuhin ang diyagram. Tukuyin kung kailan isinasagawa

ang bawat patakaran ng patakarang pananalapi. Kopyahin at sagutan ang dayagram sa inyong sagutang papel.

Pamprosesong mga Tanong:

PATAKARANG

PANANALAPI

Contractionary

Money Policy

Expansionary

Money Policy

1. Ano ang pagkakaiba ng expansionary money policy at contractionary

money policy? ________________________________________________________________________

____________________________________________________________

2. Kailan isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang expansionary

money policy? Ang contractionary money policy? ________________________________________________________________________

____________________________________________________________

3. Paano nakaaapekto ang dami ng salapi sa sirkulasyon ng ekonomiya? ________________________________________________________________________

____________________________________________________________

4. Paano mo maibabahagi ang kaalaman mo tungkol sa patakarang pananalapi?

____________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 8: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

8

Gawain

Gawain 3: Anong Patakaran ito?

Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Isulat kung anong patakaran ang

kailangang ipatupad expansionary money policy ba o contractionary money policy. Ipaliwanag kung bakit ito ang dapat na gamitin.

Sitwasyon Patakarang Pananalapi Paliwanag

1. Bunga ng COVID-19,

maraming nagsarang mga

kompanya dahil sa pagkalugi na naging daan

sa pagkawala ng mga trabaho ng karamihan sa

manggagawang Pilipino.

2. Tumanggap ng

Christmas bonus at 13th month pay ang karamihan

sa mga manggagawa.

3. Dahil sa pandaigdigang pademya, maraming

Overseas Filipino Workers (OFW) ang umuwing

walang naipong pera.

4. Tumaas ang remittance ng dolyar mula sa mga

OFW.

5. Matamlay ang kalakalan

sa stock market dahil sa

pandaigdigang krisis pang-ekonomiya.

Page 9: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

9

Isaisip

Gawain 4: Baitang ng mga katanungan!

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang

titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na polisiyang pang-ekonomiya ang tumutukoy sa

paggamit o pagkontrol sa suplay ng salapi at antas ng interes upang matupad ang

layuning palaguin ang ekonomiya at patatagin ang presyo sa pamilihan?

A. Patakarang Pananalapi B. Patakarang Piskal

C. Patakarang Salapi D. Patakarang Sibil

Ano ang

patakarang pananalapi?

Bakit mahalaga ang patakarang

pananalapi sa ekonomiya ng

isang bansa?

Paano nakaaapekto

ang pagpapatupad ng patakarang

pananalapi sa iyong pang-araw-araw na

pamumuhay?

Magabigay ng karanasan.

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

Page 10: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

10

2. Ano ang tawag sa bagay na tinanggap bilang pamalit ng mga produkto at serbisyo?

A. barter

B. metal C. salapi

D. suplay

3. Ang institusyong ito ay tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon, at

pamahalaan bilang deposito. Anong ang tawag sa institusyong ito?

A. bangko B. lending shop

C. hospital D. paaralan

4. Alin sa mga bangko ng Pilipinas ang nagpapatupad sa patakarang pananalapi upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon?

A. Bangko Sentral ng Pilipinas

B. Bank of the Philippine Islands C. Land Bank of the Philippines

D. Union Bank

5. Maliban sa paggamit ng salapi sa pagbili, ito rin ay maaring gamitin bilang unit of account. Paano ginagamit ang salapi bilang unit of account?

A. Sa pamamagitan ng paggamit ng salapi bilang instrumento na tanggap ng nagbibili at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo.

B. Sa pamamagitan ng paggamit sa salapi bilang panukat sa presyo ng isang

produkto. C. Sa pamamagitan ng paggasta nito upang hindi maabutan ng pagtataas ng

presyo. D. Sa pamamagitan ng pagtatabi nito upang magamit sa ibang pagkakataon

dahil ang halaga nito ay hindi nagbabago maliban sa epekto ng implasyon.

6. Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na

palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo, anong patakaran ang ipinatutupad?

A. Contractionary Money Policy

B. Expansionary Money Policy C. Fiscal Policy

D. Money Policy

7. Anong patakaran ang ipanatutupad kung ninanais ng pamahalaan na

mapababa ang implasyon?

A. Contractionary Money Policy B. Expansionary Money Policy

C. Fiscal Policy D. Money Policy

Page 11: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

11

8. Ang krisis ng pandemyang COVID-19 ay hindi lamang krisis sa kalusugan ang naidulot kundi krisis din sa ekonomiya ng ating bansa, maraming nagsarang mga

negosyo at marami ring nawalan ng trabaho lalo na ang mga nagsiuwiang OFW. Anong patakarang pananalapi ang nararapat na ipatupad?

A. Contractionary Money Policy

B. Expansionary Money Policy C. Fiscal Policy

D. Money Policy

9. Kung ang pangkalahatang presyo ay nagpatuloy sa pagtaas ipinapatupad ng

Bangko Sentral ang Contractionary Money Policy. Ang mga dahilan sa aksyong ito ng Bangko Sentral ay ang mga sumusunod na pahayag MALIBAN sa isa.

A. Upang mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga

mamumuhunan.

B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na

pagtaas ng demand kaysa sa produksiyon. D. Upang mapabilis ang pagpapalawak at pagpaparami ng supply ng salapi o

pera sa sirkulasyon.

10. Ano ang maaring hakbang ng Bangko Sentral kung kasalukuyang ipinatutupad

ang Contractionary Money Policy?

A. Pagbibigay ng oportunidad sa mga taong unemployed upang makahanap ng trabaho.

B. Pagpapalawak sa suplay ng pera nang mas mabilis kaysa karaniwan C. Pagpapataas sa iba't-ibang mga interest rate sa pagpapautang

D. Pagpapataas sa presyo ng mga bilihin.

11. Kung ang ipinatututapad na patakaran ng Bangko Sentral ay Expansionary

Money Policy, ang maaring mangyari ay ang _________________.

A. Pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa upang ang bumababa paggasta.

B. Pagpapahina sa paggawa at pagpapalawak sa supply ng salapi o pera.

C. Pagpapalawak sa suplay ng pera nang mas mabilis kaysa karaniwan. D. Pagpapataas sa iba't-ibang mga interest rate sa pagpapautang.

12. Ang dinepositong Php 100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng

paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy?

A. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang

paggastos ng tao.

B. Ipautang ng bangko ang dineposito upang magamit na panibagong kapital sa Negosyo.

C. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko.

D. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.

Page 12: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

12

13. Bakit mahalaga ang pagpapatupad ng parakarang pananalapi sa pambansang

ekonomiya?

A. Upang maisulong ang kalagayang pang-ekonomiya at makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa mamamayan bunsod ng matatag na

pamamahala sa pananalapi ng bansa. B. Upang matiyak na ang mamamayan ay patuloy na magkaroon ng

kakayahan na makabili at matugunan ang mga pangangailangan gamit ang kanilang kinita mula sa pagtatrabaho.

C. Upang masigurong matatag ang ekonomiya at ang pangkalahatang presyo.

D. Lahat ng nabanggit.

14. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?

A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang

salapi.

B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.

C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon. D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari

kinabukasan.

15. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang

pamahalaan upang mapataas ito?

A. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.

B. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.

C. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig. D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.

Page 13: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

13

Karagdagang Gawain

Gawain 5. Slogan Making!

Panuto: Natutunan mo na mahalaga ang patakarang pananalapi sa ekonomiya ng

ating bansa. Bilang mag-aaral, hikayatin ang kapwa mo mag-aaral na pahalagahan at pagtuonan ng pansin ang pag-aaral sa patakarang

pananalapi ng ating pambansang ekonomiya? Gumawa ng campaign slogan upang mas mahikayat pa ang kapwa mo mag-aaral. Gamiting gabay

ang rubrik sa ibaba.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG CAMPAIGN SLOGAN

PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS

Nilalaman Ang ginawang campaign slogan ay mabisang

nakapanghihikayat sa mga makababasa nito.

20

Pagkamalikhain Ang ginawang campaign slogan ay mabisang

nakapanghihikayat sa mga makababasa nito.

15

Kaangkupan sa

tema

Angkop sa tema ang ginawang islogan. 20

Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng islogan

5

KABUUANG PUNTOS 50

Page 14: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

14

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1. A 2. C

3. A

4. A 5. D

6. B 7. A

8. B 9. D

10. C 11. C

12. B

13. D 14. B

15. D

Page 15: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

15

Sanggunian

Ekonomiks Araling Panlipunan 9 Modyul para sa Mag-aaral. Balitao. B. R., Buising, M. D., Garcia, E, D. J., De Guzman, A. D., Lumibao, J, Jr.,

L., Mateo, A. P., & Mondejar, I. J. (Unang Edisyon 2015).

Page 16: Z P Araling Panlipunan · B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. C. Upang mapababa ang pagtaas ng presyo na dulot ng mas mabilis na pagtaas ng demand

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.