z p araling panlipunan...hihimayin sa aralin ng linggo na ito. • natataya sng impluwensiya ng mga...

13
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: Ang Impluwensiya ng mga Kaisipang Asyano sa Kalagayang Panlipunan at Kultura sa Asya Zest for Progress Zeal of Partnership 7 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 18-Feb-2021

80 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4:

    Ang Impluwensiya ng mga Kaisipang Asyano sa Kalagayang Panlipunan at Kultura sa Asya

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    7

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Alamin

    • Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul na tungkol sa impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa kalagayang panlipunan at kultura sa Asya. Nakasaad dito ang kumptensi na tatalakayin at hihimayin sa aralin ng linggo na ito.

    • Natataya sng impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa kalagayang panlipunan at kultura sa Asya. (AP7KSA -IIc - 1.4)

    Balikan

    Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng may tamang sagot.

    1. Ano ang pinakamahalagang kontibusyon ng mga Sumerian sa kabihasnang pandaigdig? a. Sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. b. Ang pagkatuklas ng pottery wheel. c. Mga seda at porselana. d. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system,

    2. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa? a. Great Wall of China b. Taj Mahal c. Ziggurat d. Hanging Garden of Babylon.

    3. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan? a. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng

    kabihasnan. b. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang mga

    sukat na bloke ng kabahayan na may sentralisadong Sistema ng kanal sa ilalim ng lupa.

    c. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran d. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao

    ayon sa kakayahan

    4. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asys upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad? a. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring

    sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng tag-ulan. b. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.

  • Ang nasa larawan ay ___________________________________________________

    ____.

    Ang nasa larawan ay

    _______________________________________________________.

    c. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan.

    d. Nagtatayo sila ng mga dike at nagtanim ng malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan.

    5. Paano nabuo ang isang kabihasnan? a. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring

    panlipunan, sining, arkitektura at Sistema ng pagsulat. b. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at Sistema

    ng pagsulat. c. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran. d. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao

    sa kakayahan.

    Tuklasin

    Suriin

    ANG NASYON NG MGA TSINO Nagsimula ang kabihasnan ng Tsina sa lambak-ilog ng Huang Ho. Ang kabihasnang ito ay hango sa mga turo ng tanyag na pilosopo na si CONFUCIUS. Sinusunod na kaisipan o pilosopiya o mga turo ni

    Aralin 4

    Ang Impluwensiya ng mga Kaisipang Asyano sa Kalagayang Panlipunan at Kultura sa Asya

  • CONFUCIUS na CONFUCIANISM o mas kilala bilang GOLDEN RULE (“Do unto others, want others to do unto you; do not do unto others what you don’t want others to do unto you”) Ibig sabihin: gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin rin nila sa iyo; samantala,huwag mo namang gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” na pinanniniwalaan ng mga Tsino.

    Noong sinaunang panahon, tinawag ng mga Tsino ang kanilang imperyo na ZHONGGUO na nangangahulugang MIDDLE KINGDOM o Gitnang kaharian na naniniwala sila na ang kanilang imperyo ang sentro ng daigidig at mga kaganapan. Naniniwala rin silang pagiging superior at natatanging kultura at kabihasnan sa daigidig. Hindi nila pinagkait ang kanilang kultura sa hindi nila kalahi. Ibinahagi nila ito sa Japan, Korea at Vietnam. Para sa kanilang pagiging sibilisado ay hindi usapin ng lahi kung hindi pagtanggap ng Confucianism. Nang dumating ang mga barbarong Europeo ay nagbigay pugay sa emperador ng Tsina sa pamamagitan ng KOWTOW (pagyuko sa emperador ng tatlong beses kung saan ang noo ay humahalik sa semento at dapat magkaloob ng tribute o regalo ang sinumang haharap sa emperador ) , sila’y tiningnan ng mga Tsino bilang mga mababang uri.

    Ang katagang SINO ay ginamit upang tukuyin ang mga Tsino kung kaya’t ang kanilang pananaw na sila ay superior sa lahat ay tinuturing na Sinosentriko o Sinocentrism na parte ng kanilang paniniwala na ang kanilang emperador ay anak ng langit o Son of Heaven na namumuno siya sa kapahintulutan o basbas ng kalangitan o Mandate of Heaven hanggang mananatili siyang Mabuti o puno ng virtue. Kapag ang emperador ay lumihis ng landas na naging masama, mapang-abuso sa kanyang mga nasasakupan babawiin ng langit at ipagkakaloob ito sa susunod na taong may puno ng kabutihan na tatanghaling susunod na emeperador. Malalaman lamang ito na kapag ang emperador ay hindi na naging Mabuti, nagkakaroon ng palatandaan ng mga trahedya: lindol, bagyo,tagtuyot, peste, digmaan o ibang mga kaguluhan.

    Japan

    Bagamat humiram ng kultura ang ang Japan sa China, may sarili rin itong kultura at paniniwala kung ano ang kanilang katayuan sa daigdig. Naniniwala ang mga Hapones na ang mga isla nila ay lupa ng mga diyos dahil nabuo o inianak ito bunga ng pagtatalik ng kanilang diyos na si IZANAGI at kanilang Diyosa na si IZANAMI na naging bunga ay si AMATERASU-OMI-KAMI na kinilala ng mga Hapones na diyosa ng araw o SUN GODDESS. Ipinanganak daw si Amaterasu nang hinugasan ni Izanagi ang kanyang kaliwang mata. Mahalaga si Amaterasu sa dahilan minsan siyang magalit sap ag-uugali ng kanyang kapatid, nagtago siya sa kuweba. Dumilim ang buong daigidig at kinalaingang pakiusapan si Amaterasu na lumabas upang bumalik ang liwanag. Ayon pa rin sa kwento, ipinadala ni

  • Amaterasu ang kanyang apo na si NINIGI-NO- MIKOTO, upang pamunuan ang kalupaan dala ang alahas, espada,salamin ( na kinilalang banal na sagisag ng emperador hanggang sa ngayon) at tumungo sa isla ng KYUSHU sa Japan. Ang kaapu-apuhan ni NINIGI na si Jimmu Tenno ang kinilala ng mga Hapones na kanilang unang emperador. Dahil sa mito o alamat na ito , naging banal ang pinagmulan ng emperador ng Japan. Ikinalat ito ng naunang emperador ang mitong ito upang palakasin ang kanyang kapangyarihan. Naniwala ang mga Hapones na diyos ang kanilang emperador na nag-ugat din sa relihiyon ng mga Hapones na Shinto na si Amaterasu ang pinakamahalagang diyos.

    Walang Mandate of Heaven ang Japan hindi kagaya ng China, samakatuwid hindi pwedeng tanggalin ang isang emperdor dahil banal at sagrado na tanging sa lahi lamang ni Amaterasu magmula ang isang emperador. Pero sa ngayon, bagamat hindi na diyos ang pananaw ng mga Hapones sa kanilang emperador, nanatili ang kanilang pagmamahal dito na simbolo ng kanilang pagkakaisa

    Korea

    Kagaya ng China at Japan, naniniwala rin sila sa pinagmulan ng kanilang emperador. Ayon sa alamat, nagmula ang pinuno ng Korea kay Prinsipe Hwanung na anak ng diyos ng kalangitan. Bumaba si Hwanung sa kalupaan at itinatag ang lungsod ng diyos (city of god). Nagtalaga siya ng pangalaga ng hangin, ulan at lupa. Na tinuruan niya ng ibat ibang kaalaman sa agrikultura, medisina,pangingisda,pagkakarpintero, paghahabi at iba pa. nagkaloob din siya ng batas na nagtuturo ng tama at mali. Nakapag-asawa siya ng isang OSO na naging magandang dilag, nagkaroon sila ng anak na si Danjun o Tangun na nagtatag ng Gojoseon O Lumang Joseon, unang kaharian ng Korea.

    Timog-Silangang Asya

    May malakas na ugnayan ang kanilang mga sinaunang pinuno sa kanilang diyos. Animisim ang tawag sa katutubong relihiyon nito, kung saan naniniwala sila na ang kapaligiran ay pinanahanan ng nga espiritu o diyos na maaaring mabait o masama. Pinakamahalaga sa kanila ang diyos o diyosa ng kalupaan sa dahilang ito ang tumustos sa pangangailangan ng kaharian. Ayon sa paniniwala ng mga MON nangunguna sa ritwal ang kanilang hari para sa ikasisiya ng kanilang diyos. Sa pagpanaw ng kanilang hari tutungo ito sa daigdig ng mga espiritu at maging diyos at espritu na rin. Dalawang katungkulan ng hari habang nabubuhay: 1) tagapamagitan ng mga diyos at tao upang pigilan ang kalamidad sa kalikasan bunga ng maling pag-aalay sa mga diyos espiritu ng kalikasan, 2) tagapamagitan sa iba’t ibang pamayanan at mamamayan upang manatili ang mapayapang ugnayan nila sa isat isa para patuloy ang kasaganahan sa lipunan. Pinaniniwalaang sagradong tahanan ng mga diyos ay ang bundok: halimbawa sa Myanmar (mount POPA), Cambodia (Ba Phnom malapit sa

  • Mekong Riversa hangganan ng Vietnam), sa Thailand naniniwala sila na ang imperyong Sukhotai na si Phra Kapung ay nanahanan sa isang burol at sa Pilipinas (Bundok Apo, Banahaw, Arayat at Pulag) ay tahanan ng mga diyos o espiritu.

    Sa Timog- Silangang Asya ang bundok ay sinisimbolo ng mga kamangha-manghang templo at istrukutrang arkitektural halimbawa nito ay Borobodur( ang pinakadakilang monumentong Buddhist na itinayo sa Central Java, Indonesia. Ang pangalang ito ay nagmula sa wikang Sanskrit na Buhmian Bhara Budhara na ibig sabihin ay “Mountain of Accumulation of merits of the states”. Sa relihong Budhismo mahalaga ang merit upang malinis ang sarili at maging karapat-dapat na makamtan ang Nirvana o estado ng pagkawalang paghihirap at pagtatapos ng siklo (cycle) ng kapanganakan at kamatayan. Sa sinaunang Timog- Silangang Asya, mahalaga ang mito ng pinagmulan upang mabigyan ng paliwanag ang pinagmulan ng kanilang kaharian. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng puwang ang kanyang mga tao sa kaayusan ng daigdig. Halimbawa nito ay ang kwento ng isnaunang Vietnam na si Lac Long Quan na isang Lord Dragon o Panginoong Dragon na nakipag-isang dibdib sa isang reyna, si Ao Co na nagmula sa unang hari ng Vietnam.

    Sa alamat ng India ang unang hari nila ay si Manu na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga bahagi na sinisimbolo ng iba’t ibang diyos. Ito ay ang buwan, apoy, araw, hangin tubig, kayamanan at kamatayan. Tinitingala siyang devaraja na kung saan ang devaraja at cakravartin: ang Deva ay nangangahulugang diyos at ang Raja naman ay hari na tinitingala siya na mataas at walang kapantay. Samantala amg cakravartin o universal monarch o hari ng buong daigdig ang isang halimbawa nito ay si Haring Asoka na isang manditigma at tinalikdan ang karahasan, niyakap ang Buddhismo.

    Sa relihiyong Hinduism at Buddhism ang tahanan ng kanilang Diyos ay ang Mount Meru, ang axis ng isang bilog na mundo. Ang tuktok ng Mount Meru ang tahan ni Indra ( ang diyos ng digmaan at responsible sa panahon).

    Nakarating ito sa Timog-Silangang Asya ang Hinduism at Buddhism at ang pananaw sa hari. Sa India, ang hari ay tinitingnan bilang buhay na imahen ng diyos na kung saan tumatayong kinatawan ng diyos sa kalupaan. Halimbawa nito ay si Po Klaun Garai na isang prinsipe ng Cham na pinaniniwalaang representasyon ni Siva. Nangangako ang hari ng mga Indian ng ang kanyang mga taong nasasakupan at ang hari ay nangako rin ng mamuno ng may katuwiran at may pagkalinga sa mamamayan at relihiyon. Simbolo ng hari ang puting payong at maharlikang elepante. May mga iskolar din na nagsasabi na ang devaraja ay maari ring mangangahulugang “hari ng mga diyos” bilang patungkol sa mga hari na nagsisilbing imahen ni Siva sa kalupaan ( diyos ng Hinduism na kung saan diyos ng pagkakaanak o fertility at sinisimbolo ng isang linga, isang bato na

  • korteng ari ng lalaki. Ang mga hari o pinuno sa Timog-Silangang Asya ay pinaniniwalaang mga men of prowess o mga lalaking may kakaibang angking talino,tapang, o kagalingan. Malakas ang impluwensiya ng kaisipang Indian, particular ditto ang Buddhism sa Imperyong Pagan sa Burma. Si Anwrahta na pinakadakilang hari ng Pagan na kinilala bilang isang cakravartin na sa kanyang panunungkulan ang PAGAN ay naging sentro ng daigdig ( Jambudipa).

    Islamikong Kaisipan

    Mahalaga ang kaisipang ito sa Kanlurang Asya na kilala ang tagapagtatag nito na si Muhammad na pinaniniwalang Seal of the Prophets o huling propeta na nagpahayag ng mensahe ni ALLAH sa sanlibutan. Pagkamatay ni Muhammad ay wala siyang naatasang kapalit ang tagapayo niya ay nagpasiya na iluklok si Abu Bakr kapalit ni Muhammad bilang pinuno na ginawaran ng titulong Caliph ( deputy o Kinatawan ). Ito ay pinunong panrelihiyon at pamahalaan. Nangangahulugan rin itong hukom, pinuno ng hukbong sandatahan at panrelihiyon, kinalaunan pumalit ditto na titulo ng lider, ang sultan, ay mga “ Anino ni Allah sa Kalupaan” ( Shadows of Allah on Earth ) na ibig sabihin inatasan sila ni Allah, kung kayat’t sila ay dapat sundin ng mga Muslim. Tinawag na Caliphate ang Sistema ng pamahalaan na naitatag nila. Nanakop ang caliph sa halos buong Asya upang palaganapin ang Islam. Ang mahalagang katungkulan ng Caliph ay nakasaad sa Qur’an o Koran ang banal na aklat ng Islam.

    Katungkulan ng Caliph

    1. Dapat niyang panatilihin ang Islam sa tunay nitong Anyo nang ito ay itinatag.

    2. Dapat na siya ang magbigay ng makatwiran at legal na paghuhusga upang matapos ang mga di-pagkakaunawaan.

    3. Dapat niyang protektahan ang nasasakupan na imperyo at lahat ng sagrado rito.

    4. Dapat siyang mangolekta ng buwis sa mga nasasakupan ayon sa batas.

    5. Dapat niyang pamahalaan ang mga nasasakupan upang maayos ang pagpapatakbo ng imperyo at mapangalagaan niya ang rehiyon.

    Pagyamanin Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ito sa inyong mga sagutang papel.

    1. Ipaliwanag ang prinsipyong Mandate of Heaven

    2. Ilahad ang paniniwala ng Japan tungkol sa pinagmulan ng kanilang emperador.

  • 3. Ano ang paniniwala ng mga Korean tungkol sa pinagmulan ng

    kanilang emeprador?

    4. Ipaliwanag ang paniniwala tungkol sa pinagmulan, gawi, asal at tungkulin ng hari sa Timog- Silangang Asya.

    Gawain

    v Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng kaisipang Asyano bilang pundasyon para sa isang lipunan o sa isang nasyon.

    Isaisip

    Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ito sa inyong mga sagutang papel.

    1. Ano kaya ang mga naging impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa kalagayang panlipunan at kulutra sa Asya noon at sa kasalukuyang panahon na marami ng mga problemang kinakaharap sa henerasyon ngayon at sa darating pa.

    2. Bilang isang mag-aaral sa inyong henerasyon, nakakatulong kaya ang inyong mga natutunan tungkol sa mga kaisipang Asyano sa paghubog ng iyong pagkatao o kung sino kayo? Ipaliwaang ito kung bakit.

    Tayahin

    Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat lamang ang titik ng may tamang sagot sa inyong sagutang papel.

    1. Ano nga ba ang ibig sabihin ng GOLDEN RULE ( “Do unto others, want others to do unto you;do not do unto others what you don’t want others to do unto you”) ni CONFUCIUS?

    a. Gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin rin nila sa iyo; samantala,huwag mo namang gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo.

    b. Huwag mong gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong gawin rin nila sa iyo; samantala,huwag mo namang gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo.

    c. Gawin mo sa kapwa mo ang kanais-nais at hindi kanais-nais na mga Gawain

  • d. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. 2. Bakit pinakamahalaga sa mga taga- Timog-Silangang Asya ang diyos o

    diyosa ng kalupaan? a. Dahil ito ay nagsisilbi nilang proteksiyon sa pang-araw-araw na

    Gawain. b. Dahil simbolo lamang ito ng kanilang bansa. c. Dahil ito ang instrumento nila sa pakikipag-usap ng kanilang

    mga diyos at diyosa kung sila ay may mga problemang kinakaharap.

    d. Sa kadahilanang ito ang tumustos sa pangangailangan ng kanilang kaharian.

    3. Katulad rin ba ng China na mayroong “Mandate of Heaven” ang bansang Japan?

    a. Oo, magkakatulad sila dahil naniniwala sila na ang kanilang emperador ay itinuturing na kanilang diyos.

    b. Oo, magkakatulad sila dahil ito ang kanilang pinaniniwalaan. c. Hindi sila magkakatulad dahil hindi pwedeng tanggalin ang

    isang emperdor dahil banal at sagrado na tanging sa lahi lamang ni Amaterasu magmula ang isang emperador.

    d. Hindi sila magkakatulad dahil hindi pwedeng tanggalin ang isang emperdor dahil banal at sagrado na tanging sa lahi lamang ni Amaterasu magmula ang isang emperador.

    4. Sino ang anak ng diyos ng kalangitanna bumaba sa kalupaan at itinatag ang lungsod ng diyos (city of god). Nagtalaga siya ng pangalaga ng hangin, ulan at lupa. Na tinuruan niya ng ibat ibang kaalaman sa agrikultura, medisina,pangingisda,pagkakarpintero, paghahabi at iba pa. nagkaloob din siya ng batas na nagtuturo ng tama at mali?

    a. Prinsipe Wanong c. Prinsipe Hwanung b. Prinsipe Anong d. Prinsipe Tangun

    5. Sa lugar ng Timog-Silangang Asya, Alin sa mga sumusunod ang HINDI katungkulan ng hari habang siya nabubuhay

    a. Tagapamagitan ng mga diyos at tao upang pigilan ang kalamidad sa kalikasan bunga ng maling pag-aalay sa mga diyos espiritu ng kalikasan

    b. Tagapamagitan sa iba’t ibang pamayanan at mamamayan upang manatili ang mapayapang ugnayan nila sa isat isa para patuloy ang kasaganahan sa lipunan.

    c. Tagapamagitan ng mga diyos. d. Tagabigay ng mga lupang sakahan sa kanyang mga

    nasasakupan para makakatulong sa pang-araw-araw. 6. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Sinocentrism o Sinosentriko?

    a. Ang mga taga China ay inferior sa lahat. b. Ayon sa mga Tsino, parte ng kanilang paniniwala na ang

    kanilang emperador ay anak ng langit o Son of Heaven na namumuno siya sa kapahintulutan o basbas ng kalangitan o Mandate of Heaven hanggang mananatili siyang Mabuti o puno ng virtue.

  • c. Bahagi ng kanilang paniniwala na ang mga Tsino ay bukod tangi sa lahat ng bansa sa mundo.

    d. Ito ay naging salamin sa kultura at paniniwala ng mga Tsino. 7. Paano nagkaroon emperador ang bansang Japan?

    a. Naniniwala ang mga Hapones na ang mga isla nila ay lupa ng mga diyos dahil nabuo o inianak ito bunga ng pagtatalik ng kanilang diyos na si IZANAGI at kanilang Diyosa na si IZANAMI.

    b. Naniniwala ang mga Hapones na ang mga lugar nila ay lupa ng mga diyos dahil nabuo o inianak ito bunga ng pagtatalik ng kanilang diyos na si IZANAGI at kanilang Diyosa na si IZANAMI.

    c. Naniniwala ang Japan sa kanilang emperador na kanilang diyos na nakakatulog sa kanila sa pagbuo ng kanilang bansa.

    d. Naniniwala sila sa pinagmulan ng kanilang lugar na ito ay sadyang nabuo lamang ito sa pamamagitan ng mga paniniwala sa mga taong sakop nito.

    8. Sino ang apo ni Amaterasu na ipinadala niyaupang pamunuan ang kalupaan dala ang alahas, espada,salamin ?

    a. Ninigi c. Mikoto b. Mikoto-no-ninigi d. Ninigi-no-Mikoto

    9. Paano isinasagawa ang KOWTOW? a. Pagyuko sa emperador ng tatlong beses kung saan ang noo ay

    humahalik sa semento at dapat magkaloob ng tribute o regalo ang sinumang haharap sa emperador

    b. Pagyuko sa emperador ng limang beses kung saan ang noo ay humahalik sa pisngi at dapat magkaloob ng tribute o regalo ang sinumang haharap sa emperador

    c. Pagbati sa mga may matataas na uri ng tao sa lipunan ng mga Tsino.

    d. Pagbibigay pugay sa mga emperador ng China sa pamamagitan ng pagtatanghal tulad ng pag-awit at pagsasayaw.

    10. Ano- ano ang mga naging palatandaan sa kalikasan na kung saan ang emperador ng mga Tsino ay nagiging masama?

    a. Taglagas, tagsibol,tagtuyot at taglamit. b. Lindol, bagyo,tagtuyot, peste, digmaan o ibang mga kaguluhan. c. Maraming nagugutom, nagkakasakit at namamatay. d. Lumago ang pamumuhay ng mga tao sa China.

    Karagdagang Gawain Magsaliksik o magtanong tungkol sa mga kaisipan na ginagamit,

    sinusunod o nakasanayan sa inyong bawat komunidad sa inyong lolo’t lola o hindi kaya sa inyong mga magulang. Isulat ang mga nakabubuti at di nakabubuting epekto nito sa paghubog ng inyong komunidad o sa paghubog bilang tao. Isulat ninyo ang inyong mga kasagutan sa isang sagutang papel

  • Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian: Asya: Pag-usbong ng kabihasnan Pag-aaral ng mga bansang Asyano (Yunit I at II )

    Tayahin 1.A 2.D 3.C 4.C 5.D 6.B 7.A 8.D 9.A 10.B

    Balikan 1.A 2.C 3.B 4.D 5.A

  • Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.

  • 1