z p z eal of p artnership filipino

16
1 8 Republic of the Philippines Dep artment of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est for P rogress Z eal of P artnership Name of Learner: ___________________ ________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Filipino Ikaapat na Markahan Modyul 8 Pagpapahayag ng Pansariling Paniniwala at Pagpapahalaga Gamit ang mga Salitang Nagpapahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Upload: others

Post on 01-Dec-2021

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Z eal of P artnership Filipino

1

8

Republic of the Philippines

Dep artment of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Z est for P rogress Z eal of P artnership

Name of Learner: ___________________ ________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 8

Pagpapahayag ng Pansariling Paniniwala at Pagpapahalaga Gamit ang mga Salitang

Nagpapahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Page 2: Z P Z eal of P artnership Filipino

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Samrina U. Inidal

Editor: Jesselita S. Maglasang

Tagasuri: Thelma P. Opada

Tagalapat: EPS Florencio R, Caballero, DTE

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet M. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD

EPS - Filipino

Page 3: Z P Z eal of P artnership Filipino

3

Alamin

Magandang buhay! Kumusta ang iyong mga natutuhan sa ating

nakaraang aralin? Tiyak ako na sariwa pa sa ng alaala ang mga hakbang sa

pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na

impormasyon tungkol dito gayon din ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa

isang radio broadcast at syempre pa nailalapat mo na rin sa isang radio broadcast

ang mga kaalamang natutuhan mo sa napanood sa telebisyon na programang

nagbabalita.

Ngayon naman ay ihanda ang sarili sa panibagong aralin na ating

tatalakayin sa araw na ito. Halina’t simulan na natin ang pagtalakay sa modyul na

ito.

Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa

ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa pang-unawa sa tekstong iyong binabasa.

Inilalahad sa araling ito ang mga pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit

ang mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat at mahahasa rin

ang iyong kaalaman sa pagsulat ng islogan na may kinalaman sa paksang

tinalakay.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipahahayag ang pansariling paniniwala

at pagpapahalaga gamit ang mga salitang

naghahayag ng pagsang-ayon at

pagsalungat (Hal.: totoo, ngunit).

Nakasusulat ng isang islogan

na tumatalakay sa paksang aralin.

Gamit ang modyul na ito, inaasahan na ang sumusunod na kasanayan ay

iyong matatamo:

• Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit

ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat (Hal.:

totoo, ngunit). F8PU-IVi-j-40;

• Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang aralin.

F8PU-IVg-h-39

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG

SARILING SAGUTANG PAPEL.

Page 4: Z P Z eal of P artnership Filipino

4

sign on band rating feedback

airwaves amplifier mixing open mic

playlist queue

Aralin

8

Pagpapahayag ng Pansariling Paniniwala at Pagpapahalaga Gamit

ang mga Salitang Nagpapahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Balikan

Alam kong sabik na sabik ka na sa ating bagong leksyon ngunit bago tayo

magpapatuloy ay babalikan muna natin ang ating nakaraang aralin upang

masukat kung hanggang saan ang iyong natutuhan. Kaya halika, sagutin mo ang

inihanda kong mga gawain.

Naaalaala Mo Pa Ba?

Panimulang Pagtataya:

Gawain A Panuto: Magbigay ng limang hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-

wiling radio broadcast.

1. ____________________________________________________________

2. ____________________________________________________________

3. ____________________________________________________________

4. ____________________________________________________________

5. ____________________________________________________________

Gawain B

Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na terminolohiya o salitang

ginagamit sa isang radio broadcasting na binibigyang kahulugan ng sumusunod at isulat ito sa patlang.

__________ 1. Midyum na dinadaanan ng signal ng radio.

__________ 2. Kakayahang baguhin ang lakas ng tunog.

__________ 3. Lakas na naaabot ng pagbobroadcast.

__________ 4. Nakakairitang tunog.

__________ 5. Pagtitimpla at pagtiyak ng tamang balance ng tunog.

__________ 6. Mikroponong nakabukas sa partukyular na oras.

__________ 7. Opisyal na talaan ng mga kantang patutugtugin ng

isang estasyon.

__________ 8. Hanay ng mga patalastas na pinagsusunod.

__________ 9. Tantiya ng dami ng tagapakinig.

__________ 10. Oras na ang estasyon ng radio ay nagsisimula sa

pagbobroadcast nito.

Page 5: Z P Z eal of P artnership Filipino

5

Tuklasin

Wow! Galing naman, napagtagumpayan mo ang inihanda kong

pagsubok para sa iyo. Ngayon naman ay ihanda ang iyong sarili sa pagtuklas

ng bagong kaalaman. Basahin at unawain ang ilang saknong sa ibaba na

hango sa awit na Florante at Laura pagkatapos ay sagutin ang kasunod na

mga katanungan.

Pag-ibig anaki’y aking nakilala

di dapat palakhin ang bata sa saya;

at sa katuwaa’y kapag namihasa,

kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis,

mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib;

lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,

anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,

mahina ang puso’t lubhang maramdamin

inaakala pa lamang ang hilahil

na daratna’y dina matutuhang bathin.

Para ng halamang lumaki sa tubig,

daho’y malalanta munting di madilig,

ikinaluluoy ang sandaling init,

gayundin ang pusong sa tuwa’y maniig.

Munting kahirapa’y mamalakhing dala,

dibdib palibhasa’y di gawang magbata

ay bago sa mundo’y walang kisapmata,

ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

sa bait at muni’t sa hatol ay salat;

masaklap na bunga ng maling paglingap,

habag ng magulang sa irog na anak.

Sa taguring buso’t likong pagmamahal,

ang isinasama ng bata’y nunukal;

ang iba marahil sa kapabayaan

ng dapat magturong tamad na magulang.

Page 6: Z P Z eal of P artnership Filipino

6

1. Ano ang pangunahing kaisipan ang tinatalakay sa teksto?

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

2. Ano ang ibig ipakahulugan ng may-akda sa “Laki sa Layaw”?

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

3. Bakit hindi dapat palakihin ang bata sa saya ayon sa may-akda?

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

4. Sang-ayon ka ba na dahil sa pagmamahal ng magulang sa anak ay

kailangang ibigay dito ang lahat ng luho niya? Patunayan.

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

5. Paano mo sasabihin sa isang magulang na salungat ka o hindi ka

sumasang-ayon sa pagpapalaki niya ng kanyang anak na hindi siya

magdaramdam sa iyo?

______________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Suriin

Napakahusay ng iyong ginawa kaibigan. Upang madagdagan ang iyong

kaalaman ay pag-aaralan natin ang paksa sa modyul na ito.

Maiiwasan ba ang masalimuot na takbo ng usapan sa pagpapahayag

ng pansariling paniniwala at pagpapahalaga? Kung ang iyong sagot ay OO,

mahusay ka. Maaaring maiwasan ang hindi pagkaakaunawaan sa

pagpapahayag ng iyong saloobin o opinyon sa pamamagitan ng paggamit ng

mga salitang nagpapahayag ng pagsalungat at pagsang-ayon tulad ng “totoo,

ngunit at iba pa” na matutuklasan mo sa araling ating tatalakayin.

Ano nga ba ang pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag? Sa

pagpapahayag ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang-ayon. Bawat isa

ay may kanya-kanyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito man ay

pabor sa atin o hindi. Kailangang maging magalang o malumanay sa

pagpapahayag ng ating pansariling paniniwala at pagpapahalaga upang

maiwasan ang makapanakit ng damdamin.

Pag-aralan sa ibaba ang mga hudyat na ginagamit sa pagsalungat at

pagsang-ayon sa pagpapahayag.

1. Pahayag na Pagsang-ayon – Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap,

pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Ang ilang salita o

Page 7: Z P Z eal of P artnership Filipino

7

pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa Pang-abay na

Panang-ayon gaya ng ilang mga halimbawa sa ibaba.

➢ Bilib ako sa iyong sinabi na…

➢ Ganoon nga…

➢ Kaisa mo ako sa bahaging iyan…

➢ Maaasahan mo ako riyan…

➢ Iyan din ang palagay ko…

➢ Iyan ay nararapat…

➢ Totoong…

➢ Sang-ayon ako…

2. Pahayag na Pagsalungat – Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi,

pagtaliwas, pagtutol, o pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga Pang-abay

na Pananggi ay ginagamit sa mga pahayag na ito. Sa pagsalungat nang

lubusan, ginagamit ang mga sumusunod:

➢ Ayaw ko ang pahayag na…

➢ Hindi ako naniniwala riyan…

➢ Hindi ako sang-ayon dahil…

➢ Hindi ko matanggap ang iyong sinabi…

➢ Hindi totoong…

➢ Ikinalulungkot ko ngunit…

Pagyamanin

Hanga ako sa kahusayan mo. Ngayon naman, upang masiguro ko na

lalo pang mahasa ang iyong galing ay may inihanda akong islogan para sa

iyo na tiyak kong pupukaw sa iyong imahInasyon.

Pagpapahayag ng Pansariling Paniniwala at Pagpapahalaga Gamit ang

mga Salitang Nagpapahayag ng pagsang-ayon at Pagsalungat

Bahagi ng pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan ng tao ang pagsang-

ayono pagsalungat sa paksang pinag-uusapan. Hindi lahat ng detalye o mensahe ng pahayag ng kausap ay sinasang-ayunan o tinututulan mo.

Sa pagsasaad ng pagsang-ayon o pagtutol, mahalagang maunawaan nang lubos ang pahayag upang makapagbigay ng katuwiran na magpapatibay sa

ginawang pagtutol o pagsang-ayon. Isa itong mabisang paraan upang maging kapaki-pakinabang ang

pakikilahok sa anumang usapan, pagbibigay ng pala-palagay, opinyon, ideya o kaisipan.

Layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang

kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatuwirang pagpapahayag.

Page 8: Z P Z eal of P artnership Filipino

8

Naniniwala ka ba na ang modyul ang siyang paraan at sagot upang hindi masayang ang taon para sa mga mag-aaral? Basahin at unawain mo

nang buong husay ang sumusunod na islogan, pagkatapos ay sagutin mo

ang kasunod na mga gawain.

Gawain 1

Panuto: Ipahayag ang iyong paniniwala sa sumusunod na islogan. Gamitin ang

mga pahayag na nagsasaad ng pagsang-ayon o pagsalungat at isulat ito sa katapat

na mga kahon.

Modyul mo, Kinabukasan ko

Pagsagsalungat Pagsang-ayon

Page 9: Z P Z eal of P artnership Filipino

9

_________________________________________

_____________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________

_________________________________________________________________.

_____________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

_________________________________________________________.

_____________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

_________________________________________________________.

Gawain 2

Panuto: Sumulat ng dalawa o tatlong talata sa tulong ng pamagat na may

kinalaman sa paksang tinalakay. Bigyang pansin ang mga parirala o mga salitang

nagpapahayag ng pagsang-ayon o pagsalungat. Gawing gabay ang Rubrik sa ibaba.

PAMANTAYAN 4 3 2 1

Nilalaman Kompleto at

wasto ang

lahat ng

detalye na

nakasaad sa

talata.

Wasto ang

mga detalye

na nakasaad

sa talata.

May ilang

detalye na

hindi dapat

isali sa talata.

Maraming

kakulangan

sa nilalaman

ng talata.

Presentasyon Organisado

ang

pagkakasun

od-sunod ng

ideya.

Maayos ang

pagkakalaha

d ng mga

ideya.

Hindi gaanong

maayos ang

mga ideya.

Hindi

gaanong

maunawaan

ang mga

ideya.

Wastong

gamit ng

pagpapah

ayag

Angkop na

angkop ang

paggamit ng

mga

pagpapahayag

Angkop ang

mga

pagpapahayag

.

Hindi gaanong

konektado ang

mga

pagpapahayag

.

Hindi gaanong

maintindihan

ang mga

pagpapahayag

.

Kabuuan

Page 10: Z P Z eal of P artnership Filipino

10

Isaisip

Isang ngiti naman diyan kaibigan para ipinakita mong kagalingan. Talaga

namang kahanga-hanga ang iyong ginawa. Sa puntong ito, bigyang saysay natin

ang iyong natutuhan sa kabuuan ng aralin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng

isang gawaing inihanda ko para sa iyo na magpapatibay sa galing ng iyong

pagkaunawa sa ating talakayan. Kaya ano pa ang hinihintay mo kaibigan?

Simulan mo na.

Panuto: Punan ng angkop na pagpapahayag ang mga pariralang nasa ibaba

upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Ang unang bahagi ay mga salita o

pariralang sumasang-ayon kaya marapat na pagsalungat ang idadagdag at

ganoon din ang pangalawang bahagi.

Pagsalungat

1. Ayaw ko ang pahayag na…

2. Hindi ako naniniwala riyan…

3. Hindi ko matanggap ang iyong sinabi…

4. Hindi totoong magaling siya…

5. Ikinalulungkot ko ngunit…

Pagsang-ayon

1. Bilib ako sa iyong sinabi na…

2. Kaisa mo ako sa bahaging iyan…

3. Maaasahan mo ako riyan…

4. Iyan din ang palagay ko…

5. Totoong magaling ka…

Page 11: Z P Z eal of P artnership Filipino

11

Tayahin

Lubos ang aking kasiyahan sa ipinakita mong galing sa pagsagot sa

lahat ng mga pagsubok ko para sa iyo. Ngayon naman ay maghanda sa pagsagot

sa mga aytem na nasa ibaba. Pagpupugay para iyo.

Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng iyong napiling sagot.

___ 1. Tawag sa isang maikling mensahe na madalas may tugma ang dulo ng mga

pangungusap, nakakapukaw ng damdamin at naghahatid ng aral sa mga mambabasa o nakikinig.

A. Poster C. Balagtasan B. Islogan D. Pangungusap

___ 2. “Totoong subrang sipag mo”, ito ay halimbawa ng pariralang A. Sumasang-ayon C. Nagpapaliwanag

B. Sumasalungat D. Nangangaral

___ 3. Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas at pagtutol sa isang pahayag o ideya.

A. Pagsang-ayon C. Pangangaral

B. Pangangatwiran D. Pagsalungat

4. Ang lahat ng nabanggit sa ibaba ay mga katuturan ng opinyon MALIBAN sa isa,

ito ang _____________________.

A. Pagtukoy sa katotohanan.

B. Pananaw o paniniwala ng isang tao

C. Pangangalap ng impormasyon.

D.Pagpapaliwanag ng saloobin o kaisipan

5. “Bilib ako sa pagpapalayaw niya sa kanyang anak…” Ano ang nararapat na

pagsalungat ang idadagdag mo na hindi nakakasama ng damdamin?

A. Ngunit sana lahat ng magulang ay ganoon.

B. Subalit ayaw ko ng pamamalakad mo.

C. Ngunit mas mainam kung pinapalo din paminsan-minsan ang mga anak.

D. Subalit nananatiling mapangmataas ang kanyang anak.

6. “Oo, sang-ayon ako sa iyong panukala mahal na kapatid.” Ito ay halimbawa ng

pagsang-ayon na

A. Pakikiisa C. Pakikibagay

B. Pagtanggap D. Pagpayag

7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pagsang-ayon na

pagtanggap?

A. Mahirap ngunit maluwag sa aking kalooban ang iyong pasya.

B. Hanga ako sa ipinakita mong galing.

C. Kabaligtaran ang iyong sinabi sa katotohanan. D. Masakit sa kalooban ang lahat ng iyong tinuran.

Page 12: Z P Z eal of P artnership Filipino

12

8. Ito ay pahayag na pagsalungat na nangangahulugan ng hindi pagpayag. A. Pagtaliwas C. Pagkontra

B. Pagtanggi D. Pagtutol

9. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang halimbawa ng pagtanggi?

A. Salamat sa paanyaya ngunit sa susunod na lang. B. Ayaw kong malaman niya ang katotohanan.

C. Hindi maganda ang kanyang tinuran. D. Mas mainam kung hindi na lang siya nagsalita ng patapos.

9. Ito ay kabaligtaran ng katotohanan.

A. kontra C. tutol

B. taliwas D . tanggi

10. Talaga namang kilala sa kasipagan at kabaitan ang ama ni Florante. Ang

pahayag na ito ay

A. Pagtaliwas C. Pagsang-ayon

B. Pagtanggap D. Pangangatwiran

Karagdagang Gawain

Kahanga-hanga talaga ang ipinakita mong galing kaibigan. Ilang hakbang na

lang ay matapos mo na ang ating aralin. Bilang pangwakas na gawain ay ipamalas

mo ang iyong kakayahan sa paggawa ng gawaing nasa ibaba.

Kaya Ko ‘to!

Panuto: Gumawa ng isang Islogan na may kinalaman sa paksang tinalakay.

Sa tulong ng Rubrics na nasa ibaba.

Page 13: Z P Z eal of P artnership Filipino

13

PAMANTAYAN PORSYENTO

Pagkamalikhain 50

Kaangkupan sa tema 15

Kabuuang Presentasyon 15

Orihinalidad 10

Kalinisan 10

KABUUAN 100%

Binabati kita! Natapos mo nang sagutan ang modyul na ito. Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na modyul

Page 14: Z P Z eal of P artnership Filipino

14

Susi sa Pagwawasto

TUKLASIN:

1.B

2. A

3. D

4. C

5. C

6. A

7. A

8. B

9. B

10.C

BALIKAN

Naaalaala Mo Pa Ba?

1.

1.Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.

2.Maghanda ng paksang tatalakayin kasama

ang iyong co-anchor.

3.Maging maingat sa pagpili ng mga salitang

gagamitin mo dahil iba-iba ang iyong

tagapakinig.

4.Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa

iyong pagbobroadcast.

5.Maging magalang sa pagtatapos ng iyong

broadcast.

2.

1. airwaves 6. Open mic

2. amplifier 7. playlist

3. band 8. queue

4. feedback 9. rating

5. mixing 10. sign on

Page 15: Z P Z eal of P artnership Filipino

15

Sanggunian “Laki sa Layaw”. KapitBisig.com Philippines. Accessed December 2020.

https://www.kapitbisig.com/philippines/florante-at-laura-ni-

francisco-baltazar-a-complete-modern-tagalog-version-kabanata-15-

pangaral-sa-magulang_1214.html.

“Mga hakbang sa pagsasagawa ng radio broadcasting.” Accessed December 2020.

https://www.google.com/search?q=hakbang+sa+pagsasagawa+ng+radio+broadcasting&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=m63zFSHV5vqulM%

252C9yWq07xghRhljM%252C_&vet=1&usg=AI4_-

kSp4FU7dgdBpIiApvSj5mahGAPLQw&sa=X&ved=2ahUKEwjmiNDcpf7tAhXfw4sBHUWaBusQ9QF6BAgVEAE#imgrc=ZJIKPfRegV0arM

Rona, Mary Joy. “Rubrics sa pagsulat ng talata.” Accessed December 2020.

Page 16: Z P Z eal of P artnership Filipino

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I

dreamed that I was walking

along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2)

sets of footprints – one belong to

me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of

footprints.

“And I ask the LORD. Why?

Why? Why did you leave me

when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son,

My son, I have never left you.

There was only one (1) set of

footprints in the sand, because it

was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.