z p zeal partnership filipino

16
1 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est for P rogress Z eal of P artnership Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 2 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ 8

Upload: others

Post on 16-Oct-2021

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Zeal Partnership Filipino

1

Republic of the Philippines

Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest

for Progress

Zeal of Partnership

Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 2

Kaligirang Pangkasaysayan

ng Florante at Laura

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

8

Page 2: Z P Zeal Partnership Filipino

2

Julie Ann L. Ebasan

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:

Editor: Elsie V. Malagum, Mary Jill A. Atetio, Thelma P. Opada

Tagasuri: Elsie V. Malagum, Mary Jill A. Atetio, Thelma P. Opada

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat:

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD

EPS – Filipino

Page 3: Z P Zeal Partnership Filipino

3

Alamin

Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito - pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda - pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33)

Kumusta ka na kaibigan? Binabati kita at natapos mo na ang unang modyul sa

ikaapat na markahan. Tiyak kong ang dami mo nang natutunan tungkol sa paghinuha sa

kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura. Dahil dito panibagong aralin na naman

ang ating tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Batid ko na handa ka na sa panibagong

paglalakbay na ito, at nasasabik ka na sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko para sa

iyo.

Ang araling ito ay sadyang inihanda sa iyo upang matulungan ka para sa ibayong

paglinang ng iyong kasanayan sa pag-unawa sa iyong binasa at ito ay ang kasanayan

sa pagtiyak ng kaligirang pangkasaysayan ng akda. Upang mapagtagumpayan ang

pagkamit ng ating layunin, inilahad at tinukoy ang kalagayan ng lipunan sa panahong

isunulat o nasulat ang akda, layunin ng pagsulat ng akda, at ang pagsusuri sa epekto

o bisa ng akda pagkatapos itong isulat. Ang mga nabanggit ay ang mga naging batayan

upang natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura.

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-

unawa sa isang dakilang akdang

pampanitikan na mapagkukunan ng

mahahalagang kaisipang magagamit sa

paglutas ng ilang suliranin sa lipunang

Pilipino sa kasalukuyan

Ang mag-aaral ay nakabubuo ng

makatotohanang radio broadcast na

naghahambing sa lipunang Pilipino sa

panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan

Page 4: Z P Zeal Partnership Filipino

4

Aralin

1

Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Balikan

Panimulang Pagtataya: Sagutin mo! Gawain 1:

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat lamang ang titik ng tamang kasagutan.

1. Saan sinasabing isinulat ni Francisco Baltazar ang kanyang akdang Florante at Laura?

A. Selda C. Kumbento

B. Palasyo D. Colegio de San Jose

2. Si Francisco Baltazar ay mas kilala sa palayaw na? A. Apolo B. Felipe C. Juan D. Kiko

10 3. Sino ang tinutukoy na MAR, na siyang naging inspirasyon ni Baltazar sa pagbuo ng

kanyang akdang Florante at Laura? A. Marie Anna Roco C. Maria Ana Ramos

B. Magdalena Anna Rosal D. Maria Asuncion Rivera

4. Si Francisco Baltazar ay mas kilala sa palayaw na Kiko. Siya ay tinaguriang ______?

A. Prinsipe ng manunulang Tagalog C. Nobelista B. Hari ng Balagtasan D. Kilala sa larangan ng musika

5. Saan aunang nagpatula si Fancisco Baltazar?

A. Unibersidad ng Pilipinas C. Colegio de San Juan de Letran

B. Colegio de San Jose D. Ateneo de Manila

Gawain2: Ilahad mo!

Panuto: Gamit ang “diamond graphic organizer”, isulat ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura. Ilapat ang kasanayan sa paghihinuha.

Kahalagahan ng

pag-aaral ng

Florante at Laura

1. 2.

3. 4.

Page 5: Z P Zeal Partnership Filipino

5

Tuklasin

Gawain 3

A. Hula Pic!

Panuto: Hulaan ang mga sumusunod na makikita mula sa larawan na sumasalamin

sa mga pangyayari sa akda sa susunod na pahina.

1. _____________ 2. _____________ 3._______________ 4.______________

Mahusay! napagtagumpayan mo ang mga naunang pagsubok. Iyan lamang ang iilan sa mga mahahalagang detalye mula sa akdang ating tatalakayin natin sa modyul

na ito. Tara! Ipagpapatuloy natin ang makulay na kasaysayan ng Florante at Laura.

Alam mo ba?

Talambuhay ni

Francisco “Balagtas” Baltazar

Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon ng

Panginay Bigaa, Bulacan siya ay tinaguriang Prinsipe ng manunulang Tagalog. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang

pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko. Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na

Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang kabayanan sa ilalim ng

pamamatnubay ng kura – paroko at dito ay natutuhan niya ang Caton, misterio,

kartilya at Catecismo. Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng

lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa kanyang murang isipan.

Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat ang natutuhan

sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag – aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang

malayong kamag – anak na mayaman, na naninirahan sa Tundo at maaari siyang

pumasok

dito bilang utusan. Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo

kaya pinayagan siyang makapag – aral. Nagpatala siya sa Colegio de San Jose na

noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y natutuhan niya ang Gramatika,

Page 6: Z P Zeal Partnership Filipino

6

Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy

niya ang kanyang pag – aaral sa Colegio de San Juan de Letran at dito’y natapos niya

ang mga karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro niya si

Padre Mariano Pilapil, ang may – akda ng Pasyong Mahal.

Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan, Maynila at doon niya nakilala

si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga kakilala at

kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa dalaga sapagkat

magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa

pook na iyon, subalit winalang – bahala ang mga paalalang ito

Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang – palad si Maria at hindi

nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa. Palibhasa’y mayaman ginamit ni

Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito.

Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng mabalitaan

niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng wagas na pag-ibig at si Nano.

Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan niya isinulat ang walang kamatayang

Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog kay Selya.

Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa

ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa

Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso

ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman na naging kabiyak

niya. Nagkaroon sila ng labing – isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob

ng labing – siyam na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at

sa apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas.

Dahil sa may mataas na pinag-aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas

na tungkulin sa Bataan naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de

Semantera. Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit nagkaroon na

naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng

isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito, namayani na naman ang

lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos

ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siya’y makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito

nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro na

siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya. Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay

namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.

Sanggunian: http://sulyapsayaman.blogspot.com/2007/10/talambuhay-ni-

franciscobaltazar.html

Binabati kita kaibigan, sapagkat natapos mong basahin at unawain ang

Talambuhay ni Francisco Baltazar. Ngayon ay handa ka na bang sagutin ang mga

gawain? Alam kong handa ka na kaya magsimula na tayo!

Page 7: Z P Zeal Partnership Filipino

7

Gawain B: Trowbak!

Panuto: Unawain ang mga salita sa kahon sa susunod na pahina. Isulat sa kaukulang

kahon kung saan nakapaloob ang bayan o lugar ang mga salita batay sa

karanasan at kaugnayan sa buhay ni Balagtas.

Mahusay Kaibigan! Batid kong ikaw ay nabighani rin sa talambuhay ni Francisco

“Balagtas” Baltazar. Ngunit bakit nga ba tinatawag siyang Balagtas? Sapagkat si

Francisco Baltazar ang tinaguriang Ama ng Balagtasan.

Ngayon ay batid mo na ang talambuhay ni Francisco Baltazar ay atin naman na

tuklasin at suriin ang Kaligirang Pangkasaysayan ng akdang Florante at Laura! Handa

ka na ba kaibigan? Tara!

Suriin

Gawain 4: Kumpletuhin mo!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na Gabay na Katanungan na makikita sa

sumusunod na pahina, upang mabuo ang “puzzle”.

Maynila

Bulacan

Bataan

• Juana Dela Cruz

• Ika-2 pagkabilanggo

• Juana Tiambeng

• Unang pagkabilanggo ni Balagtas

• Abril 2, 1788

• Isinulat ang Florante at Laura

• Selya

• Padre Mariano Pilipil

• Colegio de San Jose

• Namatay si Francisco Baltazar

Page 8: Z P Zeal Partnership Filipino

8

Mga Gabay na Katanungan:

1. Kailan naisulat ni Francisco Baltazar ang akdang Florante at Laura?

2. Sumasalamin sa kalagayang panlipunan kung saan mahigpit na ipinagbawal ang

mga babasahin at palabras na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga

Espanyol.

3. Ang babaeng hinandugan ni Francisco Baltazar ng kanyang obra maestra.

4. Ang naging karibal ni Florante sa kanyang kasintahan na si Laura.

5. Ginamit na paraan ni Francisco Balagtas upang makalusot ang kanyang akda sa

patakaran ng mga Espanyol. Naglalaman ng nakatagong mensaheng

saumasalamin sa kalagayang panlipunan sa Panahon ng mga Espanyol.

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang tekstong napapatungkol sa Kaligirang Pang-

kasaysayan ng akdang Florante at Laura, at sagutin ang mga katanungan sa

susunod na pahina.

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isang awit na binubuo ng 399 na saknong. Ito’y

may 12 pantig sa bawat taludtod at batay sa mga pangyayaring makatotohanan.

Sapagkat maaaring maganap sa tunay na buhay. Maituturing itong isang Alegorya-

isang akda na ang mga tauhan at pangyayari ay sumasagisag sa ibang bagay.

Noong panahon ni Balagtas, mahigpit ang sesura. Walang kalayaan sa pagsasalita.

Wala ring kalayaan sa pananamplataya. Naghahari ang kasamaan at kalupitan ng

mga kastilang namumuno na walang hangad kundi ang yaman ng Pilipinas.

Sinasabing sa selda isinulat ni Balagtas ang kanyang akda dahil sa maling

paratang na pakana ng mayamang karibal na si Nano Kapule

Ganito ang namamayaning kalagayan ng kanyang panahon na tinutulan ni

Balagatas sa kanyang akda. Ang pagtutol na ito ay tinawag ni Lope K. Santos na

“Apat na mga himagsik” na naghari sa puso at isipan ni Balagtas. Ang mga ito ay

ang (1) pagtutol sa maling pamamahala ng mga namumuno sa isang bayan;

1.

2. 3.

4.

5.

Page 9: Z P Zeal Partnership Filipino

9

Gawain 5 : Pag-unawa sa Binasa!

Panuto: Mula sa iyong binasang teksto ay sagutin ang mga sumusunod na mga

katanungan. Isulat lamang ang titik ng iyong sagutang papel.

1. Ilahad ang kalagayan ng Pilipinas sa panahong naisulat ang Florante at Laura.

A. Maaliwalas at produktibong kalagayan

B. Madilim at masukal na lipunan

C. Madilim at puno ng kalupitan na lipunan

D. Matiwasay at puno ng kasaganaan

2. Ano ang naging pangunahing layunin ni Francisco Baltazar kung bakit niya isinulat

ang awit na Florante at Laura?

A. Maipabatid ang kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng

mga Espanyol.

B. Maipahiwatig ang kabiguan ng may-akda sa pag-ibig

C. Paggabay sa mabuting pakikitungo

D. Pagpapahalaga sa sariling bayan at minamahal

3. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag sa impluwensya ng akdang Florate at Laura

sa Pilipino maliban sa isa:

(2) sa maling pagpapalaki ng mga anak; (3) sa maling paniniwala hinggil sa relihiyon

at; (4)kawalan ng kalayaaan sa pagsasalita. Ngunit hindi tuwiran ang

pagpapahayag ng kanyang pagtutol. Ginamit ni Balagtas na tagpuan ang isang

bayang Europeo, ang Albanya. Gumamit siya ng mga hayop katulad ng leon,

buwitre, at iba pa. Sa gayo’y naikubli ng makata ang kanyang tunay na hangaring

ibunyag ang kasamaang sumisikil sa kalayaan sa bawat isa.

May kamalayang panlipunan si Balagtas. Nangangahulugan ito na mulat

siya sa mga nagaganap sa kanyang lipunan, na inihayag niya sa kanyang akda.

Bagama’t hindi siya nagmungkahi ng paraan kung paano babaguhin ang mga

sistemang tinutulan ng kanyang Florante at Laura, ang kanyang akda ay

nakaimpluwensya sa ibang manunulat. Ang Florante at Laura ay naging

inspirasyon ng dalawang bayning Pilipino, sina Jose Rizal at Apolinario Mabini.

Lagging dala-dala ni Rizal saan man siya makarating ang kanyang sipi ng Florante

at Laura. Maaaring nakaimplwensiya ito sa kanya na ipagpatuloy ang pagtutol sa

kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Bukod sa mga nabanggit, ang Florante at Laura ay maitituring na isang

akdang bayan- isang akdang inangkin nan g samabayanang Pilipino sapagkat hitik

ito sa magagandang kaisipan, matulaing paglalarawan at mga aral sa buhay. Higit

sa lahat, ang mga ito’y panghabang panahon. Pinatutunayan sa mga sumusunod

na pahina ng akda ni Balagatas ay may kaugnayan pa hanggang sa kasalukuyang

panahon.

Sanggunian: https://books.google.com.ph/books?id=K-

8k4qakUi4C&printsec=frontcover#v=onepage&q&f=false

Page 10: Z P Zeal Partnership Filipino

10

A. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki

sa anak;

B. Pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan;

C. Pagtulong sa kapwa kahit magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at

Kristiyano.

D. Pagiging sakim at paghahangad ng yaman sa bayan.

4. Paano napagtagumpayang mailusot ni Balagatas ang kanyang akda sa kabila ng

mahigpit na sensura?

A. Gumamit siya ng alegorya sa gayo’y naikubli ng makata ang kanyang tunay na

hangaring ibunyag ang kasamaang sumisikil sa kalayaan sa bawat isa

B. Ang paglalakbay ng mga Moro at Persiyano ay siya ring temang ginamit ni

Balagtas sa kanyang awit

C. Pakikipaglaban ni Balagtas sa mga Espanyol gamit ang dahas.

D. Sekretong pagbuo ng organisasyon na pamamaraan ang ginamit ni Balagtas

upang matagumpay ang pagpapalimbag ng kanyang akda.

5. Nagkaroon ba ng impluwensya ang Florante at Laura sa mga nangyaring pag-alsa ng

mga Filipino laban sa mga Espanyol?

A. Oo, sapagkat nagdulot ito ng kasamaan sa mga Pilipino na mag-alsa para sa

kalayaan ng bayan

B. Oo, sapagkat naging daan ito upang mamulat ang mga Pilipino na lumaban para

sa kalayaan ng inang bayan

C. Wala, sapagkat naging alipin pa rin tayo ng mga Espanyol hanggang ngayon

D. Wala, sapagkat walang pinag-aralan ang mga Pilipino sa panahong yaon

Pagyamanin

Gawain 6: Ilahad mo!

Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, ilahad kung paano nakapagbigay bisa o

epekto ang akdang Florante at Laura sa iba’t- ibang aspeto ng buhay ng mga

Pilipino noong panahon ng mga Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon.

FLORANTE AT LAURA

Akda

Mga Aspeto Mga Epekto

Lipunan

Pamilya

Minamahal

Page 11: Z P Zeal Partnership Filipino

11

Isaisip

Gawain 7: Ayusin mo!

Panuto: Ayusin at kumpletohin ang mga salitang makikita mula sa kahon upang

mabuo ang konsepto at diwa ng araling ating tinalakay.

Sagot:

____________________________________________________________________

Tayahin

Gawain 8: Sagutin mo!

Panuto: Piliin ang wastong sagot ng mga sumusunod na katanungan na makikita

sa susunod na pahina. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang

papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang mahigpit na ipinatutupad ng mga Espanyol sa

panahon ng kanilang pananakop?

A. Mahigpit na ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at

Walang kalayaan sa pagsasalita. Wala ring kalayaan sa pananamplataya

B. Mahigpit na pagpapatupad ng Malayang Kalakalan.

C. Mahigpit na pagpapatupad ng pagbuwag at pagbawal ng lahat ng Partidong

Politikal

D. Mahigpit na pagpapatupad ng Reorganisasyon ng Pamahalaan

2. Ano ang temang ginamit ni Francisco Balagtas upang maipalabas ang akda?

A. Politikal C. Relihiyon

B. Himagsik D. Kalikasan

3. Ang mga sumusunod ay naghari sa puso’t isipan ng may-akda at nag-udyok sa

kanya na isulat ang akdang Florante at Laura, maliban sa isa;

A. Himagsik laban sa maling paniniwala hinggil sa relihiyon

B. Himagsik laban sa korapsiyon ng ekonomiya

C. Himagsik laban sa kawalan ng kalayaaan sa pagsasalita

D. Himagsik laban sa maling pamamahala

Florante at Laura

Francisco Baltazar

Pilipinas

pamamahala

Kastila

Sitwasyon

Page 12: Z P Zeal Partnership Filipino

12

4. Ano ang naging dahilan ng pagkakulong ni Francisco Baltazar?

A. Dahil sa pag-aalsa ng mga Pilipino sa panahong iyon.

B. Dahil sa paratang na pagnanakaw sa simbahan

C. Dahil sa maling paratang na pakana ng mayamang karibal na si Nano Kapule.

D. Dahil sa paratang na pagpatay sa Gwardiya sibil.

5. Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang aral sa buhay na makikita mula sa

akdang Florante at Laura maliban sa isa;

A. Pagmamahal at malasakit sa bayan

B. Pagpapaalala sa madla sa maingat na pagpipili ng pinuno

C. Pagpapahayag sa sariling interes lamang

D. Wastong pagpapalaki sa anak

6. Alin sa mga sumusunod ang mabigat na dahilan kung bakit binigyang-halaga rin sa

akda ang taglay na lakas ng kababaihan?

A. Upang bigyan halaga ang boses at papel ng bawat kababaihan sa lipunan

B. Upang hindi masisira ang puri ng bawat kababaihan

C. Upang mangibabaw sa lipunan ang mga kababaihan

D. Upang matuldokan ang diskriminasyon sa kasarian at mabigyan ng pantay-

pantay na karapatan ang bawat isa

7. Bakit maituturing ang Florante at Laura bilang isang isang akdang bayan?

A. Sapagkat hitik ito sa magagandang kaisipan, matulaing paglalarawan at mga

aral sa buhay

B. Sapagkat ito ay tumutuligsa sa mga mapang-aping kastila

C. Sapakat naglalahad ito ng maslimuot na mga pangyayari

D. Sapagkat sinulat ito ni Francisco Baltazar na isang Pilipino.

8. Paano nakaimpluwensya ang akdang Florante at Laura sa ibang manunulat?

A. Naging inspirasyon upang wakasan ang pang-aapi ng mga Espanyol

B. Naging inspirasyon ng dalawang bayning Pilipino, sina Jose Rizal at Apolinario

Mabini. Lagging dala-dala ni Rizal saan man siya makarating ang kanyang sipi

ng Florante at Laura

C. Naging inspirasyon na sumulat pa ng mga akda tungkol sa bayan

D. Naging inspirasyon ng mga Pilipinong manunulat na sumulat ng mga akdang

tumutuligsa rin sa mga dayuhan hanggang sa kasalukuyan.

9. Bakit sinasabing may kamalayang panlipunan si Balagtas?

A. mulat siya sa mga nagaganap sa kanyang lipunan, sapagkat nakipaglaban siya

sa mga espanyol

B. Sapagkat nailalarawan mula sa kanyang pabula ang mga hayop na ginamit sa

kanyang akda

C. Mulat siya sa mga nagaganap sa kanyang lipunan, na inihayag niya sa kanyang

akda

D. Sapagkat hindi siya nanahimik sa mga nangyayari sa kanyang paligid

Page 13: Z P Zeal Partnership Filipino

13

Bakit ito ang napili mong islogan?

10. Paano nakaapekto ang akdang Florante at Laura sa mga Pilipino hanggang sa

kasalukuyan?

A. Naging paraan ito upang maging masama ang mga Pilipino sa mga dayuhan at

makipaglaban sa kanila

B. Naging dahilan ito upang maing makasarili sa at ipahayag ang natatanging interes

lamang

C. Naging paraan ito sa pagkakaroon sa pagsasagawa ng mga alituntunin laban sa

pamahalaan

D. Naging dahilan ito upang imulat tayo sa mga pangyayari sa ating paligid at ang

kahalagahan ang ating karapatan

Mahusay kaibigan! at napagtagumpayan mo ang mga pagsubok. Alam natin na

marami ring mga pagsubok, kabiguan at mga aral na taglay ang akda. Ang mga aral

na taglay nito ang gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani sa pagkamit ng

ating kalayaan. Sana ay ikaw rin kaibigan, kahit anong dagok man ang dumating sa

iyong buhay, ay dapat kakayanin at huwag kalimutang humingi ng tulong sa poong

maykapal sapagkat hinding-hindi niya tayo pababayaan. Ngayon ay tatapusin natin

ang aralin na ito sa panghuling gawain.

Karagdagang Gawain

Gawain 9: Islogan natin yan!

Panuto: Suriin ang naging epekto at mensahe sa iyo ng tekstong iyong binasa sa pama-

magitan ng paglikha ng isang makulay na Islogan sa isang “Short bondpaper”. At

sagutin kung bakit ito ang napili mo?

Islogan

Page 14: Z P Zeal Partnership Filipino

14

Sa paggawa ng iyong gawain, gawing batayan ang rubrik na makikita sa ibaba.

Pamantayan

Napaka

husay (5)

Mahusay

(4)

Katamtaman

(3)

Nanganga-ilangan ng

Pagsasanay (2-1)

Laang

Punto

s

Aking

Marka

Kabuluhan

ng nilalaman

makabulu

han ang nilalaman

na mensahe

May sapat

na kabuluha

n ang mensahe

May

kakulangan sa pagbibigay

ng mensahe

Hindi

angkop ang mensahe

5

Organisasyon

ng nilalaman

Naihanay

ng maayos

ang mga nilalaman

Naihanay

ang mga nilalaman

May

kalituhan sa pag-intindi ng

nilalaman

Magulo ang

paghahanay ng mga

nilalaman

5

Pagkamalikha

in

Labis na

masining at

detalyado ang

kumbenisyon ng

kulay at desinyo

ng Islogan

Masining

at detalyado

ang kumbenis

yon ng kulay at

desinyo ng Islogan

Di gaanong

masining at detalyado ang

kumbenisyon ng kulay at

desinyo ng Islogan

Hindi

masining at detalyado

ang kumbenisyo

n ng kulay at desinyo

ng Islogan

5

Kabuoang Puntos 15

Page 15: Z P Zeal Partnership Filipino

15

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

“Francisco Balagtas: The best Filipino poet.” Bulakenyo.ph. April 2, 2020.

https://www.bulakenyo.ph/francisco-balagtas-the-ultimate-filipino-poet/.

“Kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura crossword puzzle.” Accessed December

2020. https://www.proprofsgames.com/ugc/crossword/kahalagahan-ng-pag-aaral-

ng-florante-at-laura/.

“Pre-colonial Philippines: Our unknown history.” Accessed December 2020.

http://precolonialphilippines.blogspot.com/2013/10/10-ginto.html.

Badua, Zenaida. Florante at Laura ni Francisco (Balagtas) Baltazar. Quezon City: Vibal

Publishing House, Inc.

Baltazar, Franciso (Balagtas). “Florante at Laura.” Accessed December 2020.

https://books.google.com.ph/books?id=K-

8k4qakUi4C&printsec=frontcover#v=onepage&q&f=false.

Department of Education. Most essential learning competencies in Filipino. Philippines:

Department of Education, 2020.

Martin, Seth. “Pag-ibig nina Florante at Laura.” Last modified June 29, 2017.

https://eighthgradeportfolio.wordpress.com/2017/06/29/pag-ibig-nina-florante-

at-laura/.

Mativo, Rayzhiel. “Tauhan ng Florante at Laura.” Accessed December 2020.

https://www.scribd.com/doc/299927074/Tauhan-Ng-Florante-at-Laura.

Ponce, Katrina. “Florante at Laura notes.” Accessed December 2020.

https://www.scribd.com/doc/256002513/Florante-at-Laura.

Balikan

Panimulang

Pagtataya

1. A

2. D

3. D

4. A

5. B

Tayahin

1. A

2. C

3. B

4. C

5. C

6. D

7. A

8. B

9. C

10. D

Suriin

Gawain 5

1.C

2. A

3. D

4. A

5. B

Suriin

Gawain 4

1.Espanyol

2.Sensura

3.Selya

4.Adolfo

5.Alegorya

Page 16: Z P Zeal Partnership Filipino

16

` Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer

Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed that I was

walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints –

one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only one set

of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you

leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have

never left you. There was only one (1) set of

footprints in the sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is priest

Against the earth’s sweet flowing breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain; Who

intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.