10 least learned

55
Constancio Padilla National High School San Jose City , Nueva Ecija Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV l. Layunin: A. Pangkalahatang Layunin :Nauuri at naiilarawan ang iba’t-ibang anyo ng pamilihan. B.Tiyak na layunin: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: B.1 nabibigyang –kahulugan ang pamilihan, B.2 nailalarawan ang mga kaganapan sa bawat anyo ng pamilihan; at B.3 natutukoy ang kahinaan at kalakasan ng bawat anyo ng pamilihan. II.Nilalaman: A. Paksa:Anyo ng Pamilihan B.Yunit: II C.Sanggunian: Ekonomiks, SD Publishing Inc.,2000 nina Evelina M. Viloria, et al. pahina 180-187 PSSLC 1.11, 1.13, 1.16 D.Kagamitan: Visual aid at Larawan ng iba’t- ibang pamilihan sa Pilipinas katulad ng palengke, SM ,talipapa at iba pa III.Pamamaraan A.Panimulang Gawain 1.Pagbabalik –Aral a. Ipaliwanag ang konsepto ng elastisidad sa ekonomiks. b. Paghambingin ang price elasticity ng demand sa price elasticity ng suplay. 2.Pagganyak

Upload: leumas-saitam

Post on 28-Dec-2015

486 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

10 least learned

TRANSCRIPT

Constancio Padilla National High SchoolSan Jose City , Nueva Ecija

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

l. Layunin:A. Pangkalahatang Layunin :Nauuri at naiilarawan ang iba’t-ibang anyo ng pamilihan.B.Tiyak na layunin:

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:B.1 nabibigyang –kahulugan ang pamilihan,B.2 nailalarawan ang mga kaganapan sa bawat anyo ng pamilihan; atB.3 natutukoy ang kahinaan at kalakasan ng bawat anyo ng pamilihan.

II.Nilalaman:A. Paksa:Anyo ng PamilihanB.Yunit: IIC.Sanggunian: Ekonomiks, SD Publishing Inc.,2000 nina Evelina M. Viloria, et al. pahina 180-187 PSSLC 1.11, 1.13, 1.16D.Kagamitan: Visual aid at Larawan ng iba’t- ibang pamilihan sa Pilipinas katulad ng palengke,

SM ,talipapa at iba pa

III.PamamaraanA.Panimulang Gawain

1.Pagbabalik –Arala. Ipaliwanag ang konsepto ng elastisidad sa ekonomiks.b. Paghambingin ang price elasticity ng demand sa price elasticity ng suplay.

2.PagganyakIpakita ang iba’t-ibang anyo ng pamilihan sa Pilipinas sa mga mag-aaral. Ipasuri

ito at hayaang makabuo ng isang konsepto na nakikita / naipapahayag ng mga larawang ito. Magpapalitan ng kuro-kuro ang mga mag- aaral tungkol sa kahulugan ng pamilihan.

Gabay na tanong :a.Paano naiba ang pamilihan sa isang palengke?b.Maaari bang magkaroon ng pamilihan kahit walang palengke?c. Kailan masasabing nagkakaroon ng pamilihan?

Monopolistikong kumpetisyon

B.Paglinang na Gawaina

1.Sa pamamagitan ng bubble tree, iulat ang mga anyo ng pamilihan.

ANYO NG PAMILIHAN

2.Sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart, iuulat kung paano itinatakda ang suplay , demand at presyo sa iba’t- bang anyo ng pamilihan.

Anyo ng Pamilihan Pagtatakda ng Demand

Pagtatakda ng Suplay Pagtatakda ng Presyo

I.Ganap na KumpetisyonII. Di- ganap na kumpetisyon A. Monopolyo

B. Oligopolyo

C. Monopolistikong Kumpetisyon D.Monopsonyo

Ganap na kumpetisyon Di –ganap na kumpetisyon

Monopolyo

Oligopolyo

Monopsonyo

III. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Itanong kung ano ang pamilihan at ano ang mga katangian ng iba’t ibang anyo nito.

11. Pagpapahalagaa. Kung ikaw ay isang entreprenyur, anong anyo ng pamilihan ang iyong nanaisin ?

IV. EbalwasyonMagbigay ng mga produktong mabibili sa pamilihan at ipatukoy kung anong anyo ng pamilihan ang naiproprodyus nito.

V. Kasunduan

1. Paano nakakaapekto ang anyo ng pamilihan sa demand at suplay ?

Sanggunian :Ekonomiks ni Evelina M. Viloria, et al.

Pahina 180-187

Constancio Padilla National High School

San Jose City , Nueva Ecija

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

l. Layunin:

A. Pangkalahatang Layunin:Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan.

B. Tiyak na Layunin:Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

B.1 nababatid ang epekto ng kakulangan at kalabisan sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan; atB.2 nakapagmumungkahi ng paraan ng pagtugon sa mga suliraning dulot ng kakapusan at kakulangan

II.Nilalaman:

A. Paksa: Pamilihan at PamahalaanB.Yunit: IIC.Sanggunian: Ekonomiks, SD Publishing Inc.,2000 ni Evelina M. Viloria, et al. pahina 180- 187

PSSLC 1.11, 1.14, 1.17D.Kagamitan:Kartolina at visual aids

III.PamamaraanA.Panimulang Gawain

1 Pagbabalik –arala.Ano ang pamilihan?

b. Ibigay at ipaliwanag ang mga anyo ng pamilihan.2. Pagganyak

Ipasuri ang karikatura sa mga mag-aaral.Gabay na tanong:a.Ano ang pangunahing isyu ang tinatalakay sa karikatura?b. Bakit nabibigo ang pamilihan?c. Paano maitatama ang pagkabigo ng pamilihan ?

B.Paglinang na Gawain1. Paghandain ang mga - aaral sa pag-uulat gamit ang cluster map.

Tight Industrial Regulatory

Programang pangkaunlaran Industrial Deregulatory

Paglahok ng pamahalaan sa industriya Antas ng panghihimasok ng pamahaaaan sa pamilihan Pagbubuwis

Price Ceiling Sequestration Tax exemption

2. Gamitin ang Discussion Web upang mabigyang puna ang panghihimasok ng pamahalaan sa pamilihan.

Mas mainam ba kung manghimasok ang pamahalaan sa pamilihan ?

Oo Hindi

a. Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng buod ng sagot sa ilalim ng Oo o Hindi.b. Suriin ang mga sagot at ibigay ang konklusyon batay sa datos.

C. PaglalahatHayaang ibuod ng mag-aaral kung paano nilulutas ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo

ng mga produkto at serbisyo dala ng kakulangan at kalabisan ng suplay.

D. Pagpapahalaga

Paano ka makakatulong sa pamahalaan upang makontrol ang pagtaas ng presyo at maiwasan ang maling gingawa ng mga negosyante na nagpapataas ng presyo ng bilihin.

IV. Ebalwasyon

1. Bakit hindi maiwasan ang panghihimasok ng pamahalaan sa pamilihan?

2. Dapat bang manghimasok ang pamahalaan sa pamilihan ?

V. Kasunduan

Magpunta sa malapit na tanggapan ng DTI at kapanayamin ang isang empleyado nito tungkol sa mga gawain at tungkulin ng ahensya sa pamilihan. Iulat ito sa klase.

Sanggunian :

Ekonomiks ni Evelina M. Viloria, et al

Constancio Padilla National High School

San Jose City , Nueva Ecija

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

l. Layunin:

A. Pangkalahatang Layunin:Nasusuri ang ang bahaging ginagampanan ng pamahalaansa pagtatakda ng presyo.B. Tiyak na Layunin:

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:B.1 naipaliliwanag ang bahaging gingampanan ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo; atB.2 naipapakita ang pagiging isang mabuti at matalinong mamimili.

II.Nilalaman:

A. Paksa: Pagtatakda ng PresyoB.Yunit: IIC.Sanggunian: Ekonomiks, SD Publishing Inc.,2000 ni Evelina M. Viloria, et al., Pahina 180-187

PSSLC 1.11, 1.17D.Kagamitan :Larawan at Visual Aid

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain1.Pagbabalik –Aral

a.Paano nanghihimasok ang pamahalaan sa pamilihan ?2.Pagganyak

Ipakita ang larawan at ipabasa ang mga nakasulat dito. Hayaang makabuo ng kaisipan o konsepto ang mga mag-aaral sa ipinapahayag ng larawan.

Gabay na Tanong:a. Ano ang nais ipahayag ng larawan ?b. Sa inyong palagay , Kailan ito nagaganap?c. Bakit ginagawa ito ng mga kinauukulan?

B.Paglinang na Gawain1.Gamitin ang Concept Cluster upang talakayin ang mga salik sa pagtatakda ng presyo.

Gumamit ng gabay na tanong upang gabayan ang mag-aaral sa talakayan.

1. Ipatalakay ang dalawang uri ng artipisyal na kakapusan at ang epekto nito sa presyo at suplay ng mga produkto sa pamilihan at sa konsyumer ?

2.Hatiin ang mag –aaral para sa pag- uulat para sa mga solusyong ginagawa ng pamahalaan upang kontrolin ng pamahalaan ng presyo sa pamilihan?

3. Ipatalakay sa bawat pangkat ang mga mungkahing maaari nilang maibigay upang maiwasan ang mga dulot ng kalabisan at kakapusan.Ipasulat sa pisara ang mga mungkahi ng bawat pangkat.

Mga salik sa pagtatakda ng

presyoBUWISBLACK MARKET

PAPEL NG PAMAHALAAN SA PAGTATAKDA PRESYO

Anti –profiteering

LawPrice Stabilization

4. Ipasuri ang mga tinala at ipaugnay ito sa pagiging konsyumer / prodyuser. Magdaos ng role playing ang bawat pangkat kaugnay ng kanilang pagiging mabuti/matalinong mamimili.

Rubrik para sa role playing

Criteria Indicator ScoreNilalaman Ebidensya ng kaalaman sa paksang isasadula (15%) ______Presentasyon Ekspresib ang mukha/maganda ang posture(10%) ______Kaakmaan Akma ang palabas sa paksa(15%) ______Tinig Malinaw at malakas(10%) ______

C. Paglalahat

Hayaan at gabayan ang mga mag-aaral kung paano nilulutas ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo dala ng kakulangan at kalabisan ng suplay .

D. Pagpapahalaga

Paano ka makatututulong sa pamahalaan upang makontrol ang pagtaas ng presyo at maiwasan ang maling gingawa ng mga negosyante sa pagpapataas ng presyo ng mga bilihin.

IV. Ebalwasyon

Pumili ng isang gawain o paraang ng pamahalaan upang makontrol ang presyo. Ipaliwanag ito.

V. Kasunduan

Inatasan ka ng magulang mo na pumunta sa palengke upang bumili ng mga kailangan ninyo sa buong linggo. Paano mo gagamitin ang iyong natutunan upang maging mabuti o matalinong kang mamimili.Iulat sa klase ang iyong karanasan.

Constancio Padilla National High School

San Jose City , Nueva Ecija

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

l. Layunin:

A. Pangkalahatang Layunin: Nasusuri ang epekto ng sistema ng pamilihan sa lipunan.B. Tiyak na layunin :

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:B.1 naisaisa ang epekto/ resulta ng sistema ng pamilihan sa lipunan.

II.Nilalaman:A. Paksa: Epekto ng sistema ng pamilihan sa lipunanB.Yunit : IIC.Sanggunian: Ekonomiks, SD Publishing Inc., 2000 ni Evelina M. Viloria, et al., pahina 180-187

PSSLC 1.11, 1.16D.Kagamitan: Visual aid at larawan

III.PamamaraanA.Panimulang Gawain

1. Pagbabalik –Arala. Ano ang pamilihan ?b. Ibigay ang iba’t-ibang anyo ng pamilihan.

2. PagganyakMagpakita ng dalawang larawan ng pamilihan . Isang pamilihan na maraming

nagtitinda at mamimili, at ang isa ay maraming bumibili pero iilan o konti ang nagtitinda.Gabay na tanong :

a. Ano ang konsepto ang nais ipahayag ng larawan ?b. Nangyayari ba ang ganitong sitwasyon sa pamilihan ?

c.Ano ang mangyayari sa demand, suplay at presyo sa mga ganitong sitwasyon B.Paglinang na Gawain

1. Gumamit ng Table Matrix upang maipaliwanag ang epekto sa demand ,suplay , presyo ng mga anyo ng pamilihan.

Anyo ng pamilihan Ganap na kumpetisyon

Monopolyo Oligopolyo Monopolistikong kumpetisyon

Epekto sa demand at suplayResulta sa presyo

2.Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral at gumawa ng role playing. Pabunutin ang bawat grupo at isadula ang mga anyo ng pamilihan na magpapakita ng mga epekto at resulta sa demand , suplay at presyo. Gumamit ng mga pagganyak na mga patalastas upang hikayatin ang mga mamimili.

Rubrik para sa role playing

Criteria Indicator ScoreNilalaman Ebidensya ng kaalaman sa paksang isasadula (15%) _______Presentasyon Ekspresib ang mukha/maganda ang posture(10%) _______Kaakmaan Akma ang palabas sa paksa(15%) _______Tinig Malinaw at malakas(10%) _______

C. PaglalahatHayaang ibuod ng mga mag-aaral ang mga epekto at resulta sa demand ,suplay at presyo ng

mga anyo ng pamilihan.

D. PagpapahalagaBilang isang mag-aaral at konsyumer, ano ang maaari mong gawin upang maibsan ang epektong

dulot mga anyo ng pamilihan ?

IV. Ebalwasyon1. Alin sa mga pamilihang ito ang inaakala mong huwaran ?Pangatwiranan?

V. Kasunduan: Isa kang konsyumer . Gusto mong bumili ng isang tatak ng sabong panlaba. Ang isa ay gawa ng isang

kumpanyang pagmamay-ari ng Pilipino at ang isa ay gawa ng dayuhan. Higit na sikat ang pangalawang produkto. Ngunit kung susuriin mo ay magkatulad lamang ang dalawang produktong ito. Alin ang pipiliin mo? Bakit ?

Sanggunian :

Ekonomiks ni Evelina M. Viloria,

Constancio Padilla National High SchoolSan Jose City , Nueva Ecija

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

l. Layunin:

A. Pangkalahatang Layunin:Natataya ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagsulong ng isang bansa.B. Tiyak na Layunin:

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:B.1 natutukoy ang mga layunin ng industriyalisasyon;B.2 naipapaliwanag ang kaugnayan ng teknolohiya sa industriyalisasyon; atB.3 naipahahayag ang opinyon tungkol sa antas ng teknolohiya sa Pilipinas.

II.Nilalaman:A. Paksa: Industriyalisasyon sa EkonomiyaB.Yunit: IIIC.Sanggunian: Ekonomiks, SD Publishing Inc.,2000 ni Evelina M. Viloria, et al. ,pahina 267-269

PSSLC Bilang III-I.IID.Kagamitan:Larawan ng makabagong teknolohiya at visual aids

III.PamamaraanA.Panimulang Gawain

1. Pagbabalik –Arala.Ano ang mga korporasyong multinasyonal ?b. Ano ang mga kabutihan at di – kabutihan ng mga korporasyong multinasyonal sa bansa ?

2.PagganyakIpakita ang mga larawang may kaugnayan sa makabagong teknolohiya.(makina,

eroplano ,sasakyan,gusali , telepono , Computer , internet, atbp.)

Gabay na tanong:a. Ano ang mga nakikita ninyo ?b.Anu-ano ang mga natuklasan ninyong pagbabago sa teknolohiya?c.Ano kaya ang nag-udyok sa tao upang makaimbento ng mga bagay na ito ?d. Gaano kaya kahalaga ang teknolohiya sa pag-unlad ng bansa ?

B.Paglinang na Gawain1.Maglunsad ng isang malayang talakayan tungkol sa mga sumusunod na tanong:

a.Paano nabubuhay ang mga Pilipino noong wala pang makabagong teknolohiya ?b. Paano tumatakbo ang industriya?c.Ano kaya ang mga suliraning natugunan ngayon ng makabagong teknolohiya?

2. Gamitin ang worksheet upang maipakita ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagsulong ng bansa.

Worksheet sa Pag-unlad ng TeknolohiyaTeknolohiya kahalagahan

Fax Machine

Telepono

Eroplano

Computer

Internet 3.Pangkatin sa dalawa ang mga mag-aaral . Ang unang pangkat ay gagawa ng role play na gumagamit ng makabagong teknolohiya.4. Ang ikalawang grupo ay manonood at hayaang mapuna ang kabutihang dulot kung gagamit ng makabagong teknolohiya sa industriyalisasyon.

C. PaglalahatHayaan at gabayan ang mga mag –aaral na ibuod kung ano ang bahaging ginagampanan ng

teknolohiya sa pagsulong ng ekonomiya.

D. PagpapahalagaKailan hindi mabuti ang dulot ng makabagong teknolohiya?

IV. EbalwasyonPanuto:Dugtungan ang sumusunod na parirala.

1.Para sa akin ang parirala ay ____________.2.Mabilis na susulong ang ekonomiya kung ____________.3.Ang industriyalisasyon ay nagpapalago ng ekonomiya dahil_________.4.Ang maaaring suliranin na dulot ng teknolohiya sa hinaharap ay _________.5. Mahirap mabuhay kung wala ang _________ na ginagamit sa pakikipagtalastasan.

V.Takdang AralinPanuto : Magsaliksik tungkol sa mga nakaimbento ng

1. Kompyuter2.Fax Machine3.Telepono4.Internet5.E- mail

Sanggunian :Internet

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IVInihanda ni G. Arnold G. Onia, Teacher 1

I. LAYUNINA. PANLAHATII.C.2.22 Natutukoy ang dahilan at epekto ng implasyon.

B. TIYAK1. Naiisa-isa ang mga dahilan ng implasyon;2. Naibibigay ang mga epekto ng implasyon;

II. NILALAMANA. PAKSA : Mga Dahilan at Epekto ng Implasyon B. YUNIT : Pagsusuri ng Ekonomiya - Kabanata 10: MakroekonomiksC. SANGGUNIAN : Batayang Aklat: Ekonomiks; Yunit II Kabanata 10 : Makroekonomiks –

Implasyon, pahina 214-216, Project EASE Modyul 9D. MGA KAGAMITAN: Batayang Aklat, Tsalk, Pisara, Prediksyon Chart, sobre na

naglalaman ng mga pahuhulaang salita, timer o stop watch, summarized lesson, mga basket, samut-saring mga panindang mayroong tag price,baro’t saya, head band, alampay, pamaypay, rubrics

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain

1. Maikling Panalangin2. Pagtse-tsek ng attendance3. Balitaan

Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng balitaan. Handa na ba kayo? (Babasahin ng mga bata ang balita). Pagtalakay sa mga balita

4. Balik-aral sa pamamagitan ng laro (Pantomime) Maglalaro tayo ng Pantomime. Bubuo tayo ng apat na grupo. Sa bawat grupo, pipili kayo kung

sino ang magpapahula o aaksyon at ang natitirang miyembro ng grupo ang manghuhula. Bubunot dito sa sobreng ito ang magpapahula at iaaksyon sa harap ang salita o grupo ng mga salita na hindi

gumamgamit ng salita. Kung sinong grupo ang pinakamabilis na makakahula sa pinahuhulaan, siya ang mananalo. Maliwanag ba?

(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng paligsahan.)Bago tayo magsimula, anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos ang ating laro?

Mga pahuhulaang salita:1. GNP2. GDP3. Pambansang Kita4. Growth Rate

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Tayo ay maglalaro ng pamamalengke. Bubuo tayo ng tatlong grupo na mayroong tig-tatatlong miyembro na panay lalaki. Ang bawat grupo ay bibigyan ng badyet, upang bilhin ang mga panindang nasa basket sa harapan na mayroong tag price. Paramihan ang bawat grupo ng bilang ng mabibiling produkto na dapat ay pasok sa badyet. Pero bago mamimili, kailangan munang isuot ng mga kalahok ang baro’t saya, alampay, headband at lalakad pakembot-kembot papunta sa harap hawak ang pamaypay at basket, pagtapos ay kukuha ng isang paninda, babalik sa linya, maghuhubad at makiki-aapir sa kamiyembro, para ang susunod naman na miyembro ang gagawa ng ginawa ng nauna. Kung sino ang mayroong pinakamaraming nabiling paninda sa loob ng limang minute, sila ang mananalo. May mga katunungan ba?

(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng paligsahan.)Bago tayo magsimula, anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos ang ating laro?

2. Pagbuo ng suliraninAnu-ano ba ang inyong mga natutunan sa ating laro? (Mga inaasahang kasagutan: Mahirap

mamimili lalo na kung kulang ang badyet; matataas ang presyo ng mga bilihin kaya hindi nagkakasya ang badyet; kokonti lang ang panindang mabibili dahil mataas ang presyo.) Ang ating nilaro ay mayroong kinalaman sa ating aralin ngayon – ang mga dahilan at epekto ng implasyon. Base sa ating mga naunang aralin, anon a nga ang implasyon? (Tatawag ng mag-aaral upang malaman ang tamang sagot). Ngayon naman, pag-aralan natin ang mga dahilan at epekto ng implasyon. Anu-ano nga ba ang mga dahilan ng implasyon? Anu-ano naman ang epekto ng mga ito?

3. Pagbibigay hinuhaSubukan naman natin ngayong sagutin ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng

ating hinuha. Sa paggawa ng hinuha, anu-anong mga salita ang maaring gamitin? (Sa tingin ko po…. Sa palagay ko po….Siguro po……) Magbigay nga kayo ng sagot at isulat ito sa ating Prediksyon Chart.

Prediksyon Chart

Mga Tanong Hula Tamang Sagot

1. Anu-ano ang mga dahilan ng implasyon?

(Tatanggapin lahat at isulat dito ang mga sagot)

(Ibabase ang tamang sagot sa "Summarized

Lesson")2. Anu-ano ang mga epekto ng implasyon?

4. PaglalahadAlamin nga natin kung tama ang inyong mga ibinigay na hinuha. (Ipapamahagi ang “Summarized

Lesson” at hahayaang basahin ito ng mga mag-aaral sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos, tumawag isa-isa ng mga mag-aaral upang sagutin ang mga tanong sa prediksyon chart).

5. Pangkatang gawainUpang lalo nating maintindihan ang mga ito, tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain.

Hahatiin natin ang klase sa apat at kayo ang pipili ng inyong lider na mangunguna sa ating gawain(Bubuo ng apat na pangkat ang mga mag-aaral). Ang bawat grupo ay magsasagawa ng pagsasaliksik.

(Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa) Bago natin simulan ang ating pangkatang gawain, anu-ano ang mga pamantayang dapat sundin?Pangkat 1 – Magsasaliksik tungkol sa mga dahilan ng implasyonPangkat 2 – Magsasaliksik tungkol sa mgaepekto ng implasyonPangkat 3 – Guguhit ng poster tungkol sa mga dahilan ng implasyonPangkat 4 – Guguhit ng poster tungkol sa mga epekto ng implasyon

6. Pag-uulatNgayon, simulan natin ang pag-uulat. (Ang mga lider ay pupunta isa-isa sa harapan at

ipapaliwang ang kanilang nasaliksik.)

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat

Anu-ano ang mga dahilan at epekto ng implasyon?

2. PagpapahalagaSa iyong palagay, ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng

mga pangunahing bilihin? Pangatwiranan.

IV. EBALWASYONIsulat sa papel ang mga dahilan at epekto ng implasyon.

V. TAKDANG ARALIN1. Ano ang ibig sabihin ng Patakarang Piskal?2. Ano ang buwis?3. Saan napupunta ang buwis?

Sanggunian: Batayang Aklat : Ekonomiks IV (pahina 216-219)

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IVInihanda ni G. Arnold G. Onia, Teacher 1

I. LAYUNINC. PANLAHATI.G.1.22 Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa matalinong paggamit ng mga ito.

D. TIYAK3. Natutukoy na ang kakayahang entreprenyur ay isang salik ng produksyon;4. Nauunawaan ang kahulugan ng “entrepreneurship”bilang salik ng produksyon;5. Naipaliliwanag ang mga katangian ng Entreprenyur at kahalagahan nito bilang batayan sa matalinong

paggamit nito.

II. NILALAMANE. PAKSA : Ang Kakayahang Entreprenyur Bilang Salik ng Produksyon F. YUNIT : Mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks - Kabanata 8: ProduksyonG. SANGGUNIAN : Batayang Aklat: Ekonomiks; Yunit 1 Kabanata 8 : Produksyon,

pahina 149-152, Project EASE Modyul 4H. MGA KAGAMITAN: Batayang Aklat, Tsalk, Pisara, Prediksyon Chart, sobre na

naglalaman ng mga pahuhulaang salita, timer o stop watch, summarized lesson, mga kahon, samut-saring mga pandesign, rubrics

III. PAMAMARAAND. Panimulang Gawain

5. Maikling Panalangin6. Pagtse-tsek ng attendance7. Balitaan

Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng balitaan. Handa na ba kayo? (Babasahin ng mga bata ang balita). Pagtalakay sa mga balita

8. Balik-aral sa pamamagitan ng laro (Pantomime) Maglalaro tayo ng Pantomime. Bubuo tayo ng apat na grupo. Sa bawat grupo, pipili kayo kung

sino ang magpapahula o aaksyon at ang natitirang miyembro ng grupo ang manghuhula. Bubunot ditto sa sobreng ito ang magpapahula at iaaksyon sa harap ang salita o grupo ng mga salita na hindi gumamgamit ng salita. Kung sinong grupo ang pinakamabilis na makakahula sa pinahuhulaan, siya ang mananalo. Maliwanag ba?

(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng paligsahan.)Bago tayo magsimula, anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos ang ating laro?

Mga pahuhulaang salita:5. Isahang pag-mamay-ari6. Sosyohan7. Korporasyon8. Kooperatiba

E. Panlinang na Gawain

7. Pagganyak Nakikita na ninyo ang mga apat na kahong ito?. Ipagpalagay natin isa itong produktong

ibebenta. Gamitin ang inyong imahinasyon at mga bagay-bagay sa ating paligid upang bihisan ito at maging kaakit-akit. Tulad na dati, hahatiin natin ang klase sa apat na grupo at magpapaligsahan ang bawat grupo sa paggawa. May mga katunungan ba?

(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng paligsahan.)Bago tayo magsimula, anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos ang ating laro?

8. Pagbuo ng suliraninAnu-ano ba ang inyong mga natutunan sa ating laro? (Mga inaasahang kasagutan: Mas maganda

ang produkto, mas maibebenta ito na mas mahal; hindi kailannan ng mga mahal na materyales upang pagandahin ang isang produkto, kailangan lang malawak ang imahinasyon.) An gating ginawa ay mayroong kinalaman sa ating aralin ngayon – ang kakyahang entreprenyur bilang salik ng produksyon. Base sa ating mga naunang aralin, sino na nga ang isang entreprenyur? (Tatawag ng mag-aaral upang malaman ang tamang sagot). Ngayon naman, pag-aralan natin ang iba’t ibang katangian ng isang entreprenyur. Anu-ano nga ba ang mga katangian ng isang entreprenyur at ano ang kahalagahan nito?

9. Pagbibigay hinuhaSubukan naman natin ngayong sagutin ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng

ating hinuha. Sa paggawa ng hinuha, anu-anong mga salita ang maaring gamitin? (Sa tingin ko po…. Sa palagay ko po….Siguro po……) Magbigay nga kayo ng sagot at isulat ito sa ating Prediksyon Chart.

Prediksyon Chart

Mga Tanong Hula Tamang Sagot

1. Anu-ano ang mga katangian ng isang entreprenyur?

(Tatanggapin lahat at isulat dito ang mga sagot)

(Ibabase ang tamang sagot sa "Summarized

Lesson")2. Ano ang kahalagahan ng mga katangian na ito?

10. PaglalahadAlamin nga natin kung tama ang inyong mga ibinigay na hinuha. (Ipapamahagi ang “Summarized

Lesson” at hahayaang basahin ito ng mga mag-aaral sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos, tumawag isa-isa ng mga mag-aaral upang sagutin ang mga tanong sa prediksyon chart).

11. Pangkatang gawainUpang lalo nating maintindihan ang mga ito, tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain.

Hahatiin natin ang klase sa apat at kayo ang pipili ng inyong lider na mangunguna sa ating gawain(Bubuo ng apat na pangkat ang mga mag-aaral). Ang bawat grupo ay magsasagawa ng pagsasaliksik.

(Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa) Bago natin simulan ang ating pangkatang gawain, anu-ano ang mga pamantayang dapat sundin?Pangkat 1 – Magsasaliksik tungkol sa mga kilalang entreprenyur sa bansaPangkat 2 – Magsasaliksik tungkol sa katangian ng mga kilalang entreprenyur sa bansaPangkat 3 – Magsasaliksik tungkol sa matagumpay na negosyo ng mga kilalang

entreprenyur sa bansa

Pangkat 4 – Makipanayam sa mga nagmamayari ng mga canteen sa ating paaralan at alamin ang kanilang mga panuntunan sa kanilang pagnenegosyo

12. Pag-uulatNgayon, simulan natin ang pag-uulat. (Ang mga lider ay pupunta isa-isa sa harapan at

ipapaliwang ang kanilang nasaliksik.)

F. Pangwakas na Gawain3. Paglalahat

Anu-ano ang mga katangian ng isang entreprenyur? Bakit mahalaga ang mga ito?

4. PagpapahalagaSa iyong palagay, ano ang mas maganda, mamasukan o maging entreprenyur? Pangatwiranan.

IV. EBALWASYONPumili ng isa sa apat na uri ng organisasyon ng negosyo sa Pilipinas at sa pamamagitan ng lima hanggang

sampu sa inyong sariling pangungusap, ipaliwang ang buti nito.

V. KASUNDUANBalikan ang ating mga napag-aralan tungkol sa mga salik ng produksyon at magkakaroon tayo ng

Kabanatang Pagsusulit sa susunod na araw. Sanggunian: Batayang Aklat : Ekonomiks IV (pahina 126-152)

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IVInihanda ni G. Arnold G. Onia, Teacher 1

I. LAYUNINE. PANLAHATI.G.1.22 Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa matalinong paggamit ng mga ito.F. TIYAK6. Natutukoy na ang kapital o puhunan ay isang salik ng produksyon;7. Nauunawaan ang kahulugan ng kapital o puhunan bilang salik ng produksyon;8. Nauunawaan ang iba’t ibang organisasyon ng negosyo sa Pilipinas base sa pamumuhunan;9. Naipaliliwanag ang matalinong paggamit ng kapital o puhunan bilang salik ng produksyon.

II. NILALAMANI. PAKSA : Kapital o Puhunan Bilang Salik ng Produksyon J. YUNIT : Mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks - Kabanata 8: ProduksyonK. SANGGUNIAN : Batayang Aklat: Ekonomiks; Yunit 1 Kabanata 8 : Produksyon,

pahina 139-149, Project EASE Modyul 4L. MGA KAGAMITAN: Batayang Aklat, Tsalk, Pisara, Tsart, Prediksyon Chart, Plastic Bottle na

naglalaman ng mga pangalan ng mga mag-aaral na nakasulat sa maliliit na papel, summarized lesson, roleta, rubrics

III. PAMAMARAANG. Panimulang Gawain

9. Maikling Panalangin10. Pagtse-tsek ng attendance11. Balitaan

Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng balitaan. Handa na ba kayo? (Babasahin ng mga bata ang balita). Pagtalakay sa mga balita

12. Balik-aral sa pamamagitan ng laro (Roleta ng Katanungan)

Tayo ngayon ay nasa Wowowie at maglalaro tayo ng “Roleta ng Katanungan.” Mayroon tayong roleta s aharapan na may mga nakasulat na mga katanungan base sa ating aralin kahapon. Bubunot ako ng pangalan mula sa aking Magic Bottle, at ang mabubunot ay pupunta sa harapan, magpapaikot ng roleta at sasagutin ang tanong na ituturo ng roleta. Maliwanag ba?

(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng paligsahan.)Bago tayo magsimula, anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos ang ating laro?

Magbigay ng isang dahilan ng kawalan ng trabaho

Ano ang minimum wage?

Ano ang CBA?

Ano ang ibig sabihin ng Sahod?Magbigay ng isang Teorya ng Pasahod

Magbigay ng isang benepisyo ng mang-

gagawa

Magbigay ng isang uri ng paggawa

Magbigay ng isang uri ng pasahod

Roleta ng Katanungan

H. Panlinang na Gawain13. Pagganyak

Maglalaro tayo ng Bato-Bato Pick. Bibigyan ko ang bawat isa ng isang laruang perang papel. Hahanap ang bawat isa ng kapareha at magbabato-bato pick. Kukunin ng mananalo ang perang papel ng matatalo, pipili uli ng bagong kapareha hanggang sa isa na lamang sa inyo ang may hawak lahat ng laruang perang papel. Maliwanag ba?

(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng paligsahan.)Bago tayo magsimula, anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos ang ating laro?

14. Pagbuo ng suliraninAnu-ano ba ang inyong mga natutunan sa ating laro? (Mga inaasahang kasagutan: Pera ang

ginagamit na kapital sa pagpapatakbo ng negosyo; Mas maraming pera, mas malaking negosyo ang maitatayo; Maaaring pagsama-samahin ang pera ng mga tao para magkaroon ng mas maraming kapital.) Ngayon naman, pag-aralan natin ang iba’t ibang organisasyon ng negosyo sa Pilipinas. Anu-ano nga ba ang iba’t ibang organisasyon ng negosyo sa Pilipinas?

15. Pagbibigay hinuhaSubukan naman natin ngayong sagutin ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng

ating hinuha. Sa paggawa ng hinuha, anu-anong mga salita ang maaring gamitin? (Sa tingin ko po…. Sa palagay ko po….Siguro po……) Magbigay nga kayo ng sagot at isulat ito sa ating Prediksyon Chart.

Prediksyon Chart

Mga Tanong Hula Tamang Sagot

1. Anu-ano ang mga iba't ibang organisasyon ng negosyo sa Pilipinas?

(Tatanggapin lahat at isulat dito ang mga sagot)

(Ibabase ang tamang sagot sa "Summarized

Lesson")

16. PaglalahadAlamin nga natin kung tama ang inyong mga ibinigay na hinuha. (Ipapamahagi ang “Summarized

Lesson” at hahayaang basahin ito ng mga mag-aaral sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos, tumawag isa-isa ng mga mag-aaral upang sagutin ang mga tanong sa prediksyon chart).

17. Pangkatang gawainUpang lalo nating maintindihan ang mga ito, tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain.

Hahatiin natin ang klase sa apat at kayo ang pipili ng inyong lider na mangunguna sa ating gawain(Bubuo ng apat na pangkat ang mga mag-aaral). Ang bawat grupo ay magsasagawa ng pagsasaliksik.

(Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa) Bago natin simulan ang ating pangkatang gawain, anu-ano ang mga pamantayang dapat sundin?

Pangkat 1 – Isadula ang pagtatatag ng Isahang Pagmamay-ariPangkat 2 – Isadula ang pagbuo ng SosyohanPangkat 3 – Isadula ang pagtatatag ng KorporasyonPangkat 4 – Isadula ang pagtatatag ng Kooperatiba

18. Pag-uulatNgayon, simulan natin ang pag-uulat. (Ang mga lider ay pupunta isa-isa sa harapan at

ipapaliwang ang kanilang nasaliksik.)

I. Pangwakas na Gawain5. Paglalahat

Batay sa ating napag-aralan, papaano natin magagamit ng matalino ang kapital o puhunan bilang salik ng produksyon?6. Pagpapahalaga

Papaano natin hihikayatin ang mga karaniwang mamamayan na magtayo ng kooperatiba upang maiangat ang kanilang kita?

IV. EBALWASYONPumili ng isa sa apat na uri ng organisasyon ng negosyo sa Pilipinas at sa pamamagitan ng lima hanggang

sampu sa inyong sariling pangungusap, ipaliwang ang buti nito.

V. KASUNDUANIpagpatuloy ang pag-aaral sa mga salik ng produksyon, partikular ang kakayahan ng entreprenyur at ang

gamit nito sa produksyon. Sanggunian: Batayang Aklat : Ekonomiks IV (pahina 149-152)

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IVInihanda ni G. Arnold G. Onia, Teacher 1, CPNHS

I. LAYUNING. PANLAHATPSSLC I.G.1.22 Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa matalinong paggamit ng mga ito.H. TIYAK10. Natutukoy na ang lakas-paggawa ay isang salik ng produksyon;11. Nauunawaan ang kahulugan ng lakas-paggawa bilang salik ng produksyon;12. Nauunawaan ang ibang mga probisyon ng Kodigo ng Paggawa ng Pilipinas;13. Naipaliliwanag ang matalinong paggamit ng lakas-paggawa bilang salik ng produksyon.

II. NILALAMANM. PAKSA : Lakas-Paggawa Bilang Salik ng Produksyon N. YUNIT : Mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks - Kabanata 8: ProduksyonO. SANGGUNIAN : PLSSC, Batayang Aklat: Ekonomiks; Yunit 1 Kabanata 8 : Produksyon,

pahina 130-139, Project EASE Modyul 4P. MGA KAGAMITAN: Batayang Aklat, Tsalk, Pisara, Tsart, Prediksyon Chart, Plastic Bottle na

naglalaman ng mga pangalan ng mga mag-aaral na nakasulat sa maliliit na papel, summarized lesson, audio-player o cellphone, rubrics

III. PAMAMARAANJ. Panimulang Gawain

13. Maikling Panalangin14. Pagtse-tsek ng attendance15. Balitaan

Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng balitaan. Handa na ba kayo? (Babasahin ng mga bata ang balita). Maikling pagtalakay sa mga balita.

16. Balik-aral sa pamamagitan ng laro (Pasa-Pasang Ballpen)Ating pagbalik-aralan ang mga nakaraang aralin. Anu-ano na nga muli ang iba’t ibang uri at gamit

ng lupa bilang salik ng produksyon. Gawin natin ang larong “Pasa-Pasang Ballpen,” alam ba ninyong laruin ito. Ganito ang pag-lalaro nito. Sasabayan natin ang kantang “Whoops Carry“ habang ipinapasa-pasa ang “mahiwagang” ballpen na ito. Kapag huminto ang tugtog, kung sino ang may hawak ng ballpen, siya ay bubunot at sasagutin ang tanong sa sobreng ito. Maliwanag ba?

(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng paligsahan.)Anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos ang ating gawain?

Mga tanong:1. Lupang ginagamit sa pag-aalaga ng mga isda?2. Lupang kinatitirikan ng mga subdibisyon?3. Pakinabang ng may-ari sa kanyang lupa?4. Batas na nagtatakda sa pagtaas sa renta?

K. Panlinang na Gawain

19. Pagganyak Halimbawa, tayo ay nasa Eat Bulaga at ang portion ay “Litlle Miss Philippines” o kaya ay “Little

Mr. Pogi.” Nanonood ba kayo ng Eat Bulaga? Alam ba ninyo iyong mga portion na iyon? Halimbawa kayo iyong mga kalahok. Tatanungin ko kayo isa-isa kung ano ang gusto ninyo paglaki. Bubunot ako ng pangalan sa aking Magic Bottle (na naglalaman ng mga pangalan ng mga mag-aaral). Tatayo kayo kapag nabunot ang inyong panganlan at sasagutin ang tanong na “Ano ang gusto mo paglaki mo at bakit?” Maliwanag ba?

20. Pagbuo ng suliraninBakit ba natin inaalam ang gusto ninyong maging paglaki ninyo? Kasi ang pag-aarlan natin

ngayon ay tungkol sa lakas paggawa bilang salik ng produksyon. Ano na nga muli ang ibig sabihin ng lakas-paggawa? (Tatawag ng mag-aaral upang ibigay ang kahulagan ng lupa bilang salik ng produksyon). Ngayon naman, pag-aralan natin ang lakas-paggawa. Sasagutin natin ang mga sumusnod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga uri ng paggawa?2. Ano ang sahod at batayan nito?3. Ano ang Kodigo ng Paggawa ng Pilipinas?4. Anu-ano ang mga probisyon na Kodigo ng Paggawa ng Pilipinas na mayroong kinalaman sa

lakas-paggawa?

21. Pagbibigay hinuhaSubukan naman natin ngayong sagutin ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng

ating hinuha. Sa paggawa ng hinuha, anu-anong mga salita ang maaring gamitin? (Sa tingin ko po…. Sa palagay ko po….Siguro po……) Magbigay nga kayo ng sagot at isulat ito sa ating Prediksyon Chart.

Prediksyon Chart

Mga Tanong Hula Tamang Sagot

1. Anu-ano ang mga uri ng paggawa?

(Tatanggapin lahat at isulat dito ang mga sagot)

(Ibabase ang tamang sagot sa nakahandang

chart)

2. Ano ang sahod at batayan nito?

3. Ano ang Kodigo nga Paggawa ng Pilipinas?

4. Anu-ano ang mga probisyon ng Kodigo ng Paggawa ng Pilipinas na may kinalaman sa lakas-paggawa?

22. PaglalahadAlamin nga natin kung tama ang inyong mga ibinigay na hinuha. (Ipapamahagi ang “Summarized

Lesson” at hahayaang basahin ito ng mga mag-aaral sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos, tumawag isa-isa ng mga mag-aaral upang sagutin ang mga tanong sa prediksyon chart).

23. Pangkatang gawain

Upang lalo nating maintindihan ang mga ito, tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain. Hahatiin natin ang klase sa apat at kayo ang pipili ng inyong lider na mangunguna sa ating gawain(Bubuo ng apat na pangkat ang mga mag-aaral). Ang bawat grupo ay magsasagawa ng pagsasaliksik.

(Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa) Bago natin simulan ang ating pangkatang gawain, anu-ano ang mga pamantayang dapat sundin?

Pangkat 1 – Magsasaliksik tungkol sa uri ng sahodPangkat 2 – Magsasaliksik tungkol sa mga teorya o batayan ng pasahodPangkat 3 – Magsasaliksik tungkol sa mga probisyon ng Kodigo ng Paggawa tungkol sa lakas-

paggawaPangkat 4 – Magsasaliksik tungkol sa Law of Demand and Supply ng lakas-paggawa at mga

dahilan ng kawalan ng trabaho

24. Pag-uulatNgayon, simulan natin ang pag-uulat. (Ang mga lider ay pupunta isa-isa sa harapan at

ipapaliwang ang kanilang nasaliksik.)

L. Pangwakas na Gawain7. Paglalahat

Batay sa ating napag-aralan, papaano natin magagamit ng matalino ang lakas-paggawa bilang salik ng produksyon?

8. PagpapahalagaNaniniwala ka ba na ang mga kurso sa kolehiyo ay tumutugon sa pangangailangan ng lakas-paggawa

ng bansa? Pangatwiranan.

IV. EBALWASYONIbigay/isulat ang tamang sagot:

1. Ano ang painakamahalagang salik ng produksyon?2. Ano ang pinakamababang sahod na dapat tanggapin ng mga manggagawa sa mga pabrika?3. Ano ang kalipunan ng mga batas sa Pilipinas nagbibigay proteksyon sa lakas-paggawa? 4. Ano ang uri ng paggawa na gumagamit ng kakayahan sa pangangatwiran at pagsusuri?5. Ano ang kabayarang tinatanggap ng mga manggagawa kapalit ng kanilang serbisyo?

V. KASUNDUANIpagpatuloy ang pag-aaral sa mga salik ng produksyon, partikular ang kapital o puhunan at ang gamit

nito sa produksyon. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:1. Sino ang isang entrepreneur?2. Anu-ano ang mga katangian ng isang entrepreneur?3. Bakit mahalaga ang entrepreneur sa paglago ng isang bansa?

Sanggunian: Batayang Aklat : Ekonomiks IV (pahina 139-149)

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IVInihanda ni G. Arnold G. Onia, Teacher 1

I. LAYUNINI. PANLAHATI.G.1.22 Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa matalinong paggamit ng mga ito.J. TIYAK14. Natutukoy na ang lupa ay isang salik ng produksyon;15. Nauunawaan ang kahulugan ng lupa bilang salik ng produksyon;16. Naipaliliwanag ang matalinong paggamit ng lupa bilang salik ng produksyon.

II. NILALAMANQ. PAKSA : Lupa Bilang Salik ng Produksyon R. YUNIT : Mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks - Kabanata 8: ProduksyonS. SANGGUNIAN : Batayang Aklat: Ekonomiks; Yunit 1 Kabanata 8 : Produksyon,

pahina 129-130, Project EASE Modyul 4T. MGA KAGAMITAN: Batayang Aklat, Tsalk, Pisara, Tsart, Prediksyon Chart, buzzer,

illustration board, lapis, ruler, krayola, colored at marker pens, rubrics,mga pampremyo (optional)

III. PAMAMARAANM. Panimulang Gawain

17. Maikling Panalangin18. Pagtse-tsek ng attendance19. Balitaan

Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng balitaan. Handa na ba kayo? (Babasahin ng mga bata ang balita). Pagtalakay sa mga balita

20. Balik-aral sa pamamagitan ng laro (Quiz Bee)Ating pagbalik-aralan ang mga nakaraang aralin. Anu-ano na nga muli ang iba’t ibang anyo ng

produksyon? Gusto nyo bang magkaroon tayo ng paligsahan? Kailangan ko ng tatlong pangkat na may tig-limang miyembro. Bawat isa sa lima ay isa-isang magtatagisan ng galling dito sa unahan gamit ang mga buzzer na ito. Ang unang nakapindot sa buzzer ang siyang bibigyan ng pagkakataong sumagot at kung mali ang unag sagot, mabibigyan ng pagkakataon ang kinatawan ng una at ikatlong grupo. Ang grupong unang makakakuha ng tatlong puntos ang siyang tatanghaling panalo.

(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng paligsahan.)Anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos an gating paligsahan?

Mga tanong:a. sumasaklaw sa lahat ng orihinal at lahat ng hindi mapapalitang yaman ng kalikasan?b. Ang pera, makinarya, gusaling pang-imprastraktura na ginagamit ng kompanya?c. Taong gumagawa ng paraan upang pagsama-samahin ang mga salik ng produksyon?d. Ang lakas ng tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng kapakipakinabang na bagay?

N. Panlinang na Gawain

Gamit ng lupa:1. Pagsasaka2. Pabahay3. Pagtatayuan ng mga opisina4. Pagawaan5. Paaralan6. At iba pa

Mga uri ng lupa:1. Agrikultural2. Pastulan3. Residensyal4. Kumersyal5. Indastriyal6. Palaisdaan7. Kagubatan8. Minahan

25. Pagganyak Alamin nga natin kung saang lugar kayo nakatira. Itaas ang kamay at mag-wave ang mga

nakatira sa bukid o rural areas. Tumayo naman at mag-inat-inat ang mga nakatira sa bayan o urban areas, mukha kasi kayong inaantok. Mag-fashion show naman sa harap ang mga sosyal na taga-subdivision. Papatalo ba naman iyong mga nangungupahan o may-ari ng ng mga apartment? Mag-catwalk naman kayo diyan sa mga pasilyo.

26. Pagbuo ng suliraninGising na ba kayo? Siguro naman ay mayroon na kayong ideya sa ating bagong aralin ngayon –

ito ay lupa bilang salik ng produksyon. Ano na nga muli ang ibig sabihin ng lupa? (Tatawag ng mag-aaral upang ibigay ang kahulagan ng lupa bilang salik ng produksyon). Ngayon naman, pag-aralan natin ang iba’t ibang uri ng lupa at ang mga gamit nito. Sasagutin natin ang mga tanong na Anu-ano ang uri ng lupa at anu-ano ang gamit ng mga ito?

27. Pagbibigay hinuhaSubukan naman natin ngayong sagutin ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng

ating hinuha. Sa paggawa ng hinuha, anu-anong mga salita ang maaring gamitin? (Sa tingin ko po…. Sa palagay ko po….Siguro po……) Magbigay nga kayo ng sagot at isulat ito sa ating Prediksyon Chart.

Prediksyon Chart

Mga Tanong Hula Tamang Sagot

4. Ano ang Rent Control Law?

1. Anu-ano ang mga uri ng lupa?

(Tatanggapin lahat at isulat dito ang mga sagot)

(Ibabase ang tamang sagot sa nakahandang

chart)

2. Anu-ano ang gamit ng mga ito?

3. Ano ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito na nagtatakda ng kita?

28. PaglalahadAlamin nga natin kung tama ang inyong mga ibinigay na hinuha. (Tumawag isa-isa ng mga mag-

aaral upang basahin ang kahulugan ng mga salik ng produksyon na nakasulat sa chart).

RENT CONTROL LAW (Batas Pambansa Blg. 877) – ang batas na nagpipigil sa pagtaas ng upa ng lupa. Ang patakaran sa buwanang upa (monthly rental) at sukdulang dagdag (maximum increase) ang isa sa mga mahalagang isinasaad ng batas na ito. Simula December 31, 1997, 30% kada taon ang maximum increase o pinakamataas na dagdag sa renta o upa.

UPA o RENTA – ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito na nagtatakda ng kita. Ang mga layunin sa paggamit ng lupa at ang laki ng lupang magagamit ang nagpapasya sa pangangailangan ng lupa.

URI NG UPA o RENTA:1. PANG- KUMERSYAL NA UPA – nababatay sa isang pasalita o nakasulat na kasunduan. Halimbawa ay Upa sa Bahay, Palengke at Opisina.2. RENTANG PANG-EKONOMIYA – ang upa sa lupang walang binago, walang gusali, patubig, pilapil at iba pa.

29. Pangkatang gawainUpang lalo nating maintindihan ang mga ito, tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain.

Hahatiin natin ang klase sa apat at kayo ang pipili ng inyong lider na mangunguna sa ating gawain(Bubuo ng apat na pangkat ang mga mag-aaral). Ang bawat grupo ay magsasagawa ng pagsasaliksik. Buksan ang inyong batayang aklat sa Ekonomiks, ang Project Ease Modyul 4 at iba pang babasahin. Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para sa inyong pagsasaliksik.

(Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa) Bago natin simulan ang ating pangkatang gawain, anu-ano ang mga pamantayang dapat sundin?

Pangkat 1 – Magsasaliksik tungkol sa uri ng lupa Pangkat 2 – Magsasaliksik tungkol sa gamit ng lupa Pangkat 3 – Magsasaliksik tungkol sa upa o rentaPangkat 4 – Magsasaliksik tungkol sa Rent Control Law

30. Pag-uulatNgayon, simulan natin ang pag-uulat. (Ang mga lider ay pupunta isa-isa sa harapan at

ipapaliwang ang kanilang nasaliksik.)O. Pangwakas na Gawain

9. PaglalahatBatay sa ating napag-aralan, papaano natin magagamit ng matalino ang lupa bilang salik ng

produksyon?

10. Pagpapahalaga

Pabor ba kayo sa pagko-konvert ng mga lupang sakahan upang gawing subdibisyon? Pangatwiranan.

IV. EBALWASYONGumawa ng lima hanggang sampung pangungusap na sanaysay na nagpapakita ng matalinong paggamit sa lupa bilang salik ng produksyon.

V. KASUNDUANIpagpatuloy ang pag-aaral sa mga salik ng produksyon, partikular ang lakas-paggawa at ang gamit nito sa

produksyon. Maghanda para sa isang debate sa usaping “Dapat bang itaas ang kasalukuyang Minimum na Sahod ng Mga Manggawa.”

Sanggunian: Batayang Aklat : Ekonomiks IV (pahina 130-139)

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IVInihanda ni G. Arnold G. Onia, Teacher 1

I. LAYUNINK. PANLAHATI.G.1.22 Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa matalinong paggamit ng mga ito.L. TIYAK17. Naiisa-isa apat na salik ng produksyon;18. Natutukoy ang kahulugan ng mga salik ng produksyon.

II. NILALAMANU. PAKSA : Mga Salik ng Produksyon V. YUNIT : Mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks - Kabanata 8: ProduksyonW. SANGGUNIAN : Batayang Aklat: Ekonomiks; Yunit 1 Kabanata 8 : Produksyon,

pahina 129-152, Project EASE Modyul 4X. MGA KAGAMITAN: Batayang Aklat, Tsalk, Pisara, Tsart, Prediksyon Chart, buzzer,

illustration board, lapis, ruler, krayola, colored at marker pens, rubrics,mga pampremyo (optional)

III. PAMAMARAANP. Panimulang Gawain

21. Maikling Panalangin22. Pagtse-tsek ng attendance23. Balitaan

Simulan natin ang ating aralin sa pamamagitan ng balitaan. Handa na ba kayo? (Babasahin ng mga bata ang balita). Pagtalakay sa mga balita

24. Balik-aral sa pamamagitan ng laro (Quiz Bee)Ating pagbalik-aralan ang mga nakaraang aralin. Anu-ano na nga muli ang iba’t ibang anyo ng

produksyon? Gusto nyo bang magkaroon tayo ng paligsahan? Kailangan ko ng tatlong pangkat na may tig-limang miyembro. Bawat isa sa lima ay isa-isang magtatagisan ng galling dito sa unahan gamit ang mga buzzer na ito. Ang unang nakapindot sa buzzer ang siyang bibigyan ng pagkakataong sumagot at kung mali ang unag sagot, mabibigyan ng pagkakataon ang kinatawan ng una at ikatlong grupo. Ang grupong unang makakakuha ng tatlong puntos ang siyang tatanghaling panalo.

(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng paligsahan.)Anu-ano ang dapat gawin upang maging maayos an gating paligsahan?

Mga tanong:a. Ano ang anyo ng produksyon na hindi na kailangan pang dumaan sa kahit anong prosesong

gawa ng tao?b. Alahas, kotse, cellphone, anong anyo ng produksyon nabibilang ang mga ito?c. Mga produktong ginagawa sa angkop na panahon, halimbawa ay halo-halo kung tag-init?d. Mga hilaw na sangkap na kalinangang sumailalim sa isang proseso para mabago ang anyo,

halimbawa ay trosong nagiging kasangkapan, papel at iba pa? Panlinang na Gawain

31. Pagganyak

Gusto kong kumain ng hamburger. (Magpapakita ng totoong hamburger). Sino sa inyo ang gustong ring kumain ng hamburger? Pero bago tayo kumain, pag-usapan muna natin kung paano ba ginagawa ang Hamburger at anu-ano ang mga sangkap na kinakailangan para magawa ito. At para malaman natin kung paano ginagawa ang hamburger, tingnan natin ang mga sangkap ng hamburger. (Ipapasa ang hamburger para makita ng mga mag-aaral). Pagkatapos, maari bang sagutin ninyo ang mga sumusunod na tanong:

a. Anu-ano ang mga ingredients/sangkap ng hamburger?b. Saan nanggagaling ang mga ingredients/sangkap ng hamburger?c. Ano ang kailangan para makumpleto ang mga ingredients/sangkap ng hamburger?d. Sino ang gumagawa o nagluluto nagluluto ng hamburger?

32. Pagbuo ng suliraninSiguro naman ay mayroon na kayong ideya sa ating bagong aralin ngayon – ito ay ang mga salik

ng produksyon. Batay sa inyong mga sagot, anu-ano kaya sa palagay ninyo ang mga salik ng produksyon? Ano kaya ang kahulugan o depinisyon ng mga salik na ito?

33. Pagbibigay hinuhaSubukan naman natin ngayong sagutin ang mga tanong na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng

ating hinuha. Sa paggawa ng hinuha, anu-anong mga salita ang maaring gamitin? (Sa tingin ko po…. Sa palagay ko po….Siguro po……) Magbigay nga kayo ng sagot at isulat ito sa ating Prediksyon Chart.

Prediksyon Chart

Mga Tanong Hula Tamang Sagot

1. Anu-ano ang mga salik ng produksyon?

(Tatanggapin lahat at isulat dito ang mga sagot)

(Ibabase ang tamang sagot sa nakahandang

chart)2. Ano ang kahulugan ng mga ito?

34. PaglalahadAlamin nga natin kung tama ang inyong mga ibinigay na hinuha. (Tumawag isa-isa ng mga mag-

aaral upang basahin ang kahulugan ng mga salik ng produksyon na nakasulat sa chart).1. Lupa - sumasaklaw sa lahat ng orihinal at lahat ng hindi mapapalitang yaman ng

kalikasan.2. Lakas-Paggawa - ang lakas ng tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng

kapakipakinabang na bagay.3. Puhunan o Kapital - ang pera, makinarya, gusaling pang-imprastraktura na ginagamit ng

kompanya4. Entreprenyur - taong gumagawa ng paraan upang pagsama-samahin ang mga salik ng

produksyon (lupa, lakas-paggawa at puhunan) upang makabuo ng isang produkto o serbisyo na maaring makatugon sa pangangailangan o kagustuhan ng tao.

35. Pangkatang gawain

Upang lalo nating maintindihan ang mga ito, tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain. Hahatiin natin ang klase sa apat at kayo ang pipili ng inyong lider na mangunguna sa ating gawain(Bubuo ng apat na pangkat ang mga mag-aaral). Ang bawat grupo ay guguhit ng poster na maglalarawan sa mga salik ng produksyon.

(Pagbibigay ng pamantayan sa paggawa) Bago natin simulan ang ating pangkatang gawain, anu-ano ang mga pamantayang dapat sundin?

Pangkat 1 – Poster ng lupa bilang salik ng produksyon Pangkat 2 – Poster ng lakas-paggawa bilang salik ng produksyon Pangkat 3 – Poster ng kapital o puhunan bilang salik ng produksyonPangkat 4 – Poster ng kakayahan ng entreprenyur bilang salik ng produksyon

36. Pag-uulatNgayon, simulan natin ang pag-uulat. (Ang mga lider ay pupunta isa-isa sa harapan at

ipapaliwang ang kanilang poster.)

Q. Pangwakas na Gawain11. Paglalahat

Mayroong apat na salik ng produksyon, ang mga ito ay lupa, lakas-paggawa, puhunan o kapital, at kakayahan ng entreprenyur. Hindi mabubuo ang isang produkto kung mawawala ang alinman sa mga ito.

12. PagpapahalagaSa iyong palagay, ano ang pinaka-importanteng salik ng produksyon? Bakit?

IV. EBALWASYONIsulat sa papel kung anong salik ng produksyon ang tinutukoy ng bawat kahulugan:1. Sumasaklaw sa lahat ng orihinal at lahat ng hindi mapapalitang yaman ng kalikasan.2. Ang lakas ng tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng kapakipakinabang na bagay.3. Ang pera, makinarya, gusaling pang-imprastraktura na ginagamit ng kompanya4. Taong gumagawa ng paraan upang pagsama-samahin ang mga salik ng produksyon (lupa, lakas-

paggawa at puhunan) upang makabuo ng isang produkto o serbisyo na maaring makatugon sa pangangailan o kagustuhan ng tao.

V. KASUNDUANIpagpatuloy ang pag-aaral sa mga salik ng produksyon, partikular ang lupa at ang gamit nito sa

produksyon. Sanggunian: Batayang Aklat : Ekonomiks IV (pahina 129-130)

I Layunin

1. Natutukoy ang paraan ng pagtutuos ng GNP o Pambansang Produkto batay sa gastos.2. Nagagamit ang tunay o haypotetikal na datos para sa kompyutasyon at bigyan ng kaukulang

interpretasyon.3. Naipaliliwanag ang implikasyon ng mga datos sa ekonomita ng bansa.

II Nilalaman

Paksa:

Pagsukat ng Pambansang Produkto

Aralin

Pamamaraan Batay sa Gastos o Final Expenditure Approach”

Sanggunian

PSSLC II 1.19

Ekonomiks ; Kabanata 10, p. 205

Kagamitan

Pormula at estadistikang may kaugnayan sa GNP

III Pamamaraan

A. Panimulang Gawain Balik-aral tungkol sa nakaraang araling, ang pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto batay sa kita.

B. Paglinang ng Gawain1. Ilahad ang mga konsepto ng pagsukat ng produkto batay sa gastos.

a. Gastusin ng Pamahalaan - Gb. Gastusin ng Personal na Sektor – Pc. Gastusin ng Kompanya – Kd. Gastusin ng Panlabas na Sektor o Export – (X)e. Net Factor Income from Abroad – NFIFAf. Statistical Discrepancy - SD

2. Ilahad ang pormula sa pagtataya ng pambansang produkto sa pamamagitan ng mga halimbawa.

GNP = G + P + K + ( X-M) + NFIFA + SD

3. Bigyang interpretasyon at implikasyon ng mga datos sa ekonomiya ng bansa.

C. Pangwakas na Gawain

Paglalahat Ano ang halaga ng mga datos sa kaunlaran ng bansa ?

Pagpapahalaga Ano ang maaaring mangyari kung patuloy ang pagtaas ng mga gastusin ?

IV Ebalwasyon

Paano sinusukat ang GNP batay sa gastos ?

V Kasunduan

1. Paano sinusukat ang pambansang produkto batay sa Pinagmulang Industriya o Industrial Origin Approach ?

2. Ibigay ang mga konseptong nakapaloob ditto.

Inihanda ni : CRISCITA R. PADILLA Teacher III/ CPNHS

I Layunin

1. Natutukoy ang paraan ng pagsukat ng pambansang produkto o GNP batay sa pinagmulang industriya.2. Nagagamit ang tunay o haypotetikal na datos para sa kompyutasyon at bugyan ng kaukulang

interpretasyon.3. Nipaliliwanag ang implikasyon ng mga datos sa ekonomiya ng bansa.

II Nilalaman

Paksa :

Pagsukat ng Pambansang Produkto

Aralin :

Pamamaraang Batay sa Pinagmulang Industriya

Sanggunian:

PSSLC II 1.19

Ekonomiks : Kabanata 10 ; p. 209

Kagamitan:

Pormula at estadistikang may kaugnayan sa GNP

III Pamamaraan

A. Paglinang ng Gawain Balik-aral ukol sa nakaraang aralin, ang pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto batay sa gastos .

B. Paglinang ng Gawain1. Ilahad ang konsepto ng pagsukat ng pambansang produkto batay sa pinagmulang industriya.

a. Pagsama-sama ng tatlong mahalagang sektor n industriya.AgrikulturaIndustriyaSerbisyo

b. Makukuha ang GNP at idaragdag ang NFIFA. 2. Ilahad ang pormula

Agrikultura Industriya Serbisyo

GDP = + NFIFA GNP=

3. Bigyang interpretasyon at implikasyon ng mga datos sa ekonomiya ng bansa.

C. Pangawakas na GawainPaglalahat: Itanong kung ano ang halaga ng GNP at GDP sa pagtaya ng antas ng pagsulong ng bansa.Pagpapahalaga: Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga datos sa kaunlaran ng bansa.

IV Ebalwasyon

Pagbibigay ng kompyutasyon mula sa tatlong pamamaraan ng pagsukat ng pambansang

Produkto.

V Takdang Aralin

1. Ibigay ang kabutihan at di-kabutihan ng kalakalang panlabas.

Inihanda ni :

CRISCITA R. PADILLA Teacher III/ CPNHS

I Layunin

Panlahat :

Nasusuri ang mga kabutihan at di-kabitihan ng kalakalang panlabas.

1. Naipaliliwanag ang mga kapakinabangan ng kalakalang panlabas.2. Nasusuri ang mga kabutihan at di-kabutihan ng kalakalang panlabas.3. Nakapagbibigay ng mga mungkahi upang mapaunlad ang kalakalan at industriya ng bansa.

II Nilalaman

A. Paksa : Kalakalang Panlabas

B. Aralin : Kabutihan at di-kabutihan ng Kalakalang Panlabas

C. Sanggunian: PSSLC III 1.32 Ekonomiks , Kabanata 15, p. 319-322

D. Kagamitan Larawan ng mga produktong local at produktong dayuhan Mapa ng bansa kung saan nakikita ang pinagmulan ng ibat-ibang produkto

III Pamamaraan

A. Paglinang ng Gawain1. Magpakita ng mga larawan ng mga produktong iniluluwas at inaangkat

a. Alin sa mga produkto ang likas na matatagpuan sa Pilipinas ? Bakit iniluluwas ang mga produktong uti ?

b. Aling mga produkto ang binibili o inaangkat sa ibang bansa ? Bakit mainam na bilhin na lamang kaysa gawin ito ?

B. Paglinang ng Aralin1. Magsagawa ng kunwaring panayam sa ilang opisyal ng DTI, DA, mga negosyante at karaniwang

mamimili.2. Magtanong tungkol sa mga kapakinabangan at di-kabutihan ng kalakalang panlabas.3. Hayaang magtanong at magbigay ng reaksyon at karagdagang kaalaman angmag-aaral.

C. Pangwakas na GawainPaglalahat Itanong ang kahalagahan ng kalakalang panlabas sa pag-unlad ngbansa.Pagpapahalaga Bakit nagaganap ang kalakalan ng mga bansa ?

IV Ebalwasyon

Ano ang pangunahing produktong inaangkat at iniluluwas ng Pilipinas ?

V Kasunduan

1. Bakit higit na mahalagang tangkilikin ng mga Pilipino ang sarili nitong mga produkto ?

Inihanda ni :

CRISCITA R. PADILLA Teacher III

I Layunin

Panlahat:

Nipapaliwanag ang mga pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan

1. Natatalakay ang pinagkukunan ng pananalapi/pondo ng pamahalaan.2. Nasusuri ang klasipikasyon gn buwis.3. Naipapahayag ang kahalagahan ng mga pinagkukunan sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

II Nilalaman

A. Paksa : Pinagkukunan ng pondo ng Pamahalaan

B. Aralin Buwis at mga Uri nito

C. Sanggunian PSSLC II 1.23 Ekonomiks, Kabanata 10, p. 218 Kabanata 11, p. 283

D. Kagamitan Pie graph na may kaugnayan sa aralin

III Pamamaraan

A. Panimulang GawainPabigyang kahulugan ang sumusunod na mga salita at apagamit sa pangungusap.

Buwis Salapi o Pera Badget

B. Paglinang ng Aralin1. Itanong kung saan nanggagaling ang pondo ng pamahalaan.2. Talakayin ang sistema ng pagbubuwis3. Talakayin ang mga uri ng buwis at magbigay ng halimbawa nito.

C. Pangwakas na GawainPaglalahat : Ano ang bahaging ginagampanan ng buwis sa kaunlaran ng bansa?Pagpapahalaga Paano pinahahalagahan ng pamahalaan ang koleksyon ng buwis?

IV Ebalwasyon

Paano inuuri ang buwis

V Kasunduan

1. Ibigay ang iba pang pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan

Inihanda ni :

CRISCITA R. PADILLA Teacher III/CPNHS

I Layunin

Panlahat :

Nakikilala ang mga pamamaraan ng pagsukat ng pambansang produkto.

1. Natutukoy ang paraan ng pagtutuos ng pambansang produkto o GNP batay sa kita.2. Nagagamit ang tunay o Haypotetikal na datos para sa kompyutasyon at bigyan ng kaukulang

interpretasyon.3. Naipapaliwanag ang implikasyon ng mga datos sa ekonomiya ng bansa.

II Nilalaman

Paksa : Pagtutuos ng Pambansang Produkto o GNP

Aralin : Pamamaraan Batay sa Kita ng Sangkap ng Produksyon o Factor Income Approach

Sanggunian :

PSSLC II 1.19

Ekonomiks; Kabanata 10 ; p. 205-206

Kagamitan :

Pormula at estadistikang may kaugnayan sa GNP

III Pamamaraan

A. Panimulang GawainPagganyak: Ipabigay ang kahulugan ng GNP. Ipaalam ang konseptong GNP o Gawa Ng mga Pilipino

B. Paglinang ng Gawain1. Ipalarawan ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa at paglago nito.2. Tukuyin ang kahalagahan ng pambansang produkto sa pamamaraang “Factor Income Approach” o

Batay sa Kita ng Sangkap ng Produksyon.3. Ipaliwanag ang mga konsepto at ilahad ang pormula sa pagtataya ng pambansang produkto.

a. Kita ng mga Empleyado at Manggagawa – KEMb. Kita ng Entreprenyur at mga Ari-arian – KEAc. Kita ng Kompanya – KKd. Kita ng Pamahalaan – KP

Karagdagan Gastos :a. Capital Consumption Allowances – CCAb. Indirect Business Taxes – IBT

NI = KEM + KEA + KK + KPGNP = NI + CCA + IBT

4. Bigyang interpretasyon at implikasyon ng mga datos sa kaunlaran ng bansa.C. Pangwakas na Gawain

Paglalahat Ano ang implikasyon ng mga datos pang-ekonomiya sa ekonomiya ng bansa? Pagpapahalaga Ano ang maaaraing mangyari kung walang pagbabago sa kita ?

IV Ebalwasyon

Paano sinusukat ang pambansang produkto o GNP batay sa kita ?

V Kasunduan

1. Paano sinusukat ang GNP sa pamamaraang Batay sa Gastos ?2. Ibigay ang mga konseptong nakapaloob dito.

Inihanda ni :

CRISCITA R. PADILLA Teacher III/ CPNHS