1216808919446tg-tml-2nd-v12-n1-web

4
1 Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-2009 2 Gabay sa Pagtuturo Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-2009 Ikalawang Taon Unang Artikulo: Ang Hamon ng Migrasyon I. Mga Layunin Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. mabatid ang kasaysayan at implikasyon ng migrasyon sa pamilya at sa bansa; B. malikhaing maipahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagsulat ng kwento; at C. matukoy ang pagkakaiba ng panloob at pandaigdigang migrasyon. II. Paksang-aralin A. Paksa: Ang Hamon ng Migrasyon B. Konsepto: Sa paglipas ng panahon, maraming Pilipino ang nahimok mangibang bansa dahil sa iba’t ibang dahilan. C. Sanggunian: Tambuli, Ikalawang Taon, Tomo 12 Blg. 1, SY 2008-2009 D. Kagamitan: worksheet para sa Panimula at Panlinang na Gawain III. Mga Gawain sa Pagkatuto A. Panimulang Gawain Bumuo ng mga salita mula sa mga titik ng salitang “migrasyon.” Pagkatapos, gamitin ang mga ito sa pagbuo ng kwento tungkol sa sanhi at bunga ng migrasyon sa pamilyang Pilipino. B. Panlinang na Gawain Bumuo ng isang timeline na magpapakita ng galaw ng migrasyon sa Pilipinas sa nakalipas na mga taon. Itala ito sa itaas na bahagi ng timeline. Sa ibaba naman, isulat ang implikasyon ng bawat kaganapan. kaganapan/ taon implikasyon IV. Pagpapahalaga Kumalap ng datos tungkol sa bilang ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa. Aling bansa ang may pinakamalaking bilang ng Pilipino? Sa iyong palagay, ano ang ibig ipahiwatig ng datos na ito? V. Takdang-aralin Magsagawa ng isang panayam sa paaralan tungkol sa bilang ng pamilyang nakaranas ng panloob at pandaigdigang pandarayuhan. VI. Pagsusulit Sumulat ng sanaysay tungkol sa lugar kung saan nais mong manirahan—sa sariling bayan o ibang bansa. Ipaliwanag.

Upload: june-dela-cruz

Post on 05-Nov-2014

53 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

sample k+12

TRANSCRIPT

Page 1: 1216808919446TG-TML-2nd-V12-N1-web

1 Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-20092

Gabay sa PagtuturoTomo 12 Blg. 1 SY 2008-2009Ikalawang Taon

Unang Artikulo: Ang Hamon ng Migrasyon

I. Mga LayuninMatapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:A. mabatid ang kasaysayan at implikasyon ng migrasyon sa pamilya at sa bansa;B. malikhaing maipahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng

pagsulat ng kwento; atC. matukoy ang pagkakaiba ng panloob at pandaigdigang migrasyon.

II. Paksang-aralinA. Paksa: Ang Hamon ng MigrasyonB. Konsepto: Sa paglipas ng panahon, maraming Pilipino ang nahimok mangibang bansa dahil sa iba’t ibang

dahilan. C. Sanggunian: Tambuli, Ikalawang Taon, Tomo 12 Blg. 1, SY 2008-2009D. Kagamitan: worksheet para sa Panimula at Panlinang na Gawain

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang GawainBumuo ng mga salita mula sa mga titik ng salitang “migrasyon.” Pagkatapos, gamitin ang mga ito sa pagbuo ng

kwento tungkol sa sanhi at bunga ng migrasyon sa pamilyang Pilipino.

B. Panlinang na GawainBumuo ng isang timeline na magpapakita ng galaw ng migrasyon sa Pilipinas sa nakalipas na mga taon. Itala ito

sa itaas na bahagi ng timeline. Sa ibaba naman, isulat ang implikasyon ng bawat kaganapan.

kaganapan/ taon

implikasyon

IV. PagpapahalagaKumalap ng datos tungkol sa bilang ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa. Aling bansa ang may pinakamalaking

bilang ng Pilipino? Sa iyong palagay, ano ang ibig ipahiwatig ng datos na ito?

V. Takdang-aralinMagsagawa ng isang panayam sa paaralan tungkol sa bilang ng pamilyang nakaranas ng panloob at pandaigdigang

pandarayuhan.

VI. PagsusulitSumulat ng sanaysay tungkol sa lugar kung saan nais mong manirahan—sa sariling bayan o ibang bansa. Ipaliwanag.

Page 2: 1216808919446TG-TML-2nd-V12-N1-web

2 Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-20092

Ikalawang Artikulo: Ang Pag-uwi sa Sariling Bayan

I. Mga LayuninMatapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:A. maipaliwanag ang mga dahilan sa likod ng paglisan ng mga Pilipino sa sariling bansa;B. mahikayat ang mga kababayan na pagtuunan ng pansin ang mabubuting dahilan ng pananatili sa bansa; atC. matukoy ang mga negatibong isyu na sumisira sa imahe ng bansa.

II. Paksang-aralinA. Paksa: Ang Pag-uwi sa Sariling BayanB. Konsepto: Kahit nasaan man ang Pinoy, hahanap-hanapin pa rin niya ang kanyang sariling bansa.C. Sanggunian: Tambuli, Ikalawang Taon, Tomo 12 Blg. 1, SY 2008-2009D. Kagamitan: flashcard

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang GawainTanungin ang mga mag-aaral kung ano ang pagkakaunawa nila sa sumusunod na mga parirala/salita na nakasulat

sa mga flashcard.1. katas ng Saudi2 stateside3. made in Japan

B. Panlinang na GawainKumalap ng mga larawan, patalastas, artikulong nagpapahiwatig ng mga negatibong bagay sa Pilipinas. Talakayin

ito. Itanong kung paano mahihikayat ang mga Pilipinong pagtuunan ng pansin ang mga positibong bagay sa bansa?

IV. PagpapahalagaSa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit marami pa rin ang umuuwi sa Pilipinas sa kabila

ng maginhawang pamumuhay sa ibang bansa?

V. Takdang-aralinAlamin ang mga bansang karaniwang destinasyon ng mga OFW. Itala ang mga pangunahing propesyon na kinakailangan

sa mga bansang binanggit.

VI. PagsusulitIbigay ang hinihingi sa sumusunod na bilang:1-3. Mga bansang pinakamadalas puntahan ng mga Pilipinong manggagawa simula noong dekada ’70. 4-7. Mga dahilan kung bakit umalis ng bansa. 8-10. Mga dahilan kung bakit umuuwi ang mga Pilipino sa sariling bayan.

Sagot:1. Amerika2. Saudi Arabia3. Hapon4. mas mataas na antas ng pamumuhay sa ibang bansa5. mas mataas na sahod6. mas maraming pagkakataon7. colonial mentality8. pagmamahal sa pamilya9. pagpapahalaga sa personal na relasyon10. pagmamahal sa bayan

Page 3: 1216808919446TG-TML-2nd-V12-N1-web

3 Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-20092

Ikatlong Artikulo: Mga Kwento ng Pangungulila: Panitikang Diaspora

I. Mga LayuninA. maibigay ang kahulugan ng salitang diaspora;B. mapaghambing ang kahulugan ng diaspora noon at ngayon; atC. makaguhit ng mga bagay na kakatawan sa mga isyung panlipunang kinakaharap ng mga Pilipinong naninirahan sa

ibang bansa.

II. Paksang-aralinA. Paksa: Mga Kwento ng Pangungulila: Panitikang DiasporaB. Konsepto: Matalik ang relasyon ng panitikan at lipunan.C. Sanggunian: Tambuli, Ikalawang Taon, Tomo 12 Blg. 1, SY 2008-2009D. Kagamitan: worksheet para sa Panimula at Panlinang na Gawain

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang GawainAng denotasyon ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita, samantalang ang konotasyon naman ay

ang damdamin o ideyang pumapasok sa iyong isipan kapag naririnig mo ang salitang ito.

Halimbawa: Ulo Denotasyon: bahagi ng katawan na matatagpuan sa ibabaw ng balikat. Dito matatagpuan ang utak ng tao. Konotasyon: talino o antas ng pag-iisip, pinuno ng isang pangkat

Ibigay ang denotasyon at konotasyon ng salitang diaspora.

Salita DIASPORA

Kahulugang Denotasyon

Kahulugang Konotasyon

B. Panlinang na GawainPaghambingin ang kahulugan ng diaspora noon at ngayon.

Konsepto ng Diaspora

Noon Ngayon

IV. PagpapahalagaIguhit ang mga bagay na maaaring kumatawan sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng mga Pilipinong naninirahan

sa ibang bansa.

Page 4: 1216808919446TG-TML-2nd-V12-N1-web

4 Tomo 12 Blg. 1 SY 2008-20092

V. Takdang-aralinMagsaliksik ng mga akdang may tema ng pangungulila.

VI. Pagsusulit

Tukuyin ang sumusunod:

______________1. Nobelang tungkol sa buhay ng mga Pilipinong migrante sa Amerika noong dekada ng 1940.

______________2. Isa sa maagang bersyon ng balikbayan.

______________3-5. Mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa na patuloy na sumusulat tungkol sa Pilipinas.

______________6-7. Mga nobela ni Rizal.

______________8. Salitang Griyego na ibig sabihin ay “pagkalat.”

______________9. Dinamikong relasyon ng panitikan at lipunan.

_____________10. Pinakamatingkad na tema ng panitikang diaspora.

Sagot:1. America Is in the Heart2. Crisostomo Ibarra3. Jessica Hagedorn4. Eric Gamalinda5. Epifanio San Juan, Jr.6. Noli Me Tangere7. El Filibusterismo8. diaspora9. panitikang diaspora10. pangungulila

Sagot sa Hamong Pangkaisipan: Ang Awit ng Florante at Laura

1. Laura 11. Floresca 2. gubat 12. Atenas 3. higera 13. Atenas 4. Florante 14. Adolfo 5. leon 15. Adolfo 6. Aladin 16. Menandro 7. relihiyon 17. Linseo 8. Albanya 18. Laura 9. sanggol 19. Turko 10. Briseo 20. Albanya