3 halika, sama ka kaibigan - lrmds.depedldn.com

22
Halika, Sama Ka Kaibigan B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N 3

Upload: others

Post on 04-Oct-2021

11 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

Halika, Sama Ka Kaibigan

B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a lB u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m

D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

3

Page 2: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

Halika, Sama Ka KaibiganKarapatang Ari 2005

KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA SA PAGKATUTOKagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmangbahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ngorganisasyon o ahensya ng pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa PagkatutoKagawaran ng Edukasyon

3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Page 3: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com
Page 4: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa PagkatutoKagawaran ng Edukasyon

3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Gabay ng Tagapatnubay

Halika, Sama Ka Kaibigan

Basic Literacy Learning Material

Bureau of Alternative Learning SystemDEPARTMENT OF EDUCATION

3

Page 5: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

1

Halika, Sama Ka Kaibigan

I. Panimula

Tinatalakay sa modyul na ito ang kalagayan ngpanonood sa telebisyon ng mga balita at panayam samga taong nasa mataas at mababang antas ng lipunan.

Pinahahalagahan din dito ang mga impormasyongnapakikinggan sa programa sa radyo at sa kapwa tao.Kung susuriing mabuti ang mga nangyayari sa atingbayan, ang ilang sakunang nagaganap ay dahil sakakulangan ng impormasyong pinalalaganap sa mgamamamayan. Iyon ay isa sa mga paksang pag-uusapansa modyul na ito.

Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaralna makipagtalakayan, magsuri, magbasa, at magsulat.Sa ganitong paraan, higit na mauunawaan angkahalagahan ng mga impormasyong ibinibigay ngtelebisyon at radyo.

Malaya ang talakayan sa pamamagitan ng mgalunsaran gaya ng sumusunod: pagkukwento, pagsusurisa mga larawan, pagbabasa ng usapan, pagbuo ng mgapanibagong salita mula sa mga pantig, pagsulat ng mgapangungusap na gamit ang mga salitang nabuo, atpagkukwenta.

Maaaring pag-aralan o ituro ang modyul sa loobng tatlo o higit pang sesyon. Tiyakin lamang ngTagapatnubay na mabibigyan ng pagtataya ang aralingtinatalakay sa bawat sesyon upang ganap na malinangang mga nakatakdang layunin ng modyul.

Karapatang-Ari 2005KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA

SA PAGKATUTOKagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema saPagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindimaaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nangwalang nakasulat na pahintulot ang organisasyon o ahensiya ngpamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng EdukasyonKawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto

3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Halika, Sama Ka Kaibigan

Page 6: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

2

Ito ang unang modyul sa serye ng mga aralin.Mula sa modyul na ito mababatid ang kahalagahan ngiba’t ibang uri ng impormasyon.

Pawang mungkahi ang gawaing isinasaad dito.May laya ang tagapatnubay na gumamit ng ibangestratehiyang angkop sa kakayahan ng mag-aaral atpumili ng kawili-wiling paksa.

II. Mga Layunin

Pakikinig : Naipaliliwanag ang impormasyongnarinig mula sa radyo o telebisyon.

Naipakikita na naunawaan angpayak na parirala o ang salitangnarinig sa impormasyon

Pagsasalita : Nakapagbibigay ng reaksiyon samga mensaheng nilalaman ng mgalarawan tulad ng:

- patalastas sa radyo

- patalastas sa telebisyon

- panayam sa radyo/telebisyon

Pagbasa : Nakababasa ng mga payak na salitaHal. Patalastas o anunsiyo

- pakikinig

- panayam

- panonood

3

: Nakababasa ng mga payak napangungusap

Pagsulat : Naisusulat nang buo ang payakna pangungusap.

Paglutas ng : Nakababasa, nakasusulat, atSuliranin o nakapagkukuwenta ng halaga ngMapanuring peraPag-iisip

Paglinang ng : Natatalakay ang kahalagahan ngSarili, mga impormasyon upangpakikipagkapuwa makaiwas sa aksidente,at pakikipanayam panganib o sakuna.

: Nakasusunod sa iba’t ibangimpormasyon at babala upangmakaiwas sa sakuna.

III. Paksa

A. Aralin 1: Mga Pinanggagalingan ng Impormasyon

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:Mabisang Komunikasyon, Kasanayang

Magpasiya, Paglutas sa Suliranin o Problema

B. Kagamitan: larawan, radyo, telebisyon, casseteplayer, inirekord na balita

Page 7: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

5

- Anu-ano ang maibabahagi sa atin ngmga larawang iyan?

- Saan nanggagaling ang iba’t ibangimpormasyon?

- Ano ang naidudulot nito sa atingmamamayan? Ipaliwanag.

• Gamitin ang “semantic webbing” sapagpoproseso ng mga sagot ng mgamag-aaral.

Tandaan:- pamagat ng paksa- mga uri ng pinagkukunan

ng impormasyon

4

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

• Sabihin

- Pagmasdan ninyo ang mga larawan sapabalat ng modyul.

- Kung susuriing mabuti ang mga larawan,anu-ano ang inyong mga napapansin?

- Ano sa palagay ninyo ang sinasabi ngmga larawan?

- Ano ang kahalagahan ng mgaprogramang ito sa atin?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

• Sabihin:

- Suriin natin ang mga larawan sapahina 1-4 ng modyul.

2. Pagtatalakayan

• Itanong:

- Anu-ano ang mga nakikita ninyo?

Pinagkukunanng

Impormasyon

Page 8: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

6

• Sabihin:

- Magbigay ng mga programa satelebisyon na makapagbibigay ngmahahalagang impormasyon sa mgamanonood.

Hal:

- Pangyayari sa loob at labas ng bansa

- Edukasyonal na palabas para sa mgabata

- Paglilinaw sa isyung nagaganap salipunan

- Pagpupugay sa mga kinikilalang taosa lipunan

3. Paglalahat

• Itanong:

- Anu-ano ang mga uri ng pinagkukunanng impormasyon?

- Anu-ano ang mga impormasyongnakukuha natin sa mga ito?

• Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa pahina 5 ngmodyul.

7

• Ipakopya ang mga konsepto sa “TandaanNatin” sa kanilang journal.

4. Pagpapahalaga

• Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral.

• Papiliin ng lider ang bawat grupo at ngtagapagsulat.

• Sabihin:

- Pag-usapan ang isinasaad ng mgalarawan sa pahina 6 ng modyul.

• Ipaulat sa lider ang kanilang mga kuru-kuro.

• Bigyang-diin ang mahahalagang sagotng mga mag-aaral.

5. Paglalapat

• Itanong:

- Kung kayo ay nanonood ng telebisyonkasama ang mga bata, ano ang dapatninyong gawin kapag may babalang“Parental Guidance?”

- Ang kapitbahay mo ay walang radyo attelebisyon. Narinig mo sa balita nawalang pasok. Ano ang gagawin mo?

V. Pagtataya

• Ipagawa ang “Alam Mo Ba?” sa pahina 7-8ng modyul.

Page 9: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

• Suriin ang mga sagot ng mga mag-aaral.

VI. Karagdagang Gawain

• Ipagawa ang dula-dulaan sa pahina 9-10ng modyul.

• Bigyang-diin ang mga kahalagahan ngimpormasyon at ang pinagkukunan nito.

• Ipagawa ang “Subukin Mo” sa pahina11- 13 ng modyul.

• Gabayan ang mga mag-aaral habangisinasagawa ang gawain.

• Maaaring dagdagan pa ang mgakaragdagang gawain tulad ng:

- Sagutin ang mga sitwasyon sa susunodna pahina.

1. Gusto mong bumili ng mga gamit sa bahay.Ang telebisyon ay nagkakahalaga ngP6,000.00 at ang radyo ay P4,500.00 Kungang pera mo ay P5,000.00 lamang, ano anggagawin mo? Bakit?

2. Alin sa mga pinagkukunan ng impormasyonang kayang-kaya mong bilhin? Bakit?

3. Bumili ka sa “Bodega Sale” ng “14 inches” natelebisyon sa halagang P4,999.00 at radyo sahalagang P1,200.00. Kung ang pera mo ayP8,000.00, magkano ang sukli mo?

8

Page 10: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

1

Pag-aralan Natin

Telebisyon

RadyoRadyo

Suriin ang mga larawan. Paano tayo nakakukuha ng mga impormasyon?

A. Panonood ng telebisyon at sine

B. Pakikinig ng Radyo

Page 11: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

2

C. Pagbabasa ng dyaryo, magasin, o komiks

Ginagawa mo ba ito? Anu-ano pa ang mga binabasa mo?

Page 12: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

3

Sa Pakikipanayam

Makabagong Teknolohiya

D. Talakayan, kwentuhan, o pakikipag-usap

Page 13: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

4

Page 14: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

5

Tandaan Natin

Ang iba’t ibang impormasyon na nasasagap o nalalaman natin

ay maaaring nagmumula sa mga sumusunod:

• radyo

• telebisyon• pahayagan

• kapwa tao

• iba pang makabagong teknolohiya tulad ng “computer”,

telepono, cellphone

Ang mga radyo, telebisyon, pahayagan, kapwa tao at mga

makabagong teknolohiya na pinagkukunan ng mga impormasyon ay

napakahalaga dahil nagbibigay ng babala o wastong kaalaman sa

mga tao upang makaiwas sa disgrasya, sakuna o panganib.

Page 15: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

6

Pag-usapan NatinBakit mahalaga ang impormasyon?

Oo nga, kaya hindi

kami umaalis nang

sabay-sabay na mag-

anak. Salamat, Mare.

Mare, mag-ingat tayo

matindi ang nakawan

sa kabilang baryo

Signal No. 2 ang

bagyong Lilang!

PampaputiPampakinis

Habon Tsina

Page 16: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

7

Alam Mo Ba?

Piliin sa mga parirala sa kahon ang isinasaad ng larawan.

Pakikipanayam sa radyo

Nanonood ng boksing

Nakikinig sa radyo

Nanonood ng telebisyon

Page 17: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

8

Pakikipanayam sa telebisyon

Patalastas sa telebisyon

Paglalaro sa bukid

Patalastas sa radyo

AlocrimShampoo

Pampadulas

Pampahaba

Pampaitim ng

buhok

Page 18: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

9

Basahin Mo

Pepito : Maribel, napakinggan mo ba ang balita ngayon

sa radyo? Kagabi, yon din ang balita sa

telebisyon.

Maribel : Pasensiya ka na, Pepito, hindi ko alam iyan.

Pepito : Alam mo ba na patuloy ang pagtaas ng presyo

ng langis? Pahirap nang pahirap ang buhay

natin.

Maribel : Ah! Kaya pala iyan ang laman ng usap-usapan

noong lumuwas ako sa Maynila. At marami ang

nag-iingay sa daan.

Pepito : Yon nga, kahit dito sa bayan natin! Yan din ang

pinag-uusapan.

Maribel : Kaya nga ako umuwi dito sa atin kasi patuloy

ang pagtaas ng bilihin sa Maynila.

Page 19: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

10

Pepito : Sinabi mo pa. Dito naman sa atin medyo mura-mura ang bilihin. Makiramdam na lang tayo sanangyayari sa ating bansa.

Maribel : Oo nga, magbabago rin ang takbo ng buhay

natin.

Pepito : Abangan na lang natin ang susunod na

pangyayari.

Maribel : Tama ka! Hindi lang naman dito nangyayari ito.

Pepito : Iwasan na lang natin ang pag-iingay. Makinig

na lang tayo.

Maribel : May katwiran ka. May katapusan ang lahat ng

ito. Pansariling disiplina ang kailangan.

Pepito : Tama ka, Maribel. Maging mapagmasid tayo

at makiramdam.

Page 20: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

11

Subukin Mo

A. Bumuo ng maliliit na salita buhat sa salita na nasa ibaba.

Halimbawa : panonood

Sagot : pa, ano, doon

1. patalastas - ______, ______, ______, ______, ______

2. pakikinig - ______, ______, ______, ______, ______

3. panayam - ______, ______, ______, ______, ______

4. kailangan - ______, ______, ______, ______, ______

5. impormasyon - ______, ______, ______, ______, ______

Page 21: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

12

B. Sumulat ng mga pangungusap. Gamitin ang mga salitang nabuo mula

sa mga salita sa A.

Halimbawa: Ano ang pangalan mo?

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

Page 22: 3 Halika, Sama Ka Kaibigan - lrmds.depedldn.com

13

C. Ang mag-anak ay namili sa palengke ng mga kailangan sa bahay.

Isulat ninyo ang halaga ng mga pinamili nila. Kwentahin ang kabuuang

gastos. Isama rin ang pamasahe.

3 kilong bigas (P25 ang isang kilo)

2 kilong isda (P100 ang isang kilo)

2 taling sitaw (P20 ang isang tali)

1 maliit na boteng kape (P50 ang isang bote)

2 kilong puting asukal (P30 ang isang kilo)

3 malalaking lata ng gatas (P35 ang isang lata)

1 litrong gas (P37.00 ang isang litro)

pamasahe (P60.00 ang balikan)

Kabuuang gastos