36 pamahalaang komonwelt

36
Pamahalaang Komonwelt

Upload: vardeleon

Post on 22-Dec-2014

2.064 views

Category:

Documents


13 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: 36 pamahalaang komonwelt

Pamahalaang Komonwelt

Page 2: 36 pamahalaang komonwelt

Takdang-Aralin

• Basahin pah. 233 – 246. Sagutin mga Gabay na Tanong. Size 1.

• Gumawa na ng choreography para sa una at kalahating minuto ng sayaw

Page 3: 36 pamahalaang komonwelt

Pagsilip sa Sesyon Ngayon

• Anu-ano ang mga naging problema sa Pamahalaang Komonwelt?

• Paano sinubukang lutasin ng Komonwelt ang mga problemang ito?

• Bakit hindi lubusang nalutas ang mga problemang ito?

Page 4: 36 pamahalaang komonwelt

Mga magsasaka

• Circa 1902• May pinagbago

ba sa kalagayan ng mga maralitang magsasaka?

Page 5: 36 pamahalaang komonwelt

Pulitika

• Kung ano pa rin ang pulitika noon, ganoon pa rin ngayon.

Page 6: 36 pamahalaang komonwelt

Mga Balita Ngayon

Page 7: 36 pamahalaang komonwelt

• Saligang Batas ng Pamahalaang Komonwelt -Mayo 14, 1935.

Page 8: 36 pamahalaang komonwelt

• Panunumpa ni Manuel L. Quezon (MLQ) - Nobyembre 15, 1935.– Ayon kay MLQ, ano ang dapat nating isaisip lagi?– Paano natin dapat ituring ang Pilipinas?

Page 9: 36 pamahalaang komonwelt

Pero…sa ibayong dagat, may tensyon

Page 10: 36 pamahalaang komonwelt

Sa mga panahong ito, ano ba ang mga nangyayari sa ibang panig ng mundo?

• Benito Mussolini - binomba at sinakop ang Ethiopia noong 1935

Page 11: 36 pamahalaang komonwelt

• Nilabag ni Adolf Hitler ang Treaty of Versailles noong 1935

Page 12: 36 pamahalaang komonwelt

• Nakipag-alyansa ang Hapon sa Italya at Alemanya noong 1936

Page 13: 36 pamahalaang komonwelt

• Magkakaroon ba ulit ng kaguluhan sa daigdig noong dekada 1930 – 1940?

Page 14: 36 pamahalaang komonwelt

• Abot-kamay na ng mga Pilipino ang kanilang kalayaan.

Page 15: 36 pamahalaang komonwelt

Mga Problemang Pansosyo-Kultural

• kahirapan• kakulangan ng batas para sa mga

manggagawa• kalupitan ng mga may ari ng lupa at marami

pang iba– sakdalista– Partido Komunista

Page 16: 36 pamahalaang komonwelt

Programa

• Dahil dito, binuo ni MLQ ang Social Justice Program. – Social Justice - Pagbibigay sa

lahat ng tao ng pantay-pantay na karapatan at katarungan

Page 17: 36 pamahalaang komonwelt

Hakbang

• 8 oras na pagtatrabaho • tinaasan ang minimum

wage– Minimum wage – ang

pinakamababang sahod na maaaring tanggapin ng isang manggagawa

Page 18: 36 pamahalaang komonwelt

Hakbang

• Naipahiram sa pamahalaan ang malalaking lupain ng mga haciendero upang taniman ng mga magsasaka at mabili nila ang lupa

Page 19: 36 pamahalaang komonwelt

• Anu-ano sa tingin ninyo ang naging sagabal para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga batas?

Page 20: 36 pamahalaang komonwelt

Hadlang

• Kulang sa pondo at tao – Hindi mabantayan ang mga kaganapan sa mga

pook rural.

• inutil ang mga ahensya – hindi nareresolba ang mga isyu sa pagitan ng mga

partido.

Page 21: 36 pamahalaang komonwelt

Hadlang

• Hindi naging matulungin ang mga lokal na pamahalaan sa mga adhika ni MLQ – mismong mga may matataas na katungkulan ang

apektado

Page 22: 36 pamahalaang komonwelt

• Nangyayari pa ba ang ganitong problema sa kasalukuyan?

Page 23: 36 pamahalaang komonwelt

Problemang Pang-Ekonomiko

• Bago ng 1935, ramdam ang malalaking komunidad ng mga dayuhan sa bansa. – Tsino - industriya ng pagbebenta ng tobacco,

copra, at bigas– Hapones - pagbebenta ng bulak– nakatali ang mga Pilipino sa mga produktong

Amerikan

Page 24: 36 pamahalaang komonwelt

Programa

• sinimulan ang economic nationalism – Economic nationalism – ang pagtangkilik at

pagbibigay proteksyon sa mga produktong Pilipino.

Page 25: 36 pamahalaang komonwelt

Hakbang

• Binuo ang National Credit Corporation upang hikayatin ang mga Pilipino na umutang at bumuo ng mga bagong industriya.

Page 26: 36 pamahalaang komonwelt

Hakbang

• Binuksan ang Mindanao upang pagtamnan at paunlarin ng mga taga-Luzon at Visayas.

Page 27: 36 pamahalaang komonwelt

• Anu-ano sa tingin ninyo ang naging resulta sa pagpapatupad ng programang ito?

Page 28: 36 pamahalaang komonwelt

Hadlang

• Mas pinili ng Pilipinong negosyante ang mas madali at nakasanayang pagnenegosyo sa mga Amerikano – hindi lumago ang mga bagong industriya.

Page 29: 36 pamahalaang komonwelt

Hadlang

• Pagkuha ng mga lupain– lalong sumidhi ang hindi

magandang relasyon sa pagitan ng mga Moro at Kristiyano sa Mindanao.

Page 30: 36 pamahalaang komonwelt

• Nangyayari pa ba ang ganitong problema sa kasalukuyan?

Page 31: 36 pamahalaang komonwelt

Isyung Pampulitikal

• Naging pangulo si MLQ dahil sa kanyang pagiging bihasa sa patronage politics.– patronage politics - Pagbibigay pabor sa isang

opisyal na may kapalit ding pabor mula sa naunang opisyal

• Ano kaya ang naging resulta ng pagpapahintulot ng pamahalaan sa ganitong kultura?

Page 32: 36 pamahalaang komonwelt

Kultura sa Pamahalaan

• Palakasan• Katiwalian• Political dynasty

Page 33: 36 pamahalaang komonwelt

• Nang sinimulan ang Pamahalaang Komonwelt, nagsimula na ring sindihan ng Italya, Hapon at Alemanya ang mitsa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Page 34: 36 pamahalaang komonwelt

• Hindi pa nagtatagal ang Komonwelt at sumiklab na ang digmaan.

• Panandaliang huminto ang paghahanda ng mga Pilipino para sa kalayaan.

• Sa loob ng Panahon ng mga Hapon, panibagong pagsubok ang kahaharapin ng mga Pilipino.

Page 35: 36 pamahalaang komonwelt

Paglalahat

• Sinumulan ni MLQ ang mga programang pansosyo-kultural, pang-ekonomiko at pampulitikal na nangangakong maghahanda sa Pilipinas tungo sa lubusang paglaya nito mula sa mga Amerikano subalit ang mga nasimulan noon ay patuloy na binibigyan pa rin ng katuparan hanggang sa ngayon.

• Dahil ba mailap ang solusyon, titigil na tayo sa paghahanap nito?

Page 36: 36 pamahalaang komonwelt

Hamon at Pagpapahalaga

• Patuloy na umasa na bubuti ang kalagayan ng Pilipinas sapamamagitan ng ating pagmamahal sa bayan.