araling panlipunan baitang 6, yunit 8 ang pamahalaang

33
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang Kolonyal ng mga Amerikano TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 18 Sagutin Natin 19 Pag-isipan Natin 19 Gawin Natin 19 Aralin 3: Ang Patakaran ng Malayang Kalakalan 21 Layunin Natin 21 Subukan Natin 22 Alamin Natin 23

Upload: others

Post on 18-Feb-2022

27 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 1

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8

Ang Pamahalaang Kolonyal ng mga Amerikano

TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon 4

Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10

Aralin 2: Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 18 Sagutin Natin 19 Pag-isipan Natin 19 Gawin Natin 19

Aralin 3: Ang Patakaran ng Malayang Kalakalan 21 Layunin Natin 21 Subukan Natin 22 Alamin Natin 23

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 2

23 25 25

Pag-aralan Natin Suriin Natin Sagutin Natin Pag-isipan NatinGawin Natin

26 26 28 28 30 30 31 31

Karagdagang Kaalaman Pagyamanin Natin Paglalagom Dapat Tandaan Dagdag Sanggunian Gabay sa Pagwawasto Sanggunian 33

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 3

BAITANG 6 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 8

Ang Pamahalaang Kolonyal ng mga Amerikano

Pambansang Watawat ng Estados Unidos

Matagumpay na naisakatuparan ng Estados Unidos ang mga hakbang sa pagsakop sa Pilipinas. Itinatag kaagad ng mga Amerikano ang Pamahalaang Militar (Agosto, 1898), ipinahayag ang Patakaran ayon sa Kagandahang Loob o Benevolent Assimilation Policy (Disyembre, 1898), ipinadala ang mga Komisyong Schurman (Enero, 1899) at Taft (Marso, 1900) hanggang maitatag ang isang Pamahalaang Sibil (Hulyo 1901), na siyang matibay na kumpirmasyon na ang Pilipinas ay nasa ilalim na ng Pamahalaang Kolonyal ng mga Amerikano. Pinasimulang harapin ni William Howard Taft, ang unang gobernador-sibil ng Pilipinas, ang mga suliranin sa pagpapatakbo ng pamahalaang kolonyal. Nagpatupad siya ng mga patakaran sa iba’t ibang sistema tulad ng sistema ng edukasyon, kalagayang pangkalusugan, at transportasyon at komunikasyon

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 4

Aralin 1

Mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon

Pasipikasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas

Bagaman maraming sumukong Pilipinong lider sa kapangyarihan ng Estados Unidos, may ilan pa ring hindi o ayaw kumilala sa mga Amerikano. Ipinagpatuloy nila ang pakikipaglaban. Bilang pagkutya, tinawag silang “bandolero” (magnanakaw, tulisan, bandido) ng mga kalaban. Kabilang dito ang mga di-nakilalang bayaning sina Lucio de Vega, Julian Montalban, at Luciano San Miguel.

• Ano ang mga patakarang pasipikasyon at kooptasyon? Bakit ipinatupad ng mga Amerikano ang ganitong mga patakaran?

• Paano tumugon ang mga Pilipino sa mga patakarang Amerikano?

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 5

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

1. Ang Patakarang Panunupil o Pasipikasyon ay isang patakarang may layuning supilin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.

2. Noong 1898, binalangkas ang kooptasyon o pang-aakit para sa mga Pilipinong kaagad na tatanggap sa pamahalaang Amerikano.

3. Lumaganap ang Pilipinisasyon sa panahon ni Gobernador-Henaral Francis B. Harrison noong 1913-1921.

4. Pagkakulong o kamatayan ang parusa sa sinumang lumabag sa batas Sedisyon.

5. Ang ipinatupad na mga batas ay nagpapatunay lamang ng matinding pagnanais ng Estados Unidos na supilin o durugin ang nasyonalismong Pilipino upang isulong naman ang kanilang pansariling interes.

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 6

Patakarang Panunupil o Pasipikasyon Ang Patakarang Panunupil o Pasipikasyon ay isang patakarang may layuning supilin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, na patuloy na nakikipaglaban para sa ganap na kalayaan ng Pilipinas, na nagbigay daan para magpatupad ng ilang batas ang pamahalaang kolonyal.

Batas sa Sedisyon (Sedition Law) 1901 • Pinagtibay noong Nobyembre 4, 1901• Nagbawal sa mga Pilipino na magsalita,

lumaban, magsulong ng rebelyon, omaghiwalay sa Estados Unidos

• Nagbawal ding magkaloob ng mga tulongsa mga kaaway ng mga Amerikano

• Pagkakulong o kamatayan ang parusa sasinumang lumabag sa batas

Batas sa Panunulisan (Brigandage Act) 1902

• Pinagtibay noong Nobyembre12, 1902

• Nagbawal sapakikipagsabwatan at pagsalisa mga samahan ng mgamakabayang Pilipino

• Pagkakulong o kamatayan angparusa kapag lumabag

Pag-aralan Natin Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • pinagtibay – pinaigting• tumuligsa – lumaban,

bumatikos• ginantimpalaan – binigyan• tumugon – nagpaunlak• binalangkas – binuo• pamahalaang kolonyal – uri ng

pamahalaang pinamunuan ng mga dayuhang Amerikano

• pakana – plano, balak• napalawig – napalawak

Kinahinatnan ng Paglaban ng ilang Pilipino sa mga Amerikano

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 7

Batas sa Rekonsentrasyon (Reconcentration Act) 1903 • Ipinatupad noong 1903 • Nagbawal o nagpigil sa panunulisan sa mga lalawigan • Pinagsama-sama ang mga tao sa isang lalawigan o lugar • Pinaalis o pinagbawalang pumasok ang mga residente sa mga lugar na sinusuyod ng

mga Amerikano Batas sa Bandila (Flag Law) 1907

• Pinairal noong 1907 • Nagbawal sa pagpakita, pagladlad, at pagwagayway ng bandila ng Pilipinas o

anumang bandilang sumasagisag sa kalayaan at rebolusyon

Ang ipinatupad na mga batas ay nagpapatunay lamang ng matinding pagnanais ng Estados Unidos na supilin o durugin ang nasyonalismong Pilipino upang isulong naman ang kanilang pansariling interes. Subalit, sa kabila nito, may mga Pilipino pa ring tumuligsa sa larangan ng panulat at pamamahayag na kaagad rin naman nasupil ng mga Amerikano.

Ipinagbawal ng Batas sa Bandila ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas.

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 8

Patakarang Pang-aakit o Kooptasyon Ang Patakarang Pang-aakit o Kooptasyon ay isang patakaran ng Estados Unidos upang hikayatin ang mga Pilipino na makipagtulungan tungo sa pagtatatag ng bagong pamahalaan sa ilalim ng Estados Unidos. Sinumang kumampi sa Estados Unidos ay binigyan ng proteksyon. Karamihan sa mga tumugon ay mga ilustrado (edukado at may-kaya sa lipunan). Sa kalaunan, ang patakarang ito ay naging “Pilipinisasyon,” ang paglalagay, matapos ang pagsasanay, ng maraming Pilipino sa mga posisyon sa pamahalaang kolonyal batay sa kakayahan. Ito ay ang dahan-dahang pagpapalit ng mga Pilipino sa mga Amerikanong nasa pamahalaan. Kooptasyon Tungo sa Pilipinisasyon

• Noong 1898, binalangkas ang kooptasyon o pang-aakit para sa mga Pilipinong kaagad na tatanggap sa pamahalaang Amerikano.

• Sa unang dekada ng pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay naramdaman na ang kooptasyon. Naluklok sa pamahalaang kolonyal si Cayetano Arellano, ang unang Pilipinong punong mahistrado ng Korte Suprema; gayundin sinaTrinidad de Tavera, Benito Legarda, Jose Luzuriaga, Gregorio Araneta, at iba pa.

• Ginantimpalaan ng Estados Unidos ang mga Pilipinong napabilang sa pamahalaang kolonyal.

• Lumaganap ang Pilipinisasyon sa panahon ni Gobernador-Henaral Francis B. Harrison noong 1913-1921.

• Bagaman nagbunga ng negatibong reaksyon ang mga hakbang ni Harrison sa mga Amerikano, nagpatuloy ang pagdami ng mga Pilipino sa pamahalaan.

Katulad rin ng Pasipikasyon, ang Kooptasyon ay pakana ng mga Amerikano upang madaling makuha ang loob ng mga Pilipino. Nagkagayon, napadali at napalawig nila ang kanilang pananakop sa tulong din ang mga Pilipino.

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 9

Piliin sa kahon ang tamang sagot.

Sedition Law Brigandage Act Reconcentration Act Flag Law

1. Pinairal ito noong 1907.

2. Nagbawal o nagpigil ito sa panunulisan sa mga lalawigan.

3. Pinagtibay ito noong Nobyembre 1901. 4. Nagbawal ito na magbigay ng tulong sa mga kaaway ng

Estados Unidos.

5. Nagbawal ito sa pagpakita, pagladlad, at pagwagayway ng bandila ng Pilipinas o anumang bandilang sumasagisag sa kalayaan at rebolusyon.

6. Nagbawal ito sa pakikipagsabwatan at pagsali sa mga samahan ng mga makabayang Pilipino.

7. Pinagtibay ito noong Nobyembre 1902. 8. Sa pamamagitan nito, pinagsama-sama ang mga tao sa isang

lalawigan o lugar.

9. Pinaalis o pinagbawalang pumasok ang mga residente sa mga lugar na sinusuyod ng mga Amerikano.

10. Pagkakulong o kamatayan ang parusa sa sinumang lumabag sa batas na ito.

Suriin Natin

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 10

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang mga patakarang ipinatupad ng Estados Unidos sa kolonyang Pilipinas? 2. Bakit ipinatupad ng Estados Unidos sa kolonyang Pilipinas ang mga Patakarang

Kooptasyon at Pasipikasyon? 3. Paano nasupil ng mga Amerikano ang damdaming makabayan ng mga Pilipino?

Makatarungan ba ang mga paraan ng pagsupil ng mga Amerikano sa mga Pilipino? Bakit?

Magsaliksik tungkol sa Patakarang Pasipikasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas. Maliban sa mga nabanggit na batas, maglista ng ilan pang batas na may kaugnayan sa pagsupil sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. Pagkatapos nito, magsaliksik naman tungkol sa Patakarang Kooptasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas. Maliban sa mga nabanggit na, maglista ng mga Pilipinong nakibahagi sa pagpatakbo ng pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano sa Pilipinas. Itala ang iyong mga nasaliksik sa tsart sa ibaba.

Patakarang Pasipikasyon Patakarang Kooptasyon

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 11

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Nilalaman Halos walang laman ang tsart; magulo ang pagkakatala ng mga hinihingi

May iilang detalye lamang ang tsart; maraming kulang sa mga hinihingi

Maraming detalye ang tsart; kulang ng isa o dalawa sa mga kailangan

Puno ng tamang detalye; maayos na inilista sa tsart ang mga hinihingi

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng output; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Kailangang matutong maging maayos at malinis sa paggawa; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang output; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng ipinasang output; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

KABUUAN

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 12

Aralin 2

Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal

Pagsasakatuparan ng pamahaalang kolonyal ng mga Amerikano.

Sinakop ng mayaman at makapangyarihang Estados Unidos ang Pilipinas. Ang pagkasakop sa Pilipinas ay nangangahulugan ng pagiging kolonya ng Estados Unidos. Upang mapamunuan nang may kaayusan, kailangang magtatag ng isang pamahalaang kolonyal sa Pilipinas. Ang pamahalaang ito ay nasa kontrol ng pangulo ang Estados Unidos.

• Ano ang sistema at balangkas ng iba’t ibang uri ng pamahalaang umiral noon? • Paano pinamahalaan ng Estados Unidos ang kolonyang Pilipinas?

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalarawan ang sistema at balangkas ng Pamahalaang Kolonyal ng Estados Unidos sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon.

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 13

Tunghayan ang larawan. Ano ang ipinahihiwatig ng larawang ito? Isulat ang iyong sagot sa mga patlang.

Subukan Natin

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 14

Sistema at Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal ng Estados Unidos sa Pilipinas Sa loob ng mahigit 40 taon, nagtatag ang mga Amerikano ng tatlong uri ng pamahalaan. Pag-aralan ang grapikong pantulong.

Pamahalaang Militar Pagkatapos ng pagsuko ng Maynila noong Agosto 13, 1898, kaagad ipinag-utos ni Pangulong William McKinley ng Estados Unidos ang pagtatag ng pamahalaang militar. Pinamunuan ito ng isang gobernador-militar na siyang kinatawan ng pangulo sa kolonyang Pilipinas. Ang gobernador-militar ang pinakamataas na posisyon sa kolonya. Tatlo ang naging gobernador-miltar sa Pilipinas: Wesley Merritt, Elwell Otis, at Arthur McArthrur. Tingnan ang balangkas ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas.

Pamahalaang Sibil Lahat ng patakaran ng Estados Unidos sa Pilipinas ay binigyang katuwiran sa pamamagitan ng Patakaran ayon sa Kagandahang Loob. Habang umiiral ang Pamahalaang Militar, ipinadala ni Pangulong McKinley ang Komisyong Schurman, sa pangunguna ni Jacob Schurman. Isa sa mga iminungkahi ng

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • pamahalaang militar –

pinamumunuan ng mgamilitar o sundalo

• kinatawan – representative• balangkas – estruktura• pinasinayaan – pinasimulan;

itinalaga• ipinaubaya - ipinagkatiwala• nagtatadhana - nagtatakda,

nagbibigay

Pamahalaang Militar

Pangulo (Amerikano)

Gobernador-Militar (Amerikano)

Pamahalaang Kolonyal

Pamahalaang Militar

(1898-1901)

Pamahalaang Sibil

(1901-1935)

Pamahalaang Komonwelt

(1935-1946)

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 15

komisyon sa pangulo ay ang pagtatag ng isang Pamahalaang Sibil. Dahil dito, muling nagpadala ng bagong komisyon sa Pilipinas. Ito ay ang Komisyong Taft na pinamunuan ni William H. Taft. Naisakatuparan ang rekomendasyon ng Komisyong Schurman, ang pagtatatag ng Pamahalaang Sibil sa Pilipinas kapalit ng Pamahalaang Militar.

Balangkas ng Pamahalaang Sibil Nagkaroon ng dalawang gobernador-sibil sa Pilipinas, sina William H. Taft at Luke E. Wright. Noong 1905, ang titulong “Gobernador-Sibil” ay pinalitan ng “Gobernador-Henaral.” Ang gobernador-heneral ang kinatawan ng pangulo sa kolonya, samakatuwid, ang pinakamakapangyarihang posisyon sa pamahalaang kolonyal. Hanggang 1935, may 10 gobernador-heneral na nanungkulan sa Pilipinas. Pag-aralan ang sistema at balangkas ng Pamahalaang Sibil sa Pilipinas na nakasaad sa itaas.

Pamahalaang Sibil

Tagapagpaganap

Pangulo (Amerikano)

Gobernador-Sibil/Heneral (Amerikano)

Tagapagbatas

Komisyon

(Mataas na Kapulungan)

Asemblea (Mababang Kapulungan)

Tagapaghukom

Korte Suprema

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 16

Noong 1907, ayon sa Batas ng Pilipinas 1902, ipinaubaya na sa mga halal na kinatawang Pilipino ang kontrol sa Asemblea (Mababang Kapulungan ng Batasan), habang hawak pa rin ng mga kinatawang Amerikano ang Komisyon (Mataas na Kapulungan) hanggang noong 1916. Dahil sa Batas Jones 1916, ang kapangyarihan ng Komisyon ay napasa-kamay na ng mga kinatawang Pilipino. Tatlong Pilipino ang humawak ng pinakamataas na katungkulan sa Korte Suprema simula 1901 hanggang 1924: Cayetano Arellano, Victorino Mapa, at Manuel Araullo. Pamahalaang Komonwelt Ang Batas Jones 1916 ay may probisyong bumuo ng mga misyong pangkalayaan upang tumungo sa Estados Unidos para kumuha ng batas para sa kalayaan ng Pilipinas. Narito ang mga nabuong komisyon hanggang nakuha ang batas na nagtatadhana ng Pamahalaang Komonwelt.

• Komisyon sa Kalayaan 1918 • Unang Misyon 1919 • Misyong Wood-Forbes 1921 • Misyong Quezon-Osmena 1922 • Misyong Os-Rox 1931 • Misyong Quezon 1933

Nakuha ni Manuel Quezon ang Batas Tydings-McDuffie na nangangako ng pagtatatag ng Pamahalaang Komonwelt na tatagal ng 10 taon. Pagkatapos maisagawa ang kahingian (requirements) ng batas, pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt noong Nobyembre 15, 1936. Nahalal na pangulo si Manuel Quezon at si Sergio Osmena ang kaniyang pangalawang pangulo. Tunghayan ang sistema at balangkas ng Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas. Nanunumpa si Quezon bilang pangulo

ng Pamahalaang Komonwelt

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 17

Balangkas ng Pamahalaang Komonwelt Ang Pamahalaang Komonwelt o Malasariling Pamahalaan ay may layuning sanayin ang mga Pilipino upang pamahalaan ang Pilipinas sa loob ng 10 taon. Makikita sa balangkas ng pamahalaan na lahat ng opisyales ay Pilipino. Si Jose Abad Santos ang kaisa-isang naging punong mahistrado ng Kotre Suprema hanggang 1942 bago ang pananakop ng mga Hapones.

Pamahalaang Komonwelt

Tagapagpaganap

Pangulo

(Pilipino)

Pangalawang Pangulo (Plipino)

Tagapagbatas

Senado

(Pilipino)

Kinatawan

(Pilipino)

Tagapaghukom

Korte Suprema (Pilipino)

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 18

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

1. Si Manuel Roxas ang unang pangulo ng Komonwelt.

2. Sa pamamagitan ng Komisyong Taft, naisakatuparan ang Pamahalaang Sibil.

3. May apat na sangay ang Pamahalaang Komonwelt. 4. Ang lider ng pamahalaang militar ay isang sundalo.

5. Kasama sa mga komisyon ng Pamahalaang Sibil ang Komisyon

sa Kalayaan.

6. Tatlo ang naging gobernador-militar sa Pilipinas.

7. Si William Howard Taft ay naging pangulo ng Komonwelt. 8. Si Jose Abad Santos ang kaisa-isang naging punong

mahistrado ng Kotre Suprema hanggang 1942.

9. Si Pangulong Roosevelt ang pangulo ng Estados Unidos nang isagawa ang mga gawaing pananakop sa Pilipinas.

10. Lahat ng patakaran ng Estados Unidos sa Pilipinas ay binigyang katuwiran sa pamamagitan ng Patakaran ayon sa Kagandahang Loob.

Suriin Natin

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 19

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Anong mga uri ng pamahalaan ang itinatag sa Pilipinas ng Estados Unidos sa loob nang mahigit na apat na dekada nang kolonisasyon?

2. Sino ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa kolonyang Pilipinas sa ilalim ng Pamahalaang Sibil?

3. Paano naiiba ang sistema at balangkas ng Pamahalaang Komonwelt sa Pamahalaang Sibil?

Marapat bang tanggapin ng isang Pilipino ang alok na posisyon sa pamahalaang kolonyal? Bakit?

Pagkatapos manaliksik na isinagawa sa nakaraang aralin, itala ang mga naging gobernador-heneral sa pamahalaang kolonyal mula 1905 hanggang 1935. Maaaring gamitin ang mga nakalap na impormasyon sa naunang aralin bilang gabay.

Gobernador-Heneral

1. Luke E. Wright 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10. Frank Murphy

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 20

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Nilalaman Naitala ang isa hanggang tatlong gobernador-heneral

Naitala ang apat na gobernador-heneral

Naitala ang lima hanggang pitong gobernador-heneral

Naitala ang karagdagang walong gobernador-heneral

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng output; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Kailangang matutong maging maayos at malinis sa paggawa; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang output; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng ipinasang output; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

KABUUAN

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 21

Aralin 3

Ang Patakaran ng Malayang Kalakalan

Pagbabago sa Lipunan sa Panahon ng mga Amerikano

Sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas, dalawa ang kanilang tuon o pokus. Una ay ukol sa kalakalan at ang pangalawa ay ukol sa lupain. Ang mga patakarang pang-ekonomiya o pangkalakalan ng Estados Unidos ay para sa kanilang kapakinabangan, hindi para sa mga Pilipino. Ito ay nakabatay lamang sa malayang kalakalan (free trade).

• Ano ang patakaran ng malayang kalakalan? Ano ang mga batas na nagpatunay nang hindi pantay na pagtrato sa mga Pilipino?

• Bakit maraming hindi mabuting epekto ang idinulot ng malayang kalakalan sa Pilipinas?

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• natatalakay ang mga patakaran ng malayang kalakalan (free trade) na pinairal ng mga Amerikano sa Pilipinas; at

• nasusuri ang mga epekto ng malayang kalakalan sa kabuhayan ng mga Pilipino at sa pag-unlad ng Pilipinas.

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 22

Pagtambalin ang mga konsepto sa Hanay A at mga taon sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Batas Payne-Aldrich a. 1913

2. Batas Underwood-Simmons b. 1936

3. Muling pagkamit ng kalayaan c. 1974

4. Limitadong malayang kalakalan d. 1946

5. Limitasyon sa pananakop e. 1909

Subukan Natin

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 23

Patakaran ng Malayang Kalakalan Ang patakaran o polisiya ng malayang kalakalan ay nagpahintulot ng malayang pagpasok ng mga produkto o kalakal ng Estados Unidos at Pilipinas sa kani-kaniyang pamilihan, gayundin, ang mga negosyanteng Amerikano na nakapasok sa Pilipinas nang walang anumang balakid. Subalit, ang ganap na kalayaan sa kalakalan ay para lamang sa mga Amerikano. Ang ilang produkto ng Pilipinas ay may limitasyon. Silipin natin ang mga batas na nagpatunay nang hindi pantay na pagtrato sa Pilipinas. Batas Payne-Aldrich Tariff 1909

• Nagsaad na ang mga produktong Amerikano ay puwedeng pumasok sa Pilipinas nang walang buwis at wala ring limitasyon ang bilang at dami nito.

• Ang mga produktong Pilipino ay nakapasok sa Estados Unidos nang wala ring buwis subalit may limitasyon sa dami ng maaaring ipasok sa kanila kagaya ng asukal, sigarilyo, tabako, at kopra (pinatuyong laman ng niyog).

• Hangad nitong mapangalagaan ang mga produktong Amerikano.

Batas Underwood-Simmons 1913 • Nagtanggal ng limitasyon sa mga produktong Pilipino sa pagpasok sa pamilihan ng

Estados Unidos ayon saBatas Payne-Aldrich Tariff maliban lamang sa mga gawa o yari nang produkto.

• Samakatuwid, halos naging ganap at pantay na ang patakaran ng malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

• Nagpatuloy ito sa kabuuan ng pananakop ng Estados Unidos bagaman muling nagkarooon ng limitasyon noong 1936 ayon sa Batas Tydings-McDuffie.

• Pagkatapos makamit ang kalayaan noong Hulyo 4, 1946, nagpatuloy ang limitadong malayang kalakalan hanggang 1974.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • kalakalan – pagbebenta ng

produkto sa pamilihan • buwis – halaga na ipinapataw

ng pamahalaan sa isang produkto o serbisyo

• ekonomiya – gawaing pangkabuhayan

• hadlang – balakid, sagabal • mainam – mabuti

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 24

Pagsusuri sa mga Kaganapang Pangkalakalan ng mga Amerikano Maraming di-mabuting epekto ang idinulot ng malayang kalakalan sa ekonomiya ng Pilipinas. Narito ang mga pangyayaring naging dahilan nito:

• Natali ang ekonomiya ng Pilipinas sa Estados Unidos. Lahat ng produkto ng Pilipinas ay napunta lamang sa kanila. Dahil dito, nahirapang makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas kahit noong nagsarili na ito.

• Nanatiling agrikultural ang oryentasyon ng kabuhayan ng Pilipinas. Tanging tabako, asukal, niyog, at abaka ang itinanim sa Pilipinas, subalit mababa ang halaga nito sa Estados Unidos. Sinadya ng mga Amerikano na maging tagabili lamang ng kanilang yaring produkto ang mga Pilipino upang lumakas ang kanilang industriya.

• Ang pagbawal na makapasok sa Estados Unidos ang mga gawa o yari nang produkto ay isang paghadlang na maging industriyalisadong bansa ang Pilipinas.

• Ang malayang kalakalan ay naging daan ng mabilis na pagyaman ng mga mamumuhunang Amerikano sa Pilipinas.

• Nagbunga ang malayang kalakalan ng kaisipang kolonyal. Nakondisyon ang isip ng mga Pilipino na lahat ng galing sa Estados Unidos ay mainam at superyor.

Sa pagkontrol ng mga Amerikano sa kalakalan atekonomiya ng bansa, natuto ang mga Pilipino na tumangkilik ng iba’t ibang produkto.

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 25

Ibigay ang mga hinihingi.

A. Magbigay ng dalawang batas na nakatulong sa mga Amerikano na kontrolin ang kalakalan ng Pilipinas. 1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

B. Magbigay ng limang epekto ng kaganapang pangkalakalan ng mga Amerikano sa

ating lipunan. 1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

3. ________________________________________________

4. ________________________________________________

5. ________________________________________________

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang konsepto ng "Patakaran ng Malayang Kalakalan?" 2. Bakit sinasabing "hindi malaya" ang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at

Pilipinas? 3. Paano naapektuhan ng malayang kalakalan ang kalagayang pang-ekonomiya ng

Pilipinas?

Suriin Natin

Sagutin Natin

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 26

May karapatan at kapangyarihan ba ang Pilipinas na tanggihan ang hindi makatarungang patakaran ng malayang kalakalan?

Gumawa ng isang likhang sining na nagpapakita ng mga epekto ng mga polisiyang ipinatupad ng mga Amerikano sa lipunang Pilipino. Maaaring gumawa ng karagdagang pananaliksik para dito. Bilang gabay sa paggawa, isaisip ang mga kasagutan sa sumusunod na tanong:

• Ano ang ipinahihiwatig ng mga polisiyang ito tungkol sa mga Amerikano? • Bakit kinailangan ng mga Amerikanong ipatupad ang mga polisiyang ito? • Paano tinanggap ng mga Pilipino ang mga polisiyang ito?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan

pa ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Nilalaman Hindi ibinatay ang likhang sining sa aralin; hindi sinunod ang panuto

May iilang detalye lamang ang likhang sining; kaunting paglalarawan lamang ang ipinahayag

Maraming detalye ang likhang sining; may isa o dalawang detalye na hindi lubusang naipaliwanag

Puno ng tamang detalye at maayos na ipinahayag, inilarawan, at ipinaliwanag ang nilalaman ng likhang sininig

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 27

Kaayusan at Kalinisan

Walang kaayusan at napakadumi ng output; napakaraming nakitang bura, dumi o pagkakamali

Kailangang matutong maging maayos at malinis sa paggawa; maraming nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Maayos at malinis ang output; may ilang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Napakaayos at napakalinis ng ipinasang output; walang nakitang bura, dumi, o pagkakamali

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa dahil ipinaalala ng guro

Nakapagpasa ng output sa loob ng ilang minuto/oras/ araw/ linggo matapos ang itinakdang panahon ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output sa itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang minuto/oras/ araw/linggo ng pagpapasa

KABUUAN

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 28

Ang ilang kalsada at estruktura sa Maynila ay ipinangalan sa iba’t ibang pinunong Amerikano na may malaking papel na ginampanan sa panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa bansa. Halimbawa na lamang, ang Taft Avenue na daanan papunta sa napakaraming lugar sa Maynila ay ipinangalan kay William Howard Taft. Samantala, ang Jones Bridge na malapit sa Intramuros at Quiapo ay ipinangalan naman kay William Atkinson Jones, ang may-akda ng Philippine Autonomy Act of 1916. Ano-anong lugar at kalsada pa sa Maynila ay ipinangalan sa mga Amerikano?

Pangkatin ang klase sa lima. Bawat pangkat ay pipili ng isang polisiya na ipinatupad ng pamahalaang Amerikano sa kanilang pamamalagi sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga natutuhan sa yunit na ito at sa mga karagdagang pananaliksik, gumawa ng isang brochure na tumatalakay sa napiling polisiya. Siguruhin na ang brochure ay may kaaya-ayang nilalaman at disenyo.

Karagdagang Kaalaman

William Howard Taft

Pagyamanin Natin

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 29

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Nilalaman at Disenyo

Walang pagsisikap na magpasa ang de-kalidad na brochure; tila walang natutunan sa mga aralin at pananaliksik

May pagsisikap na mapaganda at maging kaaya-aya ang nilalaman at disenyo ng brochure; may ilan natutunan mula sa aralin at pananaliksik

Maganda, malikhain, at tama ang impormasyon sa brochure; may natutuhan mula sa mga aralin at pananaliksik

Napakaganda, malikhain, at puno ng makabuluhang impormasyon ang brochure; kitang-kita ang pagkatuto sa mga aralin at pagsasagawa ng pananaliksik

Pagpapahalaga Nangailangan ng paggabay kahit sa simpleng gawain; madaling umayaw; umaasa sa iba

Nakayang gawin ang madadaling bahagi, nangailangan ng paggabay; ginawa muna ang mahihirap na bahagi, maaaring umayaw kung walang paggabay

Nakayang gawin ang mahihirap na bahagi, nangailangan ng paggabay; ginawa muna ang mahihirap na bahagi, kaya pa ring magpatuloy kahit walang paggabay

Pinaghirapan at pinaghandaang mabuti ang gawain, hindi na nangailangan ng paggabay; madaling nakaugnay at natapos sa oras ang gawain

Pakikilahok ng Bawat Indibiduwal

Hindi nakilahok at walang interes sa paghahanda at pagsasakatuparan ng gawain

May naipakitang kaunting interes at pakikilahok sa paghahanda at pagsasakatuparan ng gawain

Nagpakita ng interes subalit hindi gaanong nakilahok sa paghahanda at pagsasakatuparan ng gawain

Nagpakita ng masidhing interes at aktibong pakikilahok sa buong paghahanda at pagsasakatuparan ng gawain

KABUUAN

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 30

Paglalagom Pamahalaang

Kolonyal ng Estados Unidos

Pasipikasyon at Kooptasyon

Mga Batas:

Sedisyon

Bandila

Rekonsentrasyon

Panunulisan

Pag-akit sa mga Pilipino upang makiisa

Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal

Mga Pamahalaan:

Militar

Sibil

Komonwelt

Patakaran ng Malayang Kalakalan

Mga Batas:

Payne-Aldrich Tariff

Underwood-Simmons

Lugi ang Pilipinas

DAPAT TANDAAN

• Layunin ng mga Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon na supilin ang nasyonalismong Pilipino upang mapalawig ang kanilang pananakop.

• Sapat ang kakayahan ng mga Pilipino na bumalangkas ng sariling pamahalaan at pamunuan ito sa sistematikong paraan.

• Lahat ng patakaran ng Estados Unidos na ukol sa ekonomiya ay sa kanilang kapakinabangan. Bahagi ng pananakop ang pakinabangan ang kayamanan ng Pilipinas.

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 31

Ang sumusunod na video link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay:

• Pangulong Manuel L. Quezon ng GovPH (https://www.youtube.com/watch?v=cz54rGo5oeU)

• Philippines’ Independence Proclaimed ng GovPH (https://www.youtube.com/watch?v=hAUQWgufVt8)

• Manuel Quezon hails action of United States freeing the Philippine Islands ng GovPH (https://www.youtube.com/watch?v=_04rMRABLGw)

Aralin 1: Patakarang Pasipikasyon at Kooptasyon Subukan Natin

1. Tama 2. Tama 3. Tama

4. Tama 5. Tama

Suriin Natin

1. Flag Law 2. Reconcentration Act 3. Sedition Law 4. Sedition Law 5. Flag Law

6. Brigandage Act 7. Brigandage Act 8. Reconcentration Act 9. Reconcentration Act 10. Sedition Law

Dagdag Sanggunian

Gabay sa Pagwawasto

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 32

Aralin 2: Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal

Subukan Natin Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Suriin Natin 1. Mali2. Tama3. Mali4. Tama5. Mali

6. Tama7. Mali8. Tama9. Mali10. Tama

Aralin 3: Patakaran ng Malayang Kalakalan

Subukan Natin 1. e2. a3. d

4. c5. b

Suriin Natin A. Anuman ang pagkakasunod-sunod:

1. Batas Payne-Aldrich2. Batas Underwood-Simmons

B. Anuman ang pagkakasunod-sunod:1. pagtali ng ekonomiya ng Pilipinas2. pananatili ng agrikultural na oryentasyon ng bansa3. pagpigil sa industriyalisasyon ng bansa4. pagkontrol sa malayang kalakalan5. pagbubunga ng kaisipang kolonyal ng mga Pilipino

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 6, YUNIT 8 Ang Pamahalaang

Copyright © 2018 Quipper Limited 33

Agoncillo, Teodoro A. Kasaysayan ng Bayang Pilipino. Quezon City: GAROTECH Publishing, 1984.

Basallo, Bertito R. IOTOPIA: Pilipinas. Las Piñas City: Hope Publishing House, 2010. Constantino, Renato. The Philippines: A Continuing Past. Quezon City: The Foundation for

Nationalist Studies, 1978. Lontoc, Nestor S. Lakbay ng Lahing Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2009. Mactal, Ronaldo B. HISTORIA. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2010.

Sanggunian