9 1st generation modules - version 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/ap-9-q1...9 araling...

20
Araling Panlipunan Unang Markahan Modyul 3: Iba’t ibang Sistemang Pang-Ekonomiya 9 1st GENERATION MODULES - VERSION 2.0 __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Upload: others

Post on 13-Feb-2021

53 views

Category:

Documents

4 download

TRANSCRIPT

  • Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3:

    Iba’t ibang Sistemang Pang-Ekonomiya

    9

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

    Alternative Delivery Mode

    Unang Markahan – Modyul 3: Iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya

    Unang Edisyon, 2020

    Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

    karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan

    muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito

    ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay

    ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand

    name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito

    ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang

    makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at

    mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay

    kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

    anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

    Kalihim: Leonor Magtolis Briones

    Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

    Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province

    Office Address: IPHO Bldg., Sudlon Lahug Cebu City

    Telefax: (032) 255-6405; (032) 255-4401

    E-mail Address: [email protected]

    Editor Development Team of the Module

    Manunulat : Violeta S. Rosacena

    Tagasuri : Elma M. Larumbe (QA, Moderator)

    Tagapamahala

    Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales

    Asst. Schools Div. Supt. : Leah B. Apao

    : Ester A. Futalan

    : Cartesa M. Perico

    CID Chief : Mary Ann P. Flores

    EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas

    EPSVR – AP : Rosemary N. Oliverio

    1st

    GENE

    RATIO

    N MOD

    ULES

    - VER

    SION 2

    .0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 9 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3:

    Iba’t ibang Sistemang Pang-Ekonomiya

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • ii

    Paunang Salita

    Para sa tagapagdaloy:

    Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode

    (ADM) Modyul para sa araling Iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya.

    Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa

    pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

    matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12

    habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa

    pag-aaral.

    Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang

    pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

    matulungan ang mag-aaral upang makamit ang ika-21 siglong mga kasanayang habang

    isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

    Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa

    pinakakatawan ng modyul:

    Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung

    paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

    habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

    Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang

    isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

    Para sa mag-aaral:

    Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

    ukol sa Iba’t-ibang Sistemang Pang ekonomiya.

    Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

    matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

    madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

    Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

    Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • iii

    Alamin

    Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat

    mong matutuhan sa modyul.

    Subukin

    Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na

    ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung

    nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),

    maaari mong laktawan ang bahaging ito ng

    modyul.

    Balikan

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

    matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang

    aralin sa naunang leksyon.

    Tuklasin

    Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala

    sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang

    kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,

    gawain o isang sitwasyon.

    Suriin

    Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

    pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan

    kang maunawaan ang bagong konsepto at mga

    kasanayan.

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • iv

    Pagyamanin

    Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay

    at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

    iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

    Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa

    pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa

    huling bahagi ng modyul.

    Isaisip

    Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan

    ang patlang ng pangungusap o talata upang

    maproseso kung anong natutuhan mo mula sa

    aralin.

    Isagawa

    Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa

    iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o

    kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng

    buhay.

    Tayahin

    Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat

    ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng

    natutuhang kompetensi.

    Karagdagang Gawain

    Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

    panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong

    kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • v

    Susi sa Pagwawasto

    Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng

    mga gawain sa modyul.

    Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

    Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

    1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat

    ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

    pagsasanay.

    2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

    napapaloob sa modyul.

    3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

    4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

    pagwawasto ng mga kasagutan.

    5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

    6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin

    lahat ng pagsasanay.

    Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-

    aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng

    tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga

    kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-

    iisa.

    Umaasa kaming, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

    pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

    Kaya mo ito!

    Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

    paglikha o paglinang ng modyul na ito.

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 1

    Alamin

    Isang katotohanan ang dapat nating tanggapin na walang hangganan ang

    kagustuhan at pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan ng mga pinagkukunang-

    yaman. Isa ito sa mga dahilan kung bakit pinag-aaralan natin ang Ekonomiks. Kailangan ng

    isang mekanismo para maipamahagi nang maayos ang mga limitadong pinagkukunang-

    yaman. Ito ay tinatawag na alokasyon.

    Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

    1. Nasusuri ang mga mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-

    ekonomiya bilang sagot sa kakapusan.

    2. Natutukoy ang mga katangian ng bawat sistemang pang-ekonomiya.

    3. Napalalawak ang kaalaman sa mga pamamaraang ginagamit ng mga bansa para

    tugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan.

    Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Piliin ang titik na tumutukoy

    sa tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

    1. Ito ay ang mekanismo sa pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto at

    serbisyo.

    A. Alokasyon B. Pagkonsumo C. Produksyon D. Tradisyon

    2. Upang matiyak na efficient at maayos ang pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman

    dapat itong sumagot sa apat na mga pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Alin sa

    mga sumusunod ang hindi kabilang dito?

    A. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?

    B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?

    C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?

    D. Sino ang gagawa ng mga produktong ito?

    Subukin

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 2

    3. Ito ay isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisasaayos ang paraan ng

    produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng

    gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.

    A. Patakarang Pang-ekonomiya C. Sistemang Pang-ekonomiya

    B. Polisiyang Pang-ekonomiya D. Sistemang Panlipunan

    4. Sistemang pang-ekonomiya ito bagamat walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may

    maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito.

    A. Command Economy C. Mixed Economy

    B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

    5. Ang sistemang pang-ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon

    ng pamahalaan.

    A. Command Economy C. Market Economy

    B. Controlled Economy D. Mixed Economy

    6. Ang sistemang pang-ekonomiya na kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng

    dalawang sistemang tulad ng malayang pakikilahok at pagkontrol ng pamahalaan.

    A. Command Economy C. Mixed Economy

    B. Market Economy D. Traditional Economy

    7. Ito ay isa sa mga katangian na naglalarawan ng Mixed Economy.

    A. Nakabatay sa tradisyon ng mga patakaran

    B. Pantay ang pagkakaloob ng mga pangangailangan sa mga nasasakupan.

    C. Pinahihintulutan ang pribadong pagmamay-ari

    D. Walang malinaw na batas ukol sa alokasyon

    8. Ang sistemang pang-ekonomiya na ginagabayan ang kasagutan sa pangunahing

    katanungang pang-ekonomiko na ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan.

    A. Command Economy C. Mixed Economy

    B. Market Economy D. Traditional Economy

    9. Ito ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung

    gaano karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.

    A. Alokasyon B. Demand C. Kagustuhan D. Presyo

    10. Aling mga bansa sa kasalakuyang nagpapatupad ng sistemang Command Economy?

    A. USA at Canada C. Vietnam at Philippines

    B. Cuba at North Korea D. China at Singapore

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 3

    Balikan

    Gawain: SANG – AYON O HINDI

    Panuto: Basahin ang pangungusap. Lagyan ng tsek (√) kung sang-ayon sa pangungusap at ekis (x) naman kung hindi. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

    1. Ang pangangailangan ng tao ay may katapusan at hangganan. 2. Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nakatutulong para maunawaan ang mga programa

    at batas na may kinalaman sa pambansang suliranin. 3. Dahil sa kakapusan hindi kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng mga

    pinagkukunang-yaman ng bansa. 4. Ang kakapusan ay tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman na kaakibat na

    ng buhay ng tao. 5. Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano

    tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

    Tuklasin

    Gawain: FOUR PICS ONE WORD Panuto: Hanapin ang susing salita na tinutukoy ng mga larawan. Punan ang kahon ng

    angkop na titik mula sa ibinigay na talaan upang mabuo ang nakatagong

    salita.

    S Q A L K

    Y N O W O

    A

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 4

    Pamprosesong Tanong:

    1. Alin sa mga larawan ang nagbigay sa iyo ng ideya upang matukoy ang salita?

    2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng salitang nabuo?

    Suriin

    Matapos mong malaman ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa aralin,

    ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga

    gawaing inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng

    bahaging ito ay matutunan mo bilang mag-aaral ang ideya o konsepto ng alokasyon at

    mekanismo nito sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya. Halina’t umpisahan mong

    muli ang iyong pag-aaral.

    KAUGNAYAN NG ALOKASYON SA KAKAPUSAN, PANGANGAILANGAN, AT

    KAGUSTUHAN

    Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. Sa katunayan,

    pinag-aaralan ang ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa mga pinagkukunang-

    yaman. Sabi nga ni John Watson Howe, “There isn’t enough to go around”. Ito ang kasabihang

    sumasalamin sa suliranin ng kakapusan. Ito rin ang naglalahad ng katotohanang limitado ang

    mga pinagkukunang-yaman kung kaya’t kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano

    gagamitin nang mahusay ang mga ito upang matugunan ang nagtutunggaliang

    pangangailangan at kagustuhan ng tao.

    Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo ay

    tinatawag na alokasyon. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at

    magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan

    ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.

    Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-

    yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at

    kapakinabangan mula rito. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may

    kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman. Ang mapanagutang paggamit nito ang titiyak na

    may magagamit pang pinagkukunang-yaman ang susunod na henerasyon.

    Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman,

    dapat itong sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko.

    1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?

    2. Paano gagawin ang naturang produkto?

    3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?

    4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 5

    ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

    Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at

    paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng mga

    pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. Mithiin

    ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng

    kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.

    Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan

    ang mga suliraning nakapaloob sa produksyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo.

    Matatandaang ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing

    katanunganng pang-ekonomiko. Una, ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?

    Pangalawa, paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Pangatlo, para kanino

    gagawin ang mga produkto at serbisyo? Panghuli, gaano karami ang gagawing produkto at

    serbisyo?

    IBA’T IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

    Ang mga sumususunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa

    daigdig.

    1. Tradisyunal na Ekonomiya

    Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyunal na ekonomiya. Ang

    kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura,

    at paniniwala. Ang tanong na anong lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang

    pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit,

    pagkain at tirahan. Maging ang suliraning kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang

    na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraang

    itinuturo ng matatanda sa pangkat. Sa tradisyunal na ekonomiya, bagamat walang tiyak na

    batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang

    anomang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan

    at kung sino ang dapat gumamit.

    2. Market Economy

    Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang- ekonomiko

    ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema ang bawat

    kalahok-konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na

    makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring makapamili

    ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay

    sinasagot ng puwersa ng pamilihan. Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong

    pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng

    mga gawain.

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 6

    Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga

    mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.

    Sa kabuuan, ang dami ng produktong nais ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas na

    dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling salita, presyo ang nagsisilbing

    pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.

    Samantala, tungkulin naman ng pamahalaan ang pagbibigay ng proteksiyon sa

    kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa

    karapatan, ari-arian, at kontratang pinapasukan ng mga pribadong indibidwal.

    3. COMMAND ECONOMY

    Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol

    at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa

    pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central

    planning agency).

    Katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawing pang-ekonomiya ay

    sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting

    pinagkukunang-yaman sa paglikha ng mga kapital. Samantala, madaling nalalaman ang

    distribusyon ng kita ng lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang

    uri ng hanapbuhay. Ang kita naman mula sa lupang sakahan ay maaaring matukoy sa

    pamamagitan ng pagtatakda ng halaga ng mga produktong nagmumula rito.

    Ang mga patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa

    kasalukuyan, nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya ang Cuba at North

    Korea.

    4. MIXED ECONOMY

    Ang mixed economy ay isang sistemang kinapapalooban ng elemento ng market

    economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed

    economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng

    malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy ay

    nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may mga katangiang bunga ng

    pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang

    pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga

    usaping nauukol sa pangangalaga sa kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari

    ng estado. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksyon, imprastraktura, at mga

    organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga

    pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi

    nangangahulugang ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga

    desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan.

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 7

    Gawain 1. TANONG AT SAGOT

    Panuto: Punan ang kahon sa Hanay A ng mga angkop na pangunahing katanungang pang-ekonomiko batay sa mga ibinigay na halimbawa sa Hanay B.

    HANAY A (Mga Katanungan) HANAY B (Mga Halimbawa)

    1. Palay, mais, kotse, o computer

    2. Tradisyunal na paraan o paggamit ng

    teknolohiya

    3. 500 kilong bigas o 200 metrong tela

    4. mamamayan sa loob o labas ng bansa (OFW)

    Gawain 2. PAGBUBUO NG TSART

    Panuto: Magbigay ng dalawang mahahalagang katangian ng bawat Sistemang Pang-

    ekonomiya na naisulat sa unang hanay ng tsart.

    Mga Sistemang Pang-Ekonomiya Mga Katangian

    1. Tradisyunal na Ekonomiya

    2. Market Economy

    3. Command Economy

    4. Mixed Economy

    Pagyamanin

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 8

    Isaisip

    Gawain: SAGUTIN MO!

    Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang tatlo hanggang limang

    pangungusap.

    1. Ano ang pagkakaiba ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na tinutukoy sa binasang

    teksto?

    Sagot: _________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________

    2. Batay sa binasang teksto, paano nakaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan

    sa pamamagitan ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya?

    Sagot: _________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________

    Gawain: MY EXIT SLIP

    Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag upang mataya ang natutunan mula sa

    modyul na ito.

    1. Ang natutunan ko sa alokasyon ay_________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________.

    2. Ang alam ko tungkol sa Sistemang Pang-ekonomiya ay ________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________.

    3. Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman dapat ___________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________.

    Isagawa

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 9

    Tayahin

    Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

    1. Ito ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa.

    A. Alokasyon B. Mekanismo C. Polisiya D. Produksiyon

    2. Alin sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko ang hindi kabilang?

    A. Ano-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin?

    B. Gaano karami ang gagawin?

    C. Para kanino gagawin?

    D. Saan ito gagawin?

    3. Ito ay isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang -yaman at pamamahala sa

    mga gawaing pang-ekonomiko.

    A. Alokasyon B. Pagkonsumo C. Produksiyon D. Sistemang Pang-ekonomiya

    4. Alin sa mga sumusunod ang batayan sa kasagutan sa pangunahing katanungang pang- ekonomiko sa tradisyunal na ekonomiya?

    A. batas, kultura at pamumuno

    B. kultura, pribadong pagmamay-ari at batas

    C. tradisyon, kultura at batas

    D. tradisyon, kultura at paniniwala

    5. Ang sistemang pang-ekonomiya na kung saan ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan.

    A. Command Economy C. Mixed Economy

    B. Market Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

    6. Ang sistemang pang-ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan (central planning agency)

    A. Command Economy C. Market Economy

    B. Mixed Economy D. Tradisyunal na Ekonomiya

    7. Sa market economy ito ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.

    A. demand B. presyo C. palitan ng dolyar D. pagkonsumo

    8. Ang mixed economy, ay isang sistemang kinapapalooban ng mga elementong________.

    A. market at tradisyunal na ekonomiya

    B. market at command economy

    C. tradisyunal at command economy

    D. tradisyunal at hindi tradisyunal na ekonomiya

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 10

    9. Sa command economy ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sinasabing_______________.

    A. di-organisado B. malaya C. planado D. sentralisado

    10. Isa sa mga tampok na katangian ng mixed economy ay ______________.

    A. nagbibigay ng malawak na pamahalaan sa pagpapatakbo ng mga kompanya

    B. nagbibigay restriksiyon sa isahang pagmamay-ari

    C. nagpahintulot sa pribadong pagpasya ang mga kompanya at indbidwal

    D. nagsusulong sa monopoly sa pamilihan

    Karagdagang Gawain

    Panuto: Magsaliksik ukol sa mga bansang sumasailalim sa mga Sistemang Pang-ekonomiya

    na nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magbigay ng tatlong bansa at isulat sa kanang

    hanay ng tsart.

    SISTEMANG PANG-EKONOMIYA MGA BANSA

    Tradisyunal na ekonomiya

    Market Economy

    Command Economy

    Mixed Economy

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 11

    Subukin

    1.A 2.D 3.C 4.D 5.A 6.C 7.C 8.B 9.D 10.B

    Balikan

    1.x 2.√ 3.X 4.√ 5.√

    Tayahin

    1.A 2.D 3.D 4.D 5.B 6.A 7.B 8.B 9.D 10.C

    Susi sa Pagwasto

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 12

    Sanggunian

    http://clipart-library.com/clipart/1106012.htm

    https://link.quipper.com/en/organizations/547ffad6d2b76d0002002282/curriculum#curriculum

    Balitao,B.,Garcia,E., at Marcos L.2006Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV (EKONOMIKS). Pilipinas. Department of Education (DepEd)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

    Balitao,B.,Garcia,E.,Cervantes M.Dr,et al 2012 Araling Panlipunan Serye IV.Ekonomiks

    :Mga Konsepto at Aplikasyon. Department of Education

    1st GE

    NERA

    TION M

    ODUL

    ES - V

    ERSIO

    N 2.0

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

  • 13

    Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

    Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

    Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

    Email Address: [email protected] * [email protected]