a5 sivp leaflet tagalog - chp.gov.hk · pdf filena ligtas sa pagbubuntis at walang ebidensiya...

2
2017 2018 Kinakailangan ba na magpabakuna laban sa influenza taun-taon? Oo. Ang umiikot na uri ng influenza ay nagbabago pana-panahon. Alinsunod sa mga umiikot na uri, ang komposisyon ng bakuna ay isinasapanahon bawat taon upang pahusayin ang proteksiyon. Ang immunity na nabuo sa binakunahang tao sa nakaraang panahon ay bababa sa pagdaan ng panahon at maaaring maging napakababa upang magbigay ng proteksiyon sa susunod na panahon. Karagdagan pa, ang mga komposisyon ng bakuna ng bakuna laban sa influenza ng 2017/18 ay naiiba sa komposisyon noong 2016/17, mahalaga na magpabakuna. Paano pumili ng trivalent o quadrivalent vaccine? Ano ang kaibhan ng proteksiyon sa pagitan nila? Kapwa ang trivalent at quadrivalent na hindi pinaganang bakuna laban sa influenza ay inirerekomenda na gamitin sa Hong Kong. Ang bakuna laban sa influenza na trivalent ay maaaring potensiyal na maiwasan nito ang mayorya ng bigat ng influenza sa Hong Kong, habang ang bakuna laban sa influenza na quadrivalent ay maaaring potensiyal na mag-alok ng karagdagang proteksiyon laban sa influenza B. Mangyaring konsultahin ang iyong doktor para sa mga detalye. Gaano kabisa ang proteksiyon na ibinibigay ng bakuna? Ayon sa WHO, kapag ang uri ng bakuna ay malapit na tumutugma sa mga umiikot na virus ng influenza, ang bisa ng hindi pinaganang bakuna laban sa influenza sa mga indibidwal na mas bata sa 65 taon ng edad ay tipikal na sumasaklaw mula 70% – 90%. Para sa pag-iwas laban sa influenza, ang mga binakunahang indibidwal ay dapat magpanatili ng mabuting kalinisan sa katawan at kapaligiran, balanseng diyeta, regular na ehersisyo, tamang pahinga, hindi nagsisigarilyo at iniiwasan ang pag-inom ng alak. Ilang mga dosis ng pagbabakuna laban sa influenza ang kailangan taun-taon? Ang mga taong may edad na 9 taong gulang o pataas, sila ay inirerekomendang tumanggap ng 1 dosis sa panahon ng 2017/18. Upang matiyak ang sapat na immunity laban sa influenza, ang mga bata na wala pang 9 taong gulang na pa kailanman tumanggap ng anumang bakuna laban sa influenza ay inirerekomenda na tumanggap ng 2 dosis sa 2017/18 na may pinakamababang pagitan ng 4 linggo. Ang mga bata na tumanggap ng bakuna laban sa influenza noong panahon ng 2016/17 o bago nito ay inirerekomendang tumanggap ng 1 dosis sa panahon ng 2017/18. Kaayusan ng Pagbabakuna Ipinapatupad ng Pamahalaan ang Programa sa Pagbabakuna ng Pamahalaan (GVP) at Iskema ng Subsidyo sa Pagbabakuna (VSS) upang magbigay ng libreng / sinubsidyuhang pagbabakuna sa mga karapat-dapat na residente ng Hong Kong. Ang antas ng subsidyo sa ilalim ng VSS 2017/18 ay $190 kada dosis. Mga buntis Maaaring tumanggap ang mga buntis ng sinubsidyuhang pagbabakuna mula sa mga pribadong doktor na nakatala sa ilalim ng VSS. Ang mga buntis na tumatanggap ng Komprehensibong Tulong sa Panlipunang Seguridad (CSSA) o may hawak ng may bisang Katunayan ng Waiver ng mga Sinisingil na Medikal ay maaaring tumanggap ng libreng pagbabakuna sa mga Sentro sa Kalusugan ng Ina at Bata ng Kagawaran ng Kalusugan (DH) o ang mga klinikang antenatal ng Awtoridad ng Ospital sa ilalim ng GVP. Mga matatanda na may edad 65 o pataas Ang mga tao na may edad 65 o pataas ay maaaring tumanggap ng sinubsidyuhang pagbabakuna mula sa mga pribadong doktor na nakatala sa ilalim ng VSS. Ang mga matatanda ay maaari ring pumili na tumanggap ng libreng pagbabakuna sa ilalim ng GVP sa pamamagitan ng mga itinalagang pampublikong klinika, o ang mga Sentro sa Kalusugan ng Matatanda ng DH. Mga bata Ang mga bata na may edad 6 buwan hanggang wala pang 12 taon ay maaaring tumanggap ng sinubsidyuhang pagbabakuna mula sa mga pribadong doktor na nakatala sa ilalim ng VSS. Ang mga batang tumatanggap ng CSSA o may hawak ng may bisang Katunayan para sa Waiver ng mga Sinisingil na Medikal ay maaaring tumanggap ng libreng pagbabakuna sa ilalim ng GVP sa mga Sentro sa Kalusugan ng Ina at Anak o ang mga Sentro ng Serbisyo sa Kalusugan ng Mag-aaral ng DH. Para sa mga detalye at ibang kaayusan ng libreng / sinubsidyuhang pagbabakuna, mangyaring bisitahin Website ng Sentro para sa Proteksiyon ng Kalusugan: www.chp.gov.hk, o tumawag sa 24-Oras na Hotline sa Edukasyong Pangkalusugan ng Kagawaran ng Edukasyon: 2833 0111 Pagtatanong: 2125 2125 1 Ang mga taong may mga kondisyong may mataas ang panganib ay pangunahing tumutukoy sa mga may malalang sakit sa puso (maliban ang altapresyon na walang komplikasyon), mga sakit sa baga, metaboliko o bato, labis na katabaan (BMI 30 o pataas); na nakompromiso ang immunity (ang mga may huminang immune system dahil sa sakit (tulad ng HIV/AIDS) o paggamot (tulad ng paggamot sa kanser)), mga bata at kabataan (na may edad 6 buwan hanggang 18 taon) na nasa ilalim ng pangmatagalang aspirin therapy; at ang mga may malalang kondisyong neurolohikal na maaaring magkompromiso sa paggana ng paghinga o pangangasiwa ng mga sekresyon sa daanan ng paghinga o na maaaring magpalala sa panganib ng paghinga o ang mga may kakulangan sa kakayahan na alagaan ang kanilang mga sarili. Kagawaran ng Kalusugan Agosto 2017 Iwasan ang Trangkaso Iwasan ang Trangkaso Magpabakuna Magpabakuna (Tagalog Version)

Upload: buihanh

Post on 30-Jan-2018

251 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: A5 SIVP leaflet tagalog - chp.gov.hk · PDF filena ligtas sa pagbubuntis at walang ebidensiya na nagpapakita ang katulad na bakuna ay maaaring magdulot ng abnormalidad sa foetus kahit

20172018

Kinakailangan ba na magpabakuna laban sa influenza taun-taon?

Oo. Ang umiikot na uri ng influenza ay nagbabago pana-panahon. Alinsunod sa mga umiikot na uri, ang komposisyon ng bakuna ay isinasapanahon bawat taon upang pahusayin ang proteksiyon. Ang immunity na nabuo sa binakunahang tao sa nakaraang panahon ay bababa sa pagdaan ng panahon at maaaring maging napakababa upang magbigay ng proteksiyon sa susunod na panahon. Karagdagan pa, ang mga komposisyon ng bakuna ng bakuna laban sa influenza ng 2017/18 ay naiiba sa komposisyon noong 2016/17, mahalaga na magpabakuna.

Paano pumili ng trivalent o quadrivalent vaccine? Ano ang kaibhan ng proteksiyon sa pagitan nila?

Kapwa ang trivalent at quadrivalent na hindi pinaganang bakuna laban sa influenza ay inirerekomenda na gamitin sa Hong Kong. Ang bakuna laban sa influenza na trivalent ay maaaring potensiyal na maiwasan nito ang mayorya ng bigat ng influenza sa Hong Kong, habang ang bakuna laban sa influenza na quadrivalent ay maaaring potensiyal na mag-alok ng karagdagang proteksiyon laban sa influenza B. Mangyaring konsultahin ang iyong doktor para sa mga detalye.

Gaano kabisa ang proteksiyon na ibinibigay ng bakuna?Ayon sa WHO, kapag ang uri ng bakuna ay malapit na tumutugma sa mga umiikot na virus ng influenza, ang bisa ng hindi pinaganang bakuna laban sa influenza sa mga indibidwal na mas bata sa 65 taon ng edad ay tipikal na sumasaklaw mula 70% – 90%. Para sa pag-iwas laban sa influenza, ang mga binakunahang indibidwal ay dapat magpanatili ng mabuting kalinisan sa katawan at kapaligiran, balanseng diyeta, regular na ehersisyo, tamang pahinga, hindi nagsisigarilyo at iniiwasan ang pag-inom ng alak.

Ilang mga dosis ng pagbabakuna laban sa influenza ang kailangan taun-taon?

Ang mga taong may edad na 9 taong gulang o pataas, sila ay inirerekomendang tumanggap ng 1 dosis sa panahon ng 2017/18.Upang matiyak ang sapat na immunity laban sa influenza, ang mga bata na wala pang 9 taong gulang na pa kailanman tumanggap ng anumang bakuna laban sa influenza ay inirerekomenda na tumanggap ng 2 dosis sa 2017/18 na may pinakamababang pagitan ng 4 linggo. Ang mga bata na tumanggap ng bakuna laban sa influenza noong panahon ng 2016/17 o bago nito ay inirerekomendang tumanggap ng 1 dosis sa panahon ng 2017/18.

Kaayusan ng Pagbabakuna

Ipinapatupad ng Pamahalaan ang Programa sa Pagbabakuna ng Pamahalaan (GVP) at Iskema ng Subsidyo sa Pagbabakuna (VSS) upang magbigay ng libreng / sinubsidyuhang pagbabakuna sa mga karapat-dapat na residente ng Hong Kong. Ang antas ng subsidyo sa ilalim ng VSS 2017/18 ay $190 kada dosis.

Mga buntis

Maaaring tumanggap ang mga buntis ng sinubsidyuhang pagbabakuna mula sa mga pribadong doktor na nakatala sa ilalim ng VSS.

Ang mga buntis na tumatanggap ng Komprehensibong Tulong sa Panlipunang Seguridad (CSSA) o may hawak ng may bisang Katunayan ng Waiver ng mga Sinisingil na Medikal ay maaaring tumanggap ng libreng pagbabakuna sa mga Sentro sa Kalusugan ng Ina at Bata ng Kagawaran ng Kalusugan (DH) o ang mga klinikang antenatal ng Awtoridad ng Ospital sa ilalim ng GVP.

Mga matatanda na may edad 65 o pataas

Ang mga tao na may edad 65 o pataas ay maaaring tumanggap ng sinubsidyuhang pagbabakuna mula sa mga pribadong doktor na nakatala sa ilalim ng VSS.

Ang mga matatanda ay maaari ring pumili na tumanggap ng libreng pagbabakuna sa ilalim ng GVP sa pamamagitan ng mga itinalagang pampublikong klinika, o ang mga Sentro sa Kalusugan ng Matatanda ng DH.

Mga bata

Ang mga bata na may edad 6 buwan hanggang wala pang 12 taon ay maaaring tumanggap ng sinubsidyuhang pagbabakuna mula sa mga pribadong doktor na nakatala sa ilalim ng VSS.Ang mga batang tumatanggap ng CSSA o may hawak ng may bisang Katunayan para sa Waiver ng mga Sinisingil na Medikal ay maaaring tumanggap ng libreng pagbabakuna sa ilalim ng GVP sa mga Sentro sa Kalusugan ng Ina at Anak o ang mga Sentro ng Serbisyo sa Kalusugan ng Mag-aaral ng DH.

Para sa mga detalye at ibang kaayusan ng libreng / sinubsidyuhang pagbabakuna, mangyaring bisitahin Website ng Sentro para sa Proteksiyon ng Kalusugan: www.chp.gov.hk, o tumawag sa 24-Oras na Hotline sa Edukasyong Pangkalusugan ng Kagawaran ng Edukasyon: 2833 0111Pagtatanong: 2125 2125

1 Ang mga taong may mga kondisyong may mataas ang panganib ay pangunahing tumutukoy sa mga may malalang sakit sa puso (maliban ang altapresyon na walang komplikasyon), mga sakit sa baga, metaboliko o bato, labis na katabaan (BMI 30 o pataas); na nakompromiso ang immunity (ang mga may huminang immune system dahil sa sakit (tulad ng HIV/AIDS) o paggamot (tulad ng paggamot sa kanser)), mga bata at kabataan (na may edad 6 buwan hanggang 18 taon) na nasa ilalim ng pangmatagalang aspirin therapy; at ang mga may malalang kondisyong neurolohikal na maaaring magkompromiso sa paggana ng paghinga o pangangasiwa ng mga sekresyon sa daanan ng paghinga o na maaaring magpalala sa panganib ng paghinga o ang mga may kakulangan sa kakayahan na alagaan ang kanilang mga sarili.

Kagawaran ng KalusuganAgosto 2017

Iwasan ang Trangkaso

Iwasan ang Trangkaso

MagpabakunaMagpabakuna

(Tagalog Version)

Page 2: A5 SIVP leaflet tagalog - chp.gov.hk · PDF filena ligtas sa pagbubuntis at walang ebidensiya na nagpapakita ang katulad na bakuna ay maaaring magdulot ng abnormalidad sa foetus kahit

Bakit mahalaga ang pagbabakuna laban sa pana-panahong influenza (influenza)?

Ang influenza ay isang nakakahawang sakit na idinulot ng sari-saring uri ng influenza virus. Ang sakit ay kinakitaan ng lagnat, namamagang lalamunan, ubo, sakit ng ulo, mga pananakit ng kalamnan, sipon at pangkalahatang pagkapagod. Ito ay karaniwang naglilimita ng sarili na may paggaling sa loob ng 2 – 7 days. Gayonman, kung ang mga tao na may pinahinang immunity at matatanda ay nagkaimpeksiyon, maaari itong seryosong karamdaman at maaaring gawing komplikado ng bronchitis, impeksiyon sa baga o kahit na kamatayan sa karamihan ng mga seryosong kaso. Ang seryosong impeksiyon ng influenza ay maaaring mangyari sa mga malulusog na tao. Ang pagbabakunang influenza ay isa sa mga epektibong paraan upang iwasan ang impeksiyon, ang mga komplikasyon nito at kaugnay na pagkakaospital at kamatayan.

Ano ang inirerekomendang komposisyon ng bakunang influenza ng 2017/18?

Ang bakunang inirerekomenda ng Komite Siyentipiko ukol sa mga Sakit na Maiiwasan ng Bakuna sa ilalim ng Sentro ng Proteksiyon sa Kalusugan sa 2017/18 ay naglalaman ng sumusunod: isang virus na tulad ng A/Michigan/45/2015 (H1N1)pdm09 isang virus na tulad ng A/Hong Kong/4801/2014 (H3N2) isang virus na tulad ng B/Brisbane/60/2008

Kung ang quadrivalent influenza vaccine ay ginagamit, maglalaman ito ng tatlong virus sa itaas at isang virus na tulad ng B/Phuket/3073/2013.

Sino ang dapat tumanggap ng pagbabakuna laban sa influenza?

Sa 2017/18, inirerekomenda ng Komite Siyentipiko ukol sa mga Sakit na Maiiwasan ng Bakuna ang mga sumusunod na grupong may prayoridad para sa pagbabakuna laban sa influenza sa Hong Kong: Mga buntis Mga matatanda na nakatira sa mga tahanan ng pangangala sa tirahan Mga residente na mahabang namamalagi sa mga institusyon para sa mga Tao na may mga Kapansanan Mga tao na may edad na 50 taon o pataas Mga tao na may mga kondisyong may mataas ang panganib1

Mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan Mga bata na may edad na 6 buwan hanggang 11 taon (wala pang 12 taon) Mga manggagawa ng manukan Mga nag-aalaga ng baboy at mga tauhan ng industriya na kumakatay ng baboyYamang ang mga bakuna laban sa influenza ay ligtas at mabisa, ang pagbabakuna laban sa influenza ay akma para sa personal na proteksiyon para sa lahat ng mga tao na may edad 6 buwan o pataas, maliban sa mga may kilalang kontraindikasyon. Ang mga miyembro ng publiko ay maaaring komonsulta sa mga doktor ng kanilang pamilya para sa mga detalye at kaayusan.

Bakit dapat tumanggap ang mga buntis ng pagbabakuna laban sa influenza?

Ang pagbabakuna laban sa influenza sa mga buntis ay nagpakita ng mga benepisyo kapwa sa ina at anak alinsunod sa mga nabawasang malalang impeksiyon sa paghinga. Itinuturing ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang hindi pinaganang bakuna laban sa influenza na ligtas sa pagbubuntis at walang ebidensiya na nagpapakita ang katulad na bakuna ay maaaring magdulot ng abnormalidad sa foetus kahit na ibinigay sa unang first trimester. Gayonman, dapat hindi tumanggap ang mga buntis ng buhay na pinahinang bakuna laban sa influenza dahil naglalaman ito ng buhay na virus. Dapat komonsulta ang mga bunti sa mga doktor ng obstetrics at gynaecology para sa anumang mga tanong.

Bakit dapat tumanggap ang mga taong may edad 50 o pataas ng bakuna laban sa influenza ng 2017/18?

Ang mga taong may edad na 50 o pataas na may influenza ay maaaring maging seryoso at nasa mas mataas na panganib para sa mga komplikasyon ng influenza, admisyon sa ospital at kamatayan. Ang pagbabakuna laban sa influenza ay maaaring epektibo nitong iwasan ang influenza at mga komplikasyon nito. Kaya, ang pagbabakuna laban sa influenza ay lalong mahalaga para sa mga taong may edad 50 o pataas, at para sa mga tao na nakatira kasama ng o nag-aalaga ng mga may edad.

Bakit ang mga bata na may edad 6 buwan hanggang 11 taon *wala pang 12 taon) ay inirerekomendang tumanggap ng bakuna laban sa influenza ng 2017/18?

Ang pagbabakuna laban sa influenza ay inirerekomenda para sa mga bata na may edad 6 buwan hanggang 11 taon (wala pang 12 taon) para sa pagbawas ng mga komplikasyon na may kaugnayan sa influenza tulad ng mga labis na pagkakaospital o kamatayan. Ang mga pag-aaral sa ibayong-dagat ay nagpapakita na ang pagbabakuna sa mga batang nag-aaral sa paaralan ay maaaring potensiyal na mabawasan nito ang pagliban sa klase at transmisyon ng influenza sa komunidad.

Sino ang hindi dapat tumanggap ng hindi pinaganang bakuna laban sa influenza?Ang mga tao na allergic sa dating dosis ng hindi pinaganang bakuna laban sa influenza o ibang mga sangkap ng bakuna ay hindi akma na magkaroon ng hindi pinaganang pagbabakuna laban sa influenza. Ang mga indibidwal na may katamtamang allergy sa itlog na nagsasaalang-alang ng pagbabakuna laban sa influenza ay maaaring bigyan ng hindi pinaganang bakuna laban sa influenza sa primaryang pangangalaga. Para sa mga nagkaroon ng kasaysayan ng anaphylaxis sa itlog, dapat silang magpatingin sa isang allergist o immunologist para sa ebalwasyon ng egg allergy at para sa pangangasiwa ng hindi pinaganang bakuna laban sa influenza kung kinakitaan sa klinika. Ang mga may karamdaman sa pagdurugo o gumagamit ng mga anticoagulant ay dapat komonsulta sa kanilang mga doktor para sa payo. Kung nakararanas ang isang tao ng lagnat sa araw ng pagbabakuna, dapat ipagpaliban ang pagbabakuna hanggang sa paggaling.

Ligtas ba ang hindi pinaganang bakuna laban sa influenza? Ano ang mga posibleng masamang epekto?

Ang hindi pinaganang bakuna laban sa influenza ay napakaligtas at karaniwang mabuting natitiis maliban sa paminsan-minsang pananakit, pamumula o pamamaga sa lugar ng iniksiyon. Maaaring makaranas ang ilang tumatanggap ng lagnat, pananakit ng kalamnan at pagod simula 6 – 12 oras pagkatapos ng pagbabakuna at tumatagal ng hanggang 2 araw. Kung tuloy-tuloy ang lagnat o kawalan ng ginhawa, mangyaring konsultahin ang iyong doktor. Ang mga agaran na malalang reaksiyong allergic tulad ng hives, pamamaga ng mga labi o dila at kahirapan sa paghinga ay bihira at nangangailangan ng pangkagipitang medikal na atensiyon. Ang pagbabakuna laban sa influenza ay maaaring bihirang sundan ang mga seryosong masamang kaganapan tulad ng Guillain-Barré syndrome (halos 1 hanggang 2 kaso kada milyon na nagpabakuna) at malalang reaksiyong allergic (anaphylaxis) (9 kada 10 milyong dosis na ipinamahagi). Gayonan, ang pagbabakuna laban sa influenza ay maaaring hindi kinakailangang may relasyong nagdudulot sa mga masasamang kaganapang ito. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang panganib ng Guillain-Barré syndrome pagkatapos ng impeksiyon ng influenza (17.20 kada milyon) ay mas mataas kaysa pagkatapos ng pagbabakuna laban sa influenza (1.03 kada milyon).

Agad bang may epekto ang bakuna laban sa influenza?

Hindi. Umaabot ito ng halos 2 linggo pagkatapos ng pagbabakuna para sa mga antibody na mabuo sa katawan at magbigay ng proteksiyon laban sa impeksiyon ng virus ng influenza. Maagang magpabakuna upang matiyak ang proteksiyon.

laban sa impeksiyon ng virus ng influenza. Maagang magpabakuna