alamat ng pilipinas

5
Nakabasa ka na ba ng isang alamat? Ano ang kahalagahan ng isang kwentong tulad nito sa pag- unlad n gating wika at kultura? Ang Alamat ng Pilipinas Noong unan panahon, may isang datu na may tatlong magagandang anak na babae. Noong pitong taong gulang pa lamang ang bunso, namatay ang kanilang reyna. Pagkalipas ng ilang buwan ay nag-asawang muli ang datu. Subalit nalungkot ang mga prisesa dahil ang kanilang madrasta na yata ang pinakaimbing babae sa balat ng lupa. Sa halip na ituring silang tunay na mga anak ay ginwa silang abay ng bagong reyna. Ibig nilang magsumbong sa kanilang amang datu ngunit ayaw nilang saktan ang damdamin nito. Nagpatuloy ang pagmamalupit ng kanilang madrasta hanggang hindi na makayanan ng mga prinsesa ang sakit at kahihiyan. Nagpasya ang tatlong tumakas. Isang gabi, sa tulong ng ilang mapagkakatiwalang kawal ay nakalabas ng palasyo ang magkakapatid. Sumakay sila sa isang kumpit at naglakbay sa kalaliman ng gabi. Payapa silang tinanglawan ng buwan sa kanilang paglalakbay. Tunog lamang ng pagsagwan ang maririning sa buong karagatan. Ngunit hindi ito nakalampas sa malupit na madrasta. Ang pagtakas ng tatlo ay ngangahulugang pagkabigo ng balak niyang patayin ang mga prinsesa at mapasakamay niya ang buong kaharian. Gamit ang kanyang mahika, ikinumpas nito ang kanyang mahiwagang baston hanggang dumilim ang langit. Kumidlat at isang kakila-kilabot na unos ang dumating. Natakot ang mga prinsesa. Bumuhos ang malakas na ulan at lumaki nang lumaki ang alon. Walang nagawa ang kumpit sa makapangyarihang unos. Nahati ito sa tatlo. Nagkahiwa-hiwalay ang mga prinsesa na nanatiling nakakapit sa lumulutang na bahagi ng kumpit. Nagkalayo ang tatlo. Ang panganay ay napunta sa hilaga, ang pangalawa ay nanatili kung saan nawasak ang Bangka,

Upload: hercules-verdeflor-valenzuela

Post on 21-Jan-2016

305 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

Filipino 6 Pagbasa

TRANSCRIPT

Page 1: Alamat Ng Pilipinas

Nakabasa ka na ba ng isang alamat? Ano ang kahalagahan ng isang kwentong tulad nito sa pag-unlad n gating wika at kultura?

Ang Alamat ng Pilipinas

Noong unan panahon, may isang datu na may tatlong magagandang anak na babae. Noong pitong taong gulang pa lamang ang bunso, namatay ang kanilang reyna. Pagkalipas ng ilang buwan ay nag-asawang muli ang datu. Subalit nalungkot ang mga prisesa dahil ang kanilang madrasta na yata ang pinakaimbing babae sa balat ng lupa. Sa halip na ituring silang tunay na mga anak ay ginwa silang abay ng bagong reyna. Ibig nilang magsumbong sa kanilang amang datu ngunit ayaw nilang saktan ang damdamin nito.

Nagpatuloy ang pagmamalupit ng kanilang madrasta hanggang hindi na makayanan ng mga prinsesa ang sakit at kahihiyan. Nagpasya ang tatlong tumakas.

Isang gabi, sa tulong ng ilang mapagkakatiwalang kawal ay nakalabas ng palasyo ang magkakapatid. Sumakay sila sa isang kumpit at naglakbay sa kalaliman ng gabi. Payapa silang tinanglawan ng buwan sa kanilang paglalakbay. Tunog lamang ng pagsagwan ang maririning sa buong karagatan.

Ngunit hindi ito nakalampas sa malupit na madrasta. Ang pagtakas ng tatlo ay ngangahulugang pagkabigo ng balak niyang patayin ang mga prinsesa at mapasakamay niya ang buong kaharian.

Gamit ang kanyang mahika, ikinumpas nito ang kanyang mahiwagang baston hanggang dumilim ang langit. Kumidlat at isang kakila-kilabot na unos ang dumating. Natakot ang mga prinsesa. Bumuhos ang malakas na ulan at lumaki nang lumaki ang alon. Walang nagawa ang kumpit sa makapangyarihang unos. Nahati ito sa tatlo. Nagkahiwa-hiwalay ang mga prinsesa na nanatiling nakakapit sa lumulutang na bahagi ng kumpit. Nagkalayo ang tatlo. Ang panganay ay napunta sa hilaga, ang pangalawa ay nanatili kung saan nawasak ang Bangka, samantalang ang bunso ay napadpad sa timog. Nagkakahati-hati ang katawan ng pangalawang prinsesa dahil sa dami ng pating sa bahaging nilubugan ng kumpit.

Kinaumagahan, nagulat ang lahat sa mga bagong pulo na sumulpot pagkatapos ng magdamag na unos. Pinaniwalaan na ang panganay na prinsesa ay naging pulo ng Luzon, ang pangalawang prinsesa ang naging mga pulo ng Visayas, at ang bunsong prinsesa naman ang naging pulo ng Mindanao.

A. Lagyan ng check ang kahon kung tama ang pakahulugan sa salitang nakasalungguhit at ekis kung mali.

1. Ang unos ay isang payapang pahyayari.2. Pinakamatandang anak ng hari ang panganay.3. Nangyari ang unos dahil sa maahiwagan baston.4. Nabigo ang balak ng bruha kaya hindi nakaalis ang mga prinsesa.

Page 2: Alamat Ng Pilipinas

5. Ang kumpit ay sasakyang panghimpapawid.6. Ang panganay ay siyang pinakahuling anak.7. Nagkaluray-luray ang kanilang Bangka kaya sila nagkahiwalay.8. Ang magdamag na unos ay maliwanag na.9. Napadpad sa timog ang bunsong prinsesa kaya siya napalayo sa mga kapatid.10. Sumulpot ang mga pulo sa ilalim ng dagat.

Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng salitang binilugan sa bawat bilang.

Kasingkahulugan Kasalungat1. Payapa ang dagat nang sila ay maglakbay.2. Napakaimbi ang bagong asawa ng datu.3. Hindi natagalan ng mga prinsesa ang kahihiyan.4. Tinulungan sila ng mapagkakatiwalaang kawal.5. Isang kakila-kilabot na unos ang dumating.6. Napabulalas si Lolo Manding sa pagkawala ng kanyang salamin.7. Masama ang ugali ng madrasta sa tatlong prinsesa.8. Sa halip na ituring silang tunay na mga anak, ginagawan pa niya ang mga ito ng kasamaan .9. Ginagawa niya silang abay para hindi siya mahirapan.10. Ginagamit niya pa ang kanyang mahika upang lalo niyang mapahirapan sila.

Talakayin Natin1. Tungkol saan ang alamat?2. Bakit nalungkot ang mga prinsesa sa pag-aasawang muli ng kanilang amang datu?3. Paano sila nakalabas ng palasyo?4. Ano ang nakatulong sa bagong reyna upang Makita sa gitna ng dagat ang tatlong

prinsesa?5. Ano ang nangyari sa mga prinsesa?

Narito ang tamang paraan sa paggawa ng isang balangkas

Page 3: Alamat Ng Pilipinas

1. Hanapin o alamin ang pangunahing diwa o kaisipan ng buong katha o seleksyon.2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas.3. Isulat ang pangunahing diwa o pangunahing paksa ng bawat talata na bumubuo sa

katha o seleksyon.4. Gamitin ang roman numerals (I, II, III) sa pagsulat ng pangunahing diwa o paksa.5. Gamitin ang malaking titik sa pagsulat ng unang salita at lahat ng mahahalagang

salita ng bawat pangunahing diwa o paksa.6. Maglagay ng tuldok (.) pagkatapos ng roman numerals at malaking titik.7. Isulat nang pasok sa ilalim (indent) ng pangunahing diwa o paksa ang mga

kaugnay na paksa.8. Gamitin ang malaking titik (A,B,C) sa bawat kaugnay na paksa (sub topic).9. Gamitin ang Arabic numerals (1,2,3) sa unahan ng mga detalye na sumusuporta sa

kaugnay na paksa.10. Isulat ito ng may pasok sa ilalim (indent) ng kaugnay na paksa. Simulan ito sa

malaking titik.

Narito ang halimbawa ng balangkas; Papaksa at PangungusapAnyong Papaksa Anyong Pangungusap

I. Pangunahing DiwaA. KaugnayB. Na paksa

I. Pag-aasawang muli ng DatuA. Pagkalungkot ng mga PrinsesaB. Pang-aapi ng Madrasta

I. Ang datu ay muling nag-asawa.A. Ang tatlong prinsesa ay nalungkot.B. Inapi ng madrasta ang tatlong prinsesa.

II. Pangunahing DiwaA. KaugnayB. na paksa

II. Pagatakas ng mga prinsesaA. Pagtulong ng KawalB. Pagsakay sa Kumpit

II. Nagpasyang tumakas ang mga prinsesa.A. Tumulong ang mapagkakatiwalaang kawal sa mga prinsesa.B. Sumakay sila sa kumpit.

III. . Pangunahing DiwaA. KaugnayB. na paksa

III. Ang PaglalakbayA. Paggamit ng mahiwagang baston1. Pagsama ng Panahon2. Pagkasira ng Kumpit3. Paghihiwalay ng mga Prinsesa

III. Ang mga prinsesa ay naglakbay.A. Nakita sila ng kanilang madrasta.B. Gumamit ang madrasta ng mahiwagang baston.1. Sumama ang panahon2. Nasira ang kanilang kumpit.3. Nagkahiwa-hiwalay ang tatlong prinsesa.

IV. Pangunahing DiwaA. KaugnayB. na paksa

IV. Ang Paglitaw ng mga puloA. Pulo ng LuzonB. Pulo ng Visayas

IV. Lumitaw ang mga bagong pulo pagkatapos ng unos.A. Ang panganay na

Page 4: Alamat Ng Pilipinas

C. Pulo ng Mindanao prinsesa ay naging pulo ng Luzon. B. Ang pangalawang prinsesa ay naging pulo ng Visayas dahil nagkaluray-luray siyaC. Ang bunsong prinsesa ay naging pulo ng Mindanao.