als - exam
TRANSCRIPT
Communications Skills - Part 1Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Nalungkot ako sa paghahamok ng dalawang pangkat. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?a. Pag-aaway b. Pagtutulungan c. Pagbabatian d. Pagbibigayan
2. Alin ang babasahing piksyon?a. Talambuhay ni Teodoro Agoncillo b. Jose Rizal: Isang Bayani c. Ang Unggoy at Matsing d. Ang Aking Talaarawan
3. Alin ang isang opinion?a. Ang mundo ay hugis bilog. b. Mabubuhay ang tao sa isla.c. Baka magaling siyang umawit d. Mailulubog ng malakas na hangin, ulan at bagyo ang isang barko.
4. Basahing mabuti ang talata at hanapin ang pangunahing diwa. Harapin mo ang iyong gawain nang buong sigla, puspusan at maayon. Huwag mong ipagpabukas ang gawain mo ngayon.a. Gawin ang gawain ngayon b. Ipagawa ang gawain sa ibac. Ipagpabukas ang mga gawain d. Humingi ng tulong sa ibang tao
5. Namuti na ang mga mata ng barkada sa kahihintay sa ibang kasamahan. Ang mga salitang may salungguhit ay _______________.a. Bugtongb. Pabulac. Idyomad. Salawikain
6. Basahin ang talata at sagutin ang tanong. Malaki ang kaibahan ng bahay sa tahanan. Ang bahay ay kahit anong binubuo ng haligi at palarindigan, iyong masisilungan kung umuulan, makalilim sa init ng araw. Dahilan dito ay ibang-iba ito sa tinatawag na tahanan. Ang tahanan ay pinaghaharian ng pagmamahalan ng isang angkan. Ang mga bumubuo ng isang mag-anak na nag-iiwi ng pag-ibig sa kanyang kaanak at nagsisikap na maging maligaya itong masasabing naninirahan sa tahanan.
Ang talata ay nagbibigay paliwanag ng _________________.a. Kahalagahan ng tahananb. Kailangan ng isang tahananc. Mga sangkap ng masayang tahanand. Kaibahan ng bahay at tahanan
7. Isang uri ito ng salitang ginagamit na pantawag sa tao, hayop, bagay, pook o kalidad.a. Panghalipb. Pangngalanc. Pandiwad. Pang-uri
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hugnayang pangungusap?
a. May kapayapaan ako sa aking sarili.b. Ayaw ko ng digmaan.c. Magastos ang mga digmaan sapagkat lubha itong nakasisira ng mga buhay at ari-arian.d. Pagkatapos ng digmaan, maraming ari-arian ang nasira.
9. Nakasaad sa reseta ng dentista na dalawang beses ka iinom ng antibiotic na gamot sa maghapon. Kung ikaw ay uminom ng unang gamot ganap na ika-7 ng umaga, anong oras ka dapat uminom sa hapon?a. 5 pmb. 7 pmc. 6 pmd. 8 pm
10. Naghahanap ng trabaho ang iyong Kuya na katatapos ng pag-aaaral sa kolehiyo. Bumili siya ng peryodiko. Saang pahina makikita ang tungkol sa mga mapapasukang trabaho?a. Anunsyo klasipikadob. Editorialc. Natatanging lathalaind. Pangunahing balita
Part II
1. Ano ang iyong hahanapin sa silid aklatan kapag gusto mong magbasa tungkol sa Saudi Arabia.a.
a.
a. Diksyunaryo
b. Ensayklopediya
c. Katalogo ng mga awtor
d. Mapa
2. . Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuru o opinion ng may akda.?
a. a. Sanaysay b b.Alamat c.Nobela d.Parabula
3. . Maraming Pilipino ang ningas-kugon sa kanilang mga gawain.
a.madaling magalit b.masiglang-masigla lagi c. Madaling magsawa d.masipag hanggang katapusan
4. 4. We _____ in Malibay for six years.a.had lived b.has lived c.have lived d.is living
5. . Sometimes, I just sit by the beach and watch people walk by _______.a.walk slowly b.slowly c.least slowly d.most slowly.
6. Dianne want to attend the party ___________ she was not permitted by her mother.a. and
b. but c. or d. So
7. It was the shipping clerk who issued the ______________.a. receipt b. recep c. receip d. Receit
The use of unprescribed drugs like cough syrup, tablets, capsules, suspensions and suppositories is very dangerous. It can cause death. The use of these drugs is most injurious to the heart and nervous system. One should always get a doctor’s prescription to use drugs.
8. What is the appropriate title in this selection?
Read the selection. Then answer the questions that follow.
a. Capsules b.Nervous system c. Dangerous drugs d. Unprescribed drug
9. . Unprescribed drug means ______________.a. Medicine not recommended by doctors
b. Medicines bought from drugstoresc. Medicines recommended by doctors
d. Medicines used by herbiolarious.
10. What is the best medical advice in the use of drugs?a. Get doctors’ prescription
b. Read literatures about the use of drugsc. Buy medicines from the drugstores
d. Get medical advice from friends
11. The doctors are looking for specific medicines to control this virus.a. Bacteria
b. Poison c. Cell d. Disease
12. Which words are correctly syllabicated?a. Diag-ram
b. Uni-on c. Pre-am-ble d. Dia-lect
13. Tonsilitis _________ swelling of the throat.a. Cause
b. Causing c. Caused d. Causes
14. They are trying to ____ crease their energy consumption. a. Mis
b. In
c. Not d. Post
15. Which of the following is a simple sentence?a. Smoking is an expensive habit and it can cause lung cancer.b. Birds and tree, squirrels either find a hollow tree for a home or build a nest on the branch.c. Do you love to cook or do you just love to go shopping?d. Parents send their children to school because they want them to be successful later.
16. Ang mga lugar piknikan, parke, kalye at iba pa ay dapat ___________.a. Pinanatiling malinisb. Pinababayaang marumic. Hinahayaang ang mga manggagawang binabayaran ng pamahalaan lamang ang maglinis
17. Iwasan ang ____________.a. Pagsusulat sa mga pader o dingdingb. Pag-iistambay sa kalyec. Paglalakad sa kalye
18. Paano mabisang maisagawa ang mga gawaing pangkaangkupang pisikal?a. Pagsasagawa ng iskedyul ng mga gawaing pangkaangkupang pisikalb. Pagsasagawa ng mga gawaing pangkaangkupa pisikal kapag may panahon lamangc. Pagsasawalang-bahala sa kahalagahan ng kalusugan
19. Bakit mahalaga ang mapanatili ang kaangkupang pisikal?a. Upang hindi mabagotb. Upang malibangc. Upang mapanatili ang malusog o maayos na pangangatawan
20. Nakita mong labis kung gumamit ng insecticide si Mang Kanor. Bilang may alam sa masamang epekto nito sa kalusugan, ano ang dapat mong gawin?a. Magsawalang-kibo na lamang b. Kusang tumutulong na magbigay ng impormasyon tungkol sa masamang epekto ng insecticide sa kalusuganc. Huwag pansinin ito
1. Ang mga bata ay kumakain ng masusustansiyang pagkain araw-araw upang lalong maging malusog. Sino ang nangangalaga sa kanilang kalusugan?
a. Bumbero c. Manggagamotb. Guro d. Negosyante2. Ang mga kasaping bumubuo sa isang pamilya ay iginagalang. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa
pinakamatandang kapatid na babae?a. Ate c. Bunsob. Kuya d. Ninong
3. Ang mga papel, lata at karton ay maaaring magamit sa ibang bagay. Paano ito magagawa?a. sunugin c. I-recycleb. ikalat d. Ibaon
4. Alin ang pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan ang heograpiya at kapaligiran?a. Malaman ang pakinabang at makatulong sa pag-unlad ng bansab. Matutuhan ang paglalakbay ng taoc. Makamit ang tiwala ng nasasakupan sa paglalakbayd. Makapagturo ng proyektong pangkabuhayan
5. Ang Pilipinas ay bata ang populasyon. Ano ang ibig sabihin nito?a. Ang kapal ng populasyon ay mataasb. Patuloy ang pagtaas ng populasyonc. Ang bilang ng lalaki at babae ay pantayd. Ang nakatatanda ay nagtatrabaho para matustusan ang kabataan
6. Ano ang dahilan at iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang bahay sa kapaligiran?a. Pagandahin ang bahayb. Para mamuhay ng tahimikc. Para magkasama-sama palagid. Pangalagaan ang sariling katawan laban sa lamig
7. Ang sistemang solar sy sinasabing nagsisimula sa isa sa mga sumusunod?a. Pagsabog sa masab. Pagsalpok ng mga tubigc. Pagsanib ng malaking bituind. Patuloy na pag-ikot ng alikabok at gas
8. Kailangan ang salaping panustos ng pamahalaan para sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan nito. Saan ito nanggagaling?
a. sa mga samahang sibikob. sa buwis ng mga mamamayanc. sa mga abuloy ng pondo ng bayand. sa mga mamamayan ng ibang bansa
9. Ang mag-anak na Pilipino ay may mga altar o sulok-dalanginan sa kanilang pook sambahan. Ano ang inilalarawan nito?
a. Masipag magdasal ang mga Pilipinob. Naniniwala ang mga Pilipino sa Panginoonc. May kani-kanilang Panginoong Diyos ang mga Pilipinod. May mga gawaing panrelihiyon ang mga Pilipino
10. Bakit makasaysayan sa mga Pilipino ang Pebrero 23-25, 1986.a. Inilagay ang bansa sa state of calamityb. Pinairal ang Batas-Militar sa buong bansac. Nagdeklara ng welgang bayan ang mga manggagawad. Naganap ang People’s Power sa Edsa
MATH and SCIENCE – Part 1
1. Si Aling Ising ay nagtitinda ng damit para kay Mr. Sy. Sa buong linggo , siya ay nakapagbili ng
kabuuang halagang P25,000. Bilang komisyon, siya ay binigyan ni Mr. Sy ng 8% sa kanyang
kabuuang naipagbili. Magkano ang kaniyang naging komisyon?
a. P2,500
b. P3,000
c. P2,000
d. P3,500
========================================
Paano makakalkula ang komisyon?
1) Kunin lamang ang total ng pinagbentahan. Sa problema sa itaas, ito ay P25,000.00
2) Pagkatapos ay I-MULTIPLY ito sa porsyento ng maaaring tubuin. Sa problema sa itaas, ito ay 8%.
Paano naman mag-multiply ng whole number (25,000) at porsyento (percentage) (8%)?
1) I-convert o gawing decimal ( mga numerong pinangungunahan ng period o tuldok) ang
porsyento. Paano ito gagawin?
Sa problema sa itaas, ang ating porsyento ay 8%.
1) Isaisip na ang simbolo ng porsyento (%) ay period o tuldok. Kung gayon, ang 8% ay magiging 8.
2) Mula sa kanan, ilipat ang tuldok ng 2 puwesto (places).
Kung gayon, ang 8% ay magiging .08 tulad nang makikita sa ibaba:
3) Matapos makuha kung ano ang katumbas ng porsyento sa decimal, i-multiply ang kabuuang
halaga sa nakuhang decimal,
4) Tulad nang nabanggit na, ang mga whole number (buong bilang) ay may original na tuldok
(period) sa kanan nito. Kaya ang 200000 ay katumbas din ng 200000. , tulad nang
makikita sa ibaba. Pagkatapos, ilipat ang period ng 2 puwesto mula sa kanan pakaliwa.
TANDAAN: Kung ilang beses ililipat ang period pakaliwa ay naka-depende kung ILAN ang
decimal places ng ating nakuhang decimal number.
Sa ating halimbawa, ang .08 ay may dalawang (2) decimal places kaya 2 beses nating ililipat ang
period.
Kung ang ating decimal ay .024, tatlong beses ang paglipat ng period.
Kung ang decimal ay .8, isang beses lamang ang paglipat.
2. Sa pagkakaroon ng malubhang sakit ng anak ni Mang Fred, kinailangan nito ang halagang
P30,000 sa pagpapagamot. Nagpag-isip ni Mang Fred na umutang ng 5-6 na dapat bayaran sa loob
ng isang taon. Magkano ang dapat bayaran ni Mang Fred?
a. P38,000
b. P36,000
c. P37,000
d. P39,000
=====================================
Ano ba ang ibig sabihin ng 5-6?
Ibig sabihin nito, sa bawat limang pisong inutang, ito ay babayaran mo ng anim na piso. Kung gayon,
piso ang tubo sa bawat limang pisong inutang. Kung kukunin kung ilang porsyento ang piso sa
limang piso,
i-DIVIDE ang PISO (1) sa LIMA (5) ==>
1/5 = .2
Paano i-convert o gawing percentage (porsyento) ang isang decimal?
Sa sagot na .2, ilipat lamang ng 2 beses ang puwesto ng tuldok(period) pakanan. Kung gayon ang
decimal na .2 ay magiging 20. Pagkatapos, ilagay ang simbolo ng porsyento (%).
Kung ganoon ang katumbas ng decimal na .2 ay 20%
May 2 paraan kung paano kukunin ang sagot sa problema sa itaas.
1) Bilangin kung ilang 5 piso sa 30000 piso. Magagawa ito kung i-diDIVIDE ang 30000 sa 5. Kung
gayon,
30000 / 5 = 6000. Dahil may tubong piso sa bawat limang piso, ang nakuhang sagot na 6000 ay siya
ring tubo ng 30,000. Kung gayon ang kabuuang halagang ibabayad ay 30000 + 6000 = P36,000.
2) I-multiply ang porsyentong tubo (20%) sa inutang na pera.
30000 x 20% ===> 30000 x .2 = 6000. Ang makukuhang sagot ay idagdag sa perang inutang.
30000 + 6000 = P36,000 ==> kabuuang halagang ibabayad
3. Nakautang si Pablo sa bangko ng P20,000 na may rate ng interest (tubo) na 10% kada taon. Kung
makokompleto niya ang bayad sa loob ng tatlong taon, magkano ang halagang dapat niyang ibayad
sa bangko?
a. P26,000
b. P25,000
c. P27,000
d. P28,000
============================
Kung walang binabanggit, ipagpalagay na ito ay isang kaso ng simple interest, kung saan ang tubo
ay hindi na tutubo pa. Salungat ito sa compound interest kung saan ang tubo ay tutubuan muli.
Para sa pag-cocompute ng simple interest, tingnan ang aralin tungkolDITO.Paano sasagutin ang problema sa itaas?
May 2 paraan para makuha ang tamang sagot.
1) Sa unang taon, ang tubo ng utang ay 20000 x 10% ==> 20000 x .10 = 2000
Sa loob ng tatlong taon, ito ay 2000 x 3 = 6000
Idagdag ang tubo sa 3 taon na 6000 sa halaga ng inutang na 20000. Kung gayon, ang kabuuang
ibabayad ay 20000 + 6000 = P26,000
2) Kung 10% sa isang taon, ibig sabihin sa loob ng tatlong taon, ito ay 30% ( 10% x 3 = 30%
==> .30)
Ang tubo sa 3 taon ay 20000 x .30 = 6000. Idagdag ito sa inutang na 20000. Ang halagang dapat
bayaran ay 20000 + 6000 = P 26,000
4. Nagdeposito si Ruth sa bangko ng halagang P48,000 na may simple interest na 5% bawat taon.
Magkano ang magiging ipon ni Ruth makaraan ng 3 taon?
a. P55,200
b. P55,566
c. P40,800
d. P40,434
====================================
Formula ng kabuuang tubo: Orihinal na halagang dineposito times (multiply by) interest rate times
(multiply) bilang ng taon;
Kung ganoon, ang total na tubo ay 48000 x 5% ==> 48000 x .05 = 2400 x 3 = P7,200
Idagdag ito sa orihinal na deposito 48000 para makuha ang kabuuang pera pagkalipas ng 3 taon.
48000 + 7200 = P55,200
5. Si Annie ay Nars sa Canada. Buwan-buwan ay nagpapadala siya sa kanyang Nanay ng US$2,000.
Ang palitan ng isang US$ sa piso ay P43.75. Magkano sa piso ang buwanang ipinadadala ni Annie sa
kanyang Nanay?
a. P85,500
b. P86,000
c. P86,500
d. P87,500
=======================
I-multiply ang buong halaga sa palitan nito.
2000 x 43.75 = P87,500
(Tunghayan ang leksyon kung paanong mag-multiply ng decimal at whole number sa itaas)
6. Si Rene ay isang manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa Canada. Nagpadala siya ng 510
Canadian dolyar sa kanyang pamilya. Kung ang palitan ng 1 Canadian dolyar ay P33.36 , magkano
ang natanggap ng kanyang pamilya sa piso?
a. P17,013.60
b. P17,015.50
c. P18,013.60
d. P18,020.50
=================
Tulad din ito sa naunang problema.
I-multiply ang kabuuang pera sa palitan nito.
510 x 33.36 = P17,013.60
7. Ang isang istatwa na may taas na 8 talampakan ay nakalikha ng anino na may habang 3
talampakan. Sa magkasabay na oras, ang isang tangke ng tubig ay nakalikha ng anino na may
habang 12 talampakan. Gaano kataas ang tangke ng tubig?
a. 35 talampakan
b. 22 talampakan
c. 33 talampakan
d. 32 talampakan
==================================
Ito ay isang kaso ng ratio at proportion.
Paglalarawan:
Kung ang 8 talampakan ay makagagawa ng 3 talampakang anino. 8 = 3
Gawing numerator ang 8 at ang 3 naman bilang denominator.
Kung ganoon, 8 = 3 ===> 8/3
Gaano ang taas ng tanke ng tubig na makagagawa ng 12 talampakang anino. x = 12
Gawing numerator ang x at ang 12 naman bilang denominator.
Kung ganoon, x = 12 ===> x/12
Gawing magkatumbas ang dalawang termino:
8/3 = x/12
Gawin ang CROSS MULTIPLICATION, kung saan imumultiply ang numerator (8) ng unang termino
( 8/3) sa denominator (12) ng pangalawang termino (x/12) at ang denominator (3) ng unang
termino (8/3) sa numerator (x) ng pangalawang termino (x/3).
Kung gayon,
8 X 12 = 96
x X 3 = 3x
======
Gawin ang algebra.
96 = 3x
x = 96/3
x = 32 talampakan
8. Ang mga puntos na A at B ay nasa parehong bahagi ng ilog, samantalang ang puntos C ay nasa
kabilang pampang ng ilog. Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng tatlong puntos, makakagawa ka sa
kathang-isip ng right na tatsulok (right triangle). Kung ang pagitan ng puntos A sa puntos B ay 5
metro at ang pagitan ng puntos A sa puntos C ay 12 metro, gaano kalayo ang puntos B sa puntos C?
a. 17m b. 7m c. 13m d. 34m
=======================================
Ito ay kaso ng right triangle o ng pythagorean theorem na a^2 + b^2 = c^2, kung saan ang
a ==> ang habang AC ( mula A hanggang C) = 12
b ==> ang habang AB (mula A hanggang B) = 5
c ==> ang hypotenuse BC (mula B hanggang C) = ?
Ang ibig sabihin ng a^ 2 ay a times a, b^2 ay b times b, at c^2 ay c times c.
Ilagay ang mga numerong ito sa formula ng pythagorean theorem
a^2 + b^2 = c^2
12^2 + 5^5 = c^2
(12 x 12) + (5 x 5) = c^2
144 + 25 = c^2
169 = c^2
Kunin ang square root ng 169. Ito ay 13 ==> 13 x 13 = 169
Ang c o ang layo ng B sa C ay 13m
9. Ang kanyang Lola ay nagbigay ng isang buong cake. Hinati niya ito sa 8 parte. Ibinigay niya ang
dalawang parte ng cake sa kanyang kapatid at dalawa pang parte sa kanyang pinsan. Anong parte
ng cake ang natira sa kanya?
a. 3/8
b. 1/2
c. 1/8
d. 2/3
====================================
Ito ay kaso ng Addition at Subtraction ng Fraction (Hating-bilang).
Ang buong cake ay hinati sa 8 piraso. Ibig sabihin ang bawat piraso ay tinatawag na 1/8 dahil ang
1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 = 8/8 = 1
Ang dalawang parteng ibinigay sa kanyang kapatid ay 1/8 + 1/8 = 2/8.
Ang dalawang parteng ibinigay sa kanyang pinsan ay 1/8 + 1/8 = 2/8.
Anong parte ang natira sa kanya?
Dahil apat na parte na ang naibigay, ibig sabihin apat na parte rin ang natira sa kanya.
Ang apat na parte ay 2/8 + 2/8 = 4/8 = 1/2, ibig sabihin ang natira sa kanya ay 4/8 o 1/2 (kalahati)
rin.
(Tunghayan ang aralin para sa Fractions DITO).
10. Ang salas ni Gng. Santos ay may sukat na 5 metro ang lapad at 6 na metro ang haba. Kung
palalagyan niya ito ng linoleum, gaano kalapad ang kakailanganin niya?
a. 30 metro kuwadrado
b. 25 metro kuwadrado
c. 20 metro kuwadrado
d. 12 metro kuwadrado
===============================
Madali lamang ang pagcocompute ng metro kuwadro.
I-mulitply lamang ang haba (length/long) sa lapad (width/wide).
5 x 6 = 30 metro kuwadro.
11. Si Lino ay nais magpatayo ng pagawaan ng alak. Anong siyentipikong paraan ang kinakailangan sa ganitong negosyo? a. Pagpapatuyo
b. Permentasyon c. Preserbasyon d. Pagpapausok
12. Ang instrumentong ginagamit ng Doctor upang marinig ang tibok ng puso ay ______.a. termometro b. Heringgilya c. Tongue depressor d. Istetoskopo
13. Ang mga Gawain na nagawa ng isang makina ay 80 joules habang ang Gawain na ginagawa para sa isang makina ay 92 joules. Ano ang efficiency ng makina?
A. 72% B. 90% C. 87% D. 11%
14. Ang mga higanteng alon sa dagat sanhi ng isang lindol sa ilalim ng karagatan ay tinatawag na _______.
a. Plate b. Fault c. Pagtaas at pagbaba ng tubig d. Tsunami
15. Isang uri ng paso (burn) na kung saan ang apektado ay ang panlabas na suson ng laman o epidermis.
a. first-degree burn b. second-degree burn c. third-degree burn d. fourth-degree burn
16. Ano ang unang bagay na dapat mong gawin kung ang nakasaksak na radyo ay nahulog sa timbang puno ng tubig?a. tanggalin ang radyo sa tubigb. tanggalin ang tubig mula sa timbac. tanggalin ang nakasaksak na radyo habang ang iyong katawan ay basa ng tubigd. patayin ang daloy ng kuryente mula sa fuse box o circuit breaker.
17. Ano ang una mong dapat gawin kapag nakakita ka ng taong nakukuryente at di makagalaw?a. kunin ang braso at tanggalin siya sa pinanggagalingan ng kuryenteb. itulak siyang palayo sa sirang kagamitan ng isang metal na patpatc. tumawag ng doktor o paramedikod. isara ang kuryente sa tahanan mula sa fuse box o circuit breaker
18.Ang sona na pumapalibot sa Karagatang Pasipiko ay tinatawag na kabilkugan ng apoy dahil maraming _______ sa mga ito.a. nagsisimulang sunog sa kagubatan b. sumasabog na bulkanc. kalbong bundok
d.. malalim na lambak
19.Mga hayop na nagmamantini ng palagiang temperature anuman ang temperature ng kapaligiran ng mga ito ay tinatawan na ____________. a. ectothermic
b. exothermic c. Endothermic d. Isothermic
20.Ang apat na yugto ng pag-ikid ng buhay ng isang langaw sa tamang pagkakasunod-sunod ay ________.
a. egg, pupa, larva, adult b. egg, larva, pupa, adult c. pupa, adult, larva, eggd. adult, pupa, egg, larva
21.Ano ang mga paraan sa kaligtasan na kailangang sundin ng mga tao bago maganap ang isang lindol?a. magsagawa ng mga pagsasanay para sa sunogb. magsagawa ng mga pagsasanay para sa lindolc. magsagawa ng mga pagsasanay para sa militaryd. magsagawa ng mga pagsasanay para sa Calisthenics.
22.Habang may lindol dapat ay _______.a. pumirmi ka kung nasaan ka b. tumakbo paloob ng gusali na pinakamalapit sa iyo c. lumabas kad. tumigil sa tabi ng bintana
23.Ang ____ ay isang kababalaghan na nangyayari dahil sa lindol na nakapagpapalambot at nakakapagpahina sa lupa.a. sunog b. lumabas ka c. Paglusaw ng lupa d. Pagguho ng lupa
24.Maaari nating panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran sa pamamagitan ng __________.a. pagtatapon ng basura sa labas ng bahayb. paggamit ng kemikal sa pagpatay ng mga insektoc. paglilinis ng bahay isang beses sa loob ng isang lingo.d. pagsunog at pagtatapon ng basura araw-araw. 25.Isang empleyado sa hotel ang namamalantsa ng damit ng bisita sa hotel. Hindi inaasahang nasagi ng plantsa ang kanyang kandungan. Ano ang iyong gagawin?a. diinan ang nasagi o napasong bahagib. gawin ang mouth-to-mouth resuscitationc. pahiran ng cream ang napasong bahagi upang maibsan ang sakit. d. lagyan ng yelo o malamig na tubig ang napasong bahagi sa loob ng sampung minuto.
Sample Test: EXPANDING ONE’S WORLD VISION - Part 1Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga bata ay kumakain ng masusustansiyang pagkain araw-araw upang lalong maging malusog. Sino ang nangangalaga sa kanilang kalusugan?
a. Bumbero c. Manggagamotb. Guro d. Negosyante
2. Ang mga kasaping bumubuo sa isang pamilya ay iginagalang. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pinakamatandang kapatid na babae?a. Ate c. Bunsob. Kuya d. Ninong
3. Ang mga papel, lata at karton ay maaaring magamit sa ibang bagay. Paano ito magagawa?a. sunugin c. I-recycleb. ikalat d. Ibaon
4. Alin ang pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan ang heograpiya at kapaligiran?a. Malaman ang pakinabang at makatulong sa pag-unlad ng bansab. Matutuhan ang paglalakbay ng taoc. Makamit ang tiwala ng nasasakupan sa paglalakbayd. Makapagturo ng proyektong pangkabuhayan
5. Ang Pilipinas ay bata ang populasyon. Ano ang ibig sabihin nito?a. Ang kapal ng populasyon ay mataasb. Patuloy ang pagtaas ng populasyonc. Ang bilang ng lalaki at babae ay pantayd. Ang nakatatanda ay nagtatrabaho para matustusan ang kabataan
6. Ano ang dahilan at iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang bahay sa kapaligiran?a. Pagandahin ang bahayb. Para mamuhay ng tahimikc. Para magkasama-sama palagid. Pangalagaan ang sariling katawan laban sa lamig
7. Ang sistemang solar sy sinasabing nagsisimula sa isa sa mga sumusunod?a. Pagsabog sa masab. Pagsalpok ng mga tubigc. Pagsanib ng malaking bituind. Patuloy na pag-ikot ng alikabok at gas
8. Kailangan ang salaping panustos ng pamahalaan para sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan nito. Saan ito nanggagaling?
a. sa mga samahang sibikob. sa buwis ng mga mamamayanc. sa mga abuloy ng pondo ng bayand. sa mga mamamayan ng ibang bansa
9. Ang mag-anak na Pilipino ay may mga altar o sulok-dalanginan sa kanilang pook sambahan. Ano ang inilalarawan nito?
a. Masipag magdasal ang mga Pilipinob. Naniniwala ang mga Pilipino sa Panginoonc. May kani-kanilang Panginoong Diyos ang mga Pilipinod. May mga gawaing panrelihiyon ang mga Pilipino
10. Bakit makasaysayan sa mga Pilipino ang Pebrero 23-25, 1986.a. Inilagay ang bansa sa state of calamityb. Pinairal ang Batas-Militar sa buong bansac. Nagdeklara ng welgang bayan ang mga manggagawad. Naganap ang People’s Power sa Edsa
Answers: Sustainable Use of Resources/ProductivityAng mga tamang sagot ay naka-highlight.
Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginagamit ng pamahalaan sa pagsisikap nitong mapabuti ang kabuhayan ng bansa?a. Pagpapatayo ng gusali at bahay b. Pag-utang sa IMF c. Pagbibigay ng pabahay sa mamamayand. Pagkakaloob ng kasanayan sa mamamayan
2. Ang tatlong sangay ng ating pamahalaan ay pantay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay rito?a. Ang mga ito ay itinatag upang bantayan ang bawat isa.b. Ang mga ito ay pantay-pantay sa badyet.c. Ang bawat isa ay may kani-kaniyang gawain.d. Sila ay nagtutulungan sa mga gawain.
3. Ang pagkakautang natin sa mga banyagang bangko ay madaling mabayaran kung ____________. a. makipagkaibigan sa Amerika b. lalakihan ang badyet sa gobyerno
c. tatangkilikin ang sariling produkto at negosyod. magtatrabaho tayong lahat sa ibayong-dagat
4. Alin sa mga sumusunod ang pangangalaga sa likas na yaman?a. Pagkakaingin b. Pagtatanim ng maraming punongkahoy c. Madalas na pagtotrosod. Pagpuputol at pagpudpod ng mga tanim
5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamatinding epekto ng langis?a. pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo
b. pagtaas ng dolyar c. pagtaas ng halaga ng pisod. pagyaman ng mga bansang nagbibili ng langis
6. Ito ay isang kilusan na nagpoprotesta sa mga mamimili laban sa di-tapat na gawain ng mga prodyuser.
a. intrepeneurismo c. konsumerismob. komunismo d. Produksyon
7. Ang mga sumusunod, maliban sa isa, ay mga karapatan ng mga mamimili o konsyumer.a. mabigyan ng mataas na uri ng produkto.b. makapili ng produktong may makatarungang presyoc. maging ligtas sa mga produktong mapanganib sa kalusugan o buhayd. makautang ng mga produkto sa pamilihan
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaanib ng “European Community” o "European Union"? a. Pransya b. Belgium c. Portugal d. Estados Unidos
9. Ang ASEAN ay samahan ng mga bansang sakop ng _____________.a. Europa c. Timog Amerikab. Timog-Silangang Asya d. Hilagang Amerika
10. Ano ang mga karaniwang kailangan sa paghahanap ng trabaho?a. bio-data, resume, application form b. bio-data, application form, NBI Clearancec. bio-data, NBI Clearance, record sa eskwelahand. application form, record sa ekswelahan, resume
Sample Test: Development of Self and Sense of Community - Part 1Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga lugar piknikan, parke, kalye at iba pa ay dapat ___________.a. Pinanatiling malinisb. Pinababayaang marumic. Hinahayaang ang mga manggagawang binabayaran ng pamahalaan lamang ang maglinis
2. Iwasan ang ____________.a. Pagsusulat sa mga pader o dingdingb. Pag-iistambay sa kalyec. Paglalakad sa kalye
3. Paano mabisang maisagawa ang mga gawaing pangkaangkupang pisikal?a. Pagsasagawa ng iskedyul ng mga gawaing pangkaangkupang pisikalb. Pagsasagawa ng mga gawaing pangkaangkupa pisikal kapag may panahon lamangc. Pagsasawalang-bahala sa kahalagahan ng kalusugan
4. Bakit mahalaga ang mapanatili ang kaangkupang pisikal?a. Upang hindi mabagotb. Upang malibangc. Upang mapanatili ang malusog o maayos na pangangatawan
5. Nakita mong labis kung gumamit ng insecticide si Mang Kanor. Bilang may alam sa masamang epekto nito sa kalusugan, ano ang dapat mong gawin?
a. Magsawalang-kibo na lamang b. Kusang tumutulong na magbigay ng impormasyon tungkol sa masamang epekto ng insecticide sa kalusuganc. Huwag pansinin ito
6. Hindi alam ng kaibigang mo si Toti kung softdrinks o fresh lemon juice ang bibilhin sa kantina. Ano ang dapat mong gawin?a. Sabihing softdrinks na lamng ang kanyang bilhinb. Sabihing fresh lemon juice ang bilhin at ang masamang epekto ng pag-inom ng softdrinksc. Huwag na lang uminom
7. Mayroong itinatayong pabrika o pagawaan ng sigarilyo sa inyong lugar. Dahil sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao ay may mga taong nagtatag ng kilusan laban dito. Ano ang dapat mong gawin?a. Masigasig at lumahok sa kilusang itob. Tumangging sumapi sa kilusang itoc. Huwag pansinin ito
8. Sa paggamit ng mga produktong nakapipinsala o may masamang epekto sa tao, ano ang dapat mong gawin?
a. Gamitin ito nang wasto at nang may ibayong pag-iingatb. Gamitin ito nang walang pag-iingatc. Huwag pansinin ang mga babala sa paggamit dito.
9. Nagiging madalas ang pag-aaway ng mga kabataan sa inyong lugar na ikinababahala ng mga tao. Ano ang nararapat gawin?a. Tumawag ng pulong ang mga opisyales na namamahala sa kaayusan at kapayapaan ng lugar.b. Tawagin ang lahat ng mga kabataang sinususpetsahang kasangkot sa ansabing away.c. Maglagay ng “curfew hours” para sa mga kabataan
10. Ang mga magulang ng mga mag-aaral na kabataan ay may nabalitaan tungkol sa pagtatayo ng bilyaran sa may malapit sa eskwelahan. Ano ang nararapat gawin?
a. Kausapin ang may-ari ng nasabing itatayong bilyaran at tiyakin sa kanya kung totoo nga ang natanggap na impormasyon
b. Papagharapin ang may-ari ng nasabing bilyaran at ang mga magulangc. Paalalahanan ang mga magulang na maging mas istrikto sa kanilang mga anak