1.1 uri ng klima sa asya
Post on 31-Jan-2016
1.346 Views
Preview:
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
Klima vs. Panahon
Kalagayan ng atmospera
ng isang lupain sa loob ng
mahabang panahon.
Kondisyon ng atmospera sa isang pook sa
loob ng nakatakdang
oras.
Ang pagkakaiba ng uri ng pamumuhay ng mga Asyano ay hindi lamang bunga ng pagkakaiba ng topograpiya sa mga bahaging lupain at tubig ng Asya,kundi dahil na rin sa pagkakaiba ng klima sa mga bansang matatagpuan sa iba’t ibang kontinente ng rehiyon.
Mataas na latitud- rehiyong nakalatag mula 60 digri latitud hanggang polong hilaga o polong timog.
Gitnang Latitud- rehiyong nakalatag sa pagitan ng 60 digri latitud at 23 latitud pahilga at patimog.
Mababang Latitud- ang rehiyong nakalatag sa pagitan ng ekwador (0 digri) at Tropic of Cancer (23 digri) sa hilaga at Tropic of Capricorn (23 digri) sa timog.
I. Kinaroroonang Latitud
Latitud- ang distansya mula sa hilga o timog ng ekwador na nasusukat sa digri.
Mataas na latitud- rehiyong nakalatag mula 60 digri latitud hanggang polong hilaga o polong timog.
Gitnang Latitud- rehiyong nakalatag sa pagitan ng 60 digri latitud at 23 latitud pahilga at patimog.
Mababang Latitud- ang rehiyong nakalatag sa pagitan ng ekwador (0 digri) at Tropic of Cancer (23 digri) sa hilaga at Tropic of Capricorn (23 digri) sa timog.
•Mataas na latitud Klimang Polar
Sa klimang ito, hindi tumataas ang temperatura kahit na sa pinakamainit na buwan. Palaging nababalot ng yelo ang mga lupain sa latitud na ito.
•Gitnang Latitud
Mahalumigmig o temperate
Higit na malamig ang klima sa mga lupain ng gitnang latitud kaysa rehiyong tropiko at mainit-init naman kaysa rehiyong polar. Bunga ito ng palihis na singa ng araw sa loob ng ilang buwana t tuluyang sinag naman dito sa ilang buwan pang natitira.
•Mababang Latitud Tropical Zone o Torrid Zone
Napakainit ng temeperatura sa rehiyong ito. Ito ay bunga ng direktang sinag ng araw, lalo na sa katanghalian.
II. Distansya sa Karagatan at Hanay ng mga Bundok
•Ang mga lupaing malayo sa karagatan at nagkukubli sa mga nagtataasang hanay ng mga bundok ay nakararanas ng higit na mainit na klima kaysa sa mga lupain na malapit sa karagatan .
III. Pagkalantad sa Halumigmig at Ekwador
•Ang mga lugar na nakalantad sa halumigmig at ekwador ay nakararanas ng masaganang ulan at mataas na temperatura.
IV. Direksyon ng Umiiral na Hangin
• Hanging Habagat o basang monsoon
Hanging nagdadala ng malalakas na pag- ulan. Nagaganap sa panahon ng tag-init.(Mayo-Setyembre)
• Hanging Amihan o tuyong monsoon
Hanging walang dalang ulan na nagmumula sa Gitnang Asya.(Enero-Agosto)
V. Altitude o taas ng lupain
Ang klima ng isang pook ay naayon din sa taas ng kinalulugaran nito. Higit na lamig ang nararanasan sa matataas na lugar. Mas mainit naman ang temperatura sa mas mababang lupain.
top related