3 panunumpa ng pilipinas

Post on 06-Apr-2017

392 Views

Category:

Government & Nonprofit

63 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas

HLURB-NMRPowered by: www.MABZICLE.com

Ako ay Pilipino,Buong katapatang nanunumpasa watawat ng Pilipinas,

At sa bansang kanyang sinasagisag, Na may dangal, katarunganat kalayaan,

Na pinakikilos ng sambayanangMaka-Diyos, Maka-kalikasan, Maka tao at Maka bansa.

PANUNUMPA NG KAWANI NG GOBYERNO

Ako’y kawani ng gobyernoTungkulin ko ang maglingkod ng tapat at mahusay dahil dito,

Ako’y papasok ng maaga at magtatrabaho, nangLampas sa takdang oras kung kinakailangan;

Magsisilbi ako ng magalang at mabilis, sa lahatNg nangangailangan;

Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapanAt iba pang pag-aari ng pamahalaan;

Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko,Sa mga lumalapit sa aming tanggapan;

Magsasalita ako laban sa mga katiwalian at pagsasamantala;

Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan,Sa sarili kong kapakananHindi ako hihingi o tatanggap ng suhol;

Sisikapin kong madagdagan ang aking talino,At kakayahan, upang ang antas ngPaglilingkod sa bayan, ay patuloy na maitaas.

Sapagkat ako’y kawani ng gobyerno,At tungkulin ko ang maglingkod nang tapatAt mahusay sa bayan ko at sa panahong ito;

Ako at ang aking kapwa kawani,Ay kailangan tungo sa isang maunlad,Masagana at mapayapang Pilipinas.Sa harap ninyong lahat, ako’y taos pusong nanunumpa

Panata sa Pagbabago

Pilipino ako.

Namamanata ako na tutulong ako sa aking pamunuan,Sa pagtataguyod ng marangal na pamamahala,

Sa pagpapalakas ng isang lipunang makatarungan,At sa pagpapatingkad ng ating demokrasya,Upang guminhawa ang pinakamamahal nating bayang Pilipinas.

Gagampanan ko ang lahat ng katungkulan ng isang mabuting mamamayanNa kasing-tindi ng paghamon ko sa aking mga pinunoNa sumunod sa landas na matuwid.

Makikipagkapit-bisig ako sa aking kapwa PilipinoSama-sama nating babaguhin ang takbo ng kasaysayanUpang umiral ang kagandahang loob.

Ipinangangako ko ito, sa ngalan ng aking mga ninuno at mga apo.

Patnubayan nawa ng Poong Maykapal ang sambayanan.

HLURB-NMR ©2017

top related