ang guro sa paglinang ng edukasyon

Post on 19-Nov-2014

381 Views

Category:

Documents

17 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

ang mga tungkulin ng guro sa paglinang ng edukasyon..compiled by:aprilmbagon-faeldanaprilbfaeldan@yahoo.com

TRANSCRIPT

Ang Guro sa Paglinang ng Edukasyon

April M. Bagon-Faeldan

Ang mga Katangian ng Epektibong Guro

Sa meta-tesis na nakapokus sa emperikal na pag-aaral ukol sa kalidad at kwalipikasyon ng mga guro, natuklasan ni Rice (2003) ang limang malawak na kategorya ng epektibong guro:

• Karanasan• Paghahanda ng programa at

kursong natapos• Uri ng mga Katibayan• Mga Gawaing natapos bilang

paghahanda sa profesyon• Mga Marka ng Guro sa Pagsusulit

Kaugnay nito, nagsagawa ng pagsusuri sina Wayne at Youngs (2003) ukol sa mga katangian ng epektibong guro at ugnayan nito sa kabisaan ng mga mag-aaral. Pinasagutan ng mga mananaliksik sa mahigit na animnapung (60) kataong may karanasan sa pagtuturo at sa mga estudyanteng magtatapos ng kursong edukasyon ang tanong na “Anong mayroon sa paborito mong guro kaya ka natuto?”

Mula sa datos na nakalap, lumabas sa pag-aaral ang labindalawang (12) katangian ng epektibong guro:

• Walang itinatangi• May positibong ugali• May kahandaan• May haplos-personal• Masayahin

• Masayahin • Marunong tumanggap ng kamalian• Mapagpatawad• May respeto• May mataasna ekspektasyon• Mapagmahal• Ipinadaramang kabilang ang bawat

mag-aaral

Ang Epektibong Guro at ang mga Modelo sa Pagtuturo

Sa artikulo ni Rotor (2004) ay binuod niya ang mga katangian ng epektibong guro mula sa aklat ni Dr. Flordeliza Clemente-Reyes, ang Unveiling Teaching Expertise- A Showcase of 69 Outstanding Teachers in the Philippines (2003). Ito’y pinasimulan at pinondohan ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED), at sa tangkilik ng mga organisasyong di-panggobyerno at ng maraming kolehiyo at pamantasan.

Ang katangian ng epektibong guro ay ang mga sumusunod:

Eksperto sa lahat ng saklaw ng pagtuturo, gaya ng paksang-aralin, pamamahalang pangklasrum, pagtuturo at dayagnostiks sa pagtuturo.

Isang may personal na pilosopiyang pang-edukasyunal na nauukol sa mga paniniwala, mithiin at kumbinasyon nang naaayon sa kanyang papel bilang guro.

Kasal, at kung maaari ay isang babaeng nasa kanyang katanghaliang gulang – 40 o higit pa (mas nakararami ang mga gurong babae kaysa sa mga lalaki sa propesyong pangguro, 4 sa 1).

May ginagampanang papel sa kolehiyo, ngunit hindi kinakailangang mag-aaral na may karangalang nakamit o lider ng kampus.

Isang may panimulang karera na di-nakatuon sa pagtuturo, katunayan ay kumuha ng pormal na asignatura at pagsasanay sa edukasyong pang-gradwado.

May digring post-graduate, at kung maaari’y may digring masteral sa alinmang tiyak na larangan.

May “magkahalong utak” yaong taong ang lohikal at malikhaing hemisphere ng utak ay nagagamit nang sabay.

Isang modelong tao na may personal na atribyut, virtues at paraan ng pagtuturo na magbubuo sa sinasang-ayunang relasyong guro-mag-aaral.

Isang nagtataglay ng inspirasyon sa loob at labas ng paaralan gaya ng mga myembro ng pamilya.

Ang taong masayahin, maaasahan at naganyak na maipagpatuloy ang minimithing pag-unlad propesyunal.

Ang Kahusayan ng Guro sa Paggamit ng Wika

Ang pagkatuto ng wika ay bunga ng pag-aaral ng gramatika at paggamit sa mga tuntuning pangwika sa komunikasyon. Sa paggamit naman ng wika, ang pokus ay nasa kahulugan ng mensahe at tinatapos ito sa wastong kayariang pangwika. Dahil dito, mahalaga para sa guro na magamit nang mahusay ang wika batay sa mga sumusunod na uri:

• Kahusayang panggramatika. Ang guro ay dapat magkaroon ng lubusang kaalaman sa paggamit ng gramatika. Dito nakasalalay ang kanyang kahusayan sa paggamit ng wika.

• Kahusayang pangsosyo-linggwistik. Iba’t ibang kayariang panggramatika ang magagamit sa mga sitwasyong angkop sa istandard o pamantayan ng kinagisnang kultura ng guro.

• Kahusayang pandiskurso. Ang guro ay dapat magkaroon ng kakayahang makabuo ng iba’t ibang ideya batay sa kahulugan at anyo nito.

• Kakayahang pang-estratehiya. Hindi lahat ng estratehiya sa pagtuturo ay nakatuon lamang sa gawaing pasalita. Mas makabubuti sa guro na magamit ang galaw ng kanyang mga mata, kilos ng mga kamay, paa at katawan upang maging kalugud-lugod ang kanyang pagtuturo.

top related