ang relihiyong islam
Post on 27-Nov-2014
5.489 Views
Preview:
TRANSCRIPT
PINAGMULAN“Walang ibang Diyos kundi si Allah at
si Muhammad ang propeta ni Allah”Ang salitang Islam ay
nangangahulugan na pagpapaubaya.
Itinatag ni Muhammad ng Arabia.Ang Koran ang banal ba aklat ng
mga Muslim na nagsisilbing gabay sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Nagsimulang mangaral si Muhammad sa Mecca. Mula sa Mecca nagtungo siya sa Medina bunsod ng pagtataboy ng mga mamamayan sa Mecca. Ang pangyayaring ito ay tinawag na HEGIRA(nang maglaon kinilala itong bagong taon sa kalendaryong Muslim) ng mga Muslim.
ARALIpinangangaral ng Muslim ang pagkakaroon ng mabuti at masama sa daigdig- na ang bawat indibidwal ay may pananagutan sa bawat kilos at uri ng buhay na kanyang tinatahak.
Ayon sa koran, ang sinumang magkasala ay nagkakasala sa kanyang sarili.
PANANALANGINPananalangin ng limang ulit sa loob ng isang araw.Muezzin ang taguri sa tagapahayag ng mga Muslim sa oras ng pananalangin.
PAGLALAKBAYPaglalakbay patungong Mecca kahit minsan lamang sa buhay ng isang Muslim.Sa pook na ito humihiling ng kapatawaran sa kanilang pagkakasala ang mga Muslim.
IBA PANG RITWAL/TRADISYONPagbawal sa pagkain ng karne ng baboy at pag-inom ng alak.
Ang lalaking Muslim ay maaaring magkaroon ng hanggang apat na sawa
Nagtitipun-tipon sa mga Mosque upang doon manalangin ng nakaharap sa Mecca ng limang ulit sa isang araw.
RAMADANPag-aayuno ng mga Muslim mula sa
pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.
Isinasagawa bilang tanda ng kanilang pagsunod, pagpapakumbaba at pagpigil sa sarili.
Ito ay nagtatapos sa pagkain ng ilang dates at gatas o tubig at muling pagdarasal bago lumubog ang araw.
Ang pinakamahalagang gabi ng ramadan ay tinatawag na “Gabi ng Kapangyarihan”. Ito ay pinaniniwalaan ng mga Muslim na gabi nang kausapin ni Angel Gabriel si Muhammad.
CRESCENT MOON
Simbolo ng Islam. May kaugnayan sa bagong buwan na nagsisimula sa bawat buwan ng kalendaryong lunar ng mga Muslim.
top related