ang tula

Post on 03-Dec-2014

441 Views

Category:

Documents

7 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang TulaAng TulaAng TulaAng Tula

Elemento ng TulaElemento ng Tula

• Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na kailangang magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matatawag na tula. (Balmaceda, 141)

• Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuan ng tanang kariktang makikita sa silong ng alin mang langit. (Regalado, 141)

• Ang tula ay kinakikitaan ng katangiang nabanggit kung ito ay nag-aangkin ng elemento sa pagpapatingkad ng tunay na kahulugan ng tula bilang panitikan.

Ano ang Tula?

Mga katangian na makikita sa saknong

1. may tugma a. tugmang ganap b. tugmang di ganap

2. may sukat

3. may talinghaga o tayutay

4. may aliw-iw o indayog

5. may sesura o ritmo

6. may damdamin

7. malayang taludturan

Ang Tugma

• Tunog sa dulo ng taludtod ng tula na kahimig ng dulo ng mga ibang taludtod sa loob ng isang estropa.

• Kinabibilangan ng iba’t ibang diin (ang pantig):

• Maragsa• Mabilis• Malumay • Malumi

Uri ng Tugma• Karaniwan – nagtatapos sa mga

tunog na magkakahawig at magkakaiba ang tuldik ng mga huling pantig.

At sa durungawan ikaw ay nanungaw,At sumulyap-sulyap sa dakong karimlan;Nagmasid-masid pa’t saka mo inusal,Sino kaya siya…Siya kaya’y nasaan?

Tugmang Ganap

• Ang mga taludtod ay nagtatapos sa magkakatulad na tunog at tuldik.

Pilipinas bayan ko, tanggapin itong tagubilin,

Na sa aking paglisan at kahilingang hihilingin;Sa bayan ko ay ilaan, manarawi’y kandilihin,Isapuso’t isaisip balang araw pagyamanin.

Ayos ng Tugma

1. Kaputol na bakal na galing sa bundok -ASa dila ng apoy, kanyang pinalambot -BSa isang pandaya’y matiyagang pinukpok- CAt pinagkahugis sa nasa ng loob - D

(Ang Panday)

2. Ugali ng Pilipino kapag mayro’ng suliranin -AKaisipang matalino’y hahanapi’t sasangguniin- AItatanong ang nararapat at matuwid na gawain- AO kaya’y pag-uusapan bawat panig lilimiin -A

3. Ako’y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko’y pipiitinKatawang marupok, aniya’y pagsukodamdami’y supil na’t mithiin ay supil.

(Isang Dipang Langit)

Aliw-iw O Indayog• Isang katangian ng galaw kung it’y

tinataningan, at iyan ay mapapansin sa sining ng pagsayaw, pag-awit, musika at panulaan.

• Ang tula ay isinaayos sa paraang maaliw-iw. May aliw-iw ang tula kapag ang mga tunog ay nahahati sa pare-parehong patlang. Sa tulang Tagalog, ang aliw-iw ay binubuo ng mga tulang may pare-parehong bilang ng pantig.

3 ang ginagampanan ng aliw-iw ayon kay Alden

1. Nagbibigay – Lugod – layunin ng lahat ng sining ay magpahayag ng kaiktan at ang tula ay hindi naiiba riyan. Ang bisa ng ali-iw sa taynga ay gaya rin ng bisa ng kagandahan sa mata.

2. Nagpapahayag ng damdamin – ang paggamit ng aliw-iw sa pagpapahayag ng damdamin ay kasintanda ng sangkatauhan. Ang mga batang nagkakaisip, mga taong mababangis, mga taong nababaliw at ang lahat nang namamasdang gumagamit sa parang umuugot sa katawan kung hindi man sumasayaw ay kapansin-pansin naman ang aliw-iw o indayog.

3. Nagpapaningning sa karanasan sa tulong ng guniguni – sinabi ni Papini ang anya’y nakakahambing ng paglalang sa daigdig ang gawain ng makata. Sa tulong ng guniguni naililipad ang imahinasyon sa kaitaasan.

Ang Sukat

• Bilang ng pantig sa loob ng isang hati o bahagi ng isang pangungusap

• Tagal o ang bilang ng bagsak ng tunog sa diin o bigkas ng mga salita sa taludtod

Sesura

• Katutubong tigil sa pagbigkas sa dulong pantig na isang pangkat ng mga salitang may iba’t ibang pantig sa loob ng isang taludtod

• Bahagyang pagtigil (light pause) sa gitnang bahagi ng taludtod na may bilang na labindalawa at labingwalong pantig sa loob ng isang taludtod.

Estropa o Saknong• Kalipunan ng mga taludtod na

karaniwang magkakatugma at nagpapahayag ng isang kaisipan o bahagi ng paksang tinataglay ng buong tula.

Narito ang pagpapakilala ni Lamberto Ma. Gabriel ukol dito

• Kopla – dalawang taludtod• Terseto – tatlong taludtod• Kwarteto – apat na taludtod• Kinteto – limang taludtod• Senteto – anim na taludtud

Tayutay

- Sinadyang paglayo sa ordinaryong paggamit ng salita. Kaiba ang paglalahad. Di tahas ang kahulugan kaya’t masasabing lumilikha ito ng larawan o imahen.

Uri ng Tayutay• Pagtutulad Pang-uyam• Pagwawangis Pagmamalabis• Pagsasatao Pagpapalit-saklaw• Paurintao Pagpapalit-tawag• Panawagan Padamdam

top related