ang wika at wikang filipinomp

Post on 10-Apr-2015

1.021 Views

Category:

Documents

17 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang Wika at Wikang Filipino

Wika

Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng tao sa pamamagitan ng salita.

Isa itong sistemang panagisag na binubuo ng mga salitang binibigkas o isinusulat at may kahulugang nauunawaan.

Isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng tao.

Pambansang WikaIsang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng pag-unlad ng isang bansa.

Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa.

Opisyal na Wika

Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa daigdig.

Wikang Tagalog

Ang unang wikang ginagamit sa katagalugan.

Pinagbatayan ng wikang Pambansa noong 1935.

Wikang PilipinoWikang Pambansa ng Pilipinas na nakabatay sa Tagalog.

Opisyal na tinawag na Pilipino ng utos Pangkagawaran Blg. 7 ng Departamento ng Edukasyon sa ilalim ni Sekretaryo Jose E. Romero noong ika-13 ng Nobyembre 1959.

Wikang FilipinoIto ang ating wikang pambansa na hindi batay sa isang wika lamang kundi sa iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Ito’y kusang nababago, kusang naiiba, natural, buhay, dinamiko, sinasalita at ginagamit.

Ang Wikang Filipino ay isang wikang batay sa modernong Tagalog na bukas sa lahat ng pagbabagong maaaring manggaling sa banyagang wikang tulad ng Ingles, Kastila, Niponggo at iba pang wika sa Pilipinas.

Ilang mahahalagang punto sa:Kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

1934 – Konstitusyonal na Kumbensyon. Mainit ang balitaktakan nang talakayin ang isyu tungkol sa wika

Ang asembleang konstitusyonal na ito na binubuo ng mga hirang na delegado mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay naging makiling sa kabuluhan ng wikang pambansa bilang “simbolo ng kalayaan at bilang tanikala na magbibigkis sa kaluluwa ng bayang Pilipino.”

1935, Artikulo XIII, Seksyon 3:

Ang Saligang Batas Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting opisyal.

Sa pangunguna ni Pangulong Manuel L. Quezon, isa sa mga unang batas na naisagawa ay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na inaprobahan noong Nobyembre 13, 1936. Layunin ng batas na ito ang lumikha ng isang institusyong pangwika na mangangasiwa sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Ang institusyong ito ay tinaguriang Surian ng Wikang Pambansa (SWP).

Naging gampanin ng SWP ang mga sumusunod:

Gumawa ng pag-aaral tungkol sa mga pangunahing wikang sinasalita ng hindi bababa sa kalahating milyong Pilipino;

Gumawa ng komparatibong pag-aaral sa mga bokabularyo ng mga pangunahing wikang ito;

Pumili ng katutubong wika na gagawing batayan para sa ebalwasyon at adaptasyon ng Pambansang Wika sa pagsasaalang-alang ng mga sumusunod:

ang wikang mayroong pinakamaunlad na istruktura, mekaniks at literatura.

ang wikang tinatanggap at ginagamit sa kasalukuyan ng nakararaming Pilipino.

Wala pa halos isang taon nang ipasa ang mga kagawad ng SWP noong Nobyembre 9, 1937 ang resolusyong nagpapahayag na “ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng wikang pambansa.” Ayon sa kanila, ang wikang Tagalog ang lubos na nakatugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184.

Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.

Dito ipinakilala ni Lope K. Santos ang ABAKADA na may 20 titik:

A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y

Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa naman ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

Marso 26, 1954 – nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, gayundin ang pagdiriwan ng Araw ni Balagtas tuwing Abril 2. Makalipas ang isang taon, Setyembre 23, 1955, nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 na nagsususog sa Proklamasyon Blg. 12 na ililipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Agosto 13 hanggang Agosto 19, taun-taon.

Noong 1959, ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

Noong Oktubre 4, 1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinagyamang alpabeto na binubuo ng 31 na letra.

A B C CH D E F G H I J K L LL M N Ñ NG O P Q R RR S T U V W X Y Z

Sa Saligang Batas ng 1987, Art. XIV, Seksyon 6:

Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Sagisag rin ng pagkakaroon ng modernisasyon ng Wikang Pambansa, pinagtibay noong 1987 ang bagong alpabetong Filipino na may 28 titik:

A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z

1997 – Nilagdaan ni Pangulong Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang buwan ng Wikang Pambansa.

Gawain

1. Kailan mo masasabing nagtatamasa ng tunay na kalayaan ang mga mamamayan ng isang bansa?

2. Paano nakakatulong ang iba’t ibang wika sa Pilipinas sa pagpapayaman ng kaisipan ng mga Pilipino?

3. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng hiwa-hiwalay na mga isla ng bansa sa buhay ng mga Pilipino partikular sa wika at kultura?

4. Mahalagang bahagi ang wika sa pambansang pagkakaisa. (ipaliwanag)

5. Sang-ayon ka ba sa isinusulong ng pamahalaan na gawing midyum ng pagtuturo ang Ingles sa lahat ng antas ng edukasyon. Bakit? Ipaliwanag ang sagot.

top related