babaylan ng pamayanan

Post on 13-Apr-2015

304 Views

Category:

Documents

10 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Hand out in SOSC101 - PHILIPPINE HISTORY & GOVERNMENT

TRANSCRIPT

ANG BABAYLAN

NG PAMAYANAN

INTRODUKSYON

Upang maunawaan ang natatanging papel ng babae bilang babaylan, kailangang isa-konteksto ito: una, sa pamayanang kinapapalooban nito at pangalawa, sa kultura o kabihasnan na mayroon ito. Ang pagpopook ay lubhang mahalaga, sapagkat ang babaylan ay isang personaheng historikal (historical figure) na nabuhay sa isang partikular na panahon, kaayusang panlipunan, at may sariling kapaniwalaan.

1

Mga Batis o Sources na Pinagkunan ng Datos

1. Arkeolohiya

2. Mito at alamat

3 Salaysay ng mga prayleng Kastila

4. Folklore studies

5. Diksiyunaryo

makikita sa:

“The Babaylan Historico-Cultural Context” ni Fe B. Mangahas (Centennial Crossings: Readings on Babaylan Feminism in the Philippines) Fe B. Mangahas and Jenny R. Llaguno (eds.) Quezon City: C & E Publishing Inc., 2006.

“Ang Heograpiyang Distribusyon ng Salitang Babaylan at Katalona sa Tatlong Bansang Austronesyano/Malay: Pilipinas, Indonesia at Malaysia ni Fe B. Mangahas. ADHIKA (Tomo I, 1999) Nilo S. Ocampo, Editor. Taunang Journal of ADHIKA NG PILIPINAS, INC. 1999.

2

BANGANG MANUNGGUL

PANAHON AT POOK

Batay sa nahukay na banga ng manunggul noong 1964, sa kuweba ng Manunggul, Maitum, Palawan, ang banga ay lalagyan ng buto ng namatay (burial jar) na may takip sa anyong bangka sakay ang dalawang tao/kaluluwa pantungo sa kabilang buhay. Tinatayang may edad 870 BK.

Implikasyon: Ang panahon at pook nito ay matanda at may mataas na antas ng kabihasnan.

1. May paggalang sa yumao

2. May paniniwala sa kabilang buhay

3. May ritwal ng paglilibing (na may namumuno)

4. May kaalaman sa pagpapalayok

5. Marunong gumawa ng bangka

6. Ang pamayanang ito ay nasa tabing ilog o

baybaying dagat

3

Maikokonekta o maiuugnay ang mga implikasyong ito sa mga ninuno nating Austronesyano na dumating mula Formosa noong humigit-kumulang noong 2,500B.K.

Bukod sa paggawa ng bangka at pagpapalayok, ang mga Austronesyano ay may kaalaman din sa hortikultura, agrikultura, paghahayupan, pagpapanday, paglilok, at paghahabi.

Narito na ang mga Austronesyano bago pa dumating ang Islam sa Kapuluan noong 1280. Dinatnan naman ng mga kolonyalistang Kastila noong 1521, ang kabihasnang ito.

4

Narito ang mga ebidensiyang nabanggit bilang patunay ng isang mataas na antas ng kabihasnan natin may humigit kumulang sa tatlo hanggang apat na libong taon na ang nakalipas.

Sasakyang dagat / bangka

Payaw – rice terraces

Ikat – mga tela o habing katutubo

Mga palamuting gawa sa ginto

Mga palayok, tapayan, banga

Kasuotan at pagtatatu

5

6

7

8

9

10

11

Sa Lipunang ito may apat na pangunahing pinuno: ang datu, panday, bayani/bagani, at babaylan.

Ang Datu: taga-pamahala; tinatawag ding gat, lakan, hari, ginoo, puno.

May tungkuling politikal: hukom, tagapayo;

tagapag-ugnay sa ibang barangay; pinuno

sa digmaan

May tungkuling pang-ekonomiko; tagasulong

ng produksiyon ng pagkain sa barangay;

ng kalakalan sa loob at ibayong dagat.

Matapang at handang ipamahagi ang

kayamanan sa kanyang sakop sa oras ng

kagipitan; may karisma

12

Panday: Kasama rito ang manghahabi, manlililok, at magpapalayok.

May tungkuling kaugnay sa teknolohiya;

paggawa ng kasangkapan para sa

pagtatanim, ng sandata sa digmaan,

mga kagamitan sa bahay, pagriritwal,

paglilibing.

13

Bayani/Bagani: ang mandirigma (warrior)

Tagapagtanggol ng barangay mula sa

pananalakay ng kaaway; matapang at

handang maglingkod ng walang

inaasahang kapalit at handang ibigay

ang buhay kung kinakailangan para sa

pamayanan.

14

Ang Babaylan: Mga Katawagan nito

Babaylan sa Kabisayaan, Palawan, Tayabas, Laguna

Catalona sa Katagalugan, Bulacan, Maynila, Nueva Ecija

Baglan sa Abra, Pangasinan

Pamallyan sa Pampanga

Baliana sa Bicol

Daitana o Baylana sa Samar, Leyte

Baylan sa Mandaya

Mabalian sa Manobo

Mabunong sa Benguet

Mensip-ok sa Sagada

Tungkulin: Bilang Tagapamahala sa pananampalataya, paggagamot, pag-aanito o ritwal, epiko o salaysay ng pamayanan, pagbibigay babala tungkol sa mga kalamidad at epidemya, tagapayo at bisionaryo.

15

ANG DAIGDIG

NG BABAYLAN

16

17

18

Mayaman ang kapuluan sa likas-yaman; lupain, ilog, dagat, kabundukan, kagubatan. Malawak ang mapagtataniman ng palay at gulay. Maraming mapapangisdaan; mapagkukunan ng bungang-kahoy at halamang-gamot. Gayon din ng ginto, pilak, at perlas. Ang kapuluan dahil nasa tropiko at sa lugar na ma-bulkan madalas itong makaranas ng malalakas na bagyo at lindol. Kayat ang kasaganaang mayroon dito ay maituturing na marupok o mabuway na kasaganaan. Dahil dito, may mahalagang papel ang babaylan. Siya ang inaasahang mamagitan sa isang malupit na kalikasan sa kabuhayan ng tao. Siya ang magbababala kung may epidemiya, baha at iba pang kalamidad; at gumagabay sa datu kung kailan dapat magtanim at mag-ani; kung kailan sasalakay o makipagnegosasyon sa kaaway; at nagbibigay lakas-loob sa mandirigma; nagpapagaling sa may-sakit o magtatawid sa namatay sa kabilang buhay.

Kung tutuusin, nakahihigit ang babaylan sa datu, panday, at bayani sa lawak ng kanyang impluwensiya sa barangay o estadong etniko. Sakop ng kanyang kaalaman, karanasan, at kakayahan ang kaluluwa, buhay, at kalinangan ng buong pamayanan.

19

Karunungang Babaylan

Karamihan ng babaylan ay babae. Kinakailngan magsababae ang isang lalaki o tahasang isang binabae/asog kung nais maging babaylan. Sa dokumento ng mga prayle noong ika 16-17 dantaon, makikitang halos babae ang tinutukoy na babaylan (anitera, sacerdotista, babaylana, catalona, daitana at nang nilalait na nila ay tinawag na bruha, maldita, diabolica).

Karaniwang nagkakasakit muna nang malubha o nakaranas nang isang mabigat na problema (trauma) na halos ikabaliw nito ang isang nagiging babaylan. Mula sa di-karaniwang karanasang ito na halos ilagay sila sa bingit nang kamatayan ay nagkakaroon sila ng kakayahan ng isang may sapi o trance. Dito ay sinasabing sila’y nagkaroon ng karanasang makipag-ugnayan sa Maykapal o Lumikha at sa mga ninunong namatay na mabubuting tao—ang mga anito. Dahil dito sila’y nakagagamot ng di-karaniwang sakit, nakapaghuhula, at nakapagpapayo sa mga nangangailangan. Dahil sa eksperto sila sa kaalaman tungkol sa kalikasan, sila’y magaling na manghihilot at manggagamot gamit ang iba’t-ibang halaman at ugat.

Nakakausap nila ang mga anito at maari din silang maging medium ng mga ito, pati na rin ni Bathala para makita ang nawawala, malaman ang kahihinatnan ng mga balakin o hinaharap. Napaalis nila ang masamang espiritu sa maysakit o sa isang lugar.

20

Ang Tatlong Antas ng Mundo o Buhay ayon sa Babaylan

Itaas

Kalangitan

Gitna

Kalupaan

Ilalim ng Lupa

21

Konsepto ng relasyon ng tao sa mundo at kay Bathala

Sa babaylan ang tao ay di hiwalay sa kalangitan at sa kalikasan.

Silang lahat ay nasa isang espasyo na walang hanggan na pinag-uugnay ng iisang hininga.

22

Konsepto ng sakit

Ang sakit na pisikal ay may kaugnayan sa kalagayan ng kaluluwa o espiritu ng maysakit

Magkakaugnay ang pisikal, emosyonal at espirituwal na sakit

23

Dahil sa kakayahang magbago sa loob o magkaroon ng sapi (trance) kaya ng babaylan na pag-ugnayin at ayusin ang relasyon ng tao sa kapwa tao sa mga yumao at kay Bathala

Siya ay nagsisilbing medyum o daluyan ng mga mensahe mula sa itaas, gitna, at ilalim ng mundo.

24

Para sa babaylan ang buhay ay walang hanggan. Nagbabago lang ang lugar at anyo (mode) ng kairalan nito (existence).

Kahit na ang sanggol na namatay, sa paniniwala ng kaisipang ito ay may diwatang naghihintay (si Mebuyen) na siyang magpapasuso sa kanila sa kabilang buhay.

25

Sa alamat o mito ni Sicalac at Sicavay ay mababakas ang pagkakapantay-pantay ng katauhan ng lalaki at babae. Ganun din sa mito o epiko ni Bathala. Repleksyon ito ng umiiral na pamayanan sa panahong ito.

26

Hindi nakapagtataka na ang mga babaylan ang siyang naging mahigpit na kalaban ng mga prayle. Dahil sa mga gawain at impluwensiya ng mga babaylan nahirapan ang mga prayle sa reduksyon at Kristiyanisasyon

Madaling napasuko ng mga prayle ang mga datu, panday, asog, at lalaking babaylan dahil nabigyan sila ng mga posisyon sa sistemang kolonyal.

27

Dalit ni Cariapa, Bohol 1609

Bayabarico ha nagbanua

Balunco ha bagcabayon;

Mega capucane ang cubayon;

Mabual agra qui ring lunson,

Mabuen cagra quing cubayon.

Narito ang naging reaksyon ng isang babaylan sa pananakop ng mga kastila.

Ang lupang ito ay mababago,

Sasakupin ito ng ibang lahi,

Papalitan ng ibang kalinangan at kaugalian

Ang pamayanang ito’y lubhang mawawasak.

Ang lalawigang ito at iba pang mga pulo ay lulupigin.

28

REBELYONG BABAYLAN

1599 – Silongan ng mga Moro

1599 – Dapungay (Cebu, Negros, Panay)

1607 – Caguenga (Cagayan)

1615 – Batabag, Bolo, Pilitan, and Abuatan (Cagayan) – di-mapangalanang mga babaylan

1646 – Yga (Gapan, Nueva Ecija) – “Santa Maria”

1663 – Tapar (Oton, Iloilo) – “Santissima Trinidad”

1685 – Bolinao, Pangasinan (35 babaeng babaylan at 11 lalaking babaylan)

Dapat idagdag sa mga rebelyon nina Lakandula, Raja Sulayman ang mga rebelyon ng mga babaylan. Ang mga rebelyon nina Lakundala na bilang pagbawi ng kanilang kaharian ay politikal, samantalang ang sa mga babaylan ay may karakter na kultural at pangkabuuan.

29

Paano napasuko ng mga prayle ang mga babaylan.

Inihiwalay sila sa mga datu, panday, asog at babaylang lalaki bilang kaaway.

Ginamit din ang mga bata na binigyan ng doktrina at ginamit na espiya laban sa babaylan.

Nilusob ang kanilang mga sambahang-kuweba at pinagwawasak ang kanilang kagamitan at altar bilang pagpapawala ng bisa ng kanilang kapangyarihan.

Matapos nito’y sila’y pinagdadakip, pinaglalatigo, at ang iba’y pinagahasa. Mayroon ding tinuhog sa kawayan, at ipinakain sa buwaya (si Tapar ng Oton, Iloilo).

30

Upang makaligtas at di lubusang malupig tinanggap ng mga babaylan ang Kristiyanismo at naging deboto ng Sto. Niño at Birheng Maria

Naging aktibo sa mga padasal, pa-Hesus at pag-awit ng pasyon. Nang lumaon ay naging hermana at beata (nagtatag ng sarili nilang orden bilang mga madre).

Sa makatuwid ang kaisapang babaylan nanatiling buhay ngunit tago at sa bagong anyo na makikita sa larawang ito ng Pasyon at Rebolusyon noong 1896 hanggang 1903 panahon ng pananakop ng Amerikano.

31

top related