lecture 3 - sinaunang pamayanan

42
KASAYSAYAN 1 LECTURE 3 Aaron Mallari

Upload: joannefelonia

Post on 20-Jul-2016

378 views

Category:

Documents


22 download

TRANSCRIPT

Page 1: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

KASAYSAYAN 1 LECTURE 3

Aaron Mallari

Page 2: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

REVIEW • Nakahanap na ng ebidensya ng mga sinaunang Tao

sa Pilipinas. Cagayan man, Tabon man, Callao Man • Sa kasalukuyan, pinaniniwalaang ang pagtatao sa

Pilipinas ay dulot ng migrasyon ng mga Austronesyano. Iniuugnay ng kulturang Austronesyano ang mga tao sa TSA.

• Hindi na malawakang tinatanggap ang Waves of Migration Theory ni Beyer bilang paliwanag ng pagtatao sa Pilipinas.

• Ayon kay Peter Bellwood, ang daloy ng migrasyon ay mula sa katimugang Tsina pababa sa mga isla ng TSA at pakanan tungo sa Pasipiko at pakaliwa hanggang Madagascar

Page 3: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan
Page 4: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Agrikultura at mga Likas na Yaman

• Malaki ang ginampanan at ginagampanang papel ng kapaligiran sa pag-usbong at pag-unlad ng lipunan

• Sa pagpasok ng panahon ng metal, lalong umunlad ang teknolohiya at sa kalaunan ang lipunan.

• Sa pagkakatuklas at paglinang ng mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng bakal, (tinatayang sa pagitan ng 500 BC-500 AD) nakabuo ng mas epektibong mga kagamitan na nakatulong sa agrikultura

Page 5: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Pag-usbong ng mga Sinaunang Pamayanan

• Ang pag-unlad ng sistema ng agrikultura at pagdami ng ani, nabuo ang mga pamayanan bilang tugon na rin sa pangangailangan ng mas maraming tao sa paglinang sa lupa at dahil na rin sa mataas na ani

• Kaugnay rin ng pag-usbong ng mga pamayanan ang lokasyon nito malapit sa mga katubigan (dagat man o ilog)

Page 6: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Ang mga pamayanang umusbong malapit sa baybayin ng dagat o pampang ng mga ilog ay tinatawag na ilawud.

• Samantalang yaong mga pamayanang umusbong malayo sa mga katubigan ay tinatawag na ilaya.

Pag-usbong ng mga Sinaunang Pamayanan

Page 7: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Ugnayang ilawud at ilaya • Ang mga pamayanang ilawud at ilaya ay nagkaroon

ng patuloy na ugnayan kaugnay na rin ng pangangailangang magpalitan ng mga produkto

• Mula sa mga pamayanang ilawud nakukuha ang mga pagkaing mayaman sa prutina (isda mula sa katubigan) at iba pang mga produktong kaugnay sa katubigan

• Samantalang sa mga pamayanang ilaya naman nagmumula ang maraming produktong agrikultural na karamihan ay mula na sa pagsasakang kaingin o sa mga hagdang palayan

Page 8: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Kaayusang Panlipunan • Sa patuloy na pag-unlad ng mga pamayanan,

umusbong rin ang mga pamamaraan upang magkaroon ng kaayusang panlipunan.

• Ang mga mamamayan ay nagbuklod sa mga barangay

• Kabilang na rin dito ang pag-usbong ng malinaw na social stratification sa lipunan.

• Sa kinship system, ang mga sinaunang Pilipino ay sinusundan ang kanilang lineage mula sa parehong ama at ina.

Page 9: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Barangay

Page 10: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Ang mga barangay ang itinuturing na pinakamaliit na organisasyong panlipunan sa sinaunang Pilipinas (maging sa kasalukuyan)

• Karaniwang binubuo ang mga barangay ng 30-100 pamilya

• Ang bawat barangay ay isang malayang yunit ng lipunan

• May mga panahong ang mga barangay ay bumubuo ng mga alyansa na pinagtitibay ng sandugo o kasal

Barangay

Page 11: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Kinship System

• Cognatic kinship

• Ritual kinship

• Binibigyan ng ganitong sistema ng kinship ng lakas at ugnayan ang pagkakabuo ng mga barangay bilang pamayanan o alyansa

Page 12: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Social Stratification

• Sa sinaunang pamayanan, ang mga mamamayan ng mga barangay ay nahahati sa ilang uri

• Sa pangkalahatan mayrrong tatlong uri

– Datu/Kadatoan at Maginoo

– Timawa/Maharlika

– Alipin

Page 13: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Ang mga Datu

• Sa kabisayaan ang katagang kadatoan ay tumutukoy sa posisyon sa lipunan at sa uri sa lipunan

• Nabibilang ang mga datu sa pinakamataas na antas sa lipunan

• Ang mga datu ang namumuno sa mga barangay kung saan sila ay nagsisilbing pinuno sa digmaan at punong hukom

• Ang mga datu ay di kailangang magbayad ng tibuto o magsaka ng mga lupain

Page 14: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Sa mga alyansa, karaniwang tinatawag na kaponoan ang datu na itinuturing na pinakapinuno

• Sa mga barangay na mas malapit sa mga baybayin ng dagat o ilog at mayroong kontrol sa daloy ng komersyo, karaniwang ginagamit ng mga datu ang katawagang rajah

• Sa katagalugan, ginagamit rin ang terminong gat bilang pagkilala sa mga datu at matataas na tao sa lipunan

Ang mga Datu

Page 15: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Karaniwang nagmumula ang autoridad ng pagiging datu mula sa kanyang angkan ngunit mahalagang unawain ang mga datu ay kailangang patunayan ang kanilang kakayahan sa pamumuno sa pamamagitan ng maraming bagay

• Pangunahin sukatan ng kapangyarihan ng datu ang kanyang kayamanan (na pangunahing batay sa dami ng tagasunod); galing sa pakikidigma; at husay ng pamamalakad ng barangay

Ang mga Datu

Page 16: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Mahalagang mapanatili ng datu ang tiwala at suporta ng kanyang mga nasasakupan

• Mahalaga rin ang mga alyansang binubuo ng mga datu sa pagitan ng kanyang barangay at iba pang karatig na barangay

Ang mga Datu

Page 17: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Uring Maginoo

• Kabilang na sa uring ito ang mga datu

• Nasa pinakamataas ding antas sa lipunan kasama ang kadatoan

• Karaniwang mga kamag-anak ng datu (kapatid, tiyuhin, kamaganakan ng asawa ng datu, etc)

• Maaari ring mga natatanging indibidwal na nagpakita ng kahusayan sa digmaan o ibang kaalaman at nakapaloob sa malalapit na tauhan ng datu

Page 18: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Timawa

• Mga malalayang mamamayan ng barangay

• Mayroong obligasyong magsaka ng lupa at maghandog ng tributo sa datu (buhis o handug)

• Kung magpakita ng kahusayan sa pakikidigma, ang mga timawa ay maaaring mapabilang sa mga pinapaboran ng datu bilang mga mandirigma na maaaring makapagpataas ng kanyang antas sa lipunan

Page 19: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Timawa – Mandirigma

• Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mandirigma sa pamayanang barangay

• Sila ang katuwang ng datu sa pagtatanggol sa barangay at gayundin, kasama ng datu sa mga pagsalakay sa ibang barangay

• Ipinakikita ng mga mandirigma ang kanilang mga natamong tagumpay sa pamamagitan ng pagtatato sa katawan

Page 20: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan
Page 21: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Sa katotohanan, ang mga timawa ay maaaring tumiwalag sa pamunuan ng isang datu at lumipat sa ibang barangay na tatanggap sa kanya

• Bilang mahalagang rekisito sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng datu ang dami ng kanyang mga tagasunod, mahalagang mahusay ang pamumuno ng datu sa mga timawa

Timawa

Page 22: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Alipin/Oripun • Mahirap isalin ang salitang alipin o oripun

bilang “slave” dahil sa ilang kaibahan

• Ang mga alipin/oripun ang nagsisilbing pangunahing yaman ng mga barangay sapagkat sila ang nagsasaka ng lupa at nagbibigay ng serbisyo upang patuloy na dumaloy ang pang-araw-araw na buhay sa mga barangay

Page 23: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Maraming paraan upang ang isang indibidwal ay mapabilang sa uring alipin/oripun

– Nahatulan bilang kriminal

– Di nakabayad ng utang

– Ipinanganak sa uring alipin/oripun

– Nahuli sa digmaan

– Ipinagbili ng magulang bilang bayad-utang

Alipin/Oripun

Page 24: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Alipin/Oripun

• May ilang pag-uuri rin sa mga alipin/oripun – Namamahay

• mayroong sariling bahay at ilang ari-arian.

• Naglilingkod sa ilang araw lamang

– Sa gigilid • Nakatira at umaasa sa kanyang pinaglilingkuran

• Para sa mga oripun sa kabisayaan – Ayuey

– Tumarampok

– Tumataban

Page 25: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Ang mga alipin/oripun (lalo na yaong mga sagigilid) ay maaaring ipagbili

• Maaaring makaalis sa pagiging alipin kung makakabayad sa pinagkakautangan

• Ang anak ng isang alipin sa isang malaya ay nababawasan ang pagiging alipin

• Dahil sa kahalagahan ng mga alipin, lumaganap ang sistema ng pangangayaw pagsalakay sa mga barangay upang manguha ng ari-arian, kabilang na ang mga alipin

Alipin/Oripun

Page 26: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Pagbabago ng Estado sa Lipunan

• Ang mga antas sa lipunan ay di mahirap alpasan para sa mga napapabilang sa mabababang uri.

• Ang pag-aasawa sa labas ng uri ay hindi striktong ipinagbabawal at nagsisilbi itong daan upang maiva ang antas sa lipunan lalo na para sa mga anak

• Maaari ring tumaas ang antas base sa pagpapamalas ng husay at talino sa maraming bagay

Page 27: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Maaari namang bumaba ang antas kung ang indibidwal ay di makabayad ng utang o mahuli sa digmaan. Gayundin kung sya ay mahatulan bilang isang kriminal

• Kung gayon, ang pag-uuri sa mga tao sa lipunan ay di panghabangbuhay, bagkus ay mayroong mga mekanismong maaaring magbunsod ng pag-angat at pagbaba ng antas sa lipunan

Pagbabago ng Estado sa Lipunan

Page 28: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Laguna Copperplate inscription

Page 29: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Isang mahalagang artifact na sinasabing nagbibigay patunay sa kaayusang panlipunan partikular sa mga antas ng tao sa lipunan

• Isang dokumento na naglalahad ng ilang bagay ukol sa utang at pagpapakawala mula sa pagiging alipin

• Nakasulat sa wikang sinasabing kahawig ng mga sinaunang wika sa Java

Laguna Copperplate inscription

Page 30: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Sistema ng pagsulat

Page 31: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Custom Law

• Katulad ng nabanggit na, ang mga batas sa sinaunang pamayanan ay yaong mga panuntunang nakasandig sa nakagawian o tradisyon.

• Sa pagmamay-ari ng lupa, ang mga lupain ay itinuturing na communal at ang sistemang usufruct ang umiiral sa pangkalahatan

• Kung minsan ang mga datu ay nagkakaroon ng mga lupain na kanilang nililinang para na rin sa barangay

Page 32: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Pagdating sa pagresolba ng mga krimen, ang datu ang tumatayong punong hukom ngunit tinutulungan din sya ng mga itinuturing na eksperto sa batas katutubo (karaniwang mga nakatatanda sa lipunan) sa pamamagitan ng pagpapayo

• Ilan sa mga itinuturing na krimen ang pagnanakaw, di pagbabayad ng utang, paglapastangan sa datu o mga nakatataas sa lipunan, katrayduran, etc.

Custom Law

Page 33: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Bilang punong hukom, idinudulog sa datu ang mga krimen at sya ay nagsasagawa ng paglilitis.

• Kung hindi mahanapan ng karampatang hatol matapos dinggin ang mga saksi, maaaring magsagawa ng pagsubok o trial by ordeal bilang pagsamo na rin sa tulong ng mga elemento/anito/espiritu/diwata

Custom Law

Page 34: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Pakikidigma

• Nagkakaroon din ng mga sagupaan sa pagitan ng mga barangay

• Kaya naman mahalaga ang pagpapanatili ng malalakas na alyansa at pagkakaroon ng magigiting na mga mandirigma

Page 35: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Pakikidigma

• Maraming mga dahilan na nagbubunsod upang magkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga barangay

– Pangangayaw

– Tugon sa pagsira sa sandugo

– Pagpaslang ng isang kabarangay o paghihiganti

Page 36: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Pakikidigma

Page 37: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Pakikipag-ugnayan sa TSA

• Ang mga sinaunang pamayanan (lalo na ang mga nasa baybay dagat at Mindanao) ay mayroon nang ugnayan sa sa mga karatig na pamayanan sa Indonesia, Malaya at Tsina

• Nakikipagkalakalan na sa Sri Vijaya noong 7th century

• Dito na rin nagkaroon ng pagpasok ng impluwensyang Indian sa mga pamayanan sa kapuluan

Page 38: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan
Page 39: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Mayroon ding ugnayan sa imperyong pumalit sa Sri Vijaya, ang Majapahit

• Ang uganayan sa mga Indiyanisadong pamayanan sa TSA ay pinatutunayan ng mga nahukay na artifact na nagtataglay ng mga katangiang Indian

Pakikipag-ugnayan sa TSA

Page 40: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Nahukay sa HS Mindanao

• Ngayon ay nasa Museo sa Chicago

Page 41: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

Pakikipag-ugnayan sa Tsina at Mainland SEA

• Nagkaroon na rin ng mga ugnayan sa Tsina na inilalarawan din sa madaming mga historikal na dokumento sa sinaunang Tsina

• Sinasabing isa mga pangunahing nakikipagkalakalan ay ang Ma-I (sinasabing Mindoro) at maging ang Butuan

• Sa katunayan nagpapadala pa ng mga ekspedisyon ang mga sinaunang Pilipino sa Tsina, una na rito ang tumungo sa Tsina noong 1001

Page 42: Lecture 3 - Sinaunang Pamayanan

• Isa rin sa maraming mga misyon pa-Tsina ang nagananap noong 1400s sa pangunguna ng mga taga-Sulu sa pamumuno ni Batara

• Nagkaroon din ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at iba pang mga taga-Mainland SEA gaya ng Siam at Vietnam ngunit maaaring ito ay indirekta at nagaganap dahil na rin sa mga mangangalakal na Tsino

Pakikipag-ugnayan sa Tsina at Mainland SEA