bec awareness

Post on 22-Jan-2016

166 Views

Category:

Documents

1 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

BEC Awareness. Parokya ng Our Lady of Fatima Pasay City March 29, 2014. Ang Batayang Pag-unawa sa BEC Layunin : Banggitin ang ipaliwanag ang kahulugan ng BEC Tukuyin ang mga katangian at pagkakakilanlan ng BEC Ipaliwanag ang BEC at ang Misyon ng Simbahan - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

BEC AwarenessParokya ng Our Lady of Fatima

Pasay CityMarch 29, 2014

2

Ang Batayang Pag-unawa sa BEC

Layunin: Banggitin ang ipaliwanag ang kahulugan ng BEC Tukuyin ang mga katangian at pagkakakilanlan ng

BEC Ipaliwanag ang BEC at ang Misyon ng Simbahan Talakayin ang Iba’t ibang anyo at antas ng BEC Ilarawan ang buhay at pagkilos ng mga BEC

3

Buhay – Patay - - hinto – simula – simulang muli – tagumpay - kabiguan

Pangkaraniwang tukoy na dahilan– Mabilis na pagpapalit ng pari– Hindi prioridad/sumusuporta ang kura paroko, – Hindi programa ng diyosesis

Mungkahing pagnilayang dahilanMalabong pananawMaling pag-unawaMalambot na paninindiganHindi naging gawi ng buhay

Kaya’t ang bunga

Mabuway na pagkakabuklod at di wastong pagkilos at pagsasabuhay nito

4

Kalagayan at panawaganMatagal na ang panawagan upang isulong

ang BEC bilang paraan at tunguhin ng pinagpanibagong simbahan

Vatican II 4th Synod of Manila. Second Plenary Council of the Philippines, Second Provincial Council of the Philippines, at marami pang partikular na panawagan)

5

Kalagayan at panawagan

Ganito rin ang nilalaman sa Art. 4 ng PCM II. Isulong ang BEC bilang daan at lugar sa

epektibo at napapanahong

ebanghelisasyon. Epektibong daan sa pagpapalahok ng

mga layko sa gawaing ebanghelisasyon Magandang simula at pagkakataon sa

pagmumulat ng mga mananamplataya

6

Sa resulta ng pagtatasa pagkatapos ng 10 taong pagpapatupad ng PCP II, muling inulit ang panawagan na buklurin at patatagin ang mga BEC tungo sa:

pagsasakapangyarihan ng layko, pagkakataon para sa pagmumulat at

pagpapakilos ng mga mananampalataya at maging akmang lugar para sa

ebanghelisasyon.

Kalagayan at panawagan

7

AggiornamentoKeeping the Church

Up to date

Vat. II1962-1965

Renewal of Christian Faith

Restructuring of the Church

8

Pagpapanibago

Malay

Pagkilos

Buklod

ParaanLayunin

Gawain

Pananaw

Pag-unawa

Paniniwala

Relasyon

Tulungan

Pananagutan

(PCP II)

Sa ating parokya, marami tayong narinig, nadama at nakitang mga pagbabago at

pagpapanibago sa anyo ng mga paglilingkod at pagkilos, porma ng pagkakabuklod at

umiiral sa mga kamalayan. Hal. Mga bagong ministry

PREXbagong programa

tipanan sa Panginoonbuhay katiwala

BEC atbp.

Gabay na Tanong:Para sa akin ano ang:

DiyosTao

SimbahanKasalananKaligtasan

Daigdig

11

Bahaginan ng mga maliliit na pulutong

(5 grupo)

1. Sa loob ng 30 minuto, magbabahaginan ang mga maliliit na pulutong sa kanilang itinakdang lugar.

2. Pumili ng isang tagapagpadaloy at isang tagatala

3. Sikapin na ang bawat isa ay nakapaghayag ng kanilang pinapangarap na simbahan.

4. Gumawa ng isang pagsasadula ng bunga ng kanilang isinagawang bahaginan

5. Bibigyan ang bawat grupo ng tig 10 minuto para sa kanilang pag-uulat

6. Hindi na kailangang ipakilala pa ang mga kaanib ng grupo, makatutulong kung idirecho na agad sa pag-uulat

Gabay na tanong: Naitala natin at naipahayag

ang mga suliraning kinahaharap ng ating bansa, lipunan, parokya at kahit na sa kapitbahayan.

Narinig natin ang panawagan at nilalaman ng pagpapanibago.

Mula dito;

Ano ang ating pinapangarap na simbahan?

12

Gw. 2:42-47Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipirapiraso ng tinapay at sa

pananalangin. Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan

ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsasama-sama ang lahat ng

sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa

lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa kanilang tahanan at nagsasalu-salong

masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag

sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.

13

Gw.4:33-35Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng

sumasampalataya at di tinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa

lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling

pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat.

Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay at ang pinagbilhan

ay ibinigibay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa

14

Mangyayari ang mga ito kung kikilos tayo bilang :

Simbahan ng:

PakikilahokPakikipagkaisa

Misyon• makahari• makapari

• makapropetang pananagutan

• Simbahan ng mga Dukha

Nakatatagpo ng pahiwatig sa pagkilos na

simbahan, sa pagsusulong ng BECPCP II - 137

15

Kahulugan ng BEC

16

Ayon sa pagkakasunod-sunod ng kataga (Nomenclature)

Bilang

Lugar sa lipunan

Basic

BatayanPangunahinSimulaUgat Muntimaliit

17

Ecclesial – Pagiging Simbahan

Gw. 2:42-47Gw. 4:33-35

18

Nanatiling tapat sa turo ng mga Apostol

Nakasentro kay Kristo ang kanilang buhay

relasyon

Pag-asaMasayang

Panalangin atPagdiriwang ng buhay

Pag-ibig

19

Ang simbahan sa panahon ng mga apostol Ito ang larawang binabalik-balikan, ang

pundasyon at pamantayan. Ito ang modelong pinagbabatayan.

Sampuso, sandiwa. nagkakapatiran, nagpapahayag,

nagdiriwang at naglilingkod. Apat na mahalagang katangian na nagpapatunay na buhay ang simbahan ito.

20

Community Pamayanan=Isang tukoy na lugar

kung saan naninirahan at itinataguyod ang buhay

ng nilalang

kapitbahayan

21

Ang mga BEC ay

Maliliit na pulutong ngorganisadong

Pamilyang magkakapitbahay na

nagsisikap magsabuhay ng pagiging simbahan.

22

Nanatiling tapat sa turo ng mga Apostol

Nakasentro kay Kristo ang kanilang buhay, nagkaisa ang kanilang damdamin at isipan

relasyon

Nagpapahayag Nagdiriwang

Naglilingkod

Gw. 4:33-35Gw. 2:42-47

23

Organisadong

Pamily

ang

Magkaka

pitbahay

Nakasentro sa

Salita ng Diyos

at Eukaristiya

Kaisa ng kura

paroko at ng

buong simbahan

Kumikilos b

atay

sa ka

nilang

pangangailangan

Kapatiran

Panalangin

Malasakit Bahaginan

Bagong Paraan ng Pagiging Simbahan. Wastong Lugar at pagkakataon sa ebanghelisasyon.

Binhi sa pagpapanibago ng Lipunan.

Ang mga

BEC

25

Mula sa PCP II #138, 139

1. Maliit na pulutong2. Pamilya3. Magkakapitbahay4. Magkakakilala ang mga kasapi5. Pinamumunuan ng Layko6. Kaisa ng kura paroko7. Regular na natitipon sa gitna ng Salita ng

Diyos at ng Eukaristiya8. Nagbabahaginan hindi lamang spiritual kundi

maging materyal na alalahanin

26

Mula sa PCP II #138, 139

9. Pinapag-iisa ang pang-araw araw na pamumuhay at ang pananampalataya

10. Patuloy na tumataas ang kamalayan dahil sa regular na katesismo na nagsisilbi nilang gabay

11. Mayroon silang matinding pagdama sa pagiging kabilang at sa pananagutan sa isa’t isa

12. Sama-samang kumikilos para sa katarungan at tungo sa isang masiglang pagdiriwang ng buhay at liturhiya.

27

Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap tungo sa pagpapanibago, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.

Layunin sa pagbubuklod ng mga BEC na:

Lumikha ng pagkakataon upang: Ipamuhay ng makahulugan at

makabuluhan ang kanilang pananampalataya (Diyos, Tao, Simbahan, Kasalanan, Kaligtasan at Daigdig)(Vision)

Magkaroon ng daan ang sama-samang pagkilos at malalim na pagsasamahan ng mga kaanib. (Misyon)

29

Layunin sa pagbubuklod ng mga Munting Pamayanang Kristiyano

Magbukas ng daan tungo sa pagtutulugan at pagmamalasakitan sa loob at labas ang organisadong pulutong

Sama-samang pamamahala at pagpapaunlad ng simbahan sa kanyang paglalakbay

Linawin ang hamon sa mas malaking pakikilahok sa pagtugon upang tulungan ang lipunan sa kanyang pagpapalakas at pagpapanibago

Pagsasabuhay o pagsasakongkreto ng misyon

Ang ating pagsisikap na panibaguhin ang simbahan ay handog sa atin ng Diyos

Ito ang pangarap sa atin ng Diyos Ito ay pagpapahayag ng Kanyang patuloy na pagkilos sa ating

buhay, mga pamayanan at daigdig Sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesukristo, kung saan

nakasentro ang ating mga BEC, ipinakilala niya sa atin ang : bagong pakikipagrelasyon sa Diyos, ang bagong paraan ng pagiging pamayanan at bagong paraan ng pakikipagkapwa at

pagpapakatao

31

Sa pagtahak natin sa landas ng pagpapanibago, sa pagsusulong ng mga

BEC, kailangang bukas tayo, kahit mangahulugan ito ng:

1. Pagtalikod sa ating luma at nakagisnang paraan.

2. Pagkamatay ng ating dating sarili3. At magtaglay ng maalab na katapangan upang

tahakin ang mga bagong malay, bagong paraan ng pagkilos/paglilingkod at bagong relasyon bilang mga anak ng Diyos.

32

Ang ating bokasyon bilang mga tagapagsulong at tagapagsabuhay ng BEC

Ipamuhay ang Salita ng Diyos

Mabuting Balita ng Panginoon

Pag-iibigan.

Kaligtasan, paglaya at kaginhawahan

33

Hindi tayo lumalahok sa BEC upang makahanap ng pagkakaabalahan, o pumapel sa kura paroko, sa halip:

nais nating ipamuhay ang bagong paraan ng

pagiging simbahan sa ating panahon

34

Ang ating buhay sa buong maghapon sa kapitbahayan ay

nagbibigay ng pagkakataon upang

kongkretong isabuhay ang bagong paraang ito, at

Papurihan ang Panginoon.

35

Ang pagsasabuhay

ng BEC ay nagbibigay diin sa pagpapaunlad ng:

36

A. Bagong Pagpapahalaga – Pagtatangi at pagmamahal sa mga dukha, pakikipagkaisa sa kanila, paggalang at mahusay na pakikipag-ugnayan sa kapwa at lahat ng nilikha.

B. Bagong Kasanayan – Kakayahang maglingkod sa mga dukha. Balik-balikan ang pananampalataya pakikinig sa Espiritu, at basahin ang mga palatandaan ng panahon at kakayahang maging kritikal sa pag-iisip

37

C. Mga bagong kaalaman – Katuruan ng simbahan, bagong paglalapat ng pananampalataya sa kasalukuyang panahon.

D. Bagong pamamaraan – pakikipagkapwa, , pakikipagkaisa, pakikilahok at at sama-samang pagpupuri (nagbibigay ng pahalaga sa pamayanan o kapitbahayan)

E. Bagong pamumuno - mapampalahok, malikhain, humaharap sa hamon ng panahon at laging tumatanaw sa hinaharap.

38

1. Pagtuunan natin ang pagsusulong at paglulunsad ng mga gawaing pag-aaral, pagsasanay at paghuhubog para sa pamunuan at kasapian ng ating mga BEC

2. Buksan ang ating puso at patuluyin ang diterminasyong isabuhay ang pagpapanibago at pagsasapanahon bilang simbahan - ang mga BEC

3. Dalisay at tuloy tuloy na pagsasabuhay (witnessing) at sumasaksi sa pagiging tunay na simbahang hinulma mula sa inspirasyong ng mga unang mananampalataya.

Ilang mungkahi at paalala

Pagnilayan natin at pahalagahan ang patuloy na pakikipaglakbay at pagkilos ng Diyos sa ating kasaysayan.

Patuloy tayong magpuri sa kabutihan ng Diyos at magmakaawa na tayo’y Kanyang gabayan sa ating muling pagtatalaga at pag-angkin sa pagpapanibago sa pamamagitan ng mga BEC.

Ang aking kagyat namungkahi at paalala

40

Nadama at nadarama natin ang gabay ng Diyos sa mga kasalukuyang pagkilos ng ating simbahan upang ito ay maging tunay na Simbahan ng mga Dukha at Pamayanan ng mga Tagasunod ni Jesus. Pangatawanan natin ang pagiging simbahang nakikinig at nagpapahayag ng Mabuting Balita - ang mga

Sa kabila ng ating mga kahinaan, patuloy tayong magpanibago

BEC(Basic Ecclesial Communities)

41

Maraming Salamat

Mabuhay kayong lahat

42

Iba’t ibang anyo ng BEC1. Liturgical BECAng mga BEC na ito ay nagbibigay ng tuon sa mga gawaing pangliturhiya, tulad ng:

1. Block rosary,Bible sharing, prusisyon2. Mga napapanahong pagdiriwang ng mga okasyong tulad

ng panahon ng kwaresma , adbiyento at iba pang mga selebrasyong katoliko

3. Pagpapanibago at pagsasapanahon ng mga pagdiriwang ng misa at pagsasagawa ng iba pang sakramento

4. Kadalasan umiinog ang buhay ng mga BEC sa mga gawaing pangsimbahan

5. Pagpapalahok sa mga layko sa mga paglilingkod ng parokya

43

Iba’t ibang anyo ng BEC

2. Developmental BECa) Binibigyan ng pansin ang kaunlarang pang-ekonomiya ng

mga mananampalataya. Halimbawa dito ang: pagtatayo ng ibat ibang uri ng kooperatiba

b) Pagtutulungan para sa pagpapadaloy ng patubigc) Pagtutulungan para sa pagbili ng kanilang bangka at iba

pang gamit pangkabuhayan.

Binibigyan pansin ang mga ito, ngunit higit na pinahahalagahan nila ang kanilang pagkakabuklod upang tugunan ang kanilang magkakatulad na interes

Ngunit dahil ito ay pagiging simbahan, hindi nalilimutan ng mga organisadong grupong ito na salaminin ang kanilang pagkilos sa liwanag ng mga Salita ng Diyos

44

Iba’t ibang anyo ng BEC

3. Liberational BECIto ang mga BEC na nagbibigay na kiling sa mga usaping

kinahaharap ng lipunan o lokal na kalagayan. Ilan sa mga binbigyan pansin ng mga ganitong uri ng BEC ay ang mga sumusunod

a. Pakikilahok sa mga pagkilos ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang sektorb. Pagbubuklod upang ipaglaban ang karapatan, tulad ng paninirahanc. Pakikiisa sa mga adbokasiya ng mga kaalyadong organisasyon.

Tulad ng mga naunang tipo ng BEC. Pinahahalagahan din ang mga pagkkilos ayon sa liwanag ng Salita ng Diyos

Ang mga BEC ay:

A.Pamayanang kinakikitahan ng aktibong pakikilahok at pagsasabuhay ng misyon Pamayanan ng pananalig,

pagmamahalan Pamayanan ng misyon na

nakabatay sa gawi ng mga apostol

Nagbibigay ng pagkakataon upang sama-samang makibahagi at magsabuhay ng pagkilos at katangian ng pagiging simbahan

Nagbibigay ng pagkakataon upang ang mga maralita, mahihina at walang kapangyarihan ay madama ang kanilang pagiging bahagi ng simbahan

Kongkretong pagpapatotoo ng pagtitipong liturhikal

B. Pamayanang nakikinig at nagpapahayag ng mabuting balita• Sentro ng pagpapahayag ng

Mabuting Balita

C. Isang permanenteng pamayanan at hindi binuklod upang tumugon lamang sa mga pansamantalang pangangailangan.

D. Pamayanang modelo ng simbahan bilang isang angkan• Angkan ng Diyos – kapatiran ng lahat• Relasyon bilang isang malaking

pamilya sa pamayanan• Talikuran ang pagiging

mapagkunwari at makasariling katangian

• Pagsisikap namaging misyunero para sa iba

Ang mga Hindi BEC

1. Hindi simpleng pagtitipon upang magdaos ng pulong o pagtitipon, mag-usap, manalangin at gumawa. – Ang pinakadiwa nito ay pagsasanib

lakas nito at pakikibahagi sa buhay ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagkakapatiran.

2. Hindi lamang protest group3. Hindi tanging grupong

tagapagligtas o messianic group4. Hindi simpleng discussion group,

prayer meeting group, o support group.

5. Hindi organisasyong paglilingkod o samahang nagpapabanal

Ang BEC ay hindi himala upang bakahin ang lahat ng mga kasamaan sa lipunan at simbahan. • Mayroong limitasyon at mga

pagkukulang• Hindi ligtas sa pagkakamali at mga

kasalanan. Dapat na laging nagsusuri at nagpapanibago

Ang mga Hindi BEC

Ang BEC ay hindi dapat na tingnang dulo ng pagsisikap, mawawala ang katangian nito bilang lebadura kung lalagyan ito ng hangganan. Ang mithiin ng BEC ay matikman ang patikim na paghahari ng Diyos.

Tatlong pangunahing SULIRANIN sa pagsusulong ng BEC

1. Hindi gagap ng tagapagsulong (layko man o pari) ang katuturan ng BEC at ang papel nito sa pangkalahatang misyon ng Simbahan.

Katuturan ng BEC

Bagong paraan ng pagiging Simbahan Binhi sa pagpapanibago ng lipunan Wastong lugar para sa

ebanghelisasyon Patikim ng paghahari ng Diyos

Daluyan ng kolektibong kamalayan ng pagiging simbahan

Pagkakataon upang isulong ang pakikilahok ng mga mananampalataya sa gawain at paglilingkod ng Simbahan

Pagkakataon upang ipahayag ang kongkretong katangian ng pagiging tagasunod ni Kristo – ang pag-iibigan.

2. Hindi alam kung paano sisimulan ang gawaing pagbubuklod, kung paano pamamahalaan

at pauunlarin ang mga BEC.

Ang mga pamamaraan– Maraming naririnig na paraan ng

pagsusulong hal.: paraan sa rural, mga pamamaraan ng iba’t ibang institusyon (SPI, DC, Lumko, CO)

– Maraming BEC na nagsimula ng Block Rosary, Bible Sharing Group at hindi na nakaahon sa ganitong uri ng pagkilos.

– Nakatuon sa mga gawaing liturhiya ang mga pagkilos sa halip na isabuhay ang kabuuang katangian ng pagiging simbahan batay sa karanasan ng mga unang mananampalataya (nag-uugat sa katapatan sa turo ng mga apostol, pagtuturingan bilang magkakapatid, pagmamalasakitan, pagbibigayan at pagdiriwang ng buhay.

3. Di-sapat na kakayanan ng layko at maling pagtatalaga ng tagapagsulong

a. Kulang sa kaalaman, kasanayan at wastong pagpapahalaga ang mga laykong inaasahang tutulong sa pagsusulong

b. Takot na magsulong ng pagpapanibago dahil na rin sa takot na mawalan ng papel sa parokya

c. Hindi na-imomodelo ng mga tagapagsulong ang mukha ng BEC sa istilo at relasyong pangunahing mukha ng BEC.

Ang tatlong pangunahing dahilang ito ay mabigat na salik kung bakit hindi sumusulong, dumarami at tumitibay ang mga nabuong BEC. Ito ang dahilan kung bakit matamlay ang pagsusulong ng BEC sa pangkalahatan.

Maganda at malaking tulong sana ang BEC sa pagsasakongkreto ng Pananaw, layunin at mga hinahangad ng Simbahan kung makikita ang yaman at lakas na taglay ng mga organisadong BEC.

Ilang Halimbawa ng mga pagkilos ng BEC

1. Sama samang pagdiriwang ng liturhiya

• Bible sharing• Area Mass• Block rosary• Novena• Prusisyon• Panalangin sa patay • At iba pang sama samang pananalangin at

pagsamba

64

2. Pagtataas ng kamalayan at kakayahan.

• Pag-aaral ng mga katuruang panlipunan ng simbahan

• Katekesis ng pananampalatayang Kristiyano

• Patuloy na pagpapalalim ng kaalaman, kasanayan at mga pagpapahalaga sa BEC

65

3 Pagtutulungan sa pagpapaunlad ng kabuhayan

• Proyektong pangkabuhayan• Pagninilay at pakikilahok sa mga matitingkad

na isyung kultural, pulitikal at pangkabuhayan• Pagharap sa mga suliraning tulad ng

demolisyon• Pagtatayo ng kooperatiba at iba pang pagkilos

na tulad nito• Scholarship

66

4. Kapatiran, Pagmamalasakitan at pagtutulungan

• Pagdalaw sa mga maysakit at pagtutulungan sa gastusin

• Abuluyan• Sama-samang pagkilos sa mga gawaing

pangkapitbahayan. • Sosyalisasyon na makapagpapalalim ng kapatiran ng

mga kaanib. (birthday, anniversaries, atbp.• Pakikipagkaisa sa mga isinusulong ng iba’t ibang

sektor

Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod.

1.Gagap ang layunin, tunguhin, papel, tungkulin, katangian mga gawain at pagkilos ng BEC

2.Bukas sa bagong kaisipan at hindi kinamulatang pamamaraan

3.Kakayanang umabot sa anumang kalagayan ng mga taong nilalayong buklurin

4.Kakayanang magturo sa pamamagitan ng salita, gawa at halimbawa

68

5. May matinding pagpapahalaga sa panahon – oras

6. Magalang7. Mahusay magpakita ng pagsang-ayon at

pakikiisa sa kapwa8. Mahusay sa gawaing pagpapadaloy9. May panahong magsuma at magnilay ng

kanyang mga kilos10. Umaasa gabay ng diwang banal at marunong

manalangin

Mga Katangian at Paninindigang Dapat Taglay ng Tagapagbuklod

Paninindigan ng Tagapagbuklod Buhay na nakasentro sa Diyos at may

mataas na pagpapahalaga sa tao Naninindigan sa kanyang

pananampalataya at pinaniniwalaan Ganap na pagtitiwala sa kakayahan ng tao May mataas na pagpapahalaga sa pag-

aaral at paggampan ng gawain Tunay na disiplinadong tao Malakas ang fighting spirit

top related