florante at laura (aralin 1-3)

Post on 13-Apr-2017

2.491 Views

Category:

Education

32 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Si Selya

Sa mga unang saknong, itinatanong ni Balagtas kung nasaan na ang

kanyang Ceciliang dating minamahal. Ipinag-aalala niya rin kung baka nakalimot na si Selya sa kanilang

pag-iibigan. Ang pagkalimot na ito, ayon kay Balagtas, ay ang ikinalubog

ng kanyang kapalaran sa lubhang kalungkutan.

Pero iginigiit naman ni Balagtas na hindi niya nakalimutan ang

pagmamahalang iyon.Lumipas na ang mga araw na iyon, ang natira na lamang sa kanyang puso ay ang pag-ibig kay Selyang iniaako ni Balagtas na mananatili

habang siya ay buhay pa.

Dahil inaakala ni Balagtas na nakalimot na si Selya, siya ngayon ay

nangungulila sa pagmamahal, at nagdurusa. At para maibsan ito,

inaaliw niya ang kanyang sarili sa pag-alala ng kanilang nakaraan, at sa pag-alala pa lamang niya sa mukha ni Selya, siya na ay nagiginhawaan.

Kanyang inaalala ay ang larawan ni Celia kanyang iginuhit na ayon sa

kanya, ang kanyang tanging naiiwang pampag-alala kay Selya, at

nililigawan ito sa ilog.Inaalala niya ang kanilang

pinagpasiyalan noong sila ay magkasintahan pa.

Hinahanap niya si Celia, ang kanilang pagmamahalan, lahat ito ay wala na sa kanya. Lahat ito ay lubha niyang

ikinalulungkot.Sa bandang hulihan ng kabanata,

ipinag-aalala naman ni Balagtas na baka nalulungkot ngayon si Selya, at para maibsan ito, dapat man lamang

sana siyang alalahanin.

Sa Babasa Nito

Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang

bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag

ninamnam.

Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at

pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di

malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang

mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon.

Ipinakiusap din niya na huwag babaguhin ang mga salita

sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

Pambungad na Tagpuan

Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na

gubat na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng

higera at sipres.

Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay

gintong buhok.

Sayang walang mga nimpa sa gubat na

makapagliligtas sa binata.

top related