gross national product

Post on 29-May-2015

980 Views

Category:

Education

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Powerpoint of my report on Gross National Product, AP

TRANSCRIPT

Ang Pagkwenta ng Gross National Product

:3

Gross National Product

Ang GNP ay maituturing na panukat ng kalagayan ng isang ekonomiya. Ipinapakita nito ang mga sektor na lubusang nakapagambag sa kaunlaran ng isang bansa.

Tatlong Paraan:

A. Industrial Approach o Value Added Approach

B. Factor Income Approach

C. Final Expenditure Approach

Industrial Approach/ Value Added Approach

▪ Batayan nito ang presyong mga produkto at serbisyo na maiaambag ng bawat sektor

▪ Kapag pinagsama-sama ang lahat ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa loob ng isang bansa ay makukuha ang Gross Domestic Product

▪ Matapos malaman ang GDP, idadagdag ang Net Factor Income from Abroad (NFIA) upang makwenta ang GNP

•Upang makuha ang GDP at GNP, kailangang pagsama-samahin ang mga idinagdag na halaga ng tatlong sektor upang makuha ang kabuuang produksiyon.

Halimbawa: Shampoo

Agrikultura: 100 milyonIndustriyal: 218 milyonSerbisyo: 62 milyon

GDP: 380 milyonNFIA: 20 milyon

GNP: 400 milyon

Factor Income Approach

▪ Batayan nito ang kita ng bawat salik mula sa pag-proseso ng produkto at serbisyo

▪ Ang pagsama-sama ng lahat ng kita ng bawat salik ng produksiyon ay magbibigay ng Pambansang Kita o National Income (NI)

▪ Ang pambansang kita ay ang kabuuang kita ng mga manggagawa, empleyado, enterprenyur, korporasyon, at pamahalaan

1. Kita ng Enterprenyur at Ari-Arian (KEA)

▪ Ito ang kita ng isang enterprenyur bilang isang salik ng produksiyon

▪ Ang mga ari-arian at gamit ay tumatanggap din ng kita

▪ Dito nabibilang ang dibidendo na tinatanggap ng mga tao na naglagay ng puhunan sa pagnenegosyo

2. Kita ng Gobyerno (KG)

▪ Ang mga ibinabayad na buwis, mga interes sa pagpapautang, at mga kita ng stocks ng mga korporasyon at negosyo na pagmamay-ari ng gobyerno

3. Kita ng mga Empleyado at Manggagawa (KEM)

▪ Ang mga sahod at mga benepisyo na tinatanggap ng mga empleyado at manggagawa na nakasaad sa kanilang kontrata

4. Kita ng Korporasyon o Kumpanya (KK)

▪ Kita na tinanggap ng korporasyon o kumpanya mula sa nilikhang produkto o serbisyo, pati ang kinita sa pangangapital ng kumpanya

▪ Kapag pinagsama-sama ang mga kita ng iba’t ibang sektor ay makukuha ang National Income (NI)

NI= KEA + KG + KEM + KK

Halimbawa:

KEA: 26 milyonKG: 120 milyonKEM: 132 milyon

KK: 109 milyon

NI: 387 milyon

*upang makuha ang GNP, kailangang isama ang ibang babayaran sa paglikha ng produkto tulad ng:

a. Capital Consumption Allowance (CCA)

- Itinuturing itong pondo na inilalaan para sa depresasyon

- Kailangan ito upang may pambili ng mga bagong makina at pangkumpuni nh mga gusali na unti-untin nang nasisira at naluluma

b. Indirect Business Taxes (IBT) -ito ay di-tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo na nilikha

NI + CCA + IBT = GNP

NI: 387 milyonCCA: 8 milyon

IBT: 5 milyon

GNP: 400 milyon

Final Expenditure Approach

▪ Ang lahat ng sektor ay tumatanggap ng kita na kanilang ginagastos sa pagbili ng kanilang pangangailangan

▪ Hinahati ito batay sa gumagastos

1. Gastusin ng Personal na Sektor (GP)

▪ Ito ang mga gastusin ng mga empleyado at mga manggagawa at enterprenyur para sa kanilang mga pangangailangan

2. Gastusin ng Gobyerno (GG)

▪ Ang mga gastusin ng mga gobyerno sa pagpapasahod sa lahat ng mga empleyado at opisyal ng pamahalaan; gastusin para sa mga proyektong imprastraktura at pagbibigay serbisyo ng pamahalaan

3. Gastusin ng Kumpanya (GK)

▪ Ang gastusin ng kumpanya ay may kinalaman sa pagbili ng mga fixed capital bilang earning assets at pagbili ng mga stocks

▪ Kabilang din dito ang pagpapasahod ng mga empleyado at pagbabayad ng kuryente, tubig, at telepono

4. Gastusin sa Panlabas na Sektor o Net Export (X)

▪ Nakapaloob sa gastusing ito ang mga binabayaran kapag umaangkat ng produkto sa ibang bansa o import (M) at pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa o export (X)

▪ Ibinabawas ang gastos sa export mula sa import at isinasama sa pagkwenta ng GNP

5. Net Factor Income from Abroad (NFIA)

▪ Ito ang nagpapakita kung magkano ang kinita ng mga Pilipino na naghahanapbuhay sa ibang bansa at mga dayuhan na nagtatrabaho dito sa loob ng ating bansa

▪ Ibinabawas ang kita ng mga Pilipino sa kita ng mga dayuhan

6. Statistical Discrepancy (SD)

▪ Ito ang mga labis o kulang sa pagkukuwenta ng GNP sapagkat napakarami ng produkto at serbisyo na ginagawa ng isang bansa at di-malaman kung saan isasama o di-dapat isama

GNP = GP + GG + GK + (X-M) +NFIA + SD

Halimbawa:

GP: 144 milyonGG: 125 milyonGK: 112 milyonX: 2 milyonM: 4 milyonNFIA: 20 milyonSD: 1 milyon

GNP: 400 milyon

Limitasyon sa Pagsukat ng GNP

▪ Hindi naisasama ang mga produkto at serbisyo na walang halaga

▪ Hindi rin ginagamit ang iba’t ibang panukat ng mga produkto, kundi ang presyo ng produkto upang masukat ang pangkalahatang produksiyon ng bansa

▪ Ang presyo ng intermediate foods at undeerground economy ay hindi isinasama upang maiwasan ang paglobo nga GNP

top related