ilaw trapiko

Post on 09-Dec-2016

410 Views

Category:

Documents

4 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

PAGLALAKADHabang naglalakad, bigyang pansin ang mga

sumusunod:• Walang bangketa, lakaran o shoulder • Putol-putol na bangketa• Basag-basag na semento o bangketa • May mga bara ang bangketa• Napakakitid ng bangketa para sa paglalakad • Maraming tao sa bangketa• Napaka-traffic

PAGTATAWIDHabang tumatawid, tignan kung nandiyan ang

mga sumusunod na problema:• Walang traffic signals • Walang nakatakda o nakapinturang tawiran• Ang traffic light ay di nagbibigay ng sapat na oras para

tumawid• May mga sagabal kaya’t di nakikita ang traffic• Sagabal ang mga sasakyan sa tawiran• Kapag sa may eskwela, walang tanod o katulong tumawid

sa oras ng pagpasok at paglabas

Habang naglalakad, tumingin sa paligid. Nakikita mo ba ang mga sumusunod na problema?

• Madumi, maraming basura • Madilim, di sapat ang ilaw• Kahina-hinalang mga gawain sa paligid • Kailangan ng mas maraming damo, mga puno, mga bulaklak, atbp• Nakakaramdam na di ligtas ang kapaligiran habang naglalakad.

1. Kapag walang bangketa, saan ka ligtas maglakad?

2. Anong direksyon titingin bago tumawid?

3. Kapag walang takdang tawiran, saan tatawid?

4. Ano ang hugis ng STOP na karatula?5. Anong ang bagong background color

ng mga karatula para sa mga pedestrians ?

6. Ano ang takdang lugar na sumasaklaw sa kinatatayuan ng paaralan kung saan dapat bumagal ang mga sasakyan at nagbababa ng maraming bata?

• TRAPIKO - ang pagdaan o paggalaw ng mga tao o/ at sasakyan sa daan.

• KARATULANG PANTRAPIKO – ang mga tanda o sagisag na ginagamit sa daan, upang maging ligtas at maayos ang pagdaloy ng trapiko.

• PEDESTRIANS - mga taong tumatawid o naglalakad sa kalsada.

• PEDESTRIAN LANE - takdang tawiran ng mga taong nakamarka sa kalye upang maging maayos ang daloy ng trapiko.

• ILAW TRAPIKO - mga ilaw sa kalye na naghuhudyat ng galaw ng mga tao at sasakyan habang nasa daan.

• STOP - karatula o babala na naghuhudyat ng paghinto o pagtigil

• SPEED LIMIT – pinakamabilis na maaarng itakbo ng mga sasakyan sa daan.

• SCHOOL ZONE –takdang lugar na sumasaklaw sa kinatatayuan ng paaralan kung saan dapat bumagal ang mga sasakyan. Nagbababala na maraming bata dito.

• BANGKETA – takdang lakaran sa gilid ng kalye

• Gumamit ng bangketa.

Maglakad na pasalubong sa mga sasakyan kapag walang bangketa.

Gumamit ng mga traffic at pedestrian signs kapag tumatawid.

Pabuyang Pangkaligtasan

• Umiwas sa paglalakad o pagbibisikleta sa gabi.

• Hwag maglalaro sa mga driveway, kalye, parking lot o mga lugar na di nakabakod o masyadong malapit sa daan.

• Kilalanin ang senyal ng mga sasakyang gagalaw (mga ilaw sa likod, usok sa tambutso, tunog ng makina, pag-ikot ng gulong).

Pabuyang Pangkaligtasan

• Gumamit ng karagdagang pag-iingat kapag tumatawid sa mga daang malalapad at mabibilis ang takbo ng mga sasakyang dumadaan.

• Himukin ang mga batang maglakad ng kumpol-kumpol.

Pabuyang Pangkaligtasan

• Pulang Ilaw – pinahihinto ang mga sasakyan para patawirin ang kabilang dadaan, sasakyan man at tao. Ang mga taong tumatawid ay may “right of way”.

• Patay-sinding kulay pulang ilaw - katulad ito ng stop sign, ibig sabihin maaaring tumawid ang mga tao ng may pag-iingat. Nangangahulugan din itong delikado ang interseksyon.

Mga Ilaw Pantrapiko

• Dilaw - “Humanda ka na”, sapagkat malapit nang sumindi ang ilaw na pula. Ang dilaw na ilaw ay nagbibigay ng pagkakataong mahinto ng maayos ang isang direksiyon ng trapiko.

• Patay - sinding dilaw na ilaw- ibig sabihin ang mga sasakyan ay maaaring umabante ng may pag-iingat.

Mga Ilaw Pantrapiko

• Berdeng Ilaw - ito ay signal upang patakbuhin nang tuloy-tuloy ang mga sasakyan kung walang sagabal sa daan. Ang mga pedestrians ay kailangang huminto lamang sa kanilang pwesto.

• Berdeng Arrow - ay naghuhudyat na maaaring pumasok ang sasakyan sa interseksyon ng pakanan o pakaliwa (depende sa turo ng arrow). Dapat magbigay daan ang mga motorista sa mga naglalakad.

Mga Ilaw Pantrapiko

Ang OCTAGONay nakareserba para sa STOP sign lamang.

Hugis

EQUILATERAL TRIANGLEna nakaturong pababa ay nakareserba sa GIVE WAYo YIELD lamang.

Hugis

BILOG - kadalasang ginagamit upang ihudyat ang mga batas pantrapiko na dapat sundin.

Ang paglabag ng mga ito ay kinikilalang kasalanan na may kalakip na parusa sa batas.

Hugis

ITIM ginagamit na panletra sa mga

karatulang puti, dilaw, orange, flourescent orange, flourescent yellow-green ang likod

Kulay

DILAW ginagamit bilang pang-

background ng mga karatulang nagsasaad na may nagtatrabaho sa daanan.

Kulay

FLOURESCENT YELLOW GREEN ginagamit bilang background sa

mga karatulang angkop sa mga naglalakad o pedestrians, mga lugar ng mga paaralan

At sa mga karatulang nagsasaad na may nagtatrabaho sa daan upang magbigay ng karagdagang babala at paggabay sa mga nagmamaneho

KulayFLOURESCENT YELLOW GREEN ginagamit bilang background sa

mga karatulang angkop sa mga naglalakad o pedestrians, mga lugar ng mga paaralan

At sa mga karatulang nagsasaad na may nagtatrabaho sa daan upang magbigay ng karagdagang babala at paggabay sa mga nagmamaneho

Bilisan ang pagtawid Tuloy tuloy ang takboHinto

Kaliwa Kanan

Hinto

KaliwaKanan

Tumawid Huwag Tatawid

Kapag Madilim Kapag Umuulan Kapag Kumukurba o Zigzag Mga halimbawa ng

aksidente

Malabong Paningin Pumreno Tayo Sa Paningin ng Tsuper

• Ano ang 3 kulay sa ilaw trapiko at anu-ano ang ibig sabihin ng mga nito?

• Magbigay ng 6 na kasamang bansa sa SKW.

• Magbigay ng dalawang halimbawa ng signs sa daan .

• Magbigay ng paraan upang maiwasan ang aksidente sa daan.

Ikaw ba ay nakaranas ng aksidente sa daan a. Oo b. Hindi

Kung Oo, anong sasakyan: a. bisikleta b. motorsiklo c. tricycle d. jeepney e. kotse f. van g. truck h. iba pa. Ano ito _______

The Philippine College of Physicians wishes to acknowledge the following for their

invaluable efforts in the preparation of this module

Safe Kids Philippines

top related