incandescent lamp
Post on 09-Apr-2017
161 Views
Preview:
TRANSCRIPT
MR. REGGIE D. EUGENIOAraling Panlipunan Teacher
LA FILIPINA NATIONAL HIGH SCHOOLLa Filipina , Tagum City , Davao del Norte
Three Words in One Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/ hayop na
tinutukoy sa sumusunod?
Nile River Sahara Desert
Egypt
Hudson Bay Appalachian Mountains
Rocky Mountains
Andes Mountains Cape Horn
Argentina
AFRICA NORTH AMERICA
SOUTH AMERICA
K-2 Mountain Lhotse
Tibet
Kangaroo Tasmanian Devil
Micronesia
Iberian Peninsula Balkan Peninsula
Italy
ASIA AUSTRALIA
EUROPE
Paksa: Heograpiyang Pantao
Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
WIKA
Ang WIKA ay isang
ipinagkaloob ng Diyos sa atin at
ipinamana pa sa mga sinaunang tao sa mundo…
at ito ang ginagamit natin
upang magkaunawaan at magkaintindihan ang mga bawat tao sa mundo.
Ano ang kahulugan ng
wika?
1. Ito'y mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.
2. Nagagamit ito sa iba't-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, panrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan.
Iba pang kahulugan:
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas.
MGA KATANGIAN NG WIKA
1. Dinamiko - nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pandaigdig na pagbabago.
2. May sariling kakayahan - hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangian ng isang wika.
3. Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian, at paniniwala ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura. Ang pangkat ng mga taong may angking kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.
top related