klima ng asya

Post on 27-Nov-2014

63.141 Views

Category:

Documents

53 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang pagkakaiba ng uri ng pamumuhay ng mga Asyano ay hindi lamang bunga ng pagkakaiba ng topograpiya sa mga bahaging lupain at tubig ng Asya,kundi dahil na rin sa pagkakaiba ng klima sa mga bansang matatagpuan sa iba’t ibang kontinente ng rehiyon.

Klima vs. Panahon

Mga Salik na Sanhi ng

Pagkakaroon ng Iba’t ibang Klima

sa Asya

I. Kinaroroonang Latitud

Latitud- ang distansya mula sa hilga o timog ng ekwador na nasusukat sa digri.

Mataas na latitud- rehiyong nakalatag mula 60 digri latitud hanggang polong hilaga o polong timog.

Gitnang Latitud- rehiyong nakalatag sa pagitan ng 60 digri latitud at 23 latitud pahilga at patimog.

Mababang Latitud- ang rehiyong nakalatag sa pagitan ng ekwador (0 digri) at Tropic of Cancer (23 digri) sa hilaga at Tropic of Capricorn (23 digri) sa timog.

Mataas na latitud Klimang Polar Sa klimang ito, hindi tumataas ang temperatura kahit na sa pinakamainit na buwan. Palaging nababalot ng yelo ang mga lupain sa latitud na ito.

•Gitnang Latitud

Mahalumigmig o temperate Higit na malamig

ang klima sa mga lupain ng gitnang latitud kaysa rehiyong tropiko at mainit-init naman kaysa rehiyong polar. Bunga ito ng palihis na singa ng araw sa loob ng ilang buwana t tuluyang sinag naman dito sa ilang buwan pang natitira.

Mababang Latitud Tropical Zone o Torrid Zone

Napakainit ng temeperatura sa rehiyong ito. Ito ay bunga ng direktang sinag ng araw, lalo na sa katanghalian.

II. Distansya sa Karagatan at Hanay ng mga Bundok

Ang mga lupaing malayo sa karagatan at nagkukubli sa mga nagtataasang hanay ng mga bundok ay nakararanas ng higit na mainit na klima kaysa sa mga lupain na malapit sa karagatan .

III. Pagkalantad sa Halumigmig at Ekwador

Ang mga lugar na nakalantad sa halumigmig at ekwador ay nakararanas ng masaganang ulan at mataas na temperatura.

IV. Direksyon ng Umiiral na Hangin Hanging Habagat o basang monsoon Hanging nagdadala ng

malalakas na pag- ulan. Nagaganap sa panahon ng tag-init.(Mayo-Setyembre)

Hanging Amihan o tuyong monsoon Hanging walang dalang ulan

na nagmumula sa Gitnang Asya.(Enero-Agosto)

V. Altitude o taas ng lupain

Ang klima ng isang pook ay naayon din sa taas ng kinalulugaran nito. Higit na lamig ang nararanasan sa matataas na lugar. Mas mainit naman ang temperatura sa mas mababang lupain.

Mga Uri ng Klima sa Asya Tropical Rainforest

Karaniwang maulan ang nararanasan ng mga lupaing may ganitong klima. Likas sa klimang ito ang Doldrum Low Pressure System. Ang Doldrums ay tumutukoy sa sonang malapit sa ekwador. ( Singapore, Indonesia etc.)

Tropical Monsoon

Nagdadala ng hanging habagat na karaniwang nagdudulot ng malalakas na pag-ulan.( Jakarta, Indonesia at Bangaldeh)

Tropical Wet o Dry Savanna Tuyong panahon. Ang ganitong uri ng klima ay nakararanas lamang ng mababa pa sa 60 milimetrong ulan sa buong taon.( Sri Lanka)

Arid at Semi-Arid

Karaniwan ang mga ito sa madisyertong lupain. Mas mabilis ang evaporation kaysa precipitation sa mga lugar na nagtatamasa ng ganitong klima.(India at Pakistan)

Disyerto Ang mga lupaing nakararanas ng ganitong klima ay karaniwang tuyo. Ang mga pook na ito ay nakatatanggap lamang ng 10 pulgadang ulan sa loob ng isang panahon.(Saudi Arabia)

Steppe Higit na mababa ang evaporation na nararanasan sa ganitong uri ng klima kaysa diyerto, bunga ng higit na mataas na bahagdan ng ulan nagaganap sa mga lupaing ito.

Temperate• Karaniwang umaabot ang temperatura sa klimang ito ng 10 digri Celsius.Nararanasan sa pagitan ng Tropic of Cancer at Arctic Circle at sa pagitan ng Tropic of Capricorn at Antarctic Circle.

Mga uri ng Klimang Temperate Mediterranean Ang tag-init sa mga lupaing ito

ay lubhang mainit at tuyo maliban sa mga baybayin kung saan nararanasan ang higit na mahalumigmig na temperatura.

Subhumid Tropical Ang klimang ito ay

mahalumigmig dala ng hanging amihan.

Maritime temperate Ang tag-init sa klimang ito

ay mainit, samantalang ang tag-lamig nito ay katamtaman lamang.

Continental Karaniwan na ang

temperaturang 10 digri Celsius sa pinakamainit na buwan samantalang -3 Celsius naman sa pinamalamig na buwan.

Uri ng Klimang Continental

• Taiga Mahabang panahon ng matindi at

nagyeyelong taglamig.(0 digri Celsius)• Continental Severe Winter Higit na matindi ang lamig na

nararanasan dito kaysa taiga.• Polar Mas mababa sa 10 digri Celsius• Tundra -60 digri Celsius( pinakamalamig

na buwan)

top related