maayos na pagtatanong at pagsagot sa mga tanong

Post on 18-Aug-2015

392 Views

Category:

Education

4 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

MAAYOS NA PAGTATANONG AT PAGSAGOT SA MGA TANONG

Ni: Rosemarie U. Gabion

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Madalas marinig ang ganitong uri ng tanong sa wikang Filipino.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Mapapansin ang pagtaas o pagbaba ng intonasyon sa gawing dulo ng mga tanong na ito.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Maikli lamang ang inaasahang sagot at hindi na nangangailangan ng pangungusap na magpapaliwanag sa sagot.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Halimbawa:Nakuha mo ba ang aral na

hatid ng pabula?Oo, (nakuha ko)

Hindi (ko nakuha)

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi.

Halimbawa:Magagamit mo kaya ang aral

na ito sa iyong buhay?Oo, (magagamit ko)

Hindi (ko magagamit)

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

2. Mga tanong na masasagot ng mayroon, wala, oo, hindi, ayaw ko/ayoko, ewan/aywan, siguro/marahil, at iba pa na may tonong naiinis, naiinip, natutuwa, walang gana, at iba pa.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

2. Mababakas sa tono o intonasyon ng pagtatanong ang damdaming taglay ng nagtatanong.

Halimbawa: May kilala ka bang katulad ng

mapanlinlang na aso sa pabula?

Mayroon.Wala.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

2. Mababakas sa tono o intonasyon ng pagtatanong ang damdaming taglay ng nagtatanong.

Halimbawa: Matututo na kaya ang aso mula

sa karanasan niyang ito?Siguro.

Ewan ko

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

3. Mga tanong na binubuo ng pangungusap na sinusundan ng hindi/di ba upang matiyak ang katotohanan o kamalian ng sinasabi sa pangungusap.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

3. Masasagot din ng oo/opo, hindi/hindi po, o ewan/aywan ko po, siguro, sigurado, tiyak ‘yon, at iba pa ang ganitong mga tanong.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

3. Halimbawa:Natuto ka rin sa naging

karanasan ni Uwak, hindi ba? Opo.

Mag-iisip ka na muna bago maniwala sa mga bolero, hindi ba? Tiyak po ‘yun.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

4. Mga tanong na nagsisimula sa mga salitang pananong tulad ng ano/ano-ano, sino/sino-sino, kailan, saan, bakit, at paano.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

4. Bago sumagot sa tanong na ito, mabuting tumigil muna sumandali at suriing mabuti ang nilalaman ng tanong upang makatiyak na tumpak ang magiging kasagutan.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

4. Ang mga tanong na nagsisimula sa Bakit at Paano ay nangangaila-ngan ng mas malalimang pang-unawa upang makasagot nang maayos at tama.

ILANG PARAAN NG PAGTATANONG AT PAGSAGOT

SA MGA TANONG

4. Karaniwan ding nangangailangan ng paliwanag ang ganitong uring mga tanong kaya’t inaasahang mas mahaba ang kasagutan.

top related