marso 2009

Post on 10-Jan-2016

36 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Kataga ng Buhay. Marso 2009. “Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo.” (Jn 16,23). - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Marso 2009

Kataga ng BuhayKataga ng Buhay

“Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa

inyo.” (Jn 16,23)

Isang hindi maipaliwanag na bagay na nangyayari sa mundo ay, sa isang dako, maraming

naguguluhang tao ang patuloy na naghahanap, humihingi ng tulong at pakiramdam nila’y para silang mga ulila sa gitna ng hindi maiiwasang

mga pagsubok sa buhay. Sa kabilang dako naman, mayroon tayong Diyos, na Ama nating

lahat, at nais gamitin ang kanyang buong kapangyarihan upang ipagkaloob ang mga

hinihiling at pangangailangan ng kanyang mga anak.

Tulad ito ng kawalan na

naghahangad ng kaganapan at ng

kaganapan na naghahangad ng kawalan. Ngunit

hindi sila magtagpo.

Ang ganitong malungkot na pangyayari ay maaaring dulot ng kalayaan na ipinagkaloob sa

bawat tao. Ngunit sa kumikilala sa Diyos, patuloy Siya sa pagiging Pag-ibig. Pakinggan natin ang

sinabi ni Jesus:

“Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa

inyo.”

Isa ito sa mga salitang punô ng pangako, na malimit ulitin ni Jesus sa Ebanghelyo.

Itinuturo Niya sa atin sa iba’t ibang paraan kung paano makakamtan ang ating

kinakailangan.

Ang Diyos lamang ang tanging makakapagsalita ng ganito. Walang hanggan ang Kanyang

kapangyarihan at inihahandog Niya ang lahat ng biyaya, espiritwal, materyal, posible o

imposible.

Makinig kang mabuti: nagmumungkahi si Jesus kung paano ilalahad ang ating hinihiling sa Ama: sa aking pangalan.” Kung may pananampalataya

ka, kahit kaunti, ang tatlong salitang ito ang magpapatiwasay sa iyo.

Nanirahan si Jesus sa ating piling. Alam Niya ang napakarami nating

pangangailangan at nalulungkot Siya para sa atin. Kaya’t kung

tayo’y mananalangin, nais din Niyang maging bahagi nito. Para bang sinasabi Niya sa bawat

isa sa atin:

“Magpunta ka sa Ama sa aking ngalan

at hingin mo sa Kanya ito, ito at ito pa.” Alam Niya na

hindi makakatanggi sa Kanya ang Ama dahil si Kristo ay Kanyang Anak at Siya ay Diyos.

Huwag kang lalapit sa Ama sa ngalan mo, bagkus ay sa ngalan ni Kristo. Tagahatid ka lang ng Kanyang mensahe. Si Jesus ang makikipag-ayos ng mga bagay sa

Ama.

Ganito nagdadasal ang maraming Kristiyano at maaari nilang ibahagi sa iyo ang

napakaraming biyayang kanilang tinanggap. Patunay ito na patuloy silang binabantayan

ng pag-ibig ng Diyos Ama.

“Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa

inyo.”

Maaari kang tumugon, “Paulit-ulit na akong humihingi sa ngalan ni Kristo, ngunit walang

nangyayari.”

Posible ito. Nabanggit ko na may ilang

kataga sa Ebanghelyo kung saan nag-

aanyaya sa atin si Jesus na humingi ng ating kinakailangan. Mayroon doong ilang

paliwanag na maaaring hindi mo nabigyang-pansin.

Halimbawa, sinabi Niya na makakamtan natin ang ating hinihingi kung “mananatili” tayo sa

Kanya. Ibig sabihin nito ay manatili sa Kanyang kalooban.

Mangyayari na hihingi ka ng isang bagay na hindi tugma sa plano ng Diyos para sa iyo, isang bagay na para sa Kanya ay hindi makakabuti sa iyo dito sa lupa o sa langit man, maaaring makasama pa

ito sa iyo.

Paano ka mapapagbigyan ng Ama sa ganito mong kahilingan? Isa iyong

pagtataksil, at hindi Niya ito kailanman gagawin.

Makakabuting makipagkasundo ka muna sa Kanya bago ka

magdasal. Sabihin mo, “Ama, nais kong humingi sa iyo sa

ngalan ni Jesus, kung sa Iyong palagay ay wasto ito.”

Kung ang hinihingi mong biyaya ay katugma ng

mapagmahal na plano ng Diyos para sa iyo, makikita mo ang

katotohan ng mga salitang:

“Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa

inyo.”

Maaaring humihingi ka ng mga biyaya ngunit wala kang hangaring mamuhay ayon

sa hinihiling ng Diyos. Palagay mo ba’y mabuti para sa Diyos na ibigay ang iyong

hinihingi?

Hindi ka lang Niya nais bigyan ng isang handog, nais Niyang ibigay sa iyo ang ganap na

kaligayahan. Makakamtan mo lang ito kung isasabuhay mo ang mga utos ng Diyos at ang

kanyang mga salita. Hindi sapat na pag-isipan mo lang ito, o pagnilayan. Dapat mo itong isabuhay. Kung ganito ang gagawin mo, makakamtan mo

ang lahat.

Sa pagtatapos, nais mo ba talangang makamtan ang mga biyaya? Humingi ng anumang nais mo

sa ngalan ni Kristo na naglalayon, higit sa lahat, na tupdin ang Kanyang kalooban at sumunod sa

Kanyang mga utos.

Tunay na masaya ang Diyos na

bigyan tayo ng biyaya.

Nakakapanghinayang lamang dahil

bihira natin Siyang bigyan ng

pagkakataong gawin ito.

“Anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa

inyo.”

Sinulat ni Chiara Lubich

top related