mga batayang kaalaman sa pagbasa

Post on 22-Nov-2014

241 Views

Category:

Documents

8 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Aralin 1

Sa eskalang 1 – 10, 1 bilang pinakamababa at 10 bilang pinakamataas, paano mo tatayain ang hilig mo sa pagbabasa? Bakit?

Ano ngayon ang

pagbasa, para sa iyo?

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”

“Kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magreklamo. Kasi, may mga tao ring mahal ka pero hindi mo mahal. Kaya quits lang.”

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o katext nang wantusawa, e, may gusto sa iyo at magkakatuluyan kayo. Mayroon lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap uli ang taong tinalikuran mo.”

“Ang pag-ibig, parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident o talagang tanga ka.”

Kahulugan ng Pagbasa

Ayon sa International Reading Association, ang pagbasa ay ang pagkuha ng kahulugan mula sa nakatalang mga titik o simbolo na nangangailangan ng mga sumusunod:

Kahulugan ng Pagbasa

1. Paglinang at pagpapanatili ng kawilihan sa pagbasa;

2. Paggamit ng estratehiya upang makuha ang kahulugan ng teksto;

3. Sapat na kaalaman (prior knowledge) at bokabularyo na tutulong sa pag-unawa ng teksto;

Kahulugan ng Pagbasa

4. Kakayahan sa mataas na pagbabasa;

5. Istilong gagamitin upang maunawaan ang mga salitang di pamilyar;

6. Kakayahang umunawa ng nakatalang mga salita batay sa tunog o pagbigkas ng mga ito.

Mga Hakbang sa Pagbasa

Ayon kay William Gray

1. Persepsyon – ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo, maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa.

Mga Hakbang sa Pagbasa

Ayon kay William Gray

2. Komprehensyon – ito ang pagpoproseso sa isip ng diwa o kahulugan ng tekstong nababasa na nagbubunga ng pag-unawa.

Mga Hakbang sa Pagbasa

Ayon kay William Gray

3. Reaksyon – Dito’y hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong nabasa.

Mga Hakbang sa Pagbasa

Ayon kay William Gray

4. Asimilasyon – Dito’y isinasama at iniuugnay ang kaisipang nabasa sa dati nang kaalaman o karanasan.

Mga Teorya sa Pagbasa

Teoryang Bottom-Up

Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto (teksto – mambabasa).

Mga Teorya sa Pagbasa

Teoryang Top-Down

Ang kahulugan ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dati nang kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa mga karanasan at pananaw sa paligid.

Mga Teorya sa Pagbasa

Teoryang Interaktib

Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at ng sariling mga konsepto o kaisipan (bi-directional).

Mga Teorya sa Pagbasa

Teoryang Iskima

Bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na lamang niya ang teksto upang patunayan kung ang kanyang hinuha ay tama, kulang o dapat baguhin.

Mga Teorya sa Pagbasa

Teoryang Metakognisyon

Ito ang pagkakaroon ng kaalaman upang maunawaan, makontrol at magamit nang wasto ang mga kaalamang ito (Tei at Stewart, 1985).

Mga Teorya sa Pagbasa

Teoryang Metakognisyon

1. Bakit magbabasa?

2. Anong uri ng teksto ang babasahin – naglalarawan, nagpapaliwanag o nangangatwiran?

3. Bakit isinulat ng manunulat ang kanyang teksto?

4. Ano ang susunod na mangyayari sa binabasa?

Mga Uri ng Pagbasa

Skimming

Mabilis na pagdaan ng mga mata sa teksto upang makuha ang punong ideya nito o ang mga importanteng impormasyon. Hal., pagbasa ng balita, madaliang pagrerebyu ng mga aralin, atbp.

Mga Uri ng Pagbasa

Scanning

Mabilisang pagtingin sa teksto upang hanapin ang isang tiyak na impormasyon o detalye. Hal., pagkuha ng pangalan at telepono sa direktoryo, paghanap ng isang tiyak na aklat mula sa hilera ng mga babasahin, atbp.

Mga Uri ng Pagbasa

Ekstensibong Pagbabasa

Pagbabasang iba’t ibang teksto upang makabuo ng mas komprehensibong kaalaman. Hal., pananaliksik-papel, ulat, mapanuring sanaysay

Mga Uri ng Pagbasa

Intensibong Pagbabasa

Ito ang malaliman at masusing pagbabasa ng teksto upang lubos na maunawaan ang mga impormasyong taglay nito.

Pagsubok Blg. 1

Sumulat ng isang di pormal

na sanaysay tungkol sa iyong paboritong pagkain. Maaaring ito’y maging mamahaling putahe sa isang fine dining restaurant o simpleng tiglilimampisong one-day old sa Dapitan.

Pagsubok Blg. 1

Ang sanaysay ay may haba lang dapat na isang pahina at tatlong bahagi (panimula, katawan, wakas). May kalakip din ito dapat na isang larawan. Maaaring talakayin ang mga sangkap ng pagkain, saan ito mabibili, lasa, dulot sa kalusugan, karanasang ipinadadama sa iyo, atbp.

Pagsubok Blg. 1

I-upload ang mga gawa sa blogspot site na nilikha para sa inyong seksyon na matatagpuan sa URL na:

Ang username ay:

Ang password ay:

Pagsubok Blg. 1

Ipatalastas ito sa mga kakilala upang mabasa nila. May 10 komento dapat kada entry.

Iwawasto ang mga entry sa Nobyembre 21, 2010, Linggo.

top related