mga · pdf filedangal ng ugali na nawala bilang bunga ng kasalanan. ito’y dahil sa...
Post on 01-Feb-2018
304 Views
Preview:
TRANSCRIPT
1
2
Mga Nilalaman
5 Pagtaas sa Tagapagligtas 10 Ang Pinakamahalagang Mensahe 15 Paglalatag ng Ating Sariling Kaluwalhatian sa Alabok 20 Pag-ibig: Ang Diwa ng Katuwiran 26 Ang Ating Pangangaila- ngan ng Kautusan ng Diyos 31 Ang Katuwiran ni Kristo ay Nahayag sa Kanyang Kautusan 36 Ang Ugali Bilang Isang Mabangong Samyo 41 Pagtanggap Kay Kristo 46 Panghahawak sa Katuwiran ni Kristo 52 Pagtamo ng Perlas ng Katuwiran 57 Ang Ating Halaga Kay Kristo 62 Nabubuhay Para Kay Kristo 67 Lumalakad na Kasama Ni Jesus Daglat Pangalan ng Aklat PK Prophets and Kings TM Testimonies to Ministers 1 SM Selected Messages Bk. 1 5 SDA BC SDA Bible Commentary vol. 5 RH Review and Herald MB Thoughts from the Mount of Blessings
FW Faith and Works YI The Youth Instructor MH The Ministry of Healing 5T Testimonies for the Church vol. 5 DA The Desire of Ages SC Steps to Christ COL Christ’s Object Lessons TIMKH That I May Know Him OHC Our High Calling 2 MCP Mind Character and Personality vol. 2 CS Christian Service Ed. Education ST The Signs of the times SSW Sabbath School Worker 20 MS Manuscript Releases vol. 20 SD Sons and Daughters of God 1 ST Sermons and Talks vol. 1 AA The Acts of the Apostles RC Reflecting Christ PP Patriarchs and Prophets GAG God’s Amazing Grace OFC Our Father’s Care MYP Messages to Young People HP In Heavenly Places TBE The Bible Echo 2 SOP The Spirit of Prophecy vol. 2 CC Conflict and Courage Mar. Maranatha COS Counsels on Stewardship LLM Loma Linda Messages TSJ The Story of Jesus TVSS The Voice in Speech and Song TDWG This Day With God 2 NL Notebook Leaflets vol. 2 ANL A New Life UL The Upward Look
3
Paunang Salita
Tayo ay nabubuhay sa panahon ng wakas. Ang mga pangyayari ay
susubok sa atin ng malalim. Ang ating relasyon sa Diyos ay susubukin.
Tayo ay may gabay at tagubilin upang mabuhay na may pag-iingat:
“Sa panahon ng wakas ang bayan ng Diyos ay magbubuntong-hininga at
tatangis para sa mga kasuklam-suklam na ginagawa sa lupa. May pagluhang
babalaan nila ang masasama sa panganib ng kanilang pagyurak sa banal na
kautusan, at sa di-mabigkas na kalungkutan kanilang pagpapakumbabain
ang kanilang sarili sa harapan ng Panginoon sa pagsisisi. Kukutyain ng
masasama ang kanilang kalungkutan at hahamakin ang kanilang taimtim na
mga pagsamo. Ngunit ang pighati at pagpapakumbaba ng bayan ng Diyos ay
isang di-nagkakamaling patunay na sila ay muling nagtatamo ng lakas at
dangal ng ugali na nawala bilang bunga ng kasalanan. Ito’y dahil sa
pagiging malapit nila kay Kristo, dahil ang kanilang mga mata ay nakapako
sa Kanyang sakdal na kadalisayan, na kanilang nakikilala ng malinaw ang
napakasamang kasalanan. Kaamuan at kababaang-loob ang mga kondisyon
ng tagumpay. Ang putong ng kaluwalhatian ay naghihintay para sa mga
yumukod sa paanan ng krus.”—PK, p. 590. Ang matutong mabuhay sa presensiya ni Jesus ang siyang hamon sa bayan ng
Diyos sa panahong ito. Napakaraming bagay ang nagpapanatiling abala at magulo
ang isipan, habang ang mga bagay na walang hanggan ang mga bunga ay itinatabi at
di-pinapansin. Ang Sangay ng Paaralang Pansabado ay umaasa na ang puso ng
bawat isa ay panahanan ng presensiya ni Jesukristo at ng Banal na Espiritu upang
tayo’y maging mapagpahalaga sa walang hanggang mga katotohanan. May malalim
kaming mithiin na ang bayan ng Diyos ay tumugon sa panawagan ng Panginoon:
“Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso” (Kaw. 23:26).
“Ang Panginoon sa Kanyang dakilang habag ay nagpadala ng pinakamahalagang
mensahe sa Kanyang bayan…. Layunin ng mensaheng ito na higit na ipakilala sa
sanglibutan ang itinaas na Tagapagligtas, ang hadog para sa mga kasalanan ng
buong daigdig. Ito’y naghahayag ng pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananam-
palataya at ng Katiyakan; inaanyayahan nito ang mga tao na tanggapin ang katu-
wiran ni Kristo, na nahayag sa pagsunod sa lahat ng kautusan ng Diyos. Marami
ang hindi nakakakita kay Jesus. Kailangan nilang ititig ang kanilang mga
mata sa Kanyang banal na persona, sa Kanyang mga merito, at sa Kanyang di-
nagbabagong pag-ibig sa pamilya ng tao. Lahat ng kapangyarihan ay ibinigay sa
kanyang mga kamay, upang Kanyang maibigay ang masaganang mga kaloob sa
mga tao, na ibinabahagi ang kaloob na di-masukat ang halaga ng Kanyang sariling
katuwiran sa walang kakayahang tao. Ito ang mensaheng iniutos ng Diyos na dapat
ibigay sa sanglibutan.”—TM, p. 91. (Gumamit ng pagdidiin).
“Ang mensahe ng ikatlong anghel ay nananawagan ng pangangaral ng Sabbath
ng ikaapat na utos, at ang katotohanang ito ay dapat madala sa harap ng sanglibutan;
ngunit ang dakilang sentro ng pansin na si Jesukristo, ay hindi dapat ihiwalay
sa mensahe ng ikatlong anghel.”—1 SM, p. 383. (Gumamit ng pagdidiin).
The General Conference Sabbath School Department
4
5
Leksiyon 1 Sabbath, Oktubre 5, 2013
Pagtaas sa Tagapagligtas
“Tingnan ninyo ang tao!” (Juan 19:5). “Ang pinakadakilang sentro ng paningin, si Jesukristo, ay hindi dapat
ihiwalay sa mensahe ng ikatlong anghel. Ang mga kasangkot sa gawain sa
panahong ito ay ginawang pangalawa lamang si Kristo, at ginawang
pangunahin ang mga teoriya at mga argumento.”—1 SM, p. 383.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 9-15.
Linggo Setyembre 29
1. SI JESUS ANG ATING KATIYAKAN
a. Anong gawain sa bahagi ng Diyos ang magkasabay na ipinapakita
ang Kanyang pag-ibig sa ating sanglibutan at ang halaga ng pagsa-
langsang? Juan 3:16, 17; 2 Cor. 5:21.
“Ang plano ng katubusan ay napakalayo ang taas sa pang-unawa ng
isipan ng tao. Ang dakilang pagpapakababa sa bahagi ng Diyos ay isang
hiwaga na hindi natin matatarok. Ang kadakilaan ng plano ay hindi lubos na
mauunawaan, at hindi na makakagawa ng plano ang walang hanggang
Karunungan ng higit pa rito…. Sa pamamagitan ng planong ito ang dakila,
ang katakut-takot na Diyos ay maaaring maging matuwid, ngunit siyang
nangangatwiran para sa lahat na naniniwala kay Jesus, at tumatanggap sa
Kanya bilang kanilang personal na Tagapagligtas.”—5 SDA BC (E.G.
White Comments), p. 1133.
b. Anong gawain ni Jesus ang naghayag ng Kanyang hindi mapag-
aalinlanganang di-masukat na pag-ibig para sa bawat isa sa atin?
Juan 15:13; Roma 5:6-8; Efe. 2:13, 14.
“O, kahangahangang pagpapakababa! ang Kataasan ng langit, dahil sa
pag-ibig at awa sa nagkasalang tao, ay nagmungkahi na maging kahalili niya
at katiyakan. Papasanin Niya ang kasalanan ng tao. Aakuin Niya ang galit
ng Kanyang Ama, na kung hindi ay ibabagsak sa tao dahil sa kanyang
pagsalangsang.”—RH, Peb. 24, 1874.
6
Lunes Setyembre 30
2. ANG ATING PAGTITIG
a. Anong mga katawagan sa kasulatan ang naglalarawan ng kagan-
dahan ng ugali ni Jesus, at ano ang bisa sa atin ng pagtitig sa kagan-
dahang ito? Awit ni Solomon 2:1; 5:16; Hag. 2:7.
“Sa di-mabigkas na pag-ibig ang Diyos ay umibig sa atin, at ang ating
pag-ibig sa Kanya ay nagising habang tayo’y nagbubulaybulay ng haba at
lawak at lalim at taas ng pag-ibig na ito na di-kayang unawain. Sa pama-
magitan ng pagpapahayag ng nakakaakit na kagandahan ni Kristo, sa pama-
magitan ng kaalaman sa Kanyang pag-ibig na ipinakita sa atin nang tayo ay
mga makasalanan pa, ang matigas na puso’y nalusaw at nasupil.”-MB, p. 76.
b. Bakit mahalaga para sa atin na ititig ang ating mga mata kay Jesus?
Ihambing ang Bilang 21:8 sa Juan 3:14. Heb. 7:25.
“Ang ating pananampalataya ay dapat matalinong pananampalataya, na
nakatitig kay Jesus sa sakdal na pagtitiwala, sa lubos at buong pananam-
palataya sa tumutubos na Handog. Ito ay mahalaga upang ang kaluluwa ay
hindi mabalot ng kadiliman.”—1 SM, p. 256.
“Ang pamamagitan ni Kristo para sa ating kapakanan ay ang pagpapa-
hayag ng Kanyang banal na mga merito sa paghahandog ng Kanyang sarili
sa Ama bilang ating kahalili at katiyakan; sapagkat Siya ay umakyat upang
tubusin tayo sa ating mga pagsalangsang….
“Ginagawang katanggap-tanggap sa Diyos ng katuwiran ni Kristo ang
isang nagsisising makasalanan at gumagawa ng pag-aaring ganap sa kanya.
Gaano man kasama ang kanyang nakaraang buhay, kung siya’y mananam-
palataya kay Jesus bilang kanyang personal na Tagapagligtas, siya’y naka-
tayo sa harapan ng Diyos sa walang mantsang damit ng katuwiran ni Kristo.
“Ang makasalanan na kailan lamang ay patay sa mga kamalian at kasala-
nan ay nabuhay ng pananampalataya kay Kristo. Nakita niya sa pamamagi-
tan ng pananampalataya na si Jesus ang kanyang Tagapagligtas, at buhay
magpakailan man, handang magligtas ‘sa sukdulan ng lahat na lumalapit sa
Diyos sa pamamagitan Niya’ (Heb. 7:25). Sa katubusang ginawa para sa
kanya nakikita ng mananampalataya ang gayong lawak at haba at taas at
lalim ng bisa—nakikita ang gayong kasakdalan ng kaligtasan, na binili sa
gayong di-masukat na halaga, na ang kanyang kaluluwa ay puspos ng papuri
at pasasalamat. Nakikita niya tulad sa salamin ang kaluwalhatian ng Pangi-
noon at nababago sa katulad na wangis tulad ng Espiritu ng Panginoon.
Nakikita niya ang damit ng katuwiran ni Kristo, na hinabi sa habian ng
langit, na ginawa sa pamamagitan ng Kanyang pagtalima, at ibinibilang sa
nagsisising kaluluwa sa pananampalataya sa Kanyang pangalan.”—FW, pp. 105-107.
7
Martes Oktubre 1
3. ANG LIWANAG NG ATING BUHAY
a. Ano ang kahulugan sa atin ng magkaroon ng isang paningin sa
kaluwalhatian ng Diyos? Luc. 11:34; Juan 8:12.
“Ano ang kahulugan ng magkaroon ng isang paningin? Ito ay ang
magkaroon ng pagpapasya na tumitig kay Kristo sapagkat sa pamamagitan
ng pagtitig tayo ay nababago mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian,
mula sa ugali tungo sa ugali.”—YI, Sety. 14, 1893.
b. Anong binanggit na kaalaman ang ginagamit ng Diyos upang
magdala ng liwanag sa ating buhay? Juan 1:4, 9; 2 Cor. 4:6.
k. Paanong ang pagtitig sa liwanag ng kaluwalhatian ng Diyos, ayon sa
nakikita sa buhay ni Jesus, makakatulong sa ating paglago sa Kanya
at sa ating pagtatalaga sa Kanya? 2 Cor. 3:18.
“Kung tayo ay titingala kahit isang saglit sa araw sa kalagitnaan ng
liwanag nito, kung aalisin natin ang ating paningin, ang larawan ng araw ay
makikita natin sa bawat bagay na ating tingnan. Gayon din kapag tayo ay
tumitig kay Jesus; bawat bagay na ating tingnan ay nagpapakita ng Kanyang
larawan, ang Araw ng Katuwiran. Wala tayong ibang makikita, o magsalita
man ng ibang bagay. Ang Kanyang larawan ay nakaukit sa mata ng
kaluluwa, at naaapektuhan ang bawat bahagi ng ating araw-araw na buhay,
na pinalalambot at sinusupil ang ating buong likas. Sa pamamagitan ng
pagtitig, tayo ay nababago tungo sa banal na larawan, katulad ng kay Kristo.
Sa lahat ng ating nakakasalamuha naipapakita natin ang liwanag at
masayang mga sinag ng Kanyang katuwiran….
“Si Jesukristo ang lahat-lahat sa atin—ang una, ang huli, at ang pangu-
nahin sa bawat bagay. Si Jesukristo, ang Kanyang Espiritu, ang Kanyang
ugali, ang nagbibigay-kulay sa bawat bagay; ito ang hibla na paayon at ang
hibla na pahalang, ang pinakahabi ng ating buong pagkatao. Ang mga salita
ni Kristo ay espiritu at buhay. Hindi natin maaaring ilagay sa sarili ang ating
isipan; hindi na tayo ang nabubuhay sa atin, kundi si Kristo ang nabubuhay
sa atin, at Siya ang pag-asa ng kaluwalhatian. Patay na ang sarili, ngunit si
Kristo ang nabubuhay na Tagapagligtas. Sa patuloy na pagtitig kay Jesus,
naipapakita natin ang Kanyang wangis sa lahat ng nakapalibot sa atin. Hindi
tayo maaaring huminto upang pansinin ang ating mga kabiguan, o kahit pag-
usapan ang mga ito; sapagkat ang higit na kaaya-ayang larawan ang umaakit
ng ating paningin—ang mahalagang pag-ibig ni Jesus. Nananahan Siya sa
atin sa pamamagitan ng salita ng katotohanan.”—TM, pp. 388-390.
8
Miyerkules Oktubre 2
4. ANG KAGANDAHANG-LOOB NI JESUS
a. Paano pinakitunguhan ni Jesus ang ibat-ibang mga tao na Kanyang
nakatagpo dito sa lupa? Gawa 10:38; Mat. 14:14; 15:32.
“Walang ibang mangangaral ng ebanghelyo na tulad ni Kristo. Siya ang
Kataasan ng langit, ngunit nagpakumbaba Siya sa sarili upang kunin ang
ating likas, upang maabot Niya ang mga tao sa kinaroroonan nila. Sa lahat
ng mga tao, mayaman at mahirap, malaya at bihag, si Kristo, ang Mensahero
ng tipan, ay nagdala ng pabalita ng kaligtasan. Ang Kanyang kabantugan
bilang Dakilang Manggagamot ay kumalat sa buong Palestina. Ang mga
maysakit ay pumupunta sa mga lugar na Kanyang pagdadaanan, upang
sila’y humingi ng tulong sa Kanya. Dito rin ay maraming balisa ang
pumupunta upang makinig ng Kanyang mga salita at upang tumanggap ng
hipo ng Kanyang kamay. Gayon Siya nagpalipat-lipat sa mga siyudad, sa
mga bayan, na ipinangangaral ang ebanghelyo at nagpapagaling ng mga
maysakit—ang Hari ng kaluwalhatian sa hamak na damit ng sangkatauhan.”
—MH, p. 22.
b. Paghambingin ang pakikitungo ni Jesus kay Judas at kay Pedro?
Mat. 16:23; Juan 13:27; 17:12.
k. Ano ang ating katibayan na Siya ay nagbigay ng pantay na mga
pagkakataon sa mga alagad na ito—tulad ng Kanyang ginagawa sa
bawat isa sa atin? Juan 13:1, 5.
“Iniugnay ni Jesus si Juan, Pedro, at si Judas sa Kanyang gawain, at
ginawa silang kamanggagawa Niya; ngunit kasabay noon sila ay dapat
patuloy na matuto ng mga aral ni Kristo. Dapat silang mag-ipon mula sa
Kanyang mga banal na turo ng mga tagubilin na magtutuwid ng kanilang
mga maling kaisipan at ng kanilang mga maling pananaw kung ano nga ba
ang bumubuo sa ugaling Kristyano. Si Juan at si Pedro ay hindi mga sakdal
na tao, ngunit pinalago nila ang bawat pagkakataon sa pagkatuto. Si Pedro
ay hindi natutong hindi magtiwala sa sarili, na maging mapanibughuin sa
sarili, hanggat siya’y nadaig ng mga tukso ng demonyo at itinakwil ang
kanyang Panginoon. Si Judas ay may katulad ding pagkakataon kung saan
natuto ng mga aral na itinuro ni Kristo ang mga alagad na ito, ngunit hindi
niya pinahalagahan ang halaga ng mga ito. Siya ay tagapakinig lamang at
hindi tagapaggawa. Ang bunga ay nakita nang kanyang ipinagkanulo ang
Kanyang Panginoon.”—5 T, p. 557.
9
Huwebes Oktubre 3
5. ANG ATING LAYUNIN: IPAKITA ANG PAG-IBIG NI JESUS
a. Sino ang dapat nating ipakita sa sanglibutan bilang mga Kristyano,
at paano? Col. 1:26, 27; 1 Ped. 2:22, 23.
“Sa pamamagitan ng salita si Kristo ay nananahan sa Kanyang mga
tagasunod. Ito ay magkaparehong pagkakaisa na sinasagisagan ng pagkain
ng Kanyang laman at pag-inom ng Kanyang dugo. Ang mga salita ni Kristo
ay espiritu at buhay. Kapag tinanggap ang mga ito, tinatanggap ninyo ang
buhay ng Puno. Kayo ay mabubuhay ‘sa bawat salita na lumalabas mula sa
bibig ng Diyos’ (Mat. 4:4). Ang buhay ni Kristo sa inyo ay magbubunga na
katulad ng Kanyang mga bunga. Kung kayo’y nabubuhay kay Kristo, na
sumusunod kay Kristo, tinutustusan ni Kristo, kumukuha ng mga kalakasan
mula kay Kristo, kayo’y magbubunga ng katulad kay Kristo.”—DA, p. 677.
b. Paanong ang ating Kristyanong paglago nahahayag sa paraan ng
ating pakikitungo sa ating mga kapuwa? 1 Ped. 3:8, 9; 1 Juan 4:7, 8;
Heb. 13:1-3.
“Kapag ang paningin ay naipako sa krus ni Kristo, ang buong pagkatao
ay malilinis. Ang kaalaman sa pag-ibig ng Tagapagligtas ay sumusupil sa
kaluluwa, at itinataas ang isipan sa ibabaw ng mga bagay na pansamantala at
pandama. Dapat tayong matuto ng pagtaya ng temporal na mga bagay sa
liwanag na sumisikat mula sa krus….
“Sa lahat ng tunay na mga alagad ang pag-ibig na ito, tulad ng banal na
apoy, ay nag-aalab sa dambana ng puso. Dito sa lupa nahayag ang pag-ibig
ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Dito sa lupa dapat paliwanagin ng
Kanyang mga anak ang pag-ibig na ito sa pamamagitan ng walang kapin-
tasang mga buhay. Sa gayon ang mga makasalanan ay madadala sa krus,
upang titigan ang Kordero ng Diyos.”—RH, Mayo 6, 1902.
Biyernes Oktubre 4
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Anong pagdidiin ang dapat ibigay sa ebanghelyo ngayon?
2. Ano ang ilan sa makahulugang mga halimbawa ng pag-ibig ni Kristo
sa mga lalaki at mga babae?
3. Bakit mahalaga sa akin ang mensahe ng pag-ibig at buhay ni Jesus?
4. Ano ang kahulugan ng maging isang Kristyano?
5. Paano ko lubusang maipapakita si Kristo sa mga nakapalibot sa
akin?
10
Leksiyon 2 Sabbath, Oktubre 12, 2013
Ang Pinakamahalagang Mensahe
“Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sangli-
butan” (Juan 1:29).
“Habang inaalis ninyo ang pagkamakasarili sa puso dapat ninyong tang-
gapin ang katuwiran ni Kristo. Na panghawakan ito sa pamamagitan ng
pananampalataya; sapagkat dapat kayong magkaroon ng isipan at espiritu ni
Kristo, upang kayo ay gumawa ng mga gawain ni Kristo.”—RH, Peb. 23,
1892. Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 71-75.
Linggo Oktubre 6
1. ANG EBANGHELYO AY INUULIT SA ATING PANAHON
a. Anong natatanging katotohanan ang ibinigay mahigit 100 mga taon
na ang lumipas upang ihanda ang bayan ng Diyos sa kabanalan?
Saan ito nagsimula? Juan 17:17; 2 Tes. 5:23.
“Ang Panginoon sa Kanyang dakilang habag ay nagpadala ng pinakama-
halagang mensahe sa Kanyang bayan…. Layunin ng mensaheng ito na higit
na ipakilala sa sanglibutan ang itinaas na Tagapagligtas, ang hadog para sa
mga kasalanan ng buong daigdig. Ito’y naghahayag ng pag-aaring ganap sa
pamamagitan ng pananampalataya at ng Katiyakan; inaanyayahan nito ang
mga tao na tanggapin ang katuwiran ni Kristo, na nahayag sa pagsunod sa
lahat ng kautusan ng Diyos. Marami ang hindi nakakakita kay Jesus.
Kailangan nilang ititig ang kanilang mga mata sa Kanyang banal na persona,
sa Kanyang mga merito, at sa Kanyang di-nagbabagong pag-ibig sa pamilya
ng tao.”—TM, pp. 91, 92.
“Ang kasalukuyang mensahe—pag-aaring ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya—ay isang mensahe mula sa Diyos; ito’y nagdadala ng
banal na mga pagpapakilala, sapagkat ang mga bunga nito ay tungo sa
kabanalan.”—1 SM, p. 359.
b. Anong katotohanan ang mahalaga sa ating panahon—at ano ang
hinihingi upang tayo ay magkaroon ng pag-asa? Juan 1:29; Roma
5:10; 8:34.
11
Lunes Oktubre 7
2. ANG PANGANGAILANGAN NG PAG-AARING GANAP
a. Anong katotohanan ang dapat isapuso ng bawat isa sa atin—at sa
anong tamang pananaw, lalo na sa huling mga araw na ito? Mat.
1:21.
“Ang mensahe ng ikatlong anghel ay nananawagan ng pangangaral ng
Sabbath ng ikaapat na utos, at ang katotohanang ito ay dapat dalhin sa
sanglibutan; ngunit ang dakilang sentro ng pansin, si Jesukristo, ay hindi
dapat ihiwalay sa mensahe ng ikatlong anghel.”—1 SM, p. 383.
“Ang mga mensahe na nagdadala ng banal na mga pagpapakilala ay
ipinadala sa bayan ng Diyos; ang kaluwalhatian, ang kataasan, ang katu-
wiran ni Kristo, na puspos ng kabutihan at katotohanan, ay ipinangaral; ang
kalubusan ng Kadiyusan kay Jesukristo ay ipinadala sa atin na may
kagandahan at kahalihalina, upang akitin ang lahat na ang puso ay hindi
nasarhan ng maling akala.”—RH, Mayo 27, 1890.
“Ang pinakamatamis na mga himig na nagmula sa Diyos sa pamamagitan
ng labi ng tao—ang pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya,
at ang katuwiran ni Kristo—ay hindi nananawagan mula (sa maraming hindi
nagsisising mga miyembro ng iglesia) ng tugon ng pag-ibig at pasasalamat.
Bagaman ang makalangit na Mangangalakal ay nagpapakita sa kanila ng
mamahaling mga hiyas ng pananampalataya at pag-ibig, bagaman
inaanyayahan sila na bumili sa Kanya ‘ng gintong dinalisay sa apoy,’ at
‘puting damit’ upang sila’y madamtan, at ‘pampahid sa mata’ upang sila’y
makakita, pinatigas nila ang kanilang mga puso laban sa Kanya at nabigong
ipagpalit ang kanilang pagkamalahininga sa pag-ibig at kasigasigan. Habang
nagtatanyag, kanilang itinatanggi ang kapangyarihan ng kabanalan. Kung
sila’y magpapatuloy sa kalagayang ito, itatakwil sila ng Diyos. Hindi nila
iniaangkop ang kanilang mga sarili upang maging kaanib ng Kanyang
pamilya.”—6 T, pp. 426, 427.
b. Ano ang ibig sabihin ng papasukin si Jesus sa ating puso bilang isang
makalangit na Panauhin? Apoc 3:20. Anong nangyari nang ang
mensahe ng katuwiran ni Kristo ay iniharap sa mga pinuno ng
iglesia noong 1888?
“Ang ilang lubhang nangangailangan ng mahalagang katotohanan na
ipinangaral sa kanila, kami ay natakot na sila’y hindi tumanggap ng
kabutihan nito. Hindi nila binuksan ang pintuan ng kanilang puso upang
papasukin si Jesus bilang isang makalangit na Panauhin, at sila ay dumanas
ng malaking kalugihan. Nariyan nga ang makipot na daan na dapat nating
lakaran; ang krus ay ipinangangaral sa bawat hakbang.”—RH, Sety. 3, 1889.
12
Martes Oktubre 8
3. ANG ATING INDIBIDWAL NA PANGANGAILANGAN NG
EBANGHELYO
a. Anong patunay ang naghahayag na hindi ako papayagan ng Diyos na
iasa sa iba ang aking kaligtasan? Eze. 14:20.
“Ang ugali ay hindi maaaring ilipat. Walang sinoman ang maaaring
maniwala para sa iba. Walang sinoman ang maaaring tumanggap ng Espiritu
para sa iba. Walang sinoman ang maaaring magbahagi ng ugali na siyang
bunga ng paggawa ng Espiritu.”—COL, p. 412.
“Isaalang-alang ng bawat isa na umiibig sa Diyos na ngayon habang may
araw pa ay panahon na upang gumawa…. Ngayon na ang panahon para sa
mga di-nagpapahalaga upang gumising mula sa pagkakatulog. Ngayon na
ang panahon upang himukin ang mga kaluluwa na hindi lamang makinig ng
salita ng Diyos, kundi huwag ng magpaliban na tiyakin ang langis sa
kanilang mga sisidlan kasama ng kanilang ilawan. Ang langis na iyon ay
ang katuwiran ni Kristo. Ito’y kumakatawan sa ugali, at ang ugali ay hindi
maaaring ilipat. Walang sinoman ang maaaring bumuo nito para sa iba.
Bawat isa ay kailangang magtamo para sa kanyang sarili ng ugali na
dinalisay mula sa bawat mantsa ng kasalanan.”—TM, pp. 233, 234.
“Imposible para sa isang Kristyano ang magbahagi ng ugali sa ibang
kaluluwa.”—TIMKH, p. 215.
b. Paano natin malalaman na nais ni Jesus na tayo ay maglingkod sa
Diyos sa ating kanya-kanyang sarili? Maaari ba tayong uminom ng
“tubig ng buhay” para sa iba? Mat. 22:37; Juan 7:37.
“Walang sinoman ang makakapaglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng
kahalili. Marami ang tila nag-iisip na mayroong tao sa sanglibutan na mas
malakas kay Kristo, kung saan sila ay maaaring sumandal. At sa halip na
lumapit kay Kristo, sa kanilang kalagayan, na ibigay ng buo ang sarili sa
Kanya, sila ay humihingi ng tulong sa tao. Nais ng Diyos na magkaroon
tayo ng sariling karanasan…. Hindi ako maaaring bumuo ng ugali para sa
iyo, at hindi ka maaaring bumuo ng ugali para sa akin.”—OHC, p. 90.
“Ang ebanghelyo ay para sa bawat isa. Bawat tao ay may kaluluwa na
dapat iligtas o mapahamak. Bawat isa ay may kanya-kanyang kaibahan at
pagkakilanlan mula sa iba. Bawat isa ay dapat mabagbag para sa sarili, mahikayat para sa sarili. Dapat niyang tanggapin ang katotohanan, magsisi, manam-
palataya, at sumunod para sa kanyang sarili. Dapat niyang gamitin ang kanyang
kalooban para sa kanyang sarili. Walang sinomang maaaring gumawa ng gawaing
ito sa pamamagitan ng kahalili. Walang sinoman ang maaaring ihalo ang kanyang
sariling pagkatao sa iba. Bawat isa ay dapat magpasakop sa Diyos sa pamamagitan
ng kanyang sariling paggawa at sa hiwaga ng kabanalan.”—2 MCP, p. 423.
13
Miyerkules Oktubre 9
4. ANG PAGSARA NG PINTUAN KAY JESUS AY KATULAD NG
PAGPAPAKAMATAY!
a. Sa anong panlilinlang ang ating bayan ay binalaan noong 1893 nang
ang nakararami ay naniwala na sila ay handa na para sa langit?
Paano nauulit ang pagkalinlang na ito sa sarili ngayon—at maaaring
tayo ay naapektuhan? Isa. 58:2-8; Apoc. 3:15.
“Isang taimtim na salaysay ang aking ibinigay sa iglesia, na walang isa sa
dalawampu na ang pangalan ay nakatala sa aklat ng iglesia ang handa upang
wakasan ang kanilang kasaysayan sa lupa, at tiyak na walang Diyos at
walang pag-asa sa sanglibutan tulad ng karaniwang makasalanan. Sila ay
nagtatanyag na naglilingkod sa Diyos, ngunit higit silang masikap sa
paglilingkod sa kayamanan. Ang kala-kalahating gawaing ito ay patuloy na
pagtakwil kay Kristo, kaysa sa pagtanyag kay Kristo. Marami ang nagdala
sa iglesia ng kanilang sariling espiritu na hindi nasupil, hindi nalinis; ang
kanilang espirituwal na panlasa ay pinasama ng kanilang sariling mahalay,
nagpapababang mga kasiraan, na sumasagisag sa sanlibutan sa espiritu, sa
puso, sa layunin, na pinatutunayan ang kanilang sarili sa maruming mga
gawa, at puspos ng pandaraya sa bawat bahagi ng kanilang pagtatanyag sa
buhay Kristyano. Nabubuhay na tulad sa makasalanan, nagtatanyag na
Kristyano!”—CS, p. 41.
b. Ano ang mangyayari sa sinoman na sisirain ang langit sa pamama-
gitan ng kanyang ugali kung siya ay pahihintulutang pumasok doon?
Mat. 22:12-14.
“Sa buhay na ito marami ang hindi pumasok sa pakikisama kay Kristo;
kung kaya hindi nila alam ang wika ng langit, sila ay dayuhan sa kaligaya-
han nito….
“Pinakamalungkot sa lahat ng salita na dumating sa pandinig ng tao ay
ang mga salita ng hatol, ‘Hindi kita nakikilala.’ Ang pakikisama sa Espiritu
na hindi mo pinahalagahan, ang tanging paraan upang maging kaisa ka ng
masasayang karamihan sa kasalan. Sa panooring iyon hindi ka makakasama.
Ang liwanag nito ay tatama sa bulag na mga mata, ang himig nito sa mga
binging pandinig. Ang pag-ibig at kagalakan nito’y hindi gigising sa kuwer-
das ng kaligayahan sa pusong manhid sa sanglibutan. Ika’y sinaraduhan sa
langit sa pamamagitan ng di-pagsasanay ng iyong sarili sa pakikisama dito.
“Hindi tayo magiging handa sa pagsalubong sa Panginoon sa pamama-
gitan ng paggising kapag narinig na ang sigaw, ‘Narito, ang Asawang
lalaki!’ at hahanapin ang ating ilawang walang laman upang ito’y punuan.
Hindi maaaring manatiling hiwalay si Kristo sa ating buhay ngayon dito, at
maging angkop sa pakikisama sa Kanya sa langit.”—COL, pp. 413, 414.
14
Huwebes Oktubre 10
5. ANG PANGHULING MENSAHE NG DIYOS SA SANGLIBUTAN
a. Paano maliliwanagan ang buong sanglibutan ng kaalaman sa kalig-
tasan? Apoc. 18:1; 2 Ped. 3:12.
“Kapag ang ugali ni Kristo ay ganap na makopya sa Kanyang bayan,
Siya ay darating upang kunin sila na Kanyang pag-aari.”—COL, p. 69.
b. Bumanggit ng ilang mabubuting gawa na iniutos ni Jesus na ating
gamitin upang paliwanagin ang kanyang ilawan sa ating sangli-
butan. Mat. 5:16; 25:34-40.
“Dapat tayong magbigay ng pagkain sa mga nagugutom, damit sa mga
hubad, at tirahan sa mga walang tahanan. At tayo ay tinatawagan upang
gumawa ng higit pa rito. Ang kakulangan ng kaluluwa ay tanging pag-ibig
lamang ni Kristo ang makakasapat. Kung si Kristo ay nananahan sa atin, ang
ating puso ay mapupuspos ng banal na pagmamalasakit. Ang saradong mga
bukal ng masikap, pag-ibig na tulad ni Kristo ay mabubuksan.
“Ang Diyos ay nananawagan hindi lamang sa ating mga kaloob sa mga
nangangailangan, kundi sa ating masasayang mukha, mga salita ng pag-asa,
mga may kabaitang pakikipagkamay…. Marami ang nawalan na ng pag-asa.
Ibalik ang sikat ng araw sa kanila. Marami ang nawalan na ng sigla.
Bigkasin ang pampasiglang mga salita sa kanila. Idalangin sila. Marami ang
nangangailangan ng tinapay ng buhay. Basahin sa kanila ang salita ng
Diyos. Marami ang may karamdaman sa kaluluwa na walang gamot sa lupa
o manggagamot ang makapagpagaling. Idalangin ang mga kaluluwang ito,
dalhin sila kay Jesus. Sabihin sa kanila na may gamot sa Galaad.”—Ibid.,
pp. 417, 418.
Biyernes Oktubre 11
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Anong mahalagang mensahe, na ibinigay sa bayan ng Diyos 100 mga
taon na ang lumipas, ang nag-anyaya kay Jesus sa ating puso bilang
makalangit na Panauhin?
2. Bakit ang mensahing ito ay napakahalaga sa sanglibutan ngayon?
3. Mararating ba natin ang Langit dahil lamang sa ating mga magulang
o mga kaibigan na umiibig kay Jesus?
4. Paano ako mapapasapanganib na mawala ang Langit dahil sa
pagkadaya sa sarili?
5. Makakapasok ba ako sa Langit kung ang aking ugali ay hindi ankop
doon?
15
Leksiyon 3 Sabbath, Oktubre 19, 2013
Paglatag ng Ating Sariling mga
Kaluwalhatian sa Alabok
“Tayong lahat ay tulad sa maruming bagay, at ang lahat nating
katuwiran ay tulad sa maruming basahan; at lahat tayo ay lumilipas
tulad ng dahon; at ang ating mga kasamaan, tulad ng hangin, na
nagtangay sa atin papalayo” (Isa. 64:6).
“Ano ang pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya? Ito ay
ang gawain ng Diyos ng paglatag ng kaluwalhatian ng tao sa alabok, at
ginagawa para sa tao ang bagay na wala siyang kapangyarihan upang gawin
ito sa kanyang sarili.”—TM, p. 456.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 17-22.
Linggo Oktubre 13
1. NAUUNAWAAN KUNG GAANO NGA BA KASAMA ANG
KASALANAN!
a. Paano inilarawan ng Kasulatan ang kaabahan ng nagkasalang likas
ng tao? Gal. 5:17; Roma 7:18-21.
“Kung paanong sa pamamagitan ni Kristo bawat tao ay nagkaroon ng
buhay, gayon din sa pamamagitan Niya ang bawat kaluluwa ay nakaka-
tanggap ng sinag ng banal na liwanag. Hindi lamang katalinuhan kundi
espirituwal na kapangyarihan, ang pagkaunawa sa tama, isang pagnanasa
para sa kabutihan, ang lumilitaw sa puso. Ngunit laban sa mga prinsipyong
ito ay may bumabakang mapanlaban na kapangyarihan. Ang bunga ng
pagkain ng punong kahoy ng pagkakilala sa mabuti at masama ay nakikita
sa bawat karanasan ng tao. Naroon sa kanyang likas ang pagkahilig sa
masama, isang kapangyarihan na kung, hindi siya tutulungan, hindi niya
malalabanan. Upang labanan ang kapangyarihang ito, upang matamo ang
hangarin na sa kalaliman ng kanyang kaluluwa ay tinatanggap niya na
tanging karapatdapat, masusumpungan niya ang nag-iisang kapangyarihan.
Ang kapangyarihang ito ay si Kristo. Ang pakikipagtulungan sa kapang-
yarihang ito ang pinakamalaking pangangailangan ng tao.”—Ed., p. 29.
b. Ano ang halaga ng katuwiran ng sinoman sa atin—at ano ang hindi
natin kayang gawin sa ating sarili? Isa. 64:6; Roma 3:12.
16
Lunes Oktubre 14
2. ANG ATING “PINAKAMABUTI” AY WALANG KABULUHAN
KUNG HIWALAY KAY KRISTO
a. Paano tayo tinitingnan ng Diyos kahit na tayo ay nasa ating “pinaka-
mabuti” na kalagayan? Awit 39:5, 11; Isa. 40:17.
“Kung hindi dahil sa tumutubos na handog ni Kristo, ay walang anomang
bagay sa atin na kaluluguran ng Diyos. Lahat ng likas na kabutihan ng tao
ay walang kabuluhan sa paningin ng Diyos. Wala Siyang kaluguran sa sino-
man na nananatili sa kanyang dating likas at hindi nabago sa kaalaman at
biyaya na siya ay naging bagong tao kay Kristo. Ang ating edukasyon, ang
ating mga talento, ang ating mga ari-arian, ay mga kaloob na ipinagkatiwala
ng Diyos sa atin, upang tayo ay subukin. Kung gagamitin natin sila sa paglu-
walhati sa sarili, sinasabi ng Diyos, ‘Hindi ako nalulugod sa kanila; sapagkat
walang kabuluhan ang kamatayan ni Kristo sa kanila.’”—RH, Agos. 24, 1897.
b. Mayroon ba tayong anomang merito na maihaharap natin sa Diyos
bilang bayad sa kasalanan? Isa. 1:11; Mikas 6:7. Ano ang maita-
tawag maging sa ating “pinakamabuti” na mga gawa? 1 Cro. 29:14.
“Ang tanong ay ito, ‘Malulugod ba ang Diyos sa libulibong mga lalaking
tupa, o sa tagsasampung libo na ilog ng mga langis? Ibibigay ko ba ang
aking panganay para sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan
para sa kasalanan ng aking kaluluwa?’ (Mikas 6:7). Wala; walang sinoman
ang makakatayo sa harapan ng Diyos sa kanyang sariling merito. Ang mga
maliligtas ay maliligtas dahil binayaran ni Jesus ang buong pagkakautang; at
ang tao ay walang magagawa, tunay na wala, upang maging merito ng
kaligtasan. Sinasabi ni Kristo, ‘Kung wala ako, wala kayong magagawa’ (Juan 15:5). Kung kaya kanino ang merito?—ito’y lahat sa ating Manunubos. Lahat
ng kakayahan ng tao ay nagmumula lamang kay Kristo, at maaari nating sabihin sa
pinakamabuti nating nagawa, ‘Lahat ng mga bagay ay nagmula sa iyo, at ibinabalik
namin sainyo ang inyong pag-aari’ (1 Cro. 29:14).”—ST, Noby. 10, 1890.
k. Anong ugali ang dapat nating linangin sa pag-unawa sa mga pangu-
ngusap sa itaas? Mikas 6:8.
“ ‘Ang tao sa pinakamabuti niyang kalagayan ay lubos na walang kabuluhan,’ Si
Kristo ay pumarito na walang panlabas na karangyaan. Nasumpungan Niya ang
Kanyang sarili sa anyo ng tao, nagpakumbaba Siya, na ipinakita na ang nagkasalang
tao ay dapat palaging lumakad na may kapakumbabaan sa harapan ng Diyos.
Kayamanan, karangalan sa sanglibutan, kadakilaan ng tao, ay hindi kailan man
makakapagligtas ng kaluluwa mula sa kamatayan. ‘Sa taong ito ako ay titingin,’
sabi ng Panginoon, ‘sa kanya na dukha at bagbag ang puso, at nangangatal sa aking
salita’ (Isa. 66:2).”—YI, Dis. 20, 1900.
17
Martes Oktubre 15
3. MATUTONG DI-MAGTIWALA SA ATING SARILI
a. Anong karanasan ang kailangang daanan ni Elias bago dininig ng
Diyos ang kanyang dalangin para sa ulan, at bakit? Sant. 5:16-18; 1
Hari 18:43.
“Ang alipin ay nagmasid habang si Elias ay nananalangin. Anim na beses
siyang bumalik mula sa pagbantay, na nagsasabi, Wala pa rin, walang ulap,
walang palatandaan ng ulan. Ngunit ang propeta ay hindi sumuko sa
panlulupaypay. Sinaliksik niya ang kanyang buhay, upang makita kung saan
siya nabigong parangalan ang Diyos, ipinahayag niya ang kanyang mga
kasalanan, at nagpatuloy sa pagpipighati ng kanyang kaluluwa sa harapan ng
Diyos, habang nagbabantay sa palatandaan ng tugon sa kanyang dasal.
Habang sinisiyasat niya ang kanyang puso, nakita niya na pababa ng pababa,
kapuwa sa kanyang sariling pagtaya at sa paningin ng Diyos. Nakita niya na
siya’y walang-wala, at nasa Diyos ang bawat bagay; at nang kanyang
narating ang kapakumbabaan sa sarili, nang siya’y kumapit sa Tagapagligtas
bilang tangi niyang kalakasan at katuwiran, ang tugon ay dumating.”—RH, Mayo 26, 1891.
“Mayroon tayong Diyos na ang mga pandinig ay hindi sarado sa ating
mga pagsamo; at kung patutunayan natin ang Kanyang salita, igagalang
Niya ang ating pananampalataya. Nais Niya na ang ating mga interes ay
maging kaisa ng Kanyang mga interes, at pagpapalain Niya tayo ng ligtas;
sapagkat hindi na tayo magluluwalhati sa ating sarili kapag natanggap na
natin ang pagpapala kundi ibibigay ang lahat ng papuri sa Diyos.”—Ibid., Mar. 27, 1913.
b. Ano ang nagyayari habang tayo ay lalong lumalapit kay Jesus at
umaasa sa Kanya? Dan. 10:8; Luc. 5:8; Apoc. 1:12-17.
“Habang lalo kang lumalapit kay Jesus, lalo mong makikita ang iyong
karumihan sa iyong sariling mga mata; sapagkat ang iyong paningin ay
magiging mas malinaw, at ang iyong mga karumihan ay makikita sa mala-
wak at malinaw na kaibahan sa Kanyang sakdal na likas. Ito ang patunay na
ang mga panlilinlang ni Satanas ay nawalan ng kapangyarihan; na ang
nagbibigay-buhay na impluwensiya ng Espiritu ng Diyos ay gumigising sa
iyo.”—SC, pp. 64, 65.
k. Anong nangyayari kapag labis ang ating pagkilala sa ating sarili?
Gal. 6:3.
“Ang isang salita na nagtataas ng sarili ay dahilan upang ang liwanag ng
mukha ng Diyos ay alisin.”—RH, Agos. 24, 1897.
18
Miyerkules Oktubre 16
4. ISANG SANHI NG PINAKAMATAAS NA PAGPAPASALAMAT
a. Sa kabila ng ating abang kalagayan, anong pag-asa ang ipinaabot sa
atin? Roma 7:24-8:2.
“Bagaman nakita ng Manunubos ng sanglibutan ang kaabahan at kara-
litaan ng sanglibutan dahil sa kasalanan, hindi Niya ipinakita sa harapan ng
nahulog na lahi ang malinaw na larawan ng kanilang kaabahan, bagkus
kanyang itinuro sa kanila ang ilang bagay na di-masukat ang kabutihan
kaysa sa kanilang unang narinig. Alam Niya na ang kanilang kaabahan ay
bunga ng kasalanan, at ang Kanyang puso ay nahabag sa nagkasalang tao.
Ang mga guro ay hindi nagpakababa upang mangaral sa karaniwang mga
tao, o ipangaral sa mga Gentil ang anomang pag-asa ng kaligtasan. Ngunit si
Kristo ay pumarito upang ipangaral ang plano ng kaligtasan sa lahat ng uri
ng mga tao; sapagkat ang lahat ay nangangailangan ng Kanyang mga salita.
Sa mga nagkakatipon sa harapan Niya nakita Niya ang posibilidad na sila ay
makipagtulungan sa walang hanggang kapangyarihan, dahil sa pag-ibig ng
Diyos tulad ng magulang sa lahat Niyang mga anak.”—SSW, Agos. 1, 1895.
b. Anong nangyayari kapag ating kinikilala na ang ating makasalanang
mga pagsisikap ay walang merito upang magligtas sa atin? Zac. 3:3,
4; 2 Cor. 12:9.
“Kapag nakita ng mga tao ang kanilang sariling kawalan, sila ay handa
ng madamtan ng katuwiran ni Kristo. Kapag sila ay nagsimulang magpuri at
itaas ang Diyos sa buong araw, kung gayon sa pamamagitan ng pagtitig sila
ay mababago sa katulad na wangis.”--20 MS, p. 117.
“Walang anomang bagay ang malinaw na higit na walang magagawa,
ngunit higit na di-magagapi, kaysa sa kaluluwang nakakadama ng kawalan
at umaasa ng lubusan sa mga merito ng Tagapagligtas. Ipapadala ng Diyos
ang bawat anghel sa langit upang tulungan ang gayong tao, kaysa sa hayaan
siyang madaig,”—SD, p. 35.
“Habang nababawasan ang ating pagtingin sa ating sarili, higit nating
makikita ang pagpapahalaga sa di-masukat na kadalisayan at kagandahan ng
ating Tagapagligtas. Ang tanawin ng ating pagiging makasalanan ay
maghahatid sa atin tungo sa Kanya na maaaring magpatawad; at kapag ang
kaluluwa, sa pagkaunawa sa kanyang kawalan ng kakayahan, ay humingi ng
tulong kay Kristo, ipapakita Niya ang Kanyang sarili sa kapangyarihan.
habang higit tayong dinadala sa Kanya at sa salita ng Diyos ng ating
pagkadama ng pangangailangan, higit nating makikita ang mataas na
tanawin ng Kanyang ugali, at higit nating maipapakita ng lubos ang
Kanyang wangis.”—SC, p. 65.
19
Huwebes Oktubre 17
5. SI KRISTO AY PUMARITO SA ISANG GAWAIN NG
PAGLIGTAS
a. Anong pangunahing punto ang dapat maunawaan nating lahat
tungkol sa kaligtasan? Luc. 19:10; Juan 15:5; Awit 44:6; 31:1.
“Imposible para sa atin na iligtas ang ating sarili….
“Sabik si Kristo na makita ang Kanyang bayan na lumalaban sa kaaway
ng mga kaluluwa; ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbaling ng paningin
mula sa sarili tungo kay Jesus magagawa natin ito.”—RH, Sety. 15, 1896.
“Sa sandaling panghawakan mo ang mga pangako ng Diyos sa pamama-
gitan ng pananampalataya, na sinasabi, Ako ang nawaglit na tupa na hinaha-
nap ni Jesus, isang bagong buhay ang sasakop sa iyo, at ikaw ay tatanggap
ng lakas upang labanan ang manunukso. Ngunit ang pananampalataya na
humahawak sa mga pangako ay hindi dumarating sa pamamagitan ng
damdamin. ‘Ang pananampalataya ay dumarating sa pamamagitan ng
pakikinig at pakikinig ng salita ng Diyos’ (Roma 10:17).”—Ibid.
“Ang makasalanang tao ay makakasumpong lamang ng pag-asa at
katuwiran sa Diyos; at walang sinomang tao ang higit na matuwid kaysa sa
magkaroon siya ng pananampalataya sa Diyos at panatilihin ang mahala-
gang pakikiugnay sa Kanya.”—TM, p. 367.
b. Anong saligang prinsipyo ang ipinahayag ng Diyos sa lahat? Isa.
43:11; 45:21.
“O, anong pag-ibig! Kahanga-hangang pag-ibig! na nagdala sa Anak ng
Diyos sa lupa upang maging kasalanan para sa atin, upang tayo ay
ipagkasundo sa Diyos, at itaas sa buhay na kasama Niya sa Kanyang mga
mansiyon sa kaluwalhatian. At! ano ang tao, na sa gayong halaga ay
binayaran para sa kanyang katubusan?”—ST, Agos. 28, 1879.
Biyernes Oktubre 18
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Ano ang tiyak na bagay na hindi natin magagawa para sa sarili?
2. Bakit ang ating “pinakamabuti” kung hiwalay kay Kristo ay hindi
sapat?
3. Sino ang dapat matutunan natin na di-pagtiwalaan bago tayo
lubusang magtiwala kay Jesus?
4. Ano ang dapat nating makita bago ang pagpapalago ng malalim na
pag-ibig kay Kristo?
5. Gaano ka kahalaga sa Diyos?
20
Leksiyon 4 Sabbath, Oktubre 26, 2013
Pag-ibig: Ang Diwa ng katuwiran
“Ang Diyos ay Pag-ibig” ( 1 Juan 4:16).
“Ang katuwiran ay pag-ibig, at ang pag-ibig ay ang liwanag at buhay ng
Diyos. Ang katuwiran ng Diyos ay inilarawan kay Kristo. Natatanggap natin
ang katuwiran sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanya.”—MB, p. 18.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 23-36.
Linggo Oktubre 20
1. ANG DAKILANG KAUTUSAN
a. Sa buhay Kristyano, anong pangunahing kahulugan mayroon ang
pag-ibig kaugnay ng kautusan ng Diyos? Mat. 22:36-40.
“Ang pagtalima ay hindi lamang panlabas na pagsunod, kundi pagliling-
kod ng pag-ibig. Ang kautusan ng Diyos ay pagpapahayag ng Kanyang
pinakalikas; ito ay paglalarawan ng dakilang prinsipyo ng pag-ibig, kung
kaya ito ang saligan ng Kanyang pamahalaan sa langit at sa lupa. Kung ang
ating puso ay nabago at naging katulad ng Diyos, kung ang banal na pag-
ibig ay naikintal sa kaluluwa, hindi ba maisasakabuhayan ang kautusan ng
Diyos?”—SC, p. 60.
b. Paano binuod ni apostol Juan ang ugali ng Diyos—at paano
nauugnay ang Kanyang ugali sa katuwiran? 1 Juan 4:16; Awit 11:7.
“Ang katuwiran ay kabanalan, pagiging kawangis ng Diyos, at ‘ang
Diyos ay pag-ibig’(1 Juan 4:16). Ito ay ang pakikiayon sa kautusan ng
Diyos, sapagkat ‘lahat ng Iyong kautusan ay katuwiran,’ at ‘ang pag-ibig ay
ang pagtupad ng kautusan’ (Awit 119:172; Roma 13:10). Ang katuwiran ay
pag-ibig, at ang pag-ibig ang siyang liwanag at buhay ng Diyos. Ang
katuwiran ng Diyos ay inilarawan kay Kristo. Natatanggap natin ang
katuwiran sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanya.”—MB, p. 18.
21
Lunes Oktubre 21
2. PANLABAS NA PAGTUPAD O TAOS-PUSONG PAGTALIMA
a. Anong uri ng paglilingkod ang nais ng Panginoon? Deut. 6:5; Josue
24:15.
“Ang pamimilit ay salungat sa prinsipyo ng pamahalaan ng Diyos; Nais
Niya ay ang paglilingkod lamang ng pag-ibig; at ang pag-ibig ay hindi
maaaring iutos; hindi ito madadala sa pamimilit o kapangyarihan. Sa
pamamagitan lamang ng pag-ibig na ang pag-ibig ay nagigising. Ang
pagkakilala sa Diyos ay ang ibigin Siya; ang Kanyang ugali ay dapat
mahayag na salungat sa ugali ni Satanas. Ang gawaing ito ay Iisa lamang sa
sangsinukob ang makakagawa. Siya lamang na nakakaalam ng taas at lalim
ng pag-ibig ng Diyos ang maaaring magpahayag nito. Sa madilim na gabi ng
sanglibutan ang Araw ng Katuwiran ay dapat sumikat, ‘na may kagamutan
sa Kanyang mga pakpak’ (Mal. 4:2).”—DA, p. 22.
“Hindi ang takot sa parusa, o pag-asa sa walang hanggang gantimpala,
ang nagdala sa mga alagad ni Kristo upang sumunod sa Kanya. Nakita nila
ang di-mapantayang pag-ibig ng Tagapagligtas, na nahayag sa Kanyang
paglalakbay sa lupa, mula sa sabsaban sa Bethlehen hanggang sa krus ng
Kalbaryo, at ang Kanyang paningin ay umaakit, ito’y nagpapalambot at
sumusupil sa kaluluwa. Ang pag-ibig ay nagigising sa puso ng mga
tumitingin. Narinig nila ang Kanyang tinig, at sila’y sumunod sa Kanya.”—
Ibid., p. 480.
b. Kabaliktaran ng isang taos-puso, at masayang pagtalima, anong uri
ng pagsunod ang ipinapakita sa Diyos ng ilang mga nagtatanyag na
Kristyano? Deut. 28:45-47; 1 Juan 5:3.
“Si Kristo ay namatay sa krus upang akitin ang lahat sa Kanya, at nais
Niya na maging masaya tayo sa kagalakan na tanging Siya lamang ang
makakapagbigay, ang kagalakan sa pagtalima.”—1 ST, p. 217.
“Ang taong nagtatangkang sumunod sa kautusan ng Diyos sa diwa ng
tungkulin lamang—dahil siya ay inutusang sumunod—ay hindi kailan man
magiging masaya sa pagsunod. Hindi siya sumunod. Kapag ang mga hinihi-
ngi ng Diyos ay ibinilang na pasanin sapagkat ito’y salungat sa hilig ng tao,
malalaman natin na ang buhay ay hindi buhay Kristyano. Ang tunay na
pagtalima ay ang pagsasakatuparan ng prinsipyo sa puso. Ito’y nagmumula
sa pag-ibig ng katuwiran, sa pag-ibig sa kautusan ng Diyos. Ang diwa ng
lahat ng katuwiran ay ang katapatan sa ating Manunubos. Ito’y magdadala
sa atin sa paggawa ng tama dahil ito ang tama—dahil ang paggawa ng tama
ay nakalulugod sa Diyos.”—COL, pp. 97, 98.
22
Martes Oktubre 22
3. PAGKILALA SA TUNAY NA PAG-IBIG
a. Ano ang makikita sa buhay ng mga tunay na umiibig sa Diyos? 1
Juan 3:10; 4:20, 21.
“Ang pag-ibig ang saligan ng kabanalan. Ano man ang pag-angkin,
walang sinoman ang may dalisay na pag-ibig sa Diyos maliban na siya ay
may di-makasariling pag-ibig sa kapatid. Ngunit hindi tayo kailan man
magtatamo ng ganitong espiritu sa pamamagitan ng pagsisikap na ibigin ang
kapatid. Ang kailangan ay ang pag-ibig ni Kristo sa puso. Kapag ang sarili
ay isinama kay Kristo, ang pag-ibig ay kusang magbubukal. Ang kaganapan
ng ugaling Kristyano ay matatamo kapag ang bugso ng pagtulong at
pagpapala sa iba ay patuloy na nagbubukal mula sa puso—kapag ang sikat
ng araw ng langit ay pumuno sa puso at nahayag sa mukha.”—COL, p. 384.
b. Ilarawan ang ilan sa mga katangian na nahayag sa pamamagitan ng
tunay na pag-ibig. 1 Cor. 13:4-7.
“Ang tunay na pag-ibig ay hindi malakas, nag-aalab, mapusok na damda-
min. Sa kabaliktaran, ito’y mahinahon at malalim ang likas. Ito’y tumitingin
sa kabila ng panlabas lamang at naaakit ng mga katangian lamang. Ito’y
may katalinuhan at nakakakilala ng kaibahan, at ang katapatan nito ay tunay
at nananatili. Sinusubukan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng mga karani-
wang pangyayari sa buhay. Ang maliliit na bagay ang naghahayag ng mga
kabanata ng puso. Ang maliliit na pagpansin, ang maraming maliliit na
pangyayari at payak na mga kagandahang loob, ang bumubuo ng kaligaya-
han ng buhay; at ang kapabayaan ng may kabaitan, pampasigla, nagmamala-
sakit na mga salita, maliliit na kagandahang loob sa buhay, ang tumutulong
upang mabuo ang kaabahan ng buhay. Masusumpungan sa huli na ang pagtanggi sa sarili para sa ikabubuti at kaligayahan ng mga nakapalibot sa atin ang
bumubuo ng malaking bahagi sa tala ng buhay sa langit. At ang katotohanan ay
mahahayag din na ang pagpapahalaga sa sarili, na di-isinasaalang-alang ang ikabu-
buti at ikaliligaya ng iba, ay hindi lingid sa kaalaman ng makalangit na Ama….
“Ang pag-ibig ay hindi mabubuhay kung walang gawa, at ang bawat gawa
ay lumalago, napapalakas, at napapalawak. Ang pag-ibig ay magtatamo ng
tagumpay kapag ang pangangatwiran at kapangyarihan ay walang lakas.
Ang pag-ibig ay gumagawa hindi dahil sa pakinabang o gantimpala; ngunit
itinakda ng Diyos na ang dakilang pakinabang ang siyang tiyak na bunga ng
bawat gawa ng pag-ibig. Likas nito ang paglaganap at tahimik ang paggawa,
ngunit malakas at matibay sa layunin nito upang lupigin ang dakilang mga
kasamaan. Nakakalusaw at nagpapabago ang impluwensiya nito, at pangha-
hawakan ang buhay ng mga makasalanan at magkakabisa ang kanilang mga
puso kapag hindi nagtagumpay ang ibang mga paraan.”—2 T, pp. 133-135.
23
Miyerkules Oktubre 23
4. NABUBUHAY SA KAUTUSAN NG PAG-IBIG
a. Sa liwanag ng pagpapakasakit sa sarili ni Kristo para sa atin, anong
batas o prinsipyo ang mapapasa puso ng buhay Kristyano? 2 Cor.
5:14, 15; 1 Cor. 13:5.
“Kapag ang Espiritu ng Diyos, sa kamanghamanghang gumigising na
kapangyarihan nito ay humipo sa kaluluwa, ito’y nagpapababa ng kapala-
luan ng tao. Ang makasanlibutang kalayawan at posisyon at kapangyarihan
ay makikitang walang halaga. ‘Ang mga imahinasyon, at ang bawat mataas
na bagay na nagtataas ng sarili laban sa pagkakilala sa Diyos’ ay ibinabag-
sak; bawat kaisipan ay ipinapasakop ‘sa pagtalima kay Kristo’ (2 Cor. 10:5).
At ang kapakumbabaan at pag-ibig na nagpapakasakit sa sarili, na napakaliit
ang halaga sa tao, ay itinataas na siyang tanging mahalaga.”—DA, p. 135.
“Sa liwanag mula sa Kalbaryo ay makikita na ang kautusan ng pag-ibig
na nagpapakumbaba ng sarili ang siyang kautusan ng buhay para sa lupa at
sa langit; na ang pag-ibig na ‘hindi naghahanap ng sarili’ ay nagmumula sa
puso ng Diyos; at sa kaamuan at kababaang loob ng Isa ay nahayag ang
ugali Niya na nananahan sa liwanag na walang sinomang tao ang makaka-
lapit.”—Ibid., p. 20.
b. Upang mabuhay sa buhay ng nagpapakasakit sa sarili na pag-ibig,
ano ang hinihingi sa atin sa araw-araw? Luc. 9:23.
“Bawat kaluluwa na tumatanggap kay Jesus bilang kanyang personal na
Tagapagligtas ay mauuhaw sa pribilihiyo ng paglilingkod sa Diyos at
masikap na hahanapin ang pagkakataon na ipakita ang pasasalamat sa
pamamagitan ng pagtatalaga ng kanyang mga kakayahan sa paglilingkod sa
Diyos. Mananabik siya na ipakita ang kanyang pag-ibig kay Jesus at sa
Kanyang biniling pag-aari. Pakahahangarin niya ang pagsisikap, kahirapan,
at sakripisyo. Iisipin niya na pribilihiyo ang tumanggi sa sarili, pasanin ang
krus, at sumunod sa mga hakbang ni Kristo, sa gayon ipinapakita niya ang
katapatan at pag-ibig.”—TM, p. 394.
“Ang pagtanggi sa sarili at ang krus ang siyang ating bahagi.
Tatanggapin ba natin ito? Walang sinoman sa atin ang dapat umasa na
kapag ang huling pinakamalaking pagsubok ay dumating sa atin ang
nagpapakasakit sa sarili, matapat na espiritu ay mabubuo sa isang sandali
sapagkat ito’y kailangan. Hindi, totoong hindi, ang espiritu na ito ay dapat
kasama ng ating araw-araw na karanasan, at ikintal sa mga isipan at puso ng
ating mga anak, sa alituntunin at sa halimbawa. Ang mga ina sa Israel ay
maaaring hindi mandirigma, ngunit maaari silang magpalaki ng mandirigma
na makakapagsakbat ng buong sandata at makipaglaban ng harapan sa
digmaan ng Panginoon.”—5 T, p. 135.
24
Huwebes Oktubre 24
5. ANG TANDA NG TUNAY NA PAGIGING ALAGAD
a. Ano ang tanda ng tunay na pagiging alagad? Juan 8:31; 14:15.
“Pagtalima—ang paglilingkod at katapatan ng pag-ibig—ang siyang
tunay na tanda ng pagiging alagad…. Sa halip na palayain ang tao mula sa
pagtalima, ang pananampalataya, at tanging pananampalataya lamang, ang
gumagawa sa atin upang maging tagapamagitan ng biyaya ni Kristo, na
nagbibigay kakayahan sa atin upang makasunod.’—SC, pp. 60, 61.
b. Ano ang kahulugan ng tunay na pagtalima, at saan ito nagmumula?
Roma 5:5; 13:10.
“Sa pusong nabago ng banal na biyaya, ay pag-ibig ang prinsipyo ng
paggawa. Ito’y nagbabago ng ugali, nagpipigil ng bugso ng damdamin,
pinipigilan ang galit, sinusupil ang pakikipag-away, at nililinis ang
pagmamahal. Ang pag-ibig na ito, na pinahahalagahan sa kaluluwa, ay
nagpapasaya sa buhay at nagbubuhos ng naglilinis na impluwensiya sa
palibot.”—Ibid., p. 59.
“Lahat ng tunay na pagtalima ay mula sa puso. Ito’y puso na gumagawa
kasama ni Kristo. At kung pahihintulutan natin, lubos Niyang ipapakilala
ang Kanyang sarili sa ating isipan at mga layunin, lubos na isasama ang
ating mga puso at isipan sa Kanyang kalooban, upang sa pagtalima sa Kanya
ating maisakatuparan ang ating sariling bugso ng damdamin. Ang kalooban,
na nalinis at napabanal, ay makakasumpong ng pinakamataas na kaluguran
sa paglilingkod sa Kanya. Kung kilala natin ang Diyos ayon sa pribilihiyo
na atin Siyang makilala, ang ating buhay ay magiging buhay ng patuloy na
pagtalima. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa ugali ni Kristo at sa
pakikipag-usap sa Diyos, kapopootan natin ang kasalanan,”—DA, p. 668.
Biyernes Oktubre 25
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Anong susing sangkap sa kautusan ng Diyos ang ipinakita ni Jesus sa
atin sa Mateo 22?
2. Ipaliwanag ang kaibahan sa pagitan ng panlabas na pagsunod at
tunay na pagtalima?
3. Kailan magiging ganap ang paglago ng ating ugaling Kristyano?
4. Ilarawan ang saloobin sa paglilingkod ng mga tumanggap kay
Kristo?
5. Gaano kalinaw na makikilala si Kristo sa pagtalima ng Kanyang mga
tagasunod.
25
26
Leksiyon 5 Sabbath, Nobyembre 2, 2013
Ang Ating Pangangailangan ng
Kautusan ng Diyos
“Ano pa’t ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang
ihatid tayo kay Kristo, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya” (Gal. 3:24).
“Ang kaluwalhatian ni Kristo ay nahayag sa kautusan, na siyang kopya
ng Kanyang ugali, at ang bumabagong bisa nito ay nadarama sa kaluluwa
hangga’t ang mga tao ay mabago ayon sa Kanyang wangis.”—RH, Abril 22,
1902.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 57-65.
Linggo Oktubre 27
1. ANG KAALAMAN SA KASALANAN
a. Para kanino ginawa ang kautusan ng Diyos, at sa anong layunin?
Ilan ang nahatulan nito? 1 Tim. 1:8-10; Roma 3:19, 23.
b. Bakit ang sarili nating pagsisikap sa pagtupad sa kautusan ay hindi
sapat upang tayo’y ariing ganap sa harapan ng Diyos? Paano
lamang tayo makakasunod sa kautusan? Roma 3:20; 7:7; Fil. 4:13.
“Siya na nagsisikap na maabot ang langit sa pamamagitan ng kanyang
sariling mga gawa sa pagtupad sa kautusan ay nagtatangka ng imposible.
Hindi maliligtas ang tao kung walang pagtalima, ngunit ang kanyang gawa
ay hindi dapat sa kanyang sarili; Si Kristo ang dapat gumawa sa kanya sa
kalooban at sa paggawa ng Kanyang mabuting kaluguran. Kung maililigtas
ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang sariling mga gawa,
mayroon siyang maipagmamayabang sa kanyang sarili. Ang pagsisikap na
ginawa ng tao sa kanyang sariling lakas upang matamo ang kaligtasan ay
sinasagisagan ng paghandog ni Cain. Lahat ng magagawa ng tao na wala si
Kristo ay marumi dahil sa pagkamakasarili at kasalanan; ngunit yaong
ginawa sa pamamagitan ng pananampalataya ay katanggaptanggap sa Diyos.
Kung sisikapin nating matamo ang langit sa pamamagitan ng mga merito ni
Kristo, ang kaluluwa ay lalago. Sa pagtitig kay Jesus, ang pasimula at wakas
ng ating pananampalataya, tayo ay makakapagpatuloy mula sa kalakasan
tungo sa kalakasan, mula sa tagumpay tungo sa tagumpay; sapagkat sa
pamamagitan ni Kristo ang biyaya ng Diyos ay gumagawa ng ating ganap
na kaligtasan.”—1 SM, p. 364.
27
Lunes Oktubre 28
2. ANG KAUTUSAN BILANG ATING TAGAPAGTURO
a. Ano ang tinutukoy na tagapagturo sa mga taga Galacia?Gal. 3:21-25.
“Anong kautusan ang siyang tagapagturo upang dalhin tayo kay Kristo?
Ako’y sumagot: Kapuwa ang seremonyal at ang moral na alituntunin ng
sampung kautusan.”—1 SM, p. 233.
b. Anong gawain ng kautusan bilang tagapagturo ang ginagawa, at sa
anong layunin? Roma 10:4. Paghambingin ang paraan na ang
salitang “wakas” (sa Griyego, telos, layunin, mithiin, o wakas sa
kahulugan) ginamit sa Sant. 5:11 at 1 Ped. 1:9.
“Habang ang makasalanan ay tumitingin sa dakilang salamin ng moral,
nakikita niya ang kanyang mga kasiraan ng ugali. Nakikita niya ang
kanyang sarili sa tunay na kalagayan, may mantsa, marumi, at nahatulan.
Ngunit alam niya na ang kautusan ay hindi sa anomang paraan mag-aalis ng
kasalanan o magpapatawad sa mananalangsang. Kailangang siya ay
magpatuloy sa higit pa rito. Ang kautusan ay tagapagturo lamang upang
dalhin siya kay Kristo. Kailangang tumingin siya sa Kanyang tagapagpasan
ng kasalanan na Tagapagligtas.”—Ibid., p. 213.
k. Ano ang ugnayang nananatili sa pagitan ng “tagapagturo” at
pananampalataya kay Jesus? Roma 5:1; 3:31; 8:3, 4.
“Ipinapakita ng kautusan sa atin ang kasalanan at ipinadadama sa atin
ang pangangailangan kay Kristo at kumanlong sa Kanya para sa kapata-
waran at kapayapaan sa pamamagitan ng pagsisisi sa Diyos at pananam-
palataya sa ating Panginoong Jesukristo.”—Ibid., p. 234.
“Sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Kristo ang makasa-
lanan ay malilinis mula sa kasalanan at magkakaroon ng kakayahan na
tumalima sa kautusan ng kanyang Panginoon.”—AA, p. 425.
“Ang kautusan at ang ebanghelyo ay sakdal na magkaayon. Bawat isa ay
itinataguyod ang isa. Sa lahat ng kataasan nito hinaharap ng kautusan ang
konsiyensiya, na ipinadadama sa makasalanan ang kanyang pangangaila-
ngan kay Kristo bilang pantubos sa kasalanan. Kinikilala ng ebanghelyo ang
kapangyarihan at pagiging di-mababago ng kautusan. ‘hindi ko nakilala ang
kasalanan, kung hindi dahil sa kautusan,’ sinabi ni Pablo (Roma 7:7). Ang
pagkadama ng kasalanan, na iginigiit ng kautusan, ay nagdadala sa makasa-
lanan tungo sa Tagapagligtas. Sa kanyang pangangailangan maaaring iharap
ng tao ang malakas na katuwiran na nagawa sa pamamagitan ng krus ng
Kalbaryo. Maaari niyang angkinin ang katuwiran ni Kristo; sapagkat ito’y
ibinabahagi sa bawat nagsisising makasalanan.”—RH, Abril 22, 1902.
28
Martes Oktubre 29
3. ANG LUMA AT ANG BAGONG TIPAN
a. Ano ang layunin ng Diyos sa pagbibigay ng Kanyang kautusan sa
Israel sa Sinai, at ano ang kondisyon para sa buhay sa ilalim ng
kautusang ito? Exo. 20:20; Lev. 18:5; Roma 10:5.
“Nang ang kautusan ay inihayag sa Sinai, ipinaalam ng Diyos sa mga tao
ang kabanalan ng Kanyang ugali, na sa pagsalungat ay maaari nilang makita
ang pagiging makasalanan ng kanilang sarili. Ang kautusan ay ibinigay
upang bagbagin sila sa kasalanan at ipahayag sa kanila ang pangangailangan
ng isang Tagapagligtas. Ganito ang mangyayari habang ang mga prinsipyo
nito ay iniaangkop sa puso ng Banal na Espiritu. Ito ang gawain na dapat
gawin. Sa buhay ni Kristo ang mga prinsipyo ng kautusan ay ginawang
malinaw; at habang ang Banal na Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa puso,
habang ang liwanag ni Kristo ay naghahayag sa mga tao ng kanilang
pangangailangan ng Kanyang naglilinis na dugo at ng Kanyang nag-aaring
ganap na katuwiran, ang kautusan ay nananatiling kasangkapan sa paghatid
sa atin tungo kay Kristo, upang tayo ay ariing ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya.”—ST, Marso 29, 1910.
b. Bakit bigo ang Israel na tuparin ang kautusan ng Diyos bagaman sila
ay nagtatanyag ng dakilang kasigasigan para dito? Roma 10:3.
“Hindi naunawaan ng Israel ang espirituwal na likas ng kautusan, at
napakadalas na ang kanilang pagtanyag ng pagsunod ay pangingilin lamang
ng mga gawain at mga seremonya, sa halip na pagsuko ng puso sa kataasan
ng pag-ibig.”—RC, p. 67.
k. Ano ang “mas mainam na mga pangako” kung saan ang Bagong
Tipan ay natatag? Heb. 8:6; Jer. 31:33, 34.
“Ang ‘Bagong Tipan’ ay naitatag sa ibabaw ng ‘mas mainam na mga
pangako’—ang pangako ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng biyaya ng
Diyos upang baguhin ang puso at dalhin ito sa pakikiayon sa mga prinsipyo ng kautusan ng Diyos….
“Ang katulad ding kautusan na iniukit sa mga tapyas ng bato ang isinulat
ng Banal na Espiritu sa mga tapyas ng puso. Sa halip na magtatag ng ating
sariling katuwiran ating tinatanggap ang katuwiran ni Kristo. Ang Kanyang
dugo ay ipinantutubos para sa ating kasalanan. Ang Kanyang pagtalima ay
tinanggap para sa atin. At ang puso na binago ng Banal na Espiritu ay
magbubunga ‘ng mga bunga ng Espiritu.’ Sa pamamagitan ng biyaya ni
Kristo tayo ay mabubuhay sa pagtalima sa kautusan ng Diyos na isinulat sa ating mga puso. Kung nasa atin ang Espiritu ni Kristo, tayo ay lalakad tulad ng
Kanyang paglakad.”—PP, p. 372.
29
Miyerkules Oktubre 30
4. ANG KAUTUSAN—ANG PANUKAT NG UGALI
a. Ano ang tanging tunay na panukat ng ugali? Sant. 2:8-12.
“Ang kautusan ng Diyos ang siyang tanging tunay na pamantayan upang
sukatin ang ugali. Ipinakita ni Kristo sa sanglibutan sa pamamagitan ng
Kanyang buhay at pagtuturo, sa pamamagitan ng Kanyang banal na ugali,
ang kahulugan ng pagtalima sa kautusan. Siya ang halimbawa ng tao; ngunit
ang tao ay hindi dapat magtatag ng pamantayan para sa sarili. Ang tao ay
walang alam sa di-masukat na kadalisayan ng Diyos, at kung wala ang banal
na kaliwanagan hindi niya pahahalagahan ang banal na paglalapat ng
kautusan ng Diyos. Habang siya ay walang alam sa matatag na katangian ng
kautusan ng Diyos, siya ay walang pakialam sa kanyang may kasiraan,
makasalanang ugali. Wala siyang kinatatakutan, wala siyang pagkabahala,
sapagkat sinusukat niya ang kanyang sarili ng huwad na pamantayan.”—RH,
Nob. 18, 1890.
b. Ano ang magpapasya kung ang ugali nga ba ng Diyos ay nahahayag
sa ating mga isipan at mga gawa? Mat. 22:36-40; Roma 13:10.
“Siya lamang na ang puso ay puspos ng habag sa nagkasalang tao, na
umiibig sa layunin, na inihahayag ang pag-ibig na iyon sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga gawang tulad ng kay Kristo, ang makakatiis sa
pagtingin sa Kanya na hindi nakikita. Siya na hindi umiibig sa mga dahilan
ng dakilang ginawa ng Ama ay hindi nakakakilala sa Diyos. Ang teolohiya
ay walang halaga malibang ito ay masakop ng pag-ibig ni Kristo. Ang tunay
na Kristyanismo ay nagpapakalat ng pag-ibig sa buong pagkatao. Ito’y
umaabot sa bawat pangunahing mga bahagi—ang utak, ang puso, ang
katuwang na mga kamay, ang mga paa—na binibigyang kakayahan ang tao
na tumayong matatag kung saan hinihingi ng Diyos na sila’y tumayo, at
baka ang lumpo ay matisod sa daan. Ang nagliliyab, sumusupok na pag-ibig
ni Kristo sa napapahamak na mga kaluluwa ang siyang buhay ng buong
sistema ng Kristyanismo.”—ST, Mayo 10, 1910.
k. Ano ang makikita sa buhay ng mga may tunay na pananampalataya
kay Kristo? Sant. 1:22-27.
“Ang pananampalataya ay gumagawa sa pag-ibig at naglilinis ng
kaluluwa. Ang pag-ibig ay umuusbong at namumulaklak at nagbibigay ng
ani ng mga mahahalagang bunga. Kapag may pag-ibig, nahahayag din ang
mabubuting gawa. Ang maysakit ay dinadalaw, ang mga dukha ay
inaalagaan, ang mga ulila at bao ay hindi pinababayaan, ang hubad ay
dinadamtan, ang gutom ay pinapakain.”—1 SM, p. 398.
30
Huwebes Oktubre 31
5. SI JESUKRISTO, ANG KAUTUSAN SA TUNAY NA BUHAY
a. Anong saloobin ang ipinakita ni Kristo tungkol sa kautusan ng
Diyos? Mat. 5:17-20.
“Si Jesus ay buhay na halimbawa ng kaganapan ng kautusan, ngunit ang
Kanyang pagganap ay hindi nangangahulugan ng pagpawi at pagpuksa nito.
Sa pagganap sa kautusan, Kanyang isinakabuhayan ang bawat detalye ng
mga hinihingi nito.”—ST, Marso 14, 1895.
“Sa Kanyang mga pagtuturo, ipinakita ni Kristo kung gaanong layo ang
maaabot ng mga prinsipyo ng kautusan na sinalita mula sa Sinai. Gumawa
Siya ng buhay na pagpapatupad ng kautusang iyon na ang mga prinsipyo ay
nananatili magpakailan man na siyang dakilang pamantayan ng katuwiran—
ang pamantayan kung saan ang lahat ay hahatulan sa dakilang araw na iyon
kapag itinakda na ang paghatol, at mabuksan ang mga aklat.”—GAG, p. 141.
b. Ano ang nagpapakita na si Kristo ay isang buhay na pagpapakilala
sa sangkatauhan ng kautusan ng Diyos? 1 Ped. 2:21, 22; Juan 15:10;
1 Juan 2:6.
“Ang kaluwalhatian ni Kristo ay ang Kanyang ugali, at ang Kanyang
ugali ang siyang pagpapakilala ng kautusan ng Diyos. Ginanap Niya ang
kautusan sa bawat detalye nito, at ibinigay sa sanlibutan sa Kanyang buhay
ang isang ganap na halimbawa kung ano ang maaaring maabot ng
sangkatauhan sa pakikipagtulungan sa kadiyusan. Sa Kanyang pagiging tao
si Kristo ay umasa lamang sa Ama, kung paanong ang sangkatauhan ngayon
ay umaasa sa Diyos para sa banal na kapangyarihan upang matamo ang
kasakdalan ng ugali.”—ST, Dis. 12, 1895.
Biyernes Nobyembre 1
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Sa kaninong mga pangako ang Lumang Tipan ay itinatag?
2. Sa kaninong mga pangako ang Bagong Tipan ay itinatag?
3. Sino ang tumutulong upang maging masunusrin tayo sa Diyos?
4. Tayo ba’y gumagawa sa ilalim ng Lumang Tipan ngayon kung tayo
ay umaasa sa sarili nating mga pangako kaysa sa mga pangako ng
Diyos?
5. Ano ang nagdala sa mga bayani ng Biblia upang makita ang kanilang
pangangailangan kay Jesus?
31
Leksiyon 6 Sabbath, Nobyembre 9, 2013
Ang Katuwiran ni Kristo ay Nahayag sa
Kanyang Kautusan
“Yamang nahahayag na kayo’y sulat ni Kristo, na pinangasiwaan
namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu ng buhay na Diyos:
hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman”
(2 Cor. 3:3).
“Ang kaluwalhatiang lumiwanag sa mukha ni Moises ay kislap ng
katuwiran ni Kristo sa kautusan.”—1 SM, p. 237.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 43-48.
Linggo Nobyembre 3
1. PAGPAPALAWAK NG KAUTUSAN NG DIYOS
a. Ano ang nakita ni Moises sa pagtitig sa kaluwalhatian ng Diyos?
Exo. 33:18, 19; 34:5-7.
“Hinihingi ng Diyos ang kasakdalan sa Kanyang mga anak. Ang
Kanyang kautusan ay kopya ng Kanyang sariling ugali, at ito ang
pamantayan ng lahat ng ugali. Ang walang hanggang pamantayang ito ay
ipinahayag sa lahat upang hindi magkamali sa uri ng mga tao na bubuuhin
ng Diyos na Kanyang kaharian. Ang buhay ni Kristo sa lupa ay ganap na
pagpapakilala ng kautusan ng Diyos, at kapag ang mga nagtatanyag na mga
anak ng Diyos ay maging tulad ni Kristo ang ugali, sila ay magiging
masunurin sa kautusan ng Diyos. At sila’y pagkakatiwalaan ng Panginoon
na siyang bilang na bubuo sa pamilya ng langit.”—COL, p. 315.
b. Ano ang misyon ni Jesus kaugnay sa kautusan ng Diyos? Awit 40:8;
Isa. 42:21; 2 Cor. 4:6.
“Upang ipakita ang kaluwalhatian (ng Diyos) kung kaya (si Kristo) ay
pumarito sa ating sanglibutan. Sa pinadilim ng kasalanan na lupang ito Siya
ay pumarito upang ihayag ang liwanag ng pag-ibig ng Diyos—upang ‘ang
Diyos ay sumaatin.’”—DA, p. 19.
32
Lunes Nobyembre 4
2. ANG KALUWALHATIAN NG UGALI NG DIYOS
a. Ano ang nangyayari kapag ating naunawaan na si Kristo ang
kautusan ng Diyos na nahayag sa laman ng tao? 2 Cor. 5:17.
“Sa pagtitig tayo ay nababago, ipinapasakop ang moral sa Isang sakdal ang
ugali. Sa pagtanggap ng ibinibilang na katuwiran, sa pamamagitan ng bumabagong
kapangyarihan ng Banal na Espiritu, tayo ay nagiging tulad Niya. Ang wangis ni
Kristo ay minamahal, at ito’y sumasakop sa buong pagkatao.
“Ang pagtitig kay Kristo sa layuning maging katulad Niya, ang naghahanap ng
katotohanan ay nakikita ang kasakdalan ng mga prinsipyo ng kautusan ng Diyos, at
siya’y hindi nasisiyahan sa bawat bagay kundi sa kasakdalan lamang. Sa pagkubli
ng kanyang buhay sa buhay ni Kristo, nakikita niya na ang kabanalan ng banal na
kautusan ay nahahayag sa ugali ni Kristo, at higit at higit pa ang kanyang pagsisikap
na maging katulad Niya. Ang pakikibaka ay maaaring asahan sa anomang oras,
sapagkat nakikita ng manunukso na nawawala sa kanya ang isa niyang sakop. Ang
pakikibaka ay dapat bakahin laban sa mga katangiang pinalalakas ni Satanas upang
kanyang gamitin. Nakikita ng tao kung ano ang dapat niyang bakahin—ang di-
karaniwang kapangyarihan na salungat sa kaisipan ng pagtamo ng kasakdalan na
ipinagpapatuloy ni Kristo. Ngunit kay Kristo ay mayroong nagliligtas na
kapangyarihan na magtatamo ng tagumpay para sa kanya sa pakikibaka.”—6 SDA
BC (E.G. White Comments), p. 1098.
“Kung makikita lamang ng lahat si Kristo sa harap ng luklukan, na
naghihintay ng kanilang mga panalangin, na naghihintay sa kanila na isuko
ang kanilang kalooban, na huminto na sa paghihimagsik at manumbalik sa
kanilang katapatan sa Diyos, sa malalim na pagsisisi sila ay mananalangin
sa Ama na patawarin ang kanilang mga pagsalangsang sa Kanyang kautu-
san, at patawarin sila sa impluwensiya na kanilang ipinakita upang ang iba
ay hindi magpahalaga sa kautusan ni Jehova. Ang pagsasabuwatan ng mga
kawal ng kaaway ay nagtatagumpay sa kanilang pagkaantala.”—OFC, p. 266.
b. Paano nababago ang ating ugali? Heb. 12:2. Anong gawain ang hini-
hingi sa atin sa pamamagitan ng paghahambing ng Bilang 21:8 sa
Juan 3:14, 15? Juan 6:37, 54-56.
“Kay Moises, ang ugali ng Diyos ay inihayag bilang Kanyang kaluwal-
hatian. Sa katulad ding paraan, nakikita natin ang kaluwalhatian ni Kristo sa
pamamagitan ng pagtitig sa Kanyang ugali….
“Bakit, kung gayon, nakikita sa iglesia ang malaking kawalan ng pag-
ibig, ng tunay, mataas, napabanal, nagpaparangal na pagmamalasakit, ng
malambing na awa at mapagmahal na pagtitiis? Dahil si Kristo ay hindi
patuloy na nadadala sa harapan ng mga tao. Ang mga katangian ng Kanyang
ugali ay hindi dinadala sa praktikal na buhay. Ang mga lalaki at mga babae
ay hindi kumakain ng Tinapay na mula sa langit.”—9 MS, pp. 296, 297.
33
Martes Nobyembre 5
3. DALAWANG URI NG PANGANGASIWA
a. Ano ang kaibahan sa pagitan ng “pangangasiwa ng kahatulan” at
“pangangasiwa ukol sa katuwiran”? 2 Cor. 3:1-3, 6-9.
“Ang nagkasalang lahi ni Adan ay walang ibang makikita sa titik ng
tipan na ito (ng banal na kautusan ng Diyos) kundi ang pangangasiwa ng
kamatayan; at ang kamatayan ang siyang gantimpala sa bawat isa na nagsi-
sikap ng walang kabuluhan sa paghubog ng isang katuwiran ng kanyang
sarili na tutupad sa mga hinihingi ng kautusan.”—ST, Sety. 5, 1892.
“Hindi ni minsan sinabi ni Kristo na ang Kanyang pagparito ay sumira sa
mga hinihingi ng kautusan ng Diyos. Sa kabaliktaran, sa pinakahuling
mensahe sa Kanyang iglesia, sa daan ng Patmos, Kanyang ipinahayag ang
pagbasbas sa mga gumaganap ng kautusan ng Kanyang Ama: ‘Mapalad sila
na gumaganap ng kanyang kautusan’ (Apoc. 22:14).”—Ibid., Hul. 29, 1886.
b. Paano inilarawan ni Pablo ang tabing ng kawalang kaalaman ng mga
Hudyo na nagtakwil kay Kristo? Roma 9:31, 32; 10:3.
k. Ilarawan kung paano maaalis ang tabing na iyon? 2 Cor. 3:13-16.
“Ang liwanag ng kaluwalhatian ng ebanghelyo ni Kristo, na siyang
Saligan ng paghahandog, ang nagliwanag sa mukha ni Moises. (2 Cor. 3:7, 8
sinipi.) Kapag ang tunay, ang buong liwanag ng tanghaling tapat ay duma-
ting, ang makulimlim na kaluwalhatian na pauna lamang ng panghuli, ay
matatapos, lalamunin ng mas dakilang kaluwalhatian.”—Ibid., Ago. 25, 1887.
“Ang mga ritwal na serbisyo ay walang kabuluhan, malibang nakaugnay
kay Kristo sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya. Maging ang
kautusang moral ay bigo sa kanyang layunin, malibang ito ay maunawaan sa
kaugnayan nito sa Tagapagligtas. Paulit-ulit na ipinakita ni Kristo na ang
kautusan ng Kanyang Ama ay naglalaman ng mas malalim na mga bagay
kaysa sa pagpapatupad ng utos lamang. Sa kautusan ay napapaloob ang
katulad na prinsipyo na nahayag sa ebanghelyo. Ipinapakita ng kautusan ang
tungkulin ng tao at ipinapakita ang kanyang kasalanan. Kay Kristo dapat
siyang maghanap ng kapatawaran at ng kapangyarihan upang gawin ang
iniuutos ng kautusan.”—DA, p. 608.
34
Miyerkules Nobyembre 6
4. MULA SA KALUWALHATIAN TUNGO SA MAS DAKILANG
KALUWALHATIAN
a. Paano ang ugali ng Diyos ayon sa nahayag sa Kanyang kautusan higit
na ganap at sakdal na nahayag sa pamamagitan ng buhay ni Kristo?
2 Cor. 3:9-11. Ano ang dapat nating isaalang-alang dito habang tayo
ay nagsisikap na makasunod sa kautusan ng Diyos?
“Bilang bayan, ating ipinangaral ang kautusan hanggat tayo ay naging
tuyo tulad ng mga burol sa Gilboa na walang kahit hamog o ulan. Dapat
nating ipangaral si Kristo sa kautusan, at magkakaroon ng katas at pagkain
sa pangangaral na magiging pagkain para sa nagugutom na kawan ng Diyos.
Hindi tayo dapat magtiwala sa ating sariling mga merito, kundi sa mga
merito ni Jesus na taga Nazareth. Ang ating mga mata ay dapat pahiran ng
pampahid sa mata. Dapat tayong lumapit sa Diyos, at Siya’y lalapit sa atin,
kung tayo ay lalapit sa paraang Kanyang itinakda.”—RH, Mar. 11, 1890.
“Ang kautusan mismo ay walang kaluwalhatian, maliban lamang kung
ito’y ipasasakop kay Kristo.”—1 SM, p. 237.
“Si Jesus ay buhay na halimbawa ng kaganapan ng kautusan, ngunit ang
Kanyang pagganap ay hindi nangangahulugan ng pagpawi at pagpuksa nito.
Sa pagganap sa kautusan, Kanyang isinakabuhayan ang bawat detalye ng
mga hinihingi nito.”—ST, Marso 14, 1895.
b. Paano ang “sulat ni Kristo” naging higit na maluwalhati kaysa noong
ang kautusang moral ay isinulat sa mga tapyas ng bato lamang? Jer.
31:31-33; 2 Cor. 3:3.
“Mithiin ni Pablo na makita ng kanyang mga kapatid na ang dakilang
kaluwalhatian ng nagpapatawad ng kasalanan na Tagapagligtas ay
nagpahalaga sa buong ekonomiya ng Hudyo. Mithiin din niya na makita nila
na nang si Kristo ay pumarito sa sanglibutan, at namatay bilang handog ng
tao, ang sagisag at ang sinasagisagan ay nagtagpo.
“Matapos mamatay si Kristo sa krus bilang handog para sa kasalanan,
ang kautusang seremonyal ay nawalan ng lakas. Bagama’t ito’y naging
kaugnay ng kautusang moral, at naging maluwalhati. Ang kabuuan ay nag-
dala ng tatak ng kabanalan, at nagpakita ng kabanalan, hustisya, at katuwi-
ran ng Diyos. At kung ang pangangasiwa ng kapanahunan na dapat tapusin
ay maluwalhati, gaano pa kaya ang higit na kaluwalhatian ng tunay, nang si
Kristo ay nahayag, na ibinigay ang Kanyang nagbibigay-buhay, nagpapa-
banal na Espiritu sa lahat ng nananampalataya?”—1 SM, pp. 237, 238.
35
Huwebes Nobyembre 7
5. PAGPAPAKITA NG KANYANG KALUWALHATIAN
a. Anong nangyayari kapag ang ating pansin ay naipako sa kaluwal-
hatian ng Diyos? 1 Cor. 15:49; Roma 12:2.
“Sa pagiging kinatawan ni Kristo tayo’y nagiging kinatawan ng Diyos sa
sanlibutan…. Atin bang ipinapakita sa iglesia at sa harapan ng sanglibutan
ang ugali ni Jesukiristo?”—3 SM, p. 170.
b. Anong nangyayari kapag ang isang tao ay tumatanggap ng
katuwiran ng kautusan kay Kristo? Roma 8:4, 9-13. Ilarawan ang
kapangyarihan na bumabago ng puso at ng damdamin? Mat. 13:33.
“Ginamit ni (Kristo) ang pampaalsa upang ilarawan ang ebanghelyo ng
kaharian. Dahil sa pampaalsang ito, ang salita ng Diyos, tunay na kabutihan,
katuwiran, at kapayapaan ay naipapakilala. Dinadala nito ang buong
damdamin sa pakikiayon sa isipan at kalooban ng Diyos. Saan man ito
pumunta, ang pampaalsa ng katotohanan ay nagbabago ng isipan at puso.
Ang buong ugali ay nababago. Lahat ng tatanggap sa puso ng katotohanan
kung paanong ito ay nakay Jesus ay tatanggap ng nagpapaalsang
kapangyarihan. Kapag ang kaharian ng langit ay naitatag sa puso, ang buong
ugali ay nagiging kaayon ng ugali ni Kristo; sapagkat ang katotohanan ay
isang prinsipyong nagbibigay buhay. Maging ang isipan ay naipapasakop sa
kalooban ni Kristo. ‘Kung ang sinoman ay nakay Kristo, siya ay isang
bagong linalang: ang dating mga bagay ay lumipas na; narito, lahat ng bagay
ay nabago’ (2 Cor. 5:17).”—RH, Sety. 21, 1897.
Biyernes Nobyembre 8
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Kapag tumingin ka sa kautusan ng Diyos, ano ang iyong makikita?
2. Ano ang naging misyon ni Kristo kaugnay sa kautusan ng Diyos?
3. Paano ang mas dakilang kaluwalhatian ng Diyos makakaapekto sa
atin ngayon?
4. Anong nangyayari kapag nakita natin si Kristo sa Sampung mga
Utos?
5. Ano ang nangyayari sa iyong puso kapag ikaw ay tumitig sa
kaluwalhatian ng Diyos?
36
Leksiyon 7 Sabbath, Nobyembre 16, 2013
Ang Ugali Bilang Isang Mabangong Samyo
“Datapuwa’t salamat sa Diyos, na laging pinagtatagumpay tayo kay
Kristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag ang samyo ng pagka-
kilala sa kanya sa bawat dako” (2 Cor. 2:14).
“Ang ugali ay kapangyarihan. Ang tahimik na saksi ng katotohanan, hindi
makasarili, banal na buhay ay nagdadala ng halos di-malalabanang
impluwensiya. Sa pamamagitan ng paghahayag sa ating sariling buhay ng
ugali ni Kristo tayo ay nakikipagtulungan sa Kanya sa gawain ng pagligtas
ng mga kaluluwa.”—COL, p. 340.
Mungkahing Babasahin: Messages to Young People, pp. 417-424.
Linggo Nobyembre 10
1. ANG KAPALIGIRAN NG BIYAYA
a. Anong katangian ng Diyos ang saligan ng ating kaligtasan, at paano
ito nahayag? Efe. 2:8, 9; Roma 5:20, 21.
“Sa di-mapantayang kaloob ng Kanyang Anak, pinalibutan ng Diyos ang
sanglibutan ng kapaligiran ng biyaya na tunay tulad ng hangin na
pumapalibot sa daigdig. Lahat ng magpapasyang lumanghap ng nagbibigay-
buhay na kapaligirang ito ay mabubuhay at lalago hanggang sa kaganapan
ng lalaki at babae kay Jesukristo.”—SC, p. 68.
b. Anong nangyayari sa mga tumugon sa nanghihikayat na kapang-
yarihan ng biyaya ng Diyos? Juan 12:32; Efe. 2:10.
“Habang ang makasalanan ay hinihikayat ng kapangyarihan ni Kristo,
lumalapit sa itinaas na krus, at magpatirapa sa harapan nito, nagkakaroon ng
bagong nilalang. Ang bagong puso ay ibinigay sa kanya. Siya ay nagiging
bagong linalang kay Jesukristo. Masusumpungan ng kabanalan na wala ng
ano pa mang hinihingi.”—COL, p. 163.
37
Lunes Nobyembre 11
2. ANG SAMYO NG PAGKAKILALA SA DIYOS
a. Nang ang mga nabubuhay sa ilalim ng mga batas ng paghahandog ay
naghahandog ng handog na susunugin, ano ang kanilang ginagamit
upang ang halimuyak ay maging “mabangong samyo” o “masarap
na amoy” sa Diyos? Exo. 29:18; Efe. 5:2.
“Ang handog (ni Kristo) ay kompleto, at bilang ating Tagapamagitan
Kanyang isinasakatuparan ang Kanyang itinakdang gawain, nahahawakan sa
harapan ng Diyos ang insensaryo na naglalaman ng Kanyang walang
kapintasang mga merito at ang mga panalangin, pagpapahayag ng
kasalanan, at mga pasasalamat ng Kanyang bayan. Nalalagyan ng pabango
ng Kanyang katuwiran, ito’y pumapailanlang sa Diyos tulad sa mabangong
samyo. Ang buong handog ay katanggap-tanggap, at ang kapatawaran ay
nagtatakip sa lahat ng mga pagsalangsang.”—ST, Peb. 14, 1900.
b. Ano ang ginamit ng Diyos upang ipakita ang pagkakilala sa Kanyang
sarili bilang mabangong samyo sa mga hindi pa nakakakilala kay
Kristo? 2 Cor. 2:14.
“Bawat kaluluwa ay napapalibutan ng kapaligiran ng kanyang sarili—
isang kapaligiran, na maaaring naglalaman ng nagbibigay-buhay na
kapangyarihan ng pananampalataya, tapang, at pag-asa, at napabango ng
halimuyak ng pag-ibig. O maaaring ito’y mabigat at malamig dahil sa
kulimlim ng kawalang kasiyahan at pagkamakasarili, nakakalason dahil sa
nakakamatay na mantsa ng minamahal na kasalanan. Sa pamamagitan ng
kapaligirang nakapalibot sa atin, bawat tao na ating nakakaugnay ay may
kaalaman o walang malay na naaapektuhan.”—COL, p. 339.
k. Ano ang hinihingi sa atin upang ang ating buhay ay matanggap
bilang isang “mabangong samyo” sa Diyos? Eze. 20:41; Roma 12:1, 2.
“Hinahamak ng Diyos ang patay na handog; hinihingi Niya ang isang
buhay na handog, na may isip, nakakadama, at lubos na aanib sa
paglilingkod sa Kanya. Bawat iba’t-ibang sangkap ay dapat italaga sa
gawaing ito—ang ating mga paa ay mabilis kumilos sa panawagan ng
tungkulin, ang ating mga kamay ay handang gumawa kapag may gawaing dapat tapusin, ang ating mga labi ay handang magsalita ng katotohanan sa pag-ibig,
at ipakita ang papuri sa Kanya na tumawag sa atin mula sa kadiliman tungo sa
kagilagilalas na liwanag. Dapat tayong magpatuloy sa pagtatalagang ito, na walang
anomang dapat kunin mula sa dambana; sapagkat ito’y kalapastanganan. Kapag ang
Kanyang bayan ay nagtalaga ng kanilang mga sarili sa katapatan at kapakumbabaan,
sila ay tatanggapin ng Diyos; at sila’y magiging mabangong samyo sa Kanya, na
nagkakalat ng mabangong halimuyak sa buong lupa.”—RH, Peb. 5, 1884.
38
Martes Nobyembre 12
3. ISANG SAMYO NG BUHAY O NG KAMATAYAN?
a. Ipaliwanag kung paanong ang ating impluwensiya ay maaaring
maging isang “mabangong samyo” para sa buhay sa ilan habang, sa
gayon ding paraan ito ay isang impluwensiya para sa kamatayan sa
iba. 2 Cor. 2:15, 16; 1 Cor. 1:18; 1 Ped. 2:7. “(Ang bisa ng ating impluwensiya sa iba) ay isang tungkulin kung saan
hindi natin mapapalaya ang ating sarili. Ang ating mga salita, ang ating mga
gawa, ang ating mga damit, ang ating mga kilos, maging ang tanawin sa
ating mukha, ay may impluwensiya. Sa nagagawa nitong pagkikintal ay
nakabatay ang mga bunga para sa ikabubuti o sa ikasasama na walang
sinoman ang makakasukat. Bawat bugso ng damdamin na ibinahagi ay
binhing itinanim na magbubunga ng ani nito. Ito ay kawil sa mahabang
tanikala ng mga kaganapan sa tao, na di natin alam kung saan aabot. Kung
sa ating halimbawa ay tumutulong tayo sa iba sa pagpapalago ng
mabubuting mga prinsipyo, binibigyan natin sila ng kapangyarihan upang
gumawa ng mabuti. Kapalit nito sila ay nagpapakita din ng katulad na
impluwensiya sa iba, at sila ay sa iba din. Sa gayon sa pamamagitan ng ating
di-namamalayang impluwensiya libu-libo ang maaaring mabiyayaan.”—
COL, pp. 339, 340.
b. Paano magiging posible na ang samyo ng ating impluwensiya ay
maging isang mabahong amoy tungo sa kamatayan ng mga nakapa-
libot sa atin? Ecle. 10:1.
“Ngunit huwag kailan man kalilimutan na ang impluwensiya ay malakas
ding kapangyarihan para sa kasamaan. Ang mawaglit ang isang kaluluwa ay
isang kakilakilabot na bagay; ngunit ang maging sanhi ng pagkawala ng
ibang kaluluwa ay higit na kakilakilabot. Na ang ating impluwensiya ay
maging samyo ng kamatayan sa ikamamatay ay isang nakakatakot na
kaisipan; ngunit ito ay posible.”—Ibid., p. 340.
k. Gaanong pag-iingat dapat mayroon tayo sa pagpili ng ating malapit
na mga kasama? Bakit? 1 Cor. 6:14, 15; Efe. 5:11; 1 Cor. 5:6.
“Mayroong mahiwagang tanikala na gumagapos sa mga kaluluwa, upang
ang puso ng isa ay tumugon sa puso ng iba. Ang isa’y tumatanggap ng kaisi-
pan, ng damdamin, ng espiritu ng iba. Ang samahang ito’y maaaring maging
isang pagpapala o sumpa. Ang kabataan ay maaring magtulungan at magpa-
lakasan sa isat-isa, na palaguin sa pagkilos, sa pagpapasya, sa kaalaman; o,
sa pagpapahintulot sa kanilang sarili na maging pabaya at di-matapat, sila ay
maaaring magpakita ng impluwensiya na nakakalito.”—MYP, p. 411.
39
Miyerkules Nobyembre 13
4. ANG ASIN NG LUPA
a. Paano inilarawan ni Kristo ang nagliligtas na impluwensiya na dapat
magkaroon ang bayan ng Diyos sa sanglibutan? Anong babala ang
ibinigay Niya sa gayong gawain? Mat. 5:13, (Ihambing ang Mat. 8:12.)
“Sa pamamagitan ng mga salitang ito ni Kristo (“kayo ang asin ng lupa”)
tayo muli ay may pananaw kung ano ang bumubuo sa halaga ng impluwen-
siya ng tao. Ito ay dapat gumawa kasama ng impluwensiya ni Kristo, na
itaas kung saan si Kristo ay tumaas, upang magbahagi ng tamang mga
prinsipyo, at pahintuin ang paglago ng kasamaan ng sanglibutan. Ito’y dapat
magpakalat ng biyaya na tanging si Kristo lamang ang makakabahagi. Ito’y
dapat magpalakas, magpasaya, sa buhay at mga ugali ng iba sa pamamagitan
ng kapangyarihan ng isang dalisay na halimbawa na isinama sa masikap na
pananampalataya at pag-ibig. Ang bayan ng Diyos ay dapat magpakita ng
nagbabago, nagliligtas na kapangyarihan sa sanglibutan. Lalabanan nila ang
mapanira, mapangwasak na impluwensiya ng kasamaan.”—HP, p. 239.
b. Paano lamang tayo makapagpapakita ng isang nagligligtas na
impluwensiya sa sanglibutan? Efe. 5:2.
“Ang nagliligtas na asin, ang samyo ng Kristyano, ay ang pag-ibig ni
Jesus sa puso, ang katuwiran ni Kristo na naghahari sa kaluluwa. Kung ang
nagtatanyag ng relihiyon ay pananatilihin ang nagliligtas na bisa ng kanyang
pananampalataya, kanyang pananatilihin ang katuwiran ni Kristo sa harapan
niya, at sa kanyang likuran ay naroon ang kaluwalhatian ng Diyos. At ang
kapangyarihan ni Kristo ay mahahayag sa buhay at ugali.”—TBE, Peb. 15,
1892.
“Walang anoman sa ating sarili na magbibigay impluwensiya sa iba para
sa kabutihan. Kung mauunawaan natin ang ating kawalan ng kakayahan at
ang ating pangangailangan ng banal na kapangyarihan, hindi tayo magtiti-
wala sa ating sarili. Hindi natin alam kung anong maibubunga sa isang araw,
isang oras, o isang sandali, at hindi natin dapat simulan ang isang araw na
hindi natin naitatalaga ang ating mga daan sa ating makalangit na Ama. Ang
Kanyang mga anghel ay inutusan upang bantayan tayo, at kung ilalagay
natin ang ating sarili sa ilalim ng kanilang pagbabantay, sa bawat panahon
ng panganib ng pagpapakita ng maling impluwensiya, ang mga anghel na
nasa ating tabi, ay uudyukan tayo sa mas mainam na gawain, na pipiliin ang
mga salita para sa atin, at iimpluwensiyahan ang ating mga kilos. Sa gayon
ang ating impluwensiya ay magiging tahimik, di-namamalayan, ngunit
malakas na kapangyarihan sa pag-akay ng iba tungo kay Kristo at sa maka-
langit na daigdig.”—COL, pp. 341, 342.
40
Huwebes Nobyembre 14
5. ISANG KAPANGYARIHAN UPANG KILUSIN ANG
SANGLIBUTAN
a. Anong pangakong kaloob ni Kristo ang nagbigay kakayahan sa mga
lalaki at mga babae sa lahat ng panahon upang maging matapat na
saksi para kay Kristo? Gawa 1:8.
“Mula sa panahon ng Pentecostes hanggang ngayon, ang Mang-aaliw ay sinugo
sa lahat na nagpasakop ng kanilang sarili ng lubusan sa Panginoon at sa Kanyang
paglilingkod. Sa lahat ng tumanggap kay Kristo bilang isang personal na Tagapag-
ligtas, ang Banal na Espiritu ay dumating bilang isang tagapayo, tagapagpabanal,
gabay, at saksi. Habang lalong lumalapit ang mananampalataya sa paglakad kasama
ng Diyos, higit na malinaw at makapangyarihan na sila’y magpapatotoo sa pag-ibig
ng kanilang Manunubos at sa Kanyang nagliligtas na biyaya.”—AA, p. 49.
b. Paano magiging kasangkapan ang ating impluwensiya sa pagtatapos
ng gawaing ito ng pangangaral ng “walang-hanggang ebanghelyo” sa
sanglibutan? Mat. 25:4; Apoc. 18:1.
“Ang ugali ay kapangyarihan. Ang tahimik na saksi ng katotohanan, hindi
makasarili, banal na buhay ay nagdadala ng halos di-malalabanang impluwensiya.
Sa pamamagitan ng paghahayag sa ating sariling buhay ng ugali ni Kristo tayo ay
nakikipagtulungan sa Kanya sa gawain ng pagligtas ng mga kaluluwa. Sa paghaha-
yag lamang sa ating buhay ng Kanyang ugali na tayo’y makakatulong sa Kanya. At
habang lumalawak ang ating impluwensiya, higit na kabutihan ang ating magagawa.
Kung ang lahat ng nagtatanyag na naglilingkod sa Diyos ay sumunod sa halimbawa
ni Kristo, na isakabuhayan ang mga prinsipyo ng kautusan sa kanilang araw-araw
na buhay; kung ang bawat kilos ay nagdadala ng patotoo na iniibig nila ang Diyos
ng higit sa lahat at ang kanilang kapuwa tulad ng kanilang sarili, ang iglesia ay
magkakaroon ng kapangyarihan upang kilusin ang sanglibutan”—COL, p. 340.
Biyernes Nobyembre 15
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Paano ako makakalanghap sa espirituwal na kapaligiran na nakapa-
libot sa lupa?
2. Bakit ang espiritu ng pagpapakasakit ay mahalaga sa pagbahagi ng
pagkakilala sa Diyos?
3. Ipaliwanag ang kaibahan sa pagitan ng maging isang samyo ng
buhay o samyo ng kamatayan.
4. Ano ang hinihingi sa aking sariling puso upang maging samyo ng
buhay?
5. Anong kapangyarihan ang magbibigay kakayahan sa iglesia upang
kilusin ang sanglibutan?
41
Leksiyon 8 Sabbath, Nobyembre 23, 2013
Pagtanggap kay Kristo
“Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo
gagawin ang mga pita ng laman” (Gal. 5:16).
“Ang kautusan ay paghahayag ng kaisipan ng Diyos. Kapag tinanggap
natin ito kay Kristo, ito’y magiging kaisipan natin. Itataas tayo nito sa
ibabaw ng kapangyarihan ng likas na pagnanasa at mga hilig, sa ibabaw ng
mga tukso na maghahatid sa pagkakasala.”—1 SM, p. 235.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 49-55.
Linggo Nobyembre 17
1. PAKIKIBAKA SA ATING LIKAS NA KALAGAYAN
a. Ano ang tanging paraan upang matagumpay na labanan ang
kaaway? Sant. 4:7-10.
“Hindi na kailangan pa na ating kusang piliin ang paglilingkod sa
kaharian ng kadiliman upang mapabilang sa ilalim ng paghahari nito.
Kailangan lamang nating kaligtaan na ianib ang sarili sa kaharian ng
liwanag. Kung hindi tayo makikipagtulungan sa makalangit na mga
kinatawan, sasakupin ni Satanas ang puso at gagawin niya itong tahanan.
Ang tanging pananggalang laban sa kasamaan ay ang pananahan ni Kristo sa
puso sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Maliban
na tayo’y lubusang makaugnay sa Diyos, hindi natin kailan man malala-
banan ang hindi banal na mga bunga ng pag-ibig sa sarili, pagpapakabuyo sa
sarili, at tukso sa pagkakasala. Maaaring iwanan natin ang maraming
masasamang kasanayan, habang sa kabilang bahagi tayo ay nakikisama kay
Satanas; ngunit kung wala ang lubusang pakikiugnay sa Diyos, sa pamama-
gitan ng pagpapasakop ng ating mga sarili sa Kanya sa bawat sandali, tayo
ay magagapi. Kung wala ang personal na pagkakilala kay Kristo, at ang
patuloy na pakikipag-usap, tayo ay nasa kapangyarihan ng kaaway at
gagawin ang kanyang mga utos sa wakas.”—DA, p. 324.
b. Paano si Kristo mananahan sa aking puso? Juan 14:23.
42
Lunes Nobyembre 18
2. PAGTAKWIL SA KASIYAHANG-LOOB
a. Anong talinghaga ang naglalarawan ng panganib ng hindi pag-
anyaya kay Kristo na pumasok sa ating puso at ng hindi pakikiisa sa
Kanya? Mat. 12:43-45.
“Ang talinghaga ng isang lalaki kung saan pinalabas ang masamang
espiritu, na hindi nagpuno ng kanyang kaluluwa ng pag-ibig ni Kristo, ay
naglalarawan ng pangangailangan, hindi lamang ng pag-alis ng mga laman
ng puso, kundi ang paglalagay ng bakyum ng banal na pananahan. Ang
demonyo ay nagnasang bumalik sa puso kung saan siya ay pinalayas. Siya
ay dumating, at bagaman ito ay malinis at napapalamutian, nasumpungan
niya ito na nananatiling walang laman, at pumasok siya kasama ang pito
pang mga espiritu na higit na masama kaysa sa kanya, na ano pa’t ang
pinakahuling kalagayan ng lalaki ay higit na masama kaysa noon. Ang lalaki
sa talinghagang ito ay tumangging gawin ang gawain ni Satanas; ngunit ang
problema sa kanya ay matapos malinisan ang kanyang puso at napalamutian,
nabigo siyang anyayahan ang presensiya ng makalangit na panauhin. Hindi
sapat ang alisan ng laman ang puso; dapat tayong magkaroon ng bakyum na
puno ng pag-ibig ng Diyos. Ang kaluluwa ay dapat palamutian ng mga
biyaya ng Espiritu ng Diyos. Maaari nating iwanan ang maraming masasa-
mang kasanayan, ngunit hindi tunay na napabanal, sapagkat wala tayong
pakikiugnay sa Diyos. Dapat makiisa tayo kay Kristo.”—RH, Ene. 24, 1893.
b. Ano ang gagawin ni Jesus kung aanyayahan natin Siya sa ating puso?
Judas 24; Apoc. 3:20.
“Dapat mawala ang lahat sa ating sarili. Ngunit hindi ito ang lahat na
hinihingi; sapagkat pagka ating iniwanan ang ating mga diyusdiyusan,
kailangang maglagay tayo ng bakyum…. Habang inaalis mo sa puso ang
iyong sarili, dapat mong tanggapin ang katuwiran ni Kristo. Panghawakan
ito sa pamamagitan ng pananampalataya; sapagkat dapat kang magkaroon
ng isipan at espiritu ni Kristo, upang makagawa ka sa gawain ni Kristo.
Kung bubuksan mo ang pintuan ng puso, si Jesus ang maglalagay ng bak-
yum sa pamamagitan ng kaloob ng Kanyang Espiritu, at ikaw ay maaaring maging isang buhay na mangangaral sa iyong tahanan, sa iglesia, at sa sanglibutan.
Maaari mong ikalat ang liwanag, sapagkat ang maliwanag na mga sinag ng araw ng
katuwiran ay sumsikat sa iyo. Ang mapagpakumbaba mong buhay, ang banal mong
pakikipag-usap, ang iyong pagiging matuwid at malinis, ay maglalahad sa lahat ng
nakapalibot na ikaw ay anak ng Diyos, tagapagmana ng langit, na hindi mo ginaga-
wang tahanan ang sanglibutan, kundi ikaw ay manlalakbay at dayuhan lamang dito,
na naghahanap ng mas mainam na bansa, isang makalangit, na nabubuhay na may
isang paningin sa kaluwalhatian ng Diyos.”—Ibid., Peb. 23, 1892.
43
Martes Nobyembre 19
3. PAGTANGGAP
a. Paano tayo, na makasalang mga tao, magiging mga anak na lalaki at
babae ng Diyos? Juan 1:12, 13.
“Ang banal na pagiging anak ay hindi bagay na matatamo natin sa ating
mga sarili. Para lamang sa mga tumanggap kay Kristo bilang kanilang
Tagapagligtas ibinigay ang kapangyarihan upang maging mga anak na lalaki
at babae ng Diyos. Ang makasalan ay hindi magagawa sa anomang
kapangyarihan ng kanyang sarili, na iligtas ang sarili sa kasalanan. Sapagkat
ang pagsasakatuparan ng bungang ito, ay dapat hanapin niya sa mas mataas
na Kapangyarihan. Sinabi ni Juan, ‘Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-
aalis ng kasalanan ng sanglibutan’ (Juan 1:29). Si Kristo lamang ang may
kapangyarihan upang linisin ang puso. Siya na naghahanap ng kapatawaran
at pagtanggap ay magsasabi lamang—
‘Hindi sa aking sariling kakayahan;
Ako’y nakahawak sa Iyong krus lamang.’ Ngunit ang pangako ng
pagiging anak ay ginawa para sa lahat na ‘nananampalataya sa kanyang
pangalan.’ Bawat isa na lumalapit kay Jesus sa pananampalataya ay
tatanggap ng kapatawaran.”—SD, p. 12.
b. Paano tayo makakatanggap ng katuwiran mula sa Diyos? Juan 3:16;
Mar. 9:24; Roma 1:16, 17.
“Hindi sa pamamagitan ng masakit na pagpupunyagi o nakakapagod na
mga pagsisikap, hindi sa mga handog o mga pagpapakasakit, matatamo ang
katuwiran; kundi ito’y libring ipinagkakaloob sa bawat kaluluwa na
nagugutom at nauuhaw sa pagtanggap nito.”—MB, p. 18.
“Si Kristo ay gumawa ng daan ng pagtakas para sa atin. Siya ay nabuhay
sa lupa sa gitna ng mga pagsubok at mga tukso na katulad sa ating mga
makakaharap. Siya ay nabuhay ng buhay na walang kasalanan. Siya ay
namatay para sa atin, at ngayon Siya ay nag-aalok upang kunin ang ating
mga kasalanan at ibigay sa atin ang Kanyang katuwiran. Kung ibibigay mo
ang iyong sarili sa Kanya, at tanggapin Siya bilang Tagapagligtas, gaano ka
man kamakasalanan, alang-alang sa Kanya ikaw ay ibibilang na matuwid.
Ang ugali ni Kristo ay tumatayong kahalili ng iyong ugali, at ikaw ay
tatanggapin sa harapan ng Diyos na para bagang hindi ka nagkasala.
“Higit pa rito, binabago ni Kristo ang puso. Siya ay nananahan sa iyong
puso sa pamamagitan ng pananampalataya. Dapat mong panatilihin ang
ugnayang ito kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya at ang patuloy
na pagpapasakop ng iyong kalooban sa Kanya; at habang ginagawa mo ito,
Siya ay gagawa sa iyo sa kalooban at upang gawin ang ayon sa Kanyang
mabuting kaluguran.”—SC, pp. 62, 63.
44
Miyerkules Nobyembre 20
4. HIGIT PA SA PAGPAPATAWAD
a. Ano ang ipinangako ng Diyos na gagawin para sa mga tatanggap kay
Kristo bilang kanilang katuwiran? Eze. 11:19, 20; Mat. 5:8.
“Ang relihiyon ni Kristo ay nagbabago ng puso. Ginagawa nitong maka-
langit na isipan ang makasanlibutang isipan. Sa ilalim ng impluwensiya nito
ang makasariling tao ay nagiging hindi makasarili sapagkat ito ang ugali ni
Kristo. Ang hindi tapat, madayang tao ay nagiging matuwid, na ano pa’t
nagiging ikalawang likas niya na gawin sa iba kung ano ang nais niyang
gawin ng iba sa kanya. Ang napakasama ay nababago mula sa karumihan
tungo sa kadalisayan. Bumubuo siya ng bagong mga kasanayan, sapagkat
ang ebanghelyo ni Kristo ay naging samyo ng buhay sa ikabubuhay sa
kanya.”—5 T, p. 345.
b. Paano natin malalaman na ang mga salita ni Jesus, “Humayo ka, at
huwag nang magkasala,” ay nangangahulugan ng higit pa sa
pagpapatawad? Juan 5:14; 1 Juan 1:9.
“Ang rilihiyon ni Kristo ay nangangahulugan ng higit pa sa pagpapata-
wad ng kasalanan; ito’y nangangahulugan ng pag-alis ng ating mga
kasalanan, at pagpuno ng bakyum ng mga biyaya ng Banal na Espiritu. Ito’y
nangangahulugan ng banal na liwanag, kagalakan sa Diyos. Ito’y nanganga-
hulugan ng isang pusong inalis ang sarili, at pinagpala ng nananahang
presensiya ni Kristo. Kapag si Kristo ang naghahari sa kaluluwa, mayroong
kadalisayan, kalayaan mula sa kasalanan. Ang kaluwalhatian, ang
kalubusan, ang kaganapan ng plano ng ebanghelyo ay nagaganap sa buhay.
Ang pagtanggap sa Tagapagligtas ay nagdadala ng liwanag ng sakdal na
kapayapaan, sakdal na pag-ibig, sakdal na kapanatagan. Ang kagandahan at
halimuyak ng ugali ni Kristo na nahahayag sa buhay ay magpapatotoo na
ang Diyos ay nagsugo nga ng Kanyang Anak sa sanglibutan upang maging
Tagapagligtas nito.”—COL, p. 420.
k. Ano ang patunay na ang aking mga kasalanan ay napatawad na?
Luc. 7:47; Mat. 7:16-20; Gal. 5:22, 23.
“Kapag ang Panginoon ay nagsalita ng kapatawaran sa nagsisising
kaluluwa, siya ay puspos ng kataimtiman, puspos ng pag-ibig sa Diyos,
puspos ng kasigasigan at lakas, at ang nagbibigay-buhay na Espiritu na
kanyang natanggap ay hindi mapipigilan. Si Kristo sa Kanya ay isang balon
ng tubig na binubukalan ng walang hanggang buhay.”—RH, Mayo 5, 1896.
45
Huwebes Nobyembre 21
5. NANANAHAN KASAMA NI JESUS
a. Bakit sinikap ng taong iniligtas mula sa mga demonyo na manatiling
kasama ni Jesus? Awit 16:11; 51:11; Luc. 8:35.
“(Ang mga pinagaling na may demonyo) ay nagnais ng pakikisama ng
kanilang Tagapagligtas. Sa Kanyang presensiya ay nadarama nila ang
kaligtasan mula sa mga demonyo na nagpahirap sa kanilang buhay at sumira
sa kanilang pagkatao.”—MH, p. 98.
“Kapag tinanggihan ng mga tao ang paanyaya ng Tagapagligtas, ipinasa-
sakop nila ang kanilang sarili kay Satanas. Napakarami sa ibat-ibang sangay
ng buhay, sa tahanan, sa negosyo, at maging sa iglesia, ang gumagawa nito
ngayon. Dahil dito na ang mga karahasan at krimin ay lumaganap sa lupa, at
ang kadiliman ng moral, tulad ng lambong ng kamatayan, bumabalot sa mga
tahanan ng mga tao. Sa pamamagitan ng kanyang pakunwaring mga tukso
dinadala ni Satanas ang mga tao sa mas masama at higit pang masamang
mga kasamaan, hanggat ang sukdulang katampalasanan at pagkawasak ang
maging bunga. Ang tanging kaligtasan laban sa kanyang kapangyarihan ay masusumpungan sa presensiya ni Jesus. Sa harapan ng mga tao at mga anghel si
Satanas ay nahayag bilang kaaway at tagapagwasak ng mga tao; si Kristo, bilang
kaibigan at tagapagligtas ng tao. Palalaguin ng Kanyang Espiritu sa tao ang lahat na
magpaparangal ng ugali at magbibigay-dangal sa likas.”—DA, p. 341.
b. Bakit si Maria naupo sa paanan ni Jesus? Luc. 10:38, 39. Anong
kagandahan sa ugali ni Jesus ang umakit sa kanya? Isa. 40:11;
41:13; 42:3; Eze. 34:11, 15, 16, 23, 30, 31.
“Tuturuan ni Jesus ang Kanyang mga anak na dapat nilang hanapin ang
bawat pagkakataon na matamo ang kaalamang iyon na gagawin silang
pantas sa kaligtasan.”—2 SOP, p. 359.
Biyernes Nobyembre 22
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Ano ang ating magagawa upang labanan ang kasamaan sa ating
sarili?
2. Ano ang nangyayari sa sinomang hindi lubos na tumanggap kay
Jesus?
3. Paano natin matatanggap si Jesus?
4. Ano ang tiyak na mga bunga ng lubusang napatawad ng Diyos?
5. Bakit ang kagandahan ni Kristo lubhang kaakit-akit sa puso ng
makasalanan?
46
Leksiyon 9 Sabbath, Nobyembre 30, 2013
Panghahawak sa Katuwiran ni Kristo
“Tuminging matuwid ang iyong mga mata, at ang iyong mga
talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo. Bulaybulayin mo
ang daan ng iyong mga paa, at matatag ang lahat ng iyong mga lakad.
Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man: Ihiwalay mo ang iyong
paa sa kasamaan” (Kaw. 4:25-27).
“Ang pananahan ni Kristo sa ating puso sa pamamagitan ng
pananampalataya ay nangangahulugan ng pagbubulaybulay kay Kristo,
pagtitig kay Kristo, na patuloy na iniibig ang Tagapagligtas bilang
pinakapangunahing iginagalang na Kaibigan, upang sa anomang gawa ay
hindi natin Siya mapalungkot o mapagalit.”—TM, p. 387.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 77-83.
Linggo Nobyembre 24
1. ANG ATING DAKILANG PANGANGAILANGAN NGAYON
a. Ano ang matinding pangangailangan sa ating karanasan ngayon?
Mat. 5:3-11; 2 Ped. 1:5-11.
“Kailangan ngayon ang isang pagbangon ng taos pusong relihiyon tulad
sa karanasan ng matandang Israel. Ang pasisisi ang siyang unang hakbang
na dapat gawin ng lahat na nais bumalik sa Diyos. Walang sinoman ang
makakagawa ng gawaing ito para sa iba. Bawat-isa ay dapat pakumbabain
ang kaluluwa sa harapan ng Diyos at itakwil ang lahat nating mga
diyusdiyusan. Kapag nagawa na natin ang lahat nating magagawa, ipapakita
ng Panginoon sa atin ang Kanyang kaligtasan.”—CC, p. 145.
b. Paano natin mararanasan ang muling pagbangon? Gawa 3:19; Mat.
8:5-13.
“Dapat tayong lubos na umasa kay Kristo. Walang maitutulong sainyo
ang pagbigkas lamang ng katuwiran ni Kristo; dapat ninyo itong iangkop sa
pamamagitan ng buhay na pananampalataya. Dapat ninyong linangin ang
pananampalataya hanggat ang pananampalataya ang maging salaysay ng
inyong kaluluwa. Nawa’y tulungan tayo ng Diyos sa paglakad sa liwanag
tulad Niya na nasa liwanag.”—RH, Hulyo 2, 1889.
47
Lunes Nobyembre 25
2. ANG PANANAMPALATAYA AY PAGGAWA
a. Ano ang kahulugan ng iangkop ang katuwiran ni Kristo? 2 Cor. 5:21.
“Upang maibigay ang mga hinihingi ng kautusan, ang ating pananam-
palataya ay dapat panghawakan ang katuwiran ni Kristo, na tanggapin ito
bilang ating katuwiran. Sa pamamagitan ng pakikiisa kay Kristo, sa
pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng
pananampalataya, maaari tayong maging angkop na gumawa ng mga
gawain ng Diyos, na maging kamanggagawa ni Kristo.”—1 SM, p. 374.
“Ang tanging pananggalang laban sa masama ay ang pananahan ni
Kristo sa puso sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang katuwiran.
Dahil ang pagkamakasarili ay nananatili sa ating mga puso kaya ang tukso
ay may kapangyarihan laban sa atin. Ngunit kung ating tititigan ang
dakilang pag-ibig ng Diyos, ang pagkamakasarili ay makikita natin sa
kakilakilabot at nakakasuklam na katangian nito, at nanaisin natin na ito ay
palayasin mula sa kaluluwa. Habang niluluwalhati ng Banal na Espiritu si
Kristo, ang ating mga puso ay mapapalambot at masusupil, ang tukso ay
mawawalan ng kapangyarihan, at babaguhin ng biyaya ni Kristo ang ating
ugali.”—MB, p. 118.
b. Paanong ang pag-aangkop naiiba sa kapangahasan? Sant. 2:19, 20.
“Marami ang umaamin na si Jesukristo ang Tagapagligtas ng sanglibutan,
ngunit kasabay nito’y inilalayo nila ang kanilang sarili mula sa Kanya, at
bigong pagsisihan ang kanilang mga kasalanan, bigong tanggapin si Jesus
bilang kanilang personal na Tagapagligtas. Ang kanilang pananampalataya
ay pagsang-ayon lamang ng isipan at pagpapasya sa katotohanan; ngunit ang
katotohanan ay hindi dinala sa puso, upang pabanalin nito ang kaluluwa at
baguhin ang ugali.”—1 SM, pp. 389, 390.
“Kung nais mong makatayo sa panahon ng kabagabagan, dapat mong
makilala si Kristo, at iangkop ang kaloob ng Kanyang katuwiran, na
Kanyang ibinibilang sa nagsisising makasalanan.”—RH, Nob. 22, 1892.
“Dapat tayong lubos na umasa kay Kristo. Walang mabuting maibibigay
sa atin ang pagbigkas lamang ng katuwiran ni Kristo; dapat mong iangkop
ito sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya. Dapat mong linangin ang
pananampalataya hangga’t ang pananampalataya ang maging salaysay ng
iyong kaluluwa.”—Ibid., Hulyo 2, 1889.
“Ang tunay na pananampalataya ay iniaangkop ang katuwiran ni Kristo,
at ang makasalanan ay nagiging mananagumpay kasama ni Kristo; sapagka’t
siya ay ginawang kabahagi ng banal na likas, at ang kadiyusan at ang
sangkatauhan ay pinagsama.”—1 SM, pp. 363, 364.
48
Martes Nobyembre 26
3. ANG PANANAMPALATAYA AY DAPAT HUMAWAK SA
KATUWIRAN NI KRISTO
a. Paano maipapakita ang mga pagbabago sa ating buhay? 2 Cor. 10:5.
“Upang maging mga kandidato para sa langit dapat nating maabot ang
mga hinihingi ng kautusan: ‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng iyong
buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas, at ng
iyong buong isipan; at ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili’ (Luc. 10:27).
Magagawa lamang natin ito habang ating pinanghahawakan sa pamamagitan
ng pananampalataya ang katuwiran ni Kristo. Sa pagtitig kay Jesus tayo ay
nakakatanggap ng buhay, nagpapalawak na prinsipyo sa puso, at ang Banal
na Espiritu ay isinasagawa ang gawain, at ang mananampalataya ay
sumusulong mula sa biyaya tungo sa biyaya, mula sa lakas tungo sa lakas,
mula sa ugali tungo sa ugali. Nagiging kaayon siya sa wangis ni Kristo,
hangga’t sa espirituwal na paglago kanyang maabot ang sukat ng hangganan
ng taas ni Jesukristo. Sa gayon ginagawa ni Kristo ang hangganan ng sumpa
ng kasalanan, at pinalalaya ang sumasampalatayang kaluluwa mula sa
gawain at bunga nito.”—1 SM, p. 395.
“Sa pananahan sa pag-ibig ng Diyos at ng ating Tagapagligtas, sa
pagbubulaybulay ng kasakdalan ng banal na ugali at pag-angkin ng
katuwiran ni Kristo bilang atin sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo
ay mababago tungo sa katulad na wangis.”—5 T, p. 744.
“Ang pananahan ni Kristo sa ating puso sa pamamagitan ng pananam-
palataya ay nangangahulugan ng pagbubulaybulay kay Kristo, pagtitig kay
Kristo, na patuloy na iniibig ang Tagapagligtas bilang pinakapangunahing
iginagalang na Kaibigan, upang sa anomang gawa ay hindi natin Siya
mapalungkot o mapagalit.”—TM, p. 387.
b. Ano ang tunay na pananampalataya? Heb. 11:1.
“Ang pananampalataya na tungo sa kaligtasan ay hindi panandaliang
pananampalataya, hindi pagsang-ayon lamang ng isipan, ito’y paniniwala na
nag-ugat sa puso, na yumayakap kay Kristo bilang personal na
Tagapagligtas, na natitiyak na Siya’y makakapagligtas hanggang sa
sukdulan ng lahat na lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya. Ang
paniniwalang ililigtas Niya ang iba ngunit hindi ka Niya ililigtas ay hindi
tunay na pananampalataya; ngunit kung ang kaluluwa ay humawak kay
Kristo bilang tanging pag-asa ng kaligtasan, ang tunay na pananampalataya
ay nahahayag. Ang pananampalatayang ito ay nagdadala sa mayhawak nito
na ilagak ang lahat na pagmamahal ng kaluluwa kay Kristo; ang kanyang
pang-unawa ay nasa ilalim ng pangunguna ng Banal na Espiritu, at ang
kanyang ugali ay mahuhubog ayon sa banal na wangis.”—1 SM, p. 391.
49
Miyerkules Nobyembre 27
4. PAGBUBULAYBULAY NG KASAKDALAN NI KRISTO
a. Anong relasyon ang bunga ng pananampalataya na gumagawa sa
pamamagitan ng pag-ibig? Juan 15:8. Anong mga gawa ang bunga
ng pananampalataya? Heb. 11:29-34; Kaw. 4:25-27; 16:3.
“Naiisip ba natin ang isang mas malapit, higit na malalim na ralasyon
kay Kristo kaysa sa naitala sa mga salita: ‘Ako ang Puno, kayo ang mga
sanga’? (Juan 15:5). Ang mga hibla ng sanga ay halos kauri ng naroon sa
puno. Ang ugnayan ng buhay, lakas, at pamumunga mula sa puno hanggang
sa mga sanga ay hindi mahahadlangan at nagpapatuloy. Ang ugat ang
nagpapadala ng pagkain nito sa pamamagitan ng sanga. Gayon ang tunay na
relasyon ng mananampalataya kay Kristo. Siya ay nananahan kay Kristo at
kumukuha ng kanyang pagkain mula sa Kanya. “Ang espirituwal na relasyong ito ay maitatatag lamang sa pamamagitan ng
pagsasakabuhayan ng personal na pananampalataya. Ang pananampalatayang ito ay
dapat magpakita sa ating bahagi ng pinakamataas na pagkagusto, sakdal na
pagtitiwala, lubos na pagtatalaga. Ang ating kalooban ay dapat lubusang ipasakop
sa banal na kalooban, ang ating mga damdamin, mga mithiin, mga interes, at
karangalan ay makikilala sa paglago ng kaharian ni Kristo at sa karangalan ng
Kanyang gawain, tayo ay patuloy na tumatanggap ng biyaya mula sa Kanya, at si
Kristo ay tumatanggap ng pasasalamat mula sa atin.”—5 T, p. 229.
b. Paanong ang pananampalataya at pag-ibig mahalaga sa isat-isa? Gal.
5:6.
“Ang tanging pananampalataya na pakikinabangan natin ay yaong yumayakap
sa Kanya bilang personal na Tagapagligtas; na nag-aangkop ng Kanyang mga
merito sa ating mga sarili. Marami ang may pananampalataya bilang isang opinyon.
Ang nagliligtas na pananampalataya ay isang transaksiyon kung saan ang sinomang
tumanggap kay Kristo ay ipinapasok ang kanilang sarili sa tipanang relasyon sa
Diyos. Ang tunay na pananampalataya ay buhay. Ang buhay na pananampalataya
ay nangangahulugan ng paglago ng lakas, isang tapat na pagtitiwala, kung saan ang
kaluluwa ay nagiging isang mananagumpay na kapangyarihan.”—DA, p. 347.
“At ano ang kahulugan ng manampalataya? Ito ay ang lubusang tanggapin na si
Jesukristo ay namatay bilang ating handog; na Siya ay naging sumpa para sa atin,
inako ang ating mga kasalanan sa Kanyang sarili, at ibinilang sa atin ang Kanyang
sariling katuwiran. Kung kaya inaangkin natin ang katuwirang ito ni Kristo,
pinaniniwalaan natin ito, at ito ang ating katuwiran. Siya ang ating Tagapagligtas.
Iniligtas Niya tayo sapagkat sinabi Niyang gagawin Niya. Tayo ba’y tutungo sa
lahat ng mga paliwanag kung paanong maililigtas Niya tayo? May kabutihan ba sa
ating sarili upang gawin tayong mas mabuti at linisin tayo mula sa mga mantsa at
dumi ng kasalanan, na magbibigay sa atin ng kakayahan na lumapit sa Diyos? Hindi
natin ito magagawa.”—FW, p. 70.
50
Huwebes Nobyembre 28
5. ANG NAGLILIGTAS NA PANANAMPALATAYA AY ISANG
TRANSAKSIYON
a. Ipaliwanag ang ating bahagi sa plano ng kaligtasan. Mat. 7:7; Mar.
9:24; Efe. 2:8.
“Ang templo ng kaluluwa ay dapat sagrado, banal, dalisay, at malinis.
Dapat mayroong pagtutulungan kung saan ang lahat ng kapangyarihan ay sa
Diyos at lahat ng kaluwlhatian ay para sa Diyos. Ang tungkulin ay
nakaatang sa atin. Dapat nating tanggapin sa mga isipan at sa damdamin, na
ito’y ipahayag. Ang batas ng paggawa ng sangkatauhan at ng kadiyusan ay
ginagawang kamanggagawa ng Diyos ang tumanggap nito. Dinadala nito
ang tao kung saan siya makakagawa sa gawain ng Diyos, kapag nakiisa sa
kadiyusan. Ang sangkatauhan ay naidugtong sa sangkatauhan. Ang kapang-
yarihan ng Diyos at ng tao na pinagsama ay magiging sakdal na tagumpay,
sapagkat ang katuwiran ni Kristo ay ginaganap ang bawat bagay….
“Kung gagawin natin ang kalooban ng Diyos, matatanggap natin ang
malalaking pagpapala bilang libring kaloob ng Diyos, ngunit hindi dahil sa
anomang merito sa atin; ito ay walang halaga. Gawin mo ang gawain ni
Kristo, at iyong pararangalan ang Diyos at ikaw ay lalabas na higit pa sa
mananagumpay sa pamamagitan Niya na umiibig sa atin at nagbigay ng
Kanyang buhay para sa atin, upang tayo ay magkaroon ng buhay at
kaligtasan kay Jesukristo.”—FW, pp. 27, 28.
b. Maaasahan ba natin ang pagsang-ayon ng Diyos kung hindi tayo
magtitiwala sa Kanya? Heb. 11:6.
“Si Satanas ay handang agawin ang pinagpalang katiyakan ng Diyos.
Nais niyang kunin ang bawat kumukutikutitap na pag-asa at bawat sinag ng
liwanag mula sa kaluluwa; ngunit huwag mong pahintulutan siya na gawin
ito. Huwag kang makinig sa manunukso.”—SC, p. 53.
Biyernes Nobyembre 29
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Saan dinadala ng malinaw na pagkaunawa sa parusa sa pagsalang-
sang sa kautusan ng Diyos ang naligaw na kaluluwa?
2. Paano natin maiaangkop ang katuwiran ni Kristo?
3. Paano maipapakita ang pagbabago sa ating buhay?
4. Balik-aralan ang papel ng pananampalataya at pag-ibig sa paglago at
kahustuhang gulang ng Kristyano.
5. Ilarawan kung paano gumagawa ang sistema ng pananampalataya.
51
52
Leksiyon 10 Sabbath, Disyembre 7, 2013
Pagtamo ng Perlas ng Katuwiran
“Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang mangangalakal, na
naghahanap ng mabubuting perlas: at nang nasumpungan niya ang
isang mamahaling perlas, ay yumaon upang ipagbili ang lahat niyang
tinatangkilik, at binili yaon” (Mat. 13:45, 46).
“Hindi natin kikitain ang kaligtasan, ngunit kailangang hanapin natin ito
na may malaking interes at pagtitiyaga na para bagang ating iniiwan ang
bawat bagay sa sanglibutan para dito.”—COL, p. 117.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 85-91.
Linggo Disyembre 1
1. ANG MAMAHALING PERLAS
a. Paano natin mauunawaan ang “Mamahaling Perlas”? Mat. 13:45, 46.
“Si Kristo mismo ang mamahaling perlas…. Ang katuwiran ni Kristo,
bilang isang dalisay, puting perlas, ay walang kasiraan, walang mantsa.
Walang anomang gawa ng tao ang magpapaganda sa dakila at mahalagang
kaloob ng Diyos. Ito’y walang kapintasan.”—COL, p. 115.
b. Paano ang isang tao magtatamo ng mamahaling Perlas? Isa. 55:1-3.
Ano ang dapat isuko upang makuha ito? Zac. 3:4; Efe. 4:22-32.
“Ang kaligtasan ay isang libring kaloob, ngunit ito’y dapat bilhin at
ipagbili…. Ang pinakadukha ay may kakayahan tulad ng pinakamayaman
na bumili ng kaligtasan; sapagkat walang halaga ng makalupang kayamanan
ang makakabili nito. Ito’y matatamo sa pamamagitan ng kusang pagsunod,
sa pamamagitan ng pagsuko ng ating sarili kay Kristo bilang Kanyang
biniling pag-aari.”—Ibid., p. 117.
“O kung inyo sanang sasaliksikin ang Kasulatan na may pusong
mapanalanginin, at espiritu ng pagsuko sa Diyos! O kung sisiyasatin sana
ninyo ang inyong mga puso tulad ng pagsindi ng kandila, at tuklasin at
putulin ang pinakapinong hibla na gumagapos sainyo sa makasanlibutang
mga kasanayan, na naglalayo ng isipan mula sa Diyos!”—Mar. p. 48.
53
Lunes Disyembre 2
2. ANG PARAAN NG PAGBILI NG KATUWIRAN NI KRISTO
a. Ano ang ibig sabihin ng “pagbili” ng katuwiran? Paano ang katu-
wiran ni Kristo “mabibili”? Apoc. 3:18.
“Ang Tagapagligtas ay pumarito dala ang mga hiyas ng katotohanan na
napakalaki ng halaga kaysa sa lahat ng mga huwad, lahat ng hindi tunay.
Siya’y pumupunta sa bawat tahanan, sa bawat pintuan; Siya ay kumakatok,
na iniaalok ang Kanyang walang kasing halagang kayamanan, na iginigiit
na, ‘Bumili kayo sa akin.’”—7 SDA BC (E.G. White Comments), p. 964.
“Sa talinhaga ang perlas ay hindi sinasagisagan ng isang kaloob. Ang
mangangalakal ay binili ito sa halaga ng lahat niyang tinatangkilik. Marami
ang nagtatanong sa kahulugan nito, sapagka’t si Kristo ay sinasagisagan sa
Kasulatan bilang isang kaloob. Siya ay kaloob, ngunit para lamang sa mga
nagbigay ng kanilang sarili, kaluluwa, katawan, at espiritu, sa Kanya na
walang pasubali. Dapat nating ibigay ang ating sarili kay Kristo, na
mamuhay ng isang buhay ng kusang pagsunod sa lahat Niyang hinihingi.
Ang lahat sa atin, lahat ng ating mga talento at mga kakayahan, ay pag-aari
ng Panginoon, na dapat italaga sa paglilingkod sa Kanya. Kapag ibinibay
natin ng lubusan ang ating sarili sa Kanya, si Kristo, kasama ng lahat ng
kayamanan sa langit, ay ibibigay ang Kanyang sarili sa atin. Matatamo natin
ang mamahaling perlas.”—COL, p. 116.
b. Bakit kailangang tayo ay bumili kay Kristo ng buong puso? Jer.
29:11-13.
“Si Kristo’y pumupunta sa bawat pintuan, nakatayo sa harapan ng bawat
templo ng kaluluwa, nagsasabi, ‘Ako’y nakatayo sa pintuan, at kumakatok’
(Apoc. 3:20). Bilang isang makalangit na mangangalakal, binubuksan Niya
ang Kanyang mga kayamanan…. “Buksan ninyo ang inyong pintuan,’ sabi
ng dakilang Mangangalakal, ang mayhawak ng espirituwal na mga kayama-
nan, ‘at makipagkalakalan kayo sa Akin. Ako ito, ang inyong Manunubos,
na nagpapayo sainyo na bumali kayo sa Akin.’”—RH, Agos. 7, 1894. “Ang pag-uusap ng relihiyon sa karaniwang paraan, ang pananalangin na walang
pagkagutom ng kaluluwa at buhay na pananampalataya, ay walang kabuluhan. Ang
isang naturingan lamang na pananampalataya kay Kristo, na tumatanggap lamang sa
Kanya bilang Tagapagligtas ng sanlibutan, ay hindi kailan man magdadala ng kaga-
lingan sa kaluluwa. Ang pananampalatayang tungo sa kaligtasan ay hindi lamang
pagsang-ayon ng isipan sa katotohanan. Siya na naghihintay ng buong kaalaman
bago niya isakabuhayan ang pananampalataya ay hindi makakatanggap ng pagpa-
pala mula sa Diyos. Hindi sapat ang paniwalaan lamang ang tungkol kay Kristo;
Dapat tayong maniwala sa Kanya. Ang tanging pananampalataya na mapapakina-
bangan natin ay yaong yumayakap sa Kanya bilang personal na Tagapagligtas; na
iniaangkop ang Kanyang mga merito sa ating sarili.”—DA, p. 347.
54
Martes Disyembre 3
3. PAGBABAYAD PARA SA MAMAHALING PERLAS
a. Ano ang dapat maunawaan nating lahat—mayaman, dukha, yaong
mga tumanda na sa iglesia, at yaong mga tumanda na kasama ng
mga makasanlibutang mga tao—sa pagsisikap na bayaran ang
mamahaling Perlas? Kaw. 22:2; Gawa 10:34, 35.
“Iwanan na ang kaisipan na ang temporal o espirituwal na mga kapaki-
nabangan ay magbibigay sa inyo ng kaligtasan. Ang Diyos ay nananawagan
ng inyong kusang pagsunod. Hinihingi Niya sainyo na isuko ang inyong
mga kasalanan….
“Mayroong ilan na tila palaging naghahanap ng makalangit na perlas.
Ngunit hindi nila lubusang isinusuko ang kanilang maling mga kasanayan.
Hindi sila namamatay sa sarili upang si Kristo ay mabuhay sa kanila. Kung
kaya hindi nila masumpungan ang mamahaling perlas. Hindi nila
napananagumpayan ang hindi banal na mga ambisyon at ang kanilang pag-
ibig sa makasanlibutang mga pang-akit. Hindi nila pinapasan ang krus at
sumunod kay Kristo sa daan ng pagtanggi sa sarili at pagpapakasakit. Halos
mga Kristyano, ngunit hindi ganap na mga Kristyano, tila malapit na sila sa
kaharian ng langit, ngunit hindi sila makapasok doon. Ang halos ngunit
hindi ganap na ligtas, ay nangangahulugan ng hindi halos kundi ganap na
nawaglit.”—COL, pp. 117, 118.
b. Ano ang maaaring dahilan upang hindi tayo makabili? Luc. 9:24;
14:33; Sant. 4:10.
“Ilan ngayon, kung tatawagin upang magsulit, ay lubhang malulungkot,
lubhang magsisisi, na ang kanilang pagkakataong bigay ng Diyos ay lubos
na nagamit sa paglilingkod sa sarili! Ang walang hanggang interes ng
kaluluwa ay kakilakilabot na pinabayaan dahil sa hindi mahalagang mga
gawain. Ang isipan ay nanatiling abala, ayon sa ninanais ni Satanas na
mangyari, sa makasariling mga interes at mga walang kabuluhan, at ang
panahon ay lumilipas tungo sa walang hanggan na hindi lubos na
naiaangkop sa langit.
“Ano ang maihahambing sa pagkawala ng kaluluwa ng tao? Ito ay
katanungan na dapat pag-isipan ng bawat kaluluwa para sa kanyang sarili—
ang matamo ang mga kayamanan ng walang hanggang buhay o mawala ang
lahat dahil sa kanyang kapabayaan na gawin ang Diyos at ang Kanyang
katuwiran na kanyang una at tanging gawain. Si Jesus, ang Manunubos ng
sanglibutan… ay nakatingin na may kalungkutan sa malaking bilang ng mga
nagtatanyag na Kristyano na hindi naglilingkod sa Kanya kundi sa kanilang
mga sarili.”—TIMKH, p. 321.
55
Miyerkules Disyembre 4
4. PAGPAPAHALAGA SA HALAGA NG PERLAS
a. Bakit dapat ipagbili ng sinoman ang lahat upang mabili ang mama-
haling Perlas? Anong bagay ang dahilan na ito’y maging isang kapa-
kipakinabang na pakikipagkalakalan? Job 28:12-23; Kaw. 2:1-5.
“Ang Ebanghelyo ni Kristo ay isang pagpapala na maaaring makamit ng
lahat. Tinatanggap nito anoman ang kalagayan ng tao, dukha, aba, kaawa-
awa, bulag, at hubad. Ang tanging kondisyon na ipinakita ni Kristo sa lahat
ng lalapit sa Kanya upang madamtan ng Kanyang katuwiran ay pagtalima sa
Kanyang mga kautusan. At sa pamamagitan ng masunuring kaluluwa ang
kautusan ay nasusumpungang isang kautusan ng sakdal na kalayaan,
kalayaan upang panghawakan sa pamamagitan ng pananampalataya ang pag-
asa ng tiyak at matibay. Kapag ibinalik natin sa Diyos ang Kanyang pag-aari, kapag
nilabhan natin ang ating mga damit ng ugali, at paputiin sila sa dugo ng Kordero,
tayo ay magkakaroon ng karapatan sa makalangit na putong.”—ST, Dis. 15, 1898.
“Ano ang dapat nating isuko, kapag ibibigay natin ang lahat? Isang
pusong nadumhan ng kasalanan, upang dalisayin ni Kristo, upang linisin
Niya ng Kanyang sariling dugo, at upang iligtas ng Kanyang di-mapanta-
yang pag-ibig. Ngunit iniisip ng tao na mahirap na isuko ang lahat! Ako’y
nahihiya na marinig itong binibigkas, nahihiyang isulat ito.
“Hindi hinihingi ng Diyos sa atin na ibigay ang anomang bagay na
mahalagang manatili sa atin. Sa lahat Niyang ginagawa, may mabuti Siyang
pananaw sa Kanyang mga anak. Kung mauunawaan sana ng lahat na hindi
pumili kay Kristo na Siya ay may mga bagay na higit na mainam na iniaalok
sa kanila kaysa sa mga hinahanap nila para sa kanilang sarili.”—SC, p. 46.
b. Ano ang nagtutulak sa mamimili na “magbinta” upang “bumili”?
Paanong ang tungkulin nagiging “isang kaluguran at ang pagpapa-
kasakit ay kagalakan”? Bil. 21:8, 9; Mat. 13:44.
“Ang pagtanaw sa ating pagiging makasalanan ay nagtutulak sa atin tungo sa
(ating Tagapagligtas) na nagpapatawad; at kapag ang kaluluwa, sa pagkaunawa ng
kanyang kawalang kakayahan, ay humingi ng tulong kay Kristo, ipapakita Niya ang
Kanyang sarili sa kapangyarihan. Habang lalo tayong itinutulak ng ating pagkadama
ng pangangailangan tungo sa Kanya at sa salita ng Diyos, higit nating maitataas sa
ating pananaw ang Kanyang ugali, at higit nating maipapakita ang Kanyang
wangis.”—Ibid., p. 65.
“Kapag minsan nating ipako ang ating pagtingin kay (Jesus), masusumpungan
ng buhay ang sentro nito. Ang kasiglahan, ang masaganang pagtatalaga, ang nag-
aalab na puso, ng kabataan ay nasusumpungan dito ang kanilang tunay na layunin.
Ang tungkulin ay nagiging kaluguran at ang pagpapakasakit ay kagalakan. Ang
parangalan si Kristo, ang maging tulad Niya, ang gumawa para sa Kanya, ang
pinakamataas na ambisyon at pinakadakilang kagalakan ng buhay.”—Ed, p. 297.
56
Huwebes Disyembre 5
5. PAGKILALA SA HALAGA
a. Anong nangyayari kapag nakilala natin ang halaga ng Perlas? Gawa
2:37.
“Habang ipinahahayag ng mga apostol ang kaluwalhatian ng Bugtong na
Anak ng Ama, tatlong libong mga kaluluwa ang nabagbag. Nakita nila ang
kanilang mga sarili sa tunay na kalagayan, makasalanan at marumi, at si
Kristo bilang kanilang Kaibigan at Manunubos. Si Kristo ay itinaas, si
Kristo ay niluwalhati, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na
Espiritu na nananahan sa mga tao. Sa pamamagitan ng pananampalataya ang
mga mananampalatayang ito ay nakita Siya na Siyang tanging nagpasan ng
kababaan, pagtitiis, at kamatayan upang hindi sila mapahamak kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.”—COL, p. 120.
b. Ano ang nangyayari kapag ating naunawaan ang presyo at halaga ng
Perlas—napakalaki na dapat tayong magpasya na bilhin ito? Isa.
55:7; Fil. 3:7, 8.
“Kung iiwanan natin ang lahat para kay Kristo, ang ating buhay ay
magiging mapagpakumbaba, ang ating pag-uusap ay makalangit, ang ating
ugali ay walang kapintasan. Ang makapangyarihan, naglilinis na impluwen-
siya ng katotohanan sa kaluluwa, at ang ugali ni Kristo na ipinakita sa
buhay, ay pagpapahayag sa Kanya. Ang karangalan, katatagan, at pagtiti-
yaga ay mga katangian na dapat linangin ng masikap ng lahat; sapagkat
binabalot nila ang nagtataglay nito ng kapangyarihan na hindi kayang
labanan—isang kapangyarihan na nagpapalakas sa kanya upang gumawa ng
mabuti, malakas upang labanan ang kasamaan, malakas upang labanan ang
mga kaaway…. Ang sinomang naglagay ng kanilang sarili ng walang
pasubali sa panig ni Kristo ay tatayong matatag kung saan ang isipan at
konsiyensiya ay sinasabi sa kanila na iyon ang tama.”—GAG, p. 277.
Biyernes Disyembre 6
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Sino ang mamahaling Perlas?
2. Anong paraan ang kasangkot sa pagbili ng Perlas?
3. Ano ang paraan ng pagbili ayon sa Biblia? Ipaliwanag.
4. Bakit dapat ipagbili ng isang tao ang lahat para sa isang perlas?
5. Anong nangyayari sa ating puso kapag lubos nating pinahalagahan
ang halaga ng Perlas?
57
Leksiyon 11 Sabbath, Disyembre 14, 2013
Ang Ating Halaga Kay Kristo
“Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo’y nangasa pananam-
palataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman
sa inyong sarili, na si Jesukristo ay nasa inyo, maliban na nga kung
kayo’y itinakwil na? (2 Cor. 13:5).
“Sa liwanag ng krus lamang matataya ang tunay na halaga ng kaluluwa
ng tao.”—AA, p. 273.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 93-104.
Linggo Disyembre 8
1. PAGKAUNAWA SA ATING PANGANIB
a. Laban sa ano dapat tayong patuloy na magbantay upang maiwasang
mahulog mula sa biyaya? Jer. 17:9, 10; Kaw. 16:18; 1 Cor. 10:12.
“Si Kristo ay nagbigay ng mga paraan kung saan ang ating buong buhay
ay maging isang walang tigil na pakikipag-usap sa Kanyang sarili; ngunit
ang pagkadama ng nananahang presensiya ni Kristo ay darating lamang sa
pamamagitan ng buhay na pananampalataya….
“Lahat ay dapat magbulaybulay sa kasakdalan na pribilihiyo nilang
matamo at tanungin ang kanilang sarili ng katanungang, Ang akin bang
kalooban ay nailubog sa kalooban ni Kristo? Ang kalubusan ba at
kasaganaan ng Buhay na Puno—ang Kanyang kabutihan, ang Kanyang
habag, ang Kanyang awa at pag-ibig—ay nakikita sa aking buhay at
ugali?”—HP, p. 56.
b. Magbigay ng halimbawa ng tamang pananaw sa sarili at ng
pagpapasakop sa kalooban ni Jesus. 1 Cor. 9:26, 27; 15:30, 31; Mar.
7:14-23.
“Ang mahalagang gawain ay iayon ang mga panlasa, ang mga hilig, ang
mga motibo, ang mga mithiin, sa dakilang pamantayang moral ng
katuwiran. Ang gawain ay dapat magsimula sa puso. Ito’y dapat dalisay,
lubos na kaayon sa kalooban ni Kristo, kung hindi ang ilang malalakas na
hilig, o ang ilang kasanayan o kasiraan, ay magiging kapangyarihan upang
mangwasak. Hindi tatanggapin ng Diyos ang anomang kulang sa buong
puso.”—CE, p. 51.
58
Lunes Disyembre 9
2. PAGPAPALAGO NG ISANG TAMANG PANANAW
a. Ano ang maaaring humahadlang sa ating kakayahan na maglingkod
sa Diyos? Mat. 18:1-4.
“Ang sarili nating kalooban ay dapat mamatay; ang kalooban lamang ni
Kristo ang dapat sundin. Ang mga kawal sa mga sundalo ni Kristo ay dapat
matutong magtiis ng kahirapan, tumanggi sa sarili, magpasan ng krus, at
sumunod saan man ang kanyang Kapitan manguna. Maraming mga bagay
ang dapat gawin na mapanubok sa likas ng tao, at masakit sa laman at dugo.
Ang gawaing ito ng pagsupil sa sarili ay nangangailangan ng matiyaga,
patuloy na pagsisikap. Sa pakikibaka ng mabuting pakikibaka ng pananam-
palataya, sa pagtamo ng mahahalagang tagumpay, ating pinanghahawakan
ang walang hanggang buhay.”—YI, Dis. 22, 1886.
“Si Jesus ay nagbigay ng Kanyang buhay para sa buhay ng sanglibutan,
at Siya ay naglagay ng di-masukat na halaga sa tao. Mithiin Niya na
pahalagahan ng tao ang kanyang sarili, at isaalang-alang ang kanyang
hinaharap na kabutihan…. Kung malinaw ang espirituwal na pananaw, ang
mga di-nakikitang mga katotohanan ay makikita sa tunay nilang halaga.”—
COS, p. 136.
b. Ano ang kailangang mabago upang magkaroon tayo ng tamang
relasyon sa Diyos? Mat. 6:24; Kaw. 8:13.
“Sa ating likas tayo ay nakatuon sa ating sarili at matigas sa ating mga
palagay. Ngunit kapag natutunan natin ang mga aral na nais ituro ni Kristo
sa atin, tayo ay magiging kabahagi ng Kanyang likas; mula ngayon ating
ipamumuhay ang Kanyang buhay. Ang kahangahangang halimbawa ni
Kristo, ang di-mapantayang pagmamahal kung saan Siya ay pumapasok sa
damdamin ng iba, na tumatangis kasama ng mga tumatangis, nakikigalak sa
mga nagagalak, ay dapat magkaroon ng malalim na impluwensiya sa ugali
ng lahat na sumusunod sa Kanya sa katapatan. Sa pamamagitan ng
malalambing na salita at gawa kanilang sisikaping mapagaan ang daan ng
mga pagod na paa.”—MH, pp. 157, 158.
“May ilang nag-iisip na sa mga praktikal na pagiging Kristyano sila ay
may mataas na katalinuhan. Totoo man ito o hindi dapat itong ipakita sa
mga gawain ng buhay. Sila ba ay nakatuon sa sarili, o sila ba ay kinikilos ng
Banal na Espiritu ng katotohanan at katuwiran? Ang relihiyon ay dapat
maging isang buhay, gumagawang prinsipyo. Ang tanging nakakaakit ng
lahat na motibo ng tunay na Kristyano ay ang maipakita ang kabutihan at
pag-ibig ni Kristo.”—LLM, p. 318.
59
Martes Disyembre 10
3. TAYO AY MGA LINGKOD NA WALANG MERITO
a. Sa paghahanap sa Diyos, ano ang dapat nating isaisip? Sant. 4:6-10;
Luc. 17:10.
“Si Jesus ay naglilingkod sa presensiya ng Diyos, na inihahandog ang
Kanyang nabuhos na dugo, bilang isang korderong pinatay. Inihaharap ni
Jesus ang handog na iniaalay para sa bawat kasalanan at bawat pagkukulang
ng makasalanan.”—1 SM, p. 344.
“Nang si Kristo ay namatay sa krus ng Kalbaryo, ang bago at buhay na
daan ay binuksan kapuwa sa mga Hudyo at sa mga Gentil.
“Ang mga anghel ay nagagalak sa sigaw ng Tagapagligtas, ‘Natapos
na!’ Ang dakilang plano ng katubusan ay maisasakatuparan. Sa pamama-
gitan ng buhay ng pagtalima, ang mga anak ni Adan ay maitataas sa wakas
sa presensiya ng Diyos.”—TSJ, p. 147.
“Ang kasakdalan sa pamamagitan ng ating sariling mabubuting gawa ay
hindi natin matatamo. Ang kaluluwa na nakakakita kay Jesus sa pamama-
gitan ng pananampalataya, ay nagtatakwil ng kanyang sariling katuwiran.
Nakikita niya ang kanyang sarili na hindi ganap, ang kanyang pagsisisi ay
hindi sapat, ang pinakamalakas niyang pananampalataya ay mahina, ang
pinakamamahalin niyang handog ay napakaliit ang halaga, at siya ay
lumulubog sa kapakumbabaan sa paanan ng krus. Ngunit isang tinig ang
nagsasalita sa kanya mula sa salita ng Diyos. Sa pagkamangha kanyang
pinakinggan ang mensahe, ‘Ikaw ay ganap sa Kanya’ (Col. 2:10). Ngayon
ay may kapahingahan ang lahat sa kanyang kaluluwa. Hindi na siya magsisi-
kap upang masumpungan ang ilang halaga ng kanyang sarili, ilang may
merito na mga gawa upang matamo ang pagpapala ng Diyos.”—FW, p. 107.
b. Ano ang dapat nating palaging alalahanin tungkol sa kaligtasan? 1
Cor. 1:27-31.
“Ang siyensiya ng kaligtasan ang siyang dapat na bigat ng bawat
sermon, ang diwa ng bawat awit. Dapat itong ibuhos sa bawat pagsamo.
Walang dapat na madala sa pangangaral ng Salita upang punuan si Kristo,
ang Salita at kapangyarihan ng Diyos. Ang Kanyang pangalan, ang tanging
pangalan na ibinigay sa ilalim ng langit na sukat nating ikaligtas, ay dapat
itaas sa bawat talumpati, at sa bawat Sabbath ang pakakak ng mga bantay ay
dapat magbigay ng tiyak na tunog. Si Kristo ang siyang siyensiya at
kagalingan sa pananalita ng ebanghelyo, ang Kanyang mga ministro ay
dapat manghawak sa Salita ng buhay, na inihaharap ang pag-asa sa nagsisisi,
kapayapaan sa may kabagabagan at nanlulupaypay, at biyaya at kaganapan
at lakas sa naniniwala.”—TVSS, p. 337.
60
Miyerkules Disyembre 11
4. PAGTAMO NG MAS MALALIM NA PANANAW
a. Ano ang iniutos sa atin upang gawin tungkol sa ating sariling
espirituwal na kalagayan? Gal. 6:4; 2 Cor. 13:5.
“Ang malaking karamihan ay maaaring nadaya tungkol sa kanilang
espirituwal na kalagayan. Kay Kristo tayo ay magtatagumpay. Sa Kanya
tayo ay may sakdal na Halimbawa. Habang kinapopootan Niya ang kasa-
lanan ng sakdal na poot, maaari Siyang umiyak para sa makasalanan. Taglay
Niya ang banal na likas, habang Siya ay may kapakumbabaan ng isang bata.
Naroon sa Kanyang ugali ang mga dapat mapasa ating mga ugali, hindi
nagbabagong pagtitiyaga sa daan ng tungkulin, kung saan walang mga
hadlang o panganib ang maglilihis sa Kanya, habang ang Kanyang puso ay
puno ng habag na ang kaabahan ng sangkatauhan ay humipo sa Kanyang
puso ng pinakamapagmahal na kahabagan.”—TDWG, p. 279.
b. Paano tayo nakikita ng Diyos kaugnay ng Kanyang kautusan at sa
hinihingi nitong hustisya? Isa. 63:5, 8, 9; 1 Ped. 1:18, 19; Roma 5:8-10.
“Ang kautusan ng Diyos ay nalabag. Ang banal na pamahalaan ay
nilapastangan, at hiningi ng hustisya na ang parusa ng pagsalangsang ay
bayaran.
“Upang iligtas ang lahi mula sa walang hanggang kamatayan, ang Anak
ng Diyos ay nagkusa upang pasanin ang parusa ng pagsalangsang. Sa
pamamagitan lamang ng pagpapakumbaba ng Prinsipe ng langit maaalis ang
paglapastangan, masasapatan ang hustisya, at ang tao ay maibabalik sa mga
bagay na nawala sa kanya dahil sa paglabag. Wala ng iba pang paraan. Kung
ang anghel ang pumarito sa lupa, upang daanan ang lupa kung saan si Adan
ay natisod at nadapa, ay hindi makakasapat. Ito ay hindi makakaalis ng isa
mang mantsa o kasalanan, o magbigay sa tao ng isang oras na pagkakataon.
“Si Kristo, kapantay ng Diyos, ang liwanag ng kaluwalhatian ng Ama, at
ang larawan ng kanyang persona’ (Heb. 1:3), tinakpan ang Kanyang
kadiyusan ng pagiging tao, at pumarito sa lupa upang magdusa at mamatay
para sa mga makasalanan. Ang bugtong na Anak ng Diyos ay nagpakababa
ng Kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa
kamatayan sa krus. Sa pamamagitan ng pagpasan sa Kanyang katawan ng
sumpa ng kasalanan, Siya ay naglagay ng kaligayahan at kawalang
kamatayan na abot-kamay ng lahat….
“Kung nauunawaan natin na ang Kanyang paghihirap ay kinakailangan
upang matamo ang walang hanggang kabutihan, ang ating puso ay
makikilos at matutunaw.”—1 SM, pp. 308, 309.
61
Huwebes Disyembre 12
5. KAPALALUAN KABALIKTARAN NG KAPAKUMBABAAN
a. Ano ang mga kaibahan sa pagitan ng kapalaluan, kapakumbabaan,
at habag sa sarili? Dan. 4:29-33; Sant. 4:13-16; Gen. 27:34.
“Sa pag-ibig sa sarili, pagtataas ng sarili, at kapalaluan, ay may
malaking kahinaan; ngunit sa kapakumbabaan ay may dakilang
kalakasan…. Sa ating paghihiwalay sa Diyos, sa ating kapalaluan at
kadiliman, patuloy nating sinisikap na itaas ang ating sarili, na nalilimutang
ang kababaan ng isipan ay kapangyarihan.”—ST, Okt. 21, 1897.
b. Bakit bigo ang bayan ng Diyos na sundin ang Kanyang kalooban
noong mga nakaraan? Bil. 13:30-14:4; 1 Sam. 17:4-11, 24; 1 Hari
19:1-18. Sa halip, paano tayo magiging masunurin?
“Ang sigasig at lakas ay dapat mapasidhi; ang mga talentong kinakala-
wang na ay dapat hasain sa paglilingkod. Ang tinig na magsasabi, ‘Hintay;
huwag ninyong pahintulutan ang inyong sarili na magkaroon ng kabigatan
na ipatong sainyo,’ ay tinig ng duwag na mga tiktik. Kailangan natin ang
mga Caleb ngayon na susulong sa harapan—mga pinuno ng Israel na sa may
katapangang salita ay magbibigay ng malakas na balita sa panig ng agarang
pagkilos. Kapag ang makasarili, maibigin sa kagaanan, madaling
matarantang mga tao, na natatakot sa matatangkad na mga higante at di-
mapasok na mga pader, ay sumigaw para sa pag-urong, hayaang ang tinig
ng mga Caleb ang marinig, kahit na ang mga duwag ay nakatayong may
hawak na bato sa kanilang mga kamay, at handa silang batuhin dahil sa
kanilang matapat na mga patotoo.”—5 T, p. 383.
Biyernes Disyembre 13
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Sa ano ang Kristyano dapat patuloy na magbantay?
2. Paano ang isang tao magpapalago ng isang tamang pananaw?
3. Karapatdapat ba tayo sa kaligtasan?
4. Paano ako tumatayo kaugnay sa krus ni Kristo?
5. Ano ang madalas nating kinalilimutan tungkol sa kapalaluan na
kasalungat ng kapakumbabaan?
62
Leksiyon 12 Sabbath, Disyembre 21, 2013
Nabubunay Para kay Kristo
“Hindi ba ninyo alam na ang mga liko ay hindi magmamana ng
kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya: maging ang mga mapaki-
apid, ni ang mga sumasamba sa diyusdiyusan, ni ang mga manganga-
lunya, ni ang mga nambababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa
lalaki, ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga
manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay
hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. At ganyan ang mga ilan sa
inyo: ngunit nahugasan na kayo, ngunit pinabanal na kayo, ngunit
inaring ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesukristo, at sa
Espiritu ng ating Diyos” (1 Cor. 6:9-11).
“Ang pagtatalaga, pagkamakadiyos, at pagpapakabanal ng buong
pagkatao ay nagmumula kay Jesukristo ang ating katuwiran. Ang pag-ibig
ng Diyos ay kailangang patuloy na linangin. O ang aking puso ay sumisigaw
sa buhay na Diyos para sa isipan ni Jesukristo! Nais kung mawala ang aking
paningin sa aking sarili.”—TIMKH, p. 55.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 105-113.
Linggo Disyembre 15
1. PAGBABAGO SA PAMAMAGITAN NI KRISTO
a. Anong pagbabago ang nagaganap sa ating buhay kapag ating tinang-
gap si Jesukristo? Juan 14:23; 1 Juan 2:3-6; 4:15-21.
“Kung tayo’y nakay Kristo, ang ating isipan ay nasa Kanya, at ang
pinakamasayang isipan natin ay sa Kanya. Lahat ng nasa atin ay naitalaga sa
Kanya.”—SC, p. 58.
“Kapag si Kristo ay nananahan sa puso, ang buong likas ay nababago.
Ang Espiritu ni Kristo, ang Kanyang pag-ibig, ay pinalalambot ang puso,
sinusupil ang kaluluwa, at itinataas ang isipan at mithiin tungo sa Diyos at
langit.”—Ibid., p. 73.
“Dapat maunawaan ng bawat isipan ang puntong ito: kung tatanggapin
natin si Kristo bilang isang Manunubos, dapat natin Siyang tanggapin bilang
isang Pinuno. Hindi tayo magkakaroon ng katiyakan at sakdal na pagtitiwala
kay Kristo bilang ating Tagapagligtas hanggat makilala natin Siya bilang
ating hari at maging masunurin sa Kanyang kautusan. Sa gayon ating
pinatutunayan ang ating katapatan sa Diyos. Mayroon na tayong tunay na
buklod ng ating pananampalataya, sapagkat ito’y isang pananampalatayang
gumagawa. Ito’y gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig.”—FW, p. 16.
63
Lunes Disyembre 16
2. ANG USAPIN AY NAKATAYA
a. Ilarawan kung paanong ang kahangahangang gawain ng pagbabago
sa pamamagitan ni Kristo ay kinasasangkutan ng patuloy na
pakikibaka? Efe. 6:12, 13; 1 Ped. 5:6-10.
“Sa bawat kaluluwa dalawang kapangyarihan ang masikap na nagpu-
punyagi para sa tagumpay. Ang di-pagsampalataya ay inihanda ang kanyang
puwersa, pinamumunuan ni Satanas, upang ihiwalay tayo mula sa Bukal ng
ating lakas. Oras oras, sa paningin ng makalangit na sansinukob, ang
labanan ay nagpapatuloy. Ito ay mano-manong labanan, at ang dakilang
katanungan ay, ‘Sino ang mananalo? Bawat isa ay dapat magpasya para sa
sarili sa katanungang ito. Sa labanang ito lahat ay dapat makibahagi, na
nakikibaka para sa isang panig o sa kabila. Sa labanang ito ay walang
makakalaya.”—SD, p. 328.
“Kung ang ating mga mata ay mabubuksan upang makita ang mga
kasangkapan ng kabutihan at kasamaan na gumagawa, hindi sana magkaka-
roon ng pagsasayang, walang pag-aaksaya, walang pagbibiro. Kung
isasakbat lamang ng lahat ang sandata ng Diyos at makipaglaban ng buong
tapang sa pakikibaka ng Panginoon, ang mga tagumpay ay matatamo na
magiging sanhi upang mangatal ang kaharian ng kadiliman.”—6 T, p. 41.
“Ang pagsubok ay dumating sa bawat isa. May dalawang panig lamang.
Saang panig ka?”—8 Ibid., p. 120.
b. Ano ang pinakamamahaling bagay sa sanlibutan—at paano
nahahayag ang halaga nito? Roma 6:23 (unang bahagi); Heb. 9:27.
“Hindi ba natin nauunawaan na ang pinakamamahaling bagay sa sanli-
butan ay kasalanan? Ito ay gumugugol ng kadalisayan at konsiyensiya,
kasing halaga ng pagkawala ng pagpanig ng Diyos at paghihiwalay ng
kaluluwa mula sa Kanya, at sa huli ay pagkawala ng langit…. Anong
tanawin ang ipakikita kapag ang paghatol ay itakda na at ang mga aklat ay
mabuksan na upang magpatotoo sa kaligtasan o sa kapahamakan ng
kaluluwa! Ito’y nangangailangan ng hindi nagkakamaling pagpasya ng
Isang namuhay sa sangkatauhan, umibig sa sangkatauhan, nagbigay ng
Kanyang buhay sa sangkatauhan, upang gumawa ng pangwakas na
paggawad ng mga gantimpala sa mga matatapat na matuwid, at kaparusahan
sa… mga taksil, at mga liko.
“Ang gawain ng kaligtasan ay nakalatag sa pagitan ng Diyos at ng ating
sariling mga kaluluwa. Bagaman ang lahat ng bansa ay dadaan sa kahatulan
sa harapan Niya, Kanyang sisiyasatin ang kaso ng bawat isa ng napakahigpit
na pagsisiyasat na para bagang walang ibang tao sa lupa.”—HP, p. 360.
64
Martes Disyembre 17
3. BUHAY NA PANANAMPALATAYA
a. Ilarawan ang kalakasan ng pananampalataya na kinakailangan sa
kaligtasan. Luc. 10:27.
“Anomang bagay na mas mahina sa buhay, masikap na paglilingkod para
sa Panginoon ay pagsisinungaling sa ating pagtanyag ng pananampalataya.
Tanging ang Kristiyanismo lamang na nahahayag sa pamamagitan ng
masikap, praktikal na paggawa ang gigising sa mga patay sa pagkakamali at
kasalanan. Ang mapanalanginin, mapagpakumbaba, nananampalatayang
Kristyano, yaong mga nagpapakita sa kanilang gawa na ang kanilang
pinakadakilang mithiin ay ang ipaalam ang nagliligtas na katotohanan na
siyang susubok sa lahat ng tao, ang mag-aani ng masaganang ani ng mga
kaluluwa para sa Panginoon….
“Tayo ay gumagawa ng gawain sa sanlibutan, ngunit hindi tayo
nagpapakita ng sapat na kasiglahan at kasigasagian. Kung tayo’y lalo pang
magsumikap, ang mga tao ay mahihikayat sa katotohanan ng ating
mensahe…. Maaari nating isagawa ang lahat ng panlabas na gawain ng
paglilingkod ngunit maaaring salat pa rin sa nagpapalakas na impluwensiya
ng Banal na Espiritu tulad ng mga burol sa Gilboa na salat sa hamog at ulan.
Lahat tayo ay nangangailangan ng espirituwal na tubig, at kailangan din
natin ang liwanag ng sikat ng Araw ng Katuwiran upang palambutin at
supilin ang ating mga puso…. Ang prinsipyo ng biblia ay dapat ituro at
samahan ng banal na mga gawa.”—6 T, pp. 417, 418.
b. Paano malinaw na inilarawan ni Jesus ang mahigpit na pagbabago
na nais Niyang makita sa atin? Juan 3:5-7.
“Ang unang mga daan, ang mga namanang mga hilig, ang dating mga
kasanayan, ay dapat isuko; sapagkat ang biyaya ay hindi namamana. Ang bagong
isinilang ay binubuo ng pagkakaroon ng bagong mga motibo, bagong mga panlasa,
bagong mga hilig. Sinomang isinilang sa isang bagong buhay ng Banal na Espiritu
ay nagiging kabahagi ng banal na likas, at sa lahat nilang kasanayan at mga gawain
ay patutunayan nila ang kanilang relasyon kay Kristo.”—RH, Abril 12, 1892.
“Gawin ng lahat ng nagnanais ng bagong bagay na magsikap para sa bagong
buhay na bunga ng bagong pagsilang. Dalisayin nila ang kanilang kaluluwa sa
pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan, at gumawang kaayon sa mga tagubilin
na ibinigay ni Kristo sa isang abogado na nagtanong kung ano ang kanyang
gagawin upang magtamo ng walang hanggang buhay:
“ ‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong
buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas, at ng iyong buong isip; at ang iyong
kapuwa tulad ng iyong sarili.’ ‘Gawin mo ito, at ikaw ay mabubuhay’ (Luc. 10:27,
28). Ang lahat ng mag-aayon ng kanilang buhay sa malinaw na mga hinihingi ng
salita ng Diyos ay magmamana ng buhay na walang hanggan.”—2 NL, p. 164.
65
Miyerkules Disyembre 18 4. LAHAT AY SA DIYOS
a. Anong kaisipan ang dapat panatilihin sa ating isip? 1 Cro. 29:14.
“Bawat kaanib ng pamilya ng tao ay ibinigay ng lubusan sa kamay ni
Kristo, at anoman ang ating tinatangkilik—maging ito’y kaloob na salapi,
mga bahay, mga lupain, o karunungan sa pangangatwiran, o kalakasan ng
katawan, o katalinuhan ng isip—sa buhay na ito, at ang pagpapala sa hina-
harap na buhay, ay inilagay sa ating pag-aari bilang kayamanan ng Diyos na
dapat gugulin na may katapatan para sa kapakanan ng tao. Bawat kaloob ay
may tatak ng krus at nagdadala ng larawan at tatak ni Jesukristo. Lahat ng
bagay ay buhat sa Diyos. Mula sa pinakamaliit na pakinabang hanggang sa
pinakamalaking pagpapala, lahat ay dumadaloy sa iisang Daluyan—ang di-
pangkaraniwang pamamagitan na iwinisik kasama ng dugo na ang halaga ay
hindi mataya sapagkat iyon ay buhay ng Diyos sa Kanyang Anak….
“Wala tayong pag-aari, wala tayong maihahandog na mahalaga, sa
gawa, sa pananampalataya, na hindi muna natin natanggap mula sa Diyos at
kung saan maaari niyang ipatong ang Kanyang kamay at sabihin, Akin ang
mga ito—mga kaloob at mga pagpapala at mga katalinuhan ay Aking
ipinagkakatiwala sa inyo, hindi upang payamanin ang sarili, kundi sa
matalinong pagpapalago upang makinabang ang sanlibutan.”—FW, p. 22.
b. Paano makakaapekto ang katotohanang ito sa ating mga ugali?
Roma 2:1-4; 1 Cor. 6:9-11.
“Hindi ka magkakaroon ng kaisipan kung wala si Kristo. Hindi ka
magkakaroon ng hilig na lumapit sa Kanya malibang pakilusin Niya ang
mga impluwensiya at ikintal ang Kanyang Espiritu sa isipan ng tao….
“Kung kaya huwag mo kaming utusang magsabi na kami ay maaaring
magsisi sa aming sarili, at kami ay patatawarin ni Kristo. Tunay na hindi.
Ang biyaya ng Diyos ang nagpapatawad. Ang biyaya ng Diyos ang nagda-
dala sa atin sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan sa pagsisisi. Kung
kaya, ang lahat ay kay Jesukristo, bawat bagay ay sa Kanya, at nais ninyong
ibalik lamang ang kaluwalhatian sa Diyos. Bakit hindi kayo tumutugon ng
higit kapag kayo ay nagsasamasama sa inyong mga pagpupulong? Bakit
wala sainyo ang nagpapasiglang impluwensiya ng Espiritu ng Diyos kapag
ipinangangaral sainyo ang pag-ibig ni Jesus at ang Kanyang kaligtasan?
Ito’y dahil sa hindi ninyo nakikita na si Kristo ang siyang una, ang huli, at
ang pangunahin, at ang Alpa at ang Omega, ang pasimula at ang wakas, ang
May-akda at ang Tatapos ng ating pananampalataya.”—Ibid., p. 73.
66
Huwebes Disyembre 19
5. PAGSUNOD SA MGA YAPAK NG ATING PANGINOON
a. Ipaliwanag ang krus sa ating araw-araw na buhay. Efe. 2:11-18;
Mat. 16:24, 25.
“Huwag mong tingnan ang hinaharap na maginhawang panahon, kapag
ang krus na dapat pasanin ay mas magaan, kapag ang hilig ng mahalay na
puso ay masupil ng kaunting pagsisikap. ‘Ngayon,’ sabi ng Espiritu ng
Diyos, ‘kung marinig mo ang Kanyang tinig, huwag mong pagmatigasin ang
iyong puso.’ Ngayon ikaw ay humayo upang gumawa, kung hindi maaaring
dumating ang isang araw na ikaw ay huling-huli na.”—RH, Nob. 2, 1886.
b. Hindi natin maaaring kitain ang kaligtasan—ito’y matatamo lamang
sa pamamagitan ng mga merito ni Kristo—gayon pa man ano ang
iniutos sa atin? Fil. 2:12, 13.
“Hindi ibinigay sa atin, mahina, marupok na tao na hanapin ang ating
sariling kaligtasan sa ating sariling daan. Si Kristo ang gumagawa sainyo. At
ito ang pribilihiyo ng bawat anak na lalaki at babae ni Adan. Ngunit dapat
tayong gumawa. Hindi tayo dapat maging tamad. Tayo ay inilagay sa mun-
dong ito upang gumawa. Hindi tayo inilagay dito upang maghalukipkip.”—
TDWG, p. 72.
“Hindi ninyo matatamasa ang pagpapala (ng Diyos) kung walang
anomang pagkilos sa inyong bahagi. Ang kaligtasan ay kaloob na iniaalok
sa inyo ng libre; na walang anomang kondisyon upang matamo ito, tulad ng
isang libring kaloob. Ngunit ang pakikipagtulungan sa inyong bahagi ay
mahalaga sa inyong kaligtasan…. Tayo ay araw-araw na nagsasagawa ng
ating kahihinatnan. Mayroon tayong isang putong ng buhay na dapat
matamo, isang impiyerno na dapat itakwil.”—RH, Agos. 25, 1891.
Biyernes Disyembre 20
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Ipaliwanag ang pagbabago na dumarating kapag ating tinanggap si
Kristo bilang Panginoon ng ating buhay.
2. Ano ang pinakamamahaling bagay sa sanlibutan—at bakit?
3. Ilarawan ang mga bunga ng tunay na pagsisisi at pagkahikayat.
4. Ipaliwanag kung gaanong lawak ang naaabot ng mahalagang
katotohanan na si Kristo ang lahat-lahat.
5. Ano ang ating magagawa at hindi magagawa para sa ating
kaligtasan?
67
Leksiyon 13 Sabbath, Disyembre 28, 2013
Lumalakad na Kasama ni Jesus
“Dahil inyong tinanggap si Jesukristo na Panginoon, magsilakad
nga kayo sa kanya: na nakaugat at naitatag sa kanya, at mapatibay
kayo sa pananampalataya, ayon sa itinuro sa inyo, na managana doon
na may pagpapasalamat” (Col. 2:6, 7).
“Kailangan ng sanlibutan ngayon kung ano ang kailangan noong labing-
siyam na daantaon na ang lumipas—ang pagpapahayag kay Kristo. Ang
dakilang gawain ng pagbabago ay kinakailangan, at sa pamamagitan lamang
ng biyaya ni Kristo na ang gawain ng pagsasauli, katawan, isipan, at
espirituwal, ay maisasakatuparan.”—MH, p. 143.
Mungkahing Babasahin: Steps to Christ, pp. 115-126.
Linggo Disyembre 22
1. ANG DIYOS AY NANANAWAGAN SA ATIN
a. Ilarawan ang mithiin ng Diyos para sa atin sa Kanyang gawain ng
pagsasauli. Luc. 15:4.
“Plano ng Diyos na ang Kanyang pangalan ay igalang sa harapan ng
makalangit na sansinukob. Ang buong lupa ay dapat magpakita ng Kanyang
walang hanggang kaluwalhatian. Siya ay nagtitipon mula sa lupang ito ng
isang bayan para sa Kanyang sarili. Ang Kanyang kalooban ang batas ng
sansinukob. Nananawagan Siya sa bawat tao na makipagtulungan sa Kanya.
Ngunit hindi Siya namimilit sa sinoman. Kanyang inilagay ang kahihinatnan
ng tao sa Kanyang sariling mga kamay, na sinasabi sa kanya na ang
kapakanan ng kanyang hinaharap ay nakabatay sa kanyang pagpili. Upang
maligtas, dapat siyang makipagtulungan sa Diyos sa Kanyang gawain ng
pagsasauli.”—18 MS, p. 271.
“Ang pinakamalakas na katibayan ng pagkahulog ng tao mula sa mas
mataas na kalagayan ay ang katotohanan na napakalaki ng kinakailangan
upang ibalik ito. Ang daan ng pagbabalik ay matatamo lamang sa pamama-
gitan ng matinding pakikibaka, bawat pulgada, bawat oras. Sa pamamagitan
ng panandaliang pagkilos ng kalooban, ang isang tao ay maaaring mailagay
ang kanyang sarili sa kapangyarihan ng kasamaan; ngunit ito’y nangangaila-
ngan ng higit pa sa panandaliang pagkilos ng kalooban upang wasakin ang
mga tanikalang ito at matamo ang mas mataas, mas banal na buhay. Ang
layunin ay maaaring mabuo, ang gawain ay sinimulan; ngunit ang pagsasa-
katuparan nito ay nangangailangan ng pagpapagod, panahon, at pagtitiyaga,
pagtitiis, at sakripisyo.”—8 T, p. 313.
68
Lunes Disyembre 23
2. ISANG PAGTATALAGA UPANG MAGLINGKOD
a. Ano ang iniaalok ng Panginoon upang maranasan ng Kanyang
bayan ngayon? Job 22:21, 22; 1 Ped. 1:21-25.
“Ang pagkakilala sa Diyos ang siyang saligan ng lahat ng edukasyon at
lahat ng tunay na paglilingkod. Ito lamang ang tunay na panlaban sa tukso.
Ito lamang ang may kakayahang gawin tayong tulad ng Diyos sa ugali.
“Ito ang kaalamang kailangan ng lahat na gumagawa upang iangat ang
kanilang kapuwa. Ang pagbabago ng ugali, kadalisayan ng buhay, bisa sa
paglilingkod, pagsunod sa tamang mga prinsipyo, ay lahat nakabatay sa
tamang pagkakilala sa Diyos. Ang kaalamang ito ang siyang mahalagang
paghahanda kapuwa sa buhay na ito at sa darating na buhay.”—MH, p. 409.
“Ang pagsasakabuhayan ng mga prinsipyo ng pag-ibig na itinuro ni
Kristo sa pamamagitan ng mga alituntunin at halimbawa ang gagawa upang
ang karanasan ng bawat isa na sumusunod sa kanya ay maging tulad sa
karanasan ni Kristo.”—RH, Ene. 15, 1895.
b. Ano ang dapat nating matutunan mula sa lalim ng pagtatalaga at
pagpupunyagi ng mga alagad sa kanilang mithiing makasunod kay
Kristo? Juan 11:16; 13:37; 1 Tes. 5:23.
“Ang kaluluwang nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya kay
Kristo ay walang ibang mithiin ni higit na mabuti kaysa sa malaman at
gawin ang kalooban ng Diyos.”—5 T, p. 644.
“Ang mga Kristyano ay inutusan na ihandog ang kanilang mga katawan,
‘na isang buhay na handog, banal, katanggap-tanggap sa Diyos’ (Roma
12:1). Upang magawa ito, ang lahat nilang kapangyarihan ay dapat ingatan
sa pinakamabuting kalagayan. Bawat gawain na nagpapahina sa kalakasan
ng katawan o ng isipan ay nag-aalis ng kakayahan ng tao upang maglingkod
sa kanyang Manlalalang.”—ANL, p. 18.
“Nakabayubay sa krus si Kristo ang ebanghelyo…. Ito ang ating
mensahe, ang ating pangangatwiran, ang ating doktrina, ang ating babala sa
mga hindi nagsisisi, ang ating pampatibay sa mga nalulumbay, ang pag-asa
ng bawat mananampalataya. Kung magigising natin ang interes sa isipan ng
mga tao na magtutulak sa kanila upang ipako ang kanilang paningin kay
Kristo, maaari na tayong tumabi, at sabihin na lamang sa kanila na
ipagpatuloy ang pagpako ng kanilang paningin sa Kordero ng Diyos…. Siya
na ang paningin ay nakapako kay Jesus ay iiwanan ang lahat. Siya ay
mamamatay sa pagkamakasarili. Paniniwalaan niya ang lahat ng Salita ng
Diyos, na maluwalhati at kahangahangang itinaas kay Kristo.”—6 SDA BC
(E.G. White Comments), p. 1113.
69
Martes Disyembre 24
3. ISANG PERSONAL NA RELASYON
a. Ilarawan ang relasyon na nais magkaroon ng Panginoon sa Kanyang
mga anak, maging sa mga kahirapan at hamon ng buhay. Luc.
15:22-24; Juan 17:3, 16-20.
“Kung ipapahayag ninyo ang inyong mga kasalanan, manampalataya
kayo na sila’y napatawad na, sapagkat ang pangako ay positibo. ‘Kung
ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at matuwid na
magpapatawad ng ating mga kasalanan, at upang linisin tayo sa ating mga
kalikuan’ (1Juan 1:9). Bakit kung gayon nilalapastangan ninyo ang Diyos sa
pamamagitan ng pag-aalinlangan sa Kanyang nagpapatawad na pag-ibig?
Kapag naipahayag na ninyo ang inyong mga kasalanan, manampalataya
kayo na ang salita ng Diyos ay hindi magkakamali, kundi na Siya na
nangako ay matapat. Tungkulin ninyo na manampalataya na tutuparin ng
Diyos ang Kanyang salita at patatawarin kayo sainyong mga kasalanan tulad
lamang ng inyong tungkulin ng pagpapahayag ng inyong mga kasalanan.
Ang inyong pananampalataya ay dapat gamitin sa Diyos tulad sa isang tao
na gagawa tulad lamang ng Kanyang sinabi na Kanyang gagawin—
patatawarin ang lahat ninyong pagsalangsang.”—HP, p. 126.
“Kung tayo ay lubusang magpapasakop kay (Kristo), na iwanan ang
ating buhay ng pagkakasala at hilig at kapalaluan, at humawak kay Kristo at
sa Kanyang mga merito, tutuparin Niya sa atin ang lahat Niyang ipinangako.
Sinabi Niya na Siya ay magbibigay ng masagana sa lahat ng humihingi sa
Kanya. Hindi ba tayo makapaniwala? Nasubukan ko na Siya sa puntong ito,
at nalaman ko na Siya ay tapat sa pagtupad ng lahat Niyang mga pangako.”
—ST, Sety. 29, 1887.
b. Anong antas ng impluwensiya magkakaroon ang krus ng Kalbaryo
sa pagpapatibay ng ating relasyon sa Diyos? Juan 12:32.
“Hinahamon ng krus ng Kalbaryo at sa wakas ay papawiin ang bawat makalupa
at makaimpiyernong kapangyarihan. Sa krus ang lahat ng impluwensiya ay
nakasentro, at mula dito ang lahat ng impluwensiya ay lalabas. Ito ang dakilang
sentro ng pansin; sapagkat dito ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay para sa lahi
ng tao. Ang sakripisyong ito ay iniaalok sa layunin ng pagsasauli sa tao sa kanyang
orihinal na kasakdalan. Oo, higit pa, ito’y iniaalok upang ibigay sa kanya ang buong
pagbabago ng ugali, na ginagawa siyang higit pa sa mananagumpay….
“Kung ang krus ay hindi makasumpong ng impluwensiya sa panig nito, ito’y
lumilikha ng impluwensiya. Sa bawat salin ng lahi, ang katotohanan para sa
panahong ito ay nahayag bilang pangkasalukuyang katotohanan. Si Kristo sa Krus
ang namamagitan kung saan ang habag at katotohanan ay nagtagpo, at ang
katuwiran at kapayapaan ay nagsama. Ito ang mga paraan na siyang kikilos sa
sanglibutan.”—6 SDA BC (E.G. White Comments), p. 1113.
70
Miyerkules Disyembre 25
4. MGA KABAGABAGAN AT MGA PAGSUBOK
a. Kapag kaharap ang mga pagsubok at mga kahirapan, at nadarama
na tayo’y nag-iisa at nanghihina, ano ang maaari nating alalahanin? Mat. 11:28; Awit 36:9, 10.
“Ang mga salita ni Kristo, na nakakaaliw, at nagpapasaya sa mga naki-
kinig sa kanila, ay para sa atin ngayon. Tulad sa matapat na pastor na naka-
kakilala at nagmamalasakit sa kanyang tupa, gayon si Kristo na nagmama-
lasakit sa Kanyang mga anak. Alam Niya ang mga pagsubok at mga kahira-
pan na nakapalibot sa bawat isa. ‘Pakakainin niya ang kanyang kawan tulad
ng pastor,’ sabi ni Isaias; ‘Titipunin niya ang mga tupa sa kanyang mga
bisig, at bubuhatin sila sa kanyang kandungan’ (40:11). Kilala ni Kristo ang
Kanyang tupa sa kailaliman, at ang mga nagdurusa at walang kakayanan ang
layunin ng Kanyang natatanging pangangalaga. Ibinigay Niya ang Kanyang
buhay para sa kanila, at alam Niya ang kanilang mga pangangailangan na walang ibang nakakaalam.”—RH, Mayo 18, 1897. “Hindi kayo iniwan ni Jesus upang mabigla at magtaka sa mga pagsubok
at mga kahirapang makakatagpo ninyo. Sinabi na Niya sainyo ang tungkol
sa lahat ng ito, at sinabi din Niya sainyo na hindi kayo ibabagsak at
pabibigatan kapag dumating ang mga pagsubok. Dapat kayong tumingin kay
Jesus, ang inyong Manunubos, at magalak at magsaya…. Tayo ay may isang
buhay na Tagapagligtas, na lubos na nagmamahal sa atin na Siya’y namatay
para sa atin, upang sa pamamagitan Niya tayo ay magkaroon ng pag-asa,
lakas, at tapang, at upuan kasama Niya sa Kanyang luklukan.”—UL, p. 211.
“Iminumungkahi ni Satanas na wala kayong kakayanan at hindi ninyo
matutulungan ang inyong sarili. Ito’y totoo; wala kayong kakayanan. Ngunit
itaas ninyo si Jesus sa harap niya: ‘Kami ay may Tagapagligtas na muling
bumangon. Sa Kanya ako’y nagtitiwala, at hindi Niya ako kailan man
pababayaan upang malito. Sa Kanyang pangalan ako’y nagtagumpay. Siya
ang aking katuwiran at ang aking putong ng kagalakan.’ Huwag gawin ng
sinoman dito na madama na siya ay walang pag-asa, sapagkat hindi ito
totoo. Maaari ninyong makita na kayo ay makasalanan at wasak, ngunit ito
ang dahilan kung kaya kailangan mo ang isang Tagapagligtas.”—FW, p. 37.
b. Ano ang dapat na katangian ng ating karanasan? Awit 16:11; Efe.
5:18; Col. 2:6, 7.
“Ang mga anghel sa palibot ng luklukan (ni Jehova sa kabanalbanalang dako) ay
puspos ng pinakamataas na paggalang habang sila’y nakatingin sa kaluwalhatian ng
Diyos, na hindi sila tumingin ng minsan sa kanilang sarili na may paghanga…. Sila
ay lubos na nasisiyahan sa kaluwalhatian ng Diyos; nananahan sa Kanyang
presensiya, sa ilalim ng Kanyang mga ngiti ng pagsang-ayon, wala na silang iba
pang hangad.”—GAG, p. 72.
71
Huwebes Disyembre 26
5. PAGLILINGKOD NA NAKASENTRO KAY KRISTO
a. Paano nahahayag ang paglakad ng isang tunay na Kristyano? 1 Juan
2:6; 4:19.
“Binigyang halaga ni Kristo ang pagtalima ng Kanyang bayan sa
kautusan ng Diyos. Sila ay dapat magkaroon ng matalinong kaalaman sa
kanila at isakabuhayan ito araw-araw. Hindi matutupad ng tao ang kautusan
ng Diyos, maliban na siya’y nakay Kristo, at si Kristo’y sa Kanya. At
imposible sa kanya na maging kay Kristo, na magkaroon ng liwanag sa
Kanyang kautusan, habang nilalabag ang pinakamaliit sa kanila. Sa
pamamagitan ng matatag, kusang pagsunod sa Kanyang salita,
pinatutunayan nila ang kanilang pag-ibig sa Sugo ng Diyos….
“Sa lahat nilang biglang pangangailangan at kabalisaan sila ay may
saklolo kay Jesukristo.”—TDWG, p. 142.
b. Sa pinakahuli ang kahihinatnan ng ating buhay ay nakabatay sa
bawat tama o maling pagpapasya na ating ginawa. Anong mga
pagsamo ang umaalingawngaw sa bawat isa sa atin? Deut. 30:19;
1Ped. 1:13-16; Efe. 4:1. Bakit? Apoc. 5:12.
“May isang dakilang pangunahing paksa na dapat laging isaisip sa
pagsasaliksik ng Kasulatan—si Kristo at Siya na napako sa krus…. Sa
liwanag lamang ng krus ating makikilala ang itinaas na katangian ng
kautusan ng Diyos. Ang kaluluwang naparalisa dahil sa kasalanan ay
maaaring bigyan ng buhay sa pamamagitan lamang ng gawain na ginawa sa
krus ng Pasimula ng ating kaligtasan.”—TIMKH, p. 208.
Biyernes Disyembre 27
Personal na mga Katanungan Para sa Pagbabalik-aral
1. Ano ang mithiin ng Diyos para sa Kanyang mga anak?
2. Ilarawan ang kahulugan ng magkaroon ng tamang relasyon sa Diyos.
3. Gaano katapat ang Diyos sa pagsasauli sa atin?
4. Kapag kaharap natin ang mga kahirapan, ano ang dapat nating
alalahanin?
5. Anong dakilang pangunahing katotohanan ang magdadala sa atin sa
pagdadalisay ng puso at buhay?
72
73
top related