pagbebenta ng sarili

Post on 14-Jun-2015

242 Views

Category:

Presentations & Public Speaking

6 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Nangangailangan ka ba ng Kaibigan?Mga dahilan kung bakit hindi ka magsisisi na makilala ako.

ni Peter Torres

Nalulungkot ka ba at nangangailangan ng kaibigan?

Larawan: http://bestclipartblog.com/30-friends-clip-art.html

Masayahin

Likas akong masayahin. Hindi ko hinahayaan na tuluyan akong maapektuhan ng aking mga problema. Ang sabi ng aking mga kaibigan, palabiro ako kaya lagi nila akong gustong kasama. Ang sabi rin nila, pinapagaan ko ang mga mabibigat na sitwasyon.

Oh... Hindi na sa akin nanggaling yan ah!

Kailangan mo ba ng makakausap o ng makakasama na maraming baong kuwento.

Larawan: http://www.clipartof.com/gallery/clipart/talkative.html

MadaldalSige na nga! Aaminin ko na madaldal ako. Lagi akong may baong kuwento kapag kasama ko ang aking mga kaibigan. Kasi naman, hindi ko masyadong gusto na malungkot ang mga kaibigan ko kaya pinapasaya ko sila gamit ang mga baon kong nakakatawang kuwento. Kapag may bagong kaibigan na sasama sa aming barkada, ayoko naman na wala siyang makakausap. Sigurado ako na tahimik siya kasi siya ay nahihiya. Kaya ako na lang ang mauuna na makipag-usap.

Nangangailangan ka ba ng katulong sa pag-aaral?

Larawan: http://www.gograph.com/stock-illustration/home-study.html

Masipag

Masasabi kong masipag ako. Lagi kong sinisikap na tapusin ang aking mga takdang-aralin sa tamang oras. Sa katunayan, lagi ko itong sinisimulan nang maaga para iwasang magpasa nang huli.

Huwag na kayong kumontra, masipag talaga ako… Pramis…

May katanungan ka ba tungkol sa linggwistika at kung paano bigkasin ang mga ispesipikong tunog ng International Phonetic Alphabet?

Larawan: http://lewwaters.com/2013/06/25/when-did-public-union-teachers-become-so-sacrosanct/

LinggwistikaAng aking pangunahing pinag-aaralan sa Unibersidad ng Los Angeles ay Linggwistika at Antropolohiya. Nakaka-engganyong pag-aralan ang samu’t saring paraan ng pagbigkas. Nakakatuwa ring pag-aralan ang iba’t ibang tunog na ginagamit sa iba’t ibang wika sa mundo. Kaya naman kung kailangan mo ng tulong dito, alam mo na kung sinong tatawagin mo!

Nais mo bang matutunan ang papel na ginagampanan ng pagsasalita sa inter-aksyon sa pagitan ng mga tao?

Larawan: http://sociology.mrdonn.org/social-interaction.html

Antroplohiya

Hindi lang linggwistika ang pokus ng aking pag-aaral. Pinag-aaralan ko rin kung paano ginagamit ang wika sa pang-araw-araw na inter-aksyon ng mga tao. Sa katunayan, madali kong masasabi mula sa inyong paggalaw kung nais n’yo nga ba talagang makinig sa aking sinasabi o hindi naman kaya’y nababagot na kayo.

Kailangan mo ba ng magbubukas ng pintuan ng sasakyan para sa iyo?

Larawan: http://www.clipartof.com/gallery/clipart/gentleman.html

Maginoo

Marahil ay narinig n’yo na ang kantang “Maginoo pero medyo bastos.” Sigurado akong hindi ako ang tinutukoy ng awiting iyon. Naniniwala ako na ang mga kalalakihan ay dapat maging maginoo at ang mga kababaihan ay dapat ituring na parang prinsesa. Hindi pa patay ang chivalry para sa akin.

Kailangan mo ba ng tagapagsalin sa wikang Filipino?

Larawan: http://www.clipartof.com/gallery/clipart/commemoration.html

Pinoy ako

Laki ako sa Maynila kaya naman marunong akong magsalita ng wikang Filipino. Buong buhay ko ay nag-aral din ako ng Ingles. Kaya naman, kung kailangan mo ng tagapagsalin sa pagitan ng dalawang wika, aba’y tawagin mo lang ako.

Kailangan mo ba ng drayber na magdadala sa iyo sa magagandang lugar sa Los Angeles?

Larawan: http://www.clker.com/clipart-jeepney.html

“Sweet Drayber”

“Basta Pilipino, Sweet Drayber” Maingat ako magmaneho. Kaya naman siguradong nasa maalagang kamay ka kapag ako ang magdadala sa iyo sa iba’t ibang lugar sa Los Angeles. Tulungan mo lang ako magbayad ng gasolina. Dalawang beses lang naman kasi akong nasangkot sa aksidente sa kalsada. Kaya naman sigurado akong natutunan ko na ang aking leksyon. Relaks ka lang, sakay na!

Nais mo ba ng katulong magbuhat sa gym?

Larawan: http://www.123rf.com/clipart-vector/gym_training.html

Mahilig MagehersisyoGym Buddy nga ba ang hanap mo? Aba nga naman ay mukhang sinuswerte ka. Mahilig akong pumunta sa gym. Kumbaga, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nag-eehersisyo. Kapag nagbubuhat ako sa gym, nailalabas ko ang aking mga mabibigat na saloobin. Para bang naiisip ko na kung kaya kong buhatin ang mga mabibigat na bagay, kaya ko ring buhatin ang mabibigat na problema.

Bigo ka ba sa Pag-ibig?

Larawan: http://www.clker.com/clipart-187938.html

MapagmahalMapagmahal ako sa aking pamilya at sa aking mga kaibigan. Kaya naman kung bigo ka sa pag-ibig, ako ang magsisilbing band-aid na tutulong sa iyo na makaraos sa iyong mga problema. Alam kong single ako, pero busy ako… Pasensya na… Wala akong oras para sa ganyang klase ng relasyon…Ngunit matutulungan kita sa pamamagitan ng pagmamahal na aking ibinibigay sa aking mga kaibigan.

Karagdagang Payo

Kung lagi kang iniiwan ng mahal mo, aba naman ay panahon na para humanap ka ng pangit. Sabi nga ni Andrew E., humanap ka ng pangit at hindi ka ipagpapalit nito. “Kaya humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay.“

Nakumbinsi ba kita?Sana ay naging matagumpay ako sa paghihikayat na ako ay iyong maging kaibigan. Ako ay masipag, mapagmahal, maingat, madaldal, at kung anu-ano pa.

Ang higit sa lahat, ako ay palakaibigan. Hindi ako basta-bastang nanghuhusga ng kapwa. Para sa akin, ang pagkakaroon ng kaibigan ay higit pa sa kahit anong yaman sa mundo sapagkat ang kaibigan ay laging nandiyan, ano man ang mangyari.

Sige na… I-add mo na ako sa Facebook. Friends na tayo. =)

top related