sala
Post on 01-Nov-2014
111 Views
Preview:
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
1. Salubong ang kilay - galit2. May nunal sa paa - gala3. Putok sa buho - anak sa labas 4. Malalim ang bulsa - kuripot5. Tagilid ang bangka - talunan6. Bukas ang palad - mapagbigay7. Sumusulak ang dugo - galit na galit8. Pusong mamon- maramdamin9. Kayod-marino - masipag10. Matalim ang dila - masakit magsalita11. Tengang kawali - nagbibingi-bingihan12. Mataas ang lipad - mayabang13. Kumakalam ang tiyan - gutom14. Suntok sa buwan - baka sakali15. Bahag ang buntot - takot16. Katas ng pawis - mula sa pinaghirapan17. May gatas pa sa abi - bata pa18. Matalas ang ulo - marunong19. Mapait na kahapon - nakalulungkot na nakaraan20. Di maliparan ng uwak - malawak
Ibang kasagutan: Ang kalusugan ay kayamanan. - Health is WealthAng buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. - Life is like a wheel, sometimes your up sometimes your down.Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. - A person who does not remember where he came from will never reach his destination.Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. - Poverty is not a hindrance to success.Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda. - He who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish.Ang palay ay parisan, habang nagkakalaman ay alalong nagpupugay. - Imitate the rice stalk, the more grains it bears, the lower it bows.Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw. - A quitter never wins, a winner never quits. Walang tiyaga, walang nilaga - No pain, no gainMagsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak. - United we stand, divided we fall.Masakit ang katotohanan. -The truth hurts.Ang sakit ng kalingkigan, dama ng buong katawan. - The pain of the little finger is felt by the whole body.Huli man daw at magaling, naihahabol din. - Better late than never.Kapag and dagat ay tahimik, asahan mo at malalim. - Still waters runs deep.Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos. - A sleeping shrimp is carried away by the current.Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, Iluluwa kung mapaso - Marriage is not a joke. It is not like food that you can spit out when it is too hot to chew.Walang palayok na walang kasukat na tungtong. - Every pot has a matching lid.Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. - - -You will know a true friend in time of need.Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. - - - He who takes a lot of risks loses more than he can gain.Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. - - - Emulate what is good, ignore what is bad.Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik. - - - Nobody who spits upward does not spit on his face.
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. - - - Of what use is the grass when the horse is already dead.Maraming salita, kulang sa gawa. A man that talks too much accomplishes little.Madaling sabihin, mahirap gawain. Easier said than done.Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. --Spend lavishly and you end up with nothing.
Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
Kapag ang tao'y matipid,
maraming maililigpit.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod magtipon,
walang hinayang magtapon.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos
nakatunganga.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata, dala
hanggang pagtanda.
Pag di ukol, ay di bubukol.
Kung sino ang masalita
ay siyang kulang sa gawa.
Daig ng maagap ang
taong masipag.
Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing saka ng maluto'y
iba ang kumain.
Ang hipong tulog ay tinatangay ng agos. A sleeping shrimp is carried away by the water current. (Keep alert and be vigilant so you won't find yourself in a bad situation.)
Ang nakatikip na bibig ay hindi pinapasukan ng langaw. A covered mouth will not have flies entering it.(Keep your mouth shut and be quiet to stay out of trouble.)
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo. The grass is of no use if the horse is dead.(Don't be so fixated on accomplishing a certain task that you end up destroying the original goal for which the task was for.)
-Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.-Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.
-Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.-Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.
-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay. -Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.
-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.
-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas. -Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.-Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.
-Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.
-Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.
-Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.-Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin.
1. Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat.
2. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
3. Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
4. Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin.
5. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
6. Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
7. Mabisa ang pakiusap na malumanay, kaysa utos na pabulyaw.
8. Ang magtahi-tahi ng hindi tutoong kuwento, mabubuko rin sa bandang dulo.
9. Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay.
10. Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
11. Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang
12. Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan ng kanyang pabalat.
13. Walang tunay na kalayaan, kung nabubuhay sa kahirapan.
14. Ang talagang matapang, nag-iisip muna bago lumaba.
15. Titingkad ang iyong kagandahan, kung maganda rin ang iyong kalooban.
Ito ang ilang halimbawa ng kasabihan ng mga matatanda: -kung may tyaga may nilaga-aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo -habang maikli ang kumot, matutong mamaluktotHalimbawa ng mga kasabihan o salawikain:
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin. Kahit saang gubat, ay mayruong ahas. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Kung hindi ukol, hindi bubukol. Kung may isinuksok, may dudukutin. Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak. Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot
Iba't ibang Sawikain
ahas----taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay
isa pa lang ahas.
anak-dalita---mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain
ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong
natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa
mga balitang-kutsero.
balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting
kaibigan.
Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
basa ang papel---bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating
prinsipal na si Ginang Matutina.
buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang
maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa
makatulong sa iyo?
bukal sa loob---taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga
nangangailangan.
busilak ang puso---malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at
binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.
di madapuang langaw---maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.
di makabasag-pinggan---mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na
si Nena.
hampaslupa---lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.
haligi ng tahanan---ama
ilaw na tahanan---ina
Halimbawa:
Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina
naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.
isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa
ibang pangangailangan
Halimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka
ang kalagayan ng buhay.
itaga sa bato---tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man
kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
itim na tupa---masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang
nagiging itim na tupa.
kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng
sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.
kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa
pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang
kinikita.
kapit-tuko---mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang
kompanya at malapit ng magsara.
kidlat sa bilis---napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-
uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.
kilos-pagong---makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.
luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong
pananangis
Halimbawa:
Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng
mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.
(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang
Filipino na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki")
Mahangin ang ulo----mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin
ang ulo ng mga anak nitong lalaki.
matalas ang ulo---matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan
Valedictorian at Magnacum Laude.
mahina ang loob---duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan
upang hindi manganib ang buhay.
malakas ang loob---matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na
holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.
makapal ang bulsa---mapera
Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi
nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.
makapal ang palad---masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa
na siyang milyonaryo.
magdilang-anghel---magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala,
magdilang-anghel ka sana.
pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng
uwak.
pagiisang dibdib---kasal
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila t Conrado ay gaganapin sa Oktubre
18 sa darating na taon.
pusong-bakal---hindi marunong magpatawad
Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may
pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?
tinik sa lalamunan---hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa
kalabang pulitiko.
tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun
ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.
bungang-tulog---panaginip
maamong kordero---mabait na tao
Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging
pinupuri ng kanyang guro.
butas ang bulsa---walang pera
mababaw ang luha---iyakin
Halimbawa":
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa
radyo o pelikula ay iniiyakan.
kabiyak ng dibdib---asawa
mabigat ang dugo---di-makagiliwan
Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa
baguhang si Norma na isang probinsiyana.
maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti
maitim ang budhi---tuso, masama ang ugali
Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid
sa loob ng sampung taon.
mahabang dulang---kasalan
malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatan
Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay.
Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.
namamangka sa dalawang ilog---salawahan
makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman
Halimbawa:
Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang isip. Walang mararating
ang anumang katwiran mo.
nagbibilang ng poate---walang trabaho
malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip.
Marami kang matututunan, marami kang malalaman.
nakahiga sa salapi---mayaman
mapurol ang utak---bobo
Halimbawa:
Talaga yatang mapurol ang itak ng aking pamangkin. Natapos niya
ang elementarya sa loob ng siyam na taon.
nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos
binata,matandang babae nag-aayos dalaga
masama ang loob---nagdaramdam
Halimbawa:
Halatang masama ang loon ni Miss Gan dahil hindi siya nasali sa mga
nabigyan ng parangal.
naniningalang-pugad---nanliligaw
matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinig
Halimbawa:
Matalas ng tainga ng aking ama kahit na siya ay 93 taong gulang na.
sira ang tuktok---gago, luko-luko
Halimbawa:
Sira ng tuk-tok ng taong iyon, kanina pa sayaw nang sayaw sa tabi ng
daan.
takaw-tulog---mahilig matulog
Halimbawa:
Paano kang aasenso sa trabaho mo gwardiya kung ganyang lagi kang
takaw-tulog?
top related