yabag 2012, vol. 2: sulyap

Post on 17-Mar-2016

224 Views

Category:

Documents

1 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Yabag 2012-2013, Vol. 2: Sulyap Mula sa Tanggapan ng Pangkalahatang Kalihim, Ateneo Gabay

TRANSCRIPT

YABAG 7

Natapos ang isang buong semestre ng mga proyekto, pagkikita, pagpupulong, katuwaan, lungkot, pagpupunyagi at pagsusumikap. Patungo naman tayo sa isang panibagong semestreng puno rin ng mga ganitong uri ng aktibidades at mga panibagong pagkakataon nanaman upang magamit natin ang ating mga natutunan sa hinaharap.

NeoFight, isang araw ng mga talks na naglalayong maihanda sila sa mga kahaharapin nila pagdating sa kolehiyo sa Ateneo. Ang lahat ng ito ay inihanda ng Academics Committee ng organisasyon.

HanggangHanggang ngayon, pinakamaraming katuwang na shops at stalls pa rin ang Ateneo Scholars’ Privilege Card sa lahat ng membership cards sa Ateneo. Mayroong mga discounts o freebies sa 30 shops at stalls sa loob at labas ng Ateneo. Ang ikinaganda ng card ngayon ay ang pagkakaroon ng maramingmaraming katuwang dito mismo sa loob ng pamantasan upang mas malapit ang mga discounts at freebies na maaaring matamo ng mga iskolar. Kasabay rin namang ipinamigay noong Registration Week sa Ateneo Scholars’ Privilege Card ang Scholars’ Brochure na naglalaman rin ng mga impormasyon na nakatutulong sa mga iskolar ng unibersidad.nakatutulong sa mga iskolar ng unibersidad.

Higit sa lahat, maituturing na isang tagumpay ang nagtapos kamakailan lang na Ateneo Scholars’ Week 3. Ang linggong ito ay naglaman ng mga proyektong naglalayong

ningasin ang apoy ng passion sa puso ng mga iskolar, at tulungang bigyan ng perspektibo kung paano gamitin ito sa kanilang napiling sektor. Binigyan rin natin ng pagkakataong makapagsaya ang mga iskolar sa linggong ito sa pamamagitan ng Pitstop: a Scholars’ Quiz Show at ang kulminasyonkulminasyon ng buong linggo, ang Accendo: The Scholars’ Party 2012. Sa kabuuan ng linggo, namigay rin tayo ng sari-saring mga freebies sa Freebie booth, naghanda ng Scholars’ Lounge, isang lugar kung saan puwedeng makihalubilo ang mga iskolar, nagtayo ng exhibit ng mga matagumpaymatagumpay na iskolar na maaaring makapukaw sa kalooban ng mga iskolar, at isang pledge booth, and Sponsor-A-Kid booth, kung saan maaaring makapagbigay ang mga Atenista, hindi lamang mga iskolar, ng maliit na halaga para sa ating mga erya kids.

Hindi lamang ang mga panlabas na mga proyekto ang nagpamalas ng kalinangan ng mga miyembro sa paghawak ng mga proyekto. Isang malaking talon ang naisagawa sa Leadership Management Program, kung saan tuluyang napaganda ang kabuuan ng programa para sa mga makikilahokmakikilahok dito. Katuwang ang Ateneo Student Leaders Assembly (ASLA), hinulma ang programa upang hindi lamang mga hard skills ang matutunan ng mga kasapi, kundi pati na rin ang mga soft skills sa pagiging isang pinuno.

top related